"Sarhento,” napapitlag siya ng marinig ang isang boses mula sa likuran niya. Paglingon niya ay nag-aalalang mukha ni John ang nabungaran.
There he goes again, reminiscing about his past. May kaunting kirot pa rin. Pero hindi na rin katulad ng dati. Marunong na siyang mag-control sa sarili. Masasabi niyang ibang Astin na siya ngayon. Hinubog na ng panahon. He dated a lot of women para mailabas lang ang pangangailangan niya bilang lalaki. Hindi na ang dalaga ang sinentro niya sa buhay. Hindi madali ang maging sundalo. Ilang buwan kayong wala sa siyudad at higit sa lahat malayo pa sa pamilya. Kung
Walong taon na siyang malayo sa pamilya. Nagtapos siyang rank 1 sa military 4 years ago. Proud naman sa kanya ang magulang pero hindi masaya ang mga ito sa pinili niyang propesyon. Sobrang nalungkot ito nang pumayag siya na ipadala sila sa ibang bansa.
Pauwi na si Astin...Yuho! Hi, Laura!
Pababa si Laura sa hagdan nang marinig ang Tita Kendra niya na kausap ang Tito Kent niya sa kabilang linya. Tumigil siya sa paghakbang. Gusto niyang marinig ang balita tungkol kay Astin. Walong taon niya itong hindi pa nakita. Sinisisi niya ang sarili kung bakit pumasok ang binata sa pagiging sundalo. Kung sinipot niya sana ang binata sa kasal ay hindi sana mangyayari ang mga bagay na ito ngayon. Masaya sana ang binata at kapiling pa nila ito hanggang ngayon. Hindi man pinapahalata sa kaniya ng Tita Kendra niya ay alam niyang malungkot ito. Lagi niya itong nakikitang pumapasok sa kuwarto ng binata at doon nagpapalipas ng maghapon. Ilang beses na siyang humingi ng tawad sa mag-asawang Hernandez pero hindi ang mga ito nagtanim ng sama ng loob. Tinanggap siyang muli ng mga ito pagkalipas ng isang taon.At ngayon secretary siya ngayon ni Andy. Inalok din siya ng posisyon sa kompanya pero hindi niya iyon tinang
Kakatapos lang ni Laura maligo. Hinihintay niyang dalhin ang susuotin na dress para sa welcome back party ni Astin. Ayaw sana ng binata pero mapilit ang ina nito. Imbitado ang mga malalapit na kamag-anak at kaibigan ng pamilya nito. May mga opisyal din ng police at AFP na dadalo. Inimbitahan din ang buong tropa ni Astin na nagsilbing pamilya nito habang nakikipagdigma sa ibang panig ng mundo.Nakangiting mukha ni Andy ang nabungaran niya ng marinig ang pagkatok mula sa pintuan niya.“You okay?” tanong kaagad nito.“Yeah,” aniya at ngumiti dito.Inabot nito sa kanya ang dala-dalang dress.“Here, bagay ito sayo. Kailangang maganda ka tonight,” nakangiting sabi nito sabay abot ng dress.
Kahit ilang oras lang ang tulog ni Laura ay maaga pa rin siyang nagising. Mabilis na naligo siya at bumaba ng komedor. Maaga ding naghain ng almusal ang mga katulong kahit pagod sa buong magdamag. “Good morning po,” bati niya sa mga ito. Halos sabay-sabay na bumati sa kaniya tatlong katulong. “Kumain ka na, hija. Mamaya pa sila ang mag-asawa siguro magigising. Late na natapos kagabi ang party,” baling ni Manang Rosa sa kanya. “Ganoon po ba? Sige po. Mauna na nga ako, may pasok pa ako, eh.” Kumuha siya ng mug at nagtimpla ng sariling kape. Hindi siya nagpapatimpla sa mga katulong ng kape dahil hindi naman siya ang amo dito. Nakikitira lang siya. Yan ang laging itinatatak niya sa isip niya. “Good morning
Tinanghali ng gising si Laura kinabukasan. Pero hindi naman siya na-late ng pasok sa opisina. Napatingin siya sa mga kasamahang nagkukumpulan. Lumapit siya at naki-usyuso. Iginiya pa niya ang tenga sa tabi ng nagsasalita para marinig. “Oo. Dati palang fiancee ni Sir Astin si Miss Laura. Grabe. Inayawan pa niya si Sir? Ang hot, hot niya kayang pagmasdan,” ani ni Joyce na pinapaikot pa ang ballpen sa kamay nito. “Suwerte naman niya. Nagustuhan siya ni Sir. Bakit daw ba hindi natuloy ang kasal?” tanong ng isang kasamahan niya. Nakapameywang na tumikhim siya. Lahat napatayo ng maayos nang malingunan siya. “H-hi, Miss Laura!” alanganing ngiti ni Joyce sa kanya. “Ang aga-aga niyan
Hanggang sa mai-ahon siya ni Astin ay nakamulat siya ng mata. Naririnig niya ang sunod-sunod na mura nito.“F*ck, Laura! I’m sorry. I’m sorry,” pabulong pero dinig na dinig niya na sabi nito. Mahigpit na niyakap pa siya nito nang maiahon siya ng binata.Nakatingin lang siya ng derecho sa binata nang bitawan siya nito. Naupo siya sabay sapo ng ulo niya. Marahil nag-aalala ito bakit ganoon ang reaksyon niya hanggang maiahon siya nito. Literal na tulala.Mukhang nakalimutan yata ni Astin na marunong siyang lumangoy at kaya niyang tumagal ng ilang minuto sa ilalim ng tubig. Wala naman siyang balak na magpakamatay. At wala sa bokabularyo niya ‘yan. Pero nakaramdam siya ng tuwa kasi iniligtas siya nito kahit papaano. May pakialam pa ito sa kanya. Ibig sabihin may epekto pa siya sa
“Astin,” sambit niya ng i-upo siya nito sa shotgun seat. Napalitan ng saya ang kaninang kinakabahang dibdib. Hindi siya makapaniwala na si Astin ang nasa harap niya.Sinundan ba siya nito?“I see. Kanina pa kita tinatawag, hindi ka sumasagot,” galit na sabi nito at hinila ang headset ni Lexxie. Akmang itatapon nito nang pigilan niya.“‘Wag! Kay Lexxie yan,”Napakunot-noo ito pero nawala din. Imbes na sa labas itapon ay sa likod na upuan niya ito inihagis. Nagulat siya nang isara nito ng malakas ang pinto ng sasakyan nito, at umikot papuntang driver seat.Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa makasakay ito. Nilingon siya nito. Napasinghap siya nang bigla nitong ilapit ang saril
Napasubsob si Astin sa kaniya pagkatapos ng kanilang maiinit na tagpo. Hindi akalain ni Laura na aabot sila sa ilang beses pa. Pagod pero hindi maikakailang napakasaya niya. Para sa kaniya ito ang isa sa pinakamasayang gabi para sa kaniya. Sa wakas ay naialay din sa binata ang matagal ng iniingatang pagkababae. Sana maging daan ito upang tuluyan na silang magkaayos ng binata. Wala siyang pakialam sa sasabihin ng iba basta ang sa kaniya makuha lang ulit si Astin. Napakagat-labi siya nang magtaas ito ng tingin sa kaniya. Nginitian niya ito kapagkuwan. Hindi man ito gumanti ng ngiti pero nakitaan niya ng kakaibang kislap sa mga mata nito. At least nabawasan ang galit mula dito. Isa iyon sa senyales na lumalambot na ang puso nito sa kaniya. Nahiga ito sa tabi niya mayamaya. Sabay silang napatingin sa teleponong tumutunog. Hindi sa kaniya iyon. Sa binata na telepo
Napangiti si Laura nang makita ang ama na naghihintay sa kaniya. Medyo humapis ang mukha nito. Pero magandang lalaki pa rin ang kaniyang ama. Agad na sinalubong sinalubong siya nito pagkababa ng taxi.Iginiya siya ng ama sa isang bench na malapit sa hardin ng rehabilitation center. May mga tumitingin pa rin naman sa ama niya na mga staff pero nagpadala pa rin ang Tita Kendra niya ng nurse para sa ama.“Kumusta ka na anak?”“Ayos na ayos po ako, Daddy. Kayo po ang dapat kong kumustahin,”“Aba’y maayos na maayos ako, Laura, anak. Na-miss kita, Princess,” mayamaya ay sabi nito. Kumislap ang gilid ng mga mata nito. Mukhang pinipigilan nitong umiyak.Ginagap niya ang kamay nito.“Sobr
Bandang alas-tres sila nakarating ng asawa sa EL Nido. Hindi niya akalaing may sariling airport doon ang Daddy niya. Alam niyang may resort ito dito, pero hindi niya alam kung saan iyon banda. Kakagising lang din ng asawa niya kaya kaagad na bumiyahe sila papunta sa private beach house nila mula sa private airport ng mga Madrid. Pitong araw silang mamalagi ng asawa dito. Sisiguraduhin niyang mag-eenjoy dito ang asawa. “Malayo pa ba?” Napabaling siya sa asawa nang marinig ang boses nito. “Malapit na, Sweetie. Siguradong mag-e-enjoy ka doon. I already saw it on video,” “Talaga?” Yumakap ang asawa niya sa kan’ya. “Hmmn,” Wala pan
Saka lang nag-sync-in sa utak niya na nakidnap na pala ang asawa niya.Nang mahimasmasan siya.Kaagad na tinawagan niya ang mga kaibigan niya sa militar, sakto namang kakabalik lang ng mga ito mula sa mahaba-habang misyon. Ito ang unang beses na humingi siya ng tulong mula sa mga ito pagkatapos niyang magretiro ng maaga. Maging si Ian at ang Papa niya ay nasabihan na din niya. Pinagsamang pulis, militar at mga tauhan ng Daddy Sebastian, nailigtas nila ang asawa niya. Pero hindi niya akalaing makikita sa loob si Thunder. Muli na namang nabuhay ang sama ng loob niya ng makita ito doon. Walang malay noon ang asawa nang iwan niya kay Thunder. Hindi pa siya handang harapin ang asawa sa sobrang sama ng loob niya. Alam niyang hindi ito pababayaan ni Thunder, gusto niyang mag-isip kahit sandali lang. Naguguluhan siya sa resulta.
Unang araw pa lang niya sa trabaho mukhang pinapakulo na naman ng paligid ang ulo niya. Wala man lang sumasagot kung nasaan si Romel. Wala siyang ibang pinagkakatiwalaan sa opisina kundi si Romel lang. Ang aga-aga niyang nakapameywang sa labas ng opisina niya. Hindi pa nale-late si Romel kahit noon pa man. Nakailang-ulit pa siyang tanong pero wala talagang makasagot ng matino sa mga tanong niya. God! First day niya, tapos ganito agad ang ibubungad sa kan'ya! Lalong uminit ang ulo niya nang makitang may bagong kasama si Lesha at sinabi nitong may bago siyang sekretarya. Kailan pa siya tumanggap ng babaeng sekretarya? Kailan pa? Pero natigilan siya nang marinig ang boses ng bagong sekretarya niya. Nanaginip ba siya? Bakit boses ng asawa niya ang naririnig niya? Bakit kasinglambing ng boses nito ang namayapa niyang asawa? Pinaulit niya ito ng dalawang beses para lamang kumpirmahin. Hindi nga s
"I love you," wika ng asawa bago ito tuluyang lamunin ng antok. "I love you too..." sagot niya dito. Mukhang hindi na nito narinig ang sinagot niya. Napatitig siya sa asawa. Nakatulog na nga ito pagkatapos ng maiinit nilang tagpo. May ngiti ito sa labi. Hindi niya maiwasang haplusin ang mukha nito. Unti-unting bumabalik ang sigla ng mukha nito no'ng bumalik sila sa buhay nito. Ano kaya ang gagawin nito kapag nalaman nitong wala naman pala talagang nangyari sa pagitan nito at ni Elisa? Napabuntong-hininga siya. Ano ba ang kasalanan nila, bakit sila pinarusahan ng ganito? Wala naman silang inagrabyado na tao. Lalo na kay Elisa, wala silang kasalanan dito bakit nito sinira ang pami
Sa sobrang inis ni Laura. Umahon siya sa tubig at dere-derechong umakyat ng silid. Pagkatapos maligo ay binisita niya ang mga bata. Tulog na pala ang mga kababaihan. Pinatay niya ang mga nakabukas na TV. Pero pagpasok niya sa kuwarto nila King. Gising pa ang mga ito, naglalaro pa. Kaagad na binitawan ni King ang hawak na telepono at niyakap siya. "Happy?" Tumango naman ito. "Sana lagi silang pumunta dito, Nanay para may mga kalaro ako." Ginulo niya ang buhok nito. "Hayaan mo, sasabihan ko ang Daddy mo, na lagi silang papuntahin dito. Okay?" Marahan itong tumango. Bumalik na ito kapagkuwan kaya lumabas na siya. Sinilip niya ang mga kaibigan, naliligo pa rin ang mga ito. Nak
Kagaya ng napag-usapan nila ni Astin, pagdating ng Manila hindi sila magkatabi matulog. Pinapalitan niya ng sofa bed ang nasa silid nila para doon ito matulog.Bumawi ito sa anak niyang si Gabriel pero kay King nahihirapan ito. Kaya minsan tinutulungan niya si Astin para mapalapit ang dalawa. Ginawaan din ni Astin si King ng maliit na court sa likod ng bahay. Alam niyang natutuwa ang anak pero magaling itong magtago ng emosyon.Araw ng sabado noon. Tinanghali siya ng gising.Napakunot-noo siya ng makita ang isang bulaklak sa side table niya. Isa iyong pink na Camellia. Inilinga niya ang paningin, nakaligpit na ng higaan si Astin. Wala na ring kaluskos sa banyo. Hinigit niya ang bulaklak at inamoy iyon. Hindi niya namalayang nakangiti na pala siya.
Pagdating nila sa bahay na tinitirhan nila ay nagmamadaling bumaba si King. Hindi siya nito hinintay. Tinawag pa ito ni Astin pero hindi man lang lumingon.Sabay na napatingin sa kanilang dalawa si Kiarra at Gabriel na nasa sala."Daddy!" Tumakbo si Kiarra at niyakap si Astin. Si Gabriel naman nakatunghay lang sa dalawa.Nilapitan niya si Gabriel at binulungan na yakapin ang Daddy nito pero nagtago lang ito sa likod niya. Nakalapit na pala noon si Astin sa kanila.Lumuhod ito para magpantay sa anak."H-Hello," nahihiyang saad ni Astin.Sumilip ang anak nang marinig ang boses ng ama.
3 years later..."Kinakabahan ako, Thunder." Napahawak siya kamay nito.Narinig niya ang mahihinang tawa nito."Relax. Pati tuloy ako nininerbyos." Hindi na nito napigilan ang humalakhak.Napahawak siya sa braso ni Thunder nang tumigil ito kakatawa. May kumatok kasi.Sabay silang napatingin sa pintuan nang bumukas iyon."Ready?" tanong ng doktor sa kanila.Ngayon kasi tatanggalin ang nakabalot sa mukha niya.Finally, maibabalik na din ang dating mukha niya. Ang daming nangyari sa loob ng tatlong taon.Muntik na siyang makunan ng tatlong beses. She was devastated dahil sa nasaksihan. She's in pain while carrying her son. She was lost. Hindi siya kumakain ng maayos. Wala siyang pakiaalam kung buntis siya. Lagi niyang hinihiling na sana kunin na siya ng poong maykapal.Hindi kayang tanggapin ng puso't-isip niya ang ginawa ng asawa.Pakiramdam niya, nag-iisa siya. Hindi niya nakikita ang effort ng mga
Napahawak si Thunder sa kamay ni Ira nang mapansing pabaling-baling ito sa higaan. Hindi pa rin ito nagigising. Ayon sa doktor baka, 12 hours yata ang epekto ng pampatulog na itinurok dito.Bigla siyang kinabahan nang marinig ang sunod-sunod na daing nito. Mukhang nanaginip ito ng masama. Pinagpapawisan din. Nag-aalala siya, kaya pinindot niya ang button para ipaalam sa nurse na may nangyayari kay Ira.Nakita niya ang paglabas ng butil sa gilid ng mga mata nito kaya nakaramdam siya ng awa."Ssshhhh... I'm here, Ira..." bulong niya dito.Napatingin siya sa kamay nilang magkahawak. Humigpit iyon. Sunod-sunod na din ang pagdaing nito. Hanggang sa magmulat ito ng mata. Bigla niya itong niyakap nang marinig ang hikbi nito."Ira!"Natigilan ito. Tumitig pa sa mukha niya."T-Thunder... N-Naalala ko na ang lahat. Ako si Laura. Ako nga ang asawa ni Astin. Nasaan siya? Nasaan ang asawa ko, Thunder?!" naghihisterical nitong tanong.