Nagtira sina Robbie at Jens ng kanilang spaghetti at nilagay ito sa plato ni Zetty.Napansin ito ni Jay at pinagalitan sila. “‘Wag niyo siyang kunsintihin.”Ang magagawa lamang nina Robbie at Jens ay ang ibalik ang kanilang mga spaghetti sa kanilang mga plato.“Hmph!” ‘Di natutuwang sumingasing si Zetty. Tumakbo siya sa kaniyang kwarto at kinalabog ang pinto.Ang biglaang malakas na ingay ay nagsanhi sa puso ni Jay upang tumigil sandali.Lumingon siya upang tumingin sa nakasaradong pinto. “May naalala ba kayo sa pangit niyang pasensya?” Seryoso niyang sinabi.Sina Robbie at Jens ay inuubos ang laman ng kanilang mga lato. Tumingala sila mula sa kanilang mga plato at kumurap. “Ang ama niya,” sabi nila nang sabay.Nagulat si Jay. Nag-isip siya nang sandali at tumango. “Oo nga. Hindi naman maikli ang pasensya ng mommy niyo, eh. Namana siguro ni Zetty ang pagpapasensya niya mula sa masama niyang ama.”Sabay na tumawa sina Robbie at Jens.“Ano’ng tinatawa-tawa niyong dalawa?” Naghihinalang t
Binaba ni Rose ang telepono. Halata ang pagod sa kaniyang mukha.Nakangiti siyang binigyan ni Sean ng isang baso ng red wine. “Uminom ka muna. Baka malimutan mo ang mga inaalala mo.”Kinuha ni Rose ang baso, ngunit noong maalala niya na pinagbawalan siya ni Jay na uminom pagkatapos niyang malasing noong nakaraan, nilagay niya ang baso sa mesa.“Hindi ako magaling sa alkohol. Tumigil na ako sa pag-inom,” diretsong sabi ni Rose.Tumingin si Sean sa malinaw at nagniningning na mga mata ni Rose. Naalala niya kung paano nito tinanggihan ang ‘di makatuwiran niyang kahilingan noong una silang magkita. Ang hindi nagpapatalo nitong prinsipyo ay binigyan siya ng nagtatagal na impresyon.“Bakit ka naghahanap ng trabaho?” Tanong sa kaniya ni Sean.Nagulat si Rose. Hindi niya inasahan na matatandaan ni Sean na hiniling niya rito na tulungan siyang maghanap ng trabaho noong nakaraang ilang araw.Nag-isip nang sandali si Rose at sumagot, “Ang ibang tao ay nagtatrabaho para mabuhay, at ang iba naman a
“Pasensya na, Sean. Ayaw kitang iwan, pero lumalala kada araw ang anxiety disorder ko. Natatakot ako na masasaktan kita. Patawarin mo sana si Mommy mo sa pag-iwan sa ‘yo.”Noong hindi pa siya masyadong bata o masyadong matanda. Siya ay nasa yugto ng pagiging rebelde.Siya ang pinakamakulit na bata sa eskwela, at madalas siyang gumagawa ng gulo dahil sa pakikipag-away at pang-aasar. Akala ng lahat ay isa siyang pabaya, ngunit walang sinuman ang nakakaalam na ginawa niya ang lahat ng ito upang makuha ang atensyon ng kaniyang mga magulang.Madalas na humahanap ng ginhawa ang kaniyang ama sa ibang babae. Ang kabit ng kaniyang ama ay tatawagan ang kaniyang ina sa telepono araw-araw at gagalitin ito gamit ang mga pangit na lenggwahe.Ang mabait at mahinhin niyang ina ay hindi kinaya ang stress at kalaunan ay nagkaroon ng depression at anxiety disorder.Sumama ang kaniyang kalusugan, at ang kaniyang pasensya ay sumama.Akala ni Sean na noong sinabi ng kaniyang Mommy na siya ay ‘aalis nang maa
“Bakit … hindi ka pa ba tulog, Ginoong Ares?” Ninais ni Rose tanungin kay Jay kung bakit ito nasa kaniyang inuupahang lupa, ngunit mabilis niyang napagtanto na ang bahay na iyon ay nabibilang kay Jay.“Rose, alam mo bang pinabayaan mo ang mga anak mo para lang makipagkita sa ibang lalaki?” Nagsalita nang paos si Jay.Tinapik niya ang sigarilyo sa pagitan ng kaniyang mga daliri sa ashtray, dinurog ang dulo nito, tinapon ito sa loob ng ashtray, at tumingin nang masama kay Rose.Nagulat si Rose noong makita niya ang tumpukan ng mga pwet ng sigarilyo sa ashtray.Gaano katagal na siya nitong hinihintay?“Ginoong Ares,” naglakad papalapit si Rose at nagpaliwanag kay Jay, “Gusto ko sanang umuwi nang mas maaga kanina, pero hindi maganda ang nararamdaman ni Ginoong Bell at, bilang kaniyang kaibigan, naisip kong manatili muna at kausapin siya…”Bago pa man siya matapos sa kaniyang pangungusap, matinding galit ang lumitaw sa pagod na mukha ni Jay. “Maraming duwag na kalalakihan ang nakakaranas ng
Niyakap ni Zetty si Rose sa sandaling siya ay bumangon ng kama. “Nasaan ka kagabi, Mommy? Namiss kita!”Hinawakan ni Rose ang ulo ni Zetty at kinausap siya nang mahinhin, “Nag-away ba kayo ng Daddy mo kagabi, at ‘di ka rin kumain ng hapunan? Gutom na gutom ka na siguro!”Tinapik ni Zetty ang kaniyang tiyan at malambing na sinabi, “Nilutuan ako ni Daddy ng noodle soup kagabi, Mommy. Hindi ako nagutom.”“Nilutuan ka niya ng noodle soup?” Nagulat si Rose.“Mm.” Tumango si Zetty.Mahinhin na pinisil ni Rose ang mga pisngi ni Zetty. “Sabi sa ‘yo mayroon siyang mabuting puso sa ilalim ng malamig niyang pag-uugali, eh. ‘Wag mo na siya awayin sa susunod, ha!”Masunuring tumango si Zetty. “Hindi na, Mommy.”Hinatid ni Rose ang tatlong mga bata sa kindergarten pagkatapos ng almusal, pagkatapos ay nagtungo sa opisina sa Bell Enterprise.Iyon ang una niyang araw sa trabaho sa Bell Enterprise.Upang makapagpresenta ng magandang impresyon sa kanyang mga kasamahan, siya ay naglagay ng kaunting makeup
Inangat ni Rose ang kaniyang braso at binigyan ng isang sampal ang pisngi ni Nancy.Slap—Ang lahat ng naroon ay nanigas sa malakas na tunog ng sampal.Hawak-hawak ang mahapding balat ng kaniyang pisngi, tumingin nang masama si Nancy kay Rose. “Ang lakas ng loob mong sampalin ako!”Si Sean Bell ay halatang nagulat.Sa kabila ng pagkamuhi na mayroon siya sa kaniyang kapatid, si Nancy Bell, sinusubukan pa rin ni Sean ang kaniyang makakaya na tanggapin ang babae na ito bilang kaniyang kapatid. Pinipikit ang kaniyang mga mata sa mga pagwawala ni Nancy para lamang panatilihin ang magiliw at eleganteng itsura na pinapakita niya sa harap ng mga nakatatandang Bell.Hindi kailanman pumasok sa kaniyang isipan na ipaghihiganti siya ni Rose Loyle nang ganoong desidido na hinayaan na niya lamang.Ang sarap sa pakiramdam!Gayunpaman, sa harap ng dalawang may espesyal na pagkakakilanlan, hindi mapigilan ni Sean na mag-alala sa mga problemang haharapin ni Rose sa susunod.“Nakita mo, ‘di ba, Sean? Sin
Malamang ay walang alam sa ganoong insidente, si Chairman Bell at nagulat sa mga salitang narinig niya at lumingon upang tumingin kay Nancy sa gulat.Siyempre, halata naman na imposibleng aaminin ni Nancy ang ganoong bagay sa harap ng kaniyang ama. Lalo’t ang ibig sabihin no’n ay pinagbabalakan niya sina Rose at Sean. Ang kaniyang Daddy ay lubos na magugulat, dahil nalaman nito na pinagbalakan niya ang kaniyang kapatid na lalaki.Itinanggi ito ni Nancy Bell, “Nagsisinungaling siya, Daddy.”Malamang, mas pinaniwalaan ni Chairman Bell ang kaniyang anak kaysa kay Rose, lalo na’t hindi naman ganoon kaganda ang reputasyon ni Rose. Mas ginalit lamang siya nito, “Rose Loyle! Ang lakas ng loob mong siraang-puri si Nancy!”Sinasadyang magpakita ng itsura ng pagkagulat, ang sumunod na mga salita ni Rose ay nagsanhi sa mga taong nasa paligid nila na mapanganga.“Iyon ang sinabi sa ‘kin ni Ginoong Ares, Chairman. Kung iyon ba ang katotohanan o hindi, naniniwala akong mas maganda kung kayo na mismo
Sa totoo lang, walang tiyak na ideya si Sean kung ano ang kahalagahan ni Rose kay Jay, kung may sapat bang nararamdaman si Jay kay Rose para gawing kalaban ang Bell Enterprise. Gayunpaman, si Jay lamang ang maaari niyang takbuhan sa ngayon.“Master Ares. Si Rose… Nakuha siya ng aking ama.” Sabi ni Sean nang may pinipigil na pagkabahala at kawalan ng palagay.“Ano’ng ibig mong sabihin?” Ang gwapong mga katangian ni Jay ay agad na nanigas, naglalabas ng tila nakakasakal na aura.“Nakipag-away siya sa kapatid ko…” Tila iniisip na hindi ito naintindihan ni Jay, ginawa ni Sean ang kaniyang makakaya upang pakalmahin ang nagwawala niyang puso para maipaliwanag niya nang mas maayos ang sitwasyon.Para lamang babaan siya ni Jay. Nalilito, tumitig si Sean sa kaniyang telepono sa kaniyang mga kamay, ‘Ano’ng ibig niyang sabihin?‘Pupunta ba siya rito upang iligtas si Rose o hindi?’Habang tumatayo mula sa itim niyang sofa, naglabas si Jay ng natural na aura ng isang lalaki na dapat ay nakatayo sa