Nagsalita si Jay nang may seryosong mukha, “Rose, ibigay mo sa akin si Robbie at hahayaan kitang bumisita sa loob ng limang taon.”Nanlaki ang mga mata ni Rose sa kawalan ng paniniwala. ‘Masyado itong hindi kapani-paniwala. Hindi niya lamang kukuhain si Robbie mula sa akin, gusto niya rin kuhain ang karapatan kong makita si Robbie pagkatapos ng limang taon!’Kung katiis-tiis pa ito, wala nang mas hindi katiis-tiis pang mga bagay sa mundong ito!Tumayo si Rose nang may nakakuyom na mga kamao habang nakapatong ang mga ito sa ibabaw ng mesa. Habang nakalapit ang kaniyang mukha kay Jay, binigyan niya ng diin ang isang salitang lumabas sa kaniyang bibig, “Asa.”Ang paghamon sa kaniyang mga mata ay napakatalim.Si Jay ay nanatiling kasing kalmado ng isang pipino. Siya ay isang matalinong hari ng mundo ng negosyo. Nakaranas na siya ng maraming negosasyon at nakipagtalakayan sa maraming nakikipagnegosasyon. Pakiramdam niya na ang isang mababang ina na tulad ni Rose Loyle ay hindi siya kayang t
Siya ay mali.Siya ay lubos na kinaiinisan ni Jay, kinamumuhian nito ang pinanggalingan niya, at namomoot ito sa katotohanan na hindi niya makita kung gaano kababa ang kaniyang estado.Sa huli, siya ay tinadhanang maging isang biro sa puso ni Jay sa sandaling siya ay lumapit sa kaniya.Umalis si Rose sa mga hagdan at naglakad-lakad sa punong mga kalye sa siyudad.Pagkatapos maglakad sa loob ng mahabang oras, ang kaniyang puso ay unti-unting tumahimik.Isang lumalaban na pakiramdam ang nagwawala sa kaniyang kaluluwa. Ayaw niyang sumuko. Ang dahilan kung bakit siya minamaliit ni Jay ay dahil wala siyang maayos na trabaho at malaking financial security.Ang financial security ang nagsasabi kung makakaakyat ka ba sa hagdan ng lipunan. Determinado siyang maibalik ang kaniyang dignidad at kalinisan. Gagawin niya iyon sa pamamagitan ng pagbuo ng sarili niyang negosyo.Ang pagnanais ni Rose na maging negosyante ay nagwawala!Mayroong isang oras kung saan itinago niya ang lahat ng patalim niya
Si Rose ay matagal nang walang pakiramdam sa walang pusong pag-uugali ng kaniyang ama. Inangat niya ang kaniyang mga kilay at malamig na sumagot, “Kung nais mo akong mamatay sa labas, pinapangako ko sa’yo na hindi na ako muling lilitaw sa harap mo.”“Hmph. Mamatay ka kung gusto mo, pero dapat mo munang tulungan ang Loyle Enterprise na lagpasan ang bagyong hinaharap nito,” walang hiyang sinabi ni Royan.Sumingasing si Rose. “At bakit ko naman dapat tulungan ang Loyle Enterprise? Nitong nakaraang taon, kahit kailan ay hindi ka nag-abalang alamin kung patay o buhay pa ako. Noong mayaman ka pa, kahit kailan ay hindi mo ako naisip. Ngayong malapit ka nang mabaliw, bigla akong lumitaw sa isipan mo. Tatanungin kita, saan mo nakuha ang kakapalan ng mukha mo na ipasa ang ganoon kalaking utang sa akin?”Ang madrasta ni Rose ay lumabas at nagsabi sa isang naiinis na tono, “Rose Loyle, ‘wag kang umasta na parang mas malinis ka pa sa amin. May lakas ka ba ng loob na sabihing wala kang kinalaman sa
Hindi makapaniwala si Royan sa kaniyang nasaksihan. Hindi niya naisip na si Rose ay magiging ay magiging isang ganap na ibang tao. Dati, siya ay tahimik na iiyak lamang kahit ilang beses nila itong kawawain.Gayunpaman, ngayong araw ay hindi lamang siya hindi nagpakita ng respeto, ngunit sinampal pa niya ang kaniyang madrasta.“Rose Loyle, nagrerebelde ka ba?!” Pumulot si Royan ng isang bundok ng mga dokumento na nasa mesa, pinaplano na itapon ito kay Rose.Hindi gumalaw nang kahit kaunti si Rose. Ang namumula niyang mga mata ay nakatitig lamang kay Royan. “Kung pagbubuhatan mo ako ng kamay ngayong araw, sasabihin ko ‘to sa balita at tatanggalin ko ang lahat ng relasyon na mayroon ako sa Pamilya Loyle. Uupo ako at papanoorin ang Grand Asia na bilhin ang Loyle Enterprise. Papanoorin ko kung paano kayong lahat magiging isang pulubi mula sa mga dating mayayaman. Papanoorin ko kayong lahat na mabuhay sa buhay na dati kong naranasan…”Ang folder sa kamay ni Royan ay nahulog. Dati ay mayaman
Ngumisi si Rose. “Ganyan dapat. Kahit na pamilya tayo, kailangan pa rin natin makipagbati sa isa’t isa! At saka, ‘wag na ‘wag mo akong tatawagin na labas na anak. Mas alam mo kaysa sa iba kung ito ba ang totoo o hindi.”Sa sobrang galit ng kaniyang madrasta ay malapit nang mag-apoy ang kaniyang mga mata.Si Royan ay nagpipigil ng kaniyang mga emosyon sa punto na ang kaniyang mukha ay nagsisimula nang kumibot. “Pumapayag ka na bang tulungan ang Loyle Enterprise ngayon?”Tumigil nang sandali si Rose bago sabihin, “Ibigay niyo ang buong Loyle Enterprise sa pangalan ko. Sa susunod, kayong lahat ay wala nang koneksyon dito, magbunga man ito o mabaon sa utang, ayos ba?”Nanigas sa kaniyang kinatatayuan si Royan.“Rose Loyle, gusto mong sakupin ang Loyle Enterprise?” nanggigigil na sinabi ng kaniyang madrasta.Sinabi ni Rose, “Hindi ba’t ito ang gusto niyong lahat? Ang ipabalikat sa ‘kin lahat ng utang niyo? Alam niyo naman siguro na ang pagsakop ko sa Loyle Enterprise sa oras na ito ay mapan
Ang galit sa pagitan nina Jay at Rose ay ginawa ni Jay na isang parusa ng Grand Asia sa Loyle Enterprise. Iyon ay lubos na ginalit si Rose.Siguro nga ay kinamumuhian niya si Royan, ngunit ang mga taong nagtatrabaho sa ilalim ng Loyle Enterprise ay inosente. Maraming tao ang mawawalan ng trabaho kung mauubusan ng pera ang Loyle Enterprise.Si Rose ay natural na mabait na tao at ayaw na gumawa ng ganoon katinding karma, kaya pagalit siyang nagtungo sa Grand Asia upang kausapin si Jay. Hindi niya inaasahan na makakabangga niya ang kaniyang kapatid, si Sydney, na paalis na.Si Sydney ay tumingin sa kaniyang ate na mayroong mumurahing kasuotan. Inaamin niya na si Rose ay kaakit-akit. Gayunpaman, ang magsuot ng ilang daang yuan na presyo ng kasuotan at lumitaw sa Grand Asia, isang lugar na nasa loob ng yayamaning lugar, si Rose ay parang si Lola Liu na bumibisita sa Grand View Gardens—isang kahiya-hiyang tanawin.“Ano’ng ginagawa mo rito?” Naghalukipkip si Sydney at mayroong naiinis na ting
Sinipa ni Rose ang pinto, nagsasanhi ng isang malakasn na tunog. Si Jay, na matinding nakatuon sa pagbabasa ng ilang dokumento, ay biglang napatingala.Nang makita niya si Rose at ang kaniyang kapatid, ang kaniyang mga mata ay naging malamig.Pagalit na sumingasing si Rose nang maglakad siya patungo kay Jay...Sa kabilang banda, si Sydney ay nanginginig habang siya ay unti-unting lumalapit. Natatapos niyang pinagmamasdan ang ekspresyon ni Jay. Nang makita kung paanong walang malaking reaksyon mula sa kaniyang gwapong mukha, hindi ninais ni Sydney na mahiwalay kay Rose at naglakas-loob na lumapit.Umangat ang ulo ni Jay. Ang matalas niyang mga mata ay tumitig kay Rose nang sinabi niya, “Rose Loyle, narito ka ba para ibigay sa ‘kin si Robbie?”Makikita ang pagkabalisa sa mga mata ni Rose. “Rose, isa kang masamang tao. Paano mo nagawang parusahan ang Loyle Enterprise para lang makuha si Robbie mula sa ‘kin?”Binalot ng yelo ang gwapong mukha ni Jay nang ibato niya ang panulat na nasa kani
Tumingin si Jay sa aroganteng babae sa harap niya. Mabagsik niyang kinurot ang kaniyang bibig sa sobrang higpit ay nawala ito sa kaniyang hugis. “Bakit ako matatakot sa isang daing na tulad mo?” (TN: daing = dried salted fish)Tumawa si Rose nang malakas. “Kahit ang isang daing ay magkakaroon ng araw kung saan tataob ito. Sabi na, eh. Dahil nagawa kong buksan ang code na ginawa mo sa Qilin ay natatakot ka na sa ‘kin ngayon, hindi ba? Natatakot ka na mas lalakas ako at magkakaroon ako ng kakayahan na labanan ka para makuha si Robbie!”Ang kaniyang bibig ay hawak-hawak ni Jay, kaya ang kaniyang talumpati ay bahagyang malabo. Gayunpaman, ang kaniyang kayabangan at nangingibabaw na tingin ay malinaw na malinaw.Seryosong tumingin si Jay sa babaeng hindi alam ang kaniyang limitasyon at sumingasing. “Inaasahan mo bang kaya mo akong pangibabawan gamit ang pambata mong kakayahan sa paghack? Panaginip ng isang t*nga.”Si Rose ay walang anumang ganoong panaginip.Siya ay hindi lamang isang hacke