"Bakit ka ba umiiyak na naman d'yan, huh, Stupid? Pwede ba tumigil ka na riyan, hindi magiging masaya ang kambal dahil sa ginagawa mo." Palatak ng kaibigan kong si Jessa, oo, nasasaktan pa rin ako sa pagkawala nila, syempre dahil isa akong ina na nawalan ng Anak. "Halika ka nga." Anito at niyakap ang dalawang braso sa akin na lalong kinaiyak ko. "Hays! Naiirita na ako sa iyak mo! Tumigil ka na nga huwag mo naman akong stress-in dahil baka mamaya ikaw pa maging kamukha ng Anak ko! Lugi ako na nagdadalang tao!” Anito na kinatigil ko sa pag ngaw ngaw. “Huh!? Buntis ka na naman?” “Oo, na naman! Kaya utang na loob tantanan mo na iyang kakaiyak mo! Naiirita ako talaga malapit ko ng busalan ang bunganga mo!"“Sorry na! Tanggap ko naman na ang nangyari sa kambal ko pero masakit lang sa akin na aalis muli si Ken. Nanganak at nailibing nga yung mga anak ko na wala siya tapos aalis siya ulit!? Ang hirap! Ang sakit dahil aalis siyang muli para bang wala lang sa kanya yung anak namin.” Ani ko
At four in the afternoon, Dina and Ken arrived at the Hotel owned by their friend Adam. They were riding James's Jet and he also became the pilot.“Misis ko wake up. Misis ko!” Tawag nito sa asawa. “Narito na tayo!” Wika nitong bungad sa asawa na inaantok pa. “Mamaya ka na lang ulit matulog.” Aniya.Nakapag desisyon ni Ken na dalhin ang asawa sa sikat na night market dito sa Hong Kong dahil alam niyang matutuwa at malilibang ang asawa doon. “Let's eat some street food first, my wife, and then let's go to the night market.” Aniya sa asawa na kinalapad ng ngiti ni Dina, tumango tango pa ito habang nagsasalita.“Sige, let’s go!” Masayang tugon nito sa asawa.“Sabi ni Veronica, masasarap raw dito ang mga street foods, Mister ko kaya gusto ko ring matikman kung totoo ba at gusto ko rin makarating sa Big Buddha at Wong Tai Sin Temple ba ‘yon? Please!” Wika nito habang nakahawak pa sa kaliwang braso ng asawa na malawak naman nakangiti na pinagmamasdan ito habang nagsasalita.“Sure! Bukas ay
Dalawang buwan na ang nakalipas ngunit ang pangako n’ya na uuwi siya after ng kanilang misyon ay hindi natupad. At kahit na ang sinasabi nitong misyon ay walang katapusan hanggat may kalaban ay umaasa pa rin ako. Nagkaroon pa kami ng pagtatalo ng araw na sabihin kung sasama ako sa kanya.**THE PAST“Huh, sasama ka? Napa kadelikado ang lugar na ‘yon, Misis ko. Hindi ko mapapatawad ang aking sarili kung may mangyaring masama sa ‘yo.” Saad nito habang yakap ako patalikod“Alam kong hindi mo ako pababayaan kaya nga gusto kong sumama sa ‘yo, eh!” Pilosopo kong saad na kinatigil nito. “I’m talking about your safety, kung pwede lang bakit ko gugustuhin na malayo sa ‘yo!” Saad nito at bumitiw na sa pagka kayakap sa akin.“Bakit ko pa titiisin ang gabi gabi na nilalamig ako sa yakap mo?” Dagdag pa nito na kinairap ko. “Okay. Fine! Hindi na ako sasama,okay?” Saad kong napipilitan dahil gusto ko talagang sumama sa kanya dahil gusto ko pa siyang makasama ngunit hindi naman nakikiayon ang panahon
Nagkaroon ng kaunting gasgas ang aking likod dahil sa pader na hollow blocks, kaya naman minabuti ng aking asawa na mag check in na lamang kami mamaya sa hotel o ‘di kaya’y magtiis na lang daw muna kami kung sakaling hindi siya maaaring lumabas dahil baka hindi lang daw gasgas sa likod ang mangyari sa akin. Kasalukuyan kaming nag-aagahan ngayon dito sa kitchen nila. May ilang sundalo na kasa-kasama rin nila ang kanilang mga asawa at anak kaya naman natuwa akong pagmasdan sila. Napapangiti ako tuwing titingin sa akin ang bata gusto ko itong kunin kaya hindi ko na tinapos pa ang aking pagkain dahil lumapit na ako sa babae na may karga kargang bata. “Hello! Baby.” Bati ko rito at isang matamis na ngiti ang sinukli nito sa akin. “Halika muna para makakain ng maayos si Mommy.” Ani ko at agad rin itong nagtaas ng braso habang kumakawag kawag pa ang mga paa. Matamis akong ngumiti sa aking asawa na ngayon ay nasa likuran ko na dahil tapos na rin itong kumain. “Ang cute n’ya, Mister.” Saad ko r
Two years later..“Dina, Hija pumasok na ako nakabukas kasi yung gate kaya dumeretso na ako.” Anito at inaabot ang tupperware na naglalaman ng ulam. Halos araw araw yata akong dinadalhan ng ulam ni Mama Maricel, ang Ina ni Matt, opo ‘Mama’ na ang tawag ko sa kanya at ayon iyon sa kagustuhan n’ya upang kahit paano raw ay makalimutan na ang sakit ng pagkawala ng kanyang anak na kaagad ko namang sinang-ayunan. “Salamat po, Mama.” Pasalamat ko rito at nag beso. “Asan ang mga bata? Maari ko bang hiramin muna?” Nakangiting tanong nito, mas madalas ang mga anak ko kay Mama Maricel, lalo na nung kapapanganak ko pa lang ay halos dito na siya matulog. Best friend ito ng aking Ina kaya naman ayos lang kay Mommy dahil naiintindihan n’ya ang pinag dadaan ni Mama Maricel bukod ron ay nag iisa anak si Matt. “Nasa kwarto po, Mama tulog pa po sila dahil napuyat po kagabi ng dumating si ken.” Nakangiti kong saad, kapag kasi dumarating ang kanilang ama ay ginigising sila nito at nakikipaglaro kahit pa
“Daddy…”“Daddy..” Tawag ng kambal sa kanilang ama habang ito’y papalayo tungo sa Jet na kanilang sasakyan. “Nummy, Daddy…” Aniya ni Matt at itinaas ang braso habang nakaturo sa kanyang Ama.“Daddy…” Umiiyak na saad naman ng Anak kong si Klaus. Sa pagkakataon ito ay parang dinudurog ang puso ko dahil sa reaksyon ng mga anak ko sa pag-alis ni Ken. Ito ang unang beses na lalayo siya muli magmula nang isilang ko ang kambal, kaya naman masakit sa akin na nakikita kong umiiyak sila. “Work work si Daddy, anak. Babalik s’ya sa…” alu ko ngunit naputol dahil hindi ko alam kung kailan nga ba babalik ang kanilang ama, at mahirap rin magsalita o mangako sa bata upang sila ay paasahin. “Babalik si Daddy, baby, so better stop crying..” alu ko at niyakap silang dalawa.“Gusto n’yo kain tayo sa Jollibee?” Masaya kong turan na agad naman kinatango ng mga anak ko.“Bee…”“Yehey! Bee..” Masaya nilang saad dahil sa jollibee ay nakalimutan nilang sandali ang pag alis ng kanilang ama. “Paano na lang ma
"Kuya James, kung balak mo ‘kong i-prank o ‘di kaya’y trip trip lang ito….” Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Dina bago ito muling nagsalita.“Hindi ako natutuwa. Hindi nakakatuwa na gawin mong biro ang mga ganitong bagay, Kuya!” mariin nyang sagot sa kabilang linya dahil alam ni Dina kung paano maglambingan ang magkakaibigan. “Hindi ito trip o prank! Hindi ako nagbibiro, Dina—“ anito ngunit kaagad ng pinutol ni Dina.Mabilis nitong kinuha ang susi ng sasakyan sa kanilang kwarto, nagmaneho patungo sa nasabing lugar. “Sana nanaginip lang ako ngayon.” Pagkausap ni Dina sa sarili habang patuloy sa pagmamaneho. Dalangin n’ya’y sana namalikmata lamang ang kanyang pinsan na si James, dahil hindi kayang iproseso ng utak n’ya na niloloko s’ya ng kaniyang asawa.“Parang ang hirap tanggapin, dahil ngayon pa lang ang hirap ng isipin kung totoo talaga.” Makalipas ang halos isang oras na biyahe ay narating niya na ang Bar na pag-aari ni Adam, kung saan nasa loob raw ang kanyan
Halos magdamag na gising ang diwa ni Dina kahit na ba’y nakapikit ang kanyang mata ngunit hindi talaga siya dalawin ng antok dahil sa halo halong kabang nadarama. Hindi n’ya kasi malaman kung tama ba ang pagkaka install n’ya n’ong Mobile Tracker sa cellphone ng asawa. Kaya naman minabuti bumangon sa pagkakahiga at sandaling tinapunan ng tingin ang asawa upang masiguro kung ito’y tulog pa. Muli n’yang subukan yung tracker, sinubukan niyang tawagan at i-text ang numero ng asawa upang sa gayon ay malaman na n’ya dahil hindi rin naman siya makatulog sa labis na pag-iisip. Matapos tawagan at itext ay muli siyang nagtipa para maka-log in at para rin makita n’ya ang dashboard ng minomonitor n’ya. Kinabukasan tinanghali ng gising si Dina dahil alas singko na ito ng umaga natulog kaya naman ng magising siya ay wala na ang kanyang katabi. Ginawa muna n’ya ang kanyang morning routine bago nagpasyang bumaba nasa bukana pa lamang siya ng pinto ay dinig na dinig na niya ang mga halakhak mula sa k