" Aruy! alas dyes na pala!"
Lahat kami ay napatingin kay Krio sa lakas ng boses niya. Marahan naman akong pinakawalan ni Khrus habang ang mga mata niya ay nasa kaibigan namin.
" What's wrong bro?" tanong niya rito. Bumalik-balik naman ang tingin ni Krio sa cellphone niya at sa amin.
" Yung pagkain ng baboy na pinapabili ni tatay kailangan ko na palang bilhin baka magsara yung store, linggo pa naman ngayon" Napakamot batok siya at nahihiyang tinignan sina Ma'am Lysa at Sir Leo ganon din kay Khrus.
" Hindi ba yan pweding bukas nalang? We prepared food" sambit ni Sir Leo
" Kakadating ko lang, aalis ka agad"
" Eh, pasensiya na Sir, Khrus. Wala na kasi kaming stock. Kailangan ko tong bilhin ngayon. Babawi nalang ako sayo bro, date tayo bukas" aniya sabay tawa na ikinatawa rin ng tatlo ako naman ay napairap sa kasamaang palad ay nahuli niya ako.
" Ay selosa! wag kang mag-alaala iyong-iyo na yan" aniya na ikinaawang ng labi ko. Lumakas naman ang tawa ni Khrus kaya nahiya ako bigla.
Ililibing talaga kita ng buhay Crayon Anthony!
Dito pa talaga sa harap ng mga magulang ni Khrus!
Sisinghalan ko na sana siya nang biglang yumuko si Khrus at bumulong sa tainga ko!
" Don't worry I'm all yours" bulong niya na ikinapula ng pisnge ko.
Wait lang naman! Ang galing niyang magpakilig, abot-abot sa nucleus ng cells ko!
" Wala na, kinilig na talaga. Makaalis na nga rito" rinig kong sambit ni Krio kaya napalingon ulit kami sa kaniya. Nagpaalam siya sa mga magulang ni Khrus pati narin rito sa akin lang hindi.
Inis nalang talaga ata ang ambag ng lalakeng to sa buhay ko.
Pinagmamasdan ko siya habang naglalakad palapit sa tricycle niya nong hindi pa niya pinaandar ang sasakyan niya ay mabilis ko siyang tinawag na ikinalingon niya sa akin nang may pagtatakang mukha.
" Wait lang Khrus ha" paalam ko at tumakbo palapit kay Krio.
" May kailangan ka?" agap na tanong niya paglapit ko.
" Balik ka rito mamaya, sunduin mo ko" utos ko sa kaniya na ikinasimangot niya.
" Mahal ang gasolina ngayon. Kay Khrus ka nalang magpahatid" sinamaan ko siya ng tingin bago saglit na lumingon sa gawi ni Khrus na nakatayo sa harap ng pintuan ng bahay nila hinihintay ako. Wala na sina Ma'am Lysa at Sir Leo, mukhang pumasok na sa loob.
Bumaling ulit ako kay Krio. " Sige na kasi. Pagod si Khrus ngayon" napahawak siya sa dibdib niya umaktong nasasaktan.
" Ay wow! Kumusta naman ako, ang layo ng bayan tas uutusan mo pa akong balikan ka dito nakakapagod yun Meztli Royace"
" Parang di naman to kaibigan!" angal ko
" Abusado ka. Kinaibigan mo siguro ako dahil alam mong may motor at tricycle ako" napatawa naman ako sa sinabi niya at di naiwasang hampasin siya na ikinadaing niya.
" Ayan! nananakit pa nga" reklamo niya
Huminto ako sa pagtawa at hinawakan ang laylayan ng t-shirt niya hinihila-hila iyon ng mahina.
" Sige na kasi"
" Maglakad ka nalang. Ang arte mo" napasinghap ako sa sinabi niya.
" Kring naman!" hinila ko pa lalo ang t-shirt niya.
" Oo na! Pakawalan mo nga ang damit ko 400 bili ko nito sa shoppee nong nakaraan, tas sisirain mo agad" aniya kaya mabilis kong binitawan ang t-shirt niya. Infearness naman makapal ang tela.
" Bili moko turon ha" bilin ko. Nilahad niya naman sakin ang palad niya.
" Pera mo"
" Sa bahay ko na babayaran mamaya. Kuripot nito" sabi ki sabay tampal ng kamay niya. Tinignan niya ako na para bang ako ang pinakasinungaling na taong nakilala niya.
" Style mo bulok" sambit niya na ikinatawa ko." Ilan ba?"
" Sampo" tumango naman siya sa sagot ko at pinaandar na ang makina ng tricycle niya.
" Alis na ako, Ming" paalam niya. Ngumiti naman ako " Ingat, Kring" tinanguan niya lang ako bago tuluyan nang umalis.
Nilingon ko ang lalakeng kanina pa naghihintay sa akin. Tumakbo naman ako palapit sa kaniya at agad na nagsiklop ang kamay namin nong magdikit kami.
" Let's go inside" aya niya na ikinatango ko.
Dumiretso kami sa dinning area nila kung saan naghihintay ang mga magulang niya. Nagkwentuhan kami habang kumakain. Medyo naiilang pa ako at nahihiya sa una pero kalaunan ay nasanay narin ako sa presensiya ng lalakeng katabi ko. Ang dami niyang kwento tungkol sa pag-aaral niya sa Europe at mga pinagkakaabalahan niya roon.
Napapangiti nalang ako habang nagkukuwento siya.
Subrang proud ako sa mga accomplishments niya sa buhay. He graduated cumlaude with his course, Bachelor of Law in Political Science.
Nakakamangha ang katalinuhan niya. Board exam nalang at mayroon na akong abogado.
Kinikilig ako tuwing naiisip iyon. Khrus is totally a full package, maliban sa matalino, gwapo ay napakabait rin at mapagmahal na anak. Kaya nga ay hindi ako makapaniwala na gusto niya ako.
Pagkatapos ng Lunch namin ay inaya ako ni Khrus sa bakuran nila kung saan may malaking pool. Magkahawak kamay kaming dalawa habang naglalakad papunta ron at tuwing magtatama ang tingin namin ay nginitian niya ako ako naman ay napapaiwas ng tingin dahil hindi ko kinakaya ang ganda ng ngiti niya.
" Naiilang ka ba?" tanong niya nang tuluyan kaming nakaupo sa may kalakihang fountain na nandito rin sa bakuran nila.
" Medyo.." pag-amin ko na ikinatawa niya ng mahina. Tuwing ginagawa niya yon ay mas lalong siyang nakakaattract sa paningin ko.
" Why? do I look intimidating?" hindi pero subrang gwapo mo.
" Naninibago lang siguro.." sambit ko na ikinakunot ng noo niya.
" Walang namang bago, ikaw parin naman" napaawang labi ko sa sinabi niya ramdam ko rin ang pagpula ng pisnge ko siya naman ay ngisi-ngising nakatitig sa akin. Alam na alam niya talaga kung paano ako kunin.
" N-Napakabolero mo parin kahit kailan!" singhap ko.
" Pambobola ba yun? I'm telling the truth" kahit na nakakalukong ngiti ang binibigay niya sa akin ay nakikitaan ko naman ng kaseryosohan ang mga mata niya.
" Hindi malabong may magustuhan kang iba sa Europe" sabi ko na kaagat niyang ikinailing.
" I know I'm handsome and I can't stop girls for liking me but I promise cross my heart walang kahit sinong babae ang nakakuha ng atensiyon ko roon"
Habang nagsasalita siya ay pinaglalaruan niya ang kamay ko.
" Naniniwala ka ba sakin?" tanong niya bago inangat ang kamay ko para halikan. Ngumiti ako sabay tango.
" Hindi na ako aalis sa tabi mo. Those years are enough separation for us"
" Subrang proud ako sayo" sambit ko
" I'm proud of you too" hinigit niya ako palapit lalo sa kaniya at niyakap ako.
Wala kaming ginawa doon kundi mag-usap ng kung ano-anong bagay. May ibinigay din soya sa aking mamahaling kwentas na hindi ko sana tanggapin pero mapilit siya. Pasalubong niya raw at regalo narin sa mga nagdaang kaarawan ko na wala siya.
" It looks pretty on you, bagay sa suot mo" wika niya pagkatapos isuot ang kwentas sa akin na may pindat na silver na puso. Subrang ganda nito yun ngalang ay mukhang mamahalin.
" Salamat"
Pasado alas singko na ng hapon nong dumating si Krio akala ko nga ay di na darating kaya nagpresinta si Khrus na ihahatid niya ako pero tumanggi ako.
Pagod pa siya sa byahe. Sapat nang binigyan niya ako ng oras para makapag-usap kaming dalawa imbis na ipapahinga niya sana yun.
Hindi naman agad kaming umalis ni Krio don dahil tinawag siya ni Khrus. May pinag-usapan silang dalawa at may binigay din si Khrus sa kaniya.
" Oyy! Ayos to ah!" masiglang sambit ni Krio nang buksan ang itim na box na naglalaman ng mamahaling relo na pasalubong ni Khrus sa kaniya.
" Salamat bro"
" This too, para kay Mang Anton " wika ni Lhrus sabay abot ng pahabang shopping bag na may tatak ng brand ng alak.
" Salamat ulit, matutuwa si tatay nito" tumango si Khrus bago bumaling sa akin na parang may gustong sabihin bago kami umalis.
Rinig ko ang tikhim ni Krio kaya napalingon ako sa kaniya.
" Una na ako sa labas, hihintayin nalang kita ron" anito kaya tumango ako bago soya tuluyang umalis. Tinanaw ko pa ang paglayo niya sa amin.
" About my present for your parents.." napalingon ako kay Khrus nang magsalita siya. " I want to personally give it to them bukas, pupunta ako sa inyo" napaawang ang labi ko sa sinabi niya.
Bukas agad?!
Ngumiti siya ng malapad sa akin " pwedi ba?"
Tumikhim ako bago magsalita " S-Sige"
Mapapaoplan linis bahay ata ako ng di oras!
Alangan namang tanggihan ko!
" See you tomorrow then..Thank you for your time" Napaawang ulit ang labi ko nang halikan niya ako sa pisnge.
" Bye for now"
" B-Bye.." hulog na hulog na nga ata ako.
Agad akong tumalikod at halos takbuhin ko na ang labasan nila sa subrang kilig na nararamdaman ko!
Subrang lawak ng ngiti ko nong makasalunong ko ang tingin ni Krio na nakaupo sa motor ng tricycle niya, hinihintay ako. Kumunot naman ang noo niya sa akin.
Napagkamalan na siguro akong baliw ng isang to.
" Oh? kayo na?" bungad niya pagkalapit ko sa kaniya. Agad na nagbago ang mood ko sa sinabi niya. Ang epal nito magtanong.
" Hindi pa!" hindi pa nga nanliligaw..." Pero hinalikan niya ako sa pisnge Kring!" tumili ako at tumawa, bahagya ko pang sinilip ang bahay nila at baka nandon pa pala si Khrus, mukhang ingot pa naman ako ngayon!
Tinaasan naman ako ng kilay ng loko at pinitik ang noo ko. Aba't!
" Talandi ka! Hindi pa nga kayo nagpapahalik ka agad!" singhal niya sa akin kaya hinampas ko siya.
" Kakaoffend ka magsalita! Cheeks lang naman!" nagmake face siya sakin kaya natawa ako.
Ano pa bang aasawahan ko sa isang to.
" Wala ka talagang kwentang kausap" reklamo ko sabay sakay sa tricycle niya. Sa unahan ako pumwesto. Hindi naman niya ako tinantanan ng tingin kaya napataas ang kilay ko.
" Pag ikaw nabuntis ha" pambabanta niya na ikinaawang ng labi ko.
Para talaga siyang kuya ko kung magsalita!
" Hindi nga nanliligaw yung tao nasa pregnancy stage kana agad!" singhap ko
" Basta ba umayos-ayos ka lang, susumbong kita sa mga magulang mo" parang batang panakot niya sa akin kaya natawa ako. Pinaadar na niya ang makina ng tricycle niya at tuluyan na kaming umalis sa mansiyon ng mga Sudalga.
" Yung turon ko?" tanong ko nang maalala ang pinabili ko sa kaniya. Nginuso niya naman yung lagayan ng gamit nila sa harap kaya binuksan ko iyon. Mainit-init pa yung turon nang mahawakan ko kaya bumaling ako sa kaniya.
" Kakabili ko lang niyan bago pumunta rito" sagot niya agad kahit hindi pa ako nagtatanong. Nakafocus lang siya sa pagdadrive at hindi ako binalingan ng tingin.
" Salamat Kring!" masaya kung nginuya ang turong hawak ko, paborito ko talaga to. Bumaling ulit ako kay Krio at inangat ang kamay kong mayhawak na turon palapit sa labi niya.
" Ah" kumagat siya roon pagkatapos ay ako rin.
Bumaling ulit ako sa unahan at habang bumabyahe ay hindi ko nanaman maiwasang isispin ang nangyari kanina. Kusang ngumingiti ang labi ko at para akong tangang kinilig parin.
" Ganiyan na ganiyan yung aso namin noon bago mamatay, ngiti nang ngiti" napahinto ako bago balingan si Krio na nakangisi na nakatuon sa harap.
Inirapan ko siya. Lakas niyang mang-asar palibhasa walang lovelife.
Nakakapagtaka ngang ang daming nagkakagusto sa kaniya rito sa Victorina pero ni minsan di ko siya nakitang nakipagfling man lang o nang-entertain ng babae. Magkasing tangkad lang sila ni Khrus, yung ngalang ay maputi yun kaysa sa kaniya. Kayumanggi ang kulay niya pero makinis na ipinagtataka ko dahil palagi siyang nasa farm nila at madami siyang ginagawa paanong makinis parin ang kutis ng lalaking to?
Subrang itim ng buhok niyang nakahawi pataas at sakto lang ang haba, pulang-pula din ang labi niya at makapal ang kilay at pilik mata. Almond din ang hugis ng mga mata niya at subrang lalim at matalim iyong kung tititigan. Ganon din kay Khrus, napakaattractive ng mga mata nila nag-iba lang sa kulay. Itim na itim ang kulay ng mata ni Krio habang kay Khrus naman ay brown.
They're both attractive, loko-loko lang talaga ang isa.
" Wag ka muna umalis! pupunta ako sa inyo, bibisitahin ko yung mga idik na hiningi ko kay Tay Anton!" sabi ko sabay labas sa tricycle, hindi ko na hinintay ang reaksiyon niya at tumakbo papasok sa bahay.
Wala pa sina nanay at tatay mukhang gagabihin nanaman ang dalawang yun. Nagtungo na ako sa kwarto ko at nagbihis ng pambahay. Hindi rin ako nagtagal dahil alam kong kanina pa naiinis ang lokong yun sa akin.
Puro reklamo pero susunod rin naman.
" Pwedi naman kasing dumeritso sa bahay na ganon ang suot, nagbihis pa talaga" reklamo niya.
" Gusto mong bumukaka ako ron sa kulungan ng baboyan niyo nang nakadress?!"
" Ay! sino bang nagsabi na magdress ka?ha?" inis ko siyang inismiran bago sumakay ulit sa tricycle niya.
" Bakit ba kita naging kaibigan?" bulong-bulong ko pero alam ko namang maririnig niya parin.
" Nagtataka rin ako" aniya, kaya sinamaan ko siya ng tingin. Tinitigan ko siya, ganon din siya maya-maya ay tinawanan ako ng loko.
" Kailang kaya kita makakausap ng matino?" umakto akong napapagod. Sinundot-sundot niya ang pisnge ko.
" Magtino ka muna"
" Crayon Anthony!" hinawi ko ang kamay niya sa inis. " Paandarin mo na to!"
Tumawa lang siya at umalis na nga kami papunta sa bahay nila. Pagpasok namin sa bakuran nila ay pinarada na nga niya ang tricycle niya sa gilid ng bahay nila. Sabay kaming naglakad papasok sa bahay nila na sementado at simply rin katulad ng sa amin pero mas malaki itong kanila. Malawak rin ang bakuran nila at may mga bulaklak sa gilid at malinis. Hindi halatang dalawang lalake ang naninirahan dito sa subrang ganda ng pahay nila.
" Tay? nandito nako, kasama yung ampon niyo" wika ni Krio pagpasok namin sa bahay nila. Siniko ko naman siya dahil sa kalokohan niya. Maya-maya ay lumabas si Tay Anton galing sa kusina nila. Agad siyang ngumiti nang makita ako.
" Aba! ang maganda kong anak!" sambit niya, nagmano naman ako sa kaniya sumunod ay si Krio.
" Bibisitahin daw yung idik na hinihingi niya. Bigay niyo yung pinakamaliit at payat"
" Tay oh!" para akong batang nagsusumbong. Tumawa naman si Tay Anton at inakbayan kaming dalawa.
" Ikaw nga Anthony wag mong inaasar-asar tong si Mace"
Nagdidilim na ang kalangitan nong bisitahin namin ang farm nila na hindi naman kalayuan sa bahay nila. Nagdala lang kami ng flashlight at may ilaw naman kasi don sa maliit na piggery nila.
" So cutiee naman!" nagniningning ang mga mata ko habang pinagmamasdan ang mga maliliit na idik na dumidede sa inahin nila. Ang dami nila!
Naagaw ng pansin ko ang isang kulay itim, siya nag pinakamalikot sa kanila.
" Tay! Gusto ko yung kulay itim na subrang likot, kamukha ni Krio" pang-aasar ko sa lalakeng katabi ko na kinunotan ako ng noo.
Tumawa naman si Tay Anton sa sinabi ko.
" Dalawa diba?" nakangising tanong na sa akin ng loko. May raramdaman akong hindi maganda.
" Ako ang pipili!" aniya sabay baling sa mga idik.
" Ay
un!" turo niya sa isang idik na nakahiga sa sulok mukhang busog na busog na dahil ang laki ng tiyan.
" Yan! yung pinakamaarteng idik na yan! sanggol palang maarte na!, magkatulad kayo!"
wika niya na ikinairap ko.
Sabi ko na eh.
" Maayos na ba ang lahat?" si nanay habang natatarantang inaayos ang plato't pinggan sa mesa namin na kanina pa naman nakaayos.Mas excited pa ata siya sa akin sa pagdating ni Khrus. Biglang nagbago ang itsura ng bahay dahil sa kagagawan niya. Mula sa kurtina ng bintana, sa mga muwebles at sahig na kumikinang na pwedi nang salaminan, ang sala ay talagang nilinis ng maigi pati narin ang kusina namin. Pati nga ang mga kwarto namin ay malinis din akala mo naman ay may magaganap na house tour." Itong nanay mo masyadong praning, akala mo ay mamanhikan na si Khrus sayo kung makaasta" reklamo ni tatay pero ngiti-ngiting pinagmamasdan si nanay. Ako naman ay namula sa sinabi ni tatay, kahit na biro lang yun ay di maiiwasan na maapektuhan parin ako." Tatay naman eh" napalingon naman si tatay sa akin at tinawanan ako. May sasabihin sana siya pero tinawag siya ni nanay kaya alerto siyang sumunod.Tinignan ko ang oras sa nakasabit naming wall clock sa sala at makitang mag-aalas onse na ay napabun
Alas kwatro na nang magising kami ni Krio. Pagkatapos namin mag-usap ay nakatulog kaming pareho. Hilig na naming gawin yun noon pa man at sa halos 15 years naming pagkakaibigan ay nasanay na kami sa isa't isa kaya hindi maiwasang mag-alala sa sinabi niya.Kailangan niya bang iwan ako para lang don? Nakakatampo, ano pa't naging matalik kaming magkainigan kung iiwan niya rin pala ako sa huli. Inaway ko siya pagkatapos sabihin yun pero tinawanan lang ako ng loko. Lakas mang-inis pero subra naman kung mag-alala." Ako ang magluluto tay Anton!" presenta ko nang sabihin niyang balak niyang magluto ng kamoteque para sa meryenda namin." Abay sige! nakahanda narin naman ang lulutuin doon sa mesa. Magpatulong ka nalang kay Anthony sa pagluluto" napatango ako sa sinabi niya at sakto naman non ay ang pagdating ni Krio na bagong ligo at nasa balikat pa ang damit." Anthony, tulungan mo tong si Mace sa pagluto ng meryenda at may pupuntahan ako" bumaling muna sakin si Krio bago tumango sa tatay ni
" Till next date again?" Napakagat labi ako at napatango sa sinabi niya.Nasa tapat kami ng bahay namin ngayon, hinatid niya ako. Alas singko na rin ng hapon ng napagdesisyonan naming umuwi na.Hinawakan niya ang kamay ko, napatingin ako don." Did you enjoy?" inangat ko ang tingin ko sa kaniya sabay ngiti.Tumango ako. " Subra!, Salamat pala...di ko inaasahan na doon mo ako dadalhin" " I'm glad your happy" hinaplos niya ang kamay ko at tinitigan ako ng maigi sa mata." I'll make sure our second date will be more memorable but I can't still know when. Madalas na ang pag-alis ko sa mansiyon, I'll start may review na at sa Manila pa yun" nakaramdam ako ng lungkot sa sinabi niya pero tumango ako at ngumiti parin. Syimpre suportado ko lahat ng ginagawa niya, hindi naman kami at ayos lang kahit di niya na sabihin pa ang mga gagawin at ginagawa niya pero hindi niya hinahayaan na wala akong alam sa mga ginagawa niya araw-araw." Galingan mo sa review mo ha, proud ako palagi sayo! Tatandaa
Linggo ngayon.Naghihikab ako habang naglalakad palapit kay Krio na naghihintay sa tricycle niya. Nakataas ang kilay niyang binabatayan ang bawat galaw ko.Nakabrown polo, white na maong pants at jordan na sapatos. Magkakulay pa ang polo niya at ang suot kong puff dress. Nakaputing sandals din ako kaya na kakulay naman ng pantalon niya. Magkadugtong ata ang mga pusod namin at kahit sa suot ay kahit di namin pinaplano ay aksidenteng nagkakapareho kami.Sumakay ako sa loob ng tricycle niya habang siya naman ay hindi tinatanggal ang tingin sakin. " Anong mukha yan Meztli Royace?" napaangat ang tingin ko sa kaniya." Maganda" napasimangot siya sabay iwas ng tingin sakin." Wala na sira na ang araw ko" Napairap ako sa sinabi niya at humalukipkip nalang sa inuupuan ko. Hindi parin niya pinapaandar ang tricycle kaya taka ko siyang binalingan ulit ng tingin saktong sa akin din pala siya nakatingin." Nag-away ba kayo? Ang sama ng mukha mo, mas lalo kang pumangit" Hindi ko talaga gusto ang
Tanghali na ako nagising kinaumagahan.Imbis kasi matulog ay nagbardagulan pa kami ni Krio sa text. Sa wakas naisipan niyang i-unblock ako, loko-lokong yun.Pag-gising ko nga ay wala sa ang mga magulang ko. Hindi na ako nakapagpaalam man lang sa kanila.Ang daldal kasi ng lokong yun, hindi nauubusan ng ikukwento, eh palagi naman kaming magkasama.Napabuntong hininga nalang ako habang nakatitig sa maliit naming tv, wala akong magawa kaya nanonood nalang ako ng kung ano-ano. Wala rin naman ako sa mood lumabas para pumunta kina Krio, alam ko namang busy sila sa farm nila dahil lunes ngayon." Tao po! Aling Lea? Mang Sandro?" Mabilis akong pumunta sa pintuan ng bahay namin nang marinig ko ang tumawag." Sino po yan?" tawag ko habang binubuksan ang pinto. Agad akong napangiti ng maaninag ko kung sino ang tumatawag, ganon din siya nang makita ako." Hi Mace!"" Ate Sam!" Niluwagan ko ang bukas ng pintuan namin at pinapasok siya." Thank you! Buti at ikaw ang naabutan ko!" aniya, pinaupo ko
" Ang init Kring!" reklamo ko habang nagpaypay gamit ang enrollment form na hawak ko.Miyerkules na nga kami nag-enroll marami parin talagang istudyanteng nakapila sa registrar. Mukhang mas maganda atang unang araw nalang kami ng enrollment pumunta dahil iba na ang mindset ng mga istudyante ngayon. " Usog ka rito" utos niya sabay hila sakin palapit sa kaniya. Nakapayong naman kami pero may singaw parin ng araw.Pinaypayan niya ang sarili niya kasama ako kaya kahit papano ay naging ok ang pakiramdam ko. Malapit narin naman ang number naming pareho kaya siguro matatapos pa kami bago pa ako mahimatay rito.Halos isang oras kaming naghintay bago kami tuluyang natapos. Bumalik ulit kami sa kaniya-kaniya naming department para magpasa ng copy. Hinatid muna ako ni Krio at mamaya ay susunduin niya rin ako dahil wala akong payong nadala." Chat mo ko kung nasaan ka" huling sinabi niya bago siya umalis." Hi Mace!" bati sakin ni Reesa sabay lingon sa likuran ko at bumalik ulit ang tingin sakin
Hindi maalis sa isip ko lahat ng sinabi ni Krio. Pilit ko ring inaalala kung kilala ko ba ang babaeng gusto niya. Hinalughog ng utak ko lahat nang senaryo na magkasama kami kung meron ba itong babaeng na nilapitan.Sa dami ng babaeng lumalapit sa kaniya di ko maisa-isa. Halos di ako ako makatulog kakaisip sa walang kwentang bagay na yun ni hindi ko na makausap ng mabuti si Khrus kagabi dahil lumutang ang isip ko.Nakakahiya tuloy kay Khrus. Minsan lang nga kung mag-usap kami ng tao hindi ko pa makausap ng maayos.Napabuntong hininga nalang ako at kinalimutan ang iniisip ko.Isang Linggo nalang at balik klase na naman kaya heto kami't bumibili ng mga gamit namin para sa eskwela. Panibagong unos sa buhay nanaman ang mararanasan ko ngayon taon." 20 pesos? Ang mahal naman para sa isang simpleng ballpen lang" reklamong bulong ko sabay balik ng ballpen na hawak ko sa lalagyan niyo at pumili nalang ng mas mura. Nakabudget ang pera ko kaya maingat ako sa kung ano ang mga binibili ko." 50 pe
Pinagmasdan ko ang pag-alis niya hindi ako mapakali gusto ko siyang sundan. " Mace" napalingon ako sa likuran ko. Nagtama ang tingin namin ni Khrus at isang matamis na ngiti ang binigay niya sakin. Inabot niya ang dala niya napatingin ako don at nakangiting tinanggap yun galing sa kaniya." Salamat, nag-abala ka pa" " I told you I'll court you once I get back and I'm here now" sambit niya. Napakagat labi naman ako at di alam kung anong sasabihin. Napatitig lang ako sa kaniya at hinayaan siya sa ginagawa niya. He kiss my forehead." Kailan ka dumating? Di mo sinabi sakin" tanong ko nang magtama ulit ang tingin namin." Kaninang umaga lang" " Akala ko sa susunod na linggo pa ang dating mo"" It's a surprise. Did I surprise you?" napangiti ako sabay tango sa kaniya." You're so cute" aniya sabay marahang kurot sa pisnge ko na ikinanguso ko.Napalingon ako sa bahay ganon din siya." Ipapasok ko muna to sa loob. Hindi kasi kita pweding maaya sa loob ng bahay wala sina nanay at tatay" ta
"You bitch! Kanina pa ako nanggigigil sayo! Come here!" naputol ang kung ano mang koneksiyong nararamdaman ko sa lalakeng kaharap ko nang marinig ko ang sigaw ni Deia at ang tili ng isang babae. Hila-hila na ni Deia ang buhok ni Iris at kinaladkad ito papunta sa pool kung saan walang maapektuhang gamit."Aw! Bitiwan mo ako!" sigaw naman ng isa na halos madapa na."Deia!" malakas at may babalang sigaw ni Khrus at sinundan si Deia para awatin. Lahat ng tao ay nakatingin na sa dalawang babae, hindi ko rin naiwasang lumapit sa nag-aaway para rin sana umawat pero bago ko pa magawa yun ay may humawak na sa braso ko para pigilan ako."Wag kang lumapit don, madadamay ka" inangat ko ang tingin ko para makita kung sino ang humawak sa akin. May kung anong bumalot na mainit na pakiramdam sa puso ko nang mapagtantong si Krio iyon."Kailangan natin awatin si Deia" sambit ko sa kaniya. Tinaasan niya ako ng kilay na parang hindi siya sumasang-ayon sa sinabi ko."Kaya na ni Khrus yan" kampanteng saad
Khrus pass the board exam not just past but he top the exam. Tuwang-tuwa ang mga magulang niya. He also cried kahit siya ay di makapaniwala na siya ang mangunguna. I'm so proud of him, saksi ako sa lahat ng hirap niya.Atty. Khrus Trevor Sudalga.Ang sarap pakinggan.Nagkaroon ng malaking handaan sa mansiyon ng Sudalga at lahat ay imbitado. Madaming pumuri kay Khrus kaya sa mismong event hindi kami magkasama dahil madaming nakikisalamuha sa kaniya para e congratulate siya. Prente akong nakaupo sa table kung saan may anim na upuan."Hi! Ikaw ang girlfriend ni Khrus diba?" sumulpot ang babaeng hindi pamilyar sakin pero mukhang taga rito rin pero dahil subrang lawak ng lugar namin hindi lahat ng tao kilala ko."Hello" bati ko ron.Naupo siya sa katabing upuan ko na ikinabigla ko. Ako lang kasi ang natira sa table dahil umalis sina nanay at tatay para makisalamuha sa ibang tao ganon din ang mga magulang ni Khrus."So girlfriend ka nga?" Muntik nang mapataas ang kilay ko sa demanding ni
Days became weeks and weeks became months. Andaming nangyari, sa isang iglap biglang tapos na ang 1st sem, ngayong araw rin mismo ang board exam ni Khrus.Khrus is still courting me at wala pa akong planong sagutin siya, hindi rin naman siya nagmamadali. I'm not yet ready, ang paalala ni Krio sa akin ay nanatili sa utak ko.Pag-aaral muna bago jowa.Speaking of that man, minsan lang kami magkita at kung magkikita man ay hindi na kami nagpapansinan pa although sometimes I want to approach him but then we already talk about it. Moving-on season niya at hindi ko alam kung hanggan ngayon ay may nararamdaman pa siya sa akin. I never saw him talking with other girls maliban nalang kay Deia. Sa nagdaang buwan napapansin ko ang pagiging malapit nilang dalawa sa isa't isa."You'll pass the exam, sigurado ako diyan" kumbinse ko kay Khrus habang inaayos niya ang dadalhin para sa examination niya.He smile at me, lumapit siya sa akin at niyakap ako."Thank you for cheering me up! I know I can bu
Ilang beses akong napabuntong hininga habang tumititig sa harap ng salamin. Hindi dahil kinakabahan ako sa pageant, wala naman akong maramdamang kaba doon. Hindi ko lang talaga maipaliwanag sa sarili ko kung bakit ako ganito."Why are you nakasimangot? Smile! You look so pretty" pilit na napangiti ako sa salamin habang inaayos ni Deia ang buhok ko. Hindi ko alam na nakatingin pala siya sa akin.Nag volunteer siyang siya na ang mag-aayos sa akin kaysa daw sa magbayad pa kami ng mag-aayos sa akin. Ayoko sana dahil nahihiya ako pero talagang gusto niya kaya umoo na ako. Ngayon nakikita ko ang sarili ko, subra akong namamangha sa ginawa niya. Parang professional na artist ang nag-ayos sa akin!"Salamat, Deia. Ang ganda-ganda ko ngayon" sambit ko na ikinalingon niya sa akin. Hinawakan niya ang balikat ko at bahagyang dinikit ang pisnge niya sa akin sabay ngiti niya sa akin sa salamin."Thank you! I really like doing this with pretty girls. Maganda ka kaya nag-eenjoy akong ayusan ka" aniya
" Tara na Khrus" aya ko, agad siyang bumaling sa akin at napatango. Nagpaalam kami sa dalawa, saglit na nagtama ang tingin namin ni Krio tinanguan lang niya ako.Buong praktis ay hindi ako makapagfocus, napagalitan pa ako dahil masyado akong lutang at nagkakamali. Nakakahiya dahil nanood marami ang nanood." Are you alright?" Nag-aalalang tanong ni Khrus sa akin nang makapagpahinga kami sa praktis. Nakaupo kami sa gilid ng stage nang abutan niya ako ng tubig." Ayos lang, pagod lang siguro to" rason ko kahit hindi naman talaga iyon ang rason. Hindi ko rin naman alam sa sarili ko kung bakit ako nagkakaganito. Nahagip ng tingin ko si Krio at Deia na naguusap sa gilid habang kumakain ng street food. May pagkakataon pang nagtatawanan ang dalawa na parang sila lang dalawa ang nasa paligid. Kung hindi ko sila kilala ay iisipin kong magjowa sila.Napakagat labi ako dahil sa mga ala-alang bumabalik sa isipan ko.We used to be like that before. Nakikita ko ang sarili ko sa posisyon ni Deia ng
" Ilang araw ka ng lutang" bahagya akong napalingon kay Reesa sa sinabi niya. Isang linggo na ang nakalipas mula mong mag-umpisa ang klase kami na lagi ang magkasama. " Kinakabahan lang ako sa pageant" dahilan ko sabay iwas ng tingin sa kaniya." Oy, may praktis kayo later? nood ako!" Aniya sabay siko sakin, napatango nalang ako sabay simsim ng milktea na hawak ko.Sa susunod na linggo na ang fiesta at habang napapalapit ang araw ay mas lalo akong kinakabahan. Gabi-gabi na kami nagpapraktis, nakakapagod." Hindi ko na nakikita si Krio ah, busy?" halos masamid ako sa iniinom ko nang marinig ang tanong na yun kay Reesa. Agad kong kinalma ang sarili ko lalo't nakatingin siya sakin." O-Oo" napaiwas ako ng tingin sa kaniya pagkatapos ko yung sabihin. Napatango naman siya at mukhang kuntento sa sagot ko.Tuwing naririnig ko ang pangalan niya ay bigla nalang akong natataranta. Parang silang plakang umuulit sa isipan ko ang mga sinabi niya na hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala.
Hindi ko inalis ang malamig kong tingin sa kaniya habang humakbang ako papalapit sa posisyon niya. Naghuhurumintado ang puso sa di ko malamang dahilan. " Sabihin mo na ang gusto mong sabihin, may klase pa ako" malamig kong sabi. Napaiwas siya ng tingin. Umigting ang panga niya at malalim na napabuntong hininga. Mahigpit kong hinawakan ang shoulder bag ko at pigil-pigil ang sariling ihampas yun sa kaniya. Magsasalita ba siya o hindi? " Bilisan mo" madiin kong utos sa kaniya. Hinintay ko siyang magsalita. " Bahala ka diyan" inis kong sambit ng lang minuto segundo na ang nakalipas ay hindi parin siya umimik. Tinalikuran ko siya. Usap daw pero hindi naman pala magsasalita, may klase pa ako at hindi ako ang mag-aadjust para sa kaniya. " Ming" malambing na tawag niya na ikinahinto ko sa paghakbang. Inis akong lumingon sa kaniya dahilan para magsalubong ulit ang tingin namin. Humakbang siya palapit sa akin at hinawakan ang siko at marahan akong hinila palapit sa kaniya. Di na ako tum
Halos kutosin ko ang sarili ko sa pagkainis ng makitang ilang minuto nalang ay alas otso na. Unang araw sa klase ay malalate agad ako!Mabilis akong bumangon at naligo ng mabilis. Hindi pa nakakatulong ang ingay ni nanay na pinapagalitan ako mas lalo lang akong nataranta. Halos liparin ko na ang buong sulok ng bahay kakamadali ko." Nay nandiyan na ba si Krio?" tanong ko kay nanay nang lumabas ako sa kwarto ko dala-dala ang mga gamit ko sa eskwela. " Hindi napadaan si Krio dito" aniya na ikinahinto ko." H-Hindi po ba?" umiling si nanay at may pag-alalang tumingin sa akin." Ewan ko ba sa batang yan hindi na pumupunta dito, nakakapagtaka" umiwas ako ng tingin sa sinabi niya.Matamlay kong nilapag sa sala namin ang mga gamit ko sabay masid sa pintuan ng bahay namin.Hindi siya pumunta dito...Noon pa man ay sinusundo niya ako dahil gusto ko laging sabay kami. Nakakatampo.Ilang araw na siyang walang paramdam. Inaasahan ko na kahit ngayon manlang sa unang araw ng pasukan ay magkakasam
Pinagmasdan ko ang pag-alis niya hindi ako mapakali gusto ko siyang sundan. " Mace" napalingon ako sa likuran ko. Nagtama ang tingin namin ni Khrus at isang matamis na ngiti ang binigay niya sakin. Inabot niya ang dala niya napatingin ako don at nakangiting tinanggap yun galing sa kaniya." Salamat, nag-abala ka pa" " I told you I'll court you once I get back and I'm here now" sambit niya. Napakagat labi naman ako at di alam kung anong sasabihin. Napatitig lang ako sa kaniya at hinayaan siya sa ginagawa niya. He kiss my forehead." Kailan ka dumating? Di mo sinabi sakin" tanong ko nang magtama ulit ang tingin namin." Kaninang umaga lang" " Akala ko sa susunod na linggo pa ang dating mo"" It's a surprise. Did I surprise you?" napangiti ako sabay tango sa kaniya." You're so cute" aniya sabay marahang kurot sa pisnge ko na ikinanguso ko.Napalingon ako sa bahay ganon din siya." Ipapasok ko muna to sa loob. Hindi kasi kita pweding maaya sa loob ng bahay wala sina nanay at tatay" ta