Share

Chapter 35

Savina Pov

Napaungol ako ng mahina pagkamulat ko ng aking mga mata. Pakiramdam ko ay binibiyak ang ulo ko dahil sa sobrang sakit. Ito na yata ang sinasabi ni Julie na hangover. First time kong uminom ng alak kagabi at nagapakalasing pa ako kaya siguro ganito katindi ang sakit na nararamdaman ko. Bigla akong napabangon sa kama at napatakbo papasok sa banyo dahil parang hinahalukay ang aking sikmura. Sa banyo ko inilabas ang lahat ng nainom kong alak kagabi. Hindi lang hangover ang nararamdaman ko kundi masakit din ang ilang parte ng aking katawan lalo na ang aking dalawang dibdib na para bang nilamas ng matindi. Pero dahil mas nangingibabaw ang nararamdaman kong pagkakasuka kaya hindi ko na masyadong pinagtuunan ang bagay na iyon.

Matapos kong maisuka ang ang laman ng tiyan ko ay tila hinang-hina na naglakad ako pabalik sa aking kama. Masakit na masakit ang ulo ko at nahihilo ako kaya ipinasya kong bumalik sa pagtulog. Nang muli akong magising ay mas maayos na ang pakiramdam ko. Medyo
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status