Share

Kabanata 664

Author: Yan An
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56
Mayroon lamang isang dahilan kung bakit may mag-uutos sa mga reporter na magtanong ng ganoong sensitibong mga katanungan--para pahiyain siya at bawasan ang impluwensya niya sa publiko.

Sumulyap si Jay kay Jack sa likod niya. Kakababa lamang ni Jack ng kotse at nakita na si Jay ay napapalibutan ng mga reporter. Isang ngisi ang lumitaw sa mga sulok ng kaniyang bibig.

Alam ni Jack na palaging arogante at mayabang si Jay. At saka, may problema siya sa pakikipag-usap sa mga tao at hindi dadalhin ang personal niyang assistant, si Grayson, kapag lalabas siya nang matagal.

Sinabi niya sa kaniyang isipan, ‘Tingnan natin kung paano niya pangangalagaan ang nakakairitang mga reporter na ‘yon.’

Nakita ni Storm ang nangungutyang ngiti ni Jack. Ang gwapo at masigla niyang mukha ay napangisi. May mga tao talaga na hindi takot mamatay at sinusubukan na hilahin pababa si President Ares.

Kahit na mawasak ang mga binti ni President Ares, mayroon pa rin siyang matinding utak.

Kahit na nakaramdam ng inis si
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

  • Sir Ares, Goodnight!    Kabanata 665

    Tumingin si Josie sa likod ng kaniyang ama hababg may luhang tumutulo mula sa kaniyang mga mata.Kung ‘di dahil kay Jay, ang kaniyang ama ay walang paki sa kaniyang reputasyon.Pagkatapos ng court session, sa wakas ay nakita na ni Jay ang lubos na inaasam ng kaniyang puso, si Angeline. Ngumiti sa kaniya si Angeline na para bang paglitaw ng bulaklak sa tagsibol. Si Jay ay bahagyang natuliro.Siya ay naginhawaan na ang babae ay kayang manatiling masaya sa kabila ng ganoon kalaking problema.“May nagpapahirap ba sa ‘yo sa loob?” Kinuha ni Jay ang pagkakataon na tanungin siya.Ngumiti nang maliwanag si Angeline. “Hindi mo ba alam kung gaano akong mapagpasensya? Paano sila magkakaroon ng lakas ng loob na kawawain ako?”Isang ngiti ang marahan na nabuo sa mukha ni Jay, “Hindi mahalaga kung gaano ka ka-cute. Hindi ka naman pera, eh. Hindi lahat ay magugustuhan ka.”Si Angeline ay natalo. “Oo na, oo na. Inaamin ko nang may sumubok na kawawain ako, pero pagkatapos ko silang talunin, naging maba

  • Sir Ares, Goodnight!    Kabanata 666

    Si Finn ay lubos na kalmado at pinanood ang surveillance video na para bang ilang beses na niya itong pinanood.“Judge, ang surveillance video ay pinapakita na patagong pumasok si Hiroshi sa Flying Moon Cottage, labing-dalawang minuto bago si Angeline. Sa nakalipas na labing-dalawang minuto na ito, ano ang eksaktong ginawa ni Hiroshi sa Flying Moon Cottage?”Tumigil kaagad si Finn sa pagsasalita. Ang tanong niyang ito ay nagsanhi sa lahat na pag-isipan iyon.Pagkatapos no’n, ang lahat ay napatingin ay Josephine.Ang kaniyang testimonya ay mahalaga.Sa oras na iyon, ang jury box ay naging lubos na tahimik. Ang ina ni Josephine ay biglang hinawakan nang mahigpit ang mga kamay ni Josie na para bang sinusubukan siya nitong pigilan.Tumayo si Josie na para bang may tumusok sa kaniyang karayom. Ang kumikislap niyang mga mata ay napatingin kay Angeline, at napatingin din sa kaniya si Angeline. Ang kaniyang mga mata ay kalmado, ang malaki niyang mga mata ay nakangiti noong siya ay umiling.Hal

  • Sir Ares, Goodnight!    Kabanata 667

    Noong nakita ng ina ni Josie kung ano ang nangyayari, bigla siyang tumayo at sinabi, “Oo, ang pagkain ay may gamot na magsasanhi sa kanila na manabik. Gusto ko lang naman na magtalik ang anak ko at si Hiroshi, ngunit kailanman ay wala akong balak na patayin siya.”Ngumiti naman si Finn. Napatingin siya kay Yumi.“Binibining Titus, gusto mo bang makinig sa isang recording ng iyong kapatid?”Si Yumi, na kanina ay kalmado, ay nagsimulang kabahan.“Aling recording?”“Bilang kaniyang ate, alam mo naman dapat na nagtungo siya sa Flying Cottage, hindi ba?”Nag-alinlangan nang sandali si Yumi at tumango.Ngumiti si Finn at sinabi, “Inaamin mo ba na nakikipagsabwatan ka kay Madam Ares para masiguro na magsama sina Hiroshi at Binibining Josie?”Tumitig si Yumi at sa seryosong mukha ni Finn na para bang ang lalaking ito ay mayroong maraming ebidensya.Pagkatapos, tumango siya.Pinitik ni Finn ang kaniyang mga daliri at naghinuha, sinasabi, “Your honor, narinig mo ang sinabi niya. Ang pagtungo ni

  • Sir Ares, Goodnight!    Kabanata 668

    Sa huli ay nag-anunsiyo ang judge, “Ang motibo ni Ginang Zonder sa pagpatay ay aming kinikilala!”Dahil wala namang masamang pinsala na natamo si Hiroshi, si Ginang Zonder ay nakulong lamang nang tatlong taon.Ang walang kapantay na si Finn ay sinindak ang lahat ng nasa korte, kahit sina Yumi at Jack ay nagulat.Gusto nilang malaman kung saan nakita ni Jay ang ganoong pambihirang batang abogado. Naisip nila kung gaano kaganda kung magagamit din nila si Finn. Siya ay parang isang tigre na may mga pakpak.Gayunpaman, binigo sila ng lalaking ito.Pagkatapos magsara ng korte, naglakad si Finn patungo kay Jay.“President Ares, ang mga binti mo—”“Ayos lang naman ang mga ‘yan,” sabi ni Jay.“Sino’ng gumawa nito?” Napakuyom ang mga kamao ni Finn at pagalit na tinanong si Storm.Napatingin si Storm kay Jack at tinuro ang Old Master, “Sabi ni President Ares ay hindi siya maghihiganti. Sadyang hindi pa oras para roon.”Nanggigil si Finn. Ang pagiging magiliw niya at ang maamo niyang itsura ay na

  • Sir Ares, Goodnight!    Kabanata 669

    Nagsalita si Jay nang may malamig na tono, “Kung uuwi siya, sa bahay ko siya uuwi, hindi sa ‘yo.”Si Zayne ay naging seryoso. “Noong nakaraan pa nakabalik ang kapatid ko, at sa oras na ‘yon ay yakap-yakap mo lang siya. Gusto ko lang naman siyang i-uwi sa loob ng ilang araw. Hindi ka ba naaawa sa ‘min? Miss na miss na siya ng lolo namin, pati na rin ng mga magulang ko. Hindi mo ba alam kung gaano katindi ang pagmamahal ng pamilya para sa kanilang anak?”Desididong tumanggi si Jay. “Hindi.”Nang marinig ito, si Zayne ay nagalit. “Kaya pala sinasabi ng mga tao na ikaw ay isang lalaking may pusong-bato. Alam mo, mas masahol ka pa do’n. Hindi ka tao. Kahit na asawa ka ng kapatid ko, hindi siya ang pribado mong ari-arian!”Kahit gaano karami pa ang salitang sabihin ni Zayne, ang isip ni Jay ay hindi nagbabago.“Kinasal na siya sa ‘kin. Kamatayan lang ang makakapaghiwalay sa ‘min. Kaya, ako ang nangangasiwa sa mga ginagawa niya.”Si Zayne ay walang ibang magagawa kung ‘di ang gamitin si Old M

  • Sir Ares, Goodnight!    Kabanata 670

    Biglaan siyang inatake ni Angeline. “Ang ibang mga lalaki na 31 taong gulang na ay may maraming karanasan para maging perpektong asawa. Gayunpaman, ikaw naman, mahal kong kuya, ay nag-aksaya lang ng tatlumpung taon ng karanasan.”Hindi mapigilang matawa ni Josie.“I-ikaw bata ka… Ano’ng sinusubukan mong sabihin?” Nanginig sa galit si Zayne.“Hindi mo kayang gumawa ng mga dyamante nang walang pressure,” sabi ni Angeline, “Dalawang taon akong mas bata sa ‘yo at may anak na ako. Samantalang ikaw ay walang kahit kasintahan man lang.”Ang mukha ni Zayne ay pumangit. Ang kaniyang mga labi ay bumukas na para bang may sasabihin siya. Gayunpaman, sa huli ay wala siyang sinabi.Ang kotse ay mabilis na tumatakbo, ngunit ang hangin sa loob ay nakasasakal ulit.Ninais na magreklamo si Angeline nang patago. Nilabas niya ang kaniyang phone at nagpadala ng text kay Jay, ‘Mahal, napakalamig ng hangin dito sa kotse namin.’Noong narinig ni Jay ang tunog ng notification sa kaniyang phone, binuksan niya a

  • Sir Ares, Goodnight!    Kabanata 671

    Hindi kailanman inakala ni Josie na darating ang araw na may isang mahinhin at maamong babae na tatayo sa tabi ni Zayne, winawasak ang kaniyang pantasya na siya ay muling mamahalin ni Zayne.Gayunpaman, wala na siyang luha na mailalabas.“Pupuntahan ko muna si Zayne. Josie, ibuhos mo lang ang lahat ng lungkot na dinulot niya sa ‘yo.” Pagalit na naglakad si Angeline patungo sa harap-bahay.Ang kaninang masiglang harap ng bahay ay biglang natahimik. Maliban kina Storm at Finn, na mukhang maliliit na mga tupa sa gate, ang iba ay wala na roon.“Nasaan sila?” Si Angeline ay nagtataka.Sinabi ni Storm kay Angeline, “Sina President Ares at Old Master Severe ay nag-uusap sa study. Si Madam Severe at Binibining Thomas ay nagtungo sa kusina para maghanda ng hapunan. Ang ama mo ay nasa gilid, inaayos ang kaniyang hardin.”Napakuyom ang kamao ni Angeline at pagalit na tinanong, “Nasaan na ang g*gong yon, si Zayne?”Si Storm ay natuliro sa kagulat-gulat at walang pigil na pag-insulto ni Angeline sa

  • Sir Ares, Goodnight!    Kabanata 672

    Sina Jay at Old Master Severe ay lumabas ng study. “Ano’ng nangyayari?”Si Madam Severe at si Binibining Thomas ay mukhang nag-aalala habang si Josephine naman ay nakangiti habang naluluha. “Siguro ay nagsuntukan sina Ate Angeline at Zayne.”Pagkatapos ng ilang sandali, bumaba sina Angeline at Zayne. Si Zayne ay puno ng gasgas habang si Angeline naman ay hindi nasaktan.Ang lahat ay nabigla sa kanilang nakita.Napasigaw si Binibining Thomas at tumakbo patungo kay Zayne. “Zayne, ayos ka lang ba?”Naiinis na sinabi ni Angeline, “‘Wag kang mag-alala, hindi naman madaling masaktan ang mga g*go. Hindi siya mamamatay.”Si Binibining Thomas ay naluluha. “Angeline, siya ang kuya mo. Paano mo nagawang maging ganito sa kaniya?”Bumulong si Angeline, “Naging maawain na nga ako. Sa ginawa niya, maswerte siya dahil hindi ko siya tinanggalan ng itlog.”Tumingin nang masama si Zayne kay Angeline. “Bakit naging mas mabilis ka nitong nakalipas na ilang taon sa halip na maging mas matalino?”Nagmamalaki

Latest chapter

  • Sir Ares, Goodnight!    Kabanata 848

    Sinadya ni Angeline na patunugin ang posas, ngunit hindi siya narinig ng matandang babae. Nakatuon lamang ito sa pagkuha ng kaniyang pulso.Napagtanto ni Angeline na ang doktor na ito ay kumakampi sa mas masamang panig. Siya ay isang doktor na walang moralidad.Pagkatapos ay bigla siyang naging walang galang sa matandang babae. Sinadya niyang pahirapan ang matanda. “Doc, hindi ba’t madalas nilang kinukuha ang pulso sa kanang kamay? Bakit mo ginagamit ang kaliwang kamay mo?”Wala talaga siyang alam tungkol sa medisina. Sinasadya lang niyang magreklamo.Tumingin sa kaniya ang doktor at ngumiti. “Ang mga mata ng babaeng ito ay maliwanag at puno ng enerhiya. Hindi naman mukhang may sakit siya sa utak.”Tumingin nang masama si Angeline kay Jay.Ang mukha ni Jay ay parang isang yelo. Tumingin naman nang masama si Angeline kay Finn na nakatayo sa isang gilid.Mukhang ang dalawang ito ay nagsinungaling sa matandang babae, sinasabi na siya ay may sakit sa utak. Kaya pala hindi nag-react ang mat

  • Sir Ares, Goodnight!    Kabanata 847

    “Tumigil ka na sa pagpapanggap. Alam kong hindi ka na pwedeng mabuntis.” Nilantad ni Jay ang pagpapanggap ni Angeline.Nagulat na tumingin sa kaniya si Angeline. Biglang naalala ni Angeline noong siya ay kinawawa ng mag-amang Bell, ang kaniyang uterus ay napinsala at nawalan siya ng kakayahan na magkaroon pa ng anak.“Eh… Bakit ako nagsusuka?” Si Angeline ay nalito.Tumingin si Jay sa seryosong mga mata ni Angeline, at naramdaman niya ang pagsikip ng kaniyang dibdib.Hindi naman mukhang nagsisinungaling ang babaeng ito.Nagpadala siya ng mensahe kay Finn. ‘Papuntahin mo rito ang obstetrician-gynecologist.’Patuloy na nasusuka si Angeline. Ngayon, siya ay nakahiga na lamang sa kama. Ang kaniyang mukha ay payat at maputla.“May cancer ba ako?“Intestine cancer?“Stomach cancer?”Nagsimula siyang mag-overthink.“Hindi, bakit parang parehas ‘to ng nararamdaman ko noong pinagbubuntis ko sina Jenson?”…Napakunot ang kilay ni Jay bago siya tumalikod at umalis.Pagkatapos ng ilang sandali, pu

  • Sir Ares, Goodnight!    Kabanata 846

    Si Jay ay nagalit. “Angeline, walang hiya ka talaga.”Nabaliw na si Jay. Kinuha niya ang braso ni Angeline at hinila siya patungo sa kabilang kwarto.Si Angeline ay nalilito. Si Jay ay nasa isang wheelchair. Paano niya nagawang magkaroon ng ganoon katinding aura?“Bitawan mo ako.” Nagpumiglas si Angeline sa hawak ni Jay. Sa sumunod na segundo, ang kaniyang mga kamay ay naipit sa dulo ng kama.Pagalit na tumingin sa kaniya si Jay. “Kaninong anak ‘yan?”Nakita ni Angeline ang pagkabaliw sa mga mata ni Jay. Bigla siyang natawa. “Ginoong Ares, ‘wag mong sabihin sa ‘kin na nag-aalala ka pa rin sa ‘kin. Ano’ng dapat kong gawin? Ang dami-daming pwedeng maging ama ng batang ‘to.”Ninais siyang sakalin ni Jay hanggang kamatayan. Gayunpaman, naalala niya na ang leeg ni Angeline ay sensitibo. Noong naisip niya kung paanong nagsusuka kanina si Angeline, lumambot ang kaniyang puso.Hindi niya kayang gawin iyon kay Angeline.Binawi niya ang kaniyang kamay. “Angeline, parang gusto mo atang maparusaha

  • Sir Ares, Goodnight!    Kabanata 845

    Sinabi ni Angeline, “Ginoong Ares, maikli lang ang buhay at kailangan mong maging mabuti sa anumang oras. Ayaw ko nang magpanggap pa para sa mga bata.”Kapag mas bumibitaw si Angeline, mas nababaliw si Jay.Bigla niyang nilapitan si Angeline nang may agresibong itsura sa kaniyang mukha. Ang malaki niyang kamay ay humawak sa lalamunan ni Angeline. “Kung gusto mo talagang maging malaya, magpakamatay ka na lang.”Ang kamay ni Jay ay nasa leeg ni Angeline, nagsasanhi sa babae na makaramdam ng pagkahilo. Pagkatapos no’n, hindi na niya ito matiis pa. Nasuka siya sa puting damit ni Jay.Tumingin si Angeline sa dumi sa kwelyo ni Jay at napagtanto na siya ay nasa isang malaking gulo.Siya lang ang nakakaalam kung gaano ka-obsessed si Jay sa kalinisan.“Angeline Severe, ang kapal ng mukha mo?” Sigaw ni Jay.Noong nakita ni Angeline ang gulo, muli siyang nahilo.“Umalis ka sa harap ko!”Bago pa man makaalis si Jay, napasuka muli sa kaniya si Angeline.Ang itsura ni Jay ay para bang sumuko na siya

  • Sir Ares, Goodnight!    Kabanata 844

    Tumingin si Angeline kay Jay na nasa sulok ng kwarto mula sa sulok ng kaniyang mga mata. Nakita niya ang walang emosyon na mga mata ni Jay at nagsimulang magrebelyo.Kung siya ay nakikisama sa ibang mga lalaki at wala pa ring pakialam si Jay, dapat na niyang tigilan ang lahat ng pantasya niya tungkol kay Jay.Mahinang tinanong ni Angeline si Gordon, “Alam mo ba kung paano humalik?”Tumingin si Gordon sa mapulang mga labi ni Angeline at nagkaroon ng pandidiri sa kaniyang mukha. “Binibini, hinihiling ko lang naman sa ‘yo na magpanggap na kasintahan ko. Hindi mo naman kailangang gawin ang lahat.”Sinabi ni Angeline. “Pekeng halik. Alam mo ba kung paano?”Napatingin si Gordon kung saan nakatingin si Angeline. “Para ba sa kaniya?”Tumango si Angeline.Napabuntong-hininga si Gordon sa ginhawa. “Sige.”Pagkatapos no’n, hinawakan nila ang isa’t isa. Ginamit ni Gordon ang kaniyang kamay upang takpan ang kaniyang mga labi, ngunit mula sa direksyon ni Jay, silang dalawa ay mukhang naghahalikan.B

  • Sir Ares, Goodnight!    Kabanata 843

    Malamig na sinabi ni Jay, “Hindi mo kailangang mag-alala sa Grand Asia.”Walang maisagot na pambai si Sean kay Jay. Nababalisa niyang sinabi, “Sige, Master Ares, magsaya ka muna d’yan.” Pagkatapos no’n, naglakad siya palayo nang nalulugmok.Tumingin si Angeline kay Jay. Ang lalaking ito ay isang bisita, ngunit pinahiya niya ang host ng party. Nagawa pa rin niyang manatili at samsamin nang walang inaalala ang kaniyang wine.Hindi na ito matiis pa ni Angeline. Pinaalalahanan niya si Jay at sinabi, “Ginoong Ares, ‘wag mong kalimutan. Kailangan mong magtira ng dignidad para sa ibang tao para hindi nakakailang kapag nagkita ulit kayo sa susunod.”Tumingala si Jay upang tumingin kay Angeline. Mayroong bakas ng lungkot sa mga mata ni Angeline na hindi niya nagawang matago. Alam ni Jay na nag-aalala sa kaniya si Angeline.Sinabi ni Jay, “Hindi naman na kami magkikita sa susunod. Kaya, syempre, hindi ko kailangang magtira ng dignidad para sa kaniya.”Alam ni Angeline na hindi makatwiran si Jay.

  • Sir Ares, Goodnight!    Kabanata 842

    Iyon ay isang party upang i-celebrate ang isang buwan ng pagkabuhay ng anak ni Sean.Naalala ni Angeline na si Sean ay isang dating kaibigan na nakipagtulungan sa kaniya dati. Walang dahilan para sa kaniya na hindi magbigay kay Sean ng regalo.Marahil ay pwede siyang makipagtulungan ulit kay Sean.Tulad ng kadalasan, pagkatapos magbihis ni Angeline, nagmaneho siya patungong Imperial Capital mula sa Swallow City.Ang party ng mga Bell ay nangyari sa isang five-star hotel.Noong pumasok si Angeline sa hall, agad niyang inakit ang atensyon ng lahat.Siya ay isang magandang babae, at nagpaganda pa siya para sa okasyon na ito.Siya ay may suot na backless lace dress na pinapakita ang perpekto niyang katawan. Mayroong dugo sa pula niyang “Ginoo.”Sa isang sulok, si Jay ay nakikipag-usap kay Sean noong biglan silang inistorbo ni Finn.Tumingin nang masama si Jay kay Finn. “Tumahimik ka nga.”Sinenyasan siya ni Finn gamit ang kaniyang mga mata upang sabihin sa kaniya na tumingin sa pintuan.T

  • Sir Ares, Goodnight!    Kabanata 841

    Gumapang siya papalapit kay Jay at tinulungan ang lalaki sa kaniyang mga damit.Nakita ni Jay na ang mga kamay ni Angeline ay lubos na nanginginig. Halata naman na siya ay kinakabahan at natatakot.Agad na naglaho ang masamang binabalak niya kay Angeline. “Angeline, sa tingin mo ba ay dapat lang na ibenta ang katawan mo para sa kumpanya mo?”Si Angeline ay natuliro. Sinabi niya, “Wala nang pera ang kumpanya at higit pa sa isang daang mga empleyado ng Severe Enterprises ang mawawalan ng trabaho. At saka, wala akong pera para bayaran ang mga utang namain. Kapag nangyari ‘yon, kamatayan ko na lang ang makakapagbayad sa mga pagkakamali ko.”Biglang kinuha ni Jay ang braso ni Angeline. “Ano’ng sinabi mo?”Bayaran ang kaniyang mga pagkakamali gamit ang kaniyang kamatayan? Hindi siya nagpakahirap para kay Angeline para lang patayin niya ang kaniyang sarili.Matapang na tumingin si Angeline sa galit na mga mata ni Jay. “Ginoong Ares, ambisyoso ka at ayaw bigyan ang ibang mga kumpanya ng pagkak

  • Sir Ares, Goodnight!    Kabanata 840

    Hindi siya nakakuha ng anumang resulta pagkatapos humingi ng tulong sa labas, kaya narito siya ngayon at bumalik kay Jay. Wala siyang ibang magagawa.Tulirong tumingin si Angeline kay Jay. Marahil ay mas nangingibabaw na ang itsura niya ngayon dahil siya ay lasing na.“Jay Ares, sabihin mo sa ‘kin. Ano ang dapat kong gawin para pagbigyan mo na ang Severe Enterprises?”“Ganito ka ba magmakaawa?” Haha, ang lakas naman ng loob ng babaeng ito na tawagin siya sa buo niyang pangalan? Sino ang nagbigay sa kaniya ng lakas ng loob na gawin ito?Umayos ng tindig si Angeline. Tumayo siya sa harap ni Jay na parang isang estudyante na may nagawang mali.Ganito siya tumayo sa tuwing may nagagawa siyang mali noong siya ay bata pa. Ngayon, siya ay nakatayo sa ganitong posisyon dahil lang sa nakasanayan.“Kung papayag ka na pakawalan ang Severe Enterprises, pwede mong kuhain ang buhay ko kung gusto mo.” Matigas na sabi ni Angeline.Nanigas ang mukha ni Jay. “Bakit ko kakailanganin ang buhay mo?”Gusto

DMCA.com Protection Status