Sinabi ni Jay, “Kapag kaya mong sumagot ng isang tanong nang tama, tutulungan kita.”Tumingin naman si Angeline sa sampung mga tanong nang seryoso. Maliban sa huling tanong, ang ibang mga tanong ay masyadong mahirap.Nagreklamo si Angeline. “Ang gumawa ng mga tanong na ‘to ay siguradong baliw na. Kasi paano ‘to naging mahirap kahit para sa isang henyong tulad ko? Tulad nga ng kasabihan, may linya sa pagitan ng isang henyo at isang baliw. Ang isang henyo at isang baliw ay malinaw na mga taong may magkaibang mundo–” Kalmadong sinabi ni Jay, “Ako ang nakaisip sa mga tanong na ‘to.”Napalunok si Angeline. Ang usapan ay agad na nagbago mula sa pangungutya at pagrereklamo patungo sa pambobola. “Ginoong Ares, sa sobrang taas ng IQ mo ay ang mga normal na taong tulad ko ay masyadong mahina upang maikumpara sa ‘yo! Kaya pala hindi ko masagot ang mga tanong na ‘to. Ginoong Ares, turuan mo kaya ako nang kaunti?”Sinabi ni Jay, “Hmm? Hindi ba’t sinabi mo na baliw ako?”“Ginoong Ares, ang baliw ay
“Kung gano’n, ayos lang kapag pinikit ko ang mga mata ko, ‘di ba?” Pagkatapos magsalita ni Angeline, pinikit niya ang kaniyang mga mata.Mukhang hindi makakita si Jay ng dahilan upang palabasin siya, kaya hinayaan na lamang siya nito.Tinulak siya ni Angeline patungo sa banyo at narinig ang mahinang buntong-hininga ni Jay.Nalaman ni Angeline nang hindi nag-iisip na kayang tanggalin ni Jay ang kaniyang damit, ngunit hindi kayang tanggalin ang kaniyang mga pantalon. Kaya, sinabi ni Angeline, “Ginoong Ares, hayaan mo akong hubaran ka.”Isang ekspresyon ng pandidiri sa saliri ang lumitaw sa mga mata ni Jay. Isang nag-aalinlangang boses ang lumabas mula sa kaniyang lalamunan, “Sige.”Ipinikit ni Angeline ang kaniyang mga mata at lumapit kay Jay habang hinahawakan ang wheelchair.Sa ‘di inaasahan, ang paghubad ay naging maayos.Gayunpaman, noong hubarin niya ang mga pantalon ni Jay, ang kaniyang kamay ay napahawak sa isang lugar na hindi dapat niya hawakan, kaya dali-dali niyang binawi ang
Nang makita si Jay sa sahig, tumakbo siya papalapit at nilagay ang kaniyang mga kamay sa balikat nito. Pagkatapos no’n, binuhat niya si Jay patungo sa kama.Malungkot na bumagsak si Jay sa kama. Tinakpan siya ni Angeline ng kumot at umupo sa tabi ng kama upang patahanin siya, sinasabing, “Ginoong Ares, ‘wag kang mainip. Kagagaling lang ng mga binti mo, at ang maibalik ang kakayahan mong maglakad muli ay magiging isang mahabang proseso. Pwede mo gamitin ang oras na ‘to bilang pagkakataon na magkaroon ng mabagal na buhay.”Walang emosyon na sumagot si Jay, “Oo.”Pagkatapos, naghihinala siyang tumingin kay Angeline. “Hindi ka ba natulog kagabi?”Natutuwang sinabi ni Angeline, “Ginoong Ares, natapos ko ang sampung tanong!”“Patingin nga.”Bumalik si Angeline sa kwarto at nilabas ang question book.Nakita ni Jay ang mga tanong na natapos ni Angeline at ngayon ay nakatingin sa kaniya nang may bagong pananaw...Naitama ni Angeline ang limang tanong sa unang siyam na tanong, tulad ng nahulaan
Noong lumabas si Angeline na may suot na itim na bestida, napunta sa kaniya ang tingin ni Jay at hindi na umalis pa.Ang kaniyang postura ay magiliw at kaaya-aya.Siya nagmukhang elegante at maganda.Hindi na magawa ni Jay na ikumpara siya kay Rose dahil dito. Siya ay katulad talaga ni Angeline Severe dati. Ang kaniyang mga mata ay malambot tulad ng dumadaloy na tubig habang ang kaniyang pagtingin naman ay puno ng emosyon, tulad lang ng dati.Gayunpaman, ang asul na maskara ay hindi tumutugma sa kaniyang kagandahan.“Hindi mo naman kailangang magsuot ng itim na mga damit,” biglang sabi ni Jay.Nagsusuot lamang si Jay ng itim na mga damit upang magbigay-galang sa namatay niyang mga magulang.Walang dahilan si Angeline para magbigay-galang sa mga pumatay sa kaniya.Ngumiti si Angeline hanggang pati ang mga mata niya ay nakangiti na rin. “Gusto kong parehas ang suot natin.”Ang tatlong cute na mga bata ay nakapaligid sa hapag-kainan at masayang sinasamsam ang almusal na hinanda ng nutriti
“Wala akong ginawang mali, at ang Daddy mo ay hindi pinapatalsik ang kaniyang empleyado nang hindi nalalaman kung alin ang tama at mali. Siya ang pinakamatalinong Ginoong Ares.” Ang paghakbang ni Angeline ay mabilis, at agad siyang nakalabas ng silid na iyon.Nagdabog si Zetty sa galit. “Ang narcissistic naman nitong Tita Kahit Ano na ‘to.”Si Jenson, na kanina pa tahimik, ay itinuon ang kaniyang atensyon kay Jay at sinabi nang may mapaglarong tono, “Halata namang ayaw mo siyang umalis pero ginusto mo pa rin siyang subukan. Isip-bata.”Si Jay ay nabigla. Tumitig siya kay Jenson.Paano nalaman ng batang ‘to kung ano ang iniisip niya?Kumuha si Jenson ng isang tisyu at pinunasan ang kaniyang bibig.Pagkatapos no’n, kumuha siya ng isang malinis na plato, nilagyan ito ng gatas at cheese bread, at pumunta sa labas.Naiinis na sinabi ni Zetty, “Bakit ba ang bait-bait ni Jenson kay Tita Kahit Ano?”Tumingin si Robbie sa kaniyang Daddy nang may nagtatanong na mga mata. “Sino ba talaga si Tita
Pagkatapos no’n, ilang pares ng mga mata ang napatingin kay Jay. Sila ay naghihintay kung paano niya parurusahan ang basagulero na ‘to, si Angeline.Pinatunog ni Angeline ang kaniyang mga labi at mahinang sinabi, “Hindi ba’t isang orchid lang naman ‘yan?”Ang mala-comic book na mukha ni Jay ay lubos na pumangit. Ang babaeng ‘to malamang ay nakalimutan na kung saan nanggaling ang bulaklak na ito.Siya ang umiyak nang umiyak, ninanais na iligtas ang bulaklak na ‘to, 15 na taon na ang nakalipas. Paulit-ulit siyang pinatahan ni Jay, sinasabi, “Isang orchid lang naman ‘yan.”Ngunit, umiyak nang malakas si Angeline, mas malakas pa sa mga nagluluksa sa pumanaw. Umiyak pa siya nang napakatagal na oras.Sa huli, si Jay ay malapit nang mainip, kaya naghanap siya ng maraming kaalaman tungkol sa paglilinang ng orchid. Sa huli, sa gumagawa ng milagro niyang mga kamay, ang bulaklak na ‘yon ay naligtas.Pagkatapos no’n ay saka lamang tumahan si Angeline.Natatandaan ang nakayayanig-lupang eksena ng p
“Master Ares, narinig ko na ang mga binti mo ay hindi na gagaling pa?” Ang malinaw at malambing na boses, na may halong kakaibang mga emosyon, ay marahan na nagsalita.Napakunot ang mga kilay ni Jay. “Bakit ka narito?” Ang kaniyang boses ay malamig.Ngumiti si Sera at naglakad sa harap ni Jay, minamaliit na tinitingnan si Jay sa wheelchair.Kinutya siya ni Sera, “Hindi ko talaga inasahan na ang prinsipe na pinatakbo ang Imperial Capital ay magkakaroon ng kapansanan.”Ang matalas na mga mata ni Jay ay nababalot ng yelo, at ang kaniyang mga mata ay parang mga kutsilyo, matalas na pinanlilisikan si Sera.Ang tiyan ni Sera ay napakalaki na. Siya ay malapit nang manganak sa susunod na ilang araw.Ang isang buntis na babaeng malapit nang manganak ay hindi maganda tingnan.Ang pandidiri sa mga mata ni Jay ay mas tumindi.Hindi mapakali si Sera sa malamig na mga mata ni Jay. Upang mabawi ang kaniyang dignidad, naging mapangahas ang kaniyang mga salita.“Master Ares, hindi ba’t ang sama sa paki
Mayabang na nangutya si Jay, “Sera, siguraduhin mong hindi mo ako bibiguin.”Si Sera ay natuliro.Noong una ay inakala niya na ang kayabangan ni Jay ay mawawala dahil siya ay lumpo at magbabago ang masama niyang pag-uugali.Ang kaniyang kayabangan ay mas lumala nang hindi niya inaasahan.“Master Ares, sino’ng nagbigay sa ‘yo ng kumpiyansa na maging ganitong mayabang? Lumpo ka lang naman.” Muling napatingin si Sera sa mga binti ni Jay. Isang nagagalit at mabangis na ekspresyon mula sa kaniyang ‘di nasukliang pagmamahal ang lumitaw sa kaniyang mukha.Ang matalas na mga mata ni Jay ay nanliit nang bahagya.Ganap siyang ginalit ni Sera!Noong ilalabas na niya ang matindi niyang galit, isang malakas na sampal ang biglang maririnig sa hangin.Lumang mga bakas ng daliri ang biglang lumitaw sa mukha ni Sera.Napatingala si Jay at nakita si Josephine na nangungutyang nakatingin kay Sera. Sinabi ni Josephine, “Ang masama bang babae na tulad mo ay karapat-dapat na mapalapit sa kuya ko?”Tinakpan