“Ginoong President, pwede ko bang gamitin ang banyo mo?” Tumayo si Angeline sa kabilang pintuan, nagmamakaawang nagtanong.Ang katabing kwarto ay ang kwarto ng mga bata. Hindi lamang ito mas masikip kaysa sa master bedroom, wala rin itong masyadong kagamitan.Kung gugustuhing maligo ng isang tao, kakailanganin nilang bisitahin ang master bedroom o gamitin ang pampublikong banyo.Ang panahon sa araw na ‘yon ay masama.Ang tunog ng malakas na kulog kasama ang sumisipol na hangin at ang pagpatak ng ulan ay nagsanhi kay Angeline na matakot na gamitin ang banyo sa labas.Tumingin si Jay sa cute na babaeng may suot na pajamas. Napatingin siya sa malinis at maputing mga binti ni Angeline, at siya ay napalunok.Kahit ganito, nagsanhi ‘yon sa kaniya na bahagyang maguluhan.Wala man lang siyang lakas ng loob na isipin si Angeline na naglalakad palabas ng banyo. Magsasanhi ‘yon sa kaniya na gumuho.“Lumabas ka.” Pinigilan niya ang gawain niya ng pag-aalaga kay Angeline at sa wakas ay tinanggihan
“Paano naman ang pang-ilalim ko?” Sabi ni Angeline.“Gusto mo ba suotin ang akin?” Napakunot ang mga kilay ni Jay, naiinip niyang sinabi, “Kailangan mong magtiis.”Ninais ni Angeline na umiyak ngunit wala siyang nailabas na luha.Lumabas siya na suot ang malaking t-shirt, ang dami ay malinaw na maluwag sa kaniya, ngunit pinapakita pa rin nito ang kaseksihan ng kaniyang katawan.Lalo na ang dalawang mahaba niyang mga binti, ang mga ito ay makinis at maputi, tulad ng isang obra-maestra.Ang mahaba at basa niyang buhok ay nakalugay sa makinig niyang kutis. Nagdagdag ito ng aura ng kamusmusan sa kaniya.Gayunpaman, suot pa rin niya ang maskara na ‘yon.Nanginig ang lalamunan ni Jay, ang makinis at gwapo niyang mukha ay nagpakita ng senyales na siya ay naaakit.Si Angeline ay nakakaakit na, sinandal niya ang kaniyang katawan sa mesa habang nakatingin kay Jay nang may emosyonal na mga mata.“Ginoong President, gusto mo bang painitin ko ang kama mo?”Nabulunan nang bahagya si Jay, kahit na hi
Kasasagot lamang ni Angeline sa phone at ang malambot na boses ng isang lalaki ang maririnig sa kabilang linya.“Darling, hulaan mo kung sino ako?”“Aba, makikilala kita kahit na maging abo ka pa. Alam kong ikaw ‘yan, Peter!” Malinaw na naaalala ni Angeline ang boses ni Ginoong Peter dahil ito ang sumama sa kaniya sa madilim niyang mga sandali. “Kung gano’n ay alam mo ba kung nasaan ako ngayon?” Ang boses ni Peter ay may halong ‘di pagkatuwa.Si Angeline ay ang kliyente ni Peter, ngunit tumakas ito bago pa man makumpleto ang yugto ng paggaling ng kaniyang mukha. Para lang hindi mawasak at masira ang mukha ni Angeline kalaunan, nagtungo si Peter sa Imperial Capital para ipagpatuloy ang serbisyo niya sa kaniya.Naramdaman na ni Angeline kung ano ang layunin ni Peter, kaya nagulat niyang sinabi, “Nasa Imperial Capital ka?”“Sa Pinnacle Hotel, pumunta ka na rito ngayon mismo,” sabi ni Peter.Tumingin si Angeline sa bagyo na nangyayari sa labas, “Pwede bang bukas na lang?”Si Peter ay naba
Naisip ni Storm ang kautusan ng Presidente, kaya pinasok niya ang radyo sa channel ng Presidente at nagsimulang makipag-usap kay Angeline.“Saan ka po patungo, Binibini?”“Sa Pinnacle Hotel.”Nanginig si Storm, sa isang hotel?Kaya pala binigay ng presidente ang utos na ‘yon.Ang missus ay makikipagkita sa ibang lalaki sa ganitong oras ng gabi, siguradong nag-uusok na sa galit ang Presidente.“Ang sama ng panahon, pero hindi ka no’n mapipigilan na makipagkita sa taong ‘to, mahalaga siguro siya sa ‘yo?”“Mm.” Kaswal na tumango si Angeline.Si Peter ang taong nagpabago sa kaniyang buhay. Maliban kay Jaybie, si Peter lang ang nag-iisang lubos na mahalaga para sa kaniya.Si Storm ay pinagpapawisan. Naiisip na niya ang galit at poot na nabubuo sa loob ng presidente.“Binibini, hindi kayang gumalaw nang maayos ng presidente, kaya hindi maganda kung iiwan mo siya nang matagal. Kung ‘di, alam mo naman ang presidente, kapag ginalit mo siya, natatakot ako na hindi ka na magtatagal sa Imperial Ci
“Makinig ka, ang asawa ko ay ang founder ng Grand Asia——si Jay Ares.” Noong bigkasin niya ang pangalan ng kaniyang minamahal, isang mayabang na ngiti ang lumitaw sa kaniyang mukha.Si Peter ay parang natamaan ng kidlat, tuliro siyang nanigas sa kaniyang kinatatayuan.“May mali ba?” Kumaway si Angeline sa harap ng mga mata ni Peter.Napahiyaw si Peter sa deliryo, “Si Jay Ares ang asawa mo?”Kaswal na tumango si Angeline.Hinawakan ni Peter ang kaniyang ulo, ang kaniyang mukha ay nagpapakita ng klase ng takot na para bang ang mundo ay magwawakas bukas.Diyos ko po.“Nagalit ko na siya ngayon, yari ako, malapit na akong mamatay!”Ngumuso si Angeline, pinalobo ang kaniyang mga pisngi at tumingin kay Peter sa ‘di pagkatuwa. “Kahit na sinasabi nila na ang mahal ko ay isang mabangis at tahimik na lalaki, o kung paanong may bakas ng dugo ang kaniyang mga kamay, ang mga ‘yon ay haka-haka lang. Sa katunayan, ang mahal ko ay isang maliit na tuta, mahinhin at maamo.”Ang mundo ni Peter ay gumuguho
Lalo na noong nakita niya ang mga porselana na naging bubog na lamang sa sahig, nakumpirma niya ang kaniyang mga iniisip.Marahan na lumapit si Angeline at nilagay ang bag sa mesa, pagkatapos ay maingat siyang nagtungo sa kama.“Ginoong President, hindi ka ba nakatulog nang maayos kagabi?” Mahinang tanong ni Angeline.Ang itsura ng mga mata ni Jay ay kayang patayin ang isang toro sa lamig, ang mga ito ay sumulyap kay Angeline.Gusto niyang makita kung paano nito itatrato ang ‘nakaraan’ na ‘yon, na ang tinutukoy ay siya pagkatapos makipagkita ni Angeline sa ibang lalaki.Wala siyang sinabi, kaya inisip na lamang ni Angeline na um-oo si Jay.Kaya mapagpasensya niyang hinimok si Jay, “Bakit hindi mo pa dagdagan ang tulog mo, at kakantahan kita ng hele——”Ang itsura ng mukha ni Jay ay hindi nagbago nang kahit kaunti.Pagkatapos ay sinabi ni Angeline, “Ayaw mo pala ng mga hele, gusto mo kwentuhan na lang kita?”“Angeline. Severe.” Biglang nagsalita si Jay.Sa tuwing tinatawag siya ni Jay sa
Hinila ni Angeline ang kaniyang bagahe at umalis sa Fragrant Vessel Court sa kalagitnaan ng bumubuhos na ulan.Pagkatapos panoorin ni Jenson ang malungkot na imahe ni Angeline na maglaho sa likod ng ulan, tumalikod siya at tumakbo patungo sa kwarto ng kaniyang daddy.“Daddy, wala na siya!”Sumandal si Jenson, ang kaniyang mukha ay katulad ng kay Jay, malamig na may bakas ng galit.”“Kahit na pinarurusahan mo siya sa hindi pagpapaalam, pekehin mo lang, bakit kinailangan mo siyang palayasin nang may ganito kasamang panahon?”Umupo si Jay sa kama, ang kaniyang mga binti ay nakasabit sa gilid ng kama. Ang kaniyang mukha ay nababalot ng madilim na hangin.“Kapag may nagawang pagkakamali, nararapat lang ang parusa.” Nanggigil si Jay at sinabi.Tumingin si Jenson sa mga bubog sa sahig, agad niyang naintindihan na ang galit ng kaniyang daddy ay hindi resulta ng kaniyang maliit na inis.May nagawa siguro ang kaniyang mommy na nagsanhi sa kaniyang daddy na magalit.Lumapit si Jenson at yumuko up
Nanlaki ang mga mata ni Josephine at ‘di natutuwang sinabi, “Hoy, binibining care worker, bahay ko ‘to, hindi sa ‘yo. Pwede bang maging maingat ka sa imahe mo nang kahit sandali lang?“Bulag siguro ang Diyos sa pagbibigay sa ‘yo ng magandang katawan at mukha. Ngayon, sabihin mo sa ‘kin. Kung hindi ka talaga mapagpanggap, bakit naging malupit sa ‘yo ang kuya ko?”Inangat ni Angeline ang kaniyang ulo mula sa sofa, ang kaniyang mga mata ay malungkot, ang mga bakas ng luha sa kaniyang mukha ay basa pa rin, siya ay mukhang nasaktan, “Bakit ba ayaw sa ‘kin ng kuya mo?”Umirap si Josephine, “Kahit na ibang mga lalaki pa ‘to, hindi nila matitiis ang kakaiba at madrama mong pag-uugali. Parang hindi ka babae.”“Parang hindi babae?” Bumangon si Angeline at masigasig na tinanong, “Ano’ng ibig sabihin ng pagiging parang babae?”“Kung paano ipakita ng mga babae ang kanilang mga sarili,” sabi ni Josephine habang nagpapakitang-gilas, “Kailangan mong maging malambing kapag nagsasalita ka, ang boses mo