Nakabaon sa mga braso ni Josephine, umiyak si Angeline nang buong puso.Ang matalas na mga mata ni Jay ay nagningning dahil sa hindi tumutulong mga luha sa harap ng kotse.Siya ay nagtiis. Kinuha niya ang bawat sakit at pagsisisi sa kaniyang puso at tinulak ang mga iyon palayo, hindi pinapansin ang mga iyon sa kanilang pagsigaw para sa kaniyang atensyon.Sa huli ay naglaho na lang ang mga iyon sa kaniyang kalooban.Namula rin ang mga mata ni Storm.Ang dalawang nag-iibigan na ito ay nasa harap na ng isa’t isa. Ang katotohanan na naririnig lamang nila at hindi nakikita ang isa’t isa ay masakit para sa mga puso ng mga nanonood.“Ano ang dapat kong gawin?” Umiyak si Angeline.Nagsimula na ring humikbi si Josie.“Ilabas mo lang, Ate Angeline. Mas gagaan ang pakiramdam mo pagkatapos.”“Pagod na ako, Josie. Mahal ko siya, pero pagod na pagod na ako,” paulit-ulit na bulong ni Angeline.Napakuyom ang mga kamao ni Jay. Inangat niya ang isa niyang kamao patungo sa kaniyang bibig at kinagat ang l
Tinigil ni Storm ang kotse sa labas ng Château de Selene.Naglalabas ng isang foldable na wheelchair mula sa likod, binuksan niya ang pinto ng kotse at tinulungan si Jay na umupo sa wheelchair.Ang Château de Selene ay ang pinakamalaking gusali sa loob ng Tourmaline Estate, may disenyo upang magmukhang yayamaning French building. Sa loob nito ay mayroong libo-libong mga guwardiya at lima hanggang sa anim na daang mga katulong. Ang lugar na ‘yon ang kumakatawan sa salitang ‘yaman’.Ang bawat paggalaw na ginagawa nila mula sa sandaling pumasok sina Storm at Jay sa garden entrance ng Château de Selene ay pinapanood ng surveillance system ng kastilyo.Si Xavier, personal butler ng Grand Old Master, ay lumapit sa dalawa at magalang na sinalubong si Jay. “Ang grand old master ay naghihintay sa iyo sa Atrium Garden, Young Master Jay.”Sumagot si Jay sa isang malalim na tono, “Dalhin mo kami sa kaniya.”Dinala ng butler sina Jay at Storm patungo sa Atrium Garden kung saan kasalukuyang nakahiga
Kahit na iyon ay isang mapanuring tanong, ang tono ni Jay ay matatag.“Dati ay nagtataka ako kung bakit mo biglang nilipat ang stocks na nakapangalan sa ‘kin kay Jack Ares, Lolo, pero sa tingin ko ay naintindihan ko na ngayon.”Kinutya ni Jay ang kaniyang sarili. “Isa lang pala ako sa mga kagamitan mo para sa sarili mong kapakinabangan. Gusto mo akong kontrolin, hinahayaan mong maging makapangyarihan ngunit hanggang sa punto na gusto mo. Hindi mo ako hahayaan na lumagpas doon dahil takot ka. Paano kapag nagawa kong maging mas makapangyarihan sa ‘yo? Paano kapag nabaligtad ko itong kaharian na ginawa mo?“Ngunit higit sa lahat, natatakot ka na sa bago kong kapangyarihan, magagawa kong malaman ang dumi na tinatago mo. Paano kung tumanggi akong samahan ka sa gulong ginawa mo? Natatakot ka, dahil kaya kong wasakin ang Tourmaline Estate. Natatakot ka na sa huli ay wawasakin ko ang Pamilya Ares. Tama ba?”Tumitig lamang ang grand old master kay Jay.Ang katigasan ng kaniyang ekspresyon ay ti
Pagkatapos ng away nila ng grand old master, ayaw nang manatili ni Jay sa Tourmaline Estate. Bumalik siya sa Garden of A Diary kasama ang kaniyang tatlong mga anak.Noong gabing iyon, kinandado niya ang kaniyang sarili sa study.Kinaumagahan, nakita siya ni Storm na tulog sa wheelchair noong tawagin niya upang kumain.Ang sahig sa paligid ni Jay ay puno ng mga guhit, ang bawat isa ay may mukha ni Angeline Severe.Kinuha ni Storm ang mga iyon at marahan na nilagay sa study table.Kumain ang mga bata ng almusal habang nakatitig sa kanilang daddy.Pakiramdam nila ay biglang bumalik ang kanilang daddy sa pagiging seryoso sa ‘di malamang dahilan.“Nasaan na si Miss care worker, Daddy?” Tanong ni Robbie.“Pinatalsik ko na siya. Hindi na siya babalik ulit,” kalmadong sagot ni Jay.Napatigil ang mga kamay ni Jenson, at ang mga sulok ng kaniyang mga mata ay bahagyang namula. “Nasaan na siya, Daddy?”“Hindi ko alam,” sagot ni Jay.Binagsak ni Jenson ang kutsilyo at tinidor na hawak niya. “Busog
Biglang nagalit si Angeline at padabog na lumapit kay Jay. Naglagay siya ng kamay sa bintana ng kotse. Sa pagtunog ng pinto, nagbago ang ekspresyon ni Jay.Sa sumunod na sandali, tinanggal ni Angeline ang pinto ng kaniyang kotse.Nanlaki ang mga mata ni Jay.Ang babaeng ‘to!Ang hangin ay umihip sa kotse, at naramdaman ni Jay ang paninigas ng kaniyang dugo dahil sa malamig na hangin.Tuliro, tumitig siya kay Angeline. “Ano’ng kailangan mo?” Naiinip niyang tanong.Ang mga mata ni Angeline ay puno ng galit. “Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko?”“Wala naman tayong dapat pag-usapan.”Ang walang emosyon niyang mukha ay agad na nagsanhi kay Angeline na mawalan ng hininga.Humihigop ng malamig na hangin, ang pulang mga mata ni Angeline ay tumitig sa mga mata ni Jay at nagsalita, “Sige. Ang kailangan mo lang naman gawin ay sagutin ang tatlo sa mga tanong ko. Kapag ayos na ako sa mga sagot, ang lahat ng namamagitan sa ‘tin ay magwawakas dito.”“Magtanong ka lang!”Nagtanong si Angeline,
Si Jay ay nag-elevator mula sa basement patungo sa ika-siyam na palapag.Nakatayo sa harap ng bintana, tumitig siya sa harap ng Grand Asia sa ibaba. Ang grupo ng mga tao ay naroon pa rin, nangangahulugan na pati si Angeline ay naroon pa rin.Napakunot ang mga kilay ni Jay. Ang kanilang mga salita ay mahirap marinig. Hinihiling niya na umalis na si Angeline bago pa man mawasak ang kaniyang kumpiyansa dahil sa panghuhusga ng mga tao.Tumayo si Angeline sa harap ng Grand Asia na parang isang abandonadong manika. Tumayo lamang siya roon, walang sigla at kalmado.Pagkatapos ng mahabang oras… Ang grupo ng mga tao sa wakas ay umalis na, at umalis si Angeline ng Grand Asia habang nalulungkot.Hinihila ang kurbata na nakatali sa kaniya na parang mga posas, sa wakas ay nagawa na ni Jay na humingi.Binuksan niya ang dokumento ngunit napagtanto na ang kaniyang isipan ay puno ng nagagalit na ekspresyon ni Angeline. Hindi magawang makapag-isip nang maayos, sinara niya ang papeles at sumandal sa kani
Tinitingnan ang mala-babaeng aura na pumapalibot kay Grayson, hindi mapigilan ni Finn na mabuga ang tsaa na kahihigop niya lamang.“Kailan mo pa napili ang ganyang istilo, Ginoong Gray?” Tanong ni Finn noong taasan siya ng balahibo.“Maganda ba ako, Finn?” Nang-aakit siyang tiningnan ni Grayson.Napalunok si Finn at tumango. “Napaka-ganda.”Nagtanong si Grayson, “Gusto mo ba akong ganito?”Iiling na sana si Finn ngunit sa huli ay napatango siya dahil ayaw niyang makaramdam ng pagkabigo si Grayson.Pumalakpak si Grayson. “Ang ganda, ‘di ba? Buti naman. Magsusuot ka na rin ng ganito sa trabaho mula bukas.”Napanganga si Finn.Si Grayson ay naliligaw sa sarili niyang mundo. “Nakikita kita sa ganitong kasuotan—malamya, ngunit may tinatagong lakas. Sa tingin ko ay kaya mong higitan si Angeline Severe. Pareho naman kayong hinalikan ng presidente noong bata pa kayo, nangangahulugan na hindi mandidiri sa ‘yo ang presidente. At saka, hinding-hindi ka mababaliw sa presidente. Ito ay isang pambih
Si Angeline ay tila naglaho sa hangin sa sumunod na ilang araw dahil hindi na niya kinukulit si Jay.Naramdaman ni Jay ang pagkabalisa niya na unti-unting tumitindi. Hindi niya mapigilang isipin na ang kaniyang kalupitan ay ganap na sinaktan ang puso ni Angeline at ang babae ay nawalan na ng pag-asa sa kaniya.Ang kayang phone ay nasa mesa, paminsan-minsan niya itong tinitingnan, ngunit walang kahit isang mensahe o tawag na dumarating.“Kumusta ka na, Angeline? Namimiss mo na ba ako tulad ng pagka-miss ko sa ‘yo ngayon?”Napabuntong-hininga nang malalim si Jay at sumandal sa wheelchair, ang kaniyang mga kilay ay bahagyang nakakunot.Sa nirentahang apartment.Nakahiga si Angeline sa kama. Hindi pa siya kumakain o umiinom ng kahit ano sa nakalipas na dalawang araw.Kumirot ang puso ni Josie noong tumitig siya kay Angeline na malapit nang mamatay sa gutom.“Kahit tubig lang, Ate Angeline. Hindi rin naman malalaman ng kuya ko na pinahihirapan mo ang sarili mo.” Nakaupo si Josephine sa gil