Warning: R18+If you are a minor or not open to this kind of scene you can skip this and proceed to the next chapter. ———Love."Gabriella!" Nagising ako sa mahinang katok ni Cha sa kwarto ko.Hindi ko na kailangang bumangon para pagbuksan siya dahil siya na ang nagkusang gumawa no'n. "Nakuha ko ang susi ng suite ni Rei. I-surprise natin siya mamaya," bulong sa akin ni Cha.Ni walang pumasok sa utak ko kaya umoo na lang ako. Nagtulukbong pa ako. Gusto ko pa sanang matulog kaso ang walang hiyang si Cha ay hinatak ang paa ko kaya nalaglag ako sa kama."Cha!" Natatawang saway ko nang bumagsak ako sa sahig.Mabuti na lang at natukod ko ang kamay ko kaya hindi lumagapak ang mukha ko. Humalakhak siya habang hatak-hatak pa rin ako. Binitawan niya lang ako nang makalabas kami ng kwarto ko."Get up! We need to buy things na," sabi nito sa akin.Masama ang tingin ko sa kaniya nang tumayo ako."Sorry na. Kailangan pa kasi nating magprepare," nagpeace sign pa ito sa akin."Pahiram damit," sabi
Boyfriend.Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Nagising lang ako dahil sa marahan at malambing na panggigising sa akin ni Cartier."Baby, you need to get up. We still need to buy things for Reisha," bulong niya habang nilalaro ang buhok ko."A-aw!" Reklamo ko nang uminat ako. "Ang sakit," mahinang bulong ko.Humalakhak siya sa sinabi ko. Siniksik na naman niya ang kaniyang ulo sa aking leeg saka ako inamoy-amoy roon. Ngumiwi ako nang igalaw ko ang paa ko. Pakiramdam ko nahati ang katawan ko dahil sa sobrang sakit. Pakiramdam ko nga rin nasa loob ko pa rin si Cartier."I'm sorry, masyado yatang hard," bulong niya. "Dito ka na lang kaya? Ako na lang ang lalaba—""No! Sasama ako," sagot ko.Hindi ko pa nga alam ang ibibili kong regalo kay Rei. Masyado kasing mamahalin ang isang iyon kaya nakakatakot regaluhan. High maintenance. Nakakapressure magregalo ng mumurahin.Inalalayan ako ni Cartier nang subukan kong bumangon. Napangiwi pa ako nang mapagtantong sobrang sakit nga talaga ng
Trust."Ang ganda mo, Miss. Pwede ka bang i-date?"Inis kong sinamaan ng tingin si Cartier na nag-aabang sa akin sa labas ng aming suite. Humalakhak ito sabay hapit sa bewang ko. Hinalikan niya ang ulo ko pagtapos no'n ay kinuha ang kamay ko saka ito hinawakan."Galing mo mangbola," singhal ko sa kaniya."Honest lang po, Ma'am!"Ngumuso ako para pigilan ang pagngiti ko. Kakaiba na talaga ang epekto sa akin ng lalaking ito. Ang sarap sa puso. Masyadong healthy.Pasko ngayon. At gaya ng inaasahan, sa New York kami nagplanong magpasko. Tinawagan ko rin si Mama at pinangako sa kaniya na sa kaniya ako magdidiwang ng new year's eve. Gusto kong siya ang kasama ko pagsalubong ng bagong taon e.Hindi ko pa nga lang nakakausap si Cha tungkol sa plano ko pero may pakiramdam akong hindi siya sasama sa akin. Si Rei naman, hindi ko sigurado. Mukhang hindi rin dahil marami na ang tumawag sa kaniya para sa milyon-milyong offer.Nagpasya kaming manood ng sine ni Cartier. Marami-rami ring tao sa mall d
Cousin.Masyadong nakakapagod ang bisperas ng bagong taon. Tinulungan ko sina Mama na ayusin ang lahat ng kailangan sa handaan. Sa malawak na bakuran ng mga De Dios ginanap ang salo-salo. Ang lahat ng tao sa Pontevedra ay imbitado kaya masyadong maraming tao. Nagkaroon pa ng palaro kaya mas nakakatuwa."Grabe, Gabriella! Amoy New York ka," humalakhak si Giselle nang makita akong inaayos ang ilang pagkain."Oo nga! Nakita ko mga posts niyo nina Rei sa IG at Facebook. Lahat kayo mukhang yayamanin," si Mariz."Pero grabe! Bigatin na si Reisha 'no? International model na," kinikilig na sabi ni Olivia."Wala pa kayong isang taon nawala rito sa Pontevedra pero pakiramdam ko ang daming nabago sa buhay niyo sa Manila."Halos isang oras kaming nagkwentuhan. Tinanong nila kung ano-ano ang mga ginagawa namin sa Manila. Kinwento ko naman sa kanila kung paanong nakuha si Rei bilang model. Pati ang iilang gala namin sa New York ay inalam nila. Kung hindi lang ako tinawag ni Mama, hindi kami matatap
Merge.Nakanguso ako nang buksan ni Cartier ang pintuan ng penthouse niya. Gulat siya nang makita ako. Inis akong nagmartsa papasok sa penthouse niya tapos nilapag na lang sa gilid ang mga pinamili ko."Nakita ko sina Papa kanina," panimula ko."Oh, that's why you're grumpy," natatawang sabi nito.Hinapit niya ang bewang ko tapos hinalikan na naman ako sa noo. Sa sobrang inis ko, umalis na lang ako ng mall. Ni hindi na ako nagsabi kina Rei at Cha. Nagpaalam lang ako sa kanila na may dadaanan ako nang makasakay na ako ng taxi."Nakakainis. Pinakilala pa ako no'ng asawa niya na pinsan daw ng pamangkin niya. Ew!"Tuloy-tuloy ang pagra-rant ko habang nakahalukipkip. Nakikinig lang siya sa akin. Tumatawa. Sinusulsulan ako. "Nako! Kung ako 'yan mas magagalit pa ako," muli niyang panunulsol.Sinamaan ko siya ng tingin. Humalakhak lang siya tapos yumakap sa akin. Doon ko lang napansin na marami palang papeles na nakapatong sa lamesa niya. Mukhang marami na naman siyang tinatrabaho."Bakit di
Denied.Tahimik ang bawat pagpatak ng luha ko nang makauwi ako sa bahay. Ni hindi ko tinext sina Cha na mauuna na ako sa bahay. Nagkulong lang ako sa kwarto ko habang umiinom ng beer."The fuck are you doing here, Kuya! Get out!"Malakas na boses ni Cha iyon. Pinunasan ko ang luha ko habang marahang naglalakad palapit sa pintuan."Watch your word—""I don't care if you're my Kuya or what. Sinaktan mo si Gab—""That's why I'm here, right? I will fucking explain myself!" Singhal nito sa kapatid.Sunod no'n ang malakas na pagkalabog ng pintuan ko. Sunod-sunod ang bawat pagkatok. Kulang na lang ay masira ang pintuan ko."Calm your shits, Kuya!" Saway sa kaniya ni Cha."She's not replying, Charlynn. She turn her phone off. How can I fucking calm down?""You deserve it anyway..." Si Cha. "Katukin mo nang maayos. She's not going to open that if you're like that."Saglit na katahimikan ang namayani. Bumalik ako sa kama ko at inubos ang pang-apat na beer. Hindi ko alam kung gusto ko ba siyang
Call.Gusto kong irapan ang ama na nakahiga sa tapat ko. Ngumiti siya nang makita ako. Marahan siyang tumayo habang nananatili ang tingin sa akin."Mabuti naman at nagpunta ka rito, Anak."Hindi ako sumagot. Nilapag ko lang ang dala kong prutas sa lamesa na katabi niya. Kung hindi lang ako pinilit ni Cartier na magpunta rito, malamang hindi ako pupunta. Nakakapagod kaya na pagkagaling ko sa school, dederetso ng Cebu dahil nahospital si Papa."Pwede mo ba akong ipagbalat ng mansanas?" Nakangiting tanong niya.Malakas akong bumuntong-hininga bago tumayo. Nilapag ko ang bag ko sa inupuan ko bago sinunod ang utos niya. Tahimik kong hinahati ang apple nang bumukas ang pintuan. Inirapan ko ang pumasok na asawa ni Papa."Gabriella, I'm so happy that you're here," bati nito sa akin.Well, I'm not! Nilapag ko sa harapan ni Papa ang Apple na inayos ko. Ngiting-ngiti siya habang nakatingin sa akin. Mukhang hindi makapaniwala na narito ako."Uuwi rin ako mamaya dahil may class ako bukas," sabi k
Break.Tulala ako habang nakatingin sa puting kabaong sa harap ko. Ni hindi ko magawang tingnan ang mga lumalapit sa akin para makipagdalamhati. Blangko ang isip ko. "I'm sorry, Gab," boses iyon ni Cartier.Sa ilang oras ko sa harap ni Mama na nakatulala, siya lang ang nakapagpaalis ng tingin ko roon. Sunod-sunod na pumatak ang luha ko habang nakatingin sa kaniya. Marahan niya akong niyakap habang humahagulgol ako na parang bata sa kaniyang dibdib. Malambing niyang hinaplos ang buhok ko habang hinahayaan akong umiiyak."Si M-Mama na lang ang mayroon a-ako. Hindi k-ko matanggap," humihikbi kong sabi.Marahan niyang hinahaplos ang buhok at balikat ko. Patuloy lang akong umiiyak sa dibdib niya nang kumalas siya sa pagyayakap sa akin at inalalayan akong maupo. Pinunasan niya ang pisngi ko bago lumayo sa akin. Kasunod no'n ang paglapit sa akin ni Papa. Hawak-hawak ni Papa ang kamay ko habang nakaluhod sa harapan ko.Yumuko siya habang hawak nang mahigpit ang aking dalawang kamay. Dinala
Wakas."Who's that kid?" Tanong ko kay Carlo nang makita ang isang maputing bata na naglalaro sa dalampasigan. Nagkibit-balikat siya. "Anak yata ni Ate Ayla," sagot niya.Tumango ako. Kumunot ang noo ko nang makita kung paano siya tumakbo sa dagat. Kamuntikan ko pa siyang takbuhin nang makitang hindi siya umahon pagkasisid pero nakita ko siyang nasa malayong bahagi na ng dagat. Marunong lumangoy..."Where is Gabriella, Tita?" Dinig kong tanong ni Charlynn sa kasam-bahay namin."Baka nasa dalampasigan, Charlynn. Alam mo namang mailap sa tao iyon at takot sa mga kapatid mo," rinig kong sagot niya."Because I always tell her how rude my brothers are. Baka natakot po," sagot ng bunso kong kapatid."Hayaan mo na lang at uuwi rin iyon kapag nagsawa sa dagat," sabi ng kaniyang ina."But, Tita, I wanna play with her," sagot ng kapatid ko.Charlynn is not close to our maids but this new maid, has a special place on her heart. Baka dahil nanay ng kaibigan niya. Kung kaedaran siya ni Cha, bata
Pontevedra.Halos gawin naming bahay ang opisina ni Cartier nang magsimula ulit itong magtrabaho. Araw-araw kasi kaming nandoon ni Ayla. May kwarto naman sa loob ng opisina niya kaya hindi rin kami nakaka-istorbo. Nanonood lang kami ni Ayla o 'di kaya ay naglalaro ng kung ano-anong maisip niyang paglaruan. I also started to teacher her how to writer her name which she enjoyed. Mahilig siyang magkulay at magdrawing. Mabilis matuto kaya agad niyang nakukuha ang mga tinuturo ko. Napag-usapan namin ni Cartier na kapag nagsimula nang mag-aral si Ayla, magta-trabaho na ako. Siguro mga isa o dalawang taon pa raw. Hindi ko naman daw kailangang magmadali dahil hindi naman problema ang pera.Yaman kasi...Malakas na tumili si Ayla nang bumukas ang pintuan. Pumasok doon si Cartier na hinihilot ang kaniyang leeg. "Ang daming trabaho. Parang gusto ko na lang umuwi ulit," sabi ni Cartier sabay subsob ng mukha sa aking leeg.Lumapit sa amin si Ayla, pilit niyang pinapabangon ang ama. Nagpapa-pans
Diamond.Ang sakit ng buong katawan ko kinabukasan. Kung hindi ko lang kailangang magluto para sa mag-ama, hindi ako babangon. Iika-ika ako nang humakbang ako palabas ng kwarto. Naririnig ko na ang tili ni Ayla. Mukhang may pinagkakaabalahan silang mag-ama. Napanguso ako nang makita ang portrait naming tatlo no'ng birthday ni Ayla. Mukhang kakalagay lang."Ayla, malalagot tayo kay Mommy," humalakhak si Cartier.Kunot-noo kong sinundan ang boses nila. Halos malaglag ang panga ko nang makitang kalat na kalat ang gamit sa kusina. Ang asukal ay nasa sahig, kinakalat ni Ayla. Si Cartier ay nasa lababo, naghuhugas. Mukhang nagluto siya dahil may nakasalang sa kalan."Ayla!" Malakas na sigaw ko nang ibuhos niya ang asukal sa sahig.Gulat niya akong tiningnan bago nagmamadaling tumayo at tumakbo papunta sa ama. Yumakap pa siya sa hita nito, nagtatago. Inis kong sinamaan ng tingin ang ama niya na humalakhak lang."Sabi ko sa'yo lagot ka kay Mommy e," tumatawang sabi ni Cartier."Next time na
Warning: r18+Sweat.Tuwang-tuwa si Ayla habang isa-isang binubuksan ang regalo sa kaniya. Nasa sala kaming tatlo. Si Cartier ay may seryosong binabasa sa kaniyang laptop habang may papeles na nasa lamesa niya. Pinapansin niya naman si Ayla kapag tinatawag siya."Walang-hiyang Cha," bulong ko nang buksan ang regalo niya kay Ayla.Malaking dollhouse at may mga manika pa sa loob pero ang kinaiinisan ko ay ang makadikit na condom sa box.To: Baby Chanelle Enjoy playing this Tita's little gift. Next time I'll buy you your own villa. That's why tell your Mommy and Daddy to use this little protection so that they can focus on you. Happy birthday, baby! Mwa!Love,Tita Cha xoxoKung hindi ko lang itinatabi for remembrance ang mga card na nakadikit sa regalo, malamang ay sinunog ko na itong kay Cha. Lagot ka talaga sa akin mamaya, Cha."Magbibigay siya, isang piraso lang?" Sabi ni Cartier."What?" Inis ko siyang nilingon.Doon ko lang napansin na nakatingin pala siya sa hawak ko at binabas
Complete.Saglit kaming tumuloy ni Ayla sa condo ni Papa sa Makati. Hindi ko alam kung paanong napapayag ako ni Cartier na sa penthouse niya tumuloy nang matapos niyang iparenovate ang guestroom. Maraming bagay akong naalala nang makapasok akong muli sa penthouse niya. Gano'n pa rin naman ang penthouse niya. Ang kaibahan lang, may bagong portraits na nakasabit sa sala katabi ng portrait nila ng pamilya niya."Matagal na 'yan?" Tanong ko habang nakatingin sa larawan namin no'ng nasa New York kami.Tipid akong nakangiti sa larawan habang hapit ni Cartier ang bewang ko. Seryoso siyang nakatingin sa larawan habang kapit na kapit sa akin.Tumango siya. "Sa susunod larawan nating tatlo ni Ayla," sabi niya habang nakatingin sa bakanteng space na nasa pinakagitna.Mabilis na kumalabog ang dibdib ko sa sinabi niya. Hindi ko alam kung sa kaba ba o nakaramdam ako ng kilig doon.Masayang naglaro si Ayla sa loob ng kwarto niya. Punong-puno ito ng iba't ibang laruan. May corner pa para sa mga libr
Family.Sunod-sunod ang patak ng luha ko habang nakatingin sa sulat ni Tita Janah. Halos mapunit ito sa diin ng pagkakahawak ko. Malakas akong humagulgol nang yakapin ako ni Papa."I'm sorry, anak. K-Kasalanan ko talaga ang lahat," sabi ni Papa.Mariin akong yumakap sa kaniya habang hinahagod niya ang likod ko."I love your mother so much that it gives insecurity to Janah. I was planning to file an annulment for our marriage but she said that she'll kill herself if I leave her again.""I tried loving her again pero nabigo ako. Mas mahal ko si Ayla. Mas mahal ko ang iyong ina," sabi niya.Iyak ako nang iyak habang nagku-kwento si Papa. Pinupunasan niya ang luha ko habang patuloy na nagsasalita. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Ni hindi ko alam kung sino ang sisisihin ko sa kanilang tatlo. Tanggap ko na may kasalanan din si Mama, pero mas malala ang kasalanan ni Papa. He cheated on Tita Janah with my mother. Walang sapat na rason para magloko kaya alam kong mali ang relasyon nila. Ibi
Letter.I was crying the entire time. Ni hindi ako nilalapitan ni Cartier, nakamasid lang sa akin habang hawak si Ayla na natutulog. Tahimik akong umiiyak habang inaalala ang pagkawala ni Mama pati na rin ni Tita Janah ngayon.Nilapagan ako ng tubig ni Ate Trina. Mahigpit ang hawak ko sa kwintas ko na may abo ni Mama at sa singsing na binigay sa akin ni Tita Janah noong magbirthday ako.Ni hindi ko alam kung bakit ako nasaktan sa pagkawala niya. Dapat galit ako sa kaniya dahil pinatay niya si Mama. Dapat galit ako dahil sa lahat ng ginawa niya pero hindi ko alam at hindi ko maintindihan kung bakit may parte sa akin na gumuho nang malaman ang balita ni Carter.Tahimik ang lahat ng tao sa mansion ng De Dios nang makauwi kami pero ramdam ko ang titig nila sa akin, marahil ay pinapakiramdaman ako. Tipid akong ngumiti at humalik sa pisngi ni Tita Anna, at nagmano kay Tito Carlos bago umakyat ng hagdan.Hindi ako kumain no'ng gabing iyon. Dinalhan ako ni Cartier ng pagkain pero hindi ko gin
Dead.Mabilis akong tumakbo papunta sa bahay nang malaman na nakarating na sina Vincent. Binilin ko lang si Ayla sa ama na halos gugulin ang buong oras sa paglalaro kasama ang anak. Ni hindi ko na nga iyon nakikitang nagta-trabaho o humaharap sa laptop niya."Vincent, oh my gosh!" Malakas kong sabi habang naglalakad papunta sa kaniya.Nanginginig ang mga kamay ko nang hawakan ko ang mukha niya. Natatakot akong hawakan siya sa kung saan-saan dahil baka ang sugat niya ang matamaan ko."Are you okay? I'm sorry dinala agad kami rito kaya hindi kita nasamahan," sabi ko.Nakatitig lang siya sa akin. Nakakunot ang noo, mukhang nagtataka. Gulat kong tiningnan ang gawi nina Papa na mukhang may seryosong pinag-uusapan."Excuse me? Do I know you?" Kunot-noong tanong nito.Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Agad na nangilid ang luha ko habang napapaatras. Umiling ako habang unti-unting bumubuhos ang luha ko."You're kidding, r-right?" Umiiyak kong tanong.Tinitigan niya muna ako ng ilang seg
Dada.Sinalubong kami ng maraming tao paglapag ng chopper namin sa Pontevedra. Nakita ko ang titig nina Tita Anna at Tito Carlos sa kay Ayla na natutulog sa bisig ko. Gulat nila itong pinagmasdan.Nakuha ni Ayla ang mukha ng ama niya, kaya kahit sino malalaman kung kanino siyang anak. Gano'n kalakas ang dugo ni Cartier."Gabriella Hija..."Nagulat ako nang lumapit si Tita Anna sa akin habang umiiyak. Mabilis akong lumuha habang nakatingin sa kaniya."I missed you, Hija." Nanginginig ang labi nito habang nakatingin sa aking mga mata.Hinawakan nito ang pisngi ko habang umiiyak. Napapikit ako. Isa pa rin talaga si Tita Anna sa mga taong malapit sa akin. Isa siya sa mga tumayong ina ko, at pinagkatiwalaan ko nang lubos."Ma, they need to rest." Inalalayan ako ni Tita Anna papasok ng mansyon nila. Walang nagbago sa lugar na ito. Parang ito pa rin ang bahay na tinatakbuhan namin lagi ni Cha kapag naglalaro kami.Tahimik ang lahat ng tao pagpasok namin. Lahat ay nakatingin kay Ayla. "Call