“‘Wag na pala.”Natigilan si Grayson at napatingin sa phone na nilagay ng presidente sa mesa.Hindi niya mapigilan na matawa sa naka-posing na larawan ni Angeline.Alam naman ng lahat na ang missus ay mahilig gumawa ng biro, pero masyado pa ring malupit para sa kaniya na balaan ang presidente gamit ang pagpapakagutom at pagpapakamatay.Kahit na alam niyang sinasadya siyang subukan ni Angeline, ang payat na itsura ni Angeline sa larawan ay tunay. Pati na rin ang katotohanan na hindi maayos ang kaniyang pamumuhay.Tunay na nag-aalala sa kondisyon ni Angeline, napagpasyahan ni Jay na tawagan si Zayne.“Bisitahin mo nga ang kapatid mo, Zayne. Nakatira siya sa kaliwang gilid ng ilog.”Tumanggi si Zayne. “Ba’t hindi na lang ikaw ang pumunta?”Nakita niya rin siguro ang Moments ni Josephine.Alam na kasama ni Angeline si Josephine, hindi magawa ni Zayne na bisitahin ang kaniyang kapatid dahil wala siyang lakas ng loob na harapin si Josephine.“Kapatid mo ‘yon,” naiinis na sagot ni Jay.“Asawa
Gayunpaman, kahit gaano pa niyang inaasam si Angeline, kailangan niya iyong itago kay Josephine. Kung hindi, ang lahat ng paghihirap na ginawa niya ay para lamang sa wala.“Narinig ko na pinatalsik ka ni Jack sa Tourmaline Estate. Ano’ng plano mo?” Tanong ni Jay.“Gusto kong umalis ng Imperial Capital.” Ang mga mata ni Josie ay nagningning dahil sa mga luha.“Ayaw sa ‘kin ng mga magulang ko, gayundin si Zayne. Para saan pa kung mananatili ako sa Imperial Capital?”“Paano naman ako?” Malamig na tanong ni Jay.Sumagot si Josephine, “Alam kong nag-aalala ka sa ‘kin, Jay, pero talagang hindi ko makumbinsi ang sarili ko na totoo iyon. Hindi tayo magka-dugo, kaya wala kang obligasyon na mag-alala sa mangyayari sa ‘kin. Sana ay naiintindihan mo ang ibig kong sabihin, at siguro ay iwan mo na rin ako ng kahit kaunting dignidad.”“Bale hindi na tayo magiging magkapatid?” Si Jay ay hindi natutuwa.Umiling si Josephine. “Ikaw pa rin ang kuya ko, Jay. Sadyang dahil malaki na ako ngayon, sa tingin k
Si Zayne ay unti-unting nahiya. “Umm, nagkita na kayo ni Josephine, ‘di ba? Kumusta naman siya?”Ang tono ni Jay ay may bakas ng inis. “Ano pa bang iba niyang mararamdaman? Eh, binasura mo siya.”Natigilan si Zayne at naramdaman ang pag-init ng kaniyang mga tainga sa hiya.Isang sandali ang lumipas at sumagot naman nang walang pigil si Zayne, “Paano ka naman? Binasura mo rin naman ang kapatid ko.”Napanganga si Jay. Ninais niyang sabihin na, ‘Iba ‘yon’, ngunit sa huli ay nilunok na lamang niya ang kaniyang mga salita.“Kumusta naman ang pinakamatandang anak na babae ng mga Severe?” Tanong niya.Naiinis na sumagot si Zayne, “Relax. Hindi siya magpapakamatay nang dahil sa ‘yo.”“Eh, paano naman nag tungkol sa pagpapakagutom at pagnanais magpakamatay?” Tanong ni Jay.“Ah, ayon ba. Eh, totoo ang pagpapakagutom niya, pero hindi naman niya gustong mamatay. Lumalamon siya ng sandamakmak na pagkain noong dumating ako. Binge eating ata ang ginagawa.” Pagkatapos no’n, inasar ni Zayne si Jay, “Na
“Pero, sa tuwing naiisip ko na ayaw niya sa ‘kin, mas nagkakaroon ako ng pagnanais na mabuhay. Gusto ko lang na malaman niya na masaya pa rin ako. Kahit wala siya, maayos pa rin ako,” bulong ni Josephine.Ang tugon ng dalawa sa isang breakup ay magkaibang-magkaiba. Si Josephine ang klase ng tao na kayang tiisin ang sakit nang mag-isa, tinatago ito sa likod ng masaya niyang pamumuhay.Pipiliin niya maghirap para lang mapanatili ang kaniyang dignidad.Si Angeline naman, marahil dahil pinagkatiwalaan niya ang relasyon nila kaya hindi siya naniniwala na hindi na siya mahal ni Jay. Siya ay handang gawin ang lahat para lang tumigil si Jay sa pagpapanggap.Gayunpaman, kapag nawasak ang malalim niyang tiwala sa kanilang relasyon, makakaranas siya ng sakit na mas matindi pa sa sakit ni Josephine.Si Angeline ang klase ng tao na nagmamahal nang walang pigil.“Hindi ako susuko sa kuya mo, Josephine. Hindi hanggang sa huli kong hininga,” determinado niyang sinabi pagkatapos niyang humiga sa sofa,
Walang masabi si Angeline, “...”Humarap siya sa balikat ni Josie at umiyak.Lumingon si Josie para pagalitan sina Zetty at Robbie, “Ano ‘yang mga sinasabi niyo, mga bata kayo? Siya ang inyong—”“Josephine Ares.” Isang nakakatakot na boses ang maririnig sa kanilang likuran.Isang itim na Rolls-Royce ang tumigil sa tabi nina Josephine at Angeline.Nagwala ang puso ni Angeline sa kaniyang dibdib dahil sa pamilyar na boses. Tumatalikod, tulala siyang tumitig sa gwapong lalaki sa passenger seat na ang mukha ay puno ng kalamigan.“Jaybe…” Binalot ng luha ang mga mata ni Angeline, ang kaniyang tono ay nakakakirot ng puso.Inangat ni Jay ang kaniyang mga mata upang tumingin kay Angeline, ang mga ito ay malamig at walang emosyon.Binuksan ni Storm ang pinto at nagtungo sa passenger’s seat. Binababa ang rampahan, tinulak ni Jay ang kaniyang wheelchair palabas ng kotse.Hindi pinapansin si Angeline, nagtungo siya sa gate. Nakilala ng system ang kaniyang mukha at ang mga gate ay bumukas.Pumasok
Si Angeline ay natumba ngunit lumapit pa rin siya kay Jay, nagmumukhang isang pugita dahil sa pagyakap niya nang mahigpit kay Jay. Umiiyak nang malaya, siya ay nagmukhang isang bata sa harap ni Jay.“Please, nagmamakaawa ako sa ‘yo. Please, ‘wag mo akong iwan.”Hindi makahinga si Jay noong yakapin siya nang mahigpit ni Angeline.Umangat ang kaniyang braso, ibabalik na ang yakap ni Angeline. Gayunpaman, tumigil siya noong lumitaw ang imahe ni Old Master Severe sa kaniyang isipan.““Gumawa ng malaking pagkakamali ang Pamilya Ares, Jay. Isang pagkakamali na walang dudang ilalagay sa panganib ang pamilya mo kung sakaling lumabas ang sikretong iyon. Natatakot ako na kahit ng pinaka-malayong miyembro ng pamilya niyo ay hindi makakatas mula sa papalapit na patayan sa loob ng Tourmaline Estate.“Kaya pakiusap, nagmamakaawa ako sa ‘yo. Ibalik mo sa amin si Angeline.”Naramdaman ni Jay ang kawalan ng kaniyang pagpipigil noong itulak niya nang malakas si Angeline at sumigaw, “Mahiya ka nga sa sar
Ang mga bata ay humiyaw nang buong-puso.Walang ibang magawa, pinilit na lamang ni Storm ang kaniyang sarili na hilahin ang mga bata at panatilhin sila roon.Sumikip ang puso ni Josephine sa paalis na pigura ni Angeline. Tumalikod siya at pumasok sa sala.“Bakit mo siya pinilit sa daan na walang balikan, Jay?” Tumayo si Josephine sa harap ni Jay, ang mga luha ay pilit na tumutulo mula sa kaniyang mga mata dahil sa awa niya kay Angeline.Marahan na tumingala si Jay. Nang makita ang pighati sa mga mata ni Jay, si Josephine ay natuliro.“Masyado ko siyang nasaktan, Josephine. Bantayan mo siya para sa ‘kin,” bulong ni Jay.“Akala ko ba ay mahal mo si Ate Angeline, Jay? Hindi ako naniniwala na hindi mo na siya mahal. Sabihin mo sa ‘kin, mayroon bang hindi mo masabi sa amin?”“Wala.”Napansin ni Jay na kung mapagtanto ni Josephine na may mali sa kaniya, hinding-hindi niya maaalis ang kaniyang sarili sa gulong ito dahil sina Josephine at Angeline ay matalik na magkaibigan na sinasabi sa isa’t
Ang lalaki ay nagulat sa matinding kagandahan na nakita niya sa kabila ng matamlay na itsura ng babaeng ito.Ang kaniyang pamilya ay hindi nagkukulang sa gwapong mga lalaki at kaakit-akit na mga babae—ang lahat ng mga nakabibighani, maharlika, at kaakit-akit ay nasa iisang lugar. Dati pa man ay naniniwala siya na mabubuhay siya nang hindi apektado sa itsura ng iba, dahil hindi niya kailanman naisip na ang makakita ng isang mukha na tulad ng kay Angeline Severe na payat ngunit matigas, inosente ngunit kaakit-akit, mahinhin ngunit determinado at malakas. Ang kakaibang babae sa harap niya ay nagningning sa mga mata nito, at hindi niya mapigilan na mahulog para sa babae.“Maswerte ka, ang taong nakakita sa ‘yo ay ako.” Hinawakan niya ang kaniyang baba, ang mga kilay ay napapakunot noong mapatingin siya sa nagdurugong braso ni Angeline.Takot siya sa dugo, ngunit napansin niyang hindi siya nagkaroon ng matinding reaksyon noong makita niya ang dugo ni Angeline.Ang namana rin niyang obsess