Umiyak si Josephine at sinabi, “Ama, hindi ko magulang si Kuya. Sinipa mo ako kay Kuya na parang isang bola at maraming taon akong hindi pinansin. Hindi mo ba naiisip na nagiging malupit ka sa ‘kin?”“Josephine, ano’ng ibig mong sabihin? Inaakusahan mo ba kami na hindi ka namin inaalagaan nang mabuti?” Sigaw ni Jack.Si Josephine ay nasinak sa mabangis na aura ni Jack, kaya hindi siya naglakas-loob na makipagtalo. Nanliit siya at sinabi, “Ama, hindi ‘yan ang ibig kong sabihin.”Gayunpaman, hindi pa rin nawala ang galit ni Jack. “Tingnan mo ang sarili mo, isa kang rebelde dati. Sinira mo pa ang inosente mong katawan para sa isang lalaki. Ang dahilan kung bakit ka namin binigay sa kuya mo ay para maidala kaniya sa tamang daan.“Pero, mukha ngang mali talaga ang desisyon na ‘yon. Pinalaki ka niya bilang isang walang kwenta na ayaw pabutihin ang sarili.”Ito ang pinaka-nakakahiya at masakit na alaala sa buhay ni Josephine.Nagsalita si Jack nang walang pakialam, nagsasanhi sa mukha ni Jose
Sumagot nang mabilis si Angeline, “Hindi ba’t ikaw ang nagsabi na umalis ako?”Sumagot nang pagalit si Jay, “Kung gusto mong umalis, bilisan mo na. Ang sakit mo mata!”Naramdaman niya ang kaniyang sarili na nababaliw. Porket sinabi niya kay Angeline, susundin siya nito? Bakit hindi ang masunuring nakinig ang babaeng ‘to noong nagmakaawa siya na manatili at ‘wag siyang iiwang mag-isa?Ang hirap niyang kasama sa buhay.Ang pwersahin si Angeline na manatili sa tabi niya ay palalalain lang ang masamang nararamdaman ni Jay.Naramdaman ni Angeline ang pagkainis ng mga sulok ng kaniyang mga mata. Bigla siyang umupo sa upuan sa tabi ng kama.Ayaw niya talagang umalis.Upang kumbinsihin ang presidente na magbago ng isip, napagpasyahan ni Angeline na ipakita ang espesyal niyang kakayahan. “Hindi pa ako pwedeng umalis, Ginoong President. Ang sitwasyon ko sa bahay ay hindi maganda. May sakit ang asawa ko at kailangan ko ng maraming pera para magbayad ng gamit niya at sa kaniyang care worker. Pati
Namula ang mukha ni Angeline sa kahihiyan. “Ginoong Ares, care worker mo lang ako. Ang gawain ko lang ay ang pangalagaan ang pang-araw-araw mong mga gawain.”Nagdilim ang mukha ni Jay.Napansin ni Angeline na si Jay ay hindi nasisiyahan at sinabi, “Ginoong Ares, gusto mo na ng sarili mong babae, ano?”Tumingin sa kaniya si Jay, at sa ‘di malamang dahilan, siya ay nagkaroon ng masamang kutob.Tulad ng inaasahan, nagbibirong nagtanong si Angeline, “Pwede kitang tulungan kung gusto mo ng babae?”Napansin ni Jay ang bahagyang nakakatakot na itsura ng mga mata ni Angeline.“Oo,” sagot ni Jay, hindi alam kung saan ito patungo.Ninais niyang makita kung ano’ng susunod na gagawin ng babaeng ‘to.Biglang tumayo si Angeline, hinawakan ang mga kamay ni Jay, at nilagay ito sa kaniyang leeg.“Pwede kitang tulungan, Ginoong Ares,” sabi ni Angeline, ang kaniyang mga mata ay puno ng pagnanasa.Nagwala ang apoy ng galit sa loob ni Jay. Tinulak niya palayo ang kamay ni Angeline at nagalit, “Pwede bang m
Pagkatapos no’n, ang tatlong mga bata ay tumalikod at tumakbo paakyat.Umiyak si Josephine, sinasabi, “Hindi ko naman hinihiling sa inyong tatlo na maghiganti sa ama ko, pero pwede niyo akong tulungan na maghiganti sa masamang babae na ‘yon.”Upang mapatindi ang galit ng mga bata kay Sera, nagdagdag siya, “Hindi niyo alam kung paano na siyang sumososbra. Tinawag pa niya ang daddy niyo na lumpo.”Noong marinig nila ito, ang tatlong mga bata ay tumigil sa kanilang kinatatayuan.Tumalikod si Robbie at masiglang sinabi, “Tita, dati pa man ay inaalagaan mo na kami, kaya hindi namin magagawang manood lang habang inaaway ka nila. Sabihin mo sa ‘min, paano mo gustong mamatay ang babaeng ‘yon?”Tumayo si Zetty sa tabi ni Robbie, sinasabi habang naiinis, “Tita, tutulungan kitang balatan nang buhay ang babae na ‘yon.”Tumingin si Jenson kina Robbie at Zetty na parehong nanggigigil. Sinabi niya, “Sinusuportahan ko kayong dalawa.”Tumigil sa pag-iyak si Josephine at natawa. “‘Yan ang gusto ko.”Si
Naglakad si Sera papalapit kay Angeline, sinuri siya, at agad na napanganga sa gulat.Siya ay mukhang pamilyar.Sinabi ni Sera, ang boses ay mahina, “Ikaw ba… si Angeline Severe?”Bago pa man siya makasagot, tumawa si Sera at sinabi, “Hindi, hindi ikaw si Angeline. Patay na si Angeline. Ikaw ba si… Rose?”Tahimik na tumingin sa kaniya si Angeline.Inangat ni Sera ang kaniyang kamay at hinawakan ang mga bahagi ng mukha ni Angeline na hindi natatakpan ng maskara. Sinabi niya, “Nagpa-plastic surgery ka para maging kamukha ang kapatid ko. Kamukha mo nga talaga siya.”Tinulak ni Angeline ang kaniyang kamay palayo at sinabi, “‘Wag mo akong hawakan.”Si Sera ay napahiya sa kaniyang mga kinilos. Ang kahihiyan na ‘yon kalaunan ay naging galit. “Rose Loyle, sino ka ba sa tingin mo? Ikaw lang naman ang ignoranteng anak sa kabit ng Pamilya Loyle. Masyadong mataas ang tingin mo sa sarili mo.”Pagkatapos niyang magsalita, hinimas niya ang kaniyang kamay. Kahit paano ay nagawa niyang bawian ang babae
Ang lahat ng nakasaksi sa eksena ay pansamantalang natuliro.Pagalit na sumigaw si Sera, “Bakit nanonood lang kayo? Hulihin niyo siya!”Isang grupo ng mga katulong ang sumugod sa kanila. Pinatumba silang lahat ni Angeline sa isang sipa lamang.Nilagay ni Sera ang dalawa niyang mga kamay sa kaniyang mukha na mahapdi sa sakit. “Ang lakas ng loob mong saktan ako!”“Sige! Tawagin mo ang matandang lalaki na sumusuporta sa ‘yo,” sabi ni Angeline habang nilalaro ang kaniyang mga kuko.Binigyang-diin niya ang mga salitang ‘matandang lalaki’, inaapakan ang kayabangan sa puso ni Sera.Namula ang mukha ni Sera.“Maghintay ka lang, Angeline Severe,” sinabi niya sa galit.“Naghihintay ako. Kung hindi ka aalis at tatawagin si Jack Ares, aalis na ako,” sagot niya.Tumingin sa kaniya nang masama si Sera.Kilalang-kilala ni Angeline ang kaniyang kapatid. Masyado niyang pinahahalagahan ang kaniyang dignidad para kumuha ng taong tutulong sa kaniya. Ngunit baka hindi ito totoo sa likod ng mga eksena.Pagk
Tumingin nang malamig si Jack kay Jay at sinabi, “Sakto lang ang pagdating mo.”Tinigil ni Josephine ang wheelchair ni Jay sa harap ni Jack. Agad na nagtungo si Angeline sa likod niya.Ang kaniyang mga kinilos ay katulad ng isang maliit na ibon na naghahanap ng proteksyon mula sa isang agila.Tumingin nang masama si Josephine kay Angeline at sinabi, “Basagulero.”Ngumiti lamang sa kaniya si Angeline.Nalito si Josephine. Ang babaeng ‘to ay may lakas ng loob na labanan at hindi respetuhin ang mga tao ng Sycamore Annex, ngunit masunurin tulad ng isang maliit na hayop sa kaniya? Bakit kaya?Nang marinig kung ano ang sinabi ni Josephine, inakala ng mga taga-Sycamore Annex na naroon si Jay upang humingi ng tawad.Kahit si Jack ay ganoon ang naisip.Pagkatapos ng sandali ng katahimikan, nagsalita ang manipis na mga labi ni Jay, “Ama, ano ba ang ginawa niyang mali sa ‘yo kaya inutusan mo silang patayin siya?”Maaari ngang mahina ang kaniyang boses, ngunit ito ay may bigat ng panghahamon.Inii
Namutla ang mukha ni Jack. “Jay, ‘wag mong sabihin na tinatalikuran mo na ang mga salita mo ngayon. Nag-aatubili ka bang pakawalan ang babaeng ‘to?”Sumagot si Jay, “Binastos ka niya, kaya kung gusto mo siyang saktan o patayin, hindi kita pipigilan. Gayunpaman, mayroon akong kahilingan.”Natigilan ang mga mata ni Jack. “Sabihin mo.”“Gusto kong kuhain si Sera Severe.”Sumabog si Jack sa galit. “‘Wag kang maglakas-loob na isipin ‘yan.”Tumingala si Jay, ang kaniyang mga mata ay may dalang bakas ng isang ngiti. “Binastos niya ako, kaya wala akong dahilan para patawarin siya. Tulad lang ng kawalan mo ng dahilan para patawarin ang aking care worker.”Naghalo-halo ang emosyon sa mukha ni Jack.Sa huli, tumawa siya nang malakas, “Hahaha, Jay, ikaw talaga, kung gusto mo siyang iligtas, bakit nagpapaligoy-ligoy ka pa? Ikaw ang anak ko. Magsalita ka lang at pakakawalan ko siya.”“Ama, mali ang pagkakaintindi mo sa ‘kin.” Tumingin si Jay kay Angeline nang may poot. “Ang isang care worker tulad n