Home / Romance / Sky's Love / Chapter 5

Share

Chapter 5

Author: rskitane
last update Last Updated: 2023-10-14 08:01:09

Linggo ngayon.

Naghihikab ako habang naglalakad palapit kay Krio na naghihintay sa tricycle niya. Nakataas ang kilay niyang binabatayan ang bawat galaw ko.

Nakabrown polo, white na maong pants at jordan na sapatos. Magkakulay pa ang polo niya at ang suot kong puff dress. Nakaputing sandals din ako kaya na kakulay naman ng pantalon niya. 

Magkadugtong ata ang mga pusod namin at kahit sa suot ay kahit di namin pinaplano ay aksidenteng nagkakapareho kami.

Sumakay ako sa loob ng tricycle niya habang siya naman ay hindi tinatanggal ang tingin sakin. 

" Anong mukha yan Meztli Royace?" napaangat ang tingin ko sa kaniya.

" Maganda" napasimangot siya sabay iwas ng tingin sakin.

" Wala na sira na ang araw ko" 

Napairap ako sa sinabi niya at humalukipkip nalang sa inuupuan ko. Hindi parin niya pinapaandar ang tricycle kaya taka ko siyang binalingan ulit ng tingin saktong sa akin din pala siya nakatingin.

" Nag-away ba kayo? Ang sama ng mukha mo, mas lalo kang pumangit" 

Hindi ko talaga gusto ang tabas ng dila ng lalakeng to minsan. 

Sa inis ko ay kinurot ko ang hita niya kahit na di ko naman masyadong makurot dahil makapal ang pantalon niya. Para masatisfy sinapak ko nalang ng malakas ang hita niya na ikinadaing niya.

" Ayan! diyan ka magaling, ang saktan ako" pagdadrama niya habang hinahaplos ang hita niya. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

" Anong oras yung simba Krio?" inis kong tanong

" Alas nuebe?" naguguluhan niyang sagot, mas lalong tumalim ang tingin ko sa kaniya.

" Anong oras palang?" naguguluhang tumingin siya sa relo niya.

" Alas sais y medya" simpleng sagot niya sakin.

" Oh? At magtatanong ka kung bakit ganito ang mukha ko?! Ang aga-aga pinagising mo ang natutulog kong kaluluwa! Ang sarap-sarap ng tulog ko eh!" 

Padabog akong umayos ng upo.

" Hindi na ako nakapag-almusal man lang dahil pinagmamadali ako ni nanay" reklamo ko

Alas sais ng y medya, anong gagawin namin sa simbahan ng ganon ka aga?? 

Ewan ko talaga sa utak ng lalakeng to. Maaga palang pupunta sana sinabi niya agad edi nakapaghanda ako. 

" Ay, pasensiya na senyora naabala ko pa ang tulog mo. Tawag kasi dito early bird" bumaling ulit ako sa kaniya siya naman ay aliw na aliw na pinagmamasdan ako.

" At isa pa, date natin to kay Lord syimpre dapat excited tayo. Kung gaano ka kaexcited nong date niyo ni Khrus dapat ganito ka din ngayon. Taong to, masamang ugali yan. It's better to be early than never, gets mo?" 

" Edi dapat nagsabi ka agad diba?"

" Hindi ka ba marunong makiramdam? Ako kasi alam na alam ko kung kailan ka dadating sa bahay. Pagsumasama ang pakiramdam ko at lumalamig na ang hangin alam kong paparating ka na" 

Ang sama ng ugali ng lalakeng to. 

" Yang utak mo Krio may lumot" inis kong sambit. Natawa nalang siya sabay paandar ng makina ng tricycle niya.

" Wag kang mag-alala mag-aalmusal muna tayo bago dumeritso sa church. Libre ko na, kawawa ka naman" napanguso ako sa sinabi niya.

" Ako magdedesisyon kung saan ha?" panigurado ko. 

" Yes ma'am" napangiti ako sa sinabi niya. Bago kami tuluyang umalis ay nagpaalam muna kami kina nanay at tatay. Magsisimba din sila pero mauuna lang kami dahil sa kabaliwan ng lalakeng to. Mayroon naman kaming motor, yun ang ginagamit ng mga magulang ko pag pumupunta silang trabaho.

Dalawapung minuto bago namin tuluyang naabot ang bayan. Tulad ng sinabi ni Krio ay pumunta muna kami sa kainan para mag-almusal.

" Kring, gusto ko ng goto" sambit ko sa kaniya nang mapadpad kami sa mga karinderya na nasa gilid ng kalsada. 

" Gusto ko rin" sambit niya habang nakatingin sa mga kainan.

 Lumingon siya sakin at nginuso ang mga kainan.

" San tayo diyan?" pinagmasdan ko ang mga kainan.

" Doon nalang oh" turo ko sa kainang wala pang masyadong tao.

" Tara" hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako ron.

Pagpasok namin ay sinalubong agad kami ni Aling Selma, may-ari ng karinderya. Ngumiti siya ng makita kami.

" Ay! Nandito ulit ang gwapo at maganda kong kustomer!" bungad niya

" Magandang umaga Aling Selma! Ganda mo ngayon ah" bati ni Krio na man malapad na ngiti sa labi.

" Ang agang pambobola naman niyan Krio! Pero salamat, magandang umaga rin!" natatawnag sabi nito na ikinangiti namin pareho ni Krio.

" Magandang umaga po, Aling Selma!" bati ko rin.

" Magandang umaga rin sa pinakamagandang babae dito sa Victorina!" bati niya na ikinapula ng pisnge ko.

" Hindi naman Aling Selma, pero salamat po" sabi ko sabay ngiti. Naramdaman ko ang pag-akbay ni Krio sakin.

" Naku Aling Selma, may problema ata kayo sa mata" ngising sambit niya kaya siniko ko siya. 

Epal.

Natawa naman si Aling Selma sa sinabi nito.

" Pagpasensiyahan niyo na Aling Selma, kulang kasi to sa aruga" sambit ko habang nakatingin kay Krio. Ngumuso lang ang loko.

" Inaaway mo nanaman ako" pagdadrama niya

" Ikaw ang nag-umpisa, wag ako ang sisihin mo" 

" Naku! Naku! ganiyan na ganiyan din kami noon ng asawa ko. Para kaming aso't pusa perp kita mo ngayon, may tatlong anak na" sabay kaming napalingon ni Krio kay Aling Selma. Narinig ko pa ang pekeng pag-ubo ni Krio.

" Bato bato sa langit" malakas na bigkas ni Krio na ikinasama ko ng tingin sa kaniya. Tumawa naman ng malakas si Aling Selma.

" Naku Aling Selma! Kung ito magiging asawa ko, araw-araw ata magliliparan ang kaldero at mga pinggan sa bahay namin" sabi ko na mas lalo niyang ikinatawa. 

" May Attorney na yan Aling Selma" sambit ni Krio na ikinahinto ng tawa ni Aling Selma.

" Oh? Talaga ba" baling nito sakin

" May nobyo ka na ihja? Pasensiya sa biro ko!" nag-aalalang sambit niya. Ngumiti ako at umiling.

" Wala pa po akong boyfriend Aling Selma" sambit ko na ikinahinga niya ng maluwag. 

May mga dumating na kustomer kaya nahinto siya sa kung ano man ang gusto niyang sabihin.

" Ay! Teyka lang ha, maupo kayo riyan at tatawagin ko si Rea para mag-aasist sa inyo. Maiwan ko muna kayo" aniya samin, tumango naman kami at naupo sa mesang pang dalawahan. Rinig kong tinawag ni Aling Selma ang anak niya at mabilis naman itong lumabas sa maliit nilang kusina.

" Paki assist sila Mace at Krio, aasikasuhin ko lang yung mga bumibili ng ulam" aniya sabay turo samin. Nakita ko naman kung paano kumislap ang mata ni Rea nang makita niya si Krio. Mabilis siyang lumapit sa amin sabay ngiti ng malawak kay Krio.

" Good morning!" bati niya sa amin pero kay Krio lang nakatingin.

" Magandang umaga, Rea" masiglang bati ni Krio dito na ikinapula ng pisnge niya.

" Magandang umaga, Rea.." bati ko din, lumingon lang siya sakin ng saglit at ngumiti bago bumalik ulit ang tingin kay Krio.

" Anong order niyo?" tanong niya

" Goto, dalawa padagdag narin ng tig dalawang itlog" si Krio ang sumagot. Tumango naman ito bago nagpaalam para ihanda ang order namin.

Nang masiguro kong nakapasok na si Rea sa kusina nila ay lumingon ako kay Krio na nakatuon na sa cellphone niya.

" Pst" tawag ko sa kaniya. 

" Hmm?" nilapag niya ang cellphone niya at tinuon ang atensiyon sakin.

" Crush ka non" bulong ko sa kaniya na ikinakunot ng noo niya.

" Nino?" 

" Rea" bulong ko na kaming dalawa lang ang nakakarinig.

" Sus, normal lang na may taong magkagusto sakin Ming, ang gwapo ng kaibigan mo di ka pa sanay" sinimangotan ko siya at inirapan sa sinabi niya. 

Wala naman akong masabi. Hindi tulad niya na binabara lahat ng sinasabi ko, kung alam kong totoo naman bat ko itatanggi? gwapo naman talaga ang lokong to. Bulgaran niya kung ipagyabang ang kaibahan lang ay hindi noya ginagamit ang kagwapuhan niya para manglaro ng babae. 

Hindi ko pa nga to nakikitang nakipagdate man lang o nakisama ng matagal sa ibang babae. Tinatanong ko naman palagi kung may nagugustuhan siyang babae pero ayaw niyang sabihin. 

Hindi nagtagal ay dumating na ang inorder namin. Si Rea rin ang naghatid. Payapa kaming nag-almusal ni Krio at pinag-usapan narin namin kung kailan kami mageenroll dahil malapit na ang pasukan.

Mag Ti-Third year college na kaming dalawa.

" Sa Wednesday nalang tayo magenroll para di masyadong maraming istudyante" sabi niya na ikinatango ko.

Ilang subo pa sa kinakain ko ay nakaramdam na ako ng pagkabusog, hindi ko pa nauubos ang pagkain ko pero ayaw ko na.

" Busog na ako Kring" sabi ko sa kaniya na ikinakunot ng noo niya.

" Kaya ka payat eh, hindi mo inuubos ang pagkain mo" 

" Ang dami ko kayang kinain" depensa ko, tinaasan niya lang ako ng kilay sabay baling sa bowl ko.

" Akin na, ako na uubos" sambit niya kaya ngingiti-ngiti kong inusog sa kaniya ang bowl ng kinakain ko.

Natapos kami sa pagkain ay nagpahinga kami saglit bago napagdesisyonang umalis. Nagpaalam muna kami kay Aling Selma at kay Rea at nangakong babalik ulit sa karinderya nila sa susunod na linggo.

" San tayo pupunta?" Kunot noong tanong ko nang mapagtantong hindi kami patungong tricycle niya.

" Grocery" tipid na sagot niya, hindi na ako nagsalita at sumama nalang din.

Pagpasok namin sa grocery store ay binalingan niya ako ng tingin.

" Bili ka ng gusto mo para may kainin ka mamaya pag nagutom ka" aniya na ikinaliwanag ng mukha ko.

" Libre mo?"tanong ko

" Oo, bilisan mo bago pa magbago isip ko" aniya na ikinangisi ko.

" Thank you Kring! Libre kita milk tea mamaya" sabi ko na ikinangisi niya.

" Sige ba!"

Kumuha ako ng mga paborito kong kaining bisquit at bread. Si Krio naman ay abala din sa mga kinukuha niya. Nag-gogrocery ata siya para sa bahay nila, tinulungan ko na rin siya sa iba pa niyang bibilhin.

" Kuha ka ng Chuckie, yung malaki. Isa sakin, isa sayo" utos niya na sinunod ko agad.

Nang matapos kami sa pagbili ay agad na kaming dumeritso sa simbahan na saktong mag-uumpisa palang. Nandito na sina nanay at tatay, ganon din ang tatay ni Krio. 

Binati kami ng mga asher na kilala na kami at ni Pastor Ale. Umupo kami ni Krio sa mga upuang nasa harap na palagi naming pwesto tuwing nagsisimba nasa likod namin ang mga magulang namin. Maya-maya pa ay nag-umpisa narin ang simba.

"Above all else, guard your heart,

for everything you do flows from it.

Proverbs 4:23 " sambit ni Pastor sa preaching niya. 

" Alam niyo kung bakit?" tanong ni Pastor kaya nakinig kami ng maigi.

" Heart is deceitful. Lahat ng emosyon nararamdaman natin dahil may puso tayo. Pero hindi lahat ng nararamdaman ng puso ay tama para satin. Why should we guard our heart? dahil padalos-dalos to sa lahat" sabay turo niya sa puso niya.

" God has plans for us, pero nakabasi parin yun sa atin. Sa desire ng puso natin. Kaya kung hindi pure ang intension ng puso natin makakagawa tayo ng mga hindi magandang bagay. Always check kung pure pa ang intension ng puso natin. Minsan nadadala lang tayo eh. We should check kung may guidance pa ba ni Lord ang desire ng mga puso natin"

" Rinig mo yun?" biglang sambit ni Krio sakin. Napalingon naman ako sa kaniya.

" Oo"

" Ming, always guard your heart" sambit niya

" Ikaw din naman" sambit ko na ikinatawa niya ng mahina.

" Oo pati ako" 

Dalawang oras bago natapos ang simba. Nakipag-usap muna kami sa mga youth ng church at sa mga matatanda. Kunting kumustahan at usap saglit bago namin napagdesisyung umuwi. Nauna na sina nanay at tatay ganon din si tay Anton may sinabi lang kay Krio saglit bago magpaalam.

" Milktea tayo" aya ko kay Krio.

" Sa Wednesday nalang, wala pang laman ang tiyan natin" aniya na ikinanguso ko

Nagc-crave ako ng milktea...

" Sige.." matamlay kong sang-ayon bago pumasok sa tricycle niya.

" Ming" tawag niya sakin ng makaupo na ako sa loob. 

” hmm?" hindi ako tumingin sa kaniya

" Sa Wednesday na ha?" tumango ako ng isang beses dahilan para marinig ko ang tawa niya. Lumingon ako sa kaniya ng nagtataka.

Anong kabaliwan nanaman to?

" Ang cute mo pag hindi napagbibigyan" sa di ko malamang dahilan ay biglang sumikdo ang puso ko sa sinabi niya. Napaiwas nalang ako ng tingin dahil bigla akong nakaramdam ng hiya.

Hiya? Kailangan pa ako na hiya sa isang to.

" Ayaw mo pa kasi, libre ko na nga" may halong tampong sabi ko.

" Sa Wednesday na" pilit niya kaya wala na rin akong nagawa. 

Saktong Alas onse y medya kami nakarating sa bahay. Nakahanda na yung tanghalian sa mesa namin. Pinabaonan muna ni nanay si Krio ng ulam bago ito umalis.

Buong maghapon akong tumulong sa mga magulang ko sa gawaing bahay at nong natapos na lahat ay nagbonding kaming tatlo dahil ito lang yung araw na nagkakasama kaming tatlo ng kumpleto. Palagi kasi silang nasa trabaho at ako lang lagi mag-isa kaya ba palagi akong nawiwili kina Krio dahil wala naman akong makausap dito sa bahay.

Dumating ang gabi, handa na sana akong matulog nang biglang tumunog ang cellphone ko. 

Akala ko si Krio ang tumawag pero...

Si Khrus pala.

Mabilis kong sinagot ang tawag niya.

" Hello?" sambit niya. Napakagat labi ako at napangiti ng marinig ang boses niya.

" Hello, Khrus" sambit ko narinig ko ang malalim niyang hininga.

" Hey..did I bother your sleep?"

" Hindi, pahiga palang naman ako" sagot ko

" Oh! Sorry for bothering, I just tried my luck if you'll answer may call since hindi ako nakatawag sayo ng ilang araw. I'm kinda busy, I'm sorry" ramdam ko ang pagod sa boses niya.

" Ok lang naman! Take your time, wag mo akong isipin. Mahalaga yang ginagawa mo kaya dapat yan ang pagtuonan mo ng pansin" sabi ko.

" Still I'm sorry. Promise babawi ako pag-uwi ko" napangiti ako dahil sa sinabi niya.

" Ok, pero wag mong pabayaan ang sarili mo diyan ha? Wag mong masyadong pagurin ang sarili mo" paalala ko. Rinig ko ulit ang buntong hininga niya.

" Opo" napangiti ako sa sagot niya.

" Kumusta ang review mo?" tanong ko, kinuwento naman niya ang lahat ng nangyari.

" How about you? Kumusta ka?" katulad niya ay kinuwento ko rin ang mga nangyari nong nagdaang mga araw. Minsan ay naririnig ko nalalng siyang tumawa tuwing kinukwento ko ang mga kalokohan ni Krio.

" Malapit na ang pasukan niyo" 

" Kaya nga"

Ang maganda lang sa college life ko ay hindi ko na kailangan pang lumuwas sa ibang lugar para mag-aral. Standard at magandang paaralan ang Victorina Community College wala rin kaming binabayarang tuition dahil supportado ng gobyerno kaya pribilehiyo ito sa aming mga walang kaya sa buhay.

Nag-usap pa kami ni Khrus tungkol sa kung ano-anong bagay, hindi siya yung tipong pala kwento pero alam mong nakikinig siya sa mga sinasabi ko dahil panay ang tawa niya.

" As much as I want to talk to you more, I need to hang this up now. May review pa ako bukas" aniya

" Ayos lang! Inaantik na rin naman ako" sabi ko sabay hikab.

" Ok, bye. Good night" 

" Good night din" sambit ko at hinintay na ibaba niya ang tawag pero hindi parin niya binababa.

" Mace?" nagulat ako nong magsalita ulit siya

" Hmm?"

" I like you" napakagat

labi ako sa sinabi niya. Ramdam ko ang pag-init ng pisnge ko.

" Gusto rin kita.." 

" Take care" 

" Ikaw din" 

Pinatay na niya ang tawag pagkatapos non. Akmang ilalapag ko na ang cellphone ko sa gilid ng higaan ko nang tumunog ulit ito.

May text.

Good night, Ming. Wag mag puyat.

Related chapters

  • Sky's Love    Chapter 6

    Tanghali na ako nagising kinaumagahan.Imbis kasi matulog ay nagbardagulan pa kami ni Krio sa text. Sa wakas naisipan niyang i-unblock ako, loko-lokong yun.Pag-gising ko nga ay wala sa ang mga magulang ko. Hindi na ako nakapagpaalam man lang sa kanila.Ang daldal kasi ng lokong yun, hindi nauubusan ng ikukwento, eh palagi naman kaming magkasama.Napabuntong hininga nalang ako habang nakatitig sa maliit naming tv, wala akong magawa kaya nanonood nalang ako ng kung ano-ano. Wala rin naman ako sa mood lumabas para pumunta kina Krio, alam ko namang busy sila sa farm nila dahil lunes ngayon." Tao po! Aling Lea? Mang Sandro?" Mabilis akong pumunta sa pintuan ng bahay namin nang marinig ko ang tumawag." Sino po yan?" tawag ko habang binubuksan ang pinto. Agad akong napangiti ng maaninag ko kung sino ang tumatawag, ganon din siya nang makita ako." Hi Mace!"" Ate Sam!" Niluwagan ko ang bukas ng pintuan namin at pinapasok siya." Thank you! Buti at ikaw ang naabutan ko!" aniya, pinaupo ko

    Last Updated : 2023-11-04
  • Sky's Love    Chapter 7

    " Ang init Kring!" reklamo ko habang nagpaypay gamit ang enrollment form na hawak ko.Miyerkules na nga kami nag-enroll marami parin talagang istudyanteng nakapila sa registrar. Mukhang mas maganda atang unang araw nalang kami ng enrollment pumunta dahil iba na ang mindset ng mga istudyante ngayon. " Usog ka rito" utos niya sabay hila sakin palapit sa kaniya. Nakapayong naman kami pero may singaw parin ng araw.Pinaypayan niya ang sarili niya kasama ako kaya kahit papano ay naging ok ang pakiramdam ko. Malapit narin naman ang number naming pareho kaya siguro matatapos pa kami bago pa ako mahimatay rito.Halos isang oras kaming naghintay bago kami tuluyang natapos. Bumalik ulit kami sa kaniya-kaniya naming department para magpasa ng copy. Hinatid muna ako ni Krio at mamaya ay susunduin niya rin ako dahil wala akong payong nadala." Chat mo ko kung nasaan ka" huling sinabi niya bago siya umalis." Hi Mace!" bati sakin ni Reesa sabay lingon sa likuran ko at bumalik ulit ang tingin sakin

    Last Updated : 2023-11-06
  • Sky's Love    Chapter 8

    Hindi maalis sa isip ko lahat ng sinabi ni Krio. Pilit ko ring inaalala kung kilala ko ba ang babaeng gusto niya. Hinalughog ng utak ko lahat nang senaryo na magkasama kami kung meron ba itong babaeng na nilapitan.Sa dami ng babaeng lumalapit sa kaniya di ko maisa-isa. Halos di ako ako makatulog kakaisip sa walang kwentang bagay na yun ni hindi ko na makausap ng mabuti si Khrus kagabi dahil lumutang ang isip ko.Nakakahiya tuloy kay Khrus. Minsan lang nga kung mag-usap kami ng tao hindi ko pa makausap ng maayos.Napabuntong hininga nalang ako at kinalimutan ang iniisip ko.Isang Linggo nalang at balik klase na naman kaya heto kami't bumibili ng mga gamit namin para sa eskwela. Panibagong unos sa buhay nanaman ang mararanasan ko ngayon taon." 20 pesos? Ang mahal naman para sa isang simpleng ballpen lang" reklamong bulong ko sabay balik ng ballpen na hawak ko sa lalagyan niyo at pumili nalang ng mas mura. Nakabudget ang pera ko kaya maingat ako sa kung ano ang mga binibili ko." 50 pe

    Last Updated : 2023-11-06
  • Sky's Love    Chapter 9

    Pinagmasdan ko ang pag-alis niya hindi ako mapakali gusto ko siyang sundan. " Mace" napalingon ako sa likuran ko. Nagtama ang tingin namin ni Khrus at isang matamis na ngiti ang binigay niya sakin. Inabot niya ang dala niya napatingin ako don at nakangiting tinanggap yun galing sa kaniya." Salamat, nag-abala ka pa" " I told you I'll court you once I get back and I'm here now" sambit niya. Napakagat labi naman ako at di alam kung anong sasabihin. Napatitig lang ako sa kaniya at hinayaan siya sa ginagawa niya. He kiss my forehead." Kailan ka dumating? Di mo sinabi sakin" tanong ko nang magtama ulit ang tingin namin." Kaninang umaga lang" " Akala ko sa susunod na linggo pa ang dating mo"" It's a surprise. Did I surprise you?" napangiti ako sabay tango sa kaniya." You're so cute" aniya sabay marahang kurot sa pisnge ko na ikinanguso ko.Napalingon ako sa bahay ganon din siya." Ipapasok ko muna to sa loob. Hindi kasi kita pweding maaya sa loob ng bahay wala sina nanay at tatay" ta

    Last Updated : 2023-11-12
  • Sky's Love    Chapter 10

    Halos kutosin ko ang sarili ko sa pagkainis ng makitang ilang minuto nalang ay alas otso na. Unang araw sa klase ay malalate agad ako!Mabilis akong bumangon at naligo ng mabilis. Hindi pa nakakatulong ang ingay ni nanay na pinapagalitan ako mas lalo lang akong nataranta. Halos liparin ko na ang buong sulok ng bahay kakamadali ko." Nay nandiyan na ba si Krio?" tanong ko kay nanay nang lumabas ako sa kwarto ko dala-dala ang mga gamit ko sa eskwela. " Hindi napadaan si Krio dito" aniya na ikinahinto ko." H-Hindi po ba?" umiling si nanay at may pag-alalang tumingin sa akin." Ewan ko ba sa batang yan hindi na pumupunta dito, nakakapagtaka" umiwas ako ng tingin sa sinabi niya.Matamlay kong nilapag sa sala namin ang mga gamit ko sabay masid sa pintuan ng bahay namin.Hindi siya pumunta dito...Noon pa man ay sinusundo niya ako dahil gusto ko laging sabay kami. Nakakatampo.Ilang araw na siyang walang paramdam. Inaasahan ko na kahit ngayon manlang sa unang araw ng pasukan ay magkakasam

    Last Updated : 2023-11-14
  • Sky's Love    Chapter 11

    Hindi ko inalis ang malamig kong tingin sa kaniya habang humakbang ako papalapit sa posisyon niya. Naghuhurumintado ang puso sa di ko malamang dahilan. " Sabihin mo na ang gusto mong sabihin, may klase pa ako" malamig kong sabi. Napaiwas siya ng tingin. Umigting ang panga niya at malalim na napabuntong hininga. Mahigpit kong hinawakan ang shoulder bag ko at pigil-pigil ang sariling ihampas yun sa kaniya. Magsasalita ba siya o hindi? " Bilisan mo" madiin kong utos sa kaniya. Hinintay ko siyang magsalita. " Bahala ka diyan" inis kong sambit ng lang minuto segundo na ang nakalipas ay hindi parin siya umimik. Tinalikuran ko siya. Usap daw pero hindi naman pala magsasalita, may klase pa ako at hindi ako ang mag-aadjust para sa kaniya. " Ming" malambing na tawag niya na ikinahinto ko sa paghakbang. Inis akong lumingon sa kaniya dahilan para magsalubong ulit ang tingin namin. Humakbang siya palapit sa akin at hinawakan ang siko at marahan akong hinila palapit sa kaniya. Di na ako tum

    Last Updated : 2023-11-16
  • Sky's Love    Chapter 12

    " Ilang araw ka ng lutang" bahagya akong napalingon kay Reesa sa sinabi niya. Isang linggo na ang nakalipas mula mong mag-umpisa ang klase kami na lagi ang magkasama. " Kinakabahan lang ako sa pageant" dahilan ko sabay iwas ng tingin sa kaniya." Oy, may praktis kayo later? nood ako!" Aniya sabay siko sakin, napatango nalang ako sabay simsim ng milktea na hawak ko.Sa susunod na linggo na ang fiesta at habang napapalapit ang araw ay mas lalo akong kinakabahan. Gabi-gabi na kami nagpapraktis, nakakapagod." Hindi ko na nakikita si Krio ah, busy?" halos masamid ako sa iniinom ko nang marinig ang tanong na yun kay Reesa. Agad kong kinalma ang sarili ko lalo't nakatingin siya sakin." O-Oo" napaiwas ako ng tingin sa kaniya pagkatapos ko yung sabihin. Napatango naman siya at mukhang kuntento sa sagot ko.Tuwing naririnig ko ang pangalan niya ay bigla nalang akong natataranta. Parang silang plakang umuulit sa isipan ko ang mga sinabi niya na hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala.

    Last Updated : 2023-11-24
  • Sky's Love    Chapter 13

    " Tara na Khrus" aya ko, agad siyang bumaling sa akin at napatango. Nagpaalam kami sa dalawa, saglit na nagtama ang tingin namin ni Krio tinanguan lang niya ako.Buong praktis ay hindi ako makapagfocus, napagalitan pa ako dahil masyado akong lutang at nagkakamali. Nakakahiya dahil nanood marami ang nanood." Are you alright?" Nag-aalalang tanong ni Khrus sa akin nang makapagpahinga kami sa praktis. Nakaupo kami sa gilid ng stage nang abutan niya ako ng tubig." Ayos lang, pagod lang siguro to" rason ko kahit hindi naman talaga iyon ang rason. Hindi ko rin naman alam sa sarili ko kung bakit ako nagkakaganito. Nahagip ng tingin ko si Krio at Deia na naguusap sa gilid habang kumakain ng street food. May pagkakataon pang nagtatawanan ang dalawa na parang sila lang dalawa ang nasa paligid. Kung hindi ko sila kilala ay iisipin kong magjowa sila.Napakagat labi ako dahil sa mga ala-alang bumabalik sa isipan ko.We used to be like that before. Nakikita ko ang sarili ko sa posisyon ni Deia ng

    Last Updated : 2023-11-27

Latest chapter

  • Sky's Love    Chapter 17

    "You bitch! Kanina pa ako nanggigigil sayo! Come here!" naputol ang kung ano mang koneksiyong nararamdaman ko sa lalakeng kaharap ko nang marinig ko ang sigaw ni Deia at ang tili ng isang babae. Hila-hila na ni Deia ang buhok ni Iris at kinaladkad ito papunta sa pool kung saan walang maapektuhang gamit."Aw! Bitiwan mo ako!" sigaw naman ng isa na halos madapa na."Deia!" malakas at may babalang sigaw ni Khrus at sinundan si Deia para awatin. Lahat ng tao ay nakatingin na sa dalawang babae, hindi ko rin naiwasang lumapit sa nag-aaway para rin sana umawat pero bago ko pa magawa yun ay may humawak na sa braso ko para pigilan ako."Wag kang lumapit don, madadamay ka" inangat ko ang tingin ko para makita kung sino ang humawak sa akin. May kung anong bumalot na mainit na pakiramdam sa puso ko nang mapagtantong si Krio iyon."Kailangan natin awatin si Deia" sambit ko sa kaniya. Tinaasan niya ako ng kilay na parang hindi siya sumasang-ayon sa sinabi ko."Kaya na ni Khrus yan" kampanteng saad

  • Sky's Love    Chapter 16

    Khrus pass the board exam not just past but he top the exam. Tuwang-tuwa ang mga magulang niya. He also cried kahit siya ay di makapaniwala na siya ang mangunguna. I'm so proud of him, saksi ako sa lahat ng hirap niya.Atty. Khrus Trevor Sudalga.Ang sarap pakinggan.Nagkaroon ng malaking handaan sa mansiyon ng Sudalga at lahat ay imbitado. Madaming pumuri kay Khrus kaya sa mismong event hindi kami magkasama dahil madaming nakikisalamuha sa kaniya para e congratulate siya. Prente akong nakaupo sa table kung saan may anim na upuan."Hi! Ikaw ang girlfriend ni Khrus diba?" sumulpot ang babaeng hindi pamilyar sakin pero mukhang taga rito rin pero dahil subrang lawak ng lugar namin hindi lahat ng tao kilala ko."Hello" bati ko ron.Naupo siya sa katabing upuan ko na ikinabigla ko. Ako lang kasi ang natira sa table dahil umalis sina nanay at tatay para makisalamuha sa ibang tao ganon din ang mga magulang ni Khrus."So girlfriend ka nga?" Muntik nang mapataas ang kilay ko sa demanding ni

  • Sky's Love    Chapter 15

    Days became weeks and weeks became months. Andaming nangyari, sa isang iglap biglang tapos na ang 1st sem, ngayong araw rin mismo ang board exam ni Khrus.Khrus is still courting me at wala pa akong planong sagutin siya, hindi rin naman siya nagmamadali. I'm not yet ready, ang paalala ni Krio sa akin ay nanatili sa utak ko.Pag-aaral muna bago jowa.Speaking of that man, minsan lang kami magkita at kung magkikita man ay hindi na kami nagpapansinan pa although sometimes I want to approach him but then we already talk about it. Moving-on season niya at hindi ko alam kung hanggan ngayon ay may nararamdaman pa siya sa akin. I never saw him talking with other girls maliban nalang kay Deia. Sa nagdaang buwan napapansin ko ang pagiging malapit nilang dalawa sa isa't isa."You'll pass the exam, sigurado ako diyan" kumbinse ko kay Khrus habang inaayos niya ang dadalhin para sa examination niya.He smile at me, lumapit siya sa akin at niyakap ako."Thank you for cheering me up! I know I can bu

  • Sky's Love    Chapter 14

    Ilang beses akong napabuntong hininga habang tumititig sa harap ng salamin. Hindi dahil kinakabahan ako sa pageant, wala naman akong maramdamang kaba doon. Hindi ko lang talaga maipaliwanag sa sarili ko kung bakit ako ganito."Why are you nakasimangot? Smile! You look so pretty" pilit na napangiti ako sa salamin habang inaayos ni Deia ang buhok ko. Hindi ko alam na nakatingin pala siya sa akin.Nag volunteer siyang siya na ang mag-aayos sa akin kaysa daw sa magbayad pa kami ng mag-aayos sa akin. Ayoko sana dahil nahihiya ako pero talagang gusto niya kaya umoo na ako. Ngayon nakikita ko ang sarili ko, subra akong namamangha sa ginawa niya. Parang professional na artist ang nag-ayos sa akin!"Salamat, Deia. Ang ganda-ganda ko ngayon" sambit ko na ikinalingon niya sa akin. Hinawakan niya ang balikat ko at bahagyang dinikit ang pisnge niya sa akin sabay ngiti niya sa akin sa salamin."Thank you! I really like doing this with pretty girls. Maganda ka kaya nag-eenjoy akong ayusan ka" aniya

  • Sky's Love    Chapter 13

    " Tara na Khrus" aya ko, agad siyang bumaling sa akin at napatango. Nagpaalam kami sa dalawa, saglit na nagtama ang tingin namin ni Krio tinanguan lang niya ako.Buong praktis ay hindi ako makapagfocus, napagalitan pa ako dahil masyado akong lutang at nagkakamali. Nakakahiya dahil nanood marami ang nanood." Are you alright?" Nag-aalalang tanong ni Khrus sa akin nang makapagpahinga kami sa praktis. Nakaupo kami sa gilid ng stage nang abutan niya ako ng tubig." Ayos lang, pagod lang siguro to" rason ko kahit hindi naman talaga iyon ang rason. Hindi ko rin naman alam sa sarili ko kung bakit ako nagkakaganito. Nahagip ng tingin ko si Krio at Deia na naguusap sa gilid habang kumakain ng street food. May pagkakataon pang nagtatawanan ang dalawa na parang sila lang dalawa ang nasa paligid. Kung hindi ko sila kilala ay iisipin kong magjowa sila.Napakagat labi ako dahil sa mga ala-alang bumabalik sa isipan ko.We used to be like that before. Nakikita ko ang sarili ko sa posisyon ni Deia ng

  • Sky's Love    Chapter 12

    " Ilang araw ka ng lutang" bahagya akong napalingon kay Reesa sa sinabi niya. Isang linggo na ang nakalipas mula mong mag-umpisa ang klase kami na lagi ang magkasama. " Kinakabahan lang ako sa pageant" dahilan ko sabay iwas ng tingin sa kaniya." Oy, may praktis kayo later? nood ako!" Aniya sabay siko sakin, napatango nalang ako sabay simsim ng milktea na hawak ko.Sa susunod na linggo na ang fiesta at habang napapalapit ang araw ay mas lalo akong kinakabahan. Gabi-gabi na kami nagpapraktis, nakakapagod." Hindi ko na nakikita si Krio ah, busy?" halos masamid ako sa iniinom ko nang marinig ang tanong na yun kay Reesa. Agad kong kinalma ang sarili ko lalo't nakatingin siya sakin." O-Oo" napaiwas ako ng tingin sa kaniya pagkatapos ko yung sabihin. Napatango naman siya at mukhang kuntento sa sagot ko.Tuwing naririnig ko ang pangalan niya ay bigla nalang akong natataranta. Parang silang plakang umuulit sa isipan ko ang mga sinabi niya na hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala.

  • Sky's Love    Chapter 11

    Hindi ko inalis ang malamig kong tingin sa kaniya habang humakbang ako papalapit sa posisyon niya. Naghuhurumintado ang puso sa di ko malamang dahilan. " Sabihin mo na ang gusto mong sabihin, may klase pa ako" malamig kong sabi. Napaiwas siya ng tingin. Umigting ang panga niya at malalim na napabuntong hininga. Mahigpit kong hinawakan ang shoulder bag ko at pigil-pigil ang sariling ihampas yun sa kaniya. Magsasalita ba siya o hindi? " Bilisan mo" madiin kong utos sa kaniya. Hinintay ko siyang magsalita. " Bahala ka diyan" inis kong sambit ng lang minuto segundo na ang nakalipas ay hindi parin siya umimik. Tinalikuran ko siya. Usap daw pero hindi naman pala magsasalita, may klase pa ako at hindi ako ang mag-aadjust para sa kaniya. " Ming" malambing na tawag niya na ikinahinto ko sa paghakbang. Inis akong lumingon sa kaniya dahilan para magsalubong ulit ang tingin namin. Humakbang siya palapit sa akin at hinawakan ang siko at marahan akong hinila palapit sa kaniya. Di na ako tum

  • Sky's Love    Chapter 10

    Halos kutosin ko ang sarili ko sa pagkainis ng makitang ilang minuto nalang ay alas otso na. Unang araw sa klase ay malalate agad ako!Mabilis akong bumangon at naligo ng mabilis. Hindi pa nakakatulong ang ingay ni nanay na pinapagalitan ako mas lalo lang akong nataranta. Halos liparin ko na ang buong sulok ng bahay kakamadali ko." Nay nandiyan na ba si Krio?" tanong ko kay nanay nang lumabas ako sa kwarto ko dala-dala ang mga gamit ko sa eskwela. " Hindi napadaan si Krio dito" aniya na ikinahinto ko." H-Hindi po ba?" umiling si nanay at may pag-alalang tumingin sa akin." Ewan ko ba sa batang yan hindi na pumupunta dito, nakakapagtaka" umiwas ako ng tingin sa sinabi niya.Matamlay kong nilapag sa sala namin ang mga gamit ko sabay masid sa pintuan ng bahay namin.Hindi siya pumunta dito...Noon pa man ay sinusundo niya ako dahil gusto ko laging sabay kami. Nakakatampo.Ilang araw na siyang walang paramdam. Inaasahan ko na kahit ngayon manlang sa unang araw ng pasukan ay magkakasam

  • Sky's Love    Chapter 9

    Pinagmasdan ko ang pag-alis niya hindi ako mapakali gusto ko siyang sundan. " Mace" napalingon ako sa likuran ko. Nagtama ang tingin namin ni Khrus at isang matamis na ngiti ang binigay niya sakin. Inabot niya ang dala niya napatingin ako don at nakangiting tinanggap yun galing sa kaniya." Salamat, nag-abala ka pa" " I told you I'll court you once I get back and I'm here now" sambit niya. Napakagat labi naman ako at di alam kung anong sasabihin. Napatitig lang ako sa kaniya at hinayaan siya sa ginagawa niya. He kiss my forehead." Kailan ka dumating? Di mo sinabi sakin" tanong ko nang magtama ulit ang tingin namin." Kaninang umaga lang" " Akala ko sa susunod na linggo pa ang dating mo"" It's a surprise. Did I surprise you?" napangiti ako sabay tango sa kaniya." You're so cute" aniya sabay marahang kurot sa pisnge ko na ikinanguso ko.Napalingon ako sa bahay ganon din siya." Ipapasok ko muna to sa loob. Hindi kasi kita pweding maaya sa loob ng bahay wala sina nanay at tatay" ta

DMCA.com Protection Status