Share

Kabanata 669

Nagsalita si Jay nang may malamig na tono, “Kung uuwi siya, sa bahay ko siya uuwi, hindi sa ‘yo.”

Si Zayne ay naging seryoso. “Noong nakaraan pa nakabalik ang kapatid ko, at sa oras na ‘yon ay yakap-yakap mo lang siya. Gusto ko lang naman siyang i-uwi sa loob ng ilang araw. Hindi ka ba naaawa sa ‘min? Miss na miss na siya ng lolo namin, pati na rin ng mga magulang ko. Hindi mo ba alam kung gaano katindi ang pagmamahal ng pamilya para sa kanilang anak?”

Desididong tumanggi si Jay. “Hindi.”

Nang marinig ito, si Zayne ay nagalit. “Kaya pala sinasabi ng mga tao na ikaw ay isang lalaking may pusong-bato. Alam mo, mas masahol ka pa do’n. Hindi ka tao. Kahit na asawa ka ng kapatid ko, hindi siya ang pribado mong ari-arian!”

Kahit gaano karami pa ang salitang sabihin ni Zayne, ang isip ni Jay ay hindi nagbabago.

“Kinasal na siya sa ‘kin. Kamatayan lang ang makakapaghiwalay sa ‘min. Kaya, ako ang nangangasiwa sa mga ginagawa niya.”

Si Zayne ay walang ibang magagawa kung ‘di ang gamitin si Old M
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status