Share

Kabanata 689

Author: Yan An
Pagkatapos ng away nila ng grand old master, ayaw nang manatili ni Jay sa Tourmaline Estate. Bumalik siya sa Garden of A Diary kasama ang kaniyang tatlong mga anak.

Noong gabing iyon, kinandado niya ang kaniyang sarili sa study.

Kinaumagahan, nakita siya ni Storm na tulog sa wheelchair noong tawagin niya upang kumain.

Ang sahig sa paligid ni Jay ay puno ng mga guhit, ang bawat isa ay may mukha ni Angeline Severe.

Kinuha ni Storm ang mga iyon at marahan na nilagay sa study table.

Kumain ang mga bata ng almusal habang nakatitig sa kanilang daddy.

Pakiramdam nila ay biglang bumalik ang kanilang daddy sa pagiging seryoso sa ‘di malamang dahilan.

“Nasaan na si Miss care worker, Daddy?” Tanong ni Robbie.

“Pinatalsik ko na siya. Hindi na siya babalik ulit,” kalmadong sagot ni Jay.

Napatigil ang mga kamay ni Jenson, at ang mga sulok ng kaniyang mga mata ay bahagyang namula. “Nasaan na siya, Daddy?”

“Hindi ko alam,” sagot ni Jay.

Binagsak ni Jenson ang kutsilyo at tinidor na hawak niya. “Busog
Locked Chapter
Patuloy ang Pagbabasa sa GoodNovel
I-scan ang code upang i-download ang App

Kaugnay na kabanata

  • Sir Ares, Goodnight!   Kabanata 690

    Biglang nagalit si Angeline at padabog na lumapit kay Jay. Naglagay siya ng kamay sa bintana ng kotse. Sa pagtunog ng pinto, nagbago ang ekspresyon ni Jay.Sa sumunod na sandali, tinanggal ni Angeline ang pinto ng kaniyang kotse.Nanlaki ang mga mata ni Jay.Ang babaeng ‘to!Ang hangin ay umihip sa kotse, at naramdaman ni Jay ang paninigas ng kaniyang dugo dahil sa malamig na hangin.Tuliro, tumitig siya kay Angeline. “Ano’ng kailangan mo?” Naiinip niyang tanong.Ang mga mata ni Angeline ay puno ng galit. “Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko?”“Wala naman tayong dapat pag-usapan.”Ang walang emosyon niyang mukha ay agad na nagsanhi kay Angeline na mawalan ng hininga.Humihigop ng malamig na hangin, ang pulang mga mata ni Angeline ay tumitig sa mga mata ni Jay at nagsalita, “Sige. Ang kailangan mo lang naman gawin ay sagutin ang tatlo sa mga tanong ko. Kapag ayos na ako sa mga sagot, ang lahat ng namamagitan sa ‘tin ay magwawakas dito.”“Magtanong ka lang!”Nagtanong si Angeline,

  • Sir Ares, Goodnight!   Kabanata 691

    Si Jay ay nag-elevator mula sa basement patungo sa ika-siyam na palapag.Nakatayo sa harap ng bintana, tumitig siya sa harap ng Grand Asia sa ibaba. Ang grupo ng mga tao ay naroon pa rin, nangangahulugan na pati si Angeline ay naroon pa rin.Napakunot ang mga kilay ni Jay. Ang kanilang mga salita ay mahirap marinig. Hinihiling niya na umalis na si Angeline bago pa man mawasak ang kaniyang kumpiyansa dahil sa panghuhusga ng mga tao.Tumayo si Angeline sa harap ng Grand Asia na parang isang abandonadong manika. Tumayo lamang siya roon, walang sigla at kalmado.Pagkatapos ng mahabang oras… Ang grupo ng mga tao sa wakas ay umalis na, at umalis si Angeline ng Grand Asia habang nalulungkot.Hinihila ang kurbata na nakatali sa kaniya na parang mga posas, sa wakas ay nagawa na ni Jay na humingi.Binuksan niya ang dokumento ngunit napagtanto na ang kaniyang isipan ay puno ng nagagalit na ekspresyon ni Angeline. Hindi magawang makapag-isip nang maayos, sinara niya ang papeles at sumandal sa kani

  • Sir Ares, Goodnight!   Kabanata 692

    Tinitingnan ang mala-babaeng aura na pumapalibot kay Grayson, hindi mapigilan ni Finn na mabuga ang tsaa na kahihigop niya lamang.“Kailan mo pa napili ang ganyang istilo, Ginoong Gray?” Tanong ni Finn noong taasan siya ng balahibo.“Maganda ba ako, Finn?” Nang-aakit siyang tiningnan ni Grayson.Napalunok si Finn at tumango. “Napaka-ganda.”Nagtanong si Grayson, “Gusto mo ba akong ganito?”Iiling na sana si Finn ngunit sa huli ay napatango siya dahil ayaw niyang makaramdam ng pagkabigo si Grayson.Pumalakpak si Grayson. “Ang ganda, ‘di ba? Buti naman. Magsusuot ka na rin ng ganito sa trabaho mula bukas.”Napanganga si Finn.Si Grayson ay naliligaw sa sarili niyang mundo. “Nakikita kita sa ganitong kasuotan—malamya, ngunit may tinatagong lakas. Sa tingin ko ay kaya mong higitan si Angeline Severe. Pareho naman kayong hinalikan ng presidente noong bata pa kayo, nangangahulugan na hindi mandidiri sa ‘yo ang presidente. At saka, hinding-hindi ka mababaliw sa presidente. Ito ay isang pambih

  • Sir Ares, Goodnight!   Kabanata 693

    Si Angeline ay tila naglaho sa hangin sa sumunod na ilang araw dahil hindi na niya kinukulit si Jay.Naramdaman ni Jay ang pagkabalisa niya na unti-unting tumitindi. Hindi niya mapigilang isipin na ang kaniyang kalupitan ay ganap na sinaktan ang puso ni Angeline at ang babae ay nawalan na ng pag-asa sa kaniya.Ang kayang phone ay nasa mesa, paminsan-minsan niya itong tinitingnan, ngunit walang kahit isang mensahe o tawag na dumarating.“Kumusta ka na, Angeline? Namimiss mo na ba ako tulad ng pagka-miss ko sa ‘yo ngayon?”Napabuntong-hininga nang malalim si Jay at sumandal sa wheelchair, ang kaniyang mga kilay ay bahagyang nakakunot.Sa nirentahang apartment.Nakahiga si Angeline sa kama. Hindi pa siya kumakain o umiinom ng kahit ano sa nakalipas na dalawang araw.Kumirot ang puso ni Josie noong tumitig siya kay Angeline na malapit nang mamatay sa gutom.“Kahit tubig lang, Ate Angeline. Hindi rin naman malalaman ng kuya ko na pinahihirapan mo ang sarili mo.” Nakaupo si Josephine sa gil

  • Sir Ares, Goodnight!   Kabanata 694

    “‘Wag na pala.”Natigilan si Grayson at napatingin sa phone na nilagay ng presidente sa mesa.Hindi niya mapigilan na matawa sa naka-posing na larawan ni Angeline.Alam naman ng lahat na ang missus ay mahilig gumawa ng biro, pero masyado pa ring malupit para sa kaniya na balaan ang presidente gamit ang pagpapakagutom at pagpapakamatay.Kahit na alam niyang sinasadya siyang subukan ni Angeline, ang payat na itsura ni Angeline sa larawan ay tunay. Pati na rin ang katotohanan na hindi maayos ang kaniyang pamumuhay.Tunay na nag-aalala sa kondisyon ni Angeline, napagpasyahan ni Jay na tawagan si Zayne.“Bisitahin mo nga ang kapatid mo, Zayne. Nakatira siya sa kaliwang gilid ng ilog.”Tumanggi si Zayne. “Ba’t hindi na lang ikaw ang pumunta?”Nakita niya rin siguro ang Moments ni Josephine.Alam na kasama ni Angeline si Josephine, hindi magawa ni Zayne na bisitahin ang kaniyang kapatid dahil wala siyang lakas ng loob na harapin si Josephine.“Kapatid mo ‘yon,” naiinis na sagot ni Jay.“Asawa

  • Sir Ares, Goodnight!   Kabanata 695

    Gayunpaman, kahit gaano pa niyang inaasam si Angeline, kailangan niya iyong itago kay Josephine. Kung hindi, ang lahat ng paghihirap na ginawa niya ay para lamang sa wala.“Narinig ko na pinatalsik ka ni Jack sa Tourmaline Estate. Ano’ng plano mo?” Tanong ni Jay.“Gusto kong umalis ng Imperial Capital.” Ang mga mata ni Josie ay nagningning dahil sa mga luha.“Ayaw sa ‘kin ng mga magulang ko, gayundin si Zayne. Para saan pa kung mananatili ako sa Imperial Capital?”“Paano naman ako?” Malamig na tanong ni Jay.Sumagot si Josephine, “Alam kong nag-aalala ka sa ‘kin, Jay, pero talagang hindi ko makumbinsi ang sarili ko na totoo iyon. Hindi tayo magka-dugo, kaya wala kang obligasyon na mag-alala sa mangyayari sa ‘kin. Sana ay naiintindihan mo ang ibig kong sabihin, at siguro ay iwan mo na rin ako ng kahit kaunting dignidad.”“Bale hindi na tayo magiging magkapatid?” Si Jay ay hindi natutuwa.Umiling si Josephine. “Ikaw pa rin ang kuya ko, Jay. Sadyang dahil malaki na ako ngayon, sa tingin k

  • Sir Ares, Goodnight!   Kabanata 696

    Si Zayne ay unti-unting nahiya. “Umm, nagkita na kayo ni Josephine, ‘di ba? Kumusta naman siya?”Ang tono ni Jay ay may bakas ng inis. “Ano pa bang iba niyang mararamdaman? Eh, binasura mo siya.”Natigilan si Zayne at naramdaman ang pag-init ng kaniyang mga tainga sa hiya.Isang sandali ang lumipas at sumagot naman nang walang pigil si Zayne, “Paano ka naman? Binasura mo rin naman ang kapatid ko.”Napanganga si Jay. Ninais niyang sabihin na, ‘Iba ‘yon’, ngunit sa huli ay nilunok na lamang niya ang kaniyang mga salita.“Kumusta naman ang pinakamatandang anak na babae ng mga Severe?” Tanong niya.Naiinis na sumagot si Zayne, “Relax. Hindi siya magpapakamatay nang dahil sa ‘yo.”“Eh, paano naman nag tungkol sa pagpapakagutom at pagnanais magpakamatay?” Tanong ni Jay.“Ah, ayon ba. Eh, totoo ang pagpapakagutom niya, pero hindi naman niya gustong mamatay. Lumalamon siya ng sandamakmak na pagkain noong dumating ako. Binge eating ata ang ginagawa.” Pagkatapos no’n, inasar ni Zayne si Jay, “Na

  • Sir Ares, Goodnight!   Kabanata 697

    “Pero, sa tuwing naiisip ko na ayaw niya sa ‘kin, mas nagkakaroon ako ng pagnanais na mabuhay. Gusto ko lang na malaman niya na masaya pa rin ako. Kahit wala siya, maayos pa rin ako,” bulong ni Josephine.Ang tugon ng dalawa sa isang breakup ay magkaibang-magkaiba. Si Josephine ang klase ng tao na kayang tiisin ang sakit nang mag-isa, tinatago ito sa likod ng masaya niyang pamumuhay.Pipiliin niya maghirap para lang mapanatili ang kaniyang dignidad.Si Angeline naman, marahil dahil pinagkatiwalaan niya ang relasyon nila kaya hindi siya naniniwala na hindi na siya mahal ni Jay. Siya ay handang gawin ang lahat para lang tumigil si Jay sa pagpapanggap.Gayunpaman, kapag nawasak ang malalim niyang tiwala sa kanilang relasyon, makakaranas siya ng sakit na mas matindi pa sa sakit ni Josephine.Si Angeline ang klase ng tao na nagmamahal nang walang pigil.“Hindi ako susuko sa kuya mo, Josephine. Hindi hanggang sa huli kong hininga,” determinado niyang sinabi pagkatapos niyang humiga sa sofa,

Pinakabagong kabanata

  • Sir Ares, Goodnight!   Kabanata 848

    Sinadya ni Angeline na patunugin ang posas, ngunit hindi siya narinig ng matandang babae. Nakatuon lamang ito sa pagkuha ng kaniyang pulso.Napagtanto ni Angeline na ang doktor na ito ay kumakampi sa mas masamang panig. Siya ay isang doktor na walang moralidad.Pagkatapos ay bigla siyang naging walang galang sa matandang babae. Sinadya niyang pahirapan ang matanda. “Doc, hindi ba’t madalas nilang kinukuha ang pulso sa kanang kamay? Bakit mo ginagamit ang kaliwang kamay mo?”Wala talaga siyang alam tungkol sa medisina. Sinasadya lang niyang magreklamo.Tumingin sa kaniya ang doktor at ngumiti. “Ang mga mata ng babaeng ito ay maliwanag at puno ng enerhiya. Hindi naman mukhang may sakit siya sa utak.”Tumingin nang masama si Angeline kay Jay.Ang mukha ni Jay ay parang isang yelo. Tumingin naman nang masama si Angeline kay Finn na nakatayo sa isang gilid.Mukhang ang dalawang ito ay nagsinungaling sa matandang babae, sinasabi na siya ay may sakit sa utak. Kaya pala hindi nag-react ang mat

  • Sir Ares, Goodnight!   Kabanata 847

    “Tumigil ka na sa pagpapanggap. Alam kong hindi ka na pwedeng mabuntis.” Nilantad ni Jay ang pagpapanggap ni Angeline.Nagulat na tumingin sa kaniya si Angeline. Biglang naalala ni Angeline noong siya ay kinawawa ng mag-amang Bell, ang kaniyang uterus ay napinsala at nawalan siya ng kakayahan na magkaroon pa ng anak.“Eh… Bakit ako nagsusuka?” Si Angeline ay nalito.Tumingin si Jay sa seryosong mga mata ni Angeline, at naramdaman niya ang pagsikip ng kaniyang dibdib.Hindi naman mukhang nagsisinungaling ang babaeng ito.Nagpadala siya ng mensahe kay Finn. ‘Papuntahin mo rito ang obstetrician-gynecologist.’Patuloy na nasusuka si Angeline. Ngayon, siya ay nakahiga na lamang sa kama. Ang kaniyang mukha ay payat at maputla.“May cancer ba ako?“Intestine cancer?“Stomach cancer?”Nagsimula siyang mag-overthink.“Hindi, bakit parang parehas ‘to ng nararamdaman ko noong pinagbubuntis ko sina Jenson?”…Napakunot ang kilay ni Jay bago siya tumalikod at umalis.Pagkatapos ng ilang sandali, pu

  • Sir Ares, Goodnight!   Kabanata 846

    Si Jay ay nagalit. “Angeline, walang hiya ka talaga.”Nabaliw na si Jay. Kinuha niya ang braso ni Angeline at hinila siya patungo sa kabilang kwarto.Si Angeline ay nalilito. Si Jay ay nasa isang wheelchair. Paano niya nagawang magkaroon ng ganoon katinding aura?“Bitawan mo ako.” Nagpumiglas si Angeline sa hawak ni Jay. Sa sumunod na segundo, ang kaniyang mga kamay ay naipit sa dulo ng kama.Pagalit na tumingin sa kaniya si Jay. “Kaninong anak ‘yan?”Nakita ni Angeline ang pagkabaliw sa mga mata ni Jay. Bigla siyang natawa. “Ginoong Ares, ‘wag mong sabihin sa ‘kin na nag-aalala ka pa rin sa ‘kin. Ano’ng dapat kong gawin? Ang dami-daming pwedeng maging ama ng batang ‘to.”Ninais siyang sakalin ni Jay hanggang kamatayan. Gayunpaman, naalala niya na ang leeg ni Angeline ay sensitibo. Noong naisip niya kung paanong nagsusuka kanina si Angeline, lumambot ang kaniyang puso.Hindi niya kayang gawin iyon kay Angeline.Binawi niya ang kaniyang kamay. “Angeline, parang gusto mo atang maparusaha

  • Sir Ares, Goodnight!   Kabanata 845

    Sinabi ni Angeline, “Ginoong Ares, maikli lang ang buhay at kailangan mong maging mabuti sa anumang oras. Ayaw ko nang magpanggap pa para sa mga bata.”Kapag mas bumibitaw si Angeline, mas nababaliw si Jay.Bigla niyang nilapitan si Angeline nang may agresibong itsura sa kaniyang mukha. Ang malaki niyang kamay ay humawak sa lalamunan ni Angeline. “Kung gusto mo talagang maging malaya, magpakamatay ka na lang.”Ang kamay ni Jay ay nasa leeg ni Angeline, nagsasanhi sa babae na makaramdam ng pagkahilo. Pagkatapos no’n, hindi na niya ito matiis pa. Nasuka siya sa puting damit ni Jay.Tumingin si Angeline sa dumi sa kwelyo ni Jay at napagtanto na siya ay nasa isang malaking gulo.Siya lang ang nakakaalam kung gaano ka-obsessed si Jay sa kalinisan.“Angeline Severe, ang kapal ng mukha mo?” Sigaw ni Jay.Noong nakita ni Angeline ang gulo, muli siyang nahilo.“Umalis ka sa harap ko!”Bago pa man makaalis si Jay, napasuka muli sa kaniya si Angeline.Ang itsura ni Jay ay para bang sumuko na siya

  • Sir Ares, Goodnight!   Kabanata 844

    Tumingin si Angeline kay Jay na nasa sulok ng kwarto mula sa sulok ng kaniyang mga mata. Nakita niya ang walang emosyon na mga mata ni Jay at nagsimulang magrebelyo.Kung siya ay nakikisama sa ibang mga lalaki at wala pa ring pakialam si Jay, dapat na niyang tigilan ang lahat ng pantasya niya tungkol kay Jay.Mahinang tinanong ni Angeline si Gordon, “Alam mo ba kung paano humalik?”Tumingin si Gordon sa mapulang mga labi ni Angeline at nagkaroon ng pandidiri sa kaniyang mukha. “Binibini, hinihiling ko lang naman sa ‘yo na magpanggap na kasintahan ko. Hindi mo naman kailangang gawin ang lahat.”Sinabi ni Angeline. “Pekeng halik. Alam mo ba kung paano?”Napatingin si Gordon kung saan nakatingin si Angeline. “Para ba sa kaniya?”Tumango si Angeline.Napabuntong-hininga si Gordon sa ginhawa. “Sige.”Pagkatapos no’n, hinawakan nila ang isa’t isa. Ginamit ni Gordon ang kaniyang kamay upang takpan ang kaniyang mga labi, ngunit mula sa direksyon ni Jay, silang dalawa ay mukhang naghahalikan.B

  • Sir Ares, Goodnight!   Kabanata 843

    Malamig na sinabi ni Jay, “Hindi mo kailangang mag-alala sa Grand Asia.”Walang maisagot na pambai si Sean kay Jay. Nababalisa niyang sinabi, “Sige, Master Ares, magsaya ka muna d’yan.” Pagkatapos no’n, naglakad siya palayo nang nalulugmok.Tumingin si Angeline kay Jay. Ang lalaking ito ay isang bisita, ngunit pinahiya niya ang host ng party. Nagawa pa rin niyang manatili at samsamin nang walang inaalala ang kaniyang wine.Hindi na ito matiis pa ni Angeline. Pinaalalahanan niya si Jay at sinabi, “Ginoong Ares, ‘wag mong kalimutan. Kailangan mong magtira ng dignidad para sa ibang tao para hindi nakakailang kapag nagkita ulit kayo sa susunod.”Tumingala si Jay upang tumingin kay Angeline. Mayroong bakas ng lungkot sa mga mata ni Angeline na hindi niya nagawang matago. Alam ni Jay na nag-aalala sa kaniya si Angeline.Sinabi ni Jay, “Hindi naman na kami magkikita sa susunod. Kaya, syempre, hindi ko kailangang magtira ng dignidad para sa kaniya.”Alam ni Angeline na hindi makatwiran si Jay.

  • Sir Ares, Goodnight!   Kabanata 842

    Iyon ay isang party upang i-celebrate ang isang buwan ng pagkabuhay ng anak ni Sean.Naalala ni Angeline na si Sean ay isang dating kaibigan na nakipagtulungan sa kaniya dati. Walang dahilan para sa kaniya na hindi magbigay kay Sean ng regalo.Marahil ay pwede siyang makipagtulungan ulit kay Sean.Tulad ng kadalasan, pagkatapos magbihis ni Angeline, nagmaneho siya patungong Imperial Capital mula sa Swallow City.Ang party ng mga Bell ay nangyari sa isang five-star hotel.Noong pumasok si Angeline sa hall, agad niyang inakit ang atensyon ng lahat.Siya ay isang magandang babae, at nagpaganda pa siya para sa okasyon na ito.Siya ay may suot na backless lace dress na pinapakita ang perpekto niyang katawan. Mayroong dugo sa pula niyang “Ginoo.”Sa isang sulok, si Jay ay nakikipag-usap kay Sean noong biglan silang inistorbo ni Finn.Tumingin nang masama si Jay kay Finn. “Tumahimik ka nga.”Sinenyasan siya ni Finn gamit ang kaniyang mga mata upang sabihin sa kaniya na tumingin sa pintuan.T

  • Sir Ares, Goodnight!   Kabanata 841

    Gumapang siya papalapit kay Jay at tinulungan ang lalaki sa kaniyang mga damit.Nakita ni Jay na ang mga kamay ni Angeline ay lubos na nanginginig. Halata naman na siya ay kinakabahan at natatakot.Agad na naglaho ang masamang binabalak niya kay Angeline. “Angeline, sa tingin mo ba ay dapat lang na ibenta ang katawan mo para sa kumpanya mo?”Si Angeline ay natuliro. Sinabi niya, “Wala nang pera ang kumpanya at higit pa sa isang daang mga empleyado ng Severe Enterprises ang mawawalan ng trabaho. At saka, wala akong pera para bayaran ang mga utang namain. Kapag nangyari ‘yon, kamatayan ko na lang ang makakapagbayad sa mga pagkakamali ko.”Biglang kinuha ni Jay ang braso ni Angeline. “Ano’ng sinabi mo?”Bayaran ang kaniyang mga pagkakamali gamit ang kaniyang kamatayan? Hindi siya nagpakahirap para kay Angeline para lang patayin niya ang kaniyang sarili.Matapang na tumingin si Angeline sa galit na mga mata ni Jay. “Ginoong Ares, ambisyoso ka at ayaw bigyan ang ibang mga kumpanya ng pagkak

  • Sir Ares, Goodnight!   Kabanata 840

    Hindi siya nakakuha ng anumang resulta pagkatapos humingi ng tulong sa labas, kaya narito siya ngayon at bumalik kay Jay. Wala siyang ibang magagawa.Tulirong tumingin si Angeline kay Jay. Marahil ay mas nangingibabaw na ang itsura niya ngayon dahil siya ay lasing na.“Jay Ares, sabihin mo sa ‘kin. Ano ang dapat kong gawin para pagbigyan mo na ang Severe Enterprises?”“Ganito ka ba magmakaawa?” Haha, ang lakas naman ng loob ng babaeng ito na tawagin siya sa buo niyang pangalan? Sino ang nagbigay sa kaniya ng lakas ng loob na gawin ito?Umayos ng tindig si Angeline. Tumayo siya sa harap ni Jay na parang isang estudyante na may nagawang mali.Ganito siya tumayo sa tuwing may nagagawa siyang mali noong siya ay bata pa. Ngayon, siya ay nakatayo sa ganitong posisyon dahil lang sa nakasanayan.“Kung papayag ka na pakawalan ang Severe Enterprises, pwede mong kuhain ang buhay ko kung gusto mo.” Matigas na sabi ni Angeline.Nanigas ang mukha ni Jay. “Bakit ko kakailanganin ang buhay mo?”Gusto

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status