Savina PovNapaungol ako ng mahina pagkamulat ko ng aking mga mata. Pakiramdam ko ay binibiyak ang ulo ko dahil sa sobrang sakit. Ito na yata ang sinasabi ni Julie na hangover. First time kong uminom ng alak kagabi at nagapakalasing pa ako kaya siguro ganito katindi ang sakit na nararamdaman ko. Bigla akong napabangon sa kama at napatakbo papasok sa banyo dahil parang hinahalukay ang aking sikmura. Sa banyo ko inilabas ang lahat ng nainom kong alak kagabi. Hindi lang hangover ang nararamdaman ko kundi masakit din ang ilang parte ng aking katawan lalo na ang aking dalawang dibdib na para bang nilamas ng matindi. Pero dahil mas nangingibabaw ang nararamdaman kong pagkakasuka kaya hindi ko na masyadong pinagtuunan ang bagay na iyon. Matapos kong maisuka ang ang laman ng tiyan ko ay tila hinang-hina na naglakad ako pabalik sa aking kama. Masakit na masakit ang ulo ko at nahihilo ako kaya ipinasya kong bumalik sa pagtulog. Nang muli akong magising ay mas maayos na ang pakiramdam ko. Medyo
Desmon PovKasalukuyan akong nag-eehersisyo ng boxing sa loob ng aking mini gym para pagpawisan ako. Ilang araw na akong walang exercise dahil abala ako sa paghahanap sa taong makakapagpatunay na hindi ang ama ko ang siyang pumatay sa pamilya ni Savina. Ngunit matinik ang taong ito at makapangyarihan kaya kahit nagtutulong-tulong na sa paghahanap sa kanya ang lahat ng mga alpha na kapanalig ko ay hindi pa rin siya mahuli-huli. Kapag lumabas na ang katotohanan ay maaari ko nang aminin kay Savina ang tunay kong nararamdaman sa kanya. Bigla akong napahinto sa pagsuntok sa nakabitin na punching bag nang maalala ko ang nangyaro kagabi. Muntik nang may mangyari sa aming dalawa.Alam kong galit sa akin si Savina nang umalis siya kaya pinuntahan ko siya sa bahay niya na kanyang timutuluyan para kausapin siya. Aaminin ko sa kanya na natakot lamang ako na baka may masang mangyari sa kanya kaya ko nasabi ang mga salitang iyon na hindi niya nagustuhan at ikinagalit niya. Ngunit nang nasa harapan
Savina PovTinatamad akong lumabas ngayong araw na ito kaya hindi muna ako aalis. Ilang beses na akong nagpabalik-balik sa mundo namin para magtanong-tanong sa mga tao kung may nakakita ba sila sa nangyaring pag-atake sa witch canary clan. Ngunit bigo akong makakuha ng kasagutan mula sa mga napagtanungan ko. Lumabas ako sa papunta sa bakuran para diligan ang mga halaman ng mismong may-ari ng bahay. Isa iyon sa mga dahilan kung bakit ko nagustuhan ang bahay na ito. Dahil maraming mga iba't ibang halaman sa harapan ng bahay. Pakiramdam ko ay nasa loob pa rin ako ng nasunog naming bahay. Marami rin kasing halaman ang harapan ng bahay namin dahil mahilig magtanim ng halaman ang aking ina. Ginagamit niya ang mga halaman sa paggawa ng sangkap ng potion na kanyang ini-imbento. Ngunit hindi nakakasama sa kapwa ang mga potion na ginagawa ng aking ina. Sa halip ay nakakatulong iyon sa iba't ibang uri ng sakit at nagpapaganda rin ng balat. Humuhuni pa ako ng awitin habang nagdidilig nang bigla
Allana PovMay mala-demonyong ngiti sa aking mga labi habang pinapatakan ko ng liquid na mula sa boteng hawak ko ang alak na ipaiinom ko mamaya kay Desmon. Natitiyak ko na tatanggi siya na pakasalan ako dahil sa Savina na iyon kaya naghanda na ako ng paraan para tuluyang mabura ang nararamdaman niya para sa babaeng iyon. Matagal na sa akin ang potion na ito na mula sa isang witch na humingi sa akin ng pabor. Hindi ko lamang ito ginagamit kay Desmon dahil gusto ko na mahalin niya ako ng tunay at hindi dahil sa ginamitan ko siya ng potion. Ngunit mukhang hindi iyon mangyayari kaya no choice ako kundi gamitin na ito.Ang liquid potion na ito ang naging kapalit ng pabor na hiningi sa akin ng taong iyon. Ang pabor na hiningi niya ay bigyan ko siya ng isang hibla ng buhok ng namayapa naming alpha na si Alpha Gancho at ama ni Desmon. Hindi naman ako nahirapan sa pagkuha ng isang hibla ng buhok ni Alpha Gancho dahil nakaratay siya sa higaan dahil sa malubhang karamdaman. Hindi ko alam kung sa
Allana PovMay matagumpay na ngiti sa aking mga labi habang nakatingin ako kay Desmon na walang malay habang nakahiga sa ibabaw ng aking kama. Dahil sa ginawa kong drama kanina kaya hindi siya naghinala na may binabalak akong hindi maganda laban sa kanya. Sa kagustuhan niyang hindi ako mapakasalan ay agad niyang ininom ang alak. Hindi man lang siya nag-isip at naghinala na baka may inilagay ako sa alak na ipinainom ko sa kanya.Hindi ganoon ka-careless si Desmon noon. Lahat ng bagay ay dumadaan sa matalas niyang pakiramdam. Kaya nga hindi tumutol ang karamihan sa aming pack nang siya ang naging bagong alpha ng pack namin sa kabila ng kanyang bata pang edad at hindi ang aking ama ay dahil sa matalas niyang pakiramdam. Matapang, matalino at matalas ang pakiramdam. Iyan ang mga tinataglay na katangian ni Desmon dati ngunit bigla siyang nag-iba nang dalhin niya sa bahay niya ang aliping si Savina. Kaya nararapat lamang na mapatay ko ang babaeng iyon kahit na hindi na siya maalala pa ni De
Savina PovIlang araw ko nang hindi nakikita si Desmon at inaamin ko na sobrang namimis ko na siya. Gusto kong magsisi na pinairal ko ang katigasan ng aking puso. Sana hindi na lamang ako umalis sa bahay niya. Tiniis ko na lamang ang sakit na makita ko siyang may kasamang ibang babae. At dahil hindi ko matiis na hindi makita ng matagal si Desmon ay nilunok ko ang aking pride at nagtungo sa bahay niya. Ngunit hindi ko inaasahan ang aking malalaman mula sa mga dating kasamahan kong katulong sa bahay ni Desmon."Ilang araw nang hindi umuuwi rito si Sir Desmon, Savina. Hindi nga namin alam kung bakit hindi siya umuuwi gayong kapag umaalis siya at ilang araw na hindi makakauwi ay nagsasabi siya sa amin para hindi kami maghanap sa kanya. Pero ngayon ay wala naman siyang sinabi sa amin kung kailan siya babalik," pagbabalita sa akin ni Darla na siyang cook sa bahay ni Desmon.Hindi ko maintindihan ngunit bigla akong kinabahan sa aking narinig. Nakaramdam din ako ng labis na pag-aalala sa kany
Savina Pov"Itigil ninyo ang pananakit sa kanila. Lubayan niyo sila kung hindi ay magiging marahas din ako sa inyo," galit na banta ko sa mga taong-lobo nang makita ko na muli nilang hinataw ng latigo ang mga kawawang witches. At isa pa, kung totoo nga na mga witches din sila katulad ko ay dapat ko talaga silang ipagtanggol. Dahil mga kalahi ko sila at hindi pala ako nag-iisa na lamang sa mundong ito."Huwag kang makialam, Savina. Dati kang alipin ng aming alpha kaya palalampasin namin ang pangingialam mong ito ngunit kapag ipinagpilitan mong makialam ay mapipilitan kaming patayin ka rin," banta sa akin ng lalaki. Kahit paano ay nakikilala pa rin nila ako bilang dating alipin ng kanilang alpha.Sa halip na sagutin ko ang nagsalita ay muling kinausap ko ang mga babae. "Nagsasabi ba kayo ng totoo na kayo ay mga witches?""Oo, Savina. Kami ay mga witches mula sa canary clan ngunit matagal nang tumiwalag ang aming angkan sa clan at namuhay ng tahimik sa mundo ng mga tao. Ngunit hindi nami
Savina PovSa ibang bahay ko pinatira sila Adora at ang mga kasama niya dahil hindi ligtas para sa kanila ang bahay ko. Alam ng mga taong-lobo ang bahay ko kaya anumang oras ay maaari silang umatake ulit. Kaya mas makabubuti na sa ibang bahay sila tumira. Pagkatapos kong masigurado na ligtas na sila Adora ay pinuntahan ko sa bahay nila si Julie. Sinabi ko sa kanya ang tungkol kay Allana at Desmon na aking nalaman mula sa mga babaeng witch na iniligtas ko. At kahit si Julie ay hindi rin makapaniwala nang malaman na mag-asawa na sila Desmon at Allana."Bago ka maniwala sa mga sabi-sabi ay dapat mong makaharap at makausap ng personal si Alpha Desmon, Savina. Parang hindi kasi kapani-paniwala na papayag siyang pakasalan ang babaeng iyon," ani Julie matapos makapag-isip-isip."Iyan din ang gusto kong gawin, Julie. Kailangan makausap ko si Desmon. Gusto kong sa bibig niya mismo manggaling ang kumpirmasyon na mag-asawa na nga sila ni Allana. Ngunit hangga't hindi ko naririnig mula sa mga lab
Savina PovPinuntahan ko si Desmon sa bahay niya. Kailangan naming magkaliwanagan. Umalis ako sa bahay nng hindi nalalaman ni Uncle Lucho. Alam ko kasi na hindi niya ako papayagan na makipagkitang muli kay Desmon kaya hindi na ako nagpaalam pa sa kanya. Hindi ako matatahimik hangga't hindi ko naririnig ang paliwanag ni Desmon. Kaya pagkatapos ng ilang araw kong pag-iisip ay nakahanda na akong harapin siya.Nang lumitaw ako sa loob ng bakuran ni Desmon ay walang nakapansin sa akin maski isa sa kanyang mga alipin. Palapit pa lamang ako sa pintuan ng bahay niya ay naririnig ko na mula sa labas ang boses ni Allana at nasisiguro ko na si Desmon ang kanyang kausap. Maingat akong lumapit sa may pintuan at idinikit ang aking tainga para mas marinig ko ang kanilang pinag-uusapan."Natitiyak kong alam na ni Savina ang lahat, Desmon. Alam na niya na nagpapanggap ka lamang na nagkaroon ng amnesia at nakalimutan mo siya. Alam na niya na binilog mo lamang ang ulo niya at pinaniwalang hindi ang ama
Savina POVAgad kong inilabas sa loob ng kuweba si Uncle Lucho at dinala sa isang ligtas na lugar. Hindi kami masusundan ng kahit sino sa grupo ni Desmon maging grupo ni Allana. Ilqng araw nang gulong-gulo ang aking isipan matapos kong marinig ang mga sinabi sa akin ni Uncle Lucho. Wala akong lakas ng loob na harapin si Desmon at kausapin tungkol sa bagay na natuklasan ko. Natatakot akong marinig sa kanya ang pag-amin niya na totoo ang mga sinabi ni Uncle Lucho. Natatakot din ako na kapag sinabi niya na hindi totoo ang mga sinabi ng uncle ko ay baka maniwala ako sa kanya kahit na nagdudumilat ang katotohanan na talagang niloko lamang niya ako. Hangga't hindi ko pa kayang harapin siya ay hindi na muna ako magpapakita sa kanya. Hindi naman niya ako matatagpuan dahil kusang naalis sa aking kamay ang bracelet na inilagay niya. Naalis ito noong bumalik ang aking kapangyarihan ngunit hindi ko na lamang iyon ipinaalam sa kanya."Ano ang ginagawa mo rito sa dilim, Savina? Malalim na ang gabi
Savina PovHinahanap ko si Desmon ngunit hindi ko siya makita. I wonder kung ano ang ginagawa niya ngayon at kung nasaan siya. Noong isang araw ay nabanggit ko sa kanya ang tungkol sa pagpapalaya niya sa mga witch na bihag nila. Ang sabi niya sa akin ay palalayain niya agad ang mga bihag.Habang naglalakad ako sa gubat ay hindi sinasadyang may nakita akong kuweba. Hindi ko alam kumg kulungan ba ang kuwebang iyon o hindi. Pero baka hindi kasi wala namang bantay sa labas ng kuweba. Akmang tatalikod na ako para umalis sa lugar na iyon nang bigla akong natigilan at saka lumingon sa kuweba. Para bang may enerhiya na pumipigil sa aking mga paa para humakbang palayo. Tila rin may nag-uudyok sa akin na maglakad papunta sa kuweba at pumasom. Hindi ko alam kung ano ng meron aa kuwebang iyon at hinihila niya ako papasok sa loob. Nagkibit na lamang ako ng balita. Wala namang masama kung papasok ako sa loob ng kuweba na iyan. Kung may panganib man sa loob ay hindi ako natatakot lalo pa ngayon na n
Savina PovPaggising ko sa umaga ay wala na sa aking tabi si Desmon. Agad na sumilay sa aking mga labi ang matamis na ngiti nang maalala ko ang nangyari sa amin kagabi. Walang pag-aalinlangan na ibinigay ko sa kanya ang aking buong pagkatao. Nakaramdam man ako ng saya ngayon ay hindi ko pa rin maiwasan ang makaramdam din ng lungkot nang maisip ko si Donny. Tiyak na masasaktan siya kapag nalaman niyang nagkakaunawaan na kami ni Desmon. Ayoko mang saktan siya ngunit alam ko na hindi talaga maiiwasan ng masaktan siya. "Good morning," nakangiting bati sa akin ni Desmon nang pumasok siysa sa aking silid. Nilapitan niya ako at hinalikan sa aking noo. "Kumusta ang pakiramdam mo?""Okay lang kahit na pinagod mo ako kagabi," sagot ko sa kanya na may kasamang pilyang ngiti. Kinabig niya ako at binigyan ng isang malalim na halik."I'm sorry kung napagod kita kagabi. And I'm sorry ulit dahil muli kitang papagurin ngayon," sagot ni Desmon pagkatapos ay muli niyang inangkin ang aking mga labi. Bu
Allana Pov"Aahhh!!!" lahat ng mga bagay na makita ko sa aking paligid ay dinadampot ko at ibinabato sa dingding. Gusto kong ilabas ang galit na aking nararamdaman. Gusto kong pumatay ng tao. At ang taong iyon ay walang iba kundi si Savina. Para tuluyan na siyang mawala sa landas ko at lalong-lalo na sa landas ni Desmon.Pinuntahan ko kanina sa bahay niya si Desmon para pag-usapan namin kung ano ang balak niyang gawin sa pack ng natalo naming kalaban na si Alpha Dorco. Sumuko ang mga kawal niya nang matapos mapatay ni Desmon ang kanilang alpha. Malaki nga ang panghihinayang ko kung bakit hindi pa tuluyang napaslang ni Alpha Dorco si Savina. Pagdating ko sa bahay niya ay sinabi sa akin ni Marsha na nasa loob ng silid ni Savina si Desmon. Palagi raw itong nasa loob ng babaeng iyon at hinihintay na magkamalay ito.Para mailigtas ni Desmon ang buhay ng witch na iyon ay sinalinan niya ito ng kanyang dugo. Mahigpit kong tinutulan ang gustong mangyari ni Desmon ngunit sa huli ay wala pa rin
Savina PovNasa isang lugar ako na tanging kadiliman lamang ang aking nakikita. Hindi ko tuloy alam kong napikit ba ako o nakadilat ang aking mga mata. Sobrang dilim at tahimik ng paligid. Nakakatakot. Naalala ko ang nangyari sa akin kaya naisip ko na ito na yata ang hantungan ng mga namatay na. Pero ayoko ritong mag-isa. "Ama? Ina? Juni?" malakas na tawag ko sa aking mga magulang at nag-iisang kapatid. Patay na sila kaya dapat nandito sila ngayon at sinasalubong ako. Pero bakit wala sila? Bakit hindi ko sila makita? "Ina! Ama! Juni! Nasaan kayo?" muli kong tawag sa kanila. Ngunit gaano man kalakas ang boses ko sa pagtawag sa kanilang pangalan ay wala pa ring sumasagot sa akin. Kahit na hindi ko nakikita ang aking paligid ay nagpasya akong maglakad at baka makakita ako ng liwanag sa ibang dako."Savina..."Biglang nanlaki ang aking mga mata nang marinig ko ang boses na iyon na pinanabikan kong marinig. Kahit matagal na siyang patay ay hindi ko pa rin nakakalimutan ang kanyang tinig.
Savina PovDinala ako ng lalaking nakahawak sa akin sa harapan nina Desmon at alpha ng Silver wolf pack na si Dorco. Parehong natigilan silang dalawa nang makita ako ngunit mabilis na nakabawi si Dorco at tumawa ng malakas."Nagkita tayong muli, Savina. At masaya ako na makita kang muli," nakangising kausap sa akin ni Alpha Dorco. Kinuha niya ako mula sa lalaking may hawak sa akin at iniharap kay Desmon na sobrang dilim ang mukha dahil sa galit."Ano ang ginagawa mo sa lugar na ito, Savina?" galit na tanong naman sa akin ni Desmon. Alam kong sa akin siya nagagalit dahil sinuway ko ang kanyang ipinag-uutos. Tiyak na parurusahan niya ako. Iyan ay kung makakaligtas ako ngayon sa mga kamay ni Alpha Dorco."Savina!" tawag sa akin ni Donny na biglang dumating na humahangos pa."Ikaw ang nagdala kay Savina sa lugar na ito?" mapanganib na tanong ni Desmon sa kanyang kapatid habang nakakuyom ang mga kamao."Wala siyang kasalanan, Desmon. Ako lamang ang nagtungo rito nang malaman kong nakikipag
Savina PovMagmula nang hinalikan ako ni Desmon ay hindi ko pa siya muling nakakausap. Nakikita ko naman siya ngunit hindi niya ako kinakausap. Hindi ko alam kung iniiwasan ba niya ako o talagang ayaw lamang niya akong kausapin. Gustuhin ko siyang kausapin ngunit nahihiya akong gawin iyon. Baka kasi isipin niya na cheap akong babae. Galit-galitan ako tapos bibigay din pala ako sa kanyang mga halik."Hoy! Ano ang ginagawa mo ritong mag-isa, Savina?" panggugulat sa akin ni Edan, isa sa mga babaeng alipin na Desmon na naging kaibigan ko. Sa lahat ng mga alipin niya ay tanging si Edan lamang ang hindi nagpakita ng masamang ugali sa akin kahit na isa rin naman siyang taong lobo."Wala lang. Nagpapahangin lamang ako," sagot ko sa kanya sabay kibit ng aking mga balikat."Alam mo ba na may nangyayaring labanan ngayon ng dalawang pack ng mga taong lobo?" biglang tanong niya sa akin. Na-curious tuloy ako kung anong pack ang naglalaban. Napakatahimik at payapa ng gabi kaya hindi ko akalain na ma
Savina PovNagpatuloy akong hanapin ang silid ni Allana ngunit ilang silid na ang aking pinasok ay hindi ko pa rin natatagpuan ang silid niya. Napakaraming silid sa bahay niya at mukhang hindi ko mahahanap ito bago pa siya bumalik kaya nagdesisyon akong umalis na lamang. Ngunit babalik ako kapag magkaroon ulit ako ng pagkakataon. Akmang tatalikod na sana ako nang umagaw sa aking atensiyon ang isang silid na nasa ikaapat na hanay mula sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung anong mayroon sa silid na iyon ngunit tila ba biglang hinatak ng kung anong enerhiya ang aking mga mata patungo sa silid na iyon. Hindi kaya iyan ang silid ni Allana? Dahan-dahan akong naglakad palapit sa pintuan ng silid. Hinawakan ko ang door knob at maingat na pinihit. Akmang itututulak ko na ang pintuan nang biglang may babaeng nagsalita sa aking likuran."Sino ka? Ano ang ginagawa mo rito? Ang lakas ng loob mong pagtangkaang pasukin ang aking silid," mapanganib ang tono na tanong sa akin ni Allana na siya palan