“Astin,” sambit niya ng i-upo siya nito sa shotgun seat. Napalitan ng saya ang kaninang kinakabahang dibdib. Hindi siya makapaniwala na si Astin ang nasa harap niya.
Sinundan ba siya nito?
“I see. Kanina pa kita tinatawag, hindi ka sumasagot,” galit na sabi nito at hinila ang headset ni Lexxie. Akmang itatapon nito nang pigilan niya.
“‘Wag! Kay Lexxie yan,”
Napakunot-noo ito pero nawala din. Imbes na sa labas itapon ay sa likod na upuan niya ito inihagis. Nagulat siya nang isara nito ng malakas ang pinto ng sasakyan nito, at umikot papuntang driver seat.
Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa makasakay ito. Nilingon siya nito. Napasinghap siya nang bigla nitong ilapit ang saril
Napasubsob si Astin sa kaniya pagkatapos ng kanilang maiinit na tagpo. Hindi akalain ni Laura na aabot sila sa ilang beses pa. Pagod pero hindi maikakailang napakasaya niya. Para sa kaniya ito ang isa sa pinakamasayang gabi para sa kaniya. Sa wakas ay naialay din sa binata ang matagal ng iniingatang pagkababae. Sana maging daan ito upang tuluyan na silang magkaayos ng binata. Wala siyang pakialam sa sasabihin ng iba basta ang sa kaniya makuha lang ulit si Astin. Napakagat-labi siya nang magtaas ito ng tingin sa kaniya. Nginitian niya ito kapagkuwan. Hindi man ito gumanti ng ngiti pero nakitaan niya ng kakaibang kislap sa mga mata nito. At least nabawasan ang galit mula dito. Isa iyon sa senyales na lumalambot na ang puso nito sa kaniya. Nahiga ito sa tabi niya mayamaya. Sabay silang napatingin sa teleponong tumutunog. Hindi sa kaniya iyon. Sa binata na telepo
Napangiti si Laura nang makita ang ama na naghihintay sa kaniya. Medyo humapis ang mukha nito. Pero magandang lalaki pa rin ang kaniyang ama. Agad na sinalubong sinalubong siya nito pagkababa ng taxi.Iginiya siya ng ama sa isang bench na malapit sa hardin ng rehabilitation center. May mga tumitingin pa rin naman sa ama niya na mga staff pero nagpadala pa rin ang Tita Kendra niya ng nurse para sa ama.“Kumusta ka na anak?”“Ayos na ayos po ako, Daddy. Kayo po ang dapat kong kumustahin,”“Aba’y maayos na maayos ako, Laura, anak. Na-miss kita, Princess,” mayamaya ay sabi nito. Kumislap ang gilid ng mga mata nito. Mukhang pinipigilan nitong umiyak.Ginagap niya ang kamay nito.“Sobr
"Astin,” aniyang tumitig dito. “Akala ko ba pagod ka. Bakit hindi ka mahiga? Hindi iyong puro cellphone ang inaatupag mo,” anito at iginiya siya pahiga. Siya naman si tanga nahiga na din. Nakatingin lang siya dito. Sa tabi ba niya ito matutulog? Kung sa tabi nga niya. Makakatulog kaya siya ng mahimbing? Oh God, aniya sa isip. Bumilis ang kabog ng dibdib niya sa isiping iyon. Tumitig pa siya sa mukha nito, partikular na sa mga labi nito. Kumibot iyon kaya napalunok siya. Napapikit siya nang dahan-dahan nitong ilapit ang mukha sa kaniya. She was expecting a kiss on her lips from him. But to her dismay, his kiss landed on her cheeks. Kaya nakaramdam siya ng inis sa ginawa nito. Napamulat siya ng mata. Sa tingin niya, pulan
“Ano bang problema mo, Astin?” tanong niya dito nang bitawan siya at isinandal sa sasakyan nito.“Do you know what the problem is? Nakikipag-date ka sa Del Franco na iyon!” sigaw nito sa kaniya na ipinagtaka niya.“Date? Ako nakikipagdate kay Darryl? Nakita mo lang kaming magkasama nagde-date na agad?” galit na tanong niya dito.“F*ck, Darryl na lang talaga,” bulong nito bago tumingin sa kaniya ng derecho.Alam kasi nito ay kuya ang tawag niya kay Darryl dahil kapatid ito ni Asia at mas matanda ito sa kaniya ng isang taon.Mayamaya ay binuksan nito ang pinto ng sasakyan nito.“Pasok.” Utos nito sa kaniya.Hindi siya
Napahawak si Laura sa laylayan ng nighties niya nang lumabas ng banyo. Naiilang siya sa paraan ng pagtitig ng binata sa kaniya. Iniwas niya ang tingin dahil sa ilang beses nitong paglunok.Isinampay niya ang towel at hinarap ito.“Ahm, sa kabilang silid ako matutulog,” paalam niya dito.Hindi nito inaalis ang tingin sa kabuuan niya kaya naglakad siya. Napapakamot siya ng batok. Ang tagal nitong sumagot, kaya humarap ulit siya dito, na pilit pinapahaba ang suot. Nakatitig kasi ito sa ibabang bahagi ng katawan niya.“Astin,” untag niya dito.Bigla naman itong natauhan. “No. Dito ka matutulog. Sa tabi ko,” matigas na sabi nito.“Pero As
Nagising siya kinabukasan, sa mabining halik ng binata. Napatingin siya sa wall clock. Alas-sais y media pa lang ng umaga, pero nakabihis na ito. “Good morning, Sweetie,” masuyong sabi nito na ikinangiti niya. Mukhang maganda ang gising ng binata ngayon. Hindi naman siguro siya bingi para hindi marinig ang endearment na iyon. Ang sweet din ng aura nito ngayon. Sana tuloy tuloy na ito. Sana, isa sa mga araw na ito pagbigyan na siya ni Astin na pag-usapan ang tungkol sa kanila. She wants him back. Selfish man dahil may Barbie ito ngayon, pero pinagsisihan na naman niya ang ginawang kasalanan dito. Hindi ba puwedeng pagbigyan nas siya ng tadhana? “Morning din. May pasok ka?” tanong niya dito kapagkuwan. Tumango ito. Hinaplos nito ang mukha niya. Pinisil nito ang ibabang
Hindi namalayan ni Laura na nakatulog na siya. Nagising na siya mga madaling araw. Lahat ng pagod niya nitong dalawang araw parang ngayon lang napawi. Nakapagpahinga na din siya kahit papano. Tunog ng tiyan niya ang naging dahil para tumayo. Humihilab na pala. Nalipasan na siya ng gutom. Siyam na oras siyang tulog. Parang bumalik ang lakas niya. Yun nga lang gutom na gutom na siya. Nilinga niya muna ang mata kung may ibang tao pang gising. Paniguradong tulog na ang mga tao. Napakatahimik na ng kabahayan. Mabilis na tinungo niya ang kusina at kumain. Pagkatapos kumain ay bumalik na siya sa sariling silid. Naupo siya sa maliit na study table niya. Napatingin siya sa telepono ng tumunog iyon. Hinigit niya iyon at tiningnan kung sino ang nagpadala ng me
Kakalabas lang ni Laura sa banyo ng pumasok ulit si Astin. Nagtama pa ang kanilang paningin. Siya ang unang bumawi. Dumerecho ito sa kama niya. Siya naman naupo sa maliit na upuan ng vanity table niya, at nagpatuyo ng buhok. Kita niya sa peripheral vision niya, na nakatunghay ito sa kaniya. Iba na naman ang aura nito. Mukhang humupa na ang galit dito.Wala na ang galit sa mukha nito, and it makes her vulnerable. Again. Gusto na niyang pagalitan ang sarili. Marupok.Naririnig niya ang panaka-naka nitong pagbuntong-hininga. Naguguluhan talaga siya sa inaasal nito. Wala naman silang ginagawang masama ni Darryl. At kung makahila ito sa kaniya para bang pag-aari siya nito. Oo, gusto niya na ariin siya nito. Pero hindi niya gustong maging third party. Hindi ba puwedeng patawarin na siya nito? Para maka move-on na siya ng tuluyan, gaya ni Mara, yung babaeng taxi driver na nasakyan niya. Nasasaktan na siya. Parang
Bandang alas-tres sila nakarating ng asawa sa EL Nido. Hindi niya akalaing may sariling airport doon ang Daddy niya. Alam niyang may resort ito dito, pero hindi niya alam kung saan iyon banda. Kakagising lang din ng asawa niya kaya kaagad na bumiyahe sila papunta sa private beach house nila mula sa private airport ng mga Madrid. Pitong araw silang mamalagi ng asawa dito. Sisiguraduhin niyang mag-eenjoy dito ang asawa. “Malayo pa ba?” Napabaling siya sa asawa nang marinig ang boses nito. “Malapit na, Sweetie. Siguradong mag-e-enjoy ka doon. I already saw it on video,” “Talaga?” Yumakap ang asawa niya sa kan’ya. “Hmmn,” Wala pan
Saka lang nag-sync-in sa utak niya na nakidnap na pala ang asawa niya.Nang mahimasmasan siya.Kaagad na tinawagan niya ang mga kaibigan niya sa militar, sakto namang kakabalik lang ng mga ito mula sa mahaba-habang misyon. Ito ang unang beses na humingi siya ng tulong mula sa mga ito pagkatapos niyang magretiro ng maaga. Maging si Ian at ang Papa niya ay nasabihan na din niya. Pinagsamang pulis, militar at mga tauhan ng Daddy Sebastian, nailigtas nila ang asawa niya. Pero hindi niya akalaing makikita sa loob si Thunder. Muli na namang nabuhay ang sama ng loob niya ng makita ito doon. Walang malay noon ang asawa nang iwan niya kay Thunder. Hindi pa siya handang harapin ang asawa sa sobrang sama ng loob niya. Alam niyang hindi ito pababayaan ni Thunder, gusto niyang mag-isip kahit sandali lang. Naguguluhan siya sa resulta.
Unang araw pa lang niya sa trabaho mukhang pinapakulo na naman ng paligid ang ulo niya. Wala man lang sumasagot kung nasaan si Romel. Wala siyang ibang pinagkakatiwalaan sa opisina kundi si Romel lang. Ang aga-aga niyang nakapameywang sa labas ng opisina niya. Hindi pa nale-late si Romel kahit noon pa man. Nakailang-ulit pa siyang tanong pero wala talagang makasagot ng matino sa mga tanong niya. God! First day niya, tapos ganito agad ang ibubungad sa kan'ya! Lalong uminit ang ulo niya nang makitang may bagong kasama si Lesha at sinabi nitong may bago siyang sekretarya. Kailan pa siya tumanggap ng babaeng sekretarya? Kailan pa? Pero natigilan siya nang marinig ang boses ng bagong sekretarya niya. Nanaginip ba siya? Bakit boses ng asawa niya ang naririnig niya? Bakit kasinglambing ng boses nito ang namayapa niyang asawa? Pinaulit niya ito ng dalawang beses para lamang kumpirmahin. Hindi nga s
"I love you," wika ng asawa bago ito tuluyang lamunin ng antok. "I love you too..." sagot niya dito. Mukhang hindi na nito narinig ang sinagot niya. Napatitig siya sa asawa. Nakatulog na nga ito pagkatapos ng maiinit nilang tagpo. May ngiti ito sa labi. Hindi niya maiwasang haplusin ang mukha nito. Unti-unting bumabalik ang sigla ng mukha nito no'ng bumalik sila sa buhay nito. Ano kaya ang gagawin nito kapag nalaman nitong wala naman pala talagang nangyari sa pagitan nito at ni Elisa? Napabuntong-hininga siya. Ano ba ang kasalanan nila, bakit sila pinarusahan ng ganito? Wala naman silang inagrabyado na tao. Lalo na kay Elisa, wala silang kasalanan dito bakit nito sinira ang pami
Sa sobrang inis ni Laura. Umahon siya sa tubig at dere-derechong umakyat ng silid. Pagkatapos maligo ay binisita niya ang mga bata. Tulog na pala ang mga kababaihan. Pinatay niya ang mga nakabukas na TV. Pero pagpasok niya sa kuwarto nila King. Gising pa ang mga ito, naglalaro pa. Kaagad na binitawan ni King ang hawak na telepono at niyakap siya. "Happy?" Tumango naman ito. "Sana lagi silang pumunta dito, Nanay para may mga kalaro ako." Ginulo niya ang buhok nito. "Hayaan mo, sasabihan ko ang Daddy mo, na lagi silang papuntahin dito. Okay?" Marahan itong tumango. Bumalik na ito kapagkuwan kaya lumabas na siya. Sinilip niya ang mga kaibigan, naliligo pa rin ang mga ito. Nak
Kagaya ng napag-usapan nila ni Astin, pagdating ng Manila hindi sila magkatabi matulog. Pinapalitan niya ng sofa bed ang nasa silid nila para doon ito matulog.Bumawi ito sa anak niyang si Gabriel pero kay King nahihirapan ito. Kaya minsan tinutulungan niya si Astin para mapalapit ang dalawa. Ginawaan din ni Astin si King ng maliit na court sa likod ng bahay. Alam niyang natutuwa ang anak pero magaling itong magtago ng emosyon.Araw ng sabado noon. Tinanghali siya ng gising.Napakunot-noo siya ng makita ang isang bulaklak sa side table niya. Isa iyong pink na Camellia. Inilinga niya ang paningin, nakaligpit na ng higaan si Astin. Wala na ring kaluskos sa banyo. Hinigit niya ang bulaklak at inamoy iyon. Hindi niya namalayang nakangiti na pala siya.
Pagdating nila sa bahay na tinitirhan nila ay nagmamadaling bumaba si King. Hindi siya nito hinintay. Tinawag pa ito ni Astin pero hindi man lang lumingon.Sabay na napatingin sa kanilang dalawa si Kiarra at Gabriel na nasa sala."Daddy!" Tumakbo si Kiarra at niyakap si Astin. Si Gabriel naman nakatunghay lang sa dalawa.Nilapitan niya si Gabriel at binulungan na yakapin ang Daddy nito pero nagtago lang ito sa likod niya. Nakalapit na pala noon si Astin sa kanila.Lumuhod ito para magpantay sa anak."H-Hello," nahihiyang saad ni Astin.Sumilip ang anak nang marinig ang boses ng ama.
3 years later..."Kinakabahan ako, Thunder." Napahawak siya kamay nito.Narinig niya ang mahihinang tawa nito."Relax. Pati tuloy ako nininerbyos." Hindi na nito napigilan ang humalakhak.Napahawak siya sa braso ni Thunder nang tumigil ito kakatawa. May kumatok kasi.Sabay silang napatingin sa pintuan nang bumukas iyon."Ready?" tanong ng doktor sa kanila.Ngayon kasi tatanggalin ang nakabalot sa mukha niya.Finally, maibabalik na din ang dating mukha niya. Ang daming nangyari sa loob ng tatlong taon.Muntik na siyang makunan ng tatlong beses. She was devastated dahil sa nasaksihan. She's in pain while carrying her son. She was lost. Hindi siya kumakain ng maayos. Wala siyang pakiaalam kung buntis siya. Lagi niyang hinihiling na sana kunin na siya ng poong maykapal.Hindi kayang tanggapin ng puso't-isip niya ang ginawa ng asawa.Pakiramdam niya, nag-iisa siya. Hindi niya nakikita ang effort ng mga
Napahawak si Thunder sa kamay ni Ira nang mapansing pabaling-baling ito sa higaan. Hindi pa rin ito nagigising. Ayon sa doktor baka, 12 hours yata ang epekto ng pampatulog na itinurok dito.Bigla siyang kinabahan nang marinig ang sunod-sunod na daing nito. Mukhang nanaginip ito ng masama. Pinagpapawisan din. Nag-aalala siya, kaya pinindot niya ang button para ipaalam sa nurse na may nangyayari kay Ira.Nakita niya ang paglabas ng butil sa gilid ng mga mata nito kaya nakaramdam siya ng awa."Ssshhhh... I'm here, Ira..." bulong niya dito.Napatingin siya sa kamay nilang magkahawak. Humigpit iyon. Sunod-sunod na din ang pagdaing nito. Hanggang sa magmulat ito ng mata. Bigla niya itong niyakap nang marinig ang hikbi nito."Ira!"Natigilan ito. Tumitig pa sa mukha niya."T-Thunder... N-Naalala ko na ang lahat. Ako si Laura. Ako nga ang asawa ni Astin. Nasaan siya? Nasaan ang asawa ko, Thunder?!" naghihisterical nitong tanong.