Nag-isip nang sandali si Jay bago idagdag, “At saka, hayaan mo siyang magsagawa ng isang HIV test!”Ang mata ng doktor ay naging hindi malarawan.‘Ang presidente ay mayroong ganoon kalinis na personalidad kaya ang ganoong bagay ay kailangan ng kaniyang babae?’Tinanggihan ni Rose ang kaniyang suhestyon, “Um… Hindi ko kailangan no’n.”Tumingin si Jay kay Rose at isang ngiti ang lumitaw sa kaniyang mukha. Si Rose naman ay sobrang baba ng yuko sa puntong lulubog na siya sa lupa kapag nagkaroon siya ng pagkakataon.‘Ganoon ba siyang mahiyain?’“Susuriin lang naman. At saka…” Ang tingin ni Jay ay napunta kay Josephine na nakatayo sa likod niya. “Ipa-checkup mo na rin siya.”Napatalon si Josephine. “Kuya, ano’ng ibig sabihin nito? Ang kapatid mo ay nagsasanay ng kalinisan at namumuhay na parang isang madre. Paano mo nagawang maghinala sa ‘kin?”Kumalma si Jay sa kaniyang upuan sa sandaling ibigay na niya ang kaniyang mga utos.Sa kabilang banda, sina Rose at Josephine ay sumuko na lamang.‘D
Mabilis na binuksan ni Josephine ang pinto ng Rolls Royce at umupo sa likod na parang isang isda. “Gusto ko ring summa. Namimiss ko na sina Jens, Robbie, at Zetty.”Sa kabilang banda, si Rose ay nag-aalinlangan na magtungo sa kotse.Siya ay nag-aalala na may gagawing masama sa kaniya si Jay, ngunit masyado niyang namimiss ang kaniyang mga anak.Tumingin si Jay sa dalawang babae na nakaupo sa likod at malamig na sinabi, “Ayaw kong magmaneho.”Nagkatinginan sina Josephine at Rose; iyon ay nangangahulugan na ang isa sa kanila ay kailangang tumabi sa demonyo.Pagkatapos ng isang sandali, lumabas ng kotse si Rose at sinabi, “Ako na ang magmamaneho.”Mas gugustuhin pa niyang mamatay kaysa ang tumabi kay Jay.Tinanong siya nang malamig ni Jay, “May lisensya ka ba?”Malungkot na bumalik si Rose sa kaniyang upuan.Si Angeline ay mayroong lisensya at marunong magmaneho. Gayunpaman, siya ay hindi si Rose Loyle.Napabuntong-hininga si Josephine. “Sige, ako na ang magmamaneho.”Nagsisimula siyang m
Ang Rolls Royce ay nalalapit nang tumigil sa Garden of A Diary. Gayunpaman, lumabas si Rose ng kotse bago pa man ito ganap na tumigil.Nang makita ng mga bata ang kanilang mommy, sila ay nananabik na tumakbo sa kaniya.“Mommy, mommy!”Binuksan ni Rose nang malawak ang kaniyang mga braso at niyakap nang mahigpit ang tatlo niyang mga anak.Umiyak nang malakas si Zetty, “Mommy, miss na miss na miss na kita!”Lumitaw ang pagsisisi sa puso ni Rose.Hindi siya mapayapa sa loob noong iniwan niya ang kaniyang mga anak.Biglang nagsalita si Robbie, “Mommy, sinabi ni Daddy na may sakit ka at iyon ang dahilan kung bakit nagtatago ka mula sa ‘min. ‘Wag kang matakot, Mommy. Kahit ano pa ang mayroon ka, hindi kami magagalit sa ‘yo.”Si Rose ay nagulat noong mag-init ang kaniyang puso.Ito ay isang pakiramdam na sabay-sabay na binigay sa kaniya ni Jay at ng kanilang mga anak. Siya ay nagpapasalamat na pinanatili ni Jay ang dignidad niya sa harap ng mga bata.Sinabi ni Jenson, “Pagod si Mommy. Papasuk
Binigyan ni Robbie si Rose ng isang tasa ng mainit na tsaa. “Mommy, uminom ka.”Malambing na minasahe ni Zetty ang likod ni Rose.Si Jenson ay nakatayo sa gilid, hindi alam kung ano ang gagawin.Si Rose ay natuwa sa pagmamahal ng kaniyang mga anak at nabuo ang mga luha sa kaniyang mga mata.“Mommy, dito ka na lang,” kinagat ni Jenson ang kaniyang mga labi at biglang nagsalita.Tumingin si Rose kay Jenson at tumulo ang luha mula sa kaniyang mga mata. Inabot niya ang kamay, at nilapitan siya ni Jenson at niyakap.Noong pumasok si Jay, nakita niya ang grupo ng mag-ina na magkakasama. Kasunod nito, tumigil siya nang sandali sa paglalakad bago umakyat sa taas.Sa study, sa upuan ni Jay, makikita si Jay na nakasandal at nakatingin sa puting kisame.Ano ang dapat niyang gawin para mapanatili si Rose?Isang katok ang maririnig sa kaniyang pinto.Napatingin si Jay upang makita si Josephine na may hawak na isang tasa ng tsaa. ‘Di nagtagal, nagtanong siya, “Kuya, pwede ba akong pumasok?”Tumango
Kalaunan, sinubukan niyang gumamit ng pakikipagtalik upang hindi umalis si Rose.Napansin ni Josephine ang bumabang ekspresyon sa mukha ng kaniyang kuya ay bumuntong-hininga nang malalim. “‘Wag mong sabihin na ginawa mo ang dalawang pagkakamali na ‘yon?”Napasampal si Josepine sa kaniyang noo at sinabi bago umalis nang may malungkot na ekspresyon sa kaniyang mukha, “Kung gayon ay yari ka.”Sa labas ng bintana, makikita si Rose na nakikipaglaro sa mga bata sa hardin.Ang pagtawa ng mga bata ay maaaring marinig mula sa study ni Jay. Lumapit si Jay sa bintana, binuksan ang kurtina, at tahimik silang inobserbahan.Napapalibutan ng kaniyang mga anak, si Rose ay mayroong maliwanag na ngiti sa kaniyang mukha. Para bang wala siyang anumang kahinaan o inaalala kapag kasama niya ang kaniyang mga anak.Nagpakita si Jay ng magandang ngiti.Sa sandaling makapagluto na si Ginang Zonder ng tanghalian, dinala ng mga bata si Rose sa hapag-kainan.Si Rose ay hindi mapalagay noong tumingin siya kay Jay n
Ang pagsasama ay may kasamang paalam!Ang maikling oras ng pagsasama nila ay nagwakas sa isang dramatikong paghihiwalay.Noong paalis na sina Rose at Josephinee ng Garden of A Diary, niyakap ni Zetty ang mga binti ng kaniyang mommy, ayaw umalis. “Mommy, hindi kita hahayaang umalis.”Niyakap din ni Robbie ang baywang ng kaniyang mommy.Para naman kay Jenson, siya ay nakatayo sa gitna ng daan, hinaharangan si Rose.Pabalik-balik na naglakad si Josephine nang ilang beses bago tumingin kay Rose at sa mga bata. Nagtanong siya nang malungkot, “Aalis na rin ako, bakit walang humihiling sa ‘kin na manatili?”“Hoy, hindi ko kayo kailanman minaltrato, paano niyo nagawang tatlong walang pusong mga bata na hindi magpakita ng kalungkutan kapag aalis na ako?”Binigyan ni Rose si Jay, na nakatayo sa gilid, ng tingin ng paghingi ng tulong. Si Jay naman ay pinapanood ang buong gulo na parang isang manunuod.Wala pa ring balak si Jay na kumilos at nanatiling tahimik.Niyakap ni Rose ang kaniyang mga ana
“Pumayag ba rito ang kuya mo?”Sinabi ni Josephine, “Sa tingin ko ay may bagong pagkakaintindi ang kuya ko sa pag-ibig at hindi na masyadong hinuhusgahan si Zayne. Sabi niya na kung mahuhulog ako, dapat kong iuwi ang lalaki upang ipakita sa mga magulang namin. Hindi niya binanggit na pinagbabawalan niya akong makita si Zayne.”Nabigla si Rose. Dati ay ayaw ni Jay tuwing ang walang kwentang si Zayne ay lumalapit sa minamahal niyang nakababatang kapatid.Ano’ng nagsanhi sa kaniya na magbago ang isip?“Tapusin ko muna ang trabaho ko at hahanap ako ng oras na sumama sa ‘yo,” alok ni Rose.Natuwa si Josephine. “Ang galing mo, ate.”Umalis si Josephine pagkatapos ibaba si Rose sa nirentahan niyang bahay.Noong dumating si Rose sa pinto, nakita niya si Sean na nakasandal dito. Mukha itong hindi maayos.Hindi nila nakita ang isa’t isa sa loob ng ilang araw. Ang kaniyang mukha ay mukhang magulo, at ang kaniyang mga damit ay gusot-gusot. Dagdag dito, hindi naahit ang bigote niya, at siya ay mukh
Pagkatapos umalis ni Sean, agad na nagpadala si Rose sa kaniyang ama, si George Severe. Si George Severe ay nasa Swallow City at si Rose naman ay ginagamit ang pangalang Ange Lin.“Ang screenplay ng The Moonlit Sky ay hawak na natin. Ginoong Severe, bilisan mong pumunta sa Imperial Capital. Basta’t susundin mo ang mga sasabihin ko, hindi ka mabibigo.”Sa Swallow City.‘Di makapaniwalang nakatingin si George sa kaniyang phone.Ang screenplay ng The Moonlit Sky ay ang pinakabagong sikat na IP screenplay. Ang dalawang malalaking kumpanya sa pelikula, ang Ares Films at Bell Films, ay naglalaban dito.Ano’ng paraan ang ginamit ni Ange Lin upang makakuha ng ganoong sikat na IP script upang mahulog sa mga kamay ng Severe Enterprise?Sa sumunod na araw, umalis si George ng Swallow City noong umaga. Sinundan niya ang mga sinabi ni Ange Lin at binisita si Sean Bell.Tumingin si Sean kay Orchid at nalaman na siya ang tumawag kay George, kaya hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa, “Tito George, hindi