Share

Chapter 37

Savina Pov

Tinatamad akong lumabas ngayong araw na ito kaya hindi muna ako aalis. Ilang beses na akong nagpabalik-balik sa mundo namin para magtanong-tanong sa mga tao kung may nakakita ba sila sa nangyaring pag-atake sa witch canary clan. Ngunit bigo akong makakuha ng kasagutan mula sa mga napagtanungan ko.

Lumabas ako sa papunta sa bakuran para diligan ang mga halaman ng mismong may-ari ng bahay. Isa iyon sa mga dahilan kung bakit ko nagustuhan ang bahay na ito. Dahil maraming mga iba't ibang halaman sa harapan ng bahay. Pakiramdam ko ay nasa loob pa rin ako ng nasunog naming bahay. Marami rin kasing halaman ang harapan ng bahay namin dahil mahilig magtanim ng halaman ang aking ina. Ginagamit niya ang mga halaman sa paggawa ng sangkap ng potion na kanyang ini-imbento. Ngunit hindi nakakasama sa kapwa ang mga potion na ginagawa ng aking ina. Sa halip ay nakakatulong iyon sa iba't ibang uri ng sakit at nagpapaganda rin ng balat.

Humuhuni pa ako ng awitin habang nagdidilig nang bigla
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status