“Nurse, nasaan po ang daddy namin?”Si Jay ay nakaupo sa glass garden sa unang palapag. Sa likod ng salamin, nakita niya ang mga batang naghahanap kahit saan para sa kaniya, ngunit hindi siya lumabas upang salubungin agad ang mga bata.Ang kaniyang mga mata ay napatingin kay Angeline na nakatayo sa gitna ng kwarto nang tulala. Nararamdaman niya ang saya at pag-aasam nito kahit mula sa kalayuan.Ang tatlong mga bata ay tumakbo sa taas at sa baba ngunit hindi nila nakita ang kanilang daddy. Sa oras na ‘to, pinalibutan nilang lahat si Angeline. “Tita, nasaan po ang addy namin?”Tumingin si Angeline sa mga bata at napansin na sila ay tumangkad na. Ang kanilang mga katawan ay mas payat, pati narin ang kanilang mga mukha, at wala na ang pagiging bata nilang itusra. Hindi niya mapigilan ang maluha.Sayang lang at nalagpasan niya ang paglaki ng kaniyang mga anak sa nakalipas na dalawang taon.“Tita, bakit ka umiiyak? Ano’ng nangyari kay Daddy?” Nagsimula na ring umiyak si Zetty.Ang mga mata n
Tinulak ni Jay ang kaniyang wheelchair at lumabas sa salamin na silid.Mabilis na sinuot ni Angeline ang kaniyang maskara. Si Jenson ay bahagyang nagulat noong nakita niya ang pagmamadali sa mga mata ni Angeline.“Daddy.” Tumakbo patungo sa kaniya sina Robbie at Zetty. Noong nakita nila na ang kanilang daddy ay hirap na gumalaw, ang kanilang mga mata ay namula at sila ay umiyak.Pinatahan ni Angeline ang mga bata, sinasabi, “‘Wag na kayong malungkot, gagaling din ang mga binti ng daddy niyo.”Tumitig si Jay kay Angeline. Hindi alam kung ano ang iniisip niya sa sandaling ‘yon, sinabi niya ang katotohanan na para bang siya ay sinasaniban. “Hindi na ‘to gagaling. Sinabi ng doktor na ang mga binti ni Daddy ay magiging ganito habang-buhay.”Sinabi ni Angeline, “Magkakaroon ng himala.”“Hindi magkakaroon ng himala,” makulit na sabi ni Jay.Si Angeline ay bahagyang nabigla. Bakit ba nakikipagtalo sa kaniyang lalaking ‘to? Bakit gusto niyang paiyakin ang mga bata?“Hindi mahalaga kung gagaling
Hinabol ni Angeline si Jay at sinabi, “Pwede bang pakitaasan ang sahod ko?”Ang likod ni Jay ay bahagyang nanigas, at ang kaniyang mga mata ay malamig.Dalawang taon na simula noong umalis ang babaeng ‘to. Ngayon ay gumawa siya ng pagkakataon para sa kaniya na makasama ang mga bata. Binigyan niya si Angeline ng isang pulgada, ngunit gusto nito ng isang milya.Tinapon ba ng babaeng ‘to ang kaniyang dignidad at moral sa Java Island?“Maging mahusay ka sa trabaho na ‘to at pagkatapos ay lapitan mo ako para sa pagtaas ng sahod.”“Oh.”si Angeline ay natutuwa. Tumalikod siya at lumukso-lukso paakyat. Ang boung attic ay nanginig mula sa kaniyang paglukso.“May lindol ba?” Binuksan ng mga bata ang pinto ng study at tumakbo palabas.Nakita nila si Angeline na lumulukso patungo sa kanila na parang isang kuneho.“Hi!” Kumaway si Angeline sa kanila, ngumingiti nang kasing liwanag ng araw. “Mula sa araw na ‘to, ako ang magiging katulong niyo sa takdang-aralin niyo.”Sina Robbie at Zetty ay natulir
Tumakbo paakyat si Zetty at tumayo sa harap ng study. Siya ay nakapamaywang habang masigasig na nakatingin kay Angeline. “Sinabi sa ‘kin ng daddy ko na bumaba ka. Gusto ka niyang kausapin.”Napalunok si Angeline. “Tungkol saan?”Ang nagagalak na ekspresyon ni Zetty ay sinasabi na tiyak na pahihirapan siya ni Jay.Naiinis na tumayo si Angeline at bumaba nang malungkot.Agad na pinunasan ni Zetty ang mga luha mula sa kaniyang mga mata at nagyabang kay Robbie. “Hulaan mo. Ilang araw ang itatagal ni Tita Kahit Ano?”Sinabi ni Robbie, “Base sa mga nakaraan, ang hula ko ay tatlong araw.”Si Jenson ay nakatuon lamang sa pagbabasa na para bang wala siyang interes sa laro na ito.“Jens, bilisan mong humula!” Himok ni Zetty.Inangat ni Jenson ang kaniyang mga mata at tumingin kay Zetty. “Ilang araw sa tingin mo?”Nag-angat si Zetty ng isang daliri. “Gusto ko siyang mag-impake na at umalis bukas.”Umiling si Jenson. “Ang hula ko ay hindi siya aalis.”Sina Robbie at Zetty ay hindi natutuwa sa sago
“Jenson, naiinis ako sa ‘yo.” Ito ang naiinis na boses ni Robbie.“Jenson, naiinis din ako sa ‘yo.” Ito ang galit na boses ni Zetty.Malamig na sumagot si Jenson, “Ayaw kong kumausap sa mga mangmang.”Ang gwapong mukha ni Jay ay naging madilim sa isang iglap.Napatakbo palabas si Angeline sa takot at nakita ang tatlong maliliit sa hardin.“Ano’ng ginagawa niyo?”“Hindi mo ba nakikita? Nag-aaway kami?” Nagmamaktol na sabi ni Zetty kay Angeline.“Bakit kayo nag-aaway?” Tanong ni Angeline.“Dahil sa ‘yo.” Mapula ang mga mata ni Zetty, at si Angeline ay nakonsenya. “Umaasa kami na alis ka, pero hindi sumasang-ayon sa ‘min si Jenson.”Napanganga nang bahagya si Angeline sa gulat.“Ako ang caretaker ng daddy niyo at private tutor niyo, kaya hindi ako pwedeng umalis,” malakas na anunsiyo ni Angeline nang nakapamaywang.“Sabihin mo sa ‘kin, ano’ng kailangan mo para gustuhin mong umalis?” Naglakad si Zetty patungo kay Angeline. Siya ay nakapamaywang din noong tumitig siya kay Angeline sa galit.
Gumugol ng maraming oras at paghihirap sina Robbie at Zetty upang pahirapan si Angeline. Kinolekta nila ang sampung pinakamahirap na mga tanong upang itanong kay Angeline. Noong ibigay ni Zetty ang question book kay Angeline, nagbabala rin siya nang seryoso at sinabi, “Tita Kahit Ano, sana ay matapos mo ang sampung mga tanong na ‘to nang mag-isa. Hindi mo pwedeng tanungin ang daddy ko.”Tumingin si Angeline sa maliit na libro at ang tatlong mga katanungan ay may kasamang physics, chemistry, matematika, biology, musika, at sports. Ang mas kagulat-gulat pa ay mayroon pang mga tanong tungkol sa kasanayan sa pakikipagkita sa kasintahan.Tinapik ni Angeline ang kaniyang dibdib at sinabi, “‘Wag kang mag-alala, ang dali-dali lang ng mga tanong na ‘to para sa ‘kin. Para naman sa daddy niyo, ang baba-baba lang ng EQ niya. Baka siya pa ang magtanong sa ‘kin ng huling tanong.”Umirap sa kaniya si Zetty. “Narcisista.”“Ang tawag dito ay kumpiyansa!” Pagtatama ni Angeline.Makatwirang nakipagtalo
Sinabi ni Jay, “Kapag kaya mong sumagot ng isang tanong nang tama, tutulungan kita.”Tumingin naman si Angeline sa sampung mga tanong nang seryoso. Maliban sa huling tanong, ang ibang mga tanong ay masyadong mahirap.Nagreklamo si Angeline. “Ang gumawa ng mga tanong na ‘to ay siguradong baliw na. Kasi paano ‘to naging mahirap kahit para sa isang henyong tulad ko? Tulad nga ng kasabihan, may linya sa pagitan ng isang henyo at isang baliw. Ang isang henyo at isang baliw ay malinaw na mga taong may magkaibang mundo–” Kalmadong sinabi ni Jay, “Ako ang nakaisip sa mga tanong na ‘to.”Napalunok si Angeline. Ang usapan ay agad na nagbago mula sa pangungutya at pagrereklamo patungo sa pambobola. “Ginoong Ares, sa sobrang taas ng IQ mo ay ang mga normal na taong tulad ko ay masyadong mahina upang maikumpara sa ‘yo! Kaya pala hindi ko masagot ang mga tanong na ‘to. Ginoong Ares, turuan mo kaya ako nang kaunti?”Sinabi ni Jay, “Hmm? Hindi ba’t sinabi mo na baliw ako?”“Ginoong Ares, ang baliw ay
“Kung gano’n, ayos lang kapag pinikit ko ang mga mata ko, ‘di ba?” Pagkatapos magsalita ni Angeline, pinikit niya ang kaniyang mga mata.Mukhang hindi makakita si Jay ng dahilan upang palabasin siya, kaya hinayaan na lamang siya nito.Tinulak siya ni Angeline patungo sa banyo at narinig ang mahinang buntong-hininga ni Jay.Nalaman ni Angeline nang hindi nag-iisip na kayang tanggalin ni Jay ang kaniyang damit, ngunit hindi kayang tanggalin ang kaniyang mga pantalon. Kaya, sinabi ni Angeline, “Ginoong Ares, hayaan mo akong hubaran ka.”Isang ekspresyon ng pandidiri sa saliri ang lumitaw sa mga mata ni Jay. Isang nag-aalinlangang boses ang lumabas mula sa kaniyang lalamunan, “Sige.”Ipinikit ni Angeline ang kaniyang mga mata at lumapit kay Jay habang hinahawakan ang wheelchair.Sa ‘di inaasahan, ang paghubad ay naging maayos.Gayunpaman, noong hubarin niya ang mga pantalon ni Jay, ang kaniyang kamay ay napahawak sa isang lugar na hindi dapat niya hawakan, kaya dali-dali niyang binawi ang