Pagkatapos no’n, ilang pares ng mga mata ang napatingin kay Jay. Sila ay naghihintay kung paano niya parurusahan ang basagulero na ‘to, si Angeline.Pinatunog ni Angeline ang kaniyang mga labi at mahinang sinabi, “Hindi ba’t isang orchid lang naman ‘yan?”Ang mala-comic book na mukha ni Jay ay lubos na pumangit. Ang babaeng ‘to malamang ay nakalimutan na kung saan nanggaling ang bulaklak na ito.Siya ang umiyak nang umiyak, ninanais na iligtas ang bulaklak na ‘to, 15 na taon na ang nakalipas. Paulit-ulit siyang pinatahan ni Jay, sinasabi, “Isang orchid lang naman ‘yan.”Ngunit, umiyak nang malakas si Angeline, mas malakas pa sa mga nagluluksa sa pumanaw. Umiyak pa siya nang napakatagal na oras.Sa huli, si Jay ay malapit nang mainip, kaya naghanap siya ng maraming kaalaman tungkol sa paglilinang ng orchid. Sa huli, sa gumagawa ng milagro niyang mga kamay, ang bulaklak na ‘yon ay naligtas.Pagkatapos no’n ay saka lamang tumahan si Angeline.Natatandaan ang nakayayanig-lupang eksena ng p
“Master Ares, narinig ko na ang mga binti mo ay hindi na gagaling pa?” Ang malinaw at malambing na boses, na may halong kakaibang mga emosyon, ay marahan na nagsalita.Napakunot ang mga kilay ni Jay. “Bakit ka narito?” Ang kaniyang boses ay malamig.Ngumiti si Sera at naglakad sa harap ni Jay, minamaliit na tinitingnan si Jay sa wheelchair.Kinutya siya ni Sera, “Hindi ko talaga inasahan na ang prinsipe na pinatakbo ang Imperial Capital ay magkakaroon ng kapansanan.”Ang matalas na mga mata ni Jay ay nababalot ng yelo, at ang kaniyang mga mata ay parang mga kutsilyo, matalas na pinanlilisikan si Sera.Ang tiyan ni Sera ay napakalaki na. Siya ay malapit nang manganak sa susunod na ilang araw.Ang isang buntis na babaeng malapit nang manganak ay hindi maganda tingnan.Ang pandidiri sa mga mata ni Jay ay mas tumindi.Hindi mapakali si Sera sa malamig na mga mata ni Jay. Upang mabawi ang kaniyang dignidad, naging mapangahas ang kaniyang mga salita.“Master Ares, hindi ba’t ang sama sa paki
Mayabang na nangutya si Jay, “Sera, siguraduhin mong hindi mo ako bibiguin.”Si Sera ay natuliro.Noong una ay inakala niya na ang kayabangan ni Jay ay mawawala dahil siya ay lumpo at magbabago ang masama niyang pag-uugali.Ang kaniyang kayabangan ay mas lumala nang hindi niya inaasahan.“Master Ares, sino’ng nagbigay sa ‘yo ng kumpiyansa na maging ganitong mayabang? Lumpo ka lang naman.” Muling napatingin si Sera sa mga binti ni Jay. Isang nagagalit at mabangis na ekspresyon mula sa kaniyang ‘di nasukliang pagmamahal ang lumitaw sa kaniyang mukha.Ang matalas na mga mata ni Jay ay nanliit nang bahagya.Ganap siyang ginalit ni Sera!Noong ilalabas na niya ang matindi niyang galit, isang malakas na sampal ang biglang maririnig sa hangin.Lumang mga bakas ng daliri ang biglang lumitaw sa mukha ni Sera.Napatingala si Jay at nakita si Josephine na nangungutyang nakatingin kay Sera. Sinabi ni Josephine, “Ang masama bang babae na tulad mo ay karapat-dapat na mapalapit sa kuya ko?”Tinakpan
Malungkot na sinabi ni Angeline, “Ginoong Ares, pinaayos mo sa ‘kin ang orchid, pero lumabas ka naman para gumala-gala. Wala akong kakayahan na maging dalawa. Sa susunod, sana ay hindi ka na umalis sa paningin ko.”Nang makita si Angeline na inaakusahan ang kaniyang kuya, si Josephine ay nasorpresa at nagalit. “Ikaw, isang maliit na caretaker, ay may lakas ng loob na akusahan si Ginoong Ares sa pagiging mali? Parang ayaw mo na atang magtrabaho, tama ba?”Napatingin si Angeline sa nagagalit na si Josephine. Ayaw niyang maging kalaban ang matalik niyang kapatid dati, kaya tinikom na lamang niya ang kaniyang bibig.Nagpatuloy si Josephine, “Binibining caretaker, dahil ito naman ang una mong pagkakamali, pagbibigyan kita. Kapag nagpabaya ka pang muli, hindi na kita palalagpasin pa.”Yumuko si Angeline at tahimik na hinayaan ang kaniyang sarili na mapagalitan.“Kuya, ang arogante naman nitong caretaker mo. Bakit mo ba siya pinili bilang personal caretaker mo?” Si Angeline ay lubos na hindi
Kinabahan si Josephine para kay Angeline. “Ito ang iniwan ng hipag ko para sa kuya ko…” Bago pa man siya matapos sa pagsasalita, ang matalas na mga mata ni Jay ay napatingin sa kaniya ulit.Mabilis na tumahimik si Josephine.Agad na lumapit si Angeline at nakipagtalo, sinasabi, “Ginoong Ares, ‘wag ka nang magalit. Makinig ka sa ‘kin. Lubos na maselan kasi ang bluegrass na ‘to, kaya nilipat ko sila sa magkakahiwalay na paso. Ngayon ay may apat nang paso ng bluegrass at dapat ay may isa o dalawang paso na mabubuhay kahit na hindi maging maayos ang lahat.“At… lahat sila ay baka mabuhay kapag maswerte ka. Pagdating ng oras, sino’ng nakakaalam kung ang bluegrass na ‘to ay magkakaroon ng libo-libong halaman mula lang sa isa. Siguro sa sandaling ‘yon ay posible na magkaroon ng hardin na puno ng bluegrass…”Tumawa si Josephine. “Gumagawa ng libo-libo mula lang sa isang halaman? Haha, Binibini, ang galing naman ng imahinasyon mo?”Gayunpaman, si Jay ay mukhang naginhawaan sa ‘di malamang dahi
Sa sandaling pumasok si Josephine sa Sycamore Annex, pinagalitan siya ni Jack, “Josephine, sino’ng nagsabi sa ‘yo na gawin ito kay Sera?”Nanatiling mapagmalaki si Josephine at sinabi, “Ama, bago ka magalit sa ‘kin, hindi mo ba muna tatanungin kung bakit ko siya sinampal? Ang babaeng ‘to ay walang hiya. Sinubukan pa niyang akitin si Kuya, pagkatapos ay napahiya siya at ininsulto si Kuya noong nabigo siya. Hindi ba’t dapat lang sa kaniya ‘yon?”“Mali ang inaakusa mo sa ‘kin. Paano ko susubukan na akitin ang kuya mo? Lumpo na siya ngayon,” sabi ni Sera.Sumugod si Josephine sa matinding galit. “Ang kapal ng mukha mong tawagin na lumpo ang kuya ko! Pupunitin ko ‘yang bibig mo.”Inutusan ni Jack ang kaniyang mga tauhan, “Pigilan niyo ang second lady.”Ilang mga tauhan ang agad na pinigilan si Josephine. Lumapit naman si Jack at sinampal nang malakas si Josephine nang walang sinasabi.Hindi makapaniwalang tumingin si Josephine kay Jack. “Ama, hindi mo ba narinig? Ang babaeng ‘to ay tinawag
Umiyak si Josephine at sinabi, “Ama, hindi ko magulang si Kuya. Sinipa mo ako kay Kuya na parang isang bola at maraming taon akong hindi pinansin. Hindi mo ba naiisip na nagiging malupit ka sa ‘kin?”“Josephine, ano’ng ibig mong sabihin? Inaakusahan mo ba kami na hindi ka namin inaalagaan nang mabuti?” Sigaw ni Jack.Si Josephine ay nasinak sa mabangis na aura ni Jack, kaya hindi siya naglakas-loob na makipagtalo. Nanliit siya at sinabi, “Ama, hindi ‘yan ang ibig kong sabihin.”Gayunpaman, hindi pa rin nawala ang galit ni Jack. “Tingnan mo ang sarili mo, isa kang rebelde dati. Sinira mo pa ang inosente mong katawan para sa isang lalaki. Ang dahilan kung bakit ka namin binigay sa kuya mo ay para maidala kaniya sa tamang daan.“Pero, mukha ngang mali talaga ang desisyon na ‘yon. Pinalaki ka niya bilang isang walang kwenta na ayaw pabutihin ang sarili.”Ito ang pinaka-nakakahiya at masakit na alaala sa buhay ni Josephine.Nagsalita si Jack nang walang pakialam, nagsasanhi sa mukha ni Jose
Sumagot nang mabilis si Angeline, “Hindi ba’t ikaw ang nagsabi na umalis ako?”Sumagot nang pagalit si Jay, “Kung gusto mong umalis, bilisan mo na. Ang sakit mo mata!”Naramdaman niya ang kaniyang sarili na nababaliw. Porket sinabi niya kay Angeline, susundin siya nito? Bakit hindi ang masunuring nakinig ang babaeng ‘to noong nagmakaawa siya na manatili at ‘wag siyang iiwang mag-isa?Ang hirap niyang kasama sa buhay.Ang pwersahin si Angeline na manatili sa tabi niya ay palalalain lang ang masamang nararamdaman ni Jay.Naramdaman ni Angeline ang pagkainis ng mga sulok ng kaniyang mga mata. Bigla siyang umupo sa upuan sa tabi ng kama.Ayaw niya talagang umalis.Upang kumbinsihin ang presidente na magbago ng isip, napagpasyahan ni Angeline na ipakita ang espesyal niyang kakayahan. “Hindi pa ako pwedeng umalis, Ginoong President. Ang sitwasyon ko sa bahay ay hindi maganda. May sakit ang asawa ko at kailangan ko ng maraming pera para magbayad ng gamit niya at sa kaniyang care worker. Pati