Share

Chapter 3

Author: AVA NAH
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Kinabukasan, tamad na bumangon si Laura. Hanggang ngayon di pa siya maka-move-on sa ginawa ni Astin na pag-propose sa kanya kagabi. At lalong hindi pa niya nasabi kay Gael ang nangyari. Ano na lang ang iisipin ng nobyo niya. Mahal niya si Gael. 

Napapitlag siya ng biglang bumukas ang pinto niya at iniluwa doon ang bagong paligo na si Astin. May dala itong pagkain na nakalagay sa tray. Napailing na lang siya. 

“Mag-ayos ka na at baka ma-late ka pa ng pasok,” anito at inilapag nito ang tray sa may maliit na side-table sa tabi ng kama niya pagkuway naupo ito sa kama. 

Nakatunghay lang siya dito. Hindi niya magawang ibuka ang bibig dahil nagagalit pa rin siya sa ginawa nitong kapangahasan. 

Akmang hahawakan nito ang buhok niya ng i-iwas ang ulo dito para hindi nito mahawakan.

“You're still mad at me,” anito at tumitig sa mata niya. 

Iniwas niya ang mata saka nagsalita, “What do you expect? Matutuwa ako?” aniya sa malungkot na tinig. “Iwan mo na muna ako, Astin, pwede ba?” aniya mayamaya.

“Susubuan pa kita kaya bakit ako aalis?” anito.

Napatingin siya dito. Seryoso itong nakatingin din sa kanya.

“Pakiusap naman, Astin. Pwede mo bang iwan mo muna ako kahit saglit? At kung iniisip mong papabayaan ko ang sarili ko. Hindi ko iyon gagawin. Kailangan pa ako ng ama ko. Kaya please, leave me alone,” matigas na sabi niya dito.

Narinig niya ang sunod-sunod na pagbuntong-hininga nito. Malungkot na tumingin ito sa kanya. Hindi na ito nagsalita at lumabas na ng silid niya.

Nakaramdam naman siya ng awa ng makita ang mukha nito. Kinapa niya ang sariling damdamin. Wala pa rin siyang makapang kakaiba sa puso niya para sa binatang Hernandez.

Hinigit niya ang tray sa mesa at sinimulang kainin iyon. Napangiti siya ng makita ang ketchup sa platito na hugis puso at may pangalan pa ng binata. Sana si Gael ang gumagawa noon sa kanya. Pero sa kabilang banda ng isip niya ay may tinig na sumisigaw na gusto niya ang ginawa ni Astin ngayong umaga.

Mabilis na kumain siya at naghanda ng sarili para pumasok sa eskuwela. Pababa na siya ng makasalubong ang binata sa hallway. Mukhang papunta ito sa silid niya. Pinasadahan pa siya nito ng tingin bago nagsalita.

“Let’s go,” anito at inakay siya.

Pinagsiklop pa nito ang kamay nila. Akmang bibitiw siya sa pagkakawak dito ng makita ang ginang na papalabas ng komedor. Nakangiti ito sa kanila kaya nginitian niya din ito.

“Good morning, mga anak!” bati nito sa kanila ni Astin.

“Good morning din po, Tita Kendra,” nakangiting bati niya dito.

“Oh no. Mama Kendra, anak. Mama na ang itawag mo sa akin,” anito na ikinatigil niya.

Oo nga pala, fiance na pala niya ang anak nito. Napatingin siya kay Astin na nakangiti.

“M-mama Kendra,” ulit niya. 

Matamis na ngumiti ito at humalik sa kaniya pagkuway bumaling ito kay Astin.

“Ingat sa pagmamaneho, anak,” ani ng ginang kay Astin.

“I will, Ma. Lalo pa at sakay ko ang babaeng mahal ko,” masuyong sabi nito at tumingin pa sa kanya.

Mapaklang nginitian niya ito. Siniguro niyang hindi makikita ng ginang.

Iginiya siya nito papalapit ng pinto. Pero bago pa sila nakarating ay nilingon pa nito ang ina na nakaupo na sa sofa.

“Bye, Ma. I love you,” sigaw ni Astin ng nasa pintuan na sila.

“I love you too, anak!” tugon ng ginang habang nanunuod ng palabas.

Nakaramdam siya ng inggit. Kung buhay lang siguro ang ina niya ay ganito din sila marahil. Napabuntong-hininga na lang siya.

Inalalayan siya ng binata pasakay ng sasakyan nito. Ito rin ang nagsuot ng seat belt sa kanya bago ito umikot papuntang driver seat. Tahimik lang siya sa buong biyahe nila ni Astin. Pero ang binata ay walang humpay sa pagsabi ng mga tagubilin nito. Kesyo aral daw muna. Eh ito nga ang sumira sa buhay niya ngayon. Gusto na siya nitong pakasalan agad-agad. 

Pagdating sa tapat ng unibersidad nila ay ito na ang nagbukas ng pinto ng sasakyan. Ito rin ang nagtanggal ng seat belt dahil gusto nito kaya hinayaan na lang niya. Naging sunud-sunuran na lang siya.

“Tell Gael na ikakasal na tayo. I need an update later, okay?” anito at mabilis na hinalikan pa siya sa labi. 

Tumango siya dito bago lumabas ng sasakyan.

Nagulat pa siya nang higitin siya nito palapit at niyakap.

“I love you,” bulong nito.

Natigilan siya sa sinabi nito.

Nang hindi siya sumagot ay binitawan agad siya nito at ngumiti pa ng matamis sa kanya. Baliwala lang dito kung hindi niya sinagot ang sinabi nito. Kumaway pa ito sa kanya nang lingunin niya. Hindi pa ito umaalis. Hinihintay siguro siya makapasok ng school. Nagtago siya sa guardhouse at tinanaw ang sasakyan nito na umalis. Naawa siya para sa binata. Si Gael ang gusto niya. Kung kaya lang turuan ang puso niya.

Nang masigurong umalis na ito ay naglakad na siya papuntang library. May kailangan siyang ibalik na libro. Maaga pa naman para sa unang subject niya. Pagka-balik ng libro ay lumabas agad siya para magpahangin sa dating tinatambayan niya.

Hanggang ngayon iniisip niya kung paano ba sasabihin kay Gael ang pinasok niyang problema. Hindi niya kayang iwan si Gael ng ganon-ganon lang. Kaso ang laki ng utang na loob niya sa pamilya ni Astin. Unang-una, ang pag-tulong ng pamilya nito sa kanyang ama ng nakulong ito. Bumaba ang sintensya ng ama. Pangalawa ang ay ang pagpa-aral sa kanya ng mga Hernandez. Pangatlo ay ang pagtubos ng magulang ni Astin sa lupa at bahay nila sa Caramoan.

Sa tingin niya puwede ng kabayaran sa lahat-lahat ang pagpapakasal niya sa binata. Hindi naman siguro mahirap mahalin si Astin. Mahal naman niya ang binata pero hindi sa paraang intimate. Siguro kung hindi ito naging pilyo ay baka nga hinangaan na niya ito. Kung sa kakisigan ay hindi naman ito nagpapatalo. Guwapo din ito kaya maraming nagkakandarapa dito sa unibersidad nila noong nag-aaral pa ito. Ultimate crush ito ng kaibigan niyang si Asia Jade pero siya paghangang kapatid lang ang nararamdaman niya dito. 

Sinariwa niyang muli ang unang araw niya sa bahay ng mga Hernandez kung saan nasaksihan niya ang kapilyuhan at kapangahasan ni Astin na ikinainis niya hanggang ngayon...

"Yes!" malakas na sigaw ni Astin pagkita sa kanila.

Dinig na dinig ni Laura ang boses ni Astin mula sa bintana. Nakita na niya ito ng papasok ang sasakyan ng Tita Kendra niya sa gate. Alam niyang excited ang kababata sa pagdating niya. Panay kasi ang tawag nito sa ina kanina kung nasaan na sila. Alam niyang kukulitin lang naman siya nito.

Mayamaya ay nawala si Astin sa bintana. Marahil ay bumaba na ito at hinihintay sila sa loob.

Dito na siya papasok sa susunod na pasukan. Ayaw niya sanang lumipat ng maynila pero iyon din kasi ang gusto ng ama. Wala na din siyang kasama sa bahay nila. Wala ng gagabay sa kaniya. Malaki naman kasi ang tiwala ng ama sa kay Tita Kendra niya.

Nakasunod lang siya sa ginang ng buksan nito ang malaking pinto ng bahay nito.

Matamis na ngiti ang iginawad ni Astin sa ina nito ng makita itong papasok. Lumapit ang binatilyo sa ina. 

"Behave," mahina pero dinig niya na sabi ng ginang kay Astin nang yakapin ito ng ina.

Lihim siyang napangiti. Alam kasi ng ginang na maharot masyado ang anak nito lalo na kapag nandiyan siya. Ilang beses ng nagpahaging ang binata sa kanya ng pagkagusto pero hindi niya ito pinapansin dahil napaka bata pa nila. Kaya minsan imbes na matuwa, naiinis tuloy siya. Imbes na mai-inlove din siya sa binatilyo ay hindi na lang kasi sa sobrang kakulitan nito. Lagi rin bukambibig nito na papakasalan siya nito pagdating ng tamang panahon. Na ito lang daw dapat ang pakasalan niya. Minsan sasabihin pa nito sa kanyang, “Akin ka lang.” Yun ang pinakaayaw niya sa lahat. Nang aangkin agad. Kahit noong mga bata pa sila. Pag may nakita itong gusto, sasabihin nito kanya na daw iyon.

"I will, ‘Ma!" ani ng binatilyo na nakangiti. 

Lumingon sa kanya ang ginang ng bumitiw ito sa pagkakayakap kay Astin.

“Halika na, anak,” aya nito sa kaniya.

"Hi, Laura!" ani ni Astin ng tumapat siya dito.

Yumuko siya bilang respeto dahil mas matanda ito sa kanya ng isang taon. 

Akmang yayakapin siya ito nang marinig ang boses ng ginang. 

"Astin!" sigaw ng ginang para pigilan ito. 

Biglang nalukot ang guwapong mukha ni Astin. Mukhang naintindihan nito ang ibig ipahiwatig ng ginang.

“Sayang,” papalatak nitong sabi.

Nginitian na lang ng binatilyo ang ina at naupo na lang sa sofa at doon humalukipkip.

Inakay siya ng ginang para umakyat ng hagdan. Marahil ay ihahatid siya nito sa tutuluyan niyang silid.

Pagtapat niya kay Astin ay binati na niya ito. Baka sabihin nito isnabera siya, makikitira na nga lang siya eh. Tsaka wala siyang karapatan kaya kailangan niyang maging mabuti sa lahat ng taong nandito sa pamamahay ng mga Hernandez. Kailangan kabaitan din ang isukli niya sa mga ito.

"Hello," mahinang sabi niya at ngumiti dito saka sumunod siya sa ginang na noo’y nakailang hakbang na.

"Welcome nga pala. See you later, pag-alis ni Mama," anito at sinadya pang iparinig sa ina nito. Pinanlakihan lang ito ng mata ng Tita Kendra niya bago tuluyang umakyat. Narinig niya ang pagtawa nito kay napailing na lang siya. Hindi pa rin ito nagbabago. Mahilig mang-asar kahit sa ina. Ganoon na talaga si Astin kahit noong bata pa sila.

Agad na inayos ni Laura ang mga damit at nilagay sa closet ng kanyang silid. Nilibot niya ang tingin. Napakaganda at malinis ang kuwarto. Hindi iyon guest room. Ang pagkakaalam niya ay kuwarto sana iyon ng pangatlong anak nila Tita Kendra at Tito Kent niya. Nakunan kasi ang ginang at hindi na rin nabiyayaan ng pangatlong anak. Pero kahit ganoon, masaya pa rin naman ang mag-anak. Naiinggit siya dahil kompleto pa ang mga ito. Wala siyang masabi pagdating sa pagdidisiplina ng mga ito sa anak. Even sa kaniya, pinaparamdam din ng Tita Kendra niya. 

Ang Tita Kendra niya na ang tinuturing niyang pangalawang ina. After her mother died, ito na ang tumayong ina niya talaga. Kaya naman ang laki ng respeto niya dito. Akala niya noong una nagbibiro lang ang ginang na kukunin siya nito para pag-aralin. Ang ginang na lang ang meron siya ngayon. 

Pagkatapos ng pagkatalo ng ama niya sa eleksyon nagkaroon ito ng depression, kinasuhan din ang kaniyang ama na may kinalaman sa korapsyon umano. Pero hindi siya naniniwala sa mga paratang dahil naging transparent ito noong nanilbihan bilang mayor ng Caramoan. Dahil sa depresyon, natuto ang ama na gumamit ng ipinagbabawal na gamot hanggang sa mawala na ang lahat sa kanila pati ang kabuhayan nila. Nakaraang taon lang din ito nagparehab dahil kay Tita Kendra niya,marahil ginamit siya ng ginang para makumbinsi itong magpagamot. Alam niyang makikinig ang Daddy niya dito dahil minsan nang minahal ng Daddy niya ang Tita Kendra niya. Awang-awa siya sa ama niya. Ito nga lang ang mayroon siya nawala pa sa tabi niya. Alam niya sa sariling walang masamang ginawa ang ama sa panunungkulan nito. Kapag may kakayahan na siyang linisin ang pangalan nito ay gagawin niya ang lahat para makabalik ito sa serbisyo, yun ay kung gugustuhin pa ng ama. At sisiguraduhin niyang magbabayad ang may gawa noon sa kanila. 

Heto siya ngayon nakatira na siya sa poder nila Astin. Basta isa lang ang pakiusap ng ginang sa kaniya, ang huwag niyang patulan ang mga sinasabi ng panganay nito na si Astin. Boto naman ang Tita Kendra sa kaniya basta magtapos lang daw muna sila ng pag-aaral. Tinawanan niya lang ang ginang nang sinabi nito iyon sa kanya. Isa pa, wala naman siyang gusto sa binatilyo. Parang kuya na niya ito. 

She used to call him Kuya Astin kasi mas matanda nga ito sa kaniya. Pero ayaw na ayaw nito kasi nga magiging asawa daw siya nito. The nerve! Minsan kinikilabutan siya sa kababata. Parang ina na niya ang Mama nito tapos magiging asawa daw siya nito. Para na nga silang magkapatid eh tapos magiging asawa siya nito? 

Naalala niya kanina ang mukha nito kanina. Halatang nainis, alam niyang yayakapin siya nito buti na lang napigil ng ina. 

"Ate Laura!" napatingin siya sa pintuan ng biglang bumukas iyon.

Si Andrea pala. Pero Andy ang palayaw nito. Makulit din ang batang ito kaya laging aso't pusa kapag nagsama ang magkapatid. 

Mabilis ang takbo nito papunta sa gawi niya. Niyakap naman niya ito nang makalapit na sa kanya. 

"Namiss kita, Andy!" aniya.

"Namiss din kita, Ate Laura!  Ang ganda ganda mo na po, how to be you po?" ang cute na sabi nito. 

"Hala siya, mas maganda ka po, promise!" sabi niya at kinurot ang mamula-mula nitong pisngi. 

"Hmmp, cute lang daw ako sabi ni Kuya, eh!" 

"Nagpapaniwala ka na naman sa Kuya mong iyon? Wala ng ginawa yun kundi asarin ka," 

"Basta sabi niya kasi ikaw lang daw ang maganda tapos ako daw cute lang talaga," sumbong nito. 

Natawa siya sa sinabi nito. Hindi rin nagtagal ay nagpaalam na ito kasi may pasok pa daw ito, pang hapon kasi ang schedule nito. 

Kinagabihan ay masayang hapunan ang bumungad sa kaniya. Si Andy ang nag-lead ng prayer at naging entertainer nila habang kumakain. Magaling kasi itong sumayaw at kumanta. Nakakaaliw din. Ngayon lang ulit siya sumaya sa hapag-kainan.  

Kasalukuyan siyang nag-aayos ng mga ibang gamit niya ng biglang may kumatok. Sinilip niya ito sa maliit na butas. 

Nakunot-noo siya ng makita si Astin. Ano na naman ang ginagawa nito dito? Tiningnan niya ang relong pambisig. Alas-dies na ng gabi. Wala siyang balak na pagbuksan ito. Manggugulo lang ito sa kanya sa hinuha niya. 

Akmang uupo siya sa sahig para balikan ang ginagawa nang biglang marinig ang pag-click ng seradura. Mabilis na nahiga siya sa kama niya at inayos ang kumot at ibinalot sa katawan niya. Tumagilid siya ng higa at nagkunwaring natutulog. Ang kulit talaga ni Astin, naka-lock iyon binuksan pa talaga. Sa tingin niya ay gumamit ito ng susi. 

Narinig niya ang mga hakbang nito na palapit sa kaniya. Unang naupo ito sa gilid ng kama. Nakatalikod siya dito. Mayamaya ay gumalaw ulit ang kama dahil tumayo ito. Akala niya ay lalabas na ito pero nagulat siya ng maramdaman ang yabag nito palapit kung saan siya nakaharap.

Hindi niya alam kung tinitingnan ba siya nito. Napalunok siya ng laway ng  maramdaman ang hininga nito sa pisngi niya. Mayamaya ay naramdaman niya ang paglapat ng labi nito sa pisngi niya.

“Good night, mahal ko,” rinig niyang sabi nito.

Gustong gumalaw ng mata niya para tingnan ito pero pinigil niya ang sarili. Pigil din ang hininga niya dahil baka mahalata nito. Hanggang sa naramdaman na lang niya ang yabag nitong papalayo sa kaniya. Nang marinig ang pagsara ng pinto ay saka lang siya nagpakawala ng buntong hininga at naupo sa kama. Tiningnan niya pa ang nilabasan nito.

Pagkatapos niyang mag-ayos ng mga gamit ay natulog na siya. 

Kinabukasan nagising siya ng gumalaw ang kama niya. Nakatihaya siya. Alam niyang may umupo sa bandang kanan niya. Hindi niya alam kung sino. Lalo siyang hindi nakagalaw ng maramdaman ang mabilis na halik sa labi niya. Kasabay ng halik na yun ang boses ni Andy na sa tingin niya ay nasa pintuan.

“Lagot ka kuya kay Mama,” mahina pero narinig niyang sabi ni Andy kay Astin.

“Sshhh, ‘wag kang maingay at baka magising si Laura!” naiinis na sabi ni Astin sa kapatid at umalis ito sa kama.

Narinig niya ang mga hakbang nito papalayo kasama si Andy kaya iminulat niya ang mga mata niya.

“Loko talagang Astin na iyon,” naiinis niyang sabi sabay punas ng bibig niya.

NAPUTOL ang pagbalik-tanaw niya nang may tumapik sa kaniya.

“Hoy, kanina ka pa diyan tulala!” 

Napalingon siya sa kaibigan na noo’y nagsusuklay ng buhok.

“Kanina ka pa?” tanong niya dito.

“Oo, akala ko nakikinig ka, yun pala tulala ka. May problema ba? Balita ko kay Andy nag-propose na si Papa Astin sayo,” anito na ikinatigil niya. Ang daldal talaga ni Andy. Napailing na lang siya.

Malungkot na tumango siya sa kaibigan.

“Alam na ba ni Gael yan? Naku, ang hirap ng kalagayan mo, Bestie. Isa lang dapat. At piliin mo si Gael para sa akin na lang si Papa Astin,” pabirong sabi nito sa kanya pagkuwan.

“Kung puwede nga lang,eh. Akitin mo kaya si Astin?” wala sa sariling sabi niya sa kaibigan.“Tutulungan kita,” desididong sabi niya dito.

“Sira! Hanggang pantasya lang ako. Remember? Hinulog niya ako dati sa pool nila nung umamin ako, baka sa bangin na ako itulak nun sa susunod. Gusto ko pang mabuhay, Bestie” natatawang sagot nito sa kaniya. Mayamaya ay sumeryoso ang kaibigan niya at tumitig pa sa kaniya. “Wala ka ba talagang nararamdaman na kakaiba kay Papa Astin? Ang yummy naman niya, ah! Kahit katiting man lang?” anito at pinagdikit pa ang dulo ng hintuturo at hinlalaki nito.

Napatitig siya dito.

“He kissed me,” aniya dito.

“And?” 

“Tinugon ko,” mahinang sabi niya.

“Oh my God, Laura! Alam mo ba ang ibig sabihin nun? Gusto mo rin siya!” natutuwang sabi nito na ikinakunot-noo niya.

“Ang babaw mo, Bestie. Tugon lang, gusto na agad? Tigilan mo ako, si Gael ang mahal ko,” aniya at tumayo na mula sa pagkakaupo.

“Sus, in-denial ka lang. Aminin mo masarap humalik si Papa Astin,” anito at kinurot pa ang tagiliran niya.

“Tumigil ka Asia,” naiinis niyang sabi dito at iniwan ito.

Sumunod naman ito sa kaniya. Hindi pa rin mawala ang ngiti nito. Mabilis ang mga hakbang niya maging ito rin para masabayan siya.

“Sino ang mas masarap humalik? Si Gael o si Papa Astin?” Pangungulit nito sa kanya habang nasa hallway sila.

“Asia Jade Dixon!” galit na nilingon niya ito dahil ang lakas na ng boses nito. Ganitong kompleto na ang pangalang binanggit niya alam niyang titigil na ito.

Natatawang tinikom lang nito ang labi hanggang sa makarating sila sa room nila. 

Napangiti siya ng makita si Gael na nakaupo sa upuan nito. Mas napako ang tingin niya sa bulaklak na nasa upuan niya. Pagkakita sa kanya ni Gael ay tumayo ito at sinalubong siya bitbit ang bulaklak na nasa upuan niya kanina.

“Happy monthsary, Love,” nakangiting sambit nito. Umingay ang buong silid sa sinabi ni Gael. Panay pa ang tukso ng mga ito sa kanila.

Akmang kukunin niya ang bulaklak nang may humablot doon. Inis na nilingon niya ito. Madilim na mukha ni Astin ang bumungad sa kaniya. Nakaramdam siya ng kaba pagkakita sa reaksiyon nito. Nakita niya ang pagkuyom nito ng kamao kaya hinarap niya ito bigla.

Comments (9)
goodnovel comment avatar
Jheng Zurikutoji Buenaflor
ang sweet naman talaga ni Astin.. kulit nga lang.. ahahaaa
goodnovel comment avatar
Lyn F. Caluttong
Dapat Kasi Laura Hindi kana pumayag sa gusto ni Astin para Hindi ka Rin nahihirapan..Mahal mo Pala si Gael ..bkit tinugon mo Yung halik Sayo ni Astin.. ibig bng sabihin nyan may pagtingin ka Rin Kay Astin.. thank you Author..
goodnovel comment avatar
Dagz Zag
Vkakainis si astin bakit kasi namimilit
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Soldier's First Love (Tagalog)   Chapter 4

    Bago pa man humakbang si Astin palapit kay Gael ay hinila na niya ito palabas ng classroom nila. Na kay Gael pa rin ang tingin nito hanggang sa makalabas sila. Pinagtitinginan sila pagdaan sa hallway dahil kilala ng mga ito si Astin. Dati na siyang na-issue sa binata dahil pinagkalat nito sa buong campus na fiancee siya nito na ikinagalit niya ng sobra sa binata. Ang ibang babae naman ay kinikilig nang nginitian lang ni Astin. Kulang na lang tumili ang mga ito. May mga nagtutulakan pang grupo na nasa hallway. “Hi, Astin,” narinig niyang tawag ng grupo nila Barbie na taga accounting department. Hindi ito pinansin ng binata dahil sa kaniya lang ito nakatingin. Tinapunan niya lang ng tingin ang grupo na tumawag kay Astin. Pagdating sa likod ng building ay nagulat siya nang bigla siyang isandal ng binata sa pad

  • Soldier's First Love (Tagalog)   Chapter 5

    Mahigit isang oras na pero hindi pa rin bumabalik si Astin. Naiinip na siya. Naglaro na siya lahat ng games sa cellphone ay wala pa rin ito. Hinatiran lang siya ni Romel ng miryenda. Nakailang sulyap siya sa pintuan pero walang Astin na pumasok. Hinigit niya ang bag at inayos ang sarili. Kailangan na niyang umuwi ng bahay. Akmang tatayo siya nang bumukas ang pinto. Ang buong akala niya ay si Astin, si Romel lang pala. Nalungkot siya bigla. “Male-late lang daw po ng balik si Sir, Ma’am,” imporma nito sa kanya. Tumango lang siya dito. Lumabas din ito agad pagkasabi. Kasama pa kaya nito si Elisa? tanong niya sa sarili. Nakaramdam siya ng lungkot sa isiping iyon. Sino kaya si Elisa sa buhay ni Astin? Sumandal siya sa upuan dahil nakaramdam siya ng pangangalay ng ulo. Hi

  • Soldier's First Love (Tagalog)   Chapter 6

    Nagising si Laura kinabukasan dahil sa ingay ng alarm clock ng cellphone niya. Nakalimutan niyang sabado nga pala ngayon. Papungas-pungas na pinatay iyon. Napaupo siya bigla nang makita ang reply ni Gael sa text niya kaninang madaling araw. Hindi pa siya tapos magtipa ng reply nang bigla itong tumawag. Agad na sinagot niya iyon."Good morning, Love," bungad nito sa kanya.Napangiti siya ng marinig ang boses nito. Hinigit niya ang unan at dumapa saka nagsalita, "Morning din-" Hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil may humablot na ng cellphone niya at ibinato iyon sa pader ng silid niya.Gulat na napa-upo siya sa kama at tiningnan ang cellphone na basag.Nagtaas siya ng tingin. Madilim na mukha ni Astin ang sumalubong sa kanya.

  • Soldier's First Love (Tagalog)   Chapter 7

    "Where have you been?" seryosong tanong ni Astin sa kanya. "Uwi ba yan ng matinong babae?"Uminit bigla ang ulo niya sa huling tanong nito. Natawa pa siya ng mapakla bago ito sinagot, "Wow, hindi pa tayo kasal kung makaasta ka parang asawa ko,""Doon din naman tayo pupunta, Laura," anito at tumayo. Lumapit ito sa kanya kaya napaatras siya.Napaatras siya hanggang sa makorner siya nito sa nakasarang pinto. Hinaplos nito ang mukha niya. Pigil ang hininga niya nang paglandasin nito ang daliri mula kilay niya hanggang sa mga labi niya na nagdudulot ng kakaibang pakiramdam sa kanya. Pinisil pa nito ang ibabang labi niya."Alam kong kasama mo si Gael kanina," mahina pero galit ang tono nito. "I am expecting good news from you, My Laura," anito at

  • Soldier's First Love (Tagalog)   Chapter 8

    Parang ayaw iwan ni Astin si Laura sa bahay nito nang mga oras na iyon. Bukas na ang kasal nila ng dalaga pero kinakabahan pa rin siya. Hindi siya kampante. Ayaw pa niyang umuwi pero inaya din siya agad ng ina. Hindi daw sila dapat pwedeng magkita ngayong araw. Kahapon pa gusto ng ina na ihatid niya ang dalaga pero siya itong pumipigil. Mas gusto niyang sa bahay nila ito mag-stay. Hindi siya mapakali hangga't hindi sila ikinakasal ng dalaga. Ilang oras pa ang hihintayin niya bago mapasakanya ng tuluyan ang babaeng mahal niya. Napatingin siya sa mga kaibigan na maingay. They are throwing him a bachelor’s party. Narito sila ngayon sa rooftop ng hotel nila. Tanaw ang tahimik na karagatan maging ang mga cabin nila. Hindi siya pumayag na magdala ang mga kaibigan ng babae dahil ayaw niyang mag-isip ng masama si Laura. Kahit alam niyang wala pang kasiguruhan ang nar

  • Soldier's First Love (Tagalog)   Chapter 9

    Kakalapag pa lang ng helicopter sa helipad ng HGC ay tumalon na siya agad. Wala siyang dapat na sayanging oras. Kaligayahan niya ang nakataya dito. Pinahanap na niya ito sa buong poblacion kanina habang nasa himpapawid ay pero wala ito. Maging sa bahayng dating mga kaklase ni Laura noong high school. Naka-off na din ang cellphone na ibinigay niyang may tracker. Kung binuksan lang sana nito, di sana nakatulong iyon sa paghahanap. Pina-pull-out niya na sa Daddy Sebastian niya ang profile ni Gael. Kailangan niya ang expertise ng ama-amahan. Marami itong koneksyon saan mang panig ng mundo. Kaya mahahanap niya din si Gael at ang dalaga.Naka-antabay din si Ezi sa signal niya. Kailangan niyang makuha ang numero na ginagamit ni Gael para maibigay kay Ezi iyon. Kailangan nilang ma-track kung nasaan ito. Pagkatapos maibigay ng Daddy niya ay isinend na niya ito kay Ezi.

  • Soldier's First Love (Tagalog)   Chapter 10

    "Sarhento,” napapitlag siya ng marinig ang isang boses mula sa likuran niya. Paglingon niya ay nag-aalalang mukha ni John ang nabungaran. There he goes again, reminiscing about his past. May kaunting kirot pa rin. Pero hindi na rin katulad ng dati. Marunong na siyang mag-control sa sarili. Masasabi niyang ibang Astin na siya ngayon. Hinubog na ng panahon. He dated a lot of women para mailabas lang ang pangangailangan niya bilang lalaki. Hindi na ang dalaga ang sinentro niya sa buhay. Hindi madali ang maging sundalo. Ilang buwan kayong wala sa siyudad at higit sa lahat malayo pa sa pamilya. Kung Walong taon na siyang malayo sa pamilya. Nagtapos siyang rank 1 sa military 4 years ago. Proud naman sa kanya ang magulang pero hindi masaya ang mga ito sa pinili niyang propesyon. Sobrang nalungkot ito nang pumayag siya na ipadala sila sa ibang bansa.

  • Soldier's First Love (Tagalog)   Chapter 11

    Pababa si Laura sa hagdan nang marinig ang Tita Kendra niya na kausap ang Tito Kent niya sa kabilang linya. Tumigil siya sa paghakbang. Gusto niyang marinig ang balita tungkol kay Astin. Walong taon niya itong hindi pa nakita. Sinisisi niya ang sarili kung bakit pumasok ang binata sa pagiging sundalo. Kung sinipot niya sana ang binata sa kasal ay hindi sana mangyayari ang mga bagay na ito ngayon. Masaya sana ang binata at kapiling pa nila ito hanggang ngayon. Hindi man pinapahalata sa kaniya ng Tita Kendra niya ay alam niyang malungkot ito. Lagi niya itong nakikitang pumapasok sa kuwarto ng binata at doon nagpapalipas ng maghapon. Ilang beses na siyang humingi ng tawad sa mag-asawang Hernandez pero hindi ang mga ito nagtanim ng sama ng loob. Tinanggap siyang muli ng mga ito pagkalipas ng isang taon.At ngayon secretary siya ngayon ni Andy. Inalok din siya ng posisyon sa kompanya pero hindi niya iyon tinang

Latest chapter

  • Soldier's First Love (Tagalog)   Special Chapter: Kiarra and JM

    Bandang alas-tres sila nakarating ng asawa sa EL Nido. Hindi niya akalaing may sariling airport doon ang Daddy niya. Alam niyang may resort ito dito, pero hindi niya alam kung saan iyon banda. Kakagising lang din ng asawa niya kaya kaagad na bumiyahe sila papunta sa private beach house nila mula sa private airport ng mga Madrid. Pitong araw silang mamalagi ng asawa dito. Sisiguraduhin niyang mag-eenjoy dito ang asawa. “Malayo pa ba?” Napabaling siya sa asawa nang marinig ang boses nito. “Malapit na, Sweetie. Siguradong mag-e-enjoy ka doon. I already saw it on video,” “Talaga?” Yumakap ang asawa niya sa kan’ya. “Hmmn,” Wala pan

  • Soldier's First Love (Tagalog)   Chapter 72: Astin's Pov-2

    Saka lang nag-sync-in sa utak niya na nakidnap na pala ang asawa niya.Nang mahimasmasan siya.Kaagad na tinawagan niya ang mga kaibigan niya sa militar, sakto namang kakabalik lang ng mga ito mula sa mahaba-habang misyon. Ito ang unang beses na humingi siya ng tulong mula sa mga ito pagkatapos niyang magretiro ng maaga. Maging si Ian at ang Papa niya ay nasabihan na din niya. Pinagsamang pulis, militar at mga tauhan ng Daddy Sebastian, nailigtas nila ang asawa niya. Pero hindi niya akalaing makikita sa loob si Thunder. Muli na namang nabuhay ang sama ng loob niya ng makita ito doon. Walang malay noon ang asawa nang iwan niya kay Thunder. Hindi pa siya handang harapin ang asawa sa sobrang sama ng loob niya. Alam niyang hindi ito pababayaan ni Thunder, gusto niyang mag-isip kahit sandali lang. Naguguluhan siya sa resulta.

  • Soldier's First Love (Tagalog)   Chapter 71: Astin's POV-1

    Unang araw pa lang niya sa trabaho mukhang pinapakulo na naman ng paligid ang ulo niya. Wala man lang sumasagot kung nasaan si Romel. Wala siyang ibang pinagkakatiwalaan sa opisina kundi si Romel lang. Ang aga-aga niyang nakapameywang sa labas ng opisina niya. Hindi pa nale-late si Romel kahit noon pa man. Nakailang-ulit pa siyang tanong pero wala talagang makasagot ng matino sa mga tanong niya. God! First day niya, tapos ganito agad ang ibubungad sa kan'ya! Lalong uminit ang ulo niya nang makitang may bagong kasama si Lesha at sinabi nitong may bago siyang sekretarya. Kailan pa siya tumanggap ng babaeng sekretarya? Kailan pa? Pero natigilan siya nang marinig ang boses ng bagong sekretarya niya. Nanaginip ba siya? Bakit boses ng asawa niya ang naririnig niya? Bakit kasinglambing ng boses nito ang namayapa niyang asawa? Pinaulit niya ito ng dalawang beses para lamang kumpirmahin. Hindi nga s

  • Soldier's First Love (Tagalog)   Chapter 70: Surprised

    "I love you," wika ng asawa bago ito tuluyang lamunin ng antok. "I love you too..." sagot niya dito. Mukhang hindi na nito narinig ang sinagot niya. Napatitig siya sa asawa. Nakatulog na nga ito pagkatapos ng maiinit nilang tagpo. May ngiti ito sa labi. Hindi niya maiwasang haplusin ang mukha nito. Unti-unting bumabalik ang sigla ng mukha nito no'ng bumalik sila sa buhay nito. Ano kaya ang gagawin nito kapag nalaman nitong wala naman pala talagang nangyari sa pagitan nito at ni Elisa? Napabuntong-hininga siya. Ano ba ang kasalanan nila, bakit sila pinarusahan ng ganito? Wala naman silang inagrabyado na tao. Lalo na kay Elisa, wala silang kasalanan dito bakit nito sinira ang pami

  • Soldier's First Love (Tagalog)   Chapter 69: The Truth

    Sa sobrang inis ni Laura. Umahon siya sa tubig at dere-derechong umakyat ng silid. Pagkatapos maligo ay binisita niya ang mga bata. Tulog na pala ang mga kababaihan. Pinatay niya ang mga nakabukas na TV. Pero pagpasok niya sa kuwarto nila King. Gising pa ang mga ito, naglalaro pa. Kaagad na binitawan ni King ang hawak na telepono at niyakap siya. "Happy?" Tumango naman ito. "Sana lagi silang pumunta dito, Nanay para may mga kalaro ako." Ginulo niya ang buhok nito. "Hayaan mo, sasabihan ko ang Daddy mo, na lagi silang papuntahin dito. Okay?" Marahan itong tumango. Bumalik na ito kapagkuwan kaya lumabas na siya. Sinilip niya ang mga kaibigan, naliligo pa rin ang mga ito. Nak

  • Soldier's First Love (Tagalog)   Chapter 68: Tease

    Kagaya ng napag-usapan nila ni Astin, pagdating ng Manila hindi sila magkatabi matulog. Pinapalitan niya ng sofa bed ang nasa silid nila para doon ito matulog.Bumawi ito sa anak niyang si Gabriel pero kay King nahihirapan ito. Kaya minsan tinutulungan niya si Astin para mapalapit ang dalawa. Ginawaan din ni Astin si King ng maliit na court sa likod ng bahay. Alam niyang natutuwa ang anak pero magaling itong magtago ng emosyon.Araw ng sabado noon. Tinanghali siya ng gising.Napakunot-noo siya ng makita ang isang bulaklak sa side table niya. Isa iyong pink na Camellia. Inilinga niya ang paningin, nakaligpit na ng higaan si Astin. Wala na ring kaluskos sa banyo. Hinigit niya ang bulaklak at inamoy iyon. Hindi niya namalayang nakangiti na pala siya.

  • Soldier's First Love (Tagalog)   Chapter 67: Second Chance

    Pagdating nila sa bahay na tinitirhan nila ay nagmamadaling bumaba si King. Hindi siya nito hinintay. Tinawag pa ito ni Astin pero hindi man lang lumingon.Sabay na napatingin sa kanilang dalawa si Kiarra at Gabriel na nasa sala."Daddy!" Tumakbo si Kiarra at niyakap si Astin. Si Gabriel naman nakatunghay lang sa dalawa.Nilapitan niya si Gabriel at binulungan na yakapin ang Daddy nito pero nagtago lang ito sa likod niya. Nakalapit na pala noon si Astin sa kanila.Lumuhod ito para magpantay sa anak."H-Hello," nahihiyang saad ni Astin.Sumilip ang anak nang marinig ang boses ng ama.

  • Soldier's First Love (Tagalog)   Chapter 66: Begging

    3 years later..."Kinakabahan ako, Thunder." Napahawak siya kamay nito.Narinig niya ang mahihinang tawa nito."Relax. Pati tuloy ako nininerbyos." Hindi na nito napigilan ang humalakhak.Napahawak siya sa braso ni Thunder nang tumigil ito kakatawa. May kumatok kasi.Sabay silang napatingin sa pintuan nang bumukas iyon."Ready?" tanong ng doktor sa kanila.Ngayon kasi tatanggalin ang nakabalot sa mukha niya.Finally, maibabalik na din ang dating mukha niya. Ang daming nangyari sa loob ng tatlong taon.Muntik na siyang makunan ng tatlong beses. She was devastated dahil sa nasaksihan. She's in pain while carrying her son. She was lost. Hindi siya kumakain ng maayos. Wala siyang pakiaalam kung buntis siya. Lagi niyang hinihiling na sana kunin na siya ng poong maykapal.Hindi kayang tanggapin ng puso't-isip niya ang ginawa ng asawa.Pakiramdam niya, nag-iisa siya. Hindi niya nakikita ang effort ng mga

  • Soldier's First Love (Tagalog)   Chapter 65: Painful

    Napahawak si Thunder sa kamay ni Ira nang mapansing pabaling-baling ito sa higaan. Hindi pa rin ito nagigising. Ayon sa doktor baka, 12 hours yata ang epekto ng pampatulog na itinurok dito.Bigla siyang kinabahan nang marinig ang sunod-sunod na daing nito. Mukhang nanaginip ito ng masama. Pinagpapawisan din. Nag-aalala siya, kaya pinindot niya ang button para ipaalam sa nurse na may nangyayari kay Ira.Nakita niya ang paglabas ng butil sa gilid ng mga mata nito kaya nakaramdam siya ng awa."Ssshhhh... I'm here, Ira..." bulong niya dito.Napatingin siya sa kamay nilang magkahawak. Humigpit iyon. Sunod-sunod na din ang pagdaing nito. Hanggang sa magmulat ito ng mata. Bigla niya itong niyakap nang marinig ang hikbi nito."Ira!"Natigilan ito. Tumitig pa sa mukha niya."T-Thunder... N-Naalala ko na ang lahat. Ako si Laura. Ako nga ang asawa ni Astin. Nasaan siya? Nasaan ang asawa ko, Thunder?!" naghihisterical nitong tanong.

DMCA.com Protection Status