Tumayo si Josephine sa harap ni Rose at sinabi nang may determinasyon, “Kukuhain ni Kuya ang anak niya. Rose, ‘wag mong sabihin sa kaniya ang numero ng bahay mo!”“Josephine!” Napangiwi si Jay at sumigaw sa telepono.Sa sobrang takot ni Josephine ay naging berde ang kulay ng kaniyang mukha. Agad siyang napatakip ng bibig at desperadong kumaway kay rose.Si Rose ay natahimik nang ilang sadali bago niya sabihin ang numero ng bahay niya sa telepono, “House number 618.”Sa sandaling sabihin niya iyon, pinutol ni Jay ang linya.Si Josephine ay napahiga sa sofa at sinabihan si Rose, “Bakit mo sinabi sa kaniya ang address mo? Rose, hindi mo alam na mawawala sa ‘yo si Robbie sa sandaling makapunta siya rito?”Kumuha si Jenson ng isang saging at pinasok ito sa bunganga ni Josephine. Nang may naiinis na mga mata, sinabi niya, “Masyado kang madaldal.”Tumayo si Josephine, tumuro sa ilong ni Jenson, at sumumpa, “‘Wag mong isipin na hindi kita kilala, bata. Pareho kayong maingat ng daddy mo. Alam k
Biglang lumuhod si Jay at hinawakan ang mukha ni Robbie gamit ang dalawa niyang mga kamay. Ang kaniyang mga mata ay mapanuri. Ang kaniyang itsura ay tila naghahanap ng pagtanggap ni Robbie, tila pinagmumukha siyang isang inosente at musmos na bata.Inobserbahan ni Rose ang mag-amang nagtitinginan sa isa’t isa nang may parehong saya at takot sa loob nila. Ang pagmamahal ni Jay sa kaniyang anak ay mas malalim pa sa kaniyang naisip.“Daddy,” biglang inangat ni Robbie ang kaniyang mga braso at niyakap si Jay.Niyakap ni Jay si Robbie nang mahigpit, ang gwapo niyang mukha ay puno ng kaaya-aya at eleganteng ngiti.Naglakad papalapit si Josephine kay Rose. Na para bang binibigyan niya ito ng lakas, inangat niya ang kamay niya at hinawakan ang kamay ni Rose.“Daddy, mahal kita.” Hinalikan ni Robbie si Jay sa noo.Ang aksyon na ito ay pinatibok ang puso ni Jay. Nagulat siya rito dahil akala niya na dahil sa matinding galit sa pagitan nila ni Rose, ang mga batang pinalaki niya ay kaiinisan din s
Tumingin si Rose kay Jay, mga mata niya’y blanko.Kahit kailan ay hindi papayag si Jay na pakasalan siyang muli.Determinado lamang siyang makuha si Robbie.Ayaw niya lang maging masama sa harap ng mga bata, kaya binigay niya ang problema kay Rose.Akala niya ay mahina si Rose at susundin siya nito.Sa ‘di inaasahan, matigas na sinabi ni Rose, “Ginoong Ares, limang taon na ang nakalipas, kusa ko nang binigay sa ‘yo ang pag-aalaga ng isang bata. Kahit kailan ay hindi ko na ‘to gagawin muli.”Tumingin si Jay kay Rose sa inis, binibigyang-diin ang bawat salitang susunod niyang sasabihin, “Ang isang Ares ay mananatiling isang Ares. Ang lahat ng Ares ay dapat manirahan nang magkakasama.”Silang dalawa ay makulit at hindi magkasundong nagtinginan.Pagkatapos ng mahabang sandali, napatingin si Jay sa mga bata at mahinang sinabi, “Ano, sino sa inyo ang sasama kay Daddy ngayong gabi?”Ang mga salitang iyon ay para kina Robbie at Jenson. Si Zetty ay umiiyak lamang sa sulok.Kusang hinawakan ni R
Pakiramdam ni Jay ay mababaliw na siya. Wala siyang rason para sukuan ang isang cute na bata tulad ni robbie. ‘Hindi, kailangan kong makagawa ng paraan para makuha si Robbie bukas.’Kinaumagahan, naglakad si Jay patungo sa kusina para maghanda ng umagahan at nagluto ng isang pagkain na sapat na para sa tatlong tao. Tumingin si Jenson sa sobrang plato bago tumingin sa madilim bilog sa ilalim ng kaakit-akit na mga mata ng kaniyang ama. Napabuntong-hininga siya.“Bakit ka bumubuntong-hininga?” Si Jay ay naghihiwa ng karne sa harap niya at tinanong si Jenson nang hindi tumitingala.Malungkot na sinabi ni Jenson, “Daddy, kailan mo pa ginaya si Mommy sa paggawa ng sobrang almusal? Sayang naman.”Si Jay ay natuliro. ‘May ganito ring gawain si Rose? May namimiss rin siyang tao?’‘Hindi, hindi kami magkaparehas.‘Isang araw ko pa lang ‘to ginagawa samantalang limang taon na niya itong ginagawa.’Sa sandaling iyon, nagkaroon ng maliit na punit sa puso ni Jay.“Jens, sabihin mo sa ‘kin, gusto mo
Nagpadala ng mensahe si Jay kay Rose, iniimbitahan siya sa isang café.Tumingin si Rose sa mensahe na nagsasabing, “Dapat nating pag-usapan ang kung sino ang dapat mag-alaga kay Robbie. Kung ‘di, kakailanganin kong gumamit ng ibang mga paraan.’Napabuntong-hininga nang malalim si Rose. Pwede ba siyang magpanggap na hindi niya nakita ang mensahe na ito?Marahil ay dahil matagal na pagsagot ni Rose sa mensahe na iyon kaya siya tinawagan ni Jay.Nag-alinlangan si Rose nang ilang sandali bago ito sagutin.Ang malamig na boses ni Jay ay maririnig sa kabilang linya, “Rose Loyle, bakit hindi ka sumasagot sa mensahe ko? Ang pag-iwas sa ‘kin ay hindi mareresolba ang problema natin.”Sumagot si Rose, “Hindi kita iniiwasan, hindi ko lang talaga alam kung paano kita sasagutin.”Si Jay ay natuliro sa sagot na iyon ngunit sa loob lamang ng maikling segundo.Sinabi niya, “Kung alam mong mangyayari din ito, bakit mo pa kasi ‘yon ginawa?”Bahagyang nanginig si Rose. Ang pangungusap na iyon ay tinutukoy
Nagsalita si Jay nang may seryosong mukha, “Rose, ibigay mo sa akin si Robbie at hahayaan kitang bumisita sa loob ng limang taon.”Nanlaki ang mga mata ni Rose sa kawalan ng paniniwala. ‘Masyado itong hindi kapani-paniwala. Hindi niya lamang kukuhain si Robbie mula sa akin, gusto niya rin kuhain ang karapatan kong makita si Robbie pagkatapos ng limang taon!’Kung katiis-tiis pa ito, wala nang mas hindi katiis-tiis pang mga bagay sa mundong ito!Tumayo si Rose nang may nakakuyom na mga kamao habang nakapatong ang mga ito sa ibabaw ng mesa. Habang nakalapit ang kaniyang mukha kay Jay, binigyan niya ng diin ang isang salitang lumabas sa kaniyang bibig, “Asa.”Ang paghamon sa kaniyang mga mata ay napakatalim.Si Jay ay nanatiling kasing kalmado ng isang pipino. Siya ay isang matalinong hari ng mundo ng negosyo. Nakaranas na siya ng maraming negosasyon at nakipagtalakayan sa maraming nakikipagnegosasyon. Pakiramdam niya na ang isang mababang ina na tulad ni Rose Loyle ay hindi siya kayang t
Siya ay mali.Siya ay lubos na kinaiinisan ni Jay, kinamumuhian nito ang pinanggalingan niya, at namomoot ito sa katotohanan na hindi niya makita kung gaano kababa ang kaniyang estado.Sa huli, siya ay tinadhanang maging isang biro sa puso ni Jay sa sandaling siya ay lumapit sa kaniya.Umalis si Rose sa mga hagdan at naglakad-lakad sa punong mga kalye sa siyudad.Pagkatapos maglakad sa loob ng mahabang oras, ang kaniyang puso ay unti-unting tumahimik.Isang lumalaban na pakiramdam ang nagwawala sa kaniyang kaluluwa. Ayaw niyang sumuko. Ang dahilan kung bakit siya minamaliit ni Jay ay dahil wala siyang maayos na trabaho at malaking financial security.Ang financial security ang nagsasabi kung makakaakyat ka ba sa hagdan ng lipunan. Determinado siyang maibalik ang kaniyang dignidad at kalinisan. Gagawin niya iyon sa pamamagitan ng pagbuo ng sarili niyang negosyo.Ang pagnanais ni Rose na maging negosyante ay nagwawala!Mayroong isang oras kung saan itinago niya ang lahat ng patalim niya
Si Rose ay matagal nang walang pakiramdam sa walang pusong pag-uugali ng kaniyang ama. Inangat niya ang kaniyang mga kilay at malamig na sumagot, “Kung nais mo akong mamatay sa labas, pinapangako ko sa’yo na hindi na ako muling lilitaw sa harap mo.”“Hmph. Mamatay ka kung gusto mo, pero dapat mo munang tulungan ang Loyle Enterprise na lagpasan ang bagyong hinaharap nito,” walang hiyang sinabi ni Royan.Sumingasing si Rose. “At bakit ko naman dapat tulungan ang Loyle Enterprise? Nitong nakaraang taon, kahit kailan ay hindi ka nag-abalang alamin kung patay o buhay pa ako. Noong mayaman ka pa, kahit kailan ay hindi mo ako naisip. Ngayong malapit ka nang mabaliw, bigla akong lumitaw sa isipan mo. Tatanungin kita, saan mo nakuha ang kakapalan ng mukha mo na ipasa ang ganoon kalaking utang sa akin?”Ang madrasta ni Rose ay lumabas at nagsabi sa isang naiinis na tono, “Rose Loyle, ‘wag kang umasta na parang mas malinis ka pa sa amin. May lakas ka ba ng loob na sabihing wala kang kinalaman sa