Kahit malabo pa ang kaniyang isipan, pakiramdam ni Jay ay bumalik siya sa oras sa kaniyang kabataan.Kaya niyang makipaglandian kay Angeline nang walang pag-aalinlangan. “Ako lang ang pwedeng magbigay sa ‘yo ng mga rosas, naintindihan mo?”“Hindi ko makuha,” sabi ni Angeline. Ang kaniyang mga mata ay malaki at makintab, ang kaniyang mukha ay puno ng pagkalito.“Kahit si Zayne ay hindi ako pwedeng bigyan ng mga rosas?”“Hindi ka niya bibigyan ng rosas. Maliban na lang kung mauntog sa pinto ang utak niya.”Tumitig sa kaniya si Angeline sa pagtataka, ang mga mata nito ay nagniningning tulad ng mga bituin sa langit...Pinagsamantalahan ni Jay ang pagiging mangmang ni Angeline at nagyabang sa harap ng kasing-talino niyang si Angeline.Marahil ay dahil sa kaniyang ka-cute-an na hindi mapigilan ni Jay na halikan siya. Sa oras na ‘yon, si Jay ay isang masiglang binata, kaya ang kaniyang mukha ay namula pagkatapos ng halik.“Kuya, namumula ka.” Tumawa si Angeline.Ang mukha niya ay kasing pula
“Mm!” Kinurot ni Jay ang matalino niyang anak sa mukha, ang kaniyang sagot ay kalmado.“Bakit pumunta kayong lahat dito?” Tanong ni Jay.Dati, hindi niya alam na ang Tourmaline Estate ay isang lugar ng panganib, kaya hindi siya nag-aalala na manatili rito ang mga bata.Ngayon, gayunpaman, ay gustong-gusto niyang ‘wag nang bumalik ang mga bata sa lugar na ‘to.Sumagot si Jenson, “Nagmakaawa ako kay Lolo na dalhin kami rito.”Si Jay ay bahagyang nabigla.Si Jenson ay palaging ayaw bumalik sa Tourmaline Estate. Gayunpaman, ngayon ay siya na ang nakaisip ng ideya na ‘yon, masyado itong kakaiba.Tumingin si Jay sa kalmadong ekspresyon ni Jenson. Matagal na niyang hindi natitingnan nang mabuti ang kaniyang mga anak. Napagtanto niya na ang mga mata ni Jenson ay malalim at misteryoso rin.“Para saan?” Tanong ni Jay.Nanatiling tahimik si Jenson.Sinabi ni Robbie, “Sabi ni Jens ay hindi ligtas si Daddy na mag-isa sa Tourmaline Estate.”Nang marinig ‘yon, hinila niya si Jenson sa harap niya. “Ba
Tumingin si Rose sa hindi perpekto niyang kutis at humiyaw, “Peter, gumastos ako ng maraming pera rito. ‘Wag mo akong biguin, ha?”Sumagot si Peter, “Rose, ‘wag kang masyadong magmadali. Tatlong buwan pa lang ang nakakalipas. Ang isang kumpletong metamorphosis sa mukha mong ‘to ay aabutin nang hindi bababa sa tatlong taon.”Tatlong taon… Ipinikit ni Rose ang kaniyang mga mata. Iyon ay isang napakahabang panahon!Gayunpaman, noong naisip niya na makakabalik siya kay Jay gamit ang mukha na gustong-gusto nito, naisip niya na kaya niyang tiisin ang lahat ng ‘yon.“Peter, gusto kong magbasa ng libro!”Ninais niya na patalinuhin ang kaniyang sarili at magkaroon ng kaalaman at karanasan para siya ay maging isang pambihirang babae na karapat-dapat na tumayo sa tabi ni Jay.Sumagot si Peter, “Basta’t ipapahinga mo nang maayos ang mga mata mo, sige.”“Peter, gusto kong magsanay ng Taekwondo.” Ninais niyang maging mas malakas para magawa niyang protektahan si Jay. Kahit sa araw na ang pinanggalin
Kinuyom ni Robbie ang kaniyang mga kamao. “Sinabi ni Mommy na hindi dapat awayin ng mga lalaki ang mga babae, pero kung ganiyan kasama ang mga babae, nararapat lang sa kanila ang mabugbog.”Tumingin nang masama si Zetty sa grupo ng mga babae na mayroong makapal na makeup. “Ang mga lalaki ay hindi pwedeng manakit ng babae, pero sa tingin ko ay pwedeng saktan ng mga babae ang ibang babae.”Noong sabihin niya ‘yon, pagalit siyang naglakad patungo sa kanilang direksyon.Sumunod sa likod niya si Robbie, “Hindi ka pa isang matandang babae, alam mo?”Nang makita ito, si Robbie ay kinakabahang pinagpawisan at lumingon kay Jenson upang humingi ng tulong. “Ang babaeng ‘yon ay maselan. Isang mahinang hawak lang at iiyak na siya. Ngayon, gusto niyang makipag-away?”Sumagot si Jenson, “Tulungan mo siya.”Tumingin si Robbie kay Jenson na nakatayo roon nang hindi gumagalaw. “Paano ka naman?”Sumagot si Jenson, “Nasusuka ako sa pandidiri kapag nakahawak ako ng katawan ng isang estranghero.”“Ano ‘tong
Kasabay ng isang nakabibinging tunog, ang mga manggagawa ay nakapagbukas ng isang malaking butas sa labas na pader ng ikalawang palapag ng Fragrant Vessel Court.Ang ilang manggagawa ay nagbulungan, “Sabi ni Giovanni na ang espasyo sa ibabaw ng attic na ‘to ay kailangan lamang ng pampatibay, hindi demolisyon. Ngayong pinatumba niyo ito, gusto niyo bang mawalan ng trabaho?”Nagbigay si Tempest ng isang sigarilyo sa lalaki at humingi ng tawad. “Kalma, Brother Donny. Hindi lang namin narinig nang malinaw ang utos ni Giovanni. Ibabalik na lang namin sa dati ang bahay.”“Madali para sa ‘yong sabihin ‘yan. Ito ay isang pader ng phoebe zhennan wood. Kaya niyo bang bilhin ang ganitong klase ng kalidad na kahoy? Hintayin niyo lang na dumating ang Old Master. Yari kayong lahat,” sabi ng lalaki noong sampalin niya ang sigarilyo ni Tempest sa sahig at umalis upang sabihin ang kaniyang reklamo.Kalaunan, ang ama ni Jay, si Jack Ares, ay dumating.Napansin ‘yon ni Jay, kaya tinatamad siyang tumayo s
“Nina... Ninais niyang ‘wag mo akong kamuhian.”Natigilan si Jay. “Ano bang ginawa mo?”Isang mapait na ngiti ang lumitaw sa mukha ni Jack.Kailan pa niya ginawan ng mali ang babaeng ‘yon? Gayunpaman, kailangan pa rin niyang akuin ang kasalanan.“Akala niya ay may iba akong minahal. Akala niya ay minahal ko ang madrasta mo.”Malamig na sinabi ni Jay, “Hindi ba ‘yon ang kaso?”Si Jay ay ang tunay na anak ni Jack.Gayunpaman, si Jay ay hindi ang anak ng asawa ni Jack. Sa halip, siya ang anak ni Jack at ng ibang babae. Kaya, agad na naisip ni Jay na may nagawa siyang malaking kamalian.Namutla si Jack noong magpaliwanag siya, “Jay, mahal ko ang ina mo, pero wala akong kakayahan na pakasalan siya. Kung ‘di, hindi ko siya hahayaang maghirap… Kahit nang kaunti.”“Tinrato mo siya nang ganoon, pero ang mga magulang at pamilya roon ay umupo at nanood lang?”Naisip ni Jack na ang anak niya ay hindi ganoon kadaling makumbinsi. Kung ‘di sa maikling oras na mayroon siya upang magawa ang kasinungali
“Ano’ng nakita mo?”“Ang pader sa labas ay gawa sa dalawang layers. Sa pagitan ng mga ito ay isang masikip na daan. Kaya rito magkasya ang isang bata o kung sino na marunong magbalu-baluktot. At saka, nakakita ako ng ilang hibla ng kulay chestnut na buhok sa daanan. Mukhang ang kulay na ‘yon ay natural!”Binigay ni Tempest ang mga hibla ng buhay na hawak niya sa kay Jay. Noong makita ni Jay ang pamilyar na buhok, natigilan siya.Ang payat niyang mga daliri ay nanginig noong kinuha niya ang mga hibla ng buhok.Ang kulay ng buhok ay katulad ng babae sa larawan.Kung ang babae sa larawan ay ang tunay niyang ina, ang ibig sabihin nito ay maaaring buhay pa rin ang kaniyang ina sa mundong ito.Sa katunayan, ito ay malapit lang sa kaniya!“Alamin mo kung saan patungo ang daan na ‘to!”“Opo, Ginoong President.”“Nasaan si Storm at ang iba pa?”“Parating na sila.”“Sabihin mo kay Storm na protektahan ang mga young master at ang young lady.”“Opo, Ginoong President.”Nanood si Jack nang matagal
Kumatok si Jenson sa pinto. Noong nakita ni Josephine sina Jenson at Robbie, siya ay natuliro.“Bakit narito kayong dalawa?” Ninais ni Josephine na makuha ang pabor ng dalawang makulit na ‘to, kaya nilabas niya ang lahat ng mga laruan na mayroon siya.Tumingin si Jenson sa mga laruan na pambata at hindi ito pinansin.“Tita, pwede bang ‘wag mo kaming tingnan kung paano kami tingnan ng isang t*nga? Matagal na kaming tumigil paglalaro ng mga laruan na ganito.”Si Josephine ay nagalit sa pangit na komento ni Jenson. “Sinasabi mo ba na t*nga ako?”Nagkibit-balikat si Jenson. “Sinasabi ko lang naman ang katotohanan.”Si Josephine ay nagalit. “Lumayo nga kayong dalawa sa ‘kin. Hindi ko na kayo pagsisilbihan pa ulit.”Noong nakita ni Robbie na ginalit ni Jens ang kanilang tita, mabilis siyang humingi ng tawad. “‘Wag ka nang magalit, Tita Josephine. Mas tatanda ka niyan, tapos hindi ka maikakasal sa iba. Kung hindi ka magpapakasal, aalagaan ka habang-buhay ng daddy ko. Pero tatanda rin ang dadd