Ang tusong ekspresyon ni Sera ay bahagyang kalmado.Matapat siyang naghanap sa kaniyang puso. Ayaw niya talagang mamatay nang maaga si Jay dahil kung mamamatay siya, wala nang paglalabasan si Sera ng lahat ng kahihiyan na nasa kaniyang katawan. Mararamdaman niya na siya ay nabubuhay nang walang kabuluhan.Tanging kapag buhay lamang si Jay at mayroong buhay na mas malala pa sa kamatayan ay saka lamang niya maipagyayabang ang kaniyang tagumpay sa harap nito.“Old Master, bakit hindi ka pumunta sa Fragrant Vessel Court upang malaman ang balita?” Suhestyon ni Sera.Nag-alinlangan si Jack.Noong nakaraan ay ginulo niya ang Grand Asia, na katumbas ng pakikipag-away kay Jay.Sa sandaling naisip niya na baka tumingin si Jay sa kaniya, ang ama na nagpalaki sa kaniya sa loob 35 na taon, nang may malamig at mabangis na mga mata, naramdaman ni Jack ang pag-init ng kaniyang mukha.“Old Master, siya pa rin ang anak mo. Kung hindi mo siya bibisitahin, lilitaw lang na nakokonsensya ka,” sabi ni Sera.
Na parang gumagawa ng isang magic trick, naglabas si Angeline ng isang kampanilya mula sa kaniyang bulsa at nilagay ito sa tabi ng unan ni Jay, “Kung kailangan mo ng tulong ko, pwede mong patunugin ang kampanilya.”Tumingin si Jay sa kakaibang gintong kampanilya, ang gwapo niyang mukha ay nagiging madilim.Tinuturing ba ng babaeng ‘to ang kaniyang sarili na isang alaga na pwede niyang tawag-tawagin lang?Ano bang pag-uugali at kakayahan ang mayroon siya para makuha ang malalim na pagmamahal ni Angeline?Nag-aatubiling umalis si Angeline.Inabot ni Jay ang kaniyang kamay at kinuha ang kampanilya. Noong ninais niyang ibato ito sa labas, nakakita siya ng ilang mga salita na nakalagay sa kampanilya, “Non-abandonment bell.”Hindi ba’t ito ang kampanilya na binigay niya sa babaeng ito dati?Noong sila ay namamasyal dati, may inutusan siya na gawin ang kampanilya na ito para kay Angeline dahil siya ay mahiyain at walang lakas ng loob na matulog nang mag-isa. Sa tuwing natatakot ang babaeng it
Ngunit noong sumunggab si Jade, hindi man lang kumurap si Angeline o kumunot ang kaniyang mga kilay. Siya ay sumipa na parang walang lakas ngunit pinatalsik si Jade patungo sa kalayuan ng silid.Si Jack at ang Madam ay natuliro.Inabot ni Angeline ang kaniyang kamay at gumawa ng isang nagtatanong na pagkaway. Ang mukha niya ay walang ekspresyon at ang boses niya ay hindi magiliw noong sinabi niyang, “Master, Madam, pakiusap ay umatras na kayo!”Sa sobrang pangit ng ekspresyon ni Jack at ang Madam ay parang nakakain sila ng tae.Ang madam ay ayaw na sumuko sa nurse, kaya sinigaw niya, “Jay, ikaw ang anak namin na pinalaki namin nang may mapait na paghihirap. Ngayon ay gusto kang makita ng mga magulang mo pero mas mahirap pa ‘to sa pag-akyat sa langit! Gawa ba sa bato at bakal ang puso mo?”Sa kwarto, si Jay ay nagising sa boses ng nag-ampon sa kaniyang ina at napakunot ang kaniyang mga kilay.Ninais niyang tumayo upang makita kung ano ang nangyayari, ngunit ang ibaba niyang katawan ay k
Tumitig si James sa kaniyang anak na ang braso ay nakaangat.Sa sandaling matapos ang talakayan sa pamilya ng third wife, binuksan ni Jay ang kaniyang bibig at sinabi, “Hindi mahalaga kung gumagana ang mga binti ko o hindi. Hindi ko naman ginagamit ang mga binti ko para mangawawa ng mga tao. Sa halip, dito ako umaasa.”Tinuro niya ang kaniyang noo nang kaaya-aya.Sinabi ni Jean kay Jay nang may pagpupuri, “Syempre, si Kuya ‘yan, eh. Sa simula pa lang ay alam ko nang walang bagay sa mundo ang makakapigil sa ‘yo.”Ang itsura ni Jay ay mayroong ngiti.Isang nangungutyang tingin ang makikita sa mga mata ni Jack. “Jack, dahil wala nang kwenta ang mga binti mo ngayon, magpapadala ako ng ilan pang mga tao para protektahan ka sa susunod. Ikaw ay isang kilalang young master ng Imperial Capital. Maraming tao ang gustong kuhain ang buhay mo!”Ang mga salitang ito ay parang may pag-aalala ngunit sa katunayan ay sinusubukan nitong kalabanin ang pag-asa ni Jay sa kaniyang isipan upang mabuhay.Nang
Inangat ni Jay ang kaniyang mga mata upang tumingin kay Angeline at ang kaniyang tingin ay may dalang pagka-intriga. “Hindi na masama ang kakayahan mo. Sino’ng nagturo sa ‘yo niyan?”Sinabi ni Angeline, “Ang kuya ko.”Malamig ang tingin ni Jay. Noong bata pa si Jay, tinuruan niya si Angeline ng Taekwondo, ngunit mukhang ganap na niyang nakalimutan iyon. Ang katotohanan na muli siyang natuto nito sa nakalipas na dalawang taon ay halatang hindi dahil kay Jay.Mukhang napagtanto rin ni Angeline na mali ang naisagot niya sa tanong at tinama ang kaniyang sarili. “Nagsanay ako sa isang Taekwondo gym.”“Bakit ka natuto niyan?” Tanong ni Jay sa pagkagulat.“Upang protektahan ang lalaking gusto ko,” nahihiyang sabi ni Angeline.Kumibot ang mga labi ni Jay.Bakit gugustuhin niya ng isang mahinang babae na tulad ni Angeline na protektahan siya?“Ang lalaking gusto mo, malamang ay gusto ka niyang maging pinagkukuhaan ng pagkain, tulad ng isang walang kwentang laruan. Hindi naman sa gusto ka niya d
“Nurse, nasaan po ang daddy namin?”Si Jay ay nakaupo sa glass garden sa unang palapag. Sa likod ng salamin, nakita niya ang mga batang naghahanap kahit saan para sa kaniya, ngunit hindi siya lumabas upang salubungin agad ang mga bata.Ang kaniyang mga mata ay napatingin kay Angeline na nakatayo sa gitna ng kwarto nang tulala. Nararamdaman niya ang saya at pag-aasam nito kahit mula sa kalayuan.Ang tatlong mga bata ay tumakbo sa taas at sa baba ngunit hindi nila nakita ang kanilang daddy. Sa oras na ‘to, pinalibutan nilang lahat si Angeline. “Tita, nasaan po ang addy namin?”Tumingin si Angeline sa mga bata at napansin na sila ay tumangkad na. Ang kanilang mga katawan ay mas payat, pati narin ang kanilang mga mukha, at wala na ang pagiging bata nilang itusra. Hindi niya mapigilan ang maluha.Sayang lang at nalagpasan niya ang paglaki ng kaniyang mga anak sa nakalipas na dalawang taon.“Tita, bakit ka umiiyak? Ano’ng nangyari kay Daddy?” Nagsimula na ring umiyak si Zetty.Ang mga mata n
Tinulak ni Jay ang kaniyang wheelchair at lumabas sa salamin na silid.Mabilis na sinuot ni Angeline ang kaniyang maskara. Si Jenson ay bahagyang nagulat noong nakita niya ang pagmamadali sa mga mata ni Angeline.“Daddy.” Tumakbo patungo sa kaniya sina Robbie at Zetty. Noong nakita nila na ang kanilang daddy ay hirap na gumalaw, ang kanilang mga mata ay namula at sila ay umiyak.Pinatahan ni Angeline ang mga bata, sinasabi, “‘Wag na kayong malungkot, gagaling din ang mga binti ng daddy niyo.”Tumitig si Jay kay Angeline. Hindi alam kung ano ang iniisip niya sa sandaling ‘yon, sinabi niya ang katotohanan na para bang siya ay sinasaniban. “Hindi na ‘to gagaling. Sinabi ng doktor na ang mga binti ni Daddy ay magiging ganito habang-buhay.”Sinabi ni Angeline, “Magkakaroon ng himala.”“Hindi magkakaroon ng himala,” makulit na sabi ni Jay.Si Angeline ay bahagyang nabigla. Bakit ba nakikipagtalo sa kaniyang lalaking ‘to? Bakit gusto niyang paiyakin ang mga bata?“Hindi mahalaga kung gagaling
Hinabol ni Angeline si Jay at sinabi, “Pwede bang pakitaasan ang sahod ko?”Ang likod ni Jay ay bahagyang nanigas, at ang kaniyang mga mata ay malamig.Dalawang taon na simula noong umalis ang babaeng ‘to. Ngayon ay gumawa siya ng pagkakataon para sa kaniya na makasama ang mga bata. Binigyan niya si Angeline ng isang pulgada, ngunit gusto nito ng isang milya.Tinapon ba ng babaeng ‘to ang kaniyang dignidad at moral sa Java Island?“Maging mahusay ka sa trabaho na ‘to at pagkatapos ay lapitan mo ako para sa pagtaas ng sahod.”“Oh.”si Angeline ay natutuwa. Tumalikod siya at lumukso-lukso paakyat. Ang boung attic ay nanginig mula sa kaniyang paglukso.“May lindol ba?” Binuksan ng mga bata ang pinto ng study at tumakbo palabas.Nakita nila si Angeline na lumulukso patungo sa kanila na parang isang kuneho.“Hi!” Kumaway si Angeline sa kanila, ngumingiti nang kasing liwanag ng araw. “Mula sa araw na ‘to, ako ang magiging katulong niyo sa takdang-aralin niyo.”Sina Robbie at Zetty ay natulir