KINAUMAGAHAN may dumating ulit na delivery galing kay Darius. This time prutas naman at flowers. "D..." basa ni Nanay sa initial na nakasulat sa note na nakalagay. Nag-isip siya saglit, pagkatapos ay naniningkit ang mga mata na tumingin sa akin. "Kanino galing 'to, Anak?" usisa niya. Para bang close kami kung makapagtanong siya tungkol dito. Anak, ha? "Sa supplier po 'yan. Si Miss D," mabilis ko namang sagot. "Ganu'n?" tila hindi naniniwalang tanong niya. Hindi ko alam kung ano ang pinunta niya dito. Ang kumustahin ang bunsong anak niya o ang usisain ang buhay ko? Dahil may nalaman siyang nakakuha ng interes niya. Nakakahiya talaga siya mag-isip. Huwag lang talaga niyang pakikialaman ang personal kung buhay. I swear. Baka doon tuluyang maubos ang pasensya ko. Okay lang sana kung close talaga kami. All of a sudden naging interesado siya tungkol sa akin. She's acting so weird, and acting like she give a goddamn fvck about my life. "Akala ko lalake..." anas niya. "Akala mo lang
Bukas, puwede nang lumabas ang kapatid ko. Ngayon, hindi ko alam kung paano ako babalik sa trabaho nang hindi nag-aalala sa kaniya, dahil baka mapabayaan siya at lumala lang ang kondisyon niya. "Isama mo na lang sa bahay," suhestyon ni Camila. Hindi naman ako agad makapagdesisyon, dahil baka malulungkot lang siya doon. Papasok ako ng trabaho, maiiwan siya sa bahay. Ang kasama lang niya ay ang mga maids. Mabuti sana kung doon pa din nakatira si Divine. "Sa akin na lang muna siya, Ate," sabi naman ng kapatid ko. "Hindi ko siya pababayaan," pangungumbinsi niya. Sa totoo lang siya na lang ngayon ang puwede kong pagkatiwalaan sa buong pamilya, bukod kay Tatay. "Kausapin muna natin si Tatay mamaya," sagot ko naman. Siya pa din naman ang magulang at kapatid lang kami. Kadadating lang ni Nanay. Nasabi na sa kaniya ng kapatid ko at ang bilis niyang sumagot na okay lang. Hindi man lang nito sinabi na sa bahay na lang. Aalagaan ko ang kapatid ninyo. Pero hindi, e. Para bang pabor na pabor
PAGDATING ni Tatay ng gabi, natigilan siya nang makita niya ang bouquet at malaking stuff toy. "Bigay ni Ate sa akin, 'Tay," sabi ni bunso habang yakap-yakap niya ang kaniyang stuff toy. "Hindi ba nakakaubo iyan?" tanong naman ni Tatay habang nakangiti. Nilapitan niya ang kapatid ko saka hinalikan sa ulo. Hinaplos din niya ang stuff toy upang i-check ang balahibo nito. Ngumiti siya. "Tay, napag-usapan namin ni Ate kanina na sa bahay na lang muna si bunso. Nasabi na din namin kay Nanay." Nagbago agad ang mood ni Tatay. Naging malungkot ang mukha nito. "Mukhang iyon ang makakabuti para sa kaniya sa ngayon. Ayaw ko man, dahil malulungkot ako. Alam niyo naman na malambing sa akin itong bunsong kapatid niyo." Biniro ko si Tatay. "Tay, ha. May paborito ka na ngayon." Tumawa lang siya. Hinaplos niya ang buhok ng kapatid ko at saglit itong pinagmasdan. "Mag-aasawa ka na ba, Anak?" tanong niya sa akin, habang nakatingin sa malaking bouquet. "Wala po akong nobyo, 'Tay..." mabilis kong
BEFORE lunch, na-settle ko na ang bills dito sa ospital. Ready na kaming umuwi, katatanggal lang din ang suwero sa kamay ng kapatid ko. Naayos na namin ang mga gamit namin. Ang grab driver ay malapit na ding dumating. Pero hindi pa kami makaalis-alis ng hospital room. Kanina ko pa hinahanap ang hikaw ko. "Baka nasa bag mo lang iyon, Ate. Wala bang secret pocket iyan?" Tinaktak ko na nga kanina ang bag ko, e. Pero wala talaga. Pati ang hospital bed halos baliktarin ko na din. "Baka nawala na. Bumili ka na lang ng bago," sabi niya. "Regalo iyon sa akin ni Camila noong naging successful ang unang branch na tinayo niya..." Bumuntong hininga ako. Sobrang halaga nu'n sa akin, may sentimental value iyon, bukod sa mahal nitong presyo. Tumulong na din ang kapatid ko sa paghahanap. Si bunso naman ay abala sa panonood habang hindi pa kami lumalabas dito. Wala talaga. Nasa labas na ang grab. Nagbilin ako sa nurse na kung may makakita nu'n, pakitawagan ako. Magbibigay ako ng reward. Sum
Hindi ko na talaga alam ang iisipin ko sa nanay ko. Ako pa ang nagmukhang masama. Tamad ko siyang tinignan. Nagsukatan kami ng tingin, pero agad ding naputol nang may dumating na bisita si Nanay. "Tara na!" aya ng isang maputing ginang kay Nanay. Maganda ito manamit. At naagaw ng aking pansin ang suot niyang hikaw. Ang pearl earrings ko. Hindi ako maaring magkamali. Akin ito. Limited edition ang earrings na ito. Pinasadyang ipagawa ito ni Camila sa isang jeweler. "Nay!" Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kaniya. Napatingin din ang kapatid ko sa tenga nang babae. Tiyak na napansin niya ang pagkakatitig ko doon. Suminghap siya. Nang makita naman ni Tatay ang ginagawa ng kapatid ko na walang hiyang pagtitig sa babae, masama siyang tumingin kay Nanay.Sa ilang gabi na na magkasama kami sa ospital, alam kong kabisado na niya ang suot kong alahas. Lalo at wala akong suot ngayon. Hinubad ko lang ito kagabi nang maligo ako. Pagkatapos kong maligo, si Nanay naman ang gumamit ng banyo.
"Is she okay?" tanong ni Darius. Nandito ako ngayon sa shop. Dito ako dumiretso pagkatapos kong ihatid ang mga kapatid ko sa kanila. Nalulungkot ako kaya imbes na umuwi ng bahay at magmukmok doon, pinili kong puntahan si Camila dito sa shop. Pagdating na pagdating ko pa lang, alam na niya agad na may nangyari. Hindi ko mapigilang sabihin sa kaniya ang naging away namin sa bahay, at ibuhos ang sama ng loob ko dahil sa nangyari. "Tama lang na ginawa mo," aniya. "Para madala ang nanay mo." Oo, kahit na kawawa sina Tatay at mga maliliit ko pang kapatid. Bumuntong hininga ako. Sumenyas si Camila na kausapin ko daw si Darius. Inaabot niya sa akin ang kaniyang celphone pero umiling ako. Naka-off ngayon ang phone ko, dahil kanina pa tawag nang tawag si Nanay. Akala ata niya hindi ako seryoso sa sinabi ko kanina. Bibili na lang ako ng extra na simcard mamaya, upang doon ako kontakin ng isa kong kapatid. "I'm worried..." sambit ni Darius mula sa kabilang linya. Umiling-iling ako kay Cam
"MAG-IINGAT ka, Anak," pang-ilang ulit nang bilin ni Tatay sa akin. "Opo," kunot noong sagot ko naman dahil nalilito na ako sa inaasta niya. "Ihatid na lang kita hanggang sa bahay na tinitirhan mo.""Huh? Bakit?" Mas lalo na akong nagtaka sa kaniyang tinuran. "May problema ba, 'Tay?" Saglit siyang natahimik saka marahang umiling. Sumakay na kaming dalawa sa loob ng taxi. At habang nasa biyahe kami, napakatahimik niya. Hindi ko tuloy maiwasang mag-isip ng mga bagay-bagay. Bakit pakiramdam ko madaming nililihim sa akin si Tatay? Mapanuring tinignan isa-isa ni Tatay ang mga katulong at dalawang tauhan nang makarating kami ng bahay. "Kailan pa sila nagseserbisyo sa inyo?""Mula po nang yumaman si Camila," sagot ko habang iniisa-isa dinng tinignan ang mga tauhan. "Sige, Anak. Aalis na ako. Mag-iingat ka. Iwasan mo ding maglalabas...""Nalilito na ako, 'Tay. Ano'ng nangyayari sa'yo? Kanina ko pa napapansin iyang tila pagiging balisa mo."Pinilit niyang ngumiti. "Nag-aalala lang si
ANG lahat ay masaya. Maingay. Nakatawa. May malalaking ngiti sa mga labi. Maliban sa akin na hanggang ngayon nanlalambot pa din dahil sa kaba. Ayaw ko ang atensyon na nakukuha namin ngayon. Nahati ang atensyon ng lahat ng mga bisita dahil sa amin ni Darius. Ang iba na kamag-anak nila, lumapit pa talaga sa amin para i-congratulate si Darius. Tuwang-tuwa naman 'tong lalakeng kasama ko. Halos mapunit na ang labi sa kakangiti. Thank you, iyan ang sagot niya sa tuwing may bumabati sa kaniya ng congrats. Congrats saan? Talagang sinasakyan niya ang mga ito. Hindi man lang niya tinatama ang akala ng lahat. Wala kaming relasyon. Bakit kailangan niyang sakyan ang sinasabi nila? Bakit kailangan naming magpanggap na may relasyon kami? Hindi ko magawang ngumiti nang maayos. Naiinis ako sa kaniya. "What's with that face?" bulong niya sa akin. Nakatayo kami sa gilid ng stage. Kahit gusto kong bumalik sa aking upuan kanina ay hindi ko magawa, dahil nanlalambot ang aking mga binti at tuhod. T