Mahigit isang oras na pero hindi pa rin bumabalik si Astin. Naiinip na siya. Naglaro na siya lahat ng games sa cellphone ay wala pa rin ito. Hinatiran lang siya ni Romel ng miryenda. Nakailang sulyap siya sa pintuan pero walang Astin na pumasok. Hinigit niya ang bag at inayos ang sarili. Kailangan na niyang umuwi ng bahay. Akmang tatayo siya nang bumukas ang pinto. Ang buong akala niya ay si Astin, si Romel lang pala. Nalungkot siya bigla.
“Male-late lang daw po ng balik si Sir, Ma’am,” imporma nito sa kanya. Tumango lang siya dito. Lumabas din ito agad pagkasabi.
Kasama pa kaya nito si Elisa? tanong niya sa sarili. Nakaramdam siya ng lungkot sa isiping iyon. Sino kaya si Elisa sa buhay ni Astin?
Sumandal siya sa upuan dahil nakaramdam siya ng pangangalay ng ulo. Hindi niya namalayang nakatulog na pala siya. Napamulat siya ng mata ng maramdaman ang paghaplos ng isang kamay sa mukha niya. Nakangiting mukha ni Astin ang nabungaran niya.
“Did I wake you up?” tanong nito habang hindi inaalis ang kamay sa mukha niya.
Umiling siya sa binata. Tumango-tango naman ito sa kaniya.
Napaawang siya ng labi ng laruin ng daliri nito ang ibabang labi niya. Napasinghap pa siya ng gawaran siya nito ng mabining halik. Wala sa sariling tumugon siya sa halik nito kaya tumagal ang tagpong iyon. Napangiti ang binata nang bumitiw ito.
Bigla siyang nahiya dahil sa pagtugon dito. Ano na lang ang iisipin nito. Na gusto niya ang ginawa nitong paghalik?
“Come, let's have our lunch,” masuyong sabi nito sa kaniya.
Naging sunud-sunuran siya sa binata ng mga sumunod na sandali. Sa isang Italian restaurant sila kumain. Para silang real couple nang kumain. Pinagsilbihan siya nito. Likas na talaga sa binata ang sweet noon pa man pero wala lang sa kanya iyon. Lalo pa’t may Gael na siya. Na mahal niya.
Pagkatapos nila kumain ay nagpaalam na siya sa binata na mauna ng umuwi. Alam niyang may trabaho pa ito pero hindi ito pumayag na hindi siya maihatid ng bahay. Hinatid pa siya nito hanggang silid niya. Pero bago ito lumabas ng silid ay kinausap niya ito.
“Astin,”
“Yes?”
“T-totoo bang minamadali mo ang kasalang magaganap?”
Natigilan naman ito sa tanong niya. Matagal bago ito sumagot.
“Oo, bakit?”
“K-kelan?”
“End of the month. Kaya dapat hiwalayan mo na si Gael, Laura. Huwag mong hintayin na ako ang magsabi sa kaniya,” malamig na sabi nito.
Napahilamos siya sa mukha sa mukha niya. Sa susunod na linggo na iyon. Paano na sila ni Gael?
“Sigurado ka na ba sa papasukin natin, Astin? Hindi biro ang pagpapakasal. Sa tingin mo ba sasaya tayo kung isa lang ang nagmamahal? Sa tingin mo ba magwo-work ang marriage natin, gayong ikaw lang ang may gusto?” sunod-sunod na tanong niya na ikinatigil nito paghakbang palabas.
Nilingon siya nito na walang emosyon pagkuway ngumiti ito ng mapakla. “Alam kong matututunan mo din akong mahalin, Laura. Kaya bakit hindi natin subukan?” anito at lumapit pa sa kaniya. “Hindi ba ako kamahal-mahal para sayo?” dugtong pa nito.
Napakagat-labi siya sa tanong nito. “S-si Gael ang mahal ko, Astin. Siya ang pinangarap kong makasama habang buhay. Kapatid lang talaga turing ko sayo. Kaya please, itigil mo na ito habang maaga pa,” aniya at tiningnan ang reaksyon nito. Wala siyang mabasang emosyon dito. “Ayokong matali sa isang kasal na hindi ko gusto. Pakiusap, pag-isipan mo ito, Astin. Please?” naluluhang pakiusap niya at hinawakan niya ang kamay nito.
Pinalis nito ang kamay niya at umatras. “No, itutuloy natin ang kasal, sa ayaw at gusto mo. May puwang na ako sa puso mo, and I can feel it, laura. Susubukan natin. Kung hindi mo talaga ako kayang mahalin, eh di ako mismo ang mag-aayos ng lahat para lang mapawalang bisa ang ating kasal. Subukan lang natin,” anitong nakikiusap din.
Umiling-iling siya. Hindi siya sumasang-ayon sa gusto nito. Hindi pagkain ang kasal na isusubo nila at kung hindi magustuhan ay basta-basta na lang iluluwa. Hindi iyon ganoon kadali. Kasal ang pinag-uusapan dito. Nakataya din dito ang kalayaan nila. “Hindi… hindi ko kayang iwan si Gael, Astin. Mahal na mahal ko siya,” pagdidiin niya sa saalitang mahal baka sakaling magbago ang isip nito. Pero lalo yatang napasama dahil dumilim ang mukha nito at walang sabi-sabing lumabas ng kuwarto niya at pabalya nitong isinara ang pinto kaya napapitlag siya.
Hindi rin naman niya masabing si Gael na nga ang lalaking para sa kanya. Napaka-aga pa para sabihin iyon. Ayaw niya lang kasi matali sa kasal na labag sa kalooban niya.
Wala siyang ginawa maghapon kundi ang matulog. Hindi pa nagre-reply si Asia tungkol sa lecture nila ngayong araw. Alas-sais na siya nagising. Naglinis lang siya ng katawan at pumunta ng kusina para tumulong sa ibang gawain na nakaugalian na niya. Pagdating niya ay nadatnan niya ang ginang na naghihiwa ng mga rekados.
“Magandang gabi po, Tita,” bati niya dito.
Kumunot ang noo nito sa paraan ng pagtawag niya dito.
“Call me, Mama, anak,” anito sa kanya.
“Mama,” ulit niya. Pagkarinig ay ngumiti ito sa kanya ng matamis.
Calderetang baka ang niluluto ng ginang at ni Manang Ida. Nagprisinta na lang siyang maghugas ng mga pinaggamitan ng mga ito dahil hindi siya hinayaan ng Mama Kendra niya na tumulong sa pag-gayat. Dahil baka masugatan pa daw siya.
Hindi nila kasabay si Astin kumain dahil hindi pa ito umuuwi. Natanong siya ng Papa Kent niya kung may hindi ba sila napagkasunduan, wala naman ang sagot niya. Alam na din ng mag-asawa na sa katapusan na gaganapin ang kasal. Sa Hotel De Astin ang venue at sa Saint Michael the Archangel parish church sila ikakasal. Yun ang pagkakasabi ng ginang sa kanya. Pabor naman sana sa kanya kung gusto niya ang ideyang pagpapakasal ngayon. Sino bang babae ang hindi nangarap na ikasal sa simbahan? Pero siyempre, gusto niya sa tamang lalaki at sa tamang panahon. Hindi nga lang ngayon.
Kakatapos niya lang gumawa ng assignment at report para sa lunes. Wala naman siyang gagawin kaya nag-advance na siya. Tumingin pa siya sa bintana kung nandiyan na ba ang sasakyan ni Astin. Wala pa ito.
Naalimpungatan siya ng makarinig ng tunog ng sasakyan. Sa tingin niya hindi lang iyon isa. Sumilip siya sa bintana. Dalawang sasakyan ang huminto. Napakunot-noo siya ng makita si Ezi na bumaba. Akay nito si Astin. Bumukas din ang driver seat ng isang sasakyan at iniluwa si Elisa. Hindi siya pamilyar sa mukha ng isa na bumaba mula sa shotgun seat. Napahawak siya sa dibdib niya ng biglang kumirot.
Namalayan na lang niya ang sariling sinalubong ang mga ito. Pagdating niya sa baba ay siya ring labas ng Mama Kendra niya.
Lasing na lasing si Astin. Naririnig niya ang kanyang pangalan kaya napapatingin ang naroon sa kanya.
“Oh my God, anak! Ano bang nangyari sayo?” nag-aalalang sabi ng ginang at nilapitan ang anak nito. “What happened, Ezi?” tanong nito at bumaling sa matalik na kaibigan ng binata.
Nagkibit-balikat lang ito sabay sabing, “Pagdating po namin nakailang bote na ng alak. Pasensya na po Tita. Pinagalitan na nga po yan ni Tito Dane pero hindi nakinig,” ani ni Ezi at pinaupo ang binata sa sofa.
Tumingin sa kanya si Ezi at ngumiti. Napalingon silang lahat sa dalawang babaeng pumasok. Nakakunot-noo ang ginang pagkakita sa dalawa.
“Elisa, anong ginagawa mo dito? Does your mother know you’re here? Late na, ah!” pagalit na sabi nito kay Elisa.
“No, Tita. Please, don’t tell mom,” pakiusap nito habang nakipag-beso sa ginang.
“Okay. Basta ba diretso uwi, huh?”
“Yes po. Tara na, Ez,” yaya nito sa kaibigan ni Astin kapagkuwan.
Hindi man lang ito nag-abalang tingnan siya. Pakiramdam niya ilap si Elisa sa kanya. Hindi niya maintindihan kung bakit.
Inakay nila ng ginang ang binata hanggang sa kuwarto nito. Siya na ang nag prisinta na punasan ang binata. Panay ang daing nito habang pinupunasan ito.
“Laura,” anas nito at pabaling baling sa higaan.
Napatingin siya sa mukha nito. Mukhang nanaginip.
“No. No...” pasigaw na sabi nito kaya naman ginising niya ito. Nagmulat lang ito saglit at pumikit ulit. Marahil ay sa kalasingan. Naramdaman niya ang paghawak nito sa kamay niya. Napahigpit iyon kaya napadaing siya. Mayamaya ay lumuwag din iyon. Napatingin siya sa mukha nito. Payapa na itong natutulog. Pagkatapos niyang punasan ang binata ay kinumutan niya ito saka lumabas ng silid nito.
Bago siya nahiga sa kama niya ay nag-tipa pa siya ng mensahe para kay Gael. Sinabi niya dito kung saan sila magkikita bukas at kung anong-oras.
Nagising si Laura kinabukasan dahil sa ingay ng alarm clock ng cellphone niya. Nakalimutan niyang sabado nga pala ngayon. Papungas-pungas na pinatay iyon. Napaupo siya bigla nang makita ang reply ni Gael sa text niya kaninang madaling araw. Hindi pa siya tapos magtipa ng reply nang bigla itong tumawag. Agad na sinagot niya iyon."Good morning, Love," bungad nito sa kanya.Napangiti siya ng marinig ang boses nito. Hinigit niya ang unan at dumapa saka nagsalita, "Morning din-" Hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil may humablot na ng cellphone niya at ibinato iyon sa pader ng silid niya.Gulat na napa-upo siya sa kama at tiningnan ang cellphone na basag.Nagtaas siya ng tingin. Madilim na mukha ni Astin ang sumalubong sa kanya.
"Where have you been?" seryosong tanong ni Astin sa kanya. "Uwi ba yan ng matinong babae?"Uminit bigla ang ulo niya sa huling tanong nito. Natawa pa siya ng mapakla bago ito sinagot, "Wow, hindi pa tayo kasal kung makaasta ka parang asawa ko,""Doon din naman tayo pupunta, Laura," anito at tumayo. Lumapit ito sa kanya kaya napaatras siya.Napaatras siya hanggang sa makorner siya nito sa nakasarang pinto. Hinaplos nito ang mukha niya. Pigil ang hininga niya nang paglandasin nito ang daliri mula kilay niya hanggang sa mga labi niya na nagdudulot ng kakaibang pakiramdam sa kanya. Pinisil pa nito ang ibabang labi niya."Alam kong kasama mo si Gael kanina," mahina pero galit ang tono nito. "I am expecting good news from you, My Laura," anito at
Parang ayaw iwan ni Astin si Laura sa bahay nito nang mga oras na iyon. Bukas na ang kasal nila ng dalaga pero kinakabahan pa rin siya. Hindi siya kampante. Ayaw pa niyang umuwi pero inaya din siya agad ng ina. Hindi daw sila dapat pwedeng magkita ngayong araw. Kahapon pa gusto ng ina na ihatid niya ang dalaga pero siya itong pumipigil. Mas gusto niyang sa bahay nila ito mag-stay. Hindi siya mapakali hangga't hindi sila ikinakasal ng dalaga. Ilang oras pa ang hihintayin niya bago mapasakanya ng tuluyan ang babaeng mahal niya. Napatingin siya sa mga kaibigan na maingay. They are throwing him a bachelor’s party. Narito sila ngayon sa rooftop ng hotel nila. Tanaw ang tahimik na karagatan maging ang mga cabin nila. Hindi siya pumayag na magdala ang mga kaibigan ng babae dahil ayaw niyang mag-isip ng masama si Laura. Kahit alam niyang wala pang kasiguruhan ang nar
Kakalapag pa lang ng helicopter sa helipad ng HGC ay tumalon na siya agad. Wala siyang dapat na sayanging oras. Kaligayahan niya ang nakataya dito. Pinahanap na niya ito sa buong poblacion kanina habang nasa himpapawid ay pero wala ito. Maging sa bahayng dating mga kaklase ni Laura noong high school. Naka-off na din ang cellphone na ibinigay niyang may tracker. Kung binuksan lang sana nito, di sana nakatulong iyon sa paghahanap. Pina-pull-out niya na sa Daddy Sebastian niya ang profile ni Gael. Kailangan niya ang expertise ng ama-amahan. Marami itong koneksyon saan mang panig ng mundo. Kaya mahahanap niya din si Gael at ang dalaga.Naka-antabay din si Ezi sa signal niya. Kailangan niyang makuha ang numero na ginagamit ni Gael para maibigay kay Ezi iyon. Kailangan nilang ma-track kung nasaan ito. Pagkatapos maibigay ng Daddy niya ay isinend na niya ito kay Ezi.
"Sarhento,” napapitlag siya ng marinig ang isang boses mula sa likuran niya. Paglingon niya ay nag-aalalang mukha ni John ang nabungaran. There he goes again, reminiscing about his past. May kaunting kirot pa rin. Pero hindi na rin katulad ng dati. Marunong na siyang mag-control sa sarili. Masasabi niyang ibang Astin na siya ngayon. Hinubog na ng panahon. He dated a lot of women para mailabas lang ang pangangailangan niya bilang lalaki. Hindi na ang dalaga ang sinentro niya sa buhay. Hindi madali ang maging sundalo. Ilang buwan kayong wala sa siyudad at higit sa lahat malayo pa sa pamilya. Kung Walong taon na siyang malayo sa pamilya. Nagtapos siyang rank 1 sa military 4 years ago. Proud naman sa kanya ang magulang pero hindi masaya ang mga ito sa pinili niyang propesyon. Sobrang nalungkot ito nang pumayag siya na ipadala sila sa ibang bansa.
Pababa si Laura sa hagdan nang marinig ang Tita Kendra niya na kausap ang Tito Kent niya sa kabilang linya. Tumigil siya sa paghakbang. Gusto niyang marinig ang balita tungkol kay Astin. Walong taon niya itong hindi pa nakita. Sinisisi niya ang sarili kung bakit pumasok ang binata sa pagiging sundalo. Kung sinipot niya sana ang binata sa kasal ay hindi sana mangyayari ang mga bagay na ito ngayon. Masaya sana ang binata at kapiling pa nila ito hanggang ngayon. Hindi man pinapahalata sa kaniya ng Tita Kendra niya ay alam niyang malungkot ito. Lagi niya itong nakikitang pumapasok sa kuwarto ng binata at doon nagpapalipas ng maghapon. Ilang beses na siyang humingi ng tawad sa mag-asawang Hernandez pero hindi ang mga ito nagtanim ng sama ng loob. Tinanggap siyang muli ng mga ito pagkalipas ng isang taon.At ngayon secretary siya ngayon ni Andy. Inalok din siya ng posisyon sa kompanya pero hindi niya iyon tinang
Kakatapos lang ni Laura maligo. Hinihintay niyang dalhin ang susuotin na dress para sa welcome back party ni Astin. Ayaw sana ng binata pero mapilit ang ina nito. Imbitado ang mga malalapit na kamag-anak at kaibigan ng pamilya nito. May mga opisyal din ng police at AFP na dadalo. Inimbitahan din ang buong tropa ni Astin na nagsilbing pamilya nito habang nakikipagdigma sa ibang panig ng mundo.Nakangiting mukha ni Andy ang nabungaran niya ng marinig ang pagkatok mula sa pintuan niya.“You okay?” tanong kaagad nito.“Yeah,” aniya at ngumiti dito.Inabot nito sa kanya ang dala-dalang dress.“Here, bagay ito sayo. Kailangang maganda ka tonight,” nakangiting sabi nito sabay abot ng dress.
Kahit ilang oras lang ang tulog ni Laura ay maaga pa rin siyang nagising. Mabilis na naligo siya at bumaba ng komedor. Maaga ding naghain ng almusal ang mga katulong kahit pagod sa buong magdamag. “Good morning po,” bati niya sa mga ito. Halos sabay-sabay na bumati sa kaniya tatlong katulong. “Kumain ka na, hija. Mamaya pa sila ang mag-asawa siguro magigising. Late na natapos kagabi ang party,” baling ni Manang Rosa sa kanya. “Ganoon po ba? Sige po. Mauna na nga ako, may pasok pa ako, eh.” Kumuha siya ng mug at nagtimpla ng sariling kape. Hindi siya nagpapatimpla sa mga katulong ng kape dahil hindi naman siya ang amo dito. Nakikitira lang siya. Yan ang laging itinatatak niya sa isip niya. “Good morning
Bandang alas-tres sila nakarating ng asawa sa EL Nido. Hindi niya akalaing may sariling airport doon ang Daddy niya. Alam niyang may resort ito dito, pero hindi niya alam kung saan iyon banda. Kakagising lang din ng asawa niya kaya kaagad na bumiyahe sila papunta sa private beach house nila mula sa private airport ng mga Madrid. Pitong araw silang mamalagi ng asawa dito. Sisiguraduhin niyang mag-eenjoy dito ang asawa. “Malayo pa ba?” Napabaling siya sa asawa nang marinig ang boses nito. “Malapit na, Sweetie. Siguradong mag-e-enjoy ka doon. I already saw it on video,” “Talaga?” Yumakap ang asawa niya sa kan’ya. “Hmmn,” Wala pan
Saka lang nag-sync-in sa utak niya na nakidnap na pala ang asawa niya.Nang mahimasmasan siya.Kaagad na tinawagan niya ang mga kaibigan niya sa militar, sakto namang kakabalik lang ng mga ito mula sa mahaba-habang misyon. Ito ang unang beses na humingi siya ng tulong mula sa mga ito pagkatapos niyang magretiro ng maaga. Maging si Ian at ang Papa niya ay nasabihan na din niya. Pinagsamang pulis, militar at mga tauhan ng Daddy Sebastian, nailigtas nila ang asawa niya. Pero hindi niya akalaing makikita sa loob si Thunder. Muli na namang nabuhay ang sama ng loob niya ng makita ito doon. Walang malay noon ang asawa nang iwan niya kay Thunder. Hindi pa siya handang harapin ang asawa sa sobrang sama ng loob niya. Alam niyang hindi ito pababayaan ni Thunder, gusto niyang mag-isip kahit sandali lang. Naguguluhan siya sa resulta.
Unang araw pa lang niya sa trabaho mukhang pinapakulo na naman ng paligid ang ulo niya. Wala man lang sumasagot kung nasaan si Romel. Wala siyang ibang pinagkakatiwalaan sa opisina kundi si Romel lang. Ang aga-aga niyang nakapameywang sa labas ng opisina niya. Hindi pa nale-late si Romel kahit noon pa man. Nakailang-ulit pa siyang tanong pero wala talagang makasagot ng matino sa mga tanong niya. God! First day niya, tapos ganito agad ang ibubungad sa kan'ya! Lalong uminit ang ulo niya nang makitang may bagong kasama si Lesha at sinabi nitong may bago siyang sekretarya. Kailan pa siya tumanggap ng babaeng sekretarya? Kailan pa? Pero natigilan siya nang marinig ang boses ng bagong sekretarya niya. Nanaginip ba siya? Bakit boses ng asawa niya ang naririnig niya? Bakit kasinglambing ng boses nito ang namayapa niyang asawa? Pinaulit niya ito ng dalawang beses para lamang kumpirmahin. Hindi nga s
"I love you," wika ng asawa bago ito tuluyang lamunin ng antok. "I love you too..." sagot niya dito. Mukhang hindi na nito narinig ang sinagot niya. Napatitig siya sa asawa. Nakatulog na nga ito pagkatapos ng maiinit nilang tagpo. May ngiti ito sa labi. Hindi niya maiwasang haplusin ang mukha nito. Unti-unting bumabalik ang sigla ng mukha nito no'ng bumalik sila sa buhay nito. Ano kaya ang gagawin nito kapag nalaman nitong wala naman pala talagang nangyari sa pagitan nito at ni Elisa? Napabuntong-hininga siya. Ano ba ang kasalanan nila, bakit sila pinarusahan ng ganito? Wala naman silang inagrabyado na tao. Lalo na kay Elisa, wala silang kasalanan dito bakit nito sinira ang pami
Sa sobrang inis ni Laura. Umahon siya sa tubig at dere-derechong umakyat ng silid. Pagkatapos maligo ay binisita niya ang mga bata. Tulog na pala ang mga kababaihan. Pinatay niya ang mga nakabukas na TV. Pero pagpasok niya sa kuwarto nila King. Gising pa ang mga ito, naglalaro pa. Kaagad na binitawan ni King ang hawak na telepono at niyakap siya. "Happy?" Tumango naman ito. "Sana lagi silang pumunta dito, Nanay para may mga kalaro ako." Ginulo niya ang buhok nito. "Hayaan mo, sasabihan ko ang Daddy mo, na lagi silang papuntahin dito. Okay?" Marahan itong tumango. Bumalik na ito kapagkuwan kaya lumabas na siya. Sinilip niya ang mga kaibigan, naliligo pa rin ang mga ito. Nak
Kagaya ng napag-usapan nila ni Astin, pagdating ng Manila hindi sila magkatabi matulog. Pinapalitan niya ng sofa bed ang nasa silid nila para doon ito matulog.Bumawi ito sa anak niyang si Gabriel pero kay King nahihirapan ito. Kaya minsan tinutulungan niya si Astin para mapalapit ang dalawa. Ginawaan din ni Astin si King ng maliit na court sa likod ng bahay. Alam niyang natutuwa ang anak pero magaling itong magtago ng emosyon.Araw ng sabado noon. Tinanghali siya ng gising.Napakunot-noo siya ng makita ang isang bulaklak sa side table niya. Isa iyong pink na Camellia. Inilinga niya ang paningin, nakaligpit na ng higaan si Astin. Wala na ring kaluskos sa banyo. Hinigit niya ang bulaklak at inamoy iyon. Hindi niya namalayang nakangiti na pala siya.
Pagdating nila sa bahay na tinitirhan nila ay nagmamadaling bumaba si King. Hindi siya nito hinintay. Tinawag pa ito ni Astin pero hindi man lang lumingon.Sabay na napatingin sa kanilang dalawa si Kiarra at Gabriel na nasa sala."Daddy!" Tumakbo si Kiarra at niyakap si Astin. Si Gabriel naman nakatunghay lang sa dalawa.Nilapitan niya si Gabriel at binulungan na yakapin ang Daddy nito pero nagtago lang ito sa likod niya. Nakalapit na pala noon si Astin sa kanila.Lumuhod ito para magpantay sa anak."H-Hello," nahihiyang saad ni Astin.Sumilip ang anak nang marinig ang boses ng ama.
3 years later..."Kinakabahan ako, Thunder." Napahawak siya kamay nito.Narinig niya ang mahihinang tawa nito."Relax. Pati tuloy ako nininerbyos." Hindi na nito napigilan ang humalakhak.Napahawak siya sa braso ni Thunder nang tumigil ito kakatawa. May kumatok kasi.Sabay silang napatingin sa pintuan nang bumukas iyon."Ready?" tanong ng doktor sa kanila.Ngayon kasi tatanggalin ang nakabalot sa mukha niya.Finally, maibabalik na din ang dating mukha niya. Ang daming nangyari sa loob ng tatlong taon.Muntik na siyang makunan ng tatlong beses. She was devastated dahil sa nasaksihan. She's in pain while carrying her son. She was lost. Hindi siya kumakain ng maayos. Wala siyang pakiaalam kung buntis siya. Lagi niyang hinihiling na sana kunin na siya ng poong maykapal.Hindi kayang tanggapin ng puso't-isip niya ang ginawa ng asawa.Pakiramdam niya, nag-iisa siya. Hindi niya nakikita ang effort ng mga
Napahawak si Thunder sa kamay ni Ira nang mapansing pabaling-baling ito sa higaan. Hindi pa rin ito nagigising. Ayon sa doktor baka, 12 hours yata ang epekto ng pampatulog na itinurok dito.Bigla siyang kinabahan nang marinig ang sunod-sunod na daing nito. Mukhang nanaginip ito ng masama. Pinagpapawisan din. Nag-aalala siya, kaya pinindot niya ang button para ipaalam sa nurse na may nangyayari kay Ira.Nakita niya ang paglabas ng butil sa gilid ng mga mata nito kaya nakaramdam siya ng awa."Ssshhhh... I'm here, Ira..." bulong niya dito.Napatingin siya sa kamay nilang magkahawak. Humigpit iyon. Sunod-sunod na din ang pagdaing nito. Hanggang sa magmulat ito ng mata. Bigla niya itong niyakap nang marinig ang hikbi nito."Ira!"Natigilan ito. Tumitig pa sa mukha niya."T-Thunder... N-Naalala ko na ang lahat. Ako si Laura. Ako nga ang asawa ni Astin. Nasaan siya? Nasaan ang asawa ko, Thunder?!" naghihisterical nitong tanong.