NAKAKAPAGOD pala talagang magtrabaho. Parang sumakit ang mga paa ko sa pagbabalik-balik ng lakad sa pwesto ni Angela at sa table ng mga customer. Maigi nalang at tapos na ang oras ko at makakapagpahinga na ako sa bahay ngayon.
Nakaupo lang ako sa may gilid at minamasahe ang mga binti ko nang mamataan si Ate Elsa na naglalakad palapit sa akin. Agad akong umayos ng tayo at nginitian siya."Ate Elsa...""Oh Aliyah kamusta?" si Ate Elsa nang makitang nakatayo ako sa gilid at napansin yata ang pamamasahe sa binti ko dahil agad niyang tiningnan ang mga iyon na tila ineeksamin."Eto po 'te Elsa, masaya. Madami po kasi akong nakuhang tip ngayon eh. Salamat po ulit ha." sagot ko habang niyayakap siya."Masakit ba ang binti mo? Hindi mo naman kasing kailangang magmadali kuhanin ang mga orders at magserve sa mga customer eh." ani Ate Elsa na tila pinapangaralan ako."Okay lang po. Nabigla lang po siguro ang mga paa ko. Sayang din naman po kasi 'yong mga tip." saad ko sabay tanggal ng yakap sa kanya."Oh siya sige na. Deserve mo 'yan dahil lagi kang nakangiti sa mga customer natin. Baka nga isang gabi nalang eh may mag-aya sayong magpakasal sa sobrang ganda mo." pambobola nito habang sinusuklay ang mahaba kong buhok gamit ng mga daliri niya. Ilang sandali lang rin naman ay tinigilan na rin niya."Si Ate Elsa naman, nambola pa." kapagkuwan ay sabi ko habang inilalagay na sa locker ang uniform na ginamit ko ngayon gabi."Hintayin mo ako dito, kukunin ko lang 'yong mga gamit ko. Sabay na tayo umuwi ha. Mahirap na maglakad ka mag-isa ganitong madaling araw. Sumakay ka nalang ulit sa sasakyan ko." bilin ni Ate Elsa na agad ko namang sinang-ayunan."Sige po ate Elsa. Dito lang po ako." sagot sabay tayo sa gilid.Ilang minuto lang din ang hinintay ko at lumabas na rin si Ate Elsa bitbit ang mga gamit niya. Hinatid niya rin ako di kalayuan sa bahay namin na pinagpasalamat ko."Dito na ako 'te Elsa. Salamat po." saad ko pagkababa sa sasakyan niya."Sige Aliyah, magpahinga ka ha. Punta ka nalang ulit sa bahay mamaya bago mag alas singko." habilin niya habang itinataas na ang bintana ng sasakyan niya.Tumango lang ako at kinawayan ang sasakyan ni Ate Elsa nang muli niya itong buhayin."Oh Aliyah, anak. Nandiyan ka na pala. Saglit at ipaghahain kita." saad ni Papa habang kinukusot-kusot ang mga mata na tila nagtatanggal ng antok. Bumangon ito nang makitang kakapasok ko lang sa bahay."Pa, 'wag na po kayong tumayo. Magpapalit lang po ako ng damit at magpapahinga na rin. Kumain na rin naman po ako kanina sa club ni Ate Elsa." wika ko at nagmano saglit kay papa. Alas tres na rin kasi ng madaling-araw. Maigi na nga lang at si Papa lang ang nagising dahil himbing na himbing pa rin sa pagtulog sila Mama at ang mga maliliit kong kapatid."Ah ganoon ba. Sige magpahinga kana ha. Anong oras ba ang pasok mo mamaya?" tanong ulit ni papa habang bumabalik sa paghiga katabi ni Mama."Mamaya pa naman po before lunch." sagot ko kay papa habang isa-isang tinatanggal ang sapatos ko. Naupo muna ako sa pinakamalapit na upuan upang hindi mawalan ng balanse."Hindi ka kaya antukin mamaya sa klase mo?" tanong ulit ni papa na agad kong inilingan."Pa huwag na po kayo mag-alala. Itutulog ko lang po ito. Pakigising nalang po ako mamayang mga ten. Baka po kasi hindi ako magising sa alarm ng cellphone ko." bilin ko kay papa at nagtungo na sa aking kwarto.Nagpalit lang ako ng damit at nagtoothrush sabay diretso na higa sa kama ko. Pumikit ako saglit na nagdasal.Hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang sakit ng paa ko. Pero worth it naman dahil may maiiabot ako sa pamilya ko mamaya pagkagising. Sobra pa nga eh. Makakapagtabi pa ako para pansarili ko."ALIYAH, kamusta? Bakit parang kulang ka sa tulog? Nagpuyat ka ba?" tanong ng isa kong kaklase na si Mae.Nandito na ako ngayon sa university at hinihintay na lamang ang huli naming subject na tatagal ng dalawang oras. Pagtapos noon ay kailangan ko nang umuwi para makapaghanda sa trabaho mamayang gabi kay Ate Elsa. Dito kami sa labas ng classroom namin nakatambay dahil presko dito at hindi mainit."Ha? Oo eh, pero okay lang naman. Kailangan ko kasi magworking student ngayon. Bigla kasing natanggal sa trabaho si papa." kwento ko sa kanya habang tinitingnan ang ibang estudyante na dumadaan.Ang iba ay kanya-kanyang kwentuhan na nagiging dahilan ng ingay sa daan habang ang iba naman ay tahimik lang na naglalakad mag-isa."Ganoon ba? Nakahanap kana ba ng trabaho? Pwede kitang irefer sa coffee shop ng tita ko kung gusto mo. Malapit lang iyon sa inyo sa pagkakatanda ko." offer niya sa akin na agad ko namang tinanggihan."Hindi na Mae, nakakuha naman na ako ng trabaho. Panggabi nga lang. Pero ayos na din 'yon. Tiis-tiis nalang siguro, gusto ko na kasi talagang makatapos. Sayang naman kung bigla akong titigil. Isang taon nalang naman 'di ba.""Oo tama ka dyan. Huwag ka mag-alala Ali, lagi kitang iaupdate pag merong biglaan announcement sa groupchat natin ha. Pahihiramin din kita ng notes ko if ever na may mamiss ka." agad ko naman siyang niyakap at nagpasalamag sa kanya pagkatapos niyang sabihin 'yon.Mabuti nalang at may mabait akong kaklase na nakakaintindi sa sitwasyon ko ngayon."Salamat Mae ha, hulog ka talaga ng langit. Halika na pasok na tayo. Nakita ko na si Sir Turalba papunta sa classroom natin." yaya ko sa kanya at nauna nang tumayo. Agad kong inilahad ang kamay ko sa harap niya para tulungan siya sa pagtayo.Agad naming binati ang professor namin nang tumingin siya sa amin ni Mae. Dalawang oras lang ang subject ni Sir Turalba. Mabilis lang iyon at baka nga makapagpahinga pa ako ng kaunti sa bahay kung maaga niya kami ididismiss.Iwinaksi ko muna ang ibang isipin at itinuon ang buong atensyon ko sa klase ngayon. Kailangan kong magfocus. Ayokong mapabayaan ang pag-aaral ko dahil lang sa meron nang trabahong naghihintay sa akin pag-uwi ko."SORRY Ate Elsa, nalate ako ng gising. Napahaba pala ang tulog ko. Last day kasi ng midterm namin ngayon. Pasensya na talaga Ate Elsa, hindi na mauulit." nandito na ako ngayon sa club. Nagkukumahog sa paghabol kay Ate Elsa. Ilang buwan na rin ang lumipas at regular na ako dito. "Oh siya sige, ngayong gabi ka palang naman nalelate simula ng magsimula kang trabaho ka sa'kin pero ikakaltas ko 'to sa sweldo mo ngayong buwan. Magpalit kana at marami tayong customer ngayong gabi." iyon lang ang sinabi niya sabay lakad nang mabilis sa kanyang opisina. Hindi pa siya tuluyang nakakapasok sa loob nang bigla niya ulit akong lingunin."Aliyah?" tawag niya sa akin."Bakit 'te Elsa?"agad na tanong ko at lumapit nang mabilis sa kanya. "Wala pala, sige na magbihis kana at pumunta kana kay Angela. Maraming tambak na orders doon sa kanya ngayon." nawiweirduhan man ay ngumiti nalang ako at diretso nang kinuha ang uniform ko sa locker ko.Nagbihis na rin ako nang mabilis at naglagay ng kaunting make u
"SUMIGAW ka lang ha, nandito sila Kuya Bong at Kuya Gab sa labas. Maririnig ka nila agad." paalala sa akin ni Ate Elsa habang hawak hawak ang dalawa kong kamay. Para siyang nag-aalala. Nginitian ko siya para kahit naman papaano ay gumaan ang pakiramdam niya. "Okay lang po ako Ate Elsa. Sige po papasok na po ako." paalam ko sa kanya na tanging dahan-dahan lamang na tango ang sinagot niya. Isang beses pa ay nginitian ko siya. "Aliyah?" tawag niya ulit sa akin."Po?" "Take care of yourself ha. Nandito lang ako." "Opo Ate Elsa, salamat nga po pala sa damit. Lalabhan ko nalang po." "You can keep that one. Sige na pumasok kana." tango lang ang sinagot ko. Nabigla ako nang bigla niya akong yakapin kaya niyakap ko nalang din siya. Maya-maya lamang ay ako na ang nagkusang kumalas sa yakapan namin at nagdesisyon nang pumasok. Pagkapasok ko sa kwarto ay nagulat ako. Hindi ito mausok kagaya ng lugar sa ibaba. Dim lang din at steady ang ilaw na hindi nakakahilo sa mata. Agad natutok ang mga
"PAPA!" sigaw ko pagkapasok ko ng bahay namin. Nagtaka naman ako dahil hindi ako sinalubong ng aking ama sa labas ng bahay namin. Lagi niya kasing ginagawa 'yon. Ngayong araw lang yata hindi."Alex nasaan si papa? At saka si mama? Bakit wala dito?" tanong ko sa sumunod kong kapatid nang makitang nakaupo ito sa tapat ng telebisyon namin."Hindi ko po alam ate eh. Kanina po kasi narinig nalang namin na sumigaw si papa tapos ginigising si mama tapos maya-maya po dumating sila Kuya Dante tapos tinulungan si papa na buhatin si mama palabas." tila wala sa sarili na sagot ng kapatid ko sa akin. Na para bang nagkekwento lang siya ng binili niyang candy sa tindahan.Shit anong nangyari? Kailangan kong tawagan si Papa. Baka ano nang nangyari kay mama. Hindi pa man ako nakakabihis ay agad ko lang nilapag ang bag ko at agad kinuha ang cellphone ko para tawagan si Papa. Ilang ring lang ay sumagot na agad si papa. "Pa anong nangyari? Bakit sabi ni Alex binuhat nyo daw si Mama palabas ng bahay? Ma
"ALIYAH ano? Sumagot na ba si Mr. Saavedra sayo?" tanong sa akin ni Ate Elsa ngunit bigong mukha lamang ang ipinakita ko sa kanya. Nang itext sa akin ni Ate Elsa ang numero ng matanda ay agad ko itong tinawagan. Pero nakakalimang missed call na 'ata ako ay hindi pa rin ito sumasagot kaya't naisipan kong umuwi na lamang at dumiretso sa bahay nila Ate Elsa upang tanungin kung may alam pa ba siyang ibang numero ni Mr. Saavedra. "Ano ba kasing importanteng bagay ang kailangan mong sabihin sa kanya na nagkakandaugaga ka? Hindi ba pwede na mamayang gabi nalang pagkaduty mo?" tanong niya ulit habang naghahanda ng pagkain sa kanyang maliit na lamesa. "Hindi pwede 'te eh. Kailangan ko talaga siyang makausap." sagot ko at isang beses pang tinawagan ang numero ng matanda. Ngunit katulad din kanina, puro ring lang ito at walang sumasagot. "Tama na muna 'yan. Maupo ka muna dito sa tabi ko at sabayan mo akong kumain." yaya ni Ate Elsa habang pinapapunta ako sa katabing upuan niya. "Hindi na p
ALIYAH POV"Pa..." tawag ko sa aking ama dahil pagkadating ko sa ospital ay nakaupo ito sa sulok at nakatulala. Halatang halata na may malalim na iniisip.Agad naman itong tumayo nang makita ako. Isang mano ang ginawad ko pagkalapit ko sa kanya. "Aliyak anak..." "Nasaan na po ang doctor ni Mama? Halika na Pa, puntahan na natin para makausap tungkol sa kundisyon ni mama." yaya ko sa aking ama habang hinihila siya papuntang kung saan. "Aliyah anak, kahit anumang sabihin ng doctor tiyak akong malaking pera ang kakailanganin-" "Pa, wala pa nga eh. Hindi pa nga po natin nakakausap 'yong doctor eh." putol ko sa sinasabi ni Papa. Oo nandoon na tayo sa posibilidad na tama naman si papa pero kahit ganoon, kailangan pa din naman mag-isip ng maganda. Si papa na ang naunang maglakad ako naman ay nasa likod niya lang. Sa dulo ng isang daan nakapwesto ang opisina ng doctor ni mama. Una na akong pinapasok ni Papa. "Take a seat." pormal at seryosong saad ng doctor na agad naman naming ginawa n
ELSA POVDali-dali na akong sumakay ng sasakyan ko papunta sa ospital kung nasaan ang nanay ni Aliyah na malamang ay nandoon na rin si Saavedra. That ruthless man! Hindi talaga siya titigil hanggat hindi nangyayari ang gusto niya. He will intentionally go to that hospital and will take advantage on Aliyah's weakness. Sigurado ako. Tinatawagan ko ang cellphone ng dalaga ngunit ring lang ito ng ring. Marahil nakasilent ito o di kaya'y hindi niya hawak. "Shit nasaan ka na ba Aliyah?" usal ko kahit alam kong ako lang din naman ang nakakarinig. Hindi pwedeng sila ni Saavedra ang unang magkita. Binilisan ko pa lalo ang paandar ng sasakyan at ilang minuto lang ay narating ko na agad ang lugar. Huminga muna ako ng malalim bago napagpasyahang pumasok. Tinanong ko lang saglit sa reception ang room number ng ina ng dalaga bago nagmamadaling sumakay na sa elevator. Nang marating ko ang floor na sinabi kanina ng nurse ay tahimik dito. Walang katao-tao ang daan. Naglakad na lamang ako at sumili
ELSA POV NAGMAMADALI akong bumaba ng aking sasakyan ng marating ang building ni Mr. Saavedra. Kailangan kong makausap muna si Aliyah bago pumayag sa proposal na sinasabi ng matanda. Mabilis na pinagpipindot ko ang button ng elevator. Ngayon ay hinihintay ko na lamang na bumukas ito. Ilang segundo lang ang hinintay ko at bumukas na nga ito. Iniluwa n'on ang isang binatang nakakunot ang noo. Napansin niya siguro ang pagtitig ko sa kanya kaya mas lalong kumunot ang noo nito at halos magsalubong na ang mga kilay. "What? You wanna fuck with me?" hindi ko alam ang irereact sa bastos at bulgarang salita ng lalaki. Sino ba ito sa akala niya at ganoon nalang makipag-usap. "As if. You're not even my type." iyon lang ang sinabi ko at nagmamadali nang pumasok sa loob. Isang beses pa akong nilingon ng lalaki bago tuluyang lumabas ng elevator. Pagkasara ng elevator ay mabilis kong pinindot ang button papunta sa pinakamataas na floor. Alam kong doon ang opisina ni Mr. Saavedra dahil minsan na
ELSA POVMABILIS na lumapit sa akin ang mga bodyguard ni Mr. Saavedra nang marinig nila akong kinakalampag ang pintuan ng boss nila. "Miss Elsa!" sigaw pa ni Allan at inutusan ang mga lalaking pigilan ako. Ngunit bago pa nila ako mahawakan sa magkabilang braso ay biglang bumukas ang pinto ng kwarto at iniluwa noon ang lalaking kanina ko pa hinahanap."Hey Elsa, I didn't know you will visit me. Sinarado ko pa naman ang pinto ng opisina ko." anito at tatawa-tawa. Mas lalo lang tuloy akong naasar. "Where's Aliyah? Kailangan ko siyang makausap." saad ko at tinitigan siya nang matalim. Kung nakamamatay lang ang pagtingin ay baka kanina pa ito nakabulagta. "Si Aliyah? Well, she's in my office. Probably signing now our contract. The marriage contract to be exact." sagot lang nito at tinawag si Allan. Agad din nitong sinarado ang pinto ngunit pinagpatuloy ko lang ang pagkalampag dito at pagtawag sa dalaga. "Hind ka niya maririnig, stop wasting your energy Elsa. Maybe you're not aware that
HI EBRIWAAAN! THANK YOU SO MUCH SA WALANG SAWANG PAGKALAMPAG PARA MATAPOS ANG STORY NILA ALIYAH AT ROCCO! SOBRANG TAGAL NA KASI NITONG DRAFT NA TO NA HALOS PAIBA IBA NA ANG PLOT PERO YUN NGA NAITAWID PA RIN KAYA MARAMING SALAMAT SA INYO. NAGBABALAK AKONG SUMALI SA CONTEST KAYA LANG BAKA HINDI KO NA NAMAN MATAPOS AGAD KAYA DI KO PA ALAM PERO THANKFUL AKO SA INYO ALWAYS, YUNG MGA NAGAGALIT DYAN SORRY HUHU, ILALAGAY KO NALANG KAYO SA SUNOD NA STORY KAYO YUNG MGA MAGPAPAHIRAP KAY FEMALE LEAD EME HAHAHA BAKA MAY MALITO SA MGA CHARACTERS SA DULONG PART HA, NASA STORY PO YAN NI ASHTON (Just a Contract) MAGANDA DIN AY SI PROMOTE HAHAHA YOWN LANG TENKS AGAIN, MAHAL KO KAYO LAHAT! MABUHAY PA SANA KAYO NANG MATAGAL đ¤đ¤đ¤
ALIYAH POVâALIYAH!â Agad akong napalingon sa pinto nang marinig ang sigaw na iyon. Halos manlaki ang mga mata ko nang makitang si Mae iyon na hingal na hingal. âM-mae?! Anong ginagawa mo dito? Delikado dito at saka paano ka napunta dito? Kinidnap ka din ba nila?â âSa susunod ko na ipapaliwanag sayo ang lahat, for now, kailangan muna nating makalabas sa lugar na ito at makalayoâââAnd what do you think youâre doing Mae? Bakit mo pinapakawalan ang pain ko?â Halos sabay pa kaming napalingon ni Mae sa pintuan nang marinig ang boses na iyon. It was Mr. Perez having a smirk in his face. âWhat is wrong with you dad?! Hindi mo ba kilala kung sino tong babaeng kinidnap niyo?! It was Aliyah, my best friend. Hindi ko hahayaan na saktan niyo ang mahalagang tao sa buhay ko!âHalos madurog ang puso ko nang isang malakas na sampal ang agad na lumipad sa pisngi ni Mae. Shit, ama pala ni Mae si Mr. Perez. Anong kinalaman ng pamilya nila kay Richard? âWow, I never knew you could be this ruthle
ALIYAH POVâMIGO ANO âTO?! Anong ibig sabihin ng lahat ng to?!â Pinilit kong palakasin ang loob ko. Gusto kong magalit kay Migo, anong ginagawa niya dito?! Bakit siya nandito?âMigo ano?! Tangina kasabwat ka nila?! They are looking for Richard, tapos⌠tapos makikita kita dito? Tangina Migo tinatraydor mo ako! Tinatraydor mo si Richard!â Gusto kong sampalin, gusto kong sipain, gusto kong saktan si Migo. Paano niya to nagawa? Paano niya to nagawa sa amin? Kay Riley? Tangina, hindi ko maisip. Bakit sa lahat lahat ng tao? Sya pa, sya pa talaga na halos pinagkatiwala ko na ang buong buhay ko. âCan you please leave us?â Tanong ng binata sa mga lalaking nakabantay sa amin. Umalis na yung matanda na sa pagkakarinig mo ay si Mr. Perez. Mukhang nag alinlangan pa yung mga nakabantay at nagbubulungan. Mahigpit kasing bilin ng matanda kanina na huwag akong iiwanan ng tingin. âItâs just a few minutes, bumalik kayo agad pagtapos ng limang minuto.â âTara na nga! Sya naman mananagot pag nakata
ROCCO POVPAKIRAMDAM ko ay biglang gumuho ang mundo ko nang wala akong nadatnan sa bahay ko. Walang Aliyah at walang Riley.Shit, ito na nga ba ang sinasabi ko. Ito na nga ba ang kinakatakot ko, ang iwan ako ulit nila Aliyah. Tangina ano nang gagawin ko?! Halos mapasalampak ako sa sahig nang masiguro kong wala na nga sila Aliyah sa pamamahay ko. Iâve searched everywhere. Sa kwarto, sa kusina sa banyo kahit sa garden ay wala! Wala na silang dalawa ni Riley. Imbes na mag iiiyak ay kinuha ko ang cellphone ko at mabilis na hinanap ang number ni Aliyah. I immediately called her and I wasnât surprised at all nang hindi ko na iyon ma-contact. Of course, sino bang umalis ang gustong mahanap siya. Tinigilan ko ang pagcontact kay Aliyah at si Paul nalang ang tinawagan. Halos dalawang ring lang ang lumipas at agad na rin niya iyong sinagot. âWhat nowâââAliyah was missing, iniwan niya na akoâââKahit din naman ako ay ganoon ang gagawin pagtapos ng ginawa mo.â âFuck you Paul, hindi ngayo
ROCCO POVâWHAT are you doing here, Rocco? Wala ka bang buhay na dapat sirain?â I immediately show Paul my middle finger while walking towards his liquor alley. Kumuha ako ng bote roon at basta na lamang tinungga. âHey what the fuck?! That cost our lives! Alam mo bang mas matanda pa sa atin yang alak na yan tapos basta basta mo nalang tutunggain? Ano na naman bang problema mo?â Nahiga ako sa sofa na nandito lang din sa loob ng office ni Paul at tumunganga. What the fuck did I do? Imbes na mapalapit sa akin sila Aliyah ay parang mas lalo lang lumalayo ang loob nila sa mga ginagawa ko. Fuck, all I want is just a fucking chance. One chance. Please, bigay mo na sakin yun Lord. Hindi ko alam na umiiyak na pala ako kung hindi pa ako tapikin sa balikat ng pinsan ko. âI donât know what youâre going through right now, Rocco. Pero advice ko lang sayo, balikan mo, kausapin mo.â âNasasaktan ko lang sila, Paul. And only God knows that is the least thing I want them to experience. Tangina,
âJUST stay still there okay, Riley? Tatawagan lang ni mommy yung friend niya.â âOkay po.â Agad ko na ngang tinawagan ang numero ni Mae at ilang ring pa ang narinig ko bago niya iyon sagutin. âHey, Aliyah, Iâm really sorry, nandyan na ba kayo?â Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. Akala ko pa naman ay nandito lang siya sa malapit kaya nagmadali agad akong nagpunta rito. But to my surprise, nauna pa rin kami ni Riley. âYes, nasaan kana ba? Kung matatagalan ka pa I think i-reschedule nalang muna siguro natin âto or maybe we can catch up through phones nalangâââNo no! I almost there, nasa escalator na ako. Sorry talaga!â Naiinis na binaba ko ang cellphone ko at nilingon si Riley. He was holding a toy that was given to him by Rocco, as far as I can remember, iyan yung laruan na binigay ng binata kay Riley noong unang beses naming pumunta sa bahay niya. A monster truck. âRiley, do you want something to eat? Or drinks maybe?â Alok ko sa anak ko. âNo mommy, Iâm not h
âHEY, howâs Riley? Okay lang ba siya?â Agad na nabaling ang mga paningin ko sa tapat ng pinto nang marinig ang tanong na iyon. It was Rocco who has a sad look in his face. Pansin na pansin rito ang bagsak na mga balikat.Kanina kasi ay sinubukan niyang kausapin si Riley tungkol sa totoong relasyon nilang dalawa. I donât know if Riley was just so young thatâs why he cannot comprehend it at first or he just doesnât want to believe everything Rocco has said to him. Nakita ko nalang na pumanhik ang anak namin dito sa kwarto at nagkulong. I tried to talk to him but he was just silenly crying until he fall asleep.Ilang araw na rin ang dumaan simula noong makauwi sila papa galing sa probinsya. Ngayon nga ay nandito na ulit kami sa bahay ni Rocco. Ayoko namang ipagkait sa binata ang pagkakataon na makabawi siya kay Riley. Nakikita ko naman na gustong gusto niya talagang makasama at makapag palagayan ng loob ang anak namin. Pero mukhang hindi yata magiging madali iyon.âBaka nabigla lang,
MABIGAT ang mga paa na pumanhik ako paitaas sa second floor kung saan naroon ang office room ni Richard. Ni hindi ko pa mapapansin na nakalagpas na pala ako roon kung hindi ko lang naramdaman ang paghila sa braso ko ng kung sinuman. âAnoââ Naputol sa hangin ang mga salitang sasabihin ko nang makita ko ang kunot na kunot na noo ni Rocco. Hindi ko maintindihan kung galit ba siya o naiirita o ano. âOh Roccoââ âAre you okay? Bakit parang ang lalim na naman ng inisiip mo?â Singit nito. Pasimple kong hinila ang braso kong hindi siguro napansin ng binata na hanggang ngayon ay hawak niya pa rin. Rocco seems too focused on me that is why I was easily get rid on his grip. âAnong sinasabi mo? Hindi ah!â Mabilis kong depensa. Rocco let out a heavy sighed. Para siyang pagod na pagod sa mga nangyayari. Eh wala namang ibang nangyayari! Ewan ko ba dyan sa kanya bakit para na naman siyang magulang kung mamroblema! âAliyah, look,â panimula pa nito sabay lagay ng kanyang dalawang kamay pa
âWHY are you frowning? Hindi ba pumayag ka naman dito?â Mabilis akong napairap ng mga mata nang marinig ko ang tanong na iyon ni Rocco. He was now focusing on driving but still was able to take a sideye on me. Naiinis ako! Ito pala yung sinasabi ng binata kanina. Eh hindi ko naman kasi naintindihan! Masyadong pre occupied yung utak ko kanina kaya basta nalang ako tumango at pumayag. âHindi kita pinilit, Aliyah. Kusa kang umoo, di ba?âHindi ko alam kung nangtitrip ba itong si Rocco o totoong genuine lang naman yung tinatanong nya. Pero naman kasi! Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko nang unti unti ko nang matanaw ang malaking mansyon ng mga Saavedra. This is the request that Rocco was asking for me a while ago. He wants me to come with him to their mansion and talk to Richard, his father. Ayoko na muna nga sanang bumalik ng mansyon. Hindi pa ko ready at hindi ko din alam kung ano ba ang magiging reaksyon nila Richard at Migo sa oras na malaman nilang alam na pa