Hindi mapawi ang ngiti sa labi ko habang pinagmamasdan ko ang sarili ko sa harap ng human size mirror ng sala namin. Masyado akong nagagandahan sa sarili ko ngayon sabayan pa na subrang ganda ng dress na suot ko.
Nilagyan ko ng malaking itim na ribbon ang buhok ko at hinayaang nakalugay lang sa likod ang maalong kurba nito, nagliptint din ako kunti at pulbo. Nakasuot ako ng white puff sleeve dress na hapit sa beywang ko at hanggang tuhod ang haba. Bigay to ni Khrus noon, ngayon ko lang sinuot dahil uuwi siya ngayon pagkatapos ng dalawang taon niyang pag-aaral sa Europe.
Ano kayang magiging reaksiyon niya pag nakita niyang suot ko to?
Mas lalo akong napangiti.
Iniisip ko palang kinikilig na ako!
Matagal ko naring gusto ang lalakeng yun. Mula siya sa angkan ng mga Sudalga- ang pinakamayamang pamilya na naninirahan dito sa Victorina. Subrang bait ng pamilya niya, hindi nakikitaan ng pagkamata-pobre mahilig pa nga itong makisama sa mga tulad naming mga dukha at utang na loob namin sa kanila kung bakit nakakapag-aral ako ngayon sa kolehiyo at mayroong trabaho ang mga magulang ko.
Nag-iisang anak lang nila si Khrus at kung pinagpapala nga naman ng may kapal ay di ko inexpect na magugustuhan din pala ako ng katulad niya.
Hindi kami ha.
Pareho lang kami ng nararamdaman sa isa't isa.
Napagkasunduan naming wag muna hangga't nag-aaral pa kami. Hindi rin naman ako ready na magkaroon ng relasiyon kaya oks lang importante may nagpapakilig.
" Nay Lea! Tao po! Nandito na ak___. oyyyy" mabilis na nawala ang ngiti sa labi ko nang mapalingon sa hamba ng pintuan at makita ang mapaglarong mukha ng matalik kong kaibigan na kakarating lang.
" Saan ang kasal Ming? di mo sinabi saking abay ka pala" agad siyang napailag ng batuhin ko siya ng suklay. Tumawa naman ang timang bago lumapit sakin.
Panira talaga siya ng araw kahit kailan!
" Nandito ka nanaman!" singhal ko na ikinatawa niyo lalo at kinurot ang pinsnge ko. Agad ko namang tinabig ang kamay niya.
" Napakamaldita mong bansot ka" mas lalong akong napasinghap sa sinabi niya at hinampas ko ang matigas na dibdib niya sa subrang inis ko.
Kutang-kuta niya talaga ako sa pang-aasar.
" Kung wala kang matinong sasabihin manahimik ka nalang" inirapan ko siya na ikinatuwa niya pa lalo.
Tumingin ulit ako sa salamin para ayusin ang sarili ko at hindi na pinansin ang lalakeng nasa tabi ko.
" Teyka, subrang bango mo ata ngayon?" aniya sabay amoy sa leeg ko kaya tinulak ko ang mukha niya palayo sakin.
" Wag ka ngang magulo! nag-aayos ang tao eh" sambit ko na ikinataas ng kilay niya at nakapameywang akong tinignan. Nakikita ko ang repleksiyon niya sa salamin.
" Masyado mo namang pinaghahandaan ang pagdating ng bebe mo. Kasalanan na ba susunod nito?" Utomatikong namula ang pisnge ko sa sinabi niya at kung ano-ano nang mga scenario ang pumapasok sa utak ko.
Pangarap ko naman talaga yun. Ang makasal kay Khrus at magkapamilya sa kaniya.
" Kinilig ang putik!" singhap ng katabi ko kaya binatukan ko siya.
" Ang ingay mo. Bakit ka ba nandito?" sambit ko, binago ang usapan dahil masyado na akong napapahiya sa mga sinasabi ng isang to.
" Nag text nanay mo, punta daw ako dito isasabay kita papunta ron sa mga Sudalga" aniya sabay upo sa kahoy naming sala. " Matagal ka pa ba?" casual na tanong niya sa akin habang tinititigan ako ng maigi.
" Tapos na ako" sagot ko pagkatapos masatisfy sa repleksiyon ko sa salamin. " Ayos ba? tingin mo magugustuhan niya ang suot ko?" tanong ko sa kaniya.
Sinuri niya naman ako ng tingin, ulo hanggang paa " Ayos na yan. Mukha kang ninang sa binyag" sinipa ko ang paa niya, siya naman ay tawa ng tawa.
Panira!
Nacoconscious tuloy ako sa pinagsasasabi ng lalakeng to.
" Seryoso kasi Krio!" kailan ko ba makakausap ng matino ito!
Tumigil siya sa pagtawa at nakakaluko akong tinignan. " Oo na, oo na, ok na yan. Alis na tayo. Anong oras na, nasa mansiyon na ata ang bebe mo" hinila na niya ang kamay ko. Sumunod naman ako hanggang sa makalabas kami at nakita ko agad ang dilaw na tricycle niya.
Napakunot ang noo ko.
" Bibili ako ng pagkain ng baboy mamaya sa palengke kaya tricycle dala ko" saad niya tila alam na kung ano ang nasaisip ko. Napatango naman ako bago sumakay at pinaandar na niya ang sasakyan.
Sampung minut bago namin narating ang mansiyon ng mga Sudalga. Pinapasok ng guard ang sasakyan ni Krio sa loob. Ilang beses na kong nakapunta rito pero hanggang ngayon manghang -mangha parin ako sa laki ng pagmamay-ari nila.
Mapapasana all ka nalang sa ganda at rangya ng bahay nila.
Pagkababa namin sa sasakyan ay agad kaming sinalubong ng mag-asawang Sudalga na naghihintay sa pagdating ng anak nila.
Alam ng mga ito na may namamagitan sa amin ni Khrus at wala akong narinig na tutol sa kanila kundi ay malaking suporta para sa amin ng anak nila.
" You look so pretty! mas lalong magkakagusto sayo si Khrus niyan!" puri sa akin ng mommy ni Khrus na ikinapula ng pisnge ko.
" Indeed so gorgeous" komento rin ng asawa niya.
" Thank you po" nahihiyang sagot ko sa kanila.
Hindi parin talaga ako sanay na kausap sila nananaig parin talaga ang hiya ko.
Maya-maya ay si Krio naman ang binati nila.
" Oh ihjo, kumusta ang baboyan niyo? balita ko ay nanganak na raw" rinig kong sambit ni sir Leo.
" Opo tito. Dalawampu po lahat nong nakaraan lang nanganak" sagot naman ng katabi ko. Kung ano-ano pa ang pinagusapan nila tungkol sa farm nina Krio nakinig nalang din ako at magsasalita kung may gustong sabihin.
" Khrus will be here in a minute. Tumawag ang driver namin. On the way na daw sila" sambit ni Ma'am Lysa na ikinatango ko naman.
" Oh! his here!" agad na bumilis ang tibok ng puso ko nang maaninag ang itim na van na papasok sa loob ng mansion.
Bigla akong nanlamig at kinabahan hanggang sa huminto ang van sa gilid namin. Tinted ang salamin nito kaya di kita ang nasa loob. I can hear my heart pumping so fast.
Hihimatayin ata ako.
May mga body guard sa paligid at ang isa ay lumapit sa van para pagbuksan ang nasa loob nito. Nahigit ko ang hininga ko nang sa pagbukas ng body guard sa van ay naaninag ko agad ang bulto ng lalake sa loob.
Dahan-dahan itong lumabas at napaawang ang labi ko nang masilayan ang gwapong mukha nito.
Lalo ata siyang gumwapo at pumuti!
Nanigas ako sa kinatatayuan ko at ang nagawa ko nalang ay ang titigan siya at nasilayan ulit ang ngiti sa labi niyang matagal kong hindi nakita.
" Ihjo!" agad na lumapit ang mag-asawa sa kaniya at sinalubong siya ng yakap.
" How's the flight anak?" tanong agad ni Ma'am Lysa rito.
" The flight is smooth, mom" sambit nito. Mas naging matured ang boses niya ngayon at ang sarap pakinggan non sa tainga.
May ibinulong ang daddy niya sa kaniya na ikinalingon nito sa gawi namin at nagtama ang tingin naming dalawa.
He smiled gently to me kaya ngumiti ako kahit na subra-subra ang kaba ko.
Subrang miss ko siya!
Kumalas siya sa yakap ng magulang at lumapit sa akin. Hindi ko naman alam kung anong una kong gagawin.
Yayakapin ko ba siya? Hahalikan?
Hahalikan?! No!No!
" Hi bro! Long time no see ah!" sambit ng katabi ko at nakipagfeast bump kay Khrus. Nakuha ni Krio ang atensiyon niya.
" Yeah, it's nice to be back! You look fine ha, gumwapo ka ata lalo" anito na ikinatawa ng malakas ng katabi ko.
" Alagang safeguard yan bro!" natawa naman si Khrus sa sagot nito. Napasinghap ako nong siniko ako ni Krio kaya napalingon ako sa kaniya, ngumuso siya sa akin at tinuro ang kaharap namin gamit ang nguso niya.
" Natahimik ka diyan? Bebe mo oh" walang gatol-gatol na sambit niya na ikinapula ng pisnge ko. Napabaling naman ulit ako sa kaharap namin na ngayon ay hiyang-hiya rin.
Crayon Anthony! Humanda ka talaga sakin mamaya!
Pasimple kong kinurot ang katabi kong walang modo. Ramdam ko naman ang paglayo at pagngiwi niya sakin.
" Mace..." napaawang ang labi ko nong marinig ko ang boses niya habang nakatitig siya sa akin.
" Hi?" sambit niya mukhang hindi pa sigurado kaya nakagat ko ang labi ko para pigilan ang pagngiti.
" H-Hi..." ganti ko, nautal pa nga.
" Hala si Antie, pabebe! di kita pinalaking ganiyang Ming! umayos ka!" nandito pa pala to!
Kung wala lang dito si Khrus ay nasipa ko na ito kanina pa!
Pinapahiya talaga ako ng lalakeng to!
Tumawa si Khrus sa sinabi nito at walang pasabing niyakap ako ng mahigpit. Naramdaman ko namang parang lumundag ang puso ko sa subrang tuwa at kilig ko.
Nandito na siya! Nayayakap ko na ulit!
" I miss you" bulong niya. Napayakap din ako sa kaniya pabalik at dinama ang mainit niyang katawan. Ang bango niya subra!
" I miss y
ou too" bulong ko rin.
My Elementary crush
My High School puppy love
and now my first Love, is here...
Tagal kong hinintay ang pagkakataong to...
" Aruy! alas dyes na pala!" Lahat kami ay napatingin kay Krio sa lakas ng boses niya. Marahan naman akong pinakawalan ni Khrus habang ang mga mata niya ay nasa kaibigan namin." What's wrong bro?" tanong niya rito. Bumalik-balik naman ang tingin ni Krio sa cellphone niya at sa amin." Yung pagkain ng baboy na pinapabili ni tatay kailangan ko na palang bilhin baka magsara yung store, linggo pa naman ngayon" Napakamot batok siya at nahihiyang tinignan sina Ma'am Lysa at Sir Leo ganon din kay Khrus." Hindi ba yan pweding bukas nalang? We prepared food" sambit ni Sir Leo" Kakadating ko lang, aalis ka agad" " Eh, pasensiya na Sir, Khrus. Wala na kasi kaming stock. Kailangan ko tong bilhin ngayon. Babawi nalang ako sayo bro, date tayo bukas" aniya sabay tawa na ikinatawa rin ng tatlo ako naman ay napairap sa kasamaang palad ay nahuli niya ako." Ay selosa! wag kang mag-alaala iyong-iyo na yan" aniya na ikinaawang ng labi ko. Lumakas naman ang tawa ni Khrus kaya nahiya ako bigla.Ililibi
" Maayos na ba ang lahat?" si nanay habang natatarantang inaayos ang plato't pinggan sa mesa namin na kanina pa naman nakaayos.Mas excited pa ata siya sa akin sa pagdating ni Khrus. Biglang nagbago ang itsura ng bahay dahil sa kagagawan niya. Mula sa kurtina ng bintana, sa mga muwebles at sahig na kumikinang na pwedi nang salaminan, ang sala ay talagang nilinis ng maigi pati narin ang kusina namin. Pati nga ang mga kwarto namin ay malinis din akala mo naman ay may magaganap na house tour." Itong nanay mo masyadong praning, akala mo ay mamanhikan na si Khrus sayo kung makaasta" reklamo ni tatay pero ngiti-ngiting pinagmamasdan si nanay. Ako naman ay namula sa sinabi ni tatay, kahit na biro lang yun ay di maiiwasan na maapektuhan parin ako." Tatay naman eh" napalingon naman si tatay sa akin at tinawanan ako. May sasabihin sana siya pero tinawag siya ni nanay kaya alerto siyang sumunod.Tinignan ko ang oras sa nakasabit naming wall clock sa sala at makitang mag-aalas onse na ay napabun
Alas kwatro na nang magising kami ni Krio. Pagkatapos namin mag-usap ay nakatulog kaming pareho. Hilig na naming gawin yun noon pa man at sa halos 15 years naming pagkakaibigan ay nasanay na kami sa isa't isa kaya hindi maiwasang mag-alala sa sinabi niya.Kailangan niya bang iwan ako para lang don? Nakakatampo, ano pa't naging matalik kaming magkainigan kung iiwan niya rin pala ako sa huli. Inaway ko siya pagkatapos sabihin yun pero tinawanan lang ako ng loko. Lakas mang-inis pero subra naman kung mag-alala." Ako ang magluluto tay Anton!" presenta ko nang sabihin niyang balak niyang magluto ng kamoteque para sa meryenda namin." Abay sige! nakahanda narin naman ang lulutuin doon sa mesa. Magpatulong ka nalang kay Anthony sa pagluluto" napatango ako sa sinabi niya at sakto naman non ay ang pagdating ni Krio na bagong ligo at nasa balikat pa ang damit." Anthony, tulungan mo tong si Mace sa pagluto ng meryenda at may pupuntahan ako" bumaling muna sakin si Krio bago tumango sa tatay ni
" Till next date again?" Napakagat labi ako at napatango sa sinabi niya.Nasa tapat kami ng bahay namin ngayon, hinatid niya ako. Alas singko na rin ng hapon ng napagdesisyonan naming umuwi na.Hinawakan niya ang kamay ko, napatingin ako don." Did you enjoy?" inangat ko ang tingin ko sa kaniya sabay ngiti.Tumango ako. " Subra!, Salamat pala...di ko inaasahan na doon mo ako dadalhin" " I'm glad your happy" hinaplos niya ang kamay ko at tinitigan ako ng maigi sa mata." I'll make sure our second date will be more memorable but I can't still know when. Madalas na ang pag-alis ko sa mansiyon, I'll start may review na at sa Manila pa yun" nakaramdam ako ng lungkot sa sinabi niya pero tumango ako at ngumiti parin. Syimpre suportado ko lahat ng ginagawa niya, hindi naman kami at ayos lang kahit di niya na sabihin pa ang mga gagawin at ginagawa niya pero hindi niya hinahayaan na wala akong alam sa mga ginagawa niya araw-araw." Galingan mo sa review mo ha, proud ako palagi sayo! Tatandaa
Linggo ngayon.Naghihikab ako habang naglalakad palapit kay Krio na naghihintay sa tricycle niya. Nakataas ang kilay niyang binabatayan ang bawat galaw ko.Nakabrown polo, white na maong pants at jordan na sapatos. Magkakulay pa ang polo niya at ang suot kong puff dress. Nakaputing sandals din ako kaya na kakulay naman ng pantalon niya. Magkadugtong ata ang mga pusod namin at kahit sa suot ay kahit di namin pinaplano ay aksidenteng nagkakapareho kami.Sumakay ako sa loob ng tricycle niya habang siya naman ay hindi tinatanggal ang tingin sakin. " Anong mukha yan Meztli Royace?" napaangat ang tingin ko sa kaniya." Maganda" napasimangot siya sabay iwas ng tingin sakin." Wala na sira na ang araw ko" Napairap ako sa sinabi niya at humalukipkip nalang sa inuupuan ko. Hindi parin niya pinapaandar ang tricycle kaya taka ko siyang binalingan ulit ng tingin saktong sa akin din pala siya nakatingin." Nag-away ba kayo? Ang sama ng mukha mo, mas lalo kang pumangit" Hindi ko talaga gusto ang
Tanghali na ako nagising kinaumagahan.Imbis kasi matulog ay nagbardagulan pa kami ni Krio sa text. Sa wakas naisipan niyang i-unblock ako, loko-lokong yun.Pag-gising ko nga ay wala sa ang mga magulang ko. Hindi na ako nakapagpaalam man lang sa kanila.Ang daldal kasi ng lokong yun, hindi nauubusan ng ikukwento, eh palagi naman kaming magkasama.Napabuntong hininga nalang ako habang nakatitig sa maliit naming tv, wala akong magawa kaya nanonood nalang ako ng kung ano-ano. Wala rin naman ako sa mood lumabas para pumunta kina Krio, alam ko namang busy sila sa farm nila dahil lunes ngayon." Tao po! Aling Lea? Mang Sandro?" Mabilis akong pumunta sa pintuan ng bahay namin nang marinig ko ang tumawag." Sino po yan?" tawag ko habang binubuksan ang pinto. Agad akong napangiti ng maaninag ko kung sino ang tumatawag, ganon din siya nang makita ako." Hi Mace!"" Ate Sam!" Niluwagan ko ang bukas ng pintuan namin at pinapasok siya." Thank you! Buti at ikaw ang naabutan ko!" aniya, pinaupo ko
" Ang init Kring!" reklamo ko habang nagpaypay gamit ang enrollment form na hawak ko.Miyerkules na nga kami nag-enroll marami parin talagang istudyanteng nakapila sa registrar. Mukhang mas maganda atang unang araw nalang kami ng enrollment pumunta dahil iba na ang mindset ng mga istudyante ngayon. " Usog ka rito" utos niya sabay hila sakin palapit sa kaniya. Nakapayong naman kami pero may singaw parin ng araw.Pinaypayan niya ang sarili niya kasama ako kaya kahit papano ay naging ok ang pakiramdam ko. Malapit narin naman ang number naming pareho kaya siguro matatapos pa kami bago pa ako mahimatay rito.Halos isang oras kaming naghintay bago kami tuluyang natapos. Bumalik ulit kami sa kaniya-kaniya naming department para magpasa ng copy. Hinatid muna ako ni Krio at mamaya ay susunduin niya rin ako dahil wala akong payong nadala." Chat mo ko kung nasaan ka" huling sinabi niya bago siya umalis." Hi Mace!" bati sakin ni Reesa sabay lingon sa likuran ko at bumalik ulit ang tingin sakin
Hindi maalis sa isip ko lahat ng sinabi ni Krio. Pilit ko ring inaalala kung kilala ko ba ang babaeng gusto niya. Hinalughog ng utak ko lahat nang senaryo na magkasama kami kung meron ba itong babaeng na nilapitan.Sa dami ng babaeng lumalapit sa kaniya di ko maisa-isa. Halos di ako ako makatulog kakaisip sa walang kwentang bagay na yun ni hindi ko na makausap ng mabuti si Khrus kagabi dahil lumutang ang isip ko.Nakakahiya tuloy kay Khrus. Minsan lang nga kung mag-usap kami ng tao hindi ko pa makausap ng maayos.Napabuntong hininga nalang ako at kinalimutan ang iniisip ko.Isang Linggo nalang at balik klase na naman kaya heto kami't bumibili ng mga gamit namin para sa eskwela. Panibagong unos sa buhay nanaman ang mararanasan ko ngayon taon." 20 pesos? Ang mahal naman para sa isang simpleng ballpen lang" reklamong bulong ko sabay balik ng ballpen na hawak ko sa lalagyan niyo at pumili nalang ng mas mura. Nakabudget ang pera ko kaya maingat ako sa kung ano ang mga binibili ko." 50 pe
"You bitch! Kanina pa ako nanggigigil sayo! Come here!" naputol ang kung ano mang koneksiyong nararamdaman ko sa lalakeng kaharap ko nang marinig ko ang sigaw ni Deia at ang tili ng isang babae. Hila-hila na ni Deia ang buhok ni Iris at kinaladkad ito papunta sa pool kung saan walang maapektuhang gamit."Aw! Bitiwan mo ako!" sigaw naman ng isa na halos madapa na."Deia!" malakas at may babalang sigaw ni Khrus at sinundan si Deia para awatin. Lahat ng tao ay nakatingin na sa dalawang babae, hindi ko rin naiwasang lumapit sa nag-aaway para rin sana umawat pero bago ko pa magawa yun ay may humawak na sa braso ko para pigilan ako."Wag kang lumapit don, madadamay ka" inangat ko ang tingin ko para makita kung sino ang humawak sa akin. May kung anong bumalot na mainit na pakiramdam sa puso ko nang mapagtantong si Krio iyon."Kailangan natin awatin si Deia" sambit ko sa kaniya. Tinaasan niya ako ng kilay na parang hindi siya sumasang-ayon sa sinabi ko."Kaya na ni Khrus yan" kampanteng saad
Khrus pass the board exam not just past but he top the exam. Tuwang-tuwa ang mga magulang niya. He also cried kahit siya ay di makapaniwala na siya ang mangunguna. I'm so proud of him, saksi ako sa lahat ng hirap niya.Atty. Khrus Trevor Sudalga.Ang sarap pakinggan.Nagkaroon ng malaking handaan sa mansiyon ng Sudalga at lahat ay imbitado. Madaming pumuri kay Khrus kaya sa mismong event hindi kami magkasama dahil madaming nakikisalamuha sa kaniya para e congratulate siya. Prente akong nakaupo sa table kung saan may anim na upuan."Hi! Ikaw ang girlfriend ni Khrus diba?" sumulpot ang babaeng hindi pamilyar sakin pero mukhang taga rito rin pero dahil subrang lawak ng lugar namin hindi lahat ng tao kilala ko."Hello" bati ko ron.Naupo siya sa katabing upuan ko na ikinabigla ko. Ako lang kasi ang natira sa table dahil umalis sina nanay at tatay para makisalamuha sa ibang tao ganon din ang mga magulang ni Khrus."So girlfriend ka nga?" Muntik nang mapataas ang kilay ko sa demanding ni
Days became weeks and weeks became months. Andaming nangyari, sa isang iglap biglang tapos na ang 1st sem, ngayong araw rin mismo ang board exam ni Khrus.Khrus is still courting me at wala pa akong planong sagutin siya, hindi rin naman siya nagmamadali. I'm not yet ready, ang paalala ni Krio sa akin ay nanatili sa utak ko.Pag-aaral muna bago jowa.Speaking of that man, minsan lang kami magkita at kung magkikita man ay hindi na kami nagpapansinan pa although sometimes I want to approach him but then we already talk about it. Moving-on season niya at hindi ko alam kung hanggan ngayon ay may nararamdaman pa siya sa akin. I never saw him talking with other girls maliban nalang kay Deia. Sa nagdaang buwan napapansin ko ang pagiging malapit nilang dalawa sa isa't isa."You'll pass the exam, sigurado ako diyan" kumbinse ko kay Khrus habang inaayos niya ang dadalhin para sa examination niya.He smile at me, lumapit siya sa akin at niyakap ako."Thank you for cheering me up! I know I can bu
Ilang beses akong napabuntong hininga habang tumititig sa harap ng salamin. Hindi dahil kinakabahan ako sa pageant, wala naman akong maramdamang kaba doon. Hindi ko lang talaga maipaliwanag sa sarili ko kung bakit ako ganito."Why are you nakasimangot? Smile! You look so pretty" pilit na napangiti ako sa salamin habang inaayos ni Deia ang buhok ko. Hindi ko alam na nakatingin pala siya sa akin.Nag volunteer siyang siya na ang mag-aayos sa akin kaysa daw sa magbayad pa kami ng mag-aayos sa akin. Ayoko sana dahil nahihiya ako pero talagang gusto niya kaya umoo na ako. Ngayon nakikita ko ang sarili ko, subra akong namamangha sa ginawa niya. Parang professional na artist ang nag-ayos sa akin!"Salamat, Deia. Ang ganda-ganda ko ngayon" sambit ko na ikinalingon niya sa akin. Hinawakan niya ang balikat ko at bahagyang dinikit ang pisnge niya sa akin sabay ngiti niya sa akin sa salamin."Thank you! I really like doing this with pretty girls. Maganda ka kaya nag-eenjoy akong ayusan ka" aniya
" Tara na Khrus" aya ko, agad siyang bumaling sa akin at napatango. Nagpaalam kami sa dalawa, saglit na nagtama ang tingin namin ni Krio tinanguan lang niya ako.Buong praktis ay hindi ako makapagfocus, napagalitan pa ako dahil masyado akong lutang at nagkakamali. Nakakahiya dahil nanood marami ang nanood." Are you alright?" Nag-aalalang tanong ni Khrus sa akin nang makapagpahinga kami sa praktis. Nakaupo kami sa gilid ng stage nang abutan niya ako ng tubig." Ayos lang, pagod lang siguro to" rason ko kahit hindi naman talaga iyon ang rason. Hindi ko rin naman alam sa sarili ko kung bakit ako nagkakaganito. Nahagip ng tingin ko si Krio at Deia na naguusap sa gilid habang kumakain ng street food. May pagkakataon pang nagtatawanan ang dalawa na parang sila lang dalawa ang nasa paligid. Kung hindi ko sila kilala ay iisipin kong magjowa sila.Napakagat labi ako dahil sa mga ala-alang bumabalik sa isipan ko.We used to be like that before. Nakikita ko ang sarili ko sa posisyon ni Deia ng
" Ilang araw ka ng lutang" bahagya akong napalingon kay Reesa sa sinabi niya. Isang linggo na ang nakalipas mula mong mag-umpisa ang klase kami na lagi ang magkasama. " Kinakabahan lang ako sa pageant" dahilan ko sabay iwas ng tingin sa kaniya." Oy, may praktis kayo later? nood ako!" Aniya sabay siko sakin, napatango nalang ako sabay simsim ng milktea na hawak ko.Sa susunod na linggo na ang fiesta at habang napapalapit ang araw ay mas lalo akong kinakabahan. Gabi-gabi na kami nagpapraktis, nakakapagod." Hindi ko na nakikita si Krio ah, busy?" halos masamid ako sa iniinom ko nang marinig ang tanong na yun kay Reesa. Agad kong kinalma ang sarili ko lalo't nakatingin siya sakin." O-Oo" napaiwas ako ng tingin sa kaniya pagkatapos ko yung sabihin. Napatango naman siya at mukhang kuntento sa sagot ko.Tuwing naririnig ko ang pangalan niya ay bigla nalang akong natataranta. Parang silang plakang umuulit sa isipan ko ang mga sinabi niya na hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala.
Hindi ko inalis ang malamig kong tingin sa kaniya habang humakbang ako papalapit sa posisyon niya. Naghuhurumintado ang puso sa di ko malamang dahilan. " Sabihin mo na ang gusto mong sabihin, may klase pa ako" malamig kong sabi. Napaiwas siya ng tingin. Umigting ang panga niya at malalim na napabuntong hininga. Mahigpit kong hinawakan ang shoulder bag ko at pigil-pigil ang sariling ihampas yun sa kaniya. Magsasalita ba siya o hindi? " Bilisan mo" madiin kong utos sa kaniya. Hinintay ko siyang magsalita. " Bahala ka diyan" inis kong sambit ng lang minuto segundo na ang nakalipas ay hindi parin siya umimik. Tinalikuran ko siya. Usap daw pero hindi naman pala magsasalita, may klase pa ako at hindi ako ang mag-aadjust para sa kaniya. " Ming" malambing na tawag niya na ikinahinto ko sa paghakbang. Inis akong lumingon sa kaniya dahilan para magsalubong ulit ang tingin namin. Humakbang siya palapit sa akin at hinawakan ang siko at marahan akong hinila palapit sa kaniya. Di na ako tum
Halos kutosin ko ang sarili ko sa pagkainis ng makitang ilang minuto nalang ay alas otso na. Unang araw sa klase ay malalate agad ako!Mabilis akong bumangon at naligo ng mabilis. Hindi pa nakakatulong ang ingay ni nanay na pinapagalitan ako mas lalo lang akong nataranta. Halos liparin ko na ang buong sulok ng bahay kakamadali ko." Nay nandiyan na ba si Krio?" tanong ko kay nanay nang lumabas ako sa kwarto ko dala-dala ang mga gamit ko sa eskwela. " Hindi napadaan si Krio dito" aniya na ikinahinto ko." H-Hindi po ba?" umiling si nanay at may pag-alalang tumingin sa akin." Ewan ko ba sa batang yan hindi na pumupunta dito, nakakapagtaka" umiwas ako ng tingin sa sinabi niya.Matamlay kong nilapag sa sala namin ang mga gamit ko sabay masid sa pintuan ng bahay namin.Hindi siya pumunta dito...Noon pa man ay sinusundo niya ako dahil gusto ko laging sabay kami. Nakakatampo.Ilang araw na siyang walang paramdam. Inaasahan ko na kahit ngayon manlang sa unang araw ng pasukan ay magkakasam
Pinagmasdan ko ang pag-alis niya hindi ako mapakali gusto ko siyang sundan. " Mace" napalingon ako sa likuran ko. Nagtama ang tingin namin ni Khrus at isang matamis na ngiti ang binigay niya sakin. Inabot niya ang dala niya napatingin ako don at nakangiting tinanggap yun galing sa kaniya." Salamat, nag-abala ka pa" " I told you I'll court you once I get back and I'm here now" sambit niya. Napakagat labi naman ako at di alam kung anong sasabihin. Napatitig lang ako sa kaniya at hinayaan siya sa ginagawa niya. He kiss my forehead." Kailan ka dumating? Di mo sinabi sakin" tanong ko nang magtama ulit ang tingin namin." Kaninang umaga lang" " Akala ko sa susunod na linggo pa ang dating mo"" It's a surprise. Did I surprise you?" napangiti ako sabay tango sa kaniya." You're so cute" aniya sabay marahang kurot sa pisnge ko na ikinanguso ko.Napalingon ako sa bahay ganon din siya." Ipapasok ko muna to sa loob. Hindi kasi kita pweding maaya sa loob ng bahay wala sina nanay at tatay" ta