Ngumisi si Rose. “Ganyan dapat. Kahit na pamilya tayo, kailangan pa rin natin makipagbati sa isa’t isa! At saka, ‘wag na ‘wag mo akong tatawagin na labas na anak. Mas alam mo kaysa sa iba kung ito ba ang totoo o hindi.”Sa sobrang galit ng kaniyang madrasta ay malapit nang mag-apoy ang kaniyang mga mata.Si Royan ay nagpipigil ng kaniyang mga emosyon sa punto na ang kaniyang mukha ay nagsisimula nang kumibot. “Pumapayag ka na bang tulungan ang Loyle Enterprise ngayon?”Tumigil nang sandali si Rose bago sabihin, “Ibigay niyo ang buong Loyle Enterprise sa pangalan ko. Sa susunod, kayong lahat ay wala nang koneksyon dito, magbunga man ito o mabaon sa utang, ayos ba?”Nanigas sa kaniyang kinatatayuan si Royan.“Rose Loyle, gusto mong sakupin ang Loyle Enterprise?” nanggigigil na sinabi ng kaniyang madrasta.Sinabi ni Rose, “Hindi ba’t ito ang gusto niyong lahat? Ang ipabalikat sa ‘kin lahat ng utang niyo? Alam niyo naman siguro na ang pagsakop ko sa Loyle Enterprise sa oras na ito ay mapan
Ang galit sa pagitan nina Jay at Rose ay ginawa ni Jay na isang parusa ng Grand Asia sa Loyle Enterprise. Iyon ay lubos na ginalit si Rose.Siguro nga ay kinamumuhian niya si Royan, ngunit ang mga taong nagtatrabaho sa ilalim ng Loyle Enterprise ay inosente. Maraming tao ang mawawalan ng trabaho kung mauubusan ng pera ang Loyle Enterprise.Si Rose ay natural na mabait na tao at ayaw na gumawa ng ganoon katinding karma, kaya pagalit siyang nagtungo sa Grand Asia upang kausapin si Jay. Hindi niya inaasahan na makakabangga niya ang kaniyang kapatid, si Sydney, na paalis na.Si Sydney ay tumingin sa kaniyang ate na mayroong mumurahing kasuotan. Inaamin niya na si Rose ay kaakit-akit. Gayunpaman, ang magsuot ng ilang daang yuan na presyo ng kasuotan at lumitaw sa Grand Asia, isang lugar na nasa loob ng yayamaning lugar, si Rose ay parang si Lola Liu na bumibisita sa Grand View Gardens—isang kahiya-hiyang tanawin.“Ano’ng ginagawa mo rito?” Naghalukipkip si Sydney at mayroong naiinis na ting
Sinipa ni Rose ang pinto, nagsasanhi ng isang malakasn na tunog. Si Jay, na matinding nakatuon sa pagbabasa ng ilang dokumento, ay biglang napatingala.Nang makita niya si Rose at ang kaniyang kapatid, ang kaniyang mga mata ay naging malamig.Pagalit na sumingasing si Rose nang maglakad siya patungo kay Jay...Sa kabilang banda, si Sydney ay nanginginig habang siya ay unti-unting lumalapit. Natatapos niyang pinagmamasdan ang ekspresyon ni Jay. Nang makita kung paanong walang malaking reaksyon mula sa kaniyang gwapong mukha, hindi ninais ni Sydney na mahiwalay kay Rose at naglakas-loob na lumapit.Umangat ang ulo ni Jay. Ang matalas niyang mga mata ay tumitig kay Rose nang sinabi niya, “Rose Loyle, narito ka ba para ibigay sa ‘kin si Robbie?”Makikita ang pagkabalisa sa mga mata ni Rose. “Rose, isa kang masamang tao. Paano mo nagawang parusahan ang Loyle Enterprise para lang makuha si Robbie mula sa ‘kin?”Binalot ng yelo ang gwapong mukha ni Jay nang ibato niya ang panulat na nasa kani
Tumingin si Jay sa aroganteng babae sa harap niya. Mabagsik niyang kinurot ang kaniyang bibig sa sobrang higpit ay nawala ito sa kaniyang hugis. “Bakit ako matatakot sa isang daing na tulad mo?” (TN: daing = dried salted fish)Tumawa si Rose nang malakas. “Kahit ang isang daing ay magkakaroon ng araw kung saan tataob ito. Sabi na, eh. Dahil nagawa kong buksan ang code na ginawa mo sa Qilin ay natatakot ka na sa ‘kin ngayon, hindi ba? Natatakot ka na mas lalakas ako at magkakaroon ako ng kakayahan na labanan ka para makuha si Robbie!”Ang kaniyang bibig ay hawak-hawak ni Jay, kaya ang kaniyang talumpati ay bahagyang malabo. Gayunpaman, ang kaniyang kayabangan at nangingibabaw na tingin ay malinaw na malinaw.Seryosong tumingin si Jay sa babaeng hindi alam ang kaniyang limitasyon at sumingasing. “Inaasahan mo bang kaya mo akong pangibabawan gamit ang pambata mong kakayahan sa paghack? Panaginip ng isang t*nga.”Si Rose ay walang anumang ganoong panaginip.Siya ay hindi lamang isang hacke
Bago pa man matapos si Sydney sa kaniyang mga sinasabi, sumigaw sa kaniya si Jay, “Alis!”Sa sobrang takot ni Sydney ay tumakbo siya palabas.Sina Rose at Jay na lamang ang natira ngayon sa silid. Silang dalawa ay nakatingin nang masama sa isa’t isa nang may nagwawalang mga mata. Ang hangin sa loob ng silid ay nagiging masikip.“Rose, ang lakas ng loob mo pagbantaan ako. Alam mo ba na tala ng buhay ko, ikaw unang taong naglakas-loob na pagbantaan ako?” Nanggigigil si Jay.Matagumpay na ngumiti si Rose. “Salamat sa karangalan!”Nagdilim ng mukha ni Jay. “Dahil gusto mong umalis ng Imperial City, magpapalista na agad ako ng eroplano para sa ‘yo at ng anak mong babae! Para naman kay Robbie, kalimutan mo na ang pagdala sa kaniya palayo.”Biglang tumawa si Rose. Ito ay isang mapait na klase ng tawa.Tinatrato ni Jay sina Jenson at Robbie na parang kaniyang mahalagang kayamanan, ngunit kaya nitong iwanan siya at ang kanilang anak na babae. Gayunpaman, si Zetty ay anak din ni Jay. Hindi ba’t
Si Jay ay hindi man lang nabahala sa panghihimok ni Rose, ngunit may isang bagay siyang inaalala. ‘Kung ang daing na tulad niya ay abala na maging tagapagligtas ng mundo, sino ang mag-aalaga sa anak kong si Robbie?’Nang maisip niya na si Robbie ay iniwan ni Rose ay nagsanhi sa kaniya na hindi mapakali.Sa araw na iyon pagkatapos ng trabaho, dinala ni Jay si Jenson sa Exuberant City. Binuksan ni Rose ang pinto, at ang kaniyang mukha ay namutla nang makita niya si Jay.Sila ay nag-away nang marahas kaninang tanghali. Nasaan na ang respeto ni Jay sa sarili niya sa pagbisita sa kaniya?Sinasakripisyo ni Jay ang lahat para sa kaniyang anak. Kahit na ipakain pa ang kabutihang-asal niya sa mga aso. Nang may ningning sa kaniyang mga mata, mahinhin siyang ngumiti kay Rose at sinabi, “Namimiss na ni Jens ang kapatid niya. Dadalhin ko ang dalawa para kumain sa labas. May reklamo ka ba?”Si Rose ay natuliro habang nananatiling nakatayo sa pinto.‘Naniniwala ba talaga ang taong ‘to na dalawa lang
Pagkatapos ng ilang minuto, nagdala si Rose ng ilang plaot ng dumplings sa mesa.Ang maliit na mesa ay puno ng mga platong pambata na may disenyo ng mga hayop. Ito ay nagmumukha nang isang zoo.Tumingin si Jay sa dragon na plato sa harap niya at nainis. Dapat din ba siyang gumamit ng ganoong pambatang plato?Nagsiya ang mga bata nang matanggap nila ang kanilang mga chopstick. Tinapik nila ang kanilang mga plato gamit ang kanilang mga chopstick at kutsilyo.“Ito ang paborito kong carrot at meat dumpling,” hiyaw ni Robbie.“Ito ang paborito kong cabbage dumpling,” mahinhin ding hiyaw ni Zetty.“At ito ang paborito kong potato dumpling,” marahan na sabi ni Jenson.Tumingin si Jay sa plato na puno ng makikintab ba nga dumpling. Mukhang nakikita ng mga bata kung ano ang nasa loob ng mga dumpling at masayang nahulaan ang laman nito.Nang dalhin ni Rose ang huling plato ng mga dumpling sa mesa, si Jenson, na kanina’y nakaupo sa tabi ni Jay, ay biglang tumayo at umalis sa kaniyang upuan. Lumap
“Gusto mong pumunta si Robbie sa Horizon Colors?” Tanong ni Rose.Tumango si Jay. Akala niya ay pahihirapan siya ni Rose, ngunit bigla siya nitong binigyan ng isang box ng mga dumpling. “Almusal ‘yan para bukas.”Natuliro si Jay at hindi inasahan na siya ay papayag nang ganoon kabilis.Tumingin si Rose sa nag-aalinlangan na tingin ni Jay at nagpaliwanag, “‘Wag butasin ang puso ng maginoo gamit ang sarili niyang mga paraan. Kahit kailan ay hindi ko idadamay ang mga bata sa pag-aaway natin.”Nagbigay si Jay sa kaniya ng bihirang tango bilang sang-ayon. “Mabuti naman at ganyan ka mag-isip.”Walang masabi si Rose. Siya ay palaging hindi kanais-nais sa mga mata ni Jay.Kahit na nakamit ni Jay ang mga layunin niya, mukhang wala siyang anumang balak na umalis. Nanatili siya sa pintuan, nakatingin kay Rose.“May kailangan ka pa ba?” Tanong ni Rose.Mukhang nahihirapan si Jay na gawing salita ang mga iniisip niya nang sumagot siya, “Pwede ko rin ba dalhin si Zetty?”Si Rose ay nag-aalinlangan n