"MAG-IINGAT ka, Anak," pang-ilang ulit nang bilin ni Tatay sa akin. "Opo," kunot noong sagot ko naman dahil nalilito na ako sa inaasta niya. "Ihatid na lang kita hanggang sa bahay na tinitirhan mo.""Huh? Bakit?" Mas lalo na akong nagtaka sa kaniyang tinuran. "May problema ba, 'Tay?" Saglit siyang natahimik saka marahang umiling. Sumakay na kaming dalawa sa loob ng taxi. At habang nasa biyahe kami, napakatahimik niya. Hindi ko tuloy maiwasang mag-isip ng mga bagay-bagay. Bakit pakiramdam ko madaming nililihim sa akin si Tatay? Mapanuring tinignan isa-isa ni Tatay ang mga katulong at dalawang tauhan nang makarating kami ng bahay. "Kailan pa sila nagseserbisyo sa inyo?""Mula po nang yumaman si Camila," sagot ko habang iniisa-isa dinng tinignan ang mga tauhan. "Sige, Anak. Aalis na ako. Mag-iingat ka. Iwasan mo ding maglalabas...""Nalilito na ako, 'Tay. Ano'ng nangyayari sa'yo? Kanina ko pa napapansin iyang tila pagiging balisa mo."Pinilit niyang ngumiti. "Nag-aalala lang si
ANG lahat ay masaya. Maingay. Nakatawa. May malalaking ngiti sa mga labi. Maliban sa akin na hanggang ngayon nanlalambot pa din dahil sa kaba. Ayaw ko ang atensyon na nakukuha namin ngayon. Nahati ang atensyon ng lahat ng mga bisita dahil sa amin ni Darius. Ang iba na kamag-anak nila, lumapit pa talaga sa amin para i-congratulate si Darius. Tuwang-tuwa naman 'tong lalakeng kasama ko. Halos mapunit na ang labi sa kakangiti. Thank you, iyan ang sagot niya sa tuwing may bumabati sa kaniya ng congrats. Congrats saan? Talagang sinasakyan niya ang mga ito. Hindi man lang niya tinatama ang akala ng lahat. Wala kaming relasyon. Bakit kailangan niyang sakyan ang sinasabi nila? Bakit kailangan naming magpanggap na may relasyon kami? Hindi ko magawang ngumiti nang maayos. Naiinis ako sa kaniya. "What's with that face?" bulong niya sa akin. Nakatayo kami sa gilid ng stage. Kahit gusto kong bumalik sa aking upuan kanina ay hindi ko magawa, dahil nanlalambot ang aking mga binti at tuhod. T
24"Dito na lang tayo, total ako naman ang manlilibre." Tinuro ko ang sasakyan ko na nakaparada sa unahan. "If you say so..." Napatingin ako sa mga suot namin. Kailangan pala muna naming magpalit. Mamaya ma-hold-up kami. Isipin ng mga tao, miyembro kami ng isang royal family. Well, siya pala, pang-ganung level. Pero ako, isa lang akong dukha na nabihisan nang maayos. "May dala kang extra na damit sa sasakyan mo?" tanong ko. "Why?" litong tanong niya. "Mag-iinom tayo sa kung saan-saan, alangan naman na ganiyan ang suot mo. Baka mamaya mapag-tripan pa tayo ng mga masasamang tao diyan.""Saan ba tayo mag-iinom?" "Basta..."Tinignan ko ang bodyguard niya. At akala mo kung sino akong boss na nag-utos sa isang bodyguard na nakasunod. "May bag ba siya diyan na may extra na damit? Pakikuha po kung meron." Ngumiti ako sabay kurap ng mga mata. Yumukod ang bodyguard bago tumalima sa aking utos. Salubong ang mga kilay na tumingin sa akin si Darius. "Why do you have to do that?" tanong
Sampung minuto pa na biyahe, nakarating din kami sa isang convenience store. P-in-ark ko ang sasakyan, bago ako lumipat sa back seat upang magpalit ng damit. Sumunod din siya sa akin. Ang gago! Parang nananadya, pagkatapos niyang hubarin ang sapatos, ang pantalon naman niya ang sinunod niya. "Ano ba?!" saway ko. "What? Masyado kang malisyosa. Sigurado ka ba na wala ka sa mood?" Pang-aasar niya. Inirapan ko siya. Binaba ko ang side zipper ng suot kong gown, saka isa-isang binaba ang strap. Pagkatapos ay sinuot ko na ang aking tshirt. 'Tapos ay sinunod ko naman ang aking maong short, saka hinubad ang gown. Nagsuot din ako ng flat sandals. Napatingin ako sa suot ni Darius. Iyong simpleng damit niya, mamahalin pa din. Nakasuot pa siya ng smith shoes. Bahala na nga! At least mas simple siyang tignan.Mas lalo pa yata siyang gumuwapo sa suot niya. Nagmukha siyang model ng mga shirts at jeans, na nakikita sa billboard sa Edsa. Kinuha ko ang aking maliit na slingbag, saka ako lumabas n
Past midnight na pero nandito pa din kami ni Darius sa inuman. Kahit paano, matino pa naman kami kahit na mapatang ang iniinom naming alak. Patibayan kaming dalawa. a"Kaya pa?" nakangisi kong tanong kay Darius. Pulang-pula na ang kaniyang mukha at ang mga mata ay namumungay na. Humikab siya. Pumalatak. At pagkatapos ay ngumisi at muling umiling-iling. Lasing na ang lolo mo. At mukhang malapit nang mawala sa katinuan. Tumawa ako. "Hindi tayo uuwi hangga't hindi natin nauubos 'to," sabi ko, at muling nagsasalin ng alak sa disposable cup na gamit namin sa pagtagay. Mga ilang tagay pa, mauubos na namin 'to. Tama na 'to. Ang mga bodyguard ay nanatili lamang sa kanilang mga upuan. Pinapanood kaming malasing ng boss nila at minsan panaka-nakang napapatingin sa paligid. Nagmamasid, na akala mo ano mang oras ay may bigla na lang susugod at pagtatangkaan ang mahal nilang amo. Kahit na late na, madami pa ding nag-iinuman. Lahat ng mesa ay may nakaokupa na nag-iinuman. Ang iba ay kanina
Mabilis na lumapit ang ginang na may-ari ng painuman sa mga lalake. May sinasabi ito sa kanila. Marahil ay inaawat ang mga ito upang hindi magkagulo. Ang matandang lalake naman, na asawa, ay lumapit din sa gawi namin. "Ma'am, Sir, pasensya na po kayo..." hingi niya ng paumanhin sa amin. Pagkatapos mag-compute ng bantay inabot ko sa kaniya ang bayad. "Sa'yo na po ang sukli," sabi ko, dahil gusto ko nang makaalis na kami agad. Kapag nagkagulo dito madami ang madadamay. Saka lasing na ang mga lalake, ano ang laban nila sa anim na bodyguard? Hindi nila alam ang hinahamon nila. Hindi kami umimik. Ang iba pang nangangasiwa ng paimuman ay nilapitan na din ang mga lalake na nambabastos. Marahil naramdaman nila na hindi sila papalagan ng mga kasama ko, kaya minabuti na lang nilang umawat, bago pa mapunta sa gulo ang lahat. "Let's go," aya ko pero hindi gumalaw si Darius sa kaniyang mesa. "Darius," tawag ko ulit. Nagsukatan kami ng tingin."Huwag mo ng patulan..." Umiling ako. Hinawa
SA LABIS na kalasingan, mahimbing na ang tulog ni Darius nang makarating kami sa bahay niya. Hindi na siya magising, kaya pinagtulungan na lang siya ng dalawang tauhan na ilabas ng sasakyan at dalhin sa kaniyang kuwarto. Kahit na lasing ako, kahit paano may natitira pa naman akong katinuan. Kaya ko pang kumilos. Iyon nga lang pikit na ang mga mata ko. Inalalayan din ako ng tauhan, pero dahil ilang beses akong natumba, binuhat na lang ako. Nakatulog ako, at nang maramdaman ko ang pagkakalapat ng aking likod sa malambot na kama, umayos ako ng higa. "Ano ba!" reklamo ko nang may dumagan sa akin. "Tang ina! Hindi ako makahinga!" sigaw ko nang basta na lang akong daganan ni Darius. Nakakainis naman, e! Lasing na nga at lahat, gusto pang gumapang. Hinalik-halikan pa niya ako. Naaalibadbaran ako. Mainit. Hindi ako makahinga at ang nais ko lamang ngayon ay ang matulog na. Walang gapangan. "Pakihulog nga 'to sa kama," utos ko. Hinampas-hampas ko si Darius, dahil nakatulog na siya haba
PAGKATAPOS naming kumain ng brunch, napagkasunduan naming magpahinga sa may duyan na nasa labas. Hindi pa naman kami puwedeng lumangoy sa dagat, dahil katirikan na ng araw, kaya magpapahinga na lang muna kami. Masakit pa din ang ulo namin hanggang ngayon dahil sa hang over. Kahit paano kaya ko pa namang tiisin, pero itong kasama ko mukhang malakas talaga ang tama sa kaniya ng ininom na alak. "Baka bumigay ang duyan." Tumingin ako sa isa pang duyan na nakakabit sa dalawang puno ng maliit na niyog. Tag-isa na nga kami, gusto pang makipagsiksikan sa akin. "Hindi iyan. Matibay 'to," sagot naman niya. Inangat niya nang kaunti ang katawan ko bago siya humiga nang maayos. Pinaunan niya ako sa kaniyang braso saka ako niyakap. Paano naman kaya ako makakatulog nito? "Much better," aniya saka bumuntong hininga na tila kuntentong-kuntento sa buhay.Napangiti ako. "Sweet ka din pala, no?" "Ayaw mo ba ng sweet?" tanong niya habang hinahaplos ang buhok ko. "Gusto. Kung titignan ka kasi hind