Hindi namalayan ni Laura na nakatulog na siya. Nagising na siya mga madaling araw. Lahat ng pagod niya nitong dalawang araw parang ngayon lang napawi. Nakapagpahinga na din siya kahit papano.
Tunog ng tiyan niya ang naging dahil para tumayo. Humihilab na pala. Nalipasan na siya ng gutom. Siyam na oras siyang tulog. Parang bumalik ang lakas niya. Yun nga lang gutom na gutom na siya.
Nilinga niya muna ang mata kung may ibang tao pang gising. Paniguradong tulog na ang mga tao. Napakatahimik na ng kabahayan. Mabilis na tinungo niya ang kusina at kumain.
Pagkatapos kumain ay bumalik na siya sa sariling silid. Naupo siya sa maliit na study table niya.
Napatingin siya sa telepono ng tumunog iyon. Hinigit niya iyon at tiningnan kung sino ang nagpadala ng me
Kakalabas lang ni Laura sa banyo ng pumasok ulit si Astin. Nagtama pa ang kanilang paningin. Siya ang unang bumawi. Dumerecho ito sa kama niya. Siya naman naupo sa maliit na upuan ng vanity table niya, at nagpatuyo ng buhok. Kita niya sa peripheral vision niya, na nakatunghay ito sa kaniya. Iba na naman ang aura nito. Mukhang humupa na ang galit dito.Wala na ang galit sa mukha nito, and it makes her vulnerable. Again. Gusto na niyang pagalitan ang sarili. Marupok.Naririnig niya ang panaka-naka nitong pagbuntong-hininga. Naguguluhan talaga siya sa inaasal nito. Wala naman silang ginagawang masama ni Darryl. At kung makahila ito sa kaniya para bang pag-aari siya nito. Oo, gusto niya na ariin siya nito. Pero hindi niya gustong maging third party. Hindi ba puwedeng patawarin na siya nito? Para maka move-on na siya ng tuluyan, gaya ni Mara, yung babaeng taxi driver na nasakyan niya. Nasasaktan na siya. Parang
“No! Hindi ako papayag! Alam ba yan ni Mama, Ate? At pina-hold mo pa ang pag-recruitment! Akala mo hindi ko malalaman,” galit na baling ni Andy sa kaniya.Nalaman nitong pina-hold niya ang pag-recruit ng panibagong Manager na ia-assign sa Caramoan. Hindi ito kumbinsido sa rason niya. Isang linggo na ang nakakalipas simula nang ipa-hold niya sa HR.“Andy, please? Malapit ng lumabas ang Daddy ko. At gusto kong magsimula ulit kami. Gusto ko sa Caramoan ulit,”“Wow. As if may may papansin kay Tito doon. Baka i-bully lang kayo doon. Hindi mo ba naiisip iyon? Bagong environment ang kailangan ng Daddy mo. At dito iyon sa Manila. Hindi siya kilala dito. Mahihirapan lang kayo doon. Kaya hindi ako papayag.” Sabay talikod papasok ng opisina nito.
Hindi nakaya ni Laura ang mga sumunod na oras. Parang siyang nakalutang sa ere. Ngayon lang siya nakainom ng ganoon kadami. Parang mabibiyak ang ulo niya sa sakit. Yung tipong gusto ng pumikit ng mata mo pero di magawa dahil may trabaho pa. Antok na antok na talaga siya.Iginiya niya ang sarili sa loob ng opisina ni Andy. Hindi na niya kaya. Nagpaalam siya dito na mag-undertime. Pumayag ito nang makita ang mga mapupungay na mata. Ipinahatid siya nito sa company driver. Nakatulog naman siya sa biyahe sa sobrang antok.Nagtaka pa ang ginang ng makita siya. Nagpaalam siya dito kaagad pagkatapos sabihing masama ang pakiramdam. Nag-alala ito kaya hinatiran siya nito ng gamot. Napatingin siya sa hitsura niya sa salamin. Medyo namamaga ang mukha niya, lalo ang mga mata niya. Ibig sabihin, kanina pa ganito ang mata niya? Nakakahiya sa mga nakakita.
Halos magkasabay sila ni Darryl na dumating. Kakauwi lang nito galing opisina. Ito ang una niyang nakitang naka business suit ito. Sabagay, bihira siyang pumunta sa bahay ng mga ito kapag weekdays. “Hi,” anito ng bumaba sa sasakyan nito. “Hello,” tugon niya dito. “Nabalitaan kong uuwi ka na ng probinsya. For good?” Tumango siya dito. “Whoah. Okay lang ba kung sasabihin kong, mamimiss kita?” natatawang sabi nito. “Nasabi mo na po,” sagot niyang natatawa din. “Gusto mong sumama?” pagkuway tanong niya na ikinatigil nito. Tumingin ito sa kaniya. "Saan?" "ZL Lounge,"
Isang buwan na ang nakalipas nang umuwi siya ng Caramoan. Bago pa man mag-birthday si BK ay nakalabas na ang ama niya. Kaya naging matapang siyang harapin ang bukas. Lahat ng atensyon niya ay binuhos niya sa ama. Isa naman talaga ang Daddy niya sa rason, kung bakit hindi siya sumuko sa buhay. Kahit wala na si Astin sa buhay niya. Nariyan pa ang ama niya. Na walang sawa sa pagpapramdam kung gaano siya nito kamahal. Kahit may kasama pa rin itong nurse, ay siya pa rin ang nag-aasikaso kapag free time. Hindi niya inaasa ang lahat sa nurse. Dahil walang tumatao sa bahay ng Tita Kendra niya ay doon siya umuuwi kapag abala sa resort, at hindi maka-uwi ng centro. Ang ama naman niya, sa dating bahay nila nakatira na nasa poblacion o centro kung tawagin. Hindi niya ito mapilit na sa sumama sa kaniya sa resort. Iyon ang gusto ng Tita Kendra niya. Kumuha na lang siya ng taga-alaga at taga-luto sa bahay nila. Malaki n
Dahil sa kabang naramdaman, isinara niya ang sliding door. Pagkasara ay bumalik siya sa higaan niya. Napasandal siya sa headboard ng kama. Ang bilis ng tibok ng puso niya pakiramdam niya, totoo ang nangyari sa panaginip. Pero napaka-imposible. Wala namang magtatangkang gumawa noon sa kaniya. Isa pa may mga sundalo sa paligid at tauhan ni ng mga Madrid. Napahawak siya sa labi niya. Hindi siya nakatulog ng mga sumunod na oras kaka-isip sa panaginip na iyon. Pabaling-baling siya sa higaan. Bumaba siya ng kama at tinungo ang pinto. Makakatulong sa kaniya ang pag-inom ng gatas. Bumaba siya at nagtimpla na lang ng gatas. Doon na lang din niya ito inubos. Pagkatapos ay umakyat siya at nahigang muli sa kama. Pinilit niyang matulog nang mahiga. Nakapikit lang siya, pero ang diwa niya ay gising. Mayamaya ay nakaramdam na siya ng antok. Tumingin muna siya sa
Hindi mawala-wala sa isip ni Laura ang napag-usapan nila ni John. Ibig sabihin magkikita na sila ng misteryosong CM na iyon? Pero bakit silang dalawa lang? Pasalampak na naupo siya swivel chair at hinarap ang mga papeles. Monday ngayon, marami-rami siyang gagawin para sa nagdaang linggo. Hindi pa man nag-iinit ang puwet niya ng makatanggap ng tawag sa mismong telepono niya. Unknown number kaya hinayaan niya lang hanggang sa mamatay iyon. Ilang sandali pa ay nakatanggap siya ng mensahe na nagmumula sa numerong iyon. Napa-angat siya ng kilay ng mabasa ang pangalan na inilagay nito sa dulo ng mensahe. Love, CM. Natawa siya ng mahina. Seriously? Mukhang pinagloloko siya nito. Binasa niya ang buong mensahe nito. Napangiwi siya sa banta nito sa kaniya. Hahalikan daw siya nito kapag nalaman nitong nag-jogging siya na ganoon ang suot. Namalayan na lang niya ang sariling nakangiti na naman. Parang masarap sa pakiramdam na may nagbabawal sa kani
Halos hindi niya magalaw ang pagkain dahil busog pa talaga siya. Talagang gutom nga ito, gaya ng sabi ni John."Hindi mo ba gusto ang nakahain? Magpapaluto ako," anito habang ngumunguya."Gusto ko, kaso busog na nga talaga ako," aniya."Ah, okay. Take out natin para makain mo mamaya,""May ulam sa bahay, 'wag ng i-take out,"Nalukot ang guwapo nitong mukha."Sinong nagsabi sayong uuwi ka sa bahay? Sasama ka sa akin." Nagpunas ito sa bibig pagkuwan. Tumitig pa ito sa kaniya."Ano? Nababaliw ka na ba? Hindi puwede. Nasa bahay niyo si Daddy, kaya uuwi ako. Papagalitan niya ako kapag hindi ako umuwi ng bahay," mahab
Bandang alas-tres sila nakarating ng asawa sa EL Nido. Hindi niya akalaing may sariling airport doon ang Daddy niya. Alam niyang may resort ito dito, pero hindi niya alam kung saan iyon banda. Kakagising lang din ng asawa niya kaya kaagad na bumiyahe sila papunta sa private beach house nila mula sa private airport ng mga Madrid. Pitong araw silang mamalagi ng asawa dito. Sisiguraduhin niyang mag-eenjoy dito ang asawa. “Malayo pa ba?” Napabaling siya sa asawa nang marinig ang boses nito. “Malapit na, Sweetie. Siguradong mag-e-enjoy ka doon. I already saw it on video,” “Talaga?” Yumakap ang asawa niya sa kan’ya. “Hmmn,” Wala pan
Saka lang nag-sync-in sa utak niya na nakidnap na pala ang asawa niya.Nang mahimasmasan siya.Kaagad na tinawagan niya ang mga kaibigan niya sa militar, sakto namang kakabalik lang ng mga ito mula sa mahaba-habang misyon. Ito ang unang beses na humingi siya ng tulong mula sa mga ito pagkatapos niyang magretiro ng maaga. Maging si Ian at ang Papa niya ay nasabihan na din niya. Pinagsamang pulis, militar at mga tauhan ng Daddy Sebastian, nailigtas nila ang asawa niya. Pero hindi niya akalaing makikita sa loob si Thunder. Muli na namang nabuhay ang sama ng loob niya ng makita ito doon. Walang malay noon ang asawa nang iwan niya kay Thunder. Hindi pa siya handang harapin ang asawa sa sobrang sama ng loob niya. Alam niyang hindi ito pababayaan ni Thunder, gusto niyang mag-isip kahit sandali lang. Naguguluhan siya sa resulta.
Unang araw pa lang niya sa trabaho mukhang pinapakulo na naman ng paligid ang ulo niya. Wala man lang sumasagot kung nasaan si Romel. Wala siyang ibang pinagkakatiwalaan sa opisina kundi si Romel lang. Ang aga-aga niyang nakapameywang sa labas ng opisina niya. Hindi pa nale-late si Romel kahit noon pa man. Nakailang-ulit pa siyang tanong pero wala talagang makasagot ng matino sa mga tanong niya. God! First day niya, tapos ganito agad ang ibubungad sa kan'ya! Lalong uminit ang ulo niya nang makitang may bagong kasama si Lesha at sinabi nitong may bago siyang sekretarya. Kailan pa siya tumanggap ng babaeng sekretarya? Kailan pa? Pero natigilan siya nang marinig ang boses ng bagong sekretarya niya. Nanaginip ba siya? Bakit boses ng asawa niya ang naririnig niya? Bakit kasinglambing ng boses nito ang namayapa niyang asawa? Pinaulit niya ito ng dalawang beses para lamang kumpirmahin. Hindi nga s
"I love you," wika ng asawa bago ito tuluyang lamunin ng antok. "I love you too..." sagot niya dito. Mukhang hindi na nito narinig ang sinagot niya. Napatitig siya sa asawa. Nakatulog na nga ito pagkatapos ng maiinit nilang tagpo. May ngiti ito sa labi. Hindi niya maiwasang haplusin ang mukha nito. Unti-unting bumabalik ang sigla ng mukha nito no'ng bumalik sila sa buhay nito. Ano kaya ang gagawin nito kapag nalaman nitong wala naman pala talagang nangyari sa pagitan nito at ni Elisa? Napabuntong-hininga siya. Ano ba ang kasalanan nila, bakit sila pinarusahan ng ganito? Wala naman silang inagrabyado na tao. Lalo na kay Elisa, wala silang kasalanan dito bakit nito sinira ang pami
Sa sobrang inis ni Laura. Umahon siya sa tubig at dere-derechong umakyat ng silid. Pagkatapos maligo ay binisita niya ang mga bata. Tulog na pala ang mga kababaihan. Pinatay niya ang mga nakabukas na TV. Pero pagpasok niya sa kuwarto nila King. Gising pa ang mga ito, naglalaro pa. Kaagad na binitawan ni King ang hawak na telepono at niyakap siya. "Happy?" Tumango naman ito. "Sana lagi silang pumunta dito, Nanay para may mga kalaro ako." Ginulo niya ang buhok nito. "Hayaan mo, sasabihan ko ang Daddy mo, na lagi silang papuntahin dito. Okay?" Marahan itong tumango. Bumalik na ito kapagkuwan kaya lumabas na siya. Sinilip niya ang mga kaibigan, naliligo pa rin ang mga ito. Nak
Kagaya ng napag-usapan nila ni Astin, pagdating ng Manila hindi sila magkatabi matulog. Pinapalitan niya ng sofa bed ang nasa silid nila para doon ito matulog.Bumawi ito sa anak niyang si Gabriel pero kay King nahihirapan ito. Kaya minsan tinutulungan niya si Astin para mapalapit ang dalawa. Ginawaan din ni Astin si King ng maliit na court sa likod ng bahay. Alam niyang natutuwa ang anak pero magaling itong magtago ng emosyon.Araw ng sabado noon. Tinanghali siya ng gising.Napakunot-noo siya ng makita ang isang bulaklak sa side table niya. Isa iyong pink na Camellia. Inilinga niya ang paningin, nakaligpit na ng higaan si Astin. Wala na ring kaluskos sa banyo. Hinigit niya ang bulaklak at inamoy iyon. Hindi niya namalayang nakangiti na pala siya.
Pagdating nila sa bahay na tinitirhan nila ay nagmamadaling bumaba si King. Hindi siya nito hinintay. Tinawag pa ito ni Astin pero hindi man lang lumingon.Sabay na napatingin sa kanilang dalawa si Kiarra at Gabriel na nasa sala."Daddy!" Tumakbo si Kiarra at niyakap si Astin. Si Gabriel naman nakatunghay lang sa dalawa.Nilapitan niya si Gabriel at binulungan na yakapin ang Daddy nito pero nagtago lang ito sa likod niya. Nakalapit na pala noon si Astin sa kanila.Lumuhod ito para magpantay sa anak."H-Hello," nahihiyang saad ni Astin.Sumilip ang anak nang marinig ang boses ng ama.
3 years later..."Kinakabahan ako, Thunder." Napahawak siya kamay nito.Narinig niya ang mahihinang tawa nito."Relax. Pati tuloy ako nininerbyos." Hindi na nito napigilan ang humalakhak.Napahawak siya sa braso ni Thunder nang tumigil ito kakatawa. May kumatok kasi.Sabay silang napatingin sa pintuan nang bumukas iyon."Ready?" tanong ng doktor sa kanila.Ngayon kasi tatanggalin ang nakabalot sa mukha niya.Finally, maibabalik na din ang dating mukha niya. Ang daming nangyari sa loob ng tatlong taon.Muntik na siyang makunan ng tatlong beses. She was devastated dahil sa nasaksihan. She's in pain while carrying her son. She was lost. Hindi siya kumakain ng maayos. Wala siyang pakiaalam kung buntis siya. Lagi niyang hinihiling na sana kunin na siya ng poong maykapal.Hindi kayang tanggapin ng puso't-isip niya ang ginawa ng asawa.Pakiramdam niya, nag-iisa siya. Hindi niya nakikita ang effort ng mga
Napahawak si Thunder sa kamay ni Ira nang mapansing pabaling-baling ito sa higaan. Hindi pa rin ito nagigising. Ayon sa doktor baka, 12 hours yata ang epekto ng pampatulog na itinurok dito.Bigla siyang kinabahan nang marinig ang sunod-sunod na daing nito. Mukhang nanaginip ito ng masama. Pinagpapawisan din. Nag-aalala siya, kaya pinindot niya ang button para ipaalam sa nurse na may nangyayari kay Ira.Nakita niya ang paglabas ng butil sa gilid ng mga mata nito kaya nakaramdam siya ng awa."Ssshhhh... I'm here, Ira..." bulong niya dito.Napatingin siya sa kamay nilang magkahawak. Humigpit iyon. Sunod-sunod na din ang pagdaing nito. Hanggang sa magmulat ito ng mata. Bigla niya itong niyakap nang marinig ang hikbi nito."Ira!"Natigilan ito. Tumitig pa sa mukha niya."T-Thunder... N-Naalala ko na ang lahat. Ako si Laura. Ako nga ang asawa ni Astin. Nasaan siya? Nasaan ang asawa ko, Thunder?!" naghihisterical nitong tanong.