Naglakad si Sera papalapit kay Angeline, sinuri siya, at agad na napanganga sa gulat.Siya ay mukhang pamilyar.Sinabi ni Sera, ang boses ay mahina, “Ikaw ba… si Angeline Severe?”Bago pa man siya makasagot, tumawa si Sera at sinabi, “Hindi, hindi ikaw si Angeline. Patay na si Angeline. Ikaw ba si… Rose?”Tahimik na tumingin sa kaniya si Angeline.Inangat ni Sera ang kaniyang kamay at hinawakan ang mga bahagi ng mukha ni Angeline na hindi natatakpan ng maskara. Sinabi niya, “Nagpa-plastic surgery ka para maging kamukha ang kapatid ko. Kamukha mo nga talaga siya.”Tinulak ni Angeline ang kaniyang kamay palayo at sinabi, “‘Wag mo akong hawakan.”Si Sera ay napahiya sa kaniyang mga kinilos. Ang kahihiyan na ‘yon kalaunan ay naging galit. “Rose Loyle, sino ka ba sa tingin mo? Ikaw lang naman ang ignoranteng anak sa kabit ng Pamilya Loyle. Masyadong mataas ang tingin mo sa sarili mo.”Pagkatapos niyang magsalita, hinimas niya ang kaniyang kamay. Kahit paano ay nagawa niyang bawian ang babae
Ang lahat ng nakasaksi sa eksena ay pansamantalang natuliro.Pagalit na sumigaw si Sera, “Bakit nanonood lang kayo? Hulihin niyo siya!”Isang grupo ng mga katulong ang sumugod sa kanila. Pinatumba silang lahat ni Angeline sa isang sipa lamang.Nilagay ni Sera ang dalawa niyang mga kamay sa kaniyang mukha na mahapdi sa sakit. “Ang lakas ng loob mong saktan ako!”“Sige! Tawagin mo ang matandang lalaki na sumusuporta sa ‘yo,” sabi ni Angeline habang nilalaro ang kaniyang mga kuko.Binigyang-diin niya ang mga salitang ‘matandang lalaki’, inaapakan ang kayabangan sa puso ni Sera.Namula ang mukha ni Sera.“Maghintay ka lang, Angeline Severe,” sinabi niya sa galit.“Naghihintay ako. Kung hindi ka aalis at tatawagin si Jack Ares, aalis na ako,” sagot niya.Tumingin sa kaniya nang masama si Sera.Kilalang-kilala ni Angeline ang kaniyang kapatid. Masyado niyang pinahahalagahan ang kaniyang dignidad para kumuha ng taong tutulong sa kaniya. Ngunit baka hindi ito totoo sa likod ng mga eksena.Pagk
Tumingin nang malamig si Jack kay Jay at sinabi, “Sakto lang ang pagdating mo.”Tinigil ni Josephine ang wheelchair ni Jay sa harap ni Jack. Agad na nagtungo si Angeline sa likod niya.Ang kaniyang mga kinilos ay katulad ng isang maliit na ibon na naghahanap ng proteksyon mula sa isang agila.Tumingin nang masama si Josephine kay Angeline at sinabi, “Basagulero.”Ngumiti lamang sa kaniya si Angeline.Nalito si Josephine. Ang babaeng ‘to ay may lakas ng loob na labanan at hindi respetuhin ang mga tao ng Sycamore Annex, ngunit masunurin tulad ng isang maliit na hayop sa kaniya? Bakit kaya?Nang marinig kung ano ang sinabi ni Josephine, inakala ng mga taga-Sycamore Annex na naroon si Jay upang humingi ng tawad.Kahit si Jack ay ganoon ang naisip.Pagkatapos ng sandali ng katahimikan, nagsalita ang manipis na mga labi ni Jay, “Ama, ano ba ang ginawa niyang mali sa ‘yo kaya inutusan mo silang patayin siya?”Maaari ngang mahina ang kaniyang boses, ngunit ito ay may bigat ng panghahamon.Inii
Namutla ang mukha ni Jack. “Jay, ‘wag mong sabihin na tinatalikuran mo na ang mga salita mo ngayon. Nag-aatubili ka bang pakawalan ang babaeng ‘to?”Sumagot si Jay, “Binastos ka niya, kaya kung gusto mo siyang saktan o patayin, hindi kita pipigilan. Gayunpaman, mayroon akong kahilingan.”Natigilan ang mga mata ni Jack. “Sabihin mo.”“Gusto kong kuhain si Sera Severe.”Sumabog si Jack sa galit. “‘Wag kang maglakas-loob na isipin ‘yan.”Tumingala si Jay, ang kaniyang mga mata ay may dalang bakas ng isang ngiti. “Binastos niya ako, kaya wala akong dahilan para patawarin siya. Tulad lang ng kawalan mo ng dahilan para patawarin ang aking care worker.”Naghalo-halo ang emosyon sa mukha ni Jack.Sa huli, tumawa siya nang malakas, “Hahaha, Jay, ikaw talaga, kung gusto mo siyang iligtas, bakit nagpapaligoy-ligoy ka pa? Ikaw ang anak ko. Magsalita ka lang at pakakawalan ko siya.”“Ama, mali ang pagkakaintindi mo sa ‘kin.” Tumingin si Jay kay Angeline nang may poot. “Ang isang care worker tulad n
“Ginoong President, pwede ko bang gamitin ang banyo mo?” Tumayo si Angeline sa kabilang pintuan, nagmamakaawang nagtanong.Ang katabing kwarto ay ang kwarto ng mga bata. Hindi lamang ito mas masikip kaysa sa master bedroom, wala rin itong masyadong kagamitan.Kung gugustuhing maligo ng isang tao, kakailanganin nilang bisitahin ang master bedroom o gamitin ang pampublikong banyo.Ang panahon sa araw na ‘yon ay masama.Ang tunog ng malakas na kulog kasama ang sumisipol na hangin at ang pagpatak ng ulan ay nagsanhi kay Angeline na matakot na gamitin ang banyo sa labas.Tumingin si Jay sa cute na babaeng may suot na pajamas. Napatingin siya sa malinis at maputing mga binti ni Angeline, at siya ay napalunok.Kahit ganito, nagsanhi ‘yon sa kaniya na bahagyang maguluhan.Wala man lang siyang lakas ng loob na isipin si Angeline na naglalakad palabas ng banyo. Magsasanhi ‘yon sa kaniya na gumuho.“Lumabas ka.” Pinigilan niya ang gawain niya ng pag-aalaga kay Angeline at sa wakas ay tinanggihan
“Paano naman ang pang-ilalim ko?” Sabi ni Angeline.“Gusto mo ba suotin ang akin?” Napakunot ang mga kilay ni Jay, naiinip niyang sinabi, “Kailangan mong magtiis.”Ninais ni Angeline na umiyak ngunit wala siyang nailabas na luha.Lumabas siya na suot ang malaking t-shirt, ang dami ay malinaw na maluwag sa kaniya, ngunit pinapakita pa rin nito ang kaseksihan ng kaniyang katawan.Lalo na ang dalawang mahaba niyang mga binti, ang mga ito ay makinis at maputi, tulad ng isang obra-maestra.Ang mahaba at basa niyang buhok ay nakalugay sa makinig niyang kutis. Nagdagdag ito ng aura ng kamusmusan sa kaniya.Gayunpaman, suot pa rin niya ang maskara na ‘yon.Nanginig ang lalamunan ni Jay, ang makinis at gwapo niyang mukha ay nagpakita ng senyales na siya ay naaakit.Si Angeline ay nakakaakit na, sinandal niya ang kaniyang katawan sa mesa habang nakatingin kay Jay nang may emosyonal na mga mata.“Ginoong President, gusto mo bang painitin ko ang kama mo?”Nabulunan nang bahagya si Jay, kahit na hi
Kasasagot lamang ni Angeline sa phone at ang malambot na boses ng isang lalaki ang maririnig sa kabilang linya.“Darling, hulaan mo kung sino ako?”“Aba, makikilala kita kahit na maging abo ka pa. Alam kong ikaw ‘yan, Peter!” Malinaw na naaalala ni Angeline ang boses ni Ginoong Peter dahil ito ang sumama sa kaniya sa madilim niyang mga sandali. “Kung gano’n ay alam mo ba kung nasaan ako ngayon?” Ang boses ni Peter ay may halong ‘di pagkatuwa.Si Angeline ay ang kliyente ni Peter, ngunit tumakas ito bago pa man makumpleto ang yugto ng paggaling ng kaniyang mukha. Para lang hindi mawasak at masira ang mukha ni Angeline kalaunan, nagtungo si Peter sa Imperial Capital para ipagpatuloy ang serbisyo niya sa kaniya.Naramdaman na ni Angeline kung ano ang layunin ni Peter, kaya nagulat niyang sinabi, “Nasa Imperial Capital ka?”“Sa Pinnacle Hotel, pumunta ka na rito ngayon mismo,” sabi ni Peter.Tumingin si Angeline sa bagyo na nangyayari sa labas, “Pwede bang bukas na lang?”Si Peter ay naba
Naisip ni Storm ang kautusan ng Presidente, kaya pinasok niya ang radyo sa channel ng Presidente at nagsimulang makipag-usap kay Angeline.“Saan ka po patungo, Binibini?”“Sa Pinnacle Hotel.”Nanginig si Storm, sa isang hotel?Kaya pala binigay ng presidente ang utos na ‘yon.Ang missus ay makikipagkita sa ibang lalaki sa ganitong oras ng gabi, siguradong nag-uusok na sa galit ang Presidente.“Ang sama ng panahon, pero hindi ka no’n mapipigilan na makipagkita sa taong ‘to, mahalaga siguro siya sa ‘yo?”“Mm.” Kaswal na tumango si Angeline.Si Peter ang taong nagpabago sa kaniyang buhay. Maliban kay Jaybie, si Peter lang ang nag-iisang lubos na mahalaga para sa kaniya.Si Storm ay pinagpapawisan. Naiisip na niya ang galit at poot na nabubuo sa loob ng presidente.“Binibini, hindi kayang gumalaw nang maayos ng presidente, kaya hindi maganda kung iiwan mo siya nang matagal. Kung ‘di, alam mo naman ang presidente, kapag ginalit mo siya, natatakot ako na hindi ka na magtatagal sa Imperial Ci