Share

Kabanata 692

Tinitingnan ang mala-babaeng aura na pumapalibot kay Grayson, hindi mapigilan ni Finn na mabuga ang tsaa na kahihigop niya lamang.

“Kailan mo pa napili ang ganyang istilo, Ginoong Gray?” Tanong ni Finn noong taasan siya ng balahibo.

“Maganda ba ako, Finn?” Nang-aakit siyang tiningnan ni Grayson.

Napalunok si Finn at tumango. “Napaka-ganda.”

Nagtanong si Grayson, “Gusto mo ba akong ganito?”

Iiling na sana si Finn ngunit sa huli ay napatango siya dahil ayaw niyang makaramdam ng pagkabigo si Grayson.

Pumalakpak si Grayson. “Ang ganda, ‘di ba? Buti naman. Magsusuot ka na rin ng ganito sa trabaho mula bukas.”

Napanganga si Finn.

Si Grayson ay naliligaw sa sarili niyang mundo. “Nakikita kita sa ganitong kasuotan—malamya, ngunit may tinatagong lakas. Sa tingin ko ay kaya mong higitan si Angeline Severe. Pareho naman kayong hinalikan ng presidente noong bata pa kayo, nangangahulugan na hindi mandidiri sa ‘yo ang presidente. At saka, hinding-hindi ka mababaliw sa presidente. Ito ay isang pambih
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status