Share

Chapter 5

Author: Ydewons
last update Huling Na-update: 2023-02-21 15:25:31

"SUMIGAW ka lang ha, nandito sila Kuya Bong at Kuya Gab sa labas. Maririnig ka nila agad." paalala sa akin ni Ate Elsa habang hawak hawak ang dalawa kong kamay. Para siyang nag-aalala. Nginitian ko siya para kahit naman papaano ay gumaan ang pakiramdam niya.

"Okay lang po ako Ate Elsa. Sige po papasok na po ako." paalam ko sa kanya na tanging dahan-dahan lamang na tango ang sinagot niya. Isang beses pa ay nginitian ko siya.

"Aliyah?" tawag niya ulit sa akin.

"Po?"

"Take care of yourself ha. Nandito lang ako."

"Opo Ate Elsa, salamat nga po pala sa damit. Lalabhan ko nalang po."

"You can keep that one. Sige na pumasok kana." tango lang ang sinagot ko. Nabigla ako nang bigla niya akong yakapin kaya niyakap ko nalang din siya. Maya-maya lamang ay ako na ang nagkusang kumalas sa yakapan namin at nagdesisyon nang pumasok.

Pagkapasok ko sa kwarto ay nagulat ako. Hindi ito mausok kagaya ng lugar sa ibaba. Dim lang din at steady ang ilaw na hindi nakakahilo sa mata. Agad natutok ang mga mata ko sa lalaking nakatalikot sa akin.

Siguro ito na si Mr. Saavedra.

"G-good evening M-mr. Saavedra, I'm Aliyah..." putol-putol kong saad upang makuha ang atensyon ng lalaki.

Hindi rin naman nagtagal ang paghihintay ko ay humarap na ito sa akin. Doon ay nakita ko ang isang lalaki na tila hindi yata nalalayo ang edad sa aking ama. Nakangiti ito ngunit ang mga ngiti ay hindi umabot ang saya sa kanyang mga mata.

"Take a seat, young lady. I won't bite." wika nito sabay tawa ng mahina. Napatulala kasi ako at parang inugatan ang mga paa sa lugar na kinatatayuan ko.

Maamo ang mukha nito at mukhang mabait. Hindi naman mukhang bastos kaya umupo na ako agad sa tapat nito.

"Is there anything I can do to help you Sir?" tanong ko mayamaya sa kanya. Nakatingin lang kasi siya sa akin ngunit ang mga tanaw ay tumatagos sa katawan ko. Parang ang lalim ng iniisip niya.

"It's Richard-"

"Sir?" tangang tanong ko ulit. Napangiti naman ako ng makitang ngumiti rin siya ng kaunti.

"Drop the Sir. Just call me Richard. And your name is?"

"I'm Aliyah Sir ay I mean Richard." sagot ko sabay lahad ng kamay na agad naman niyang tinanggap.

Kanina pa siya nagkekwento, hindi ko alam kung para ba maging kumportable ba ako sa kanya o dahil gusto niya lang na may mapagkekwentuhan. Sabi niya patay na raw ang asawa niya at meron siyang isang anak. Hindi daw iyon umuuwi sa kanya at kung umuwi man ay aawayin lang siya.

"Napaka-ungrateful naman po pala ng anak niyo. Ako nga po noong sinabihan ako ni papa na baka hindi na niya ako matustusan sa pag-aaral ay hindi ako nagalit. Hindi ako nagtanim ng sama ng loob. Syempre wala namang may gusto na mawalan siya ng trabaho eh. Kaya ang ginawa ko, ako na ang naghanap ng trabaho para maipagpatuloy ko ang pag-aaral ko. Nakakapagbigay na rin ako sa pamilya ko. Kaya po ako nandito ngayon sa harapan niyo." kwento ko na tila proud na proud sa ginawang desisyon ko sa buhay.

Well, totoo naman 'yon. Iyan na nga at may taong gustong bumuhay at magprovide sayo sa pangaraw-araw mo, aawayin mo pa. Ano kayang ginagawa ng taong 'yon ngayon.

"Your parents must be proud of you." wika nito sabay inom ng alak na natitira sa baso niya. Agad ko namang kinuha ang bote ng alak at ako na ang nagsalin ng laman nito sa hawak-hawak na baso ng matanda.

"Aliyah?"

"Yes?" tanong ko ngunit ang mga mata ay nakatutok sa alak na sinasalin.

"Do you want me to sponsor your study?" agad kong naibaba ang bote ng alak at napatitig sa kanya. Seryoso ba siya?

"Seryoso po kayo?" tanong ko agad sa kanya at tinitigan siya sa mga mata.

"Hey quit that staring. Maupo ka muna." utos niya sa akin na agad ko namang sinunod ngunit ang mga mata ay nakatuon pa rin sa kanya.

"So ano nga po? Is there any requirement I have to pass para maging scholar niyo ako?" tanong ko ulit.

"It's quite different from the normal scholar Aliyah, baka mabigla ka." wika nito ngunit tinititigan na rin ako sa mata.

"Paanong iba po?"

"I already told you that I'm alone in my mansion right?" tango lang ang sinagot ko at pinagpatuloy ang binibigay na atensyon sa kanya kahihintay sa kung anuman ang idudugtong nito. "...I want to propose something for you." shit para 'kong kinakabahan sa kung saan mapupunta 'tong propose-propose na 'to ah. Huwag naman sana. Hindi pa ako ready.

"Propose? What kind of proposal?" tanong ko ngunit may namumuo nang ideya sa isip ko.

"I want you to marry me-"

"What? Sorry Mr. Saavedra ha, but can't you see, I'm only in my twenties. Ni hindi pa nga ako nakakagraduate. Wala pa akong nagiging boyfriend tapos gusto niyong pakasalan ko kayo? Eh ilang taon nga lang ang tanda ng papa ko sa inyo eh." hysterical kong tanong sa kanya. I just can't believe this old man! Kakilala nga lang namin kanina eh.

"Okay you don't have to be hysterical. I understand where you're coming from." wika nito at akmang lalapitan ako nang mabilis pa sa alas kwatro ay lumayo agad ako sa kanya. He just let a deep sigh after what I did.

"Huwag kayong lalapit sa akin." pagbabanta ko akma nang lalabas sa kwarto nang pigilan niya ako.

"Wait, please. I'm sorry if I scared you. That was not my intention. Here." saad nito sabay lapag ng ilang libo sa mesa.

"Sinusuhulan niyo po ba ako?" pagtataray ko sa kanya at tinaasan siya ng kilay.

"No of course not. That is your payment. Hindi kita binabayaran bilang babae. Binabayaran kita because you give me your time, I consumed it na sana dapat ay tinatrabaho mo kanina. So here it is. Your payment." paliwanag nito sabay tayo. Nang magsimula itong lumakad at inakala kong lalapit sa kinatatayuan ko ay agad akong gumilid.

"I'm sorry again Aliyah. I hope you can forgive me. I will give you time to think about my proposal. Kahit anong isagot mo ay tatanggapin ko." wika lang nito at mabilis nang lumabas sa kwarto.

Agad akong lumapit sa mesa at tiningnan ang perang inilapag ng matanda doon kanina. Binilang ko ito nang mabilis. Another fifty thousand. Grabe parang pangdalawa't kalahating buwan ko na 'tong sweldo ah. Iba pa 'yong ibibigay na fifty thousand ni Ate Elsa. Ibig sabihin lang, kumita ako ng isandaang libo para lang sa gabi na 'to? Sobrang swerte ko naman.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
Go Aliyah pakasalan mo SI Richard mukha namang mabait
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Sold To Mr. Saavedra   Chapter 6

    "PAPA!" sigaw ko pagkapasok ko ng bahay namin. Nagtaka naman ako dahil hindi ako sinalubong ng aking ama sa labas ng bahay namin. Lagi niya kasing ginagawa 'yon. Ngayong araw lang yata hindi."Alex nasaan si papa? At saka si mama? Bakit wala dito?" tanong ko sa sumunod kong kapatid nang makitang nakaupo ito sa tapat ng telebisyon namin."Hindi ko po alam ate eh. Kanina po kasi narinig nalang namin na sumigaw si papa tapos ginigising si mama tapos maya-maya po dumating sila Kuya Dante tapos tinulungan si papa na buhatin si mama palabas." tila wala sa sarili na sagot ng kapatid ko sa akin. Na para bang nagkekwento lang siya ng binili niyang candy sa tindahan.Shit anong nangyari? Kailangan kong tawagan si Papa. Baka ano nang nangyari kay mama. Hindi pa man ako nakakabihis ay agad ko lang nilapag ang bag ko at agad kinuha ang cellphone ko para tawagan si Papa. Ilang ring lang ay sumagot na agad si papa. "Pa anong nangyari? Bakit sabi ni Alex binuhat nyo daw si Mama palabas ng bahay? Ma

    Huling Na-update : 2023-02-21
  • Sold To Mr. Saavedra   Chapter 7

    "ALIYAH ano? Sumagot na ba si Mr. Saavedra sayo?" tanong sa akin ni Ate Elsa ngunit bigong mukha lamang ang ipinakita ko sa kanya. Nang itext sa akin ni Ate Elsa ang numero ng matanda ay agad ko itong tinawagan. Pero nakakalimang missed call na 'ata ako ay hindi pa rin ito sumasagot kaya't naisipan kong umuwi na lamang at dumiretso sa bahay nila Ate Elsa upang tanungin kung may alam pa ba siyang ibang numero ni Mr. Saavedra. "Ano ba kasing importanteng bagay ang kailangan mong sabihin sa kanya na nagkakandaugaga ka? Hindi ba pwede na mamayang gabi nalang pagkaduty mo?" tanong niya ulit habang naghahanda ng pagkain sa kanyang maliit na lamesa. "Hindi pwede 'te eh. Kailangan ko talaga siyang makausap." sagot ko at isang beses pang tinawagan ang numero ng matanda. Ngunit katulad din kanina, puro ring lang ito at walang sumasagot. "Tama na muna 'yan. Maupo ka muna dito sa tabi ko at sabayan mo akong kumain." yaya ni Ate Elsa habang pinapapunta ako sa katabing upuan niya. "Hindi na p

    Huling Na-update : 2023-02-21
  • Sold To Mr. Saavedra   Chapter 8

    ALIYAH POV"Pa..." tawag ko sa aking ama dahil pagkadating ko sa ospital ay nakaupo ito sa sulok at nakatulala. Halatang halata na may malalim na iniisip.Agad naman itong tumayo nang makita ako. Isang mano ang ginawad ko pagkalapit ko sa kanya. "Aliyak anak..." "Nasaan na po ang doctor ni Mama? Halika na Pa, puntahan na natin para makausap tungkol sa kundisyon ni mama." yaya ko sa aking ama habang hinihila siya papuntang kung saan. "Aliyah anak, kahit anumang sabihin ng doctor tiyak akong malaking pera ang kakailanganin-" "Pa, wala pa nga eh. Hindi pa nga po natin nakakausap 'yong doctor eh." putol ko sa sinasabi ni Papa. Oo nandoon na tayo sa posibilidad na tama naman si papa pero kahit ganoon, kailangan pa din naman mag-isip ng maganda. Si papa na ang naunang maglakad ako naman ay nasa likod niya lang. Sa dulo ng isang daan nakapwesto ang opisina ng doctor ni mama. Una na akong pinapasok ni Papa. "Take a seat." pormal at seryosong saad ng doctor na agad naman naming ginawa n

    Huling Na-update : 2023-02-21
  • Sold To Mr. Saavedra   Chapter 9

    ELSA POVDali-dali na akong sumakay ng sasakyan ko papunta sa ospital kung nasaan ang nanay ni Aliyah na malamang ay nandoon na rin si Saavedra. That ruthless man! Hindi talaga siya titigil hanggat hindi nangyayari ang gusto niya. He will intentionally go to that hospital and will take advantage on Aliyah's weakness. Sigurado ako. Tinatawagan ko ang cellphone ng dalaga ngunit ring lang ito ng ring. Marahil nakasilent ito o di kaya'y hindi niya hawak. "Shit nasaan ka na ba Aliyah?" usal ko kahit alam kong ako lang din naman ang nakakarinig. Hindi pwedeng sila ni Saavedra ang unang magkita. Binilisan ko pa lalo ang paandar ng sasakyan at ilang minuto lang ay narating ko na agad ang lugar. Huminga muna ako ng malalim bago napagpasyahang pumasok. Tinanong ko lang saglit sa reception ang room number ng ina ng dalaga bago nagmamadaling sumakay na sa elevator. Nang marating ko ang floor na sinabi kanina ng nurse ay tahimik dito. Walang katao-tao ang daan. Naglakad na lamang ako at sumili

    Huling Na-update : 2023-02-21
  • Sold To Mr. Saavedra   Chapter 10

    ELSA POV NAGMAMADALI akong bumaba ng aking sasakyan ng marating ang building ni Mr. Saavedra. Kailangan kong makausap muna si Aliyah bago pumayag sa proposal na sinasabi ng matanda. Mabilis na pinagpipindot ko ang button ng elevator. Ngayon ay hinihintay ko na lamang na bumukas ito. Ilang segundo lang ang hinintay ko at bumukas na nga ito. Iniluwa n'on ang isang binatang nakakunot ang noo. Napansin niya siguro ang pagtitig ko sa kanya kaya mas lalong kumunot ang noo nito at halos magsalubong na ang mga kilay. "What? You wanna fuck with me?" hindi ko alam ang irereact sa bastos at bulgarang salita ng lalaki. Sino ba ito sa akala niya at ganoon nalang makipag-usap. "As if. You're not even my type." iyon lang ang sinabi ko at nagmamadali nang pumasok sa loob. Isang beses pa akong nilingon ng lalaki bago tuluyang lumabas ng elevator. Pagkasara ng elevator ay mabilis kong pinindot ang button papunta sa pinakamataas na floor. Alam kong doon ang opisina ni Mr. Saavedra dahil minsan na

    Huling Na-update : 2023-02-21
  • Sold To Mr. Saavedra   Chapter 11

    ELSA POVMABILIS na lumapit sa akin ang mga bodyguard ni Mr. Saavedra nang marinig nila akong kinakalampag ang pintuan ng boss nila. "Miss Elsa!" sigaw pa ni Allan at inutusan ang mga lalaking pigilan ako. Ngunit bago pa nila ako mahawakan sa magkabilang braso ay biglang bumukas ang pinto ng kwarto at iniluwa noon ang lalaking kanina ko pa hinahanap."Hey Elsa, I didn't know you will visit me. Sinarado ko pa naman ang pinto ng opisina ko." anito at tatawa-tawa. Mas lalo lang tuloy akong naasar. "Where's Aliyah? Kailangan ko siyang makausap." saad ko at tinitigan siya nang matalim. Kung nakamamatay lang ang pagtingin ay baka kanina pa ito nakabulagta. "Si Aliyah? Well, she's in my office. Probably signing now our contract. The marriage contract to be exact." sagot lang nito at tinawag si Allan. Agad din nitong sinarado ang pinto ngunit pinagpatuloy ko lang ang pagkalampag dito at pagtawag sa dalaga. "Hind ka niya maririnig, stop wasting your energy Elsa. Maybe you're not aware that

    Huling Na-update : 2023-02-22
  • Sold To Mr. Saavedra   Chapter 12

    PAGKATAPOS nga ng naging pag-uusap namin ni Mr. Saavedra sa opisina niya ay tumigil na ako sa pagtatrabaho sa club ni Ate Elsa. Tanging school, bahay at ospital nalang ang pinupuntahan ko. Halos linggo-linggo rin ito nagbibigay ng pera panggastos ko at ng pamilya ko. "Aliyah anak, matanong ko nga. Bakit parang hindi kana pumupunta kanila Elsa para hintaying sabay kayong pumasok?" tanong ni Papa isang araw nang makitang hindi ako nag-aayos o naghahanda para sa pagpasok sa trabaho. Kagagaling ko lamang ng university n'on kaya naman itinabi ko muna ang ilang gamit ko. "Hindi na ako nagtatrabaho sa kanya Pa." simpleng sagot ko kay papa. Nang magpaalam ako kay ate Elsa na aalis na ako sa trabaho ay hindi na ito nagtanong pa. Dinahilan ko nalang na kailangan ko nang magfocus sa pag-aaral. Hindi nalang ito kumibo at tanging tango lang ang sinagot. "Ah ganoon ba? Eh saan ka kumukuha ng panggastos natin dito sa bahay kung umalis ka na pala sa club ni Elsa?" tanong ulit ni papa habang kuno

    Huling Na-update : 2023-02-23
  • Sold To Mr. Saavedra   Chapter 13

    BUMUTI-buti na ang kalagayan ni mama at bumabalik na ang dati niyang lakas matapos ang ilang buwan niyang pagtetherapy at madalas na check up sa kanya ng doctor. Pero sa ospital pa rin siya nakatigil, pwede naman na daw siyang umuwi pero mas maganda daw na nasa ospital siya para mabilis siyang maoobserbahan ng mga doctor hanggang sa wala nang madetect na cancer cells sa katawan niya. Malungkot man ay pumayag nalang kami ni Papa dahil alam naman naming mas makabubuti iyon sa kondisyon ni mama. Totoo nga ang sinabi Mr. Saavedra, lahat gagawin niya para lang gumaling at lumakas si mama. Na malaking pinagpapasalamat ko sa matanda.Pagkatapos ng huling punta niya sa bahay namin nang walang pasabi ay hindi na ito muling nagpakita sa akin. Kay Allan niya nalang idinadaan ang perang ibinibigay. Tumatawag-tawag lamang ito sa akin upang mangamusta at tanungin kung may iba pa ba akong kailangan o gusto. "Aliyak anak..." tawag ni mama sa akin kaya naman agad akong tumingin sa kanya at lumapit s

    Huling Na-update : 2023-02-23

Pinakabagong kabanata

  • Sold To Mr. Saavedra   NOTE NI AUTHOR!

    HI EBRIWAAAN! THANK YOU SO MUCH SA WALANG SAWANG PAGKALAMPAG PARA MATAPOS ANG STORY NILA ALIYAH AT ROCCO! SOBRANG TAGAL NA KASI NITONG DRAFT NA TO NA HALOS PAIBA IBA NA ANG PLOT PERO YUN NGA NAITAWID PA RIN KAYA MARAMING SALAMAT SA INYO. NAGBABALAK AKONG SUMALI SA CONTEST KAYA LANG BAKA HINDI KO NA NAMAN MATAPOS AGAD KAYA DI KO PA ALAM PERO THANKFUL AKO SA INYO ALWAYS, YUNG MGA NAGAGALIT DYAN SORRY HUHU, ILALAGAY KO NALANG KAYO SA SUNOD NA STORY KAYO YUNG MGA MAGPAPAHIRAP KAY FEMALE LEAD EME HAHAHA BAKA MAY MALITO SA MGA CHARACTERS SA DULONG PART HA, NASA STORY PO YAN NI ASHTON (Just a Contract) MAGANDA DIN AY SI PROMOTE HAHAHA YOWN LANG TENKS AGAIN, MAHAL KO KAYO LAHAT! MABUHAY PA SANA KAYO NANG MATAGAL 🖤🖤🖤

  • Sold To Mr. Saavedra   Chapter 92 ( ENDING )

    ALIYAH POV“ALIYAH!” Agad akong napalingon sa pinto nang marinig ang sigaw na iyon. Halos manlaki ang mga mata ko nang makitang si Mae iyon na hingal na hingal. “M-mae?! Anong ginagawa mo dito? Delikado dito at saka paano ka napunta dito? Kinidnap ka din ba nila?” “Sa susunod ko na ipapaliwanag sayo ang lahat, for now, kailangan muna nating makalabas sa lugar na ito at makalayo—““And what do you think you’re doing Mae? Bakit mo pinapakawalan ang pain ko?” Halos sabay pa kaming napalingon ni Mae sa pintuan nang marinig ang boses na iyon. It was Mr. Perez having a smirk in his face. “What is wrong with you dad?! Hindi mo ba kilala kung sino tong babaeng kinidnap niyo?! It was Aliyah, my best friend. Hindi ko hahayaan na saktan niyo ang mahalagang tao sa buhay ko!”Halos madurog ang puso ko nang isang malakas na sampal ang agad na lumipad sa pisngi ni Mae. Shit, ama pala ni Mae si Mr. Perez. Anong kinalaman ng pamilya nila kay Richard? “Wow, I never knew you could be this ruthle

  • Sold To Mr. Saavedra   Chapter 91

    ALIYAH POV“MIGO ANO ‘TO?! Anong ibig sabihin ng lahat ng to?!” Pinilit kong palakasin ang loob ko. Gusto kong magalit kay Migo, anong ginagawa niya dito?! Bakit siya nandito?“Migo ano?! Tangina kasabwat ka nila?! They are looking for Richard, tapos… tapos makikita kita dito? Tangina Migo tinatraydor mo ako! Tinatraydor mo si Richard!” Gusto kong sampalin, gusto kong sipain, gusto kong saktan si Migo. Paano niya to nagawa? Paano niya to nagawa sa amin? Kay Riley? Tangina, hindi ko maisip. Bakit sa lahat lahat ng tao? Sya pa, sya pa talaga na halos pinagkatiwala ko na ang buong buhay ko. “Can you please leave us?” Tanong ng binata sa mga lalaking nakabantay sa amin. Umalis na yung matanda na sa pagkakarinig mo ay si Mr. Perez. Mukhang nag alinlangan pa yung mga nakabantay at nagbubulungan. Mahigpit kasing bilin ng matanda kanina na huwag akong iiwanan ng tingin. “It’s just a few minutes, bumalik kayo agad pagtapos ng limang minuto.” “Tara na nga! Sya naman mananagot pag nakata

  • Sold To Mr. Saavedra   Chapter 90

    ROCCO POVPAKIRAMDAM ko ay biglang gumuho ang mundo ko nang wala akong nadatnan sa bahay ko. Walang Aliyah at walang Riley.Shit, ito na nga ba ang sinasabi ko. Ito na nga ba ang kinakatakot ko, ang iwan ako ulit nila Aliyah. Tangina ano nang gagawin ko?! Halos mapasalampak ako sa sahig nang masiguro kong wala na nga sila Aliyah sa pamamahay ko. I’ve searched everywhere. Sa kwarto, sa kusina sa banyo kahit sa garden ay wala! Wala na silang dalawa ni Riley. Imbes na mag iiiyak ay kinuha ko ang cellphone ko at mabilis na hinanap ang number ni Aliyah. I immediately called her and I wasn’t surprised at all nang hindi ko na iyon ma-contact. Of course, sino bang umalis ang gustong mahanap siya. Tinigilan ko ang pagcontact kay Aliyah at si Paul nalang ang tinawagan. Halos dalawang ring lang ang lumipas at agad na rin niya iyong sinagot. “What now—““Aliyah was missing, iniwan niya na ako—““Kahit din naman ako ay ganoon ang gagawin pagtapos ng ginawa mo.” “Fuck you Paul, hindi ngayo

  • Sold To Mr. Saavedra   Chapter 89

    ROCCO POV“WHAT are you doing here, Rocco? Wala ka bang buhay na dapat sirain?” I immediately show Paul my middle finger while walking towards his liquor alley. Kumuha ako ng bote roon at basta na lamang tinungga. “Hey what the fuck?! That cost our lives! Alam mo bang mas matanda pa sa atin yang alak na yan tapos basta basta mo nalang tutunggain? Ano na naman bang problema mo?” Nahiga ako sa sofa na nandito lang din sa loob ng office ni Paul at tumunganga. What the fuck did I do? Imbes na mapalapit sa akin sila Aliyah ay parang mas lalo lang lumalayo ang loob nila sa mga ginagawa ko. Fuck, all I want is just a fucking chance. One chance. Please, bigay mo na sakin yun Lord. Hindi ko alam na umiiyak na pala ako kung hindi pa ako tapikin sa balikat ng pinsan ko. “I don’t know what you’re going through right now, Rocco. Pero advice ko lang sayo, balikan mo, kausapin mo.” “Nasasaktan ko lang sila, Paul. And only God knows that is the least thing I want them to experience. Tangina,

  • Sold To Mr. Saavedra   Chapter 88

    “JUST stay still there okay, Riley? Tatawagan lang ni mommy yung friend niya.” “Okay po.” Agad ko na ngang tinawagan ang numero ni Mae at ilang ring pa ang narinig ko bago niya iyon sagutin. “Hey, Aliyah, I’m really sorry, nandyan na ba kayo?” Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. Akala ko pa naman ay nandito lang siya sa malapit kaya nagmadali agad akong nagpunta rito. But to my surprise, nauna pa rin kami ni Riley. “Yes, nasaan kana ba? Kung matatagalan ka pa I think i-reschedule nalang muna siguro natin ‘to or maybe we can catch up through phones nalang—““No no! I almost there, nasa escalator na ako. Sorry talaga!” Naiinis na binaba ko ang cellphone ko at nilingon si Riley. He was holding a toy that was given to him by Rocco, as far as I can remember, iyan yung laruan na binigay ng binata kay Riley noong unang beses naming pumunta sa bahay niya. A monster truck. “Riley, do you want something to eat? Or drinks maybe?” Alok ko sa anak ko. “No mommy, I’m not h

  • Sold To Mr. Saavedra   Chapter 87

    “HEY, how’s Riley? Okay lang ba siya?” Agad na nabaling ang mga paningin ko sa tapat ng pinto nang marinig ang tanong na iyon. It was Rocco who has a sad look in his face. Pansin na pansin rito ang bagsak na mga balikat.Kanina kasi ay sinubukan niyang kausapin si Riley tungkol sa totoong relasyon nilang dalawa. I don’t know if Riley was just so young that’s why he cannot comprehend it at first or he just doesn’t want to believe everything Rocco has said to him. Nakita ko nalang na pumanhik ang anak namin dito sa kwarto at nagkulong. I tried to talk to him but he was just silenly crying until he fall asleep.Ilang araw na rin ang dumaan simula noong makauwi sila papa galing sa probinsya. Ngayon nga ay nandito na ulit kami sa bahay ni Rocco. Ayoko namang ipagkait sa binata ang pagkakataon na makabawi siya kay Riley. Nakikita ko naman na gustong gusto niya talagang makasama at makapag palagayan ng loob ang anak namin. Pero mukhang hindi yata magiging madali iyon.“Baka nabigla lang,

  • Sold To Mr. Saavedra   Chapter 86

    MABIGAT ang mga paa na pumanhik ako paitaas sa second floor kung saan naroon ang office room ni Richard. Ni hindi ko pa mapapansin na nakalagpas na pala ako roon kung hindi ko lang naramdaman ang paghila sa braso ko ng kung sinuman. “Ano—“ Naputol sa hangin ang mga salitang sasabihin ko nang makita ko ang kunot na kunot na noo ni Rocco. Hindi ko maintindihan kung galit ba siya o naiirita o ano. “Oh Rocco—“ “Are you okay? Bakit parang ang lalim na naman ng inisiip mo?” Singit nito. Pasimple kong hinila ang braso kong hindi siguro napansin ng binata na hanggang ngayon ay hawak niya pa rin. Rocco seems too focused on me that is why I was easily get rid on his grip. “Anong sinasabi mo? Hindi ah!” Mabilis kong depensa. Rocco let out a heavy sighed. Para siyang pagod na pagod sa mga nangyayari. Eh wala namang ibang nangyayari! Ewan ko ba dyan sa kanya bakit para na naman siyang magulang kung mamroblema! “Aliyah, look,” panimula pa nito sabay lagay ng kanyang dalawang kamay pa

  • Sold To Mr. Saavedra   Chapter 85

    “WHY are you frowning? Hindi ba pumayag ka naman dito?” Mabilis akong napairap ng mga mata nang marinig ko ang tanong na iyon ni Rocco. He was now focusing on driving but still was able to take a sideye on me. Naiinis ako! Ito pala yung sinasabi ng binata kanina. Eh hindi ko naman kasi naintindihan! Masyadong pre occupied yung utak ko kanina kaya basta nalang ako tumango at pumayag. “Hindi kita pinilit, Aliyah. Kusa kang umoo, di ba?”Hindi ko alam kung nangtitrip ba itong si Rocco o totoong genuine lang naman yung tinatanong nya. Pero naman kasi! Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko nang unti unti ko nang matanaw ang malaking mansyon ng mga Saavedra. This is the request that Rocco was asking for me a while ago. He wants me to come with him to their mansion and talk to Richard, his father. Ayoko na muna nga sanang bumalik ng mansyon. Hindi pa ko ready at hindi ko din alam kung ano ba ang magiging reaksyon nila Richard at Migo sa oras na malaman nilang alam na pa

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status