Share

Kabanata 531

Tumingin si Rose sa hindi perpekto niyang kutis at humiyaw, “Peter, gumastos ako ng maraming pera rito. ‘Wag mo akong biguin, ha?”

Sumagot si Peter, “Rose, ‘wag kang masyadong magmadali. Tatlong buwan pa lang ang nakakalipas. Ang isang kumpletong metamorphosis sa mukha mong ‘to ay aabutin nang hindi bababa sa tatlong taon.”

Tatlong taon… Ipinikit ni Rose ang kaniyang mga mata. Iyon ay isang napakahabang panahon!

Gayunpaman, noong naisip niya na makakabalik siya kay Jay gamit ang mukha na gustong-gusto nito, naisip niya na kaya niyang tiisin ang lahat ng ‘yon.

“Peter, gusto kong magbasa ng libro!”

Ninais niya na patalinuhin ang kaniyang sarili at magkaroon ng kaalaman at karanasan para siya ay maging isang pambihirang babae na karapat-dapat na tumayo sa tabi ni Jay.

Sumagot si Peter, “Basta’t ipapahinga mo nang maayos ang mga mata mo, sige.”

“Peter, gusto kong magsanay ng Taekwondo.” Ninais niyang maging mas malakas para magawa niyang protektahan si Jay. Kahit sa araw na ang pinanggalin
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status