What’s with Piere’s actions??? Hahaha charot! Salamat sa suporta! I love you all! 🤍
Nasa hospital ako ngayon at nalulugmok sa ibinalita ng doctor. “Mas lumalala ang kondisyon niya Lumi, kailangan niya ng magagaling na doctor at mas matagal na sa industriyang ito na mga nurses and care takers.” “Kailangan niya ring ma-operahan sa oras na mag-stable ang kalagayan niya dahil hindi pwedeng sabay operahan ang baga at puso niya. Baka bumigay ito,” saad ng doctor. Nasapo ko ang noo at bumuntong hininga. “Doc, m-magkano naman ho kaya ang magagastos sa dalawang operasyon?” Pinigilan kong manginig ang kamay ko dahil sa sobrang stressed. “Milyon ang halaga ng mga operasyon hija, iba pa ang doctor’s f*e at mga maintenance ng tatay mo. Bukod pa doon, kailangan niyo ng doctor na masisigurado ang lagay ng ama mo. Hindi ako, dahil doctor lamang ako sa baga ngunit hindi ako surgeon.” Tumango ako sa paliwanag nito. Saan ako hahanap ng ganoon kalaking pera? Ang naipon ko na binibigay ni Piere ay hindi pa lalagpas sa isang milyon. Dahil doon ay mas nagtagal pa ako sa ospital, s
Dahil sa ginawa ni Piere ay naging madali para sa tatay ko ang mag-recover pa lalo. Kumpleto siya sa gamit at ang perang nanakaw sa akin ay hindi pa rin naibabalik dahil sa may takip ang mukha ng nagnakaw. Mariin akong napapikit at nilalabanan ang antok habang nakaupo sa harapan ng tatay ko. Alas nuebe na rin ng gabi bago ako nakatanggap ng text message kay Piere mula sa bagong cellphone na binili niya para sa akin. Piere: Get some rest, Lumi. Umuwi ka na. Piere: May caretaker ang tatay mo. C’mon. I’m outside. Sumabay ka na. Dahil doon ay tumayo na ako para puntahan si Piere sa parking lot sa tapat ng ospital. Nang makita ang sasakyan niya ay sumakay na ako. “I’m hungry. Let’s eat first,” saad niya bago nagmaneho. Hindi na ako umimik dahil sa pagod na nararamdaman. “Katatapos lang ng trabaho mo sa kumpanya?” kwestyon ko. Ngunit napansin ko ang suot niya. A simple shirt and a slacks. Work ba ‘to galing o sa bahay? “Hmm. Daming problema sa kumpanya. Ang tagal kong nawala,
A WEEK LATER.. “I need you,” biglang sabi niya sa harap ko. It’s not a favor but a demand from Piere. Nasa kwarto namin kami at kauuwi ko lang. Galing siya sa kumpanya at pinasundo niya lang ako kay Henry na butler niya. “Ako? Bakit ako?” turo ko sa sarili ko. “It’s time, Lumi. It’s time you stand as my wife,” sabi niya at malalim na huminga. Natulala ako sa berde niyang mata. “P-Pero—” “Just come with me tomorrow, be my wife. I-It’s for company purposes,” pabulong niyang paliwanag kaya naman pinagkrus ko ang braso ko. “Pero hindi mo naman talaga ako asawa—” “Anong hindi? We both took our vows remember? Through ups and downs? Till death do us part?” sarkastiko niyang sabi kaya lumabi ako. “Nakakabigla ka naman kasi. Akala ko nabagok ka na naman at nakalimot,” nanunumbat kong sabi. “Just come, you’re all talks. Tsk.” Naiinis pa niyang sabi kaya tumango na ako. “Oo na, sige na. Ikaw rin naman nasusunod eh?” “Yeah, glad you know. You’re tied with me,” ngiwi niya pa.
“A-Aalis muna ako,” nalilitong sabi ko at dinampot ang maleta kong nasira. Nang alam kong hindi ko magagamit ‘yon ay kinuha ko ang bag at isinalansan ang mga kailangan ko. “Lumi naman?” naiirita ang tono niya at ramdam ko ‘yon. Ngunit hindi ko siya kinibo. Nang makakuha ng sapat na gamit ay nilampasan ko siya habang dala ang mga ‘yon. “Where are you going?” Ang kamay niya ay lumapat sa payat kong pulsuhan dahilan para ilihis ko ang kamay at lumabas ng kwarto namin. Naramdaman ko ang paghabol niya sa akin. “Damn it! You’re not listening!” Pilit niya akong hinabol hanggang sa makalabas ng bahay. “If you continue to leave, there’s no way I’m taking you back again!” malakas niyang sabi dahilan para saglit akong mapahinto. “Walk another step and we’re done.” Nagbabanta niyang sabi dahilan para umawang ang labi ko at pigilan ang sariling luha na kumawala. Ngunit humakbang ako at tuluyang umalis sa kanyang bahay. Dumeretso ako sa ospital at doon nanatili sa kwarto ng tatay ko. S
Napahinto ako nang gumilid si Piere at hilain ako, napalunok ako nang may dumaan na lalakeng naka-wheelchair. Nang tignan ko si Piere ay salubong ang kilay nito. Nang mapansin niya na nakatingala akong nakatingin sa kanya ay tinignan niya ako. “What?” “Anong ginagawa mo dito?” kwestyon ko muli, pairap niyang inalis ang mata sa akin. “Napadaan lang,” matipid niyang aniya. “I’m gonna visit your father,” dagdag niya at nilampasan ako dahilan para mapasunod ako kaagad. Hindi siya pwede pumasok sa loob.. Pagkapasok niya sa loob ay natigilan siya nang makita ang daddy niyang nakaupo sa sofa. Nangunot ang noo niya at nagtataka akong tinignan. “What is he doing here?” naiinis niyang tanong sa akin. Napabuntong hininga ako at umiwas tingin. “Akala ko ba’y iniwan mo na ang anak ko? Niloloko mo ba ako Lumi?” tanong ng tatay ni Piere at tumayo. “Dumaan lang daw po siya, hindi ko naman po siya pinapunta.” Malamig kong sabi at hindi tinignan si Piere. “W-Woah? What’s the meaning
Dahil sa huling usapan namin ay nalaman ko rin sa doctor na paid na ang operation bill ng tatay ko. Sigurado naman akong si Piere ang gagawa no’n. Alas diyes ng gabi ay nag-taxi na lang ako papauwi habang dala ang ilan sa mga gamit ko. “Lumi mabuti naman umuwi ka na hija,” salubong ni manang sa akin. “Akin na at palalabhan ko ang gamit mo, kumain ka na ba?” “Opo manang,” nahihiyang sagot ko. “Sige na’t umakyat ka na,” pabulong na sabi ni manang ngunit bago ang lahat at kumuha ako ng alak. Gusto kong uminom dahil kahit ako ay mababaliw na sa mga nangyayari sa buhay ko. Dala-Dala ko ang alak at sinubukang buksan ang kwarto ko. Nang mabuksan ‘yon ay napalunok ako nang makita kung gaano karumi. Napakamot ako sa ulo at dahan-dahan na pumunta sa kwarto ni Piere. Pagkapasok ko at abala siya sa pagpindot sa magandang laptop niya sa study area. “N-Nakauwi na ako,” pabulong kong sabi dahilan para bahagya niya akong sulyapan. “Hmm, take a bath.” Tipid niyang sabi at sa muli ay nar
FEW DAYS LATER.. It was a very busy day, nasa hospital ako and Piere’s with me since he finished early on his works. Kausap ko ang mas batang doctor na lung doctor ng tatay ko. He was at the same age as Piere. Palagi ko naman itong nakikita si Doc William dahil doon. Kaya kilala niya na ako at minsan ay binibiro. “Lumi, your dad is getting a little bit better but he should continue his meds. Mas ayos sana kung conscious na siya,” sabi nito sa akin kaya ngumiti ako. “Thank you so much doc..” “Of course, how about you? You lost some weight,” pagpansin nito sa timbang ko kaya matipid akong ngumiti. “Due to stress na rin po siguro doc,” tugon ko. Saglit pa kaming nag-usap at maya-maya ay nagpaalam na ito. Nang sulyapan ko si Piere ay salubong na salubong ang kilay nito. “B-Ba’t naman ganyan itsura mo?” takang tanong ko. He rolled his eyes before standing up, “I’m hungry. What food do you want? So that you don’t lose weight,” he sarcastically stated which raised my eyebrows.
Piere’s Point Of View. A Day Later.. Pabalik-balik ako sa iisang pwesto dahil hindi ako mapakali. “Sir nahihilo na ho ako sa inyo sir, kalma lang po..” Hindi makapaniwala kong tinitigan si Henry. “Look, Henry. I don’t understand what’s happening with me. It fucking drives me crazy.” Taas kilay kong sabi at nasapo ang bibig. “Ano ba ‘yon sir?” Huminga ako ng malalim. “It’s not like this before, I swear!” naguguluhan kong sabi. “I guess my brain is still damaged? Don’t you think?” asik ko pa. “Ano nga ‘yon sir?” “I can’t even look at her with lust! I’m not used to this, damn it!” reklamo ko at napaupo sa kanyang harapan. Nagtataka akong tinignan ni Henry. “Nagsawa na ba ako sa kanya? But every time I see her my fucking heart is going insane! It beats fucking loud that I can’t even hear, but it’s not lust. What the fuck is going on with me?” kwestyon ko at nasapo ang mukha. “Eh sir, baka naman ho may gusto kayo kay ma’am? Asawa niyo naman ho siya hindi malabo,” kamot ulo