Hindi ko na talaga alam ang iisipin ko sa nanay ko. Ako pa ang nagmukhang masama. Tamad ko siyang tinignan. Nagsukatan kami ng tingin, pero agad ding naputol nang may dumating na bisita si Nanay. "Tara na!" aya ng isang maputing ginang kay Nanay. Maganda ito manamit. At naagaw ng aking pansin ang suot niyang hikaw. Ang pearl earrings ko. Hindi ako maaring magkamali. Akin ito. Limited edition ang earrings na ito. Pinasadyang ipagawa ito ni Camila sa isang jeweler. "Nay!" Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kaniya. Napatingin din ang kapatid ko sa tenga nang babae. Tiyak na napansin niya ang pagkakatitig ko doon. Suminghap siya. Nang makita naman ni Tatay ang ginagawa ng kapatid ko na walang hiyang pagtitig sa babae, masama siyang tumingin kay Nanay.Sa ilang gabi na na magkasama kami sa ospital, alam kong kabisado na niya ang suot kong alahas. Lalo at wala akong suot ngayon. Hinubad ko lang ito kagabi nang maligo ako. Pagkatapos kong maligo, si Nanay naman ang gumamit ng banyo.
"Is she okay?" tanong ni Darius. Nandito ako ngayon sa shop. Dito ako dumiretso pagkatapos kong ihatid ang mga kapatid ko sa kanila. Nalulungkot ako kaya imbes na umuwi ng bahay at magmukmok doon, pinili kong puntahan si Camila dito sa shop. Pagdating na pagdating ko pa lang, alam na niya agad na may nangyari. Hindi ko mapigilang sabihin sa kaniya ang naging away namin sa bahay, at ibuhos ang sama ng loob ko dahil sa nangyari. "Tama lang na ginawa mo," aniya. "Para madala ang nanay mo." Oo, kahit na kawawa sina Tatay at mga maliliit ko pang kapatid. Bumuntong hininga ako. Sumenyas si Camila na kausapin ko daw si Darius. Inaabot niya sa akin ang kaniyang celphone pero umiling ako. Naka-off ngayon ang phone ko, dahil kanina pa tawag nang tawag si Nanay. Akala ata niya hindi ako seryoso sa sinabi ko kanina. Bibili na lang ako ng extra na simcard mamaya, upang doon ako kontakin ng isa kong kapatid. "I'm worried..." sambit ni Darius mula sa kabilang linya. Umiling-iling ako kay Cam
"MAG-IINGAT ka, Anak," pang-ilang ulit nang bilin ni Tatay sa akin. "Opo," kunot noong sagot ko naman dahil nalilito na ako sa inaasta niya. "Ihatid na lang kita hanggang sa bahay na tinitirhan mo.""Huh? Bakit?" Mas lalo na akong nagtaka sa kaniyang tinuran. "May problema ba, 'Tay?" Saglit siyang natahimik saka marahang umiling. Sumakay na kaming dalawa sa loob ng taxi. At habang nasa biyahe kami, napakatahimik niya. Hindi ko tuloy maiwasang mag-isip ng mga bagay-bagay. Bakit pakiramdam ko madaming nililihim sa akin si Tatay? Mapanuring tinignan isa-isa ni Tatay ang mga katulong at dalawang tauhan nang makarating kami ng bahay. "Kailan pa sila nagseserbisyo sa inyo?""Mula po nang yumaman si Camila," sagot ko habang iniisa-isa dinng tinignan ang mga tauhan. "Sige, Anak. Aalis na ako. Mag-iingat ka. Iwasan mo ding maglalabas...""Nalilito na ako, 'Tay. Ano'ng nangyayari sa'yo? Kanina ko pa napapansin iyang tila pagiging balisa mo."Pinilit niyang ngumiti. "Nag-aalala lang si
ANG lahat ay masaya. Maingay. Nakatawa. May malalaking ngiti sa mga labi. Maliban sa akin na hanggang ngayon nanlalambot pa din dahil sa kaba. Ayaw ko ang atensyon na nakukuha namin ngayon. Nahati ang atensyon ng lahat ng mga bisita dahil sa amin ni Darius. Ang iba na kamag-anak nila, lumapit pa talaga sa amin para i-congratulate si Darius. Tuwang-tuwa naman 'tong lalakeng kasama ko. Halos mapunit na ang labi sa kakangiti. Thank you, iyan ang sagot niya sa tuwing may bumabati sa kaniya ng congrats. Congrats saan? Talagang sinasakyan niya ang mga ito. Hindi man lang niya tinatama ang akala ng lahat. Wala kaming relasyon. Bakit kailangan niyang sakyan ang sinasabi nila? Bakit kailangan naming magpanggap na may relasyon kami? Hindi ko magawang ngumiti nang maayos. Naiinis ako sa kaniya. "What's with that face?" bulong niya sa akin. Nakatayo kami sa gilid ng stage. Kahit gusto kong bumalik sa aking upuan kanina ay hindi ko magawa, dahil nanlalambot ang aking mga binti at tuhod. T
24"Dito na lang tayo, total ako naman ang manlilibre." Tinuro ko ang sasakyan ko na nakaparada sa unahan. "If you say so..." Napatingin ako sa mga suot namin. Kailangan pala muna naming magpalit. Mamaya ma-hold-up kami. Isipin ng mga tao, miyembro kami ng isang royal family. Well, siya pala, pang-ganung level. Pero ako, isa lang akong dukha na nabihisan nang maayos. "May dala kang extra na damit sa sasakyan mo?" tanong ko. "Why?" litong tanong niya. "Mag-iinom tayo sa kung saan-saan, alangan naman na ganiyan ang suot mo. Baka mamaya mapag-tripan pa tayo ng mga masasamang tao diyan.""Saan ba tayo mag-iinom?" "Basta..."Tinignan ko ang bodyguard niya. At akala mo kung sino akong boss na nag-utos sa isang bodyguard na nakasunod. "May bag ba siya diyan na may extra na damit? Pakikuha po kung meron." Ngumiti ako sabay kurap ng mga mata. Yumukod ang bodyguard bago tumalima sa aking utos. Salubong ang mga kilay na tumingin sa akin si Darius. "Why do you have to do that?" tanong
Sampung minuto pa na biyahe, nakarating din kami sa isang convenience store. P-in-ark ko ang sasakyan, bago ako lumipat sa back seat upang magpalit ng damit. Sumunod din siya sa akin. Ang gago! Parang nananadya, pagkatapos niyang hubarin ang sapatos, ang pantalon naman niya ang sinunod niya. "Ano ba?!" saway ko. "What? Masyado kang malisyosa. Sigurado ka ba na wala ka sa mood?" Pang-aasar niya. Inirapan ko siya. Binaba ko ang side zipper ng suot kong gown, saka isa-isang binaba ang strap. Pagkatapos ay sinuot ko na ang aking tshirt. 'Tapos ay sinunod ko naman ang aking maong short, saka hinubad ang gown. Nagsuot din ako ng flat sandals. Napatingin ako sa suot ni Darius. Iyong simpleng damit niya, mamahalin pa din. Nakasuot pa siya ng smith shoes. Bahala na nga! At least mas simple siyang tignan.Mas lalo pa yata siyang gumuwapo sa suot niya. Nagmukha siyang model ng mga shirts at jeans, na nakikita sa billboard sa Edsa. Kinuha ko ang aking maliit na slingbag, saka ako lumabas n
Past midnight na pero nandito pa din kami ni Darius sa inuman. Kahit paano, matino pa naman kami kahit na mapatang ang iniinom naming alak. Patibayan kaming dalawa. a"Kaya pa?" nakangisi kong tanong kay Darius. Pulang-pula na ang kaniyang mukha at ang mga mata ay namumungay na. Humikab siya. Pumalatak. At pagkatapos ay ngumisi at muling umiling-iling. Lasing na ang lolo mo. At mukhang malapit nang mawala sa katinuan. Tumawa ako. "Hindi tayo uuwi hangga't hindi natin nauubos 'to," sabi ko, at muling nagsasalin ng alak sa disposable cup na gamit namin sa pagtagay. Mga ilang tagay pa, mauubos na namin 'to. Tama na 'to. Ang mga bodyguard ay nanatili lamang sa kanilang mga upuan. Pinapanood kaming malasing ng boss nila at minsan panaka-nakang napapatingin sa paligid. Nagmamasid, na akala mo ano mang oras ay may bigla na lang susugod at pagtatangkaan ang mahal nilang amo. Kahit na late na, madami pa ding nag-iinuman. Lahat ng mesa ay may nakaokupa na nag-iinuman. Ang iba ay kanina
Mabilis na lumapit ang ginang na may-ari ng painuman sa mga lalake. May sinasabi ito sa kanila. Marahil ay inaawat ang mga ito upang hindi magkagulo. Ang matandang lalake naman, na asawa, ay lumapit din sa gawi namin. "Ma'am, Sir, pasensya na po kayo..." hingi niya ng paumanhin sa amin. Pagkatapos mag-compute ng bantay inabot ko sa kaniya ang bayad. "Sa'yo na po ang sukli," sabi ko, dahil gusto ko nang makaalis na kami agad. Kapag nagkagulo dito madami ang madadamay. Saka lasing na ang mga lalake, ano ang laban nila sa anim na bodyguard? Hindi nila alam ang hinahamon nila. Hindi kami umimik. Ang iba pang nangangasiwa ng paimuman ay nilapitan na din ang mga lalake na nambabastos. Marahil naramdaman nila na hindi sila papalagan ng mga kasama ko, kaya minabuti na lang nilang umawat, bago pa mapunta sa gulo ang lahat. "Let's go," aya ko pero hindi gumalaw si Darius sa kaniyang mesa. "Darius," tawag ko ulit. Nagsukatan kami ng tingin."Huwag mo ng patulan..." Umiling ako. Hinawa
Pinukpok niya ang mesa gamit ang kaniyang kamao. Hindi ko mapigilang nakaramdam ng inis para kay Tatay. Pasaway pala siya at sakit sa ulo. "Pero sinikap kong ipagsawalang bahala ang lahat. Hindi naman niya sinabi na mamahalin niya ako nang kinuha niya ako. Ang bata lang ang concern niya. Hindi naman niya inuuwi sa bahay ang babae niya kaya ayos lang. Pero nasasaktan ako. Buntis ako, tapos sobrang sama ng aking loob." "Hanggang sa isang gabi hindi siya umuwi ng bahay. Ilang oras na akong naghihintay, nag-aalala na din ako. Bukod doon may gusto din akong kainin. Lumabas ako ng bahay kahit kabilin-bilinan niya na huwag na akong lumalabas kapag ganiyan na gabi na. Kaso gusto ko talagang kainin ang gusto ko. Sa madalas nilang iniinuman, napadaan ako. Nakita ko na may katabi siyang babae at nakaakbay siya dito. At halos umusok ang ilong ko sa galit nang halikan siya ng babae... Nakita ako ng isa sa kainuman niya. Tinuro ako. Mabilis namang tumayo ang Tatay mo sa kaniyang kinauupuan. Nag
HINDI pa tapos ang lahat pero nagpasya na si Darius na umuwi kami ng Pinas, dahil kailangan siya sa kanilang kompanya. Pagkatapos nang mahaba at nakakapagod na flight, sinundo kami ng kanilang mga tauhan sa airport kasama ang ilang mobil ng pulis, upang masiguro ang aming kaligtasan. Hindi din biro ang kalaban. They were big and also powerful. Malaya pa din sila dahil walang sapat na ebidensya na direktang nagtuturo sa kanila na may kinalaman sila sa mga nangyari. Dumaan muna kami sa aking pamilya bago kami dumiretso sa mansyon ng mga Antonio. Ilang buwan pa lang ang lumipas pero parang ang lahat ng nangyari ay tila kahapon lamang. Masakit pa din sa dibdib. Ang sakit ay tila bumalik at hindi man lang nabawasan sa ilang buwan na lumipas. I was so deppress and my anxieties are getting worst and always kicking in. It's killing me. Kaya nagpasya si Darius na kumbinsihin akong magpa-treatment. I didn't fully recovered yet. Not just yet. Hindi ko alam kung kailan pa ako makaka-recove
MARAHAN kong binuksan ang aking mga mata. Ramdam ko ang paghapdi ng mga ito kaya muli akong pumikit. Nanginginig at nanlalambot ang buo kong katawan. Masakit ang aking ulo. Pero wala ng mas sasakit pa sa nararamdaman ko ngayon. Ang sakit. Ang sakit ng aking puso. Nasaan ako? Muli kong minulat ang aking mga mata. Nasa isang silid ako. Hindi ito pamilyar. Hindi ito sa bahay ni Darius at lalong hindi sa kuwarto niya sa mansyon. Panaginip... Panaginip lang ba ang lahat? Sa nanginginig at nanghihinang boses, tinawag ko si Darius. Pero hindi niya ako sinagot Dinig ko ang lagaslas ng tubig galing sa banyo. Marahil ay naliligo siya. Naupo ako at sinandal ang aking likod sa malambot na headboard ng kama. Nagmuni-muni saglit. Iniisip ang mga nangyari. Tinignan ko din ang aking suot. Nakasuot ako ng terno na pajama. Hanggang sa nabulabog ako dahil sa malakas na kulog at sobrang laking mga kidlat. Sa sobrang takot ko, tumalon ako ng kama at nagkubli sa gilid. Naalala ko ang mga putukan n
"Ubusin mo," marahang sambit ni Darius sa isang baso ng tubig na inabot niya sa akin. Panay ang sinok ko dulot ng matinding pag-iyak. Wala pa ding tigil ang pagbuhos ng mga luha mula sa aking mga mata. Inabutan niya ako ng tissue upang maisinga ko ang aking sipon. Sinipon na din ako kakaiyak. Para din akong magkakasakit. Nanginginig ang aking katawan at nanlalamig ang aking mga kamay at talampakan. Sa tuwing nanghihina ako at tila sinasaksak ng kutsilyo ang aking puso, napapasigaw na lang ako dahil sa sakit na nararamdaman ko sa aking dibdib. Ano'ng kasalanan nina Tatay at mga kapatid ko para gawin sa kanila iyon?Ang mga kapatid ko, ang liliit pa nila. Ang Tatay... Ang tatay ko. "D-Darius... Ang sakit," iyak ko at mahigpit siyang niyakap. Hinaplos niya ang aking likod. He keeps on murmuring some words to make me feel better, but it isn't working. Namatay ang Tatay at dalawang kapatid ko. May namatay din na dalawang tao, na nadamay nang magpaulan ng putok ng baril, ang dalawan
Hanggang ngayon ay parang naririnig ko pa din ang boses ni Nanay. Anak ako ni Tatay sa ibang babae. Hindi ako anak ni Nanay. Hindi siya ang tunay kong ina. Kung ganoon, sino ang tunay kong ina? Nasaan siya? Bakit niya ako binigay kay Tatay? Bakit pumayag siya na iba ang kilalanin kong ina? Hindi ba niya ako mahal, kaya basta na lang niya akong binigay kay Tatay at sa asawa nito? Marahang hinaplos ni Darius ang aking pisngi, ang mga luhang namalisbis mula sa aking mga mata ay tinuyo niya gamit ang kaniyang panyo. Mababakas ang pagkaawa at pag-aalala sa kaniyang mukha habang nakatunghay sa akin. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman pagkatapos ng mga nangyari. Pagkatapos nang katotohanan na naisiwalat sa aking harapan. Hindi ako mahal ni Nanay. Lagi ko noon naiisip ang bagay na ito, pero pilit kong kinukumbinsi ang sarili ko na mahal niya ako. Madami lang kaming magkakapatid kaya nahahati ang atensyon niya. At heto nga, hindi niya talaga ako anak. Paano ba magagawa n
UMAASA ako na dadating si Darius. Umaasa ako at naghihintay sa kaniya. Ililigtas niya ako. Si Tatay. Sana malaman niya na may kinalaman sina Nanay sa nangyari sa akin. Tinulak ako ng mga lalake papasok ng silid kaya nadapa ako. Lumapit ang isa sa akin at pagkatapos ay tinalian muli ang kamay at paa ko. Pagkatapos ay iniwan ulit akong mag-isa. Naririnig ko ang mga boses nila mula dito. Nagtatalo-talo na sila tungkol sa pera. Gusto ng iba ang milyones na nasa bank account ko. Pero paano nila iyon makukuha? Hindi ko iyon puwedeng withdraw-hin over the counter. Kung gagawin ko iyon, tiyak na kalaboso ang aabutin nila. They're out of their mind. Hindi nila alam ang ginagawa nila. Wala silang plano at walang maayos na pag-iisip. GUSTO kong makausap si Onad. I shout and call his name. Sa huling pagkakataon, gusto kong bigyan siya ng tiyansa. Kapatid ko siya. Ate niya ako kaya umaasa ako na pakikinggan niya ako. Na pakakawalan niya ako. At ipapangako ko na hindi sila makukulong. "Ona
I don't want to die yet...Muli akong napasigaw nang tangkaing basagin ang salamin ng aking sasakyan. Sa sobrang takot halos hindi na ako huminga sa kakasigaw"Babe, can you hear me?! Lilienne!""D-Darius! Ayaw ko pang mamatay!""Ah!" Yumuko ako nang tuluyan nang mabasag ang bintana ng aking kotse. "Baby! Lilienne!""A-Ano po ang kailangan niyo sa akin? Wala akong perang dala..." Nanginginig na ako sa matinding takot. Nakasuot ng helmet ang mga lalake kaya hindi ko sila mamukhaan. Hindi sila nagsalita at basta na lang nilang tinakpan ang bibig ko ng panyo. I tried to scream and ask for help but there's no other car passing by at this moment. "D-Darius..." And then, everything went black. WHAT happened? Sobrang sakit ng ulo ko. At nang maalala ko ang nangyari, muling nabalot ng matinding takot ang aking pagkatao. Madilim. Wala akong makita. Ang kamay ko ay nakatali. Nangangalay ang aking katawan. "Mmmm!" Ang bibig ko ay mayroon ding busal. Ang lalamunan ko'y nanunuyo din. Oh
NAPATINGIN ako kay Camila nang kumatok siya sa may hamba ng pintuan dito sa opisina. "Ayos ka lang?" Tumango ako at pagkatapos ay muli kong tinutok ang aking mga mata sa laptop. "Gusto mong pag-usapan natin?" tanong ulit niya. Hindi kumbinsido sa pagtango ko. Nagkatinginan kami. Tinaas niya ang isang kilay niya. Bumuntong hininga ako at tipid na ngumiti. "Ang lalim ng iniisip mo. Nag-away ba kayo ni Darius?" Naupo siya sa chair na nasa tapat ko. "Ayos naman ako. Ang dami ko lang mga iniisip lately." "Problema?" Hindi ako nagsalita. "Kaibigan mo ako, Lily. Napansin ko na hindi ka na gaanong nagsasabi sa akin. Hindi porke, may asawa na ako. Wala na akong pakialam sa'yo."Pumasok ng opisina si Amanda. Hindi siya nagsalita nang mapansin ang kaseryosohan sa mukha namin ng kapatid niya. Kinuwento ko sa kanila ang tungkol sa nangyari, noong nakaraang gabi, kaya ako umuwi. Pati na din ang nangyari kahapon sa bahay. "I don't know what to say. But..." Umiling si Camila. I know she's g
NASA bahay na si nanay pagdating ko. Hanggang ngayon ay umiiyak pa din ang mga kapatid ko. Si Nanay naman ay inaalo ang mga ito. "Naglabada ako kaya wala ako kanina," sambit ni Nanay nang makita niya ako.Lumapit sa akin ang iba kong mga kapatid. Nanginginig pa ang mga ito dahil sa takot sa nangyari kanina. Sabay-sabay na kinukuwento ang nangyari kanina lamang. "Tahan na. Huwag na kayong umiyak, okay?" Pinaghahalikan at niyakap ko sila isa-isa. "May kapitbahay na nagpunta doon para sabihin ang nangyari dito."Hindi na muna ako nagsalita at sumagot sa sinasabi ni Nanay. Hindi na muna ako nagtanong. Inalo ko ang mga kapatid ko at pinapakalma. Nagpa-deliver na lang din ako ng pagkain sa isang fastfood, para kahit paano sumaya ang mga bata. Pinauna na muna namin ang mga kapatid ko na kumain. Pagkatapos kumain, pinaliguan ko na sila at pinatulog. "ANO na naman ang kaguluhan na kinasangkutan mo?" galit na tanong ni Tatay pagdating na pagdating pa lang niya. Naiyak si Nanay at sinabi