ALIYAH POV"Pa..." tawag ko sa aking ama dahil pagkadating ko sa ospital ay nakaupo ito sa sulok at nakatulala. Halatang halata na may malalim na iniisip.Agad naman itong tumayo nang makita ako. Isang mano ang ginawad ko pagkalapit ko sa kanya. "Aliyak anak..." "Nasaan na po ang doctor ni Mama? Halika na Pa, puntahan na natin para makausap tungkol sa kundisyon ni mama." yaya ko sa aking ama habang hinihila siya papuntang kung saan. "Aliyah anak, kahit anumang sabihin ng doctor tiyak akong malaking pera ang kakailanganin-" "Pa, wala pa nga eh. Hindi pa nga po natin nakakausap 'yong doctor eh." putol ko sa sinasabi ni Papa. Oo nandoon na tayo sa posibilidad na tama naman si papa pero kahit ganoon, kailangan pa din naman mag-isip ng maganda. Si papa na ang naunang maglakad ako naman ay nasa likod niya lang. Sa dulo ng isang daan nakapwesto ang opisina ng doctor ni mama. Una na akong pinapasok ni Papa. "Take a seat." pormal at seryosong saad ng doctor na agad naman naming ginawa n
ELSA POVDali-dali na akong sumakay ng sasakyan ko papunta sa ospital kung nasaan ang nanay ni Aliyah na malamang ay nandoon na rin si Saavedra. That ruthless man! Hindi talaga siya titigil hanggat hindi nangyayari ang gusto niya. He will intentionally go to that hospital and will take advantage on Aliyah's weakness. Sigurado ako. Tinatawagan ko ang cellphone ng dalaga ngunit ring lang ito ng ring. Marahil nakasilent ito o di kaya'y hindi niya hawak. "Shit nasaan ka na ba Aliyah?" usal ko kahit alam kong ako lang din naman ang nakakarinig. Hindi pwedeng sila ni Saavedra ang unang magkita. Binilisan ko pa lalo ang paandar ng sasakyan at ilang minuto lang ay narating ko na agad ang lugar. Huminga muna ako ng malalim bago napagpasyahang pumasok. Tinanong ko lang saglit sa reception ang room number ng ina ng dalaga bago nagmamadaling sumakay na sa elevator. Nang marating ko ang floor na sinabi kanina ng nurse ay tahimik dito. Walang katao-tao ang daan. Naglakad na lamang ako at sumili
ELSA POV NAGMAMADALI akong bumaba ng aking sasakyan ng marating ang building ni Mr. Saavedra. Kailangan kong makausap muna si Aliyah bago pumayag sa proposal na sinasabi ng matanda. Mabilis na pinagpipindot ko ang button ng elevator. Ngayon ay hinihintay ko na lamang na bumukas ito. Ilang segundo lang ang hinintay ko at bumukas na nga ito. Iniluwa n'on ang isang binatang nakakunot ang noo. Napansin niya siguro ang pagtitig ko sa kanya kaya mas lalong kumunot ang noo nito at halos magsalubong na ang mga kilay. "What? You wanna fuck with me?" hindi ko alam ang irereact sa bastos at bulgarang salita ng lalaki. Sino ba ito sa akala niya at ganoon nalang makipag-usap. "As if. You're not even my type." iyon lang ang sinabi ko at nagmamadali nang pumasok sa loob. Isang beses pa akong nilingon ng lalaki bago tuluyang lumabas ng elevator. Pagkasara ng elevator ay mabilis kong pinindot ang button papunta sa pinakamataas na floor. Alam kong doon ang opisina ni Mr. Saavedra dahil minsan na
ELSA POVMABILIS na lumapit sa akin ang mga bodyguard ni Mr. Saavedra nang marinig nila akong kinakalampag ang pintuan ng boss nila. "Miss Elsa!" sigaw pa ni Allan at inutusan ang mga lalaking pigilan ako. Ngunit bago pa nila ako mahawakan sa magkabilang braso ay biglang bumukas ang pinto ng kwarto at iniluwa noon ang lalaking kanina ko pa hinahanap."Hey Elsa, I didn't know you will visit me. Sinarado ko pa naman ang pinto ng opisina ko." anito at tatawa-tawa. Mas lalo lang tuloy akong naasar. "Where's Aliyah? Kailangan ko siyang makausap." saad ko at tinitigan siya nang matalim. Kung nakamamatay lang ang pagtingin ay baka kanina pa ito nakabulagta. "Si Aliyah? Well, she's in my office. Probably signing now our contract. The marriage contract to be exact." sagot lang nito at tinawag si Allan. Agad din nitong sinarado ang pinto ngunit pinagpatuloy ko lang ang pagkalampag dito at pagtawag sa dalaga. "Hind ka niya maririnig, stop wasting your energy Elsa. Maybe you're not aware that
PAGKATAPOS nga ng naging pag-uusap namin ni Mr. Saavedra sa opisina niya ay tumigil na ako sa pagtatrabaho sa club ni Ate Elsa. Tanging school, bahay at ospital nalang ang pinupuntahan ko. Halos linggo-linggo rin ito nagbibigay ng pera panggastos ko at ng pamilya ko. "Aliyah anak, matanong ko nga. Bakit parang hindi kana pumupunta kanila Elsa para hintaying sabay kayong pumasok?" tanong ni Papa isang araw nang makitang hindi ako nag-aayos o naghahanda para sa pagpasok sa trabaho. Kagagaling ko lamang ng university n'on kaya naman itinabi ko muna ang ilang gamit ko. "Hindi na ako nagtatrabaho sa kanya Pa." simpleng sagot ko kay papa. Nang magpaalam ako kay ate Elsa na aalis na ako sa trabaho ay hindi na ito nagtanong pa. Dinahilan ko nalang na kailangan ko nang magfocus sa pag-aaral. Hindi nalang ito kumibo at tanging tango lang ang sinagot. "Ah ganoon ba? Eh saan ka kumukuha ng panggastos natin dito sa bahay kung umalis ka na pala sa club ni Elsa?" tanong ulit ni papa habang kuno
BUMUTI-buti na ang kalagayan ni mama at bumabalik na ang dati niyang lakas matapos ang ilang buwan niyang pagtetherapy at madalas na check up sa kanya ng doctor. Pero sa ospital pa rin siya nakatigil, pwede naman na daw siyang umuwi pero mas maganda daw na nasa ospital siya para mabilis siyang maoobserbahan ng mga doctor hanggang sa wala nang madetect na cancer cells sa katawan niya. Malungkot man ay pumayag nalang kami ni Papa dahil alam naman naming mas makabubuti iyon sa kondisyon ni mama. Totoo nga ang sinabi Mr. Saavedra, lahat gagawin niya para lang gumaling at lumakas si mama. Na malaking pinagpapasalamat ko sa matanda.Pagkatapos ng huling punta niya sa bahay namin nang walang pasabi ay hindi na ito muling nagpakita sa akin. Kay Allan niya nalang idinadaan ang perang ibinibigay. Tumatawag-tawag lamang ito sa akin upang mangamusta at tanungin kung may iba pa ba akong kailangan o gusto. "Aliyak anak..." tawag ni mama sa akin kaya naman agad akong tumingin sa kanya at lumapit s
MABILIS nga lamang lumipas ang araw. Ngayong araw na ang graduation day namin. Pinayagan ng mga doctor si mama na makalabas at makadalo sa espesyal na pangyayaring ito sa buhay ko ngunit kailangang nakasakay lamang siya sa kanyang wheelchair. Silang dalawa lang ni Papa ang kasama ko dahil ayaw rin magpaiwan ng iba ko pang kapatid kung sasama raw si Alex, wala nalang siyang nagawa at mas pinili nalang na manatili sa bahay. Mga kaklase ko ang katabi ko habang sila mama at papa naman ay nasa bandang likuran kasama rin ng ibang magulang. Hinihintay pa naming matapos magspeech ang summa cum laude ng aming university bago tuluyang tawagin ang mga estudyante isa-isa. "Aliyah? Matagal pa kaya 'to? Nabobored na ako eh." wika ni Mae sa tabi ko kaya naman napalingon ako sa kaibigan. "Siguro hindi naman na. Kanina pa 'yan nagsasalita 'di ba?" sagot ko sabay ngiti sa kanya. "Oo nga eh, hindi ko nga alam kung pinapakinggan pa ba ng ibang estudyante." dagdag pa nito sabay lingon sa iba pa namin
MATAPOS nga ng naging pag-uusap namin ni Mr. Saavedra sa labas ng venue ay agad na akong bumalik sa loob. Pinilit ko ang sariling alisin muna ang negatibong pakiramdam dahil ayoko naman na hanggang dito ay masama pa rin ang loob ko at naiinis. "Aliyah, okay ka lang?" tanong agad ni Mae nang saglit niya akong tapunan ng tingin. "Ha? O-oo naman. Bakit?" tanong ko rin at pilit na ngumiti. Ayokong malaman niya na pagkatapos ng masayang pangyayaring ito sa buhay ko ay may naghihintay nang tila sumpa pagkauwi ko. Gusto ko nalang sulitin ang mga oras na ito. "Parang ang lungkot mo. O baka naman pagod kana? Nagduty ka pa ba kagabi?" tanong ulit ni Mae na agad ko namang inilingan bilang sagot. Hindi niya pa nga rin pala alam na tumigil na ako sa pagtatrabaho sa club ni Ate Elsa. "Hindi ano ka ba. Naiinip lang ako. Ano na bang course ang tinatawag?" pag-iiba ko ng usapan para naman matigil na ang paninitig sa akin ng kaibigan. "Ah hindi ko alam kung anong course eh, pero sabi nila last n
HI EBRIWAAAN! THANK YOU SO MUCH SA WALANG SAWANG PAGKALAMPAG PARA MATAPOS ANG STORY NILA ALIYAH AT ROCCO! SOBRANG TAGAL NA KASI NITONG DRAFT NA TO NA HALOS PAIBA IBA NA ANG PLOT PERO YUN NGA NAITAWID PA RIN KAYA MARAMING SALAMAT SA INYO. NAGBABALAK AKONG SUMALI SA CONTEST KAYA LANG BAKA HINDI KO NA NAMAN MATAPOS AGAD KAYA DI KO PA ALAM PERO THANKFUL AKO SA INYO ALWAYS, YUNG MGA NAGAGALIT DYAN SORRY HUHU, ILALAGAY KO NALANG KAYO SA SUNOD NA STORY KAYO YUNG MGA MAGPAPAHIRAP KAY FEMALE LEAD EME HAHAHA BAKA MAY MALITO SA MGA CHARACTERS SA DULONG PART HA, NASA STORY PO YAN NI ASHTON (Just a Contract) MAGANDA DIN AY SI PROMOTE HAHAHA YOWN LANG TENKS AGAIN, MAHAL KO KAYO LAHAT! MABUHAY PA SANA KAYO NANG MATAGAL 🖤🖤🖤
ALIYAH POV“ALIYAH!” Agad akong napalingon sa pinto nang marinig ang sigaw na iyon. Halos manlaki ang mga mata ko nang makitang si Mae iyon na hingal na hingal. “M-mae?! Anong ginagawa mo dito? Delikado dito at saka paano ka napunta dito? Kinidnap ka din ba nila?” “Sa susunod ko na ipapaliwanag sayo ang lahat, for now, kailangan muna nating makalabas sa lugar na ito at makalayo—““And what do you think you’re doing Mae? Bakit mo pinapakawalan ang pain ko?” Halos sabay pa kaming napalingon ni Mae sa pintuan nang marinig ang boses na iyon. It was Mr. Perez having a smirk in his face. “What is wrong with you dad?! Hindi mo ba kilala kung sino tong babaeng kinidnap niyo?! It was Aliyah, my best friend. Hindi ko hahayaan na saktan niyo ang mahalagang tao sa buhay ko!”Halos madurog ang puso ko nang isang malakas na sampal ang agad na lumipad sa pisngi ni Mae. Shit, ama pala ni Mae si Mr. Perez. Anong kinalaman ng pamilya nila kay Richard? “Wow, I never knew you could be this ruthle
ALIYAH POV“MIGO ANO ‘TO?! Anong ibig sabihin ng lahat ng to?!” Pinilit kong palakasin ang loob ko. Gusto kong magalit kay Migo, anong ginagawa niya dito?! Bakit siya nandito?“Migo ano?! Tangina kasabwat ka nila?! They are looking for Richard, tapos… tapos makikita kita dito? Tangina Migo tinatraydor mo ako! Tinatraydor mo si Richard!” Gusto kong sampalin, gusto kong sipain, gusto kong saktan si Migo. Paano niya to nagawa? Paano niya to nagawa sa amin? Kay Riley? Tangina, hindi ko maisip. Bakit sa lahat lahat ng tao? Sya pa, sya pa talaga na halos pinagkatiwala ko na ang buong buhay ko. “Can you please leave us?” Tanong ng binata sa mga lalaking nakabantay sa amin. Umalis na yung matanda na sa pagkakarinig mo ay si Mr. Perez. Mukhang nag alinlangan pa yung mga nakabantay at nagbubulungan. Mahigpit kasing bilin ng matanda kanina na huwag akong iiwanan ng tingin. “It’s just a few minutes, bumalik kayo agad pagtapos ng limang minuto.” “Tara na nga! Sya naman mananagot pag nakata
ROCCO POVPAKIRAMDAM ko ay biglang gumuho ang mundo ko nang wala akong nadatnan sa bahay ko. Walang Aliyah at walang Riley.Shit, ito na nga ba ang sinasabi ko. Ito na nga ba ang kinakatakot ko, ang iwan ako ulit nila Aliyah. Tangina ano nang gagawin ko?! Halos mapasalampak ako sa sahig nang masiguro kong wala na nga sila Aliyah sa pamamahay ko. I’ve searched everywhere. Sa kwarto, sa kusina sa banyo kahit sa garden ay wala! Wala na silang dalawa ni Riley. Imbes na mag iiiyak ay kinuha ko ang cellphone ko at mabilis na hinanap ang number ni Aliyah. I immediately called her and I wasn’t surprised at all nang hindi ko na iyon ma-contact. Of course, sino bang umalis ang gustong mahanap siya. Tinigilan ko ang pagcontact kay Aliyah at si Paul nalang ang tinawagan. Halos dalawang ring lang ang lumipas at agad na rin niya iyong sinagot. “What now—““Aliyah was missing, iniwan niya na ako—““Kahit din naman ako ay ganoon ang gagawin pagtapos ng ginawa mo.” “Fuck you Paul, hindi ngayo
ROCCO POV“WHAT are you doing here, Rocco? Wala ka bang buhay na dapat sirain?” I immediately show Paul my middle finger while walking towards his liquor alley. Kumuha ako ng bote roon at basta na lamang tinungga. “Hey what the fuck?! That cost our lives! Alam mo bang mas matanda pa sa atin yang alak na yan tapos basta basta mo nalang tutunggain? Ano na naman bang problema mo?” Nahiga ako sa sofa na nandito lang din sa loob ng office ni Paul at tumunganga. What the fuck did I do? Imbes na mapalapit sa akin sila Aliyah ay parang mas lalo lang lumalayo ang loob nila sa mga ginagawa ko. Fuck, all I want is just a fucking chance. One chance. Please, bigay mo na sakin yun Lord. Hindi ko alam na umiiyak na pala ako kung hindi pa ako tapikin sa balikat ng pinsan ko. “I don’t know what you’re going through right now, Rocco. Pero advice ko lang sayo, balikan mo, kausapin mo.” “Nasasaktan ko lang sila, Paul. And only God knows that is the least thing I want them to experience. Tangina,
“JUST stay still there okay, Riley? Tatawagan lang ni mommy yung friend niya.” “Okay po.” Agad ko na ngang tinawagan ang numero ni Mae at ilang ring pa ang narinig ko bago niya iyon sagutin. “Hey, Aliyah, I’m really sorry, nandyan na ba kayo?” Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. Akala ko pa naman ay nandito lang siya sa malapit kaya nagmadali agad akong nagpunta rito. But to my surprise, nauna pa rin kami ni Riley. “Yes, nasaan kana ba? Kung matatagalan ka pa I think i-reschedule nalang muna siguro natin ‘to or maybe we can catch up through phones nalang—““No no! I almost there, nasa escalator na ako. Sorry talaga!” Naiinis na binaba ko ang cellphone ko at nilingon si Riley. He was holding a toy that was given to him by Rocco, as far as I can remember, iyan yung laruan na binigay ng binata kay Riley noong unang beses naming pumunta sa bahay niya. A monster truck. “Riley, do you want something to eat? Or drinks maybe?” Alok ko sa anak ko. “No mommy, I’m not h
“HEY, how’s Riley? Okay lang ba siya?” Agad na nabaling ang mga paningin ko sa tapat ng pinto nang marinig ang tanong na iyon. It was Rocco who has a sad look in his face. Pansin na pansin rito ang bagsak na mga balikat.Kanina kasi ay sinubukan niyang kausapin si Riley tungkol sa totoong relasyon nilang dalawa. I don’t know if Riley was just so young that’s why he cannot comprehend it at first or he just doesn’t want to believe everything Rocco has said to him. Nakita ko nalang na pumanhik ang anak namin dito sa kwarto at nagkulong. I tried to talk to him but he was just silenly crying until he fall asleep.Ilang araw na rin ang dumaan simula noong makauwi sila papa galing sa probinsya. Ngayon nga ay nandito na ulit kami sa bahay ni Rocco. Ayoko namang ipagkait sa binata ang pagkakataon na makabawi siya kay Riley. Nakikita ko naman na gustong gusto niya talagang makasama at makapag palagayan ng loob ang anak namin. Pero mukhang hindi yata magiging madali iyon.“Baka nabigla lang,
MABIGAT ang mga paa na pumanhik ako paitaas sa second floor kung saan naroon ang office room ni Richard. Ni hindi ko pa mapapansin na nakalagpas na pala ako roon kung hindi ko lang naramdaman ang paghila sa braso ko ng kung sinuman. “Ano—“ Naputol sa hangin ang mga salitang sasabihin ko nang makita ko ang kunot na kunot na noo ni Rocco. Hindi ko maintindihan kung galit ba siya o naiirita o ano. “Oh Rocco—“ “Are you okay? Bakit parang ang lalim na naman ng inisiip mo?” Singit nito. Pasimple kong hinila ang braso kong hindi siguro napansin ng binata na hanggang ngayon ay hawak niya pa rin. Rocco seems too focused on me that is why I was easily get rid on his grip. “Anong sinasabi mo? Hindi ah!” Mabilis kong depensa. Rocco let out a heavy sighed. Para siyang pagod na pagod sa mga nangyayari. Eh wala namang ibang nangyayari! Ewan ko ba dyan sa kanya bakit para na naman siyang magulang kung mamroblema! “Aliyah, look,” panimula pa nito sabay lagay ng kanyang dalawang kamay pa
“WHY are you frowning? Hindi ba pumayag ka naman dito?” Mabilis akong napairap ng mga mata nang marinig ko ang tanong na iyon ni Rocco. He was now focusing on driving but still was able to take a sideye on me. Naiinis ako! Ito pala yung sinasabi ng binata kanina. Eh hindi ko naman kasi naintindihan! Masyadong pre occupied yung utak ko kanina kaya basta nalang ako tumango at pumayag. “Hindi kita pinilit, Aliyah. Kusa kang umoo, di ba?”Hindi ko alam kung nangtitrip ba itong si Rocco o totoong genuine lang naman yung tinatanong nya. Pero naman kasi! Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko nang unti unti ko nang matanaw ang malaking mansyon ng mga Saavedra. This is the request that Rocco was asking for me a while ago. He wants me to come with him to their mansion and talk to Richard, his father. Ayoko na muna nga sanang bumalik ng mansyon. Hindi pa ko ready at hindi ko din alam kung ano ba ang magiging reaksyon nila Richard at Migo sa oras na malaman nilang alam na pa