Savina PovNagdesisyon kaming umuwi na lamang sa inuupahan kong bahay. At dahil marami kaming mga pinamili ay pinili kong gamitin ang aking magic para mabilis kaming makarating sa bahay ko."Sa susunod ay bumili ka na laman ng sarili mong.kotse para hindi mo na kailangang gumamit ng magic, Savina. Kinakabahan ako kapag ginagamit mo ang kapangyarihan mo. Baka may makakita sa atin na mga tao ay tiyak na pagpipiyestahan ka nila. Masyado pa namang prejudice ang mga tao ngayon sa mga katulad mo. At saka natatakot din ako na baka bigla na lamang tayong damputin ng mga pulis dahil sa kasong fraud. Dahil biglang naging bato ang pera na ginamit natin sa pagbili ng mga bagay na ito," ani Julie habang naglalakad kami papunta sa basement parking at tulak pa rin namin ang pushcart. Sa may basement parking ay hindi matao kaya maaari kong gamitin doon ang kapangyarihan kong maglaho."Hindi naman tricks ang magic ko kundi totoo. Kaya huwag kang mag-alala na baka may dumampot sa atin na mga pulis dah
Allana Pov Pinaglalaruan ko ang aking alagang kuneho nang may kumatok sa pintuan ng aking silid. Naiinip ako habang naghihintay ng magandang balita mula sa mga tauhan ko na inutusan kong patayin ang babaeng iyon kaya pinaglalaruan ko na lang ang aking alaga. Mabilis akong pumunta sa pinto para buksan ito. Baka dumating na ang magandang balita na hinihintay ko. "Oo, Lory?" Tanong ko sa alipin na nakita ko pagkabukas ko ng pintuan. "Nandito si Magno, Allana. Nasa labas siya ng bahay at hinihintay kang lumabas," pagbabalita niya sa akin. "Just tell him that I will come out in a minute," sagot ko bago isinara ang pinto. Nasasabik ako sa magandang balitang hatid niya para sa akin. Mabilis kong kinuha ang hawla ng aking kuneho at lumabas ng aking silid. I am expecting that I will see Savina's body once I came out of the house but I felt disappointed when I didn't see that bitch body and see Magno alone. "Allana—" Pinutol ko ang sasabihin niya. "I want to hear good news from you, Mag
Savina Pov Gabi na pero dilat pa rin ang mata ko. Hindi ako makatulog kahit anong pilit kong matulog. Naiisip ko ang taong nagligtas sa akin at kay Julie. Si Desmon kaya ang taong nagligtas sa amin? May parte sa puso ko na hindi naniniwalang si Desmon ang taong iyon dahil siguradong busy siya sa babae niya at wala siyang oras para tingnan ako. Pero isang malaking bahagi naman ng puso ko ang gustong maniwala na siya si Desmon ang taong nagprotekta sa akin ng palihim. Sinulyapan ko ang aking kaibigan na nakahiga at natutulog sa tabi ko sa aking kama. Tinawagan ni Julie ang kanyang mga magulang kanina at humingi ng permiso na magpalipas ng gabi sa aking bagong bahay kaya magkasama kami ngayon sa iisang kama. Nag-aalala siya sa akin kaya hindi niya ako iniwan. Hindi ko maiwasang mapangiti habang nakatitig sa kanya. I'm really happy na nakatagpo ako ng totoong kaibigan na katulad niya. Kaya ipinapangako ko sa sarili ko na poprotektahan ko siya kahit anong mangyari. Dahil hindi ako mak
Savina Pov Sinubukan kong gamitin ang wand ngunit hindi ito gumana. Siguro dahil hindi ako ang may-ari nito kaya hindi gumana sa akin ang magic. Lahat kaming mga witches ay may kanya-kanyang wand at kinikilala nila ang kanilang may-ari. Dahil hindi ko magamit ang wand kaya napagpasyahan kong itago na lang ito. Dahil ang wand na nakita ko ay pag-aari ng aking namatay na tiyuhin ay nagpasya akong dalhin na lamang ito sa aking bahay. Ito na lang ang natira sa clan ko kaya dapat itago ko. Siguro magagamit ko ito sa hinaharap. Inilibot ko ang paningin ko sa buong lugar kung saan nakatayodati ang bahay namin at pagkatapos ay huminga ako ng malalim para paluwagin ang nagsisikip kong dibdib. "Mom, Dad, little brother. Pangako sa pangalawang pagkakataon na pupunta ako dito sisiguraduhin kong nabigyan ko na kayo ng hustisya. Hindi ako babalik dito hangga't hindi ko naipaghiganti kayong lahat," Pangako ko sa mga kaluluwa ng aking pamilya at angkan habang nakakuyom ang aking kamao. Muli
Desmon Pov Abala ako sa pakikipag-usap sa mga importanteng tao nang bigla kong naramdaman ang kinaroronan ni Savina. Naramdaman ko siya noong umalis siya sa mundo ng mga tao at pumasok sa mundo namin. Gumagana yung bracelet na nilagay ko sa wrist niya. Malaking tulong talaga para sa akin na mahanap kung saan man siya naroroon para puntahan ko siya at mailigtas sa oras na malagay sa panganib ang buhay niya tulad ng dati. At ngayon alam ko kung nasaan siya. Siya ay nasa pack ng aking pinakamasamang kaaway, ang Silver Wolf pack. Hindi ko alam kung paano siya napunta sa lugar na iyon pero kailangan ko siyang ilayo kahit anong mangyari. Pasensya na sa inyo pero kailangan ko ng umalis. May emergency ako sa bahay," palusot ko sa kanila para ma-excuse ako mula sa pagpupulong. "Ayos lang, Alpha Desmon. Maaari naming sabihin sa iyo ang tungkol sa nilalaman ng aming pagpupulong ngayon pagkatapos ng meeting," sagot ni Rooki, ang alpha ng White Wolf pack. Ang mga tao sa loob ng silid na
Savina Pov "Hindi ako makahinga, Desmon," reklamo ko sa kanya. Napakahigpit ng yakap niya na halos hindi na ako makahinga. "I'm sorry," paghingi niya ng paumanhin sa akin sabay bitaw sa kanyang mahigpit na yakap. "Bakit ka nandito? At bakit ganyan ang reaksyon mo nung nakita mo ako?" Hindi ko napigilang tanungin siya. Ang totoo gusto ko lang marinig sa labi niya na nag-aalala siya sa akin. Na miss niya ako. Na gusto niyang sabihin sa akin na magbati na kami at gusto niya akong bumalik sa kanyang bahay. Gusto kong marinig sa labi niya na mahal niya ako. Kapag nangyari iyon, ako na ang magiging pinakamasayang babae sa mundo. "Alam mo na nararamdaman ko kung nasaan ka at naramdaman ko kanina na nasa teritoryo ka ni Alpha Dorco. Bakit ka nagpunta doon? Alam mo bang napakadelikado ng lugar na iyon, lalo na ang lalaking iyon? Ganyan ba kalakas ang tiwala mo kapangyarihan mo kaya malakas ang loob moat hindi mo pinapansin ang panganib sa iyong buhay?" Galit sa akin si Desmon. M
Savina Pov I think I must be dreaming or I am just hallucinating because I'm drunk. Hindi ko akalain na pupunta si Desmon dito para makita ako. Mas pipiliin kasi niyang sumama sa magandang si Arina kaysa pumunta dito sa makulimlim kong lugar. "Isa ka bang clone ng masungit na alphang iyon?" Kausap ko sa taong akala ko ay clone lang ni Alpha Desmon. "Bakit lasing na lasing ka, Savina?" sagot naman sa akin ng clone ni Desmon. Bahagya siyang yumuko at saka ako binuhat gamit ang kanyang malalakas na braso. Binuhat niya ako at dinala sa kwarto ko at dahan-dahang inihiga sa kama ko. Nang tatayo na sana siya ay mabilis kong hinawakan ang braso niya at kumapit sa kanya. "Clone ka lang niya pero bakit parang totoo ka? Parang magkapareho kayo ng boses, mainit ang katawan mo at parang too ang feeling ko na ligtas ako kapag nasa malapit ka lamang. Clone ka ba talaga ni Desmon?" Wika ko ulit sa kanya habang nakayakap sa braso niya at nakapikit. Nang pilit siyang kumawala sa akin ay bigl
Savina PovNapaungol ako ng mahina pagkamulat ko ng aking mga mata. Pakiramdam ko ay binibiyak ang ulo ko dahil sa sobrang sakit. Ito na yata ang sinasabi ni Julie na hangover. First time kong uminom ng alak kagabi at nagapakalasing pa ako kaya siguro ganito katindi ang sakit na nararamdaman ko. Bigla akong napabangon sa kama at napatakbo papasok sa banyo dahil parang hinahalukay ang aking sikmura. Sa banyo ko inilabas ang lahat ng nainom kong alak kagabi. Hindi lang hangover ang nararamdaman ko kundi masakit din ang ilang parte ng aking katawan lalo na ang aking dalawang dibdib na para bang nilamas ng matindi. Pero dahil mas nangingibabaw ang nararamdaman kong pagkakasuka kaya hindi ko na masyadong pinagtuunan ang bagay na iyon. Matapos kong maisuka ang ang laman ng tiyan ko ay tila hinang-hina na naglakad ako pabalik sa aking kama. Masakit na masakit ang ulo ko at nahihilo ako kaya ipinasya kong bumalik sa pagtulog. Nang muli akong magising ay mas maayos na ang pakiramdam ko. Medyo
Savina PovPinuntahan ko si Desmon sa bahay niya. Kailangan naming magkaliwanagan. Umalis ako sa bahay nng hindi nalalaman ni Uncle Lucho. Alam ko kasi na hindi niya ako papayagan na makipagkitang muli kay Desmon kaya hindi na ako nagpaalam pa sa kanya. Hindi ako matatahimik hangga't hindi ko naririnig ang paliwanag ni Desmon. Kaya pagkatapos ng ilang araw kong pag-iisip ay nakahanda na akong harapin siya.Nang lumitaw ako sa loob ng bakuran ni Desmon ay walang nakapansin sa akin maski isa sa kanyang mga alipin. Palapit pa lamang ako sa pintuan ng bahay niya ay naririnig ko na mula sa labas ang boses ni Allana at nasisiguro ko na si Desmon ang kanyang kausap. Maingat akong lumapit sa may pintuan at idinikit ang aking tainga para mas marinig ko ang kanilang pinag-uusapan."Natitiyak kong alam na ni Savina ang lahat, Desmon. Alam na niya na nagpapanggap ka lamang na nagkaroon ng amnesia at nakalimutan mo siya. Alam na niya na binilog mo lamang ang ulo niya at pinaniwalang hindi ang ama
Savina POVAgad kong inilabas sa loob ng kuweba si Uncle Lucho at dinala sa isang ligtas na lugar. Hindi kami masusundan ng kahit sino sa grupo ni Desmon maging grupo ni Allana. Ilqng araw nang gulong-gulo ang aking isipan matapos kong marinig ang mga sinabi sa akin ni Uncle Lucho. Wala akong lakas ng loob na harapin si Desmon at kausapin tungkol sa bagay na natuklasan ko. Natatakot akong marinig sa kanya ang pag-amin niya na totoo ang mga sinabi ni Uncle Lucho. Natatakot din ako na kapag sinabi niya na hindi totoo ang mga sinabi ng uncle ko ay baka maniwala ako sa kanya kahit na nagdudumilat ang katotohanan na talagang niloko lamang niya ako. Hangga't hindi ko pa kayang harapin siya ay hindi na muna ako magpapakita sa kanya. Hindi naman niya ako matatagpuan dahil kusang naalis sa aking kamay ang bracelet na inilagay niya. Naalis ito noong bumalik ang aking kapangyarihan ngunit hindi ko na lamang iyon ipinaalam sa kanya."Ano ang ginagawa mo rito sa dilim, Savina? Malalim na ang gabi
Savina PovHinahanap ko si Desmon ngunit hindi ko siya makita. I wonder kung ano ang ginagawa niya ngayon at kung nasaan siya. Noong isang araw ay nabanggit ko sa kanya ang tungkol sa pagpapalaya niya sa mga witch na bihag nila. Ang sabi niya sa akin ay palalayain niya agad ang mga bihag.Habang naglalakad ako sa gubat ay hindi sinasadyang may nakita akong kuweba. Hindi ko alam kumg kulungan ba ang kuwebang iyon o hindi. Pero baka hindi kasi wala namang bantay sa labas ng kuweba. Akmang tatalikod na ako para umalis sa lugar na iyon nang bigla akong natigilan at saka lumingon sa kuweba. Para bang may enerhiya na pumipigil sa aking mga paa para humakbang palayo. Tila rin may nag-uudyok sa akin na maglakad papunta sa kuweba at pumasom. Hindi ko alam kung ano ng meron aa kuwebang iyon at hinihila niya ako papasok sa loob. Nagkibit na lamang ako ng balita. Wala namang masama kung papasok ako sa loob ng kuweba na iyan. Kung may panganib man sa loob ay hindi ako natatakot lalo pa ngayon na n
Savina PovPaggising ko sa umaga ay wala na sa aking tabi si Desmon. Agad na sumilay sa aking mga labi ang matamis na ngiti nang maalala ko ang nangyari sa amin kagabi. Walang pag-aalinlangan na ibinigay ko sa kanya ang aking buong pagkatao. Nakaramdam man ako ng saya ngayon ay hindi ko pa rin maiwasan ang makaramdam din ng lungkot nang maisip ko si Donny. Tiyak na masasaktan siya kapag nalaman niyang nagkakaunawaan na kami ni Desmon. Ayoko mang saktan siya ngunit alam ko na hindi talaga maiiwasan ng masaktan siya. "Good morning," nakangiting bati sa akin ni Desmon nang pumasok siysa sa aking silid. Nilapitan niya ako at hinalikan sa aking noo. "Kumusta ang pakiramdam mo?""Okay lang kahit na pinagod mo ako kagabi," sagot ko sa kanya na may kasamang pilyang ngiti. Kinabig niya ako at binigyan ng isang malalim na halik."I'm sorry kung napagod kita kagabi. And I'm sorry ulit dahil muli kitang papagurin ngayon," sagot ni Desmon pagkatapos ay muli niyang inangkin ang aking mga labi. Bu
Allana Pov"Aahhh!!!" lahat ng mga bagay na makita ko sa aking paligid ay dinadampot ko at ibinabato sa dingding. Gusto kong ilabas ang galit na aking nararamdaman. Gusto kong pumatay ng tao. At ang taong iyon ay walang iba kundi si Savina. Para tuluyan na siyang mawala sa landas ko at lalong-lalo na sa landas ni Desmon.Pinuntahan ko kanina sa bahay niya si Desmon para pag-usapan namin kung ano ang balak niyang gawin sa pack ng natalo naming kalaban na si Alpha Dorco. Sumuko ang mga kawal niya nang matapos mapatay ni Desmon ang kanilang alpha. Malaki nga ang panghihinayang ko kung bakit hindi pa tuluyang napaslang ni Alpha Dorco si Savina. Pagdating ko sa bahay niya ay sinabi sa akin ni Marsha na nasa loob ng silid ni Savina si Desmon. Palagi raw itong nasa loob ng babaeng iyon at hinihintay na magkamalay ito.Para mailigtas ni Desmon ang buhay ng witch na iyon ay sinalinan niya ito ng kanyang dugo. Mahigpit kong tinutulan ang gustong mangyari ni Desmon ngunit sa huli ay wala pa rin
Savina PovNasa isang lugar ako na tanging kadiliman lamang ang aking nakikita. Hindi ko tuloy alam kong napikit ba ako o nakadilat ang aking mga mata. Sobrang dilim at tahimik ng paligid. Nakakatakot. Naalala ko ang nangyari sa akin kaya naisip ko na ito na yata ang hantungan ng mga namatay na. Pero ayoko ritong mag-isa. "Ama? Ina? Juni?" malakas na tawag ko sa aking mga magulang at nag-iisang kapatid. Patay na sila kaya dapat nandito sila ngayon at sinasalubong ako. Pero bakit wala sila? Bakit hindi ko sila makita? "Ina! Ama! Juni! Nasaan kayo?" muli kong tawag sa kanila. Ngunit gaano man kalakas ang boses ko sa pagtawag sa kanilang pangalan ay wala pa ring sumasagot sa akin. Kahit na hindi ko nakikita ang aking paligid ay nagpasya akong maglakad at baka makakita ako ng liwanag sa ibang dako."Savina..."Biglang nanlaki ang aking mga mata nang marinig ko ang boses na iyon na pinanabikan kong marinig. Kahit matagal na siyang patay ay hindi ko pa rin nakakalimutan ang kanyang tinig.
Savina PovDinala ako ng lalaking nakahawak sa akin sa harapan nina Desmon at alpha ng Silver wolf pack na si Dorco. Parehong natigilan silang dalawa nang makita ako ngunit mabilis na nakabawi si Dorco at tumawa ng malakas."Nagkita tayong muli, Savina. At masaya ako na makita kang muli," nakangising kausap sa akin ni Alpha Dorco. Kinuha niya ako mula sa lalaking may hawak sa akin at iniharap kay Desmon na sobrang dilim ang mukha dahil sa galit."Ano ang ginagawa mo sa lugar na ito, Savina?" galit na tanong naman sa akin ni Desmon. Alam kong sa akin siya nagagalit dahil sinuway ko ang kanyang ipinag-uutos. Tiyak na parurusahan niya ako. Iyan ay kung makakaligtas ako ngayon sa mga kamay ni Alpha Dorco."Savina!" tawag sa akin ni Donny na biglang dumating na humahangos pa."Ikaw ang nagdala kay Savina sa lugar na ito?" mapanganib na tanong ni Desmon sa kanyang kapatid habang nakakuyom ang mga kamao."Wala siyang kasalanan, Desmon. Ako lamang ang nagtungo rito nang malaman kong nakikipag
Savina PovMagmula nang hinalikan ako ni Desmon ay hindi ko pa siya muling nakakausap. Nakikita ko naman siya ngunit hindi niya ako kinakausap. Hindi ko alam kung iniiwasan ba niya ako o talagang ayaw lamang niya akong kausapin. Gustuhin ko siyang kausapin ngunit nahihiya akong gawin iyon. Baka kasi isipin niya na cheap akong babae. Galit-galitan ako tapos bibigay din pala ako sa kanyang mga halik."Hoy! Ano ang ginagawa mo ritong mag-isa, Savina?" panggugulat sa akin ni Edan, isa sa mga babaeng alipin na Desmon na naging kaibigan ko. Sa lahat ng mga alipin niya ay tanging si Edan lamang ang hindi nagpakita ng masamang ugali sa akin kahit na isa rin naman siyang taong lobo."Wala lang. Nagpapahangin lamang ako," sagot ko sa kanya sabay kibit ng aking mga balikat."Alam mo ba na may nangyayaring labanan ngayon ng dalawang pack ng mga taong lobo?" biglang tanong niya sa akin. Na-curious tuloy ako kung anong pack ang naglalaban. Napakatahimik at payapa ng gabi kaya hindi ko akalain na ma
Savina PovNagpatuloy akong hanapin ang silid ni Allana ngunit ilang silid na ang aking pinasok ay hindi ko pa rin natatagpuan ang silid niya. Napakaraming silid sa bahay niya at mukhang hindi ko mahahanap ito bago pa siya bumalik kaya nagdesisyon akong umalis na lamang. Ngunit babalik ako kapag magkaroon ulit ako ng pagkakataon. Akmang tatalikod na sana ako nang umagaw sa aking atensiyon ang isang silid na nasa ikaapat na hanay mula sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung anong mayroon sa silid na iyon ngunit tila ba biglang hinatak ng kung anong enerhiya ang aking mga mata patungo sa silid na iyon. Hindi kaya iyan ang silid ni Allana? Dahan-dahan akong naglakad palapit sa pintuan ng silid. Hinawakan ko ang door knob at maingat na pinihit. Akmang itututulak ko na ang pintuan nang biglang may babaeng nagsalita sa aking likuran."Sino ka? Ano ang ginagawa mo rito? Ang lakas ng loob mong pagtangkaang pasukin ang aking silid," mapanganib ang tono na tanong sa akin ni Allana na siya palan