24"Dito na lang tayo, total ako naman ang manlilibre." Tinuro ko ang sasakyan ko na nakaparada sa unahan. "If you say so..." Napatingin ako sa mga suot namin. Kailangan pala muna naming magpalit. Mamaya ma-hold-up kami. Isipin ng mga tao, miyembro kami ng isang royal family. Well, siya pala, pang-ganung level. Pero ako, isa lang akong dukha na nabihisan nang maayos. "May dala kang extra na damit sa sasakyan mo?" tanong ko. "Why?" litong tanong niya. "Mag-iinom tayo sa kung saan-saan, alangan naman na ganiyan ang suot mo. Baka mamaya mapag-tripan pa tayo ng mga masasamang tao diyan.""Saan ba tayo mag-iinom?" "Basta..."Tinignan ko ang bodyguard niya. At akala mo kung sino akong boss na nag-utos sa isang bodyguard na nakasunod. "May bag ba siya diyan na may extra na damit? Pakikuha po kung meron." Ngumiti ako sabay kurap ng mga mata. Yumukod ang bodyguard bago tumalima sa aking utos. Salubong ang mga kilay na tumingin sa akin si Darius. "Why do you have to do that?" tanong
Sampung minuto pa na biyahe, nakarating din kami sa isang convenience store. P-in-ark ko ang sasakyan, bago ako lumipat sa back seat upang magpalit ng damit. Sumunod din siya sa akin. Ang gago! Parang nananadya, pagkatapos niyang hubarin ang sapatos, ang pantalon naman niya ang sinunod niya. "Ano ba?!" saway ko. "What? Masyado kang malisyosa. Sigurado ka ba na wala ka sa mood?" Pang-aasar niya. Inirapan ko siya. Binaba ko ang side zipper ng suot kong gown, saka isa-isang binaba ang strap. Pagkatapos ay sinuot ko na ang aking tshirt. 'Tapos ay sinunod ko naman ang aking maong short, saka hinubad ang gown. Nagsuot din ako ng flat sandals. Napatingin ako sa suot ni Darius. Iyong simpleng damit niya, mamahalin pa din. Nakasuot pa siya ng smith shoes. Bahala na nga! At least mas simple siyang tignan.Mas lalo pa yata siyang gumuwapo sa suot niya. Nagmukha siyang model ng mga shirts at jeans, na nakikita sa billboard sa Edsa. Kinuha ko ang aking maliit na slingbag, saka ako lumabas n
Past midnight na pero nandito pa din kami ni Darius sa inuman. Kahit paano, matino pa naman kami kahit na mapatang ang iniinom naming alak. Patibayan kaming dalawa. a"Kaya pa?" nakangisi kong tanong kay Darius. Pulang-pula na ang kaniyang mukha at ang mga mata ay namumungay na. Humikab siya. Pumalatak. At pagkatapos ay ngumisi at muling umiling-iling. Lasing na ang lolo mo. At mukhang malapit nang mawala sa katinuan. Tumawa ako. "Hindi tayo uuwi hangga't hindi natin nauubos 'to," sabi ko, at muling nagsasalin ng alak sa disposable cup na gamit namin sa pagtagay. Mga ilang tagay pa, mauubos na namin 'to. Tama na 'to. Ang mga bodyguard ay nanatili lamang sa kanilang mga upuan. Pinapanood kaming malasing ng boss nila at minsan panaka-nakang napapatingin sa paligid. Nagmamasid, na akala mo ano mang oras ay may bigla na lang susugod at pagtatangkaan ang mahal nilang amo. Kahit na late na, madami pa ding nag-iinuman. Lahat ng mesa ay may nakaokupa na nag-iinuman. Ang iba ay kanina
Mabilis na lumapit ang ginang na may-ari ng painuman sa mga lalake. May sinasabi ito sa kanila. Marahil ay inaawat ang mga ito upang hindi magkagulo. Ang matandang lalake naman, na asawa, ay lumapit din sa gawi namin. "Ma'am, Sir, pasensya na po kayo..." hingi niya ng paumanhin sa amin. Pagkatapos mag-compute ng bantay inabot ko sa kaniya ang bayad. "Sa'yo na po ang sukli," sabi ko, dahil gusto ko nang makaalis na kami agad. Kapag nagkagulo dito madami ang madadamay. Saka lasing na ang mga lalake, ano ang laban nila sa anim na bodyguard? Hindi nila alam ang hinahamon nila. Hindi kami umimik. Ang iba pang nangangasiwa ng paimuman ay nilapitan na din ang mga lalake na nambabastos. Marahil naramdaman nila na hindi sila papalagan ng mga kasama ko, kaya minabuti na lang nilang umawat, bago pa mapunta sa gulo ang lahat. "Let's go," aya ko pero hindi gumalaw si Darius sa kaniyang mesa. "Darius," tawag ko ulit. Nagsukatan kami ng tingin."Huwag mo ng patulan..." Umiling ako. Hinawa
SA LABIS na kalasingan, mahimbing na ang tulog ni Darius nang makarating kami sa bahay niya. Hindi na siya magising, kaya pinagtulungan na lang siya ng dalawang tauhan na ilabas ng sasakyan at dalhin sa kaniyang kuwarto. Kahit na lasing ako, kahit paano may natitira pa naman akong katinuan. Kaya ko pang kumilos. Iyon nga lang pikit na ang mga mata ko. Inalalayan din ako ng tauhan, pero dahil ilang beses akong natumba, binuhat na lang ako. Nakatulog ako, at nang maramdaman ko ang pagkakalapat ng aking likod sa malambot na kama, umayos ako ng higa. "Ano ba!" reklamo ko nang may dumagan sa akin. "Tang ina! Hindi ako makahinga!" sigaw ko nang basta na lang akong daganan ni Darius. Nakakainis naman, e! Lasing na nga at lahat, gusto pang gumapang. Hinalik-halikan pa niya ako. Naaalibadbaran ako. Mainit. Hindi ako makahinga at ang nais ko lamang ngayon ay ang matulog na. Walang gapangan. "Pakihulog nga 'to sa kama," utos ko. Hinampas-hampas ko si Darius, dahil nakatulog na siya haba
PAGKATAPOS naming kumain ng brunch, napagkasunduan naming magpahinga sa may duyan na nasa labas. Hindi pa naman kami puwedeng lumangoy sa dagat, dahil katirikan na ng araw, kaya magpapahinga na lang muna kami. Masakit pa din ang ulo namin hanggang ngayon dahil sa hang over. Kahit paano kaya ko pa namang tiisin, pero itong kasama ko mukhang malakas talaga ang tama sa kaniya ng ininom na alak. "Baka bumigay ang duyan." Tumingin ako sa isa pang duyan na nakakabit sa dalawang puno ng maliit na niyog. Tag-isa na nga kami, gusto pang makipagsiksikan sa akin. "Hindi iyan. Matibay 'to," sagot naman niya. Inangat niya nang kaunti ang katawan ko bago siya humiga nang maayos. Pinaunan niya ako sa kaniyang braso saka ako niyakap. Paano naman kaya ako makakatulog nito? "Much better," aniya saka bumuntong hininga na tila kuntentong-kuntento sa buhay.Napangiti ako. "Sweet ka din pala, no?" "Ayaw mo ba ng sweet?" tanong niya habang hinahaplos ang buhok ko. "Gusto. Kung titignan ka kasi hind
"Uhm..."He kiss my lips and lick my neck. His fingers did his magic all over my body. He traces my weak spots with his warm skin making me tremble and weak. I want him inside me. But he doesn't want to give me what I wanted. Not just yet. Muling naglapat ang aming mga labi. We suck each other lips like a thirsty and hungry animals. I bit his lips and it make him groan like a tiger being threatened by his enemy. I hug him tight and feel his warm body against mine. My moan muffled by his kisses when his hands went down to my butt, until it reach my inner thigh. His touch was explosives. Making me tremble and wet down there. "I think we should take off our clothes now..." "Hmmm..." he agreed. We both took off our clothes while our eyes glued to each other. Pagkahubad ng huling saplot sa aking katawan mabilis niya akong hinapit sa aking bewang. He kissed me again.Naramdaman ko na lang ang pagbundol ng aking likuran sa malamig na tiles, habang ang aking mga binti naman ay awtomat
Muli akong ngumiti nang itapat niya sa aming mga mukha ang camera. Nasa dalampasigan kami ngayon upang panoorin ang pagsikat ng araw. "Let's take some more pictures..."Nangawit na ang labi ko kakangiti kaya ngumuso naman ako. "Hindi ko akalain na mahilig ka palang mag-selfie," komento ko. "Not really... Gusto ko lang punuin ng pictures natin ang social media account ko," nakangiti niyang sagot habang tinitignan isa-isa ang mga kuha namin. "We look cute in here." Pinakita niya ang isa sa mga kuha namin. Ang ganda nga ng pagkakakuha. "Hmm... I'll ask some of our staff to print it.""Saan mo naman ilalagay?" tanong ko. "Sa bahay, sa kuwarto ko sa mansyon. Dito sa resthouse."Totoo pa ba 'to? Bakit super green flag naman ata ng binigay ni Lord na boyfriend sa akin? Kagabi pa niya ako pinapakilig. "Last na..." Hindi pa din pala siya tapos. Hinalikan ko ang kaniyang pisngi. Napangiti ako nang makita ko ang resulta. Ang ganda ng kuha namin. "Gusto ko itong gawing profile picture ko