“Nina... Ninais niyang ‘wag mo akong kamuhian.”Natigilan si Jay. “Ano bang ginawa mo?”Isang mapait na ngiti ang lumitaw sa mukha ni Jack.Kailan pa niya ginawan ng mali ang babaeng ‘yon? Gayunpaman, kailangan pa rin niyang akuin ang kasalanan.“Akala niya ay may iba akong minahal. Akala niya ay minahal ko ang madrasta mo.”Malamig na sinabi ni Jay, “Hindi ba ‘yon ang kaso?”Si Jay ay ang tunay na anak ni Jack.Gayunpaman, si Jay ay hindi ang anak ng asawa ni Jack. Sa halip, siya ang anak ni Jack at ng ibang babae. Kaya, agad na naisip ni Jay na may nagawa siyang malaking kamalian.Namutla si Jack noong magpaliwanag siya, “Jay, mahal ko ang ina mo, pero wala akong kakayahan na pakasalan siya. Kung ‘di, hindi ko siya hahayaang maghirap… Kahit nang kaunti.”“Tinrato mo siya nang ganoon, pero ang mga magulang at pamilya roon ay umupo at nanood lang?”Naisip ni Jack na ang anak niya ay hindi ganoon kadaling makumbinsi. Kung ‘di sa maikling oras na mayroon siya upang magawa ang kasinungali
“Ano’ng nakita mo?”“Ang pader sa labas ay gawa sa dalawang layers. Sa pagitan ng mga ito ay isang masikip na daan. Kaya rito magkasya ang isang bata o kung sino na marunong magbalu-baluktot. At saka, nakakita ako ng ilang hibla ng kulay chestnut na buhok sa daanan. Mukhang ang kulay na ‘yon ay natural!”Binigay ni Tempest ang mga hibla ng buhay na hawak niya sa kay Jay. Noong makita ni Jay ang pamilyar na buhok, natigilan siya.Ang payat niyang mga daliri ay nanginig noong kinuha niya ang mga hibla ng buhok.Ang kulay ng buhok ay katulad ng babae sa larawan.Kung ang babae sa larawan ay ang tunay niyang ina, ang ibig sabihin nito ay maaaring buhay pa rin ang kaniyang ina sa mundong ito.Sa katunayan, ito ay malapit lang sa kaniya!“Alamin mo kung saan patungo ang daan na ‘to!”“Opo, Ginoong President.”“Nasaan si Storm at ang iba pa?”“Parating na sila.”“Sabihin mo kay Storm na protektahan ang mga young master at ang young lady.”“Opo, Ginoong President.”Nanood si Jack nang matagal
Kumatok si Jenson sa pinto. Noong nakita ni Josephine sina Jenson at Robbie, siya ay natuliro.“Bakit narito kayong dalawa?” Ninais ni Josephine na makuha ang pabor ng dalawang makulit na ‘to, kaya nilabas niya ang lahat ng mga laruan na mayroon siya.Tumingin si Jenson sa mga laruan na pambata at hindi ito pinansin.“Tita, pwede bang ‘wag mo kaming tingnan kung paano kami tingnan ng isang t*nga? Matagal na kaming tumigil paglalaro ng mga laruan na ganito.”Si Josephine ay nagalit sa pangit na komento ni Jenson. “Sinasabi mo ba na t*nga ako?”Nagkibit-balikat si Jenson. “Sinasabi ko lang naman ang katotohanan.”Si Josephine ay nagalit. “Lumayo nga kayong dalawa sa ‘kin. Hindi ko na kayo pagsisilbihan pa ulit.”Noong nakita ni Robbie na ginalit ni Jens ang kanilang tita, mabilis siyang humingi ng tawad. “‘Wag ka nang magalit, Tita Josephine. Mas tatanda ka niyan, tapos hindi ka maikakasal sa iba. Kung hindi ka magpapakasal, aalagaan ka habang-buhay ng daddy ko. Pero tatanda rin ang dadd
Ginaya ni Robbie ang itsura ng isang nakatatanda noong maglakad siya patungo kay Jay. Mayroon siyang itsura sa mukha niya na nagsasabing, ‘Hindi ako masaya’.“Daddy!” Mahina niyang sabi, ang kaniyang mga mata ay namumula habang ang kaniyang mga luha ay naiipon.Si Jenson ay nakatingin sa puwang sa pinto. Noong makita niya kung paano nagbago ang ekspresyon ni Robbie sa isang kisapmata, siya ay napanganga sa pagkabigla.May ginagamit ba siyang pag-arte para mapatunayang matalino siya?Nakita ni Jay na si Robbie ay nababalisa, kaya kinarga niya ito at nilagay sa ibabaw ng kaniyang mga hita. Tinanong niya sa pag-aalala, “Robbie, may problema ba?”“Tinawag akong isip-bata ni Jens, kaya napagpasyahan niyang ‘wag sumama sa ‘kin!” Hinimas ni Robbie ang kaniyang ilong. Mayroong kaawa-awang itsura sa kaniyang mukha.Ang ekspresyon sa mga mata ni Jenson ay naging malamig. Ano’ng ginagawa ng lalaking ‘to, dinadamay siya sa kalokohan niya?Napakunot ang mga kilay ni Jay. Nitong mga nakaraan, ang da
Ito ay halatang-halata.Lumapit dito si Jay, umabot, at kumatok sa gypsum na kahoy. Ang tunog ng katok ay maririnig sa loob ng pader. Pilit itong tinulak ni Jay at ang gypsum na kahoy ay dumulas sa gilid.Mayroon pang isang layer ng pader, ngunit ito ay natatakpan ng phoebe zhennan na kahoy, kay ito ay mukhang napakatibay.Sa pagitan ng panloob at panlabas na pader ay isang daan. Napakadilim sa loob nito.Binuksan ni Jay ang flashlight sa kaniyang phone at pumasok sa loob upang maglakad sa daan. Nakita niya na ang daan ay gawa sa hakbangan na parang sa hagdan, ang bawat hakbangan ay hindi na mas lalawak pa sa tatlumpung sentimetro. Ang isang normal na tao ay hindi kayang dumaan doon.Namutla nang bahagya ang mukha ni Jay. Ang mga hibla ng buhok sa kaniyang kamay ay nag-init na para bang susunugin siya ng mga ito.Nakita ni Tempest ang kayumangging buhok sa daan na ‘to. Maaari kayang nabuhay ang babaeng ‘yon doon?Maituturing ba siyang isang normal na tao, kung gano’n?“Ginoong Presiden
Nanaginip si Jay.Napanaginipan niya ang ika-18 na kaarawan ni Angeline. May suot itong puting bestida. Bata pa siya, ngunit mukha na siyang nasa wastong gulang. May hairpin sa kaniyang ulo, mayroon din siyang suot na malaking dyamanteng mga hikaw. Kahit na maka-luma ang kaniyang kasuotan, ang 26 na taong gulang na si Jay ay hindi ito matiis.Si Angeline ay elegante, enggrande, at nakatutulirong maganda.Noong gabi, pumunta si Angeline sa kaniyang kwarto, tinanggal ang kaniyang hikaw, hairpin, at tinanggal pa ang mga butones ng kaniyang bestida.Hinawakan ni Jay ang kaniyang kamay at pinagalitan siya, “Ano’ng gagawin mo?”“Nasa wastong gulang na ako ngayon. Pwede ko na ‘tong gawin sa ‘yo…”“Walang hiya.” Tumanggi ang bibig ni Jay, ngunit ang kaniyang katawan ay marahan na nag-iinit.Si Angeline ay isa nang rebelde noong bata pa lang siya. Kapag mas tinutulak siya ni Jay, mas nagiging mapilit siya. Ang kaniyang tawa ay makulit ngunit kaakit-akit. “Darling, sinungaling ka. Halata namang
“Nagmamakaawa ako sa ‘yo. Bumalik ka na, please?”Isang nagulat na ekspresyon ang lumitaw sa mga mata ni Sera.Si Rose Loyle ay si Angeline Severe?“Baby, ayaw mo na ba sa ‘kin? Ayaw mo na ba talagang bumalik pa?“‘Wag mo akong iwan.”Ang boses ni Jay ay pahina nang pahina, ang kaniyang mga luha ay tumutulo sa mukha ni Sera.Isang masamang tingin ang lumitaw sa mga mata ni Sera.Hindi pa pala patay si Angeline?Ang ibig sabihin nito ay nagawa niyang makakuha ng masayang buhay kay Jay?Tumingin si Sera sa biglang hindi gumagalaw na lalaki. Noong nakita niya ang naluluhang mukha ni Jay, ang mukha niya ay naging berde sa inggit.Hinding-hindi pinapakita ni Jay ang malambot niyang pag-uugali sa mundo.Sa pagkakaalala ni Sera, si Jay ay palaging may malamig na mukha at malamig na puso. Siya ang tinuturing na Hades ng mundo ng negosyo na ayaw malapit sa mga tao.Sa kaniyang pagkakaalala, ang mga kamay ni Jay ay puno ng dugo.Bakit siya magiliw kay Angeline at kay Angeline lamang?Ang kamay n
“Angeline, magpakasal na tayo. Ayaw ko nang maghintay pa,” mapait na bulong ni Jay.Umirap si Jenson kay Robbie. “Narinig mo ‘yon. Ang babaeng gusto ni Daddy ay si Angeline. Bago bumalik si Mommy, tila araw-araw iniisip ni Daddy si Angeline. Ginuguhit niya ang mga larawan ni Angeline at nakikinig sa kaniyang mga kanta. Sa tuwing naiisip niya si Angeline, tatawa nang masaya si Daddy.”Isang itsura ng pagkadismaya ang lumitaw sa mukha ni Robbie. “Gano’n pala kagusto ni Daddy si Angeline. Kung gano’n, hindi ba’t kaawa-awa si Mommy…”Walang masabi si Jenson. “Hindi kaawa-awa si Mommy. Tinago ni Daddy ang pagmamahal niya kay Angeline para kay Mommy. Sa katunayan, ang ganda-ganda ng trato ni Daddy kay Mommy.”Sa sandaling ‘yon, narinig nilang bumulong muli si Jay, “Wala akong paki kung ikaw si Rose Loyle o si Angeline Severe, ang mahalaga ay ikaw pa rin ‘yan. Ang pangalan mo at itsura mo, wala akong pakialam sa mga ‘yon. Sobrang namimiss ko lang ang masasayang panahon natin. Bumalik ka na, p