Share

Kabanata 19

Call.

Gusto kong irapan ang ama na nakahiga sa tapat ko. Ngumiti siya nang makita ako. Marahan siyang tumayo habang nananatili ang tingin sa akin.

"Mabuti naman at nagpunta ka rito, Anak."

Hindi ako sumagot. Nilapag ko lang ang dala kong prutas sa lamesa na katabi niya. Kung hindi lang ako pinilit ni Cartier na magpunta rito, malamang hindi ako pupunta. Nakakapagod kaya na pagkagaling ko sa school, dederetso ng Cebu dahil nahospital si Papa.

"Pwede mo ba akong ipagbalat ng mansanas?" Nakangiting tanong niya.

Malakas akong bumuntong-hininga bago tumayo. Nilapag ko ang bag ko sa inupuan ko bago sinunod ang utos niya. Tahimik kong hinahati ang apple nang bumukas ang pintuan. Inirapan ko ang pumasok na asawa ni Papa.

"Gabriella, I'm so happy that you're here," bati nito sa akin.

Well, I'm not!

Nilapag ko sa harapan ni Papa ang Apple na inayos ko. Ngiting-ngiti siya habang nakatingin sa akin. Mukhang hindi makapaniwala na narito ako.

"Uuwi rin ako mamaya dahil may class ako bukas," sabi k
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status