Patuloy na tumatakbo ang oras sa orasan.Halos oras na para sunduin ang mga bata mula sa kindergarten.Tumingin si Jay kay Rose na nakasandal sa sofa. Siya ay tahimik na tumayo at naglakad patungo sa pinto. “Susunduin ko ang mga bata.”Tumingin sa kaniya si Rose nang may matinding pasasalamat. “Maraming salamat!” Pakiramdam ni Rose ay tinatamad siyang gumalaw buong araw.Nakatanggap si Rose ng tawag mula kay Sean ‘di katagalan pagkatapos umalis ni Jay.“Libre ka ba ngayon, Rose? Gusto sana kita kausapin.”Naglakad si Rose patungo sa malaking bintana sa sala. Hinila niya sa gilid ang mga kurtina at nakita ang Ferrari ni Sean sa labas, nakaparke sa gilid ng kalsada.“Sige, pupunta ako d’yan,” binaba ni Rose ang linya at sandaling natulala.Mayroon siyang dahilan sa paglapit kay Sean. Ang kaniyang konsensya ay nagsasanhi sa kaniya na hindi mapakali.Tapos na sa pagkabit ng kama ang taga-kabit. Siya ay magalang na nagpaalam kay Rose. “Ayos na ang kama, binibini. Kung may problema ka man dit
Nagtira sina Robbie at Jens ng kanilang spaghetti at nilagay ito sa plato ni Zetty.Napansin ito ni Jay at pinagalitan sila. “‘Wag niyo siyang kunsintihin.”Ang magagawa lamang nina Robbie at Jens ay ang ibalik ang kanilang mga spaghetti sa kanilang mga plato.“Hmph!” ‘Di natutuwang sumingasing si Zetty. Tumakbo siya sa kaniyang kwarto at kinalabog ang pinto.Ang biglaang malakas na ingay ay nagsanhi sa puso ni Jay upang tumigil sandali.Lumingon siya upang tumingin sa nakasaradong pinto. “May naalala ba kayo sa pangit niyang pasensya?” Seryoso niyang sinabi.Sina Robbie at Jens ay inuubos ang laman ng kanilang mga lato. Tumingala sila mula sa kanilang mga plato at kumurap. “Ang ama niya,” sabi nila nang sabay.Nagulat si Jay. Nag-isip siya nang sandali at tumango. “Oo nga. Hindi naman maikli ang pasensya ng mommy niyo, eh. Namana siguro ni Zetty ang pagpapasensya niya mula sa masama niyang ama.”Sabay na tumawa sina Robbie at Jens.“Ano’ng tinatawa-tawa niyong dalawa?” Naghihinalang t
Binaba ni Rose ang telepono. Halata ang pagod sa kaniyang mukha.Nakangiti siyang binigyan ni Sean ng isang baso ng red wine. “Uminom ka muna. Baka malimutan mo ang mga inaalala mo.”Kinuha ni Rose ang baso, ngunit noong maalala niya na pinagbawalan siya ni Jay na uminom pagkatapos niyang malasing noong nakaraan, nilagay niya ang baso sa mesa.“Hindi ako magaling sa alkohol. Tumigil na ako sa pag-inom,” diretsong sabi ni Rose.Tumingin si Sean sa malinaw at nagniningning na mga mata ni Rose. Naalala niya kung paano nito tinanggihan ang ‘di makatuwiran niyang kahilingan noong una silang magkita. Ang hindi nagpapatalo nitong prinsipyo ay binigyan siya ng nagtatagal na impresyon.“Bakit ka naghahanap ng trabaho?” Tanong sa kaniya ni Sean.Nagulat si Rose. Hindi niya inasahan na matatandaan ni Sean na hiniling niya rito na tulungan siyang maghanap ng trabaho noong nakaraang ilang araw.Nag-isip nang sandali si Rose at sumagot, “Ang ibang tao ay nagtatrabaho para mabuhay, at ang iba naman a
“Pasensya na, Sean. Ayaw kitang iwan, pero lumalala kada araw ang anxiety disorder ko. Natatakot ako na masasaktan kita. Patawarin mo sana si Mommy mo sa pag-iwan sa ‘yo.”Noong hindi pa siya masyadong bata o masyadong matanda. Siya ay nasa yugto ng pagiging rebelde.Siya ang pinakamakulit na bata sa eskwela, at madalas siyang gumagawa ng gulo dahil sa pakikipag-away at pang-aasar. Akala ng lahat ay isa siyang pabaya, ngunit walang sinuman ang nakakaalam na ginawa niya ang lahat ng ito upang makuha ang atensyon ng kaniyang mga magulang.Madalas na humahanap ng ginhawa ang kaniyang ama sa ibang babae. Ang kabit ng kaniyang ama ay tatawagan ang kaniyang ina sa telepono araw-araw at gagalitin ito gamit ang mga pangit na lenggwahe.Ang mabait at mahinhin niyang ina ay hindi kinaya ang stress at kalaunan ay nagkaroon ng depression at anxiety disorder.Sumama ang kaniyang kalusugan, at ang kaniyang pasensya ay sumama.Akala ni Sean na noong sinabi ng kaniyang Mommy na siya ay ‘aalis nang maa
“Bakit … hindi ka pa ba tulog, Ginoong Ares?” Ninais ni Rose tanungin kay Jay kung bakit ito nasa kaniyang inuupahang lupa, ngunit mabilis niyang napagtanto na ang bahay na iyon ay nabibilang kay Jay.“Rose, alam mo bang pinabayaan mo ang mga anak mo para lang makipagkita sa ibang lalaki?” Nagsalita nang paos si Jay.Tinapik niya ang sigarilyo sa pagitan ng kaniyang mga daliri sa ashtray, dinurog ang dulo nito, tinapon ito sa loob ng ashtray, at tumingin nang masama kay Rose.Nagulat si Rose noong makita niya ang tumpukan ng mga pwet ng sigarilyo sa ashtray.Gaano katagal na siya nitong hinihintay?“Ginoong Ares,” naglakad papalapit si Rose at nagpaliwanag kay Jay, “Gusto ko sanang umuwi nang mas maaga kanina, pero hindi maganda ang nararamdaman ni Ginoong Bell at, bilang kaniyang kaibigan, naisip kong manatili muna at kausapin siya…”Bago pa man siya matapos sa kaniyang pangungusap, matinding galit ang lumitaw sa pagod na mukha ni Jay. “Maraming duwag na kalalakihan ang nakakaranas ng
Niyakap ni Zetty si Rose sa sandaling siya ay bumangon ng kama. “Nasaan ka kagabi, Mommy? Namiss kita!”Hinawakan ni Rose ang ulo ni Zetty at kinausap siya nang mahinhin, “Nag-away ba kayo ng Daddy mo kagabi, at ‘di ka rin kumain ng hapunan? Gutom na gutom ka na siguro!”Tinapik ni Zetty ang kaniyang tiyan at malambing na sinabi, “Nilutuan ako ni Daddy ng noodle soup kagabi, Mommy. Hindi ako nagutom.”“Nilutuan ka niya ng noodle soup?” Nagulat si Rose.“Mm.” Tumango si Zetty.Mahinhin na pinisil ni Rose ang mga pisngi ni Zetty. “Sabi sa ‘yo mayroon siyang mabuting puso sa ilalim ng malamig niyang pag-uugali, eh. ‘Wag mo na siya awayin sa susunod, ha!”Masunuring tumango si Zetty. “Hindi na, Mommy.”Hinatid ni Rose ang tatlong mga bata sa kindergarten pagkatapos ng almusal, pagkatapos ay nagtungo sa opisina sa Bell Enterprise.Iyon ang una niyang araw sa trabaho sa Bell Enterprise.Upang makapagpresenta ng magandang impresyon sa kanyang mga kasamahan, siya ay naglagay ng kaunting makeup
Inangat ni Rose ang kaniyang braso at binigyan ng isang sampal ang pisngi ni Nancy.Slap—Ang lahat ng naroon ay nanigas sa malakas na tunog ng sampal.Hawak-hawak ang mahapding balat ng kaniyang pisngi, tumingin nang masama si Nancy kay Rose. “Ang lakas ng loob mong sampalin ako!”Si Sean Bell ay halatang nagulat.Sa kabila ng pagkamuhi na mayroon siya sa kaniyang kapatid, si Nancy Bell, sinusubukan pa rin ni Sean ang kaniyang makakaya na tanggapin ang babae na ito bilang kaniyang kapatid. Pinipikit ang kaniyang mga mata sa mga pagwawala ni Nancy para lamang panatilihin ang magiliw at eleganteng itsura na pinapakita niya sa harap ng mga nakatatandang Bell.Hindi kailanman pumasok sa kaniyang isipan na ipaghihiganti siya ni Rose Loyle nang ganoong desidido na hinayaan na niya lamang.Ang sarap sa pakiramdam!Gayunpaman, sa harap ng dalawang may espesyal na pagkakakilanlan, hindi mapigilan ni Sean na mag-alala sa mga problemang haharapin ni Rose sa susunod.“Nakita mo, ‘di ba, Sean? Sin
Malamang ay walang alam sa ganoong insidente, si Chairman Bell at nagulat sa mga salitang narinig niya at lumingon upang tumingin kay Nancy sa gulat.Siyempre, halata naman na imposibleng aaminin ni Nancy ang ganoong bagay sa harap ng kaniyang ama. Lalo’t ang ibig sabihin no’n ay pinagbabalakan niya sina Rose at Sean. Ang kaniyang Daddy ay lubos na magugulat, dahil nalaman nito na pinagbalakan niya ang kaniyang kapatid na lalaki.Itinanggi ito ni Nancy Bell, “Nagsisinungaling siya, Daddy.”Malamang, mas pinaniwalaan ni Chairman Bell ang kaniyang anak kaysa kay Rose, lalo na’t hindi naman ganoon kaganda ang reputasyon ni Rose. Mas ginalit lamang siya nito, “Rose Loyle! Ang lakas ng loob mong siraang-puri si Nancy!”Sinasadyang magpakita ng itsura ng pagkagulat, ang sumunod na mga salita ni Rose ay nagsanhi sa mga taong nasa paligid nila na mapanganga.“Iyon ang sinabi sa ‘kin ni Ginoong Ares, Chairman. Kung iyon ba ang katotohanan o hindi, naniniwala akong mas maganda kung kayo na mismo
Sinadya ni Angeline na patunugin ang posas, ngunit hindi siya narinig ng matandang babae. Nakatuon lamang ito sa pagkuha ng kaniyang pulso.Napagtanto ni Angeline na ang doktor na ito ay kumakampi sa mas masamang panig. Siya ay isang doktor na walang moralidad.Pagkatapos ay bigla siyang naging walang galang sa matandang babae. Sinadya niyang pahirapan ang matanda. “Doc, hindi ba’t madalas nilang kinukuha ang pulso sa kanang kamay? Bakit mo ginagamit ang kaliwang kamay mo?”Wala talaga siyang alam tungkol sa medisina. Sinasadya lang niyang magreklamo.Tumingin sa kaniya ang doktor at ngumiti. “Ang mga mata ng babaeng ito ay maliwanag at puno ng enerhiya. Hindi naman mukhang may sakit siya sa utak.”Tumingin nang masama si Angeline kay Jay.Ang mukha ni Jay ay parang isang yelo. Tumingin naman nang masama si Angeline kay Finn na nakatayo sa isang gilid.Mukhang ang dalawang ito ay nagsinungaling sa matandang babae, sinasabi na siya ay may sakit sa utak. Kaya pala hindi nag-react ang mat
“Tumigil ka na sa pagpapanggap. Alam kong hindi ka na pwedeng mabuntis.” Nilantad ni Jay ang pagpapanggap ni Angeline.Nagulat na tumingin sa kaniya si Angeline. Biglang naalala ni Angeline noong siya ay kinawawa ng mag-amang Bell, ang kaniyang uterus ay napinsala at nawalan siya ng kakayahan na magkaroon pa ng anak.“Eh… Bakit ako nagsusuka?” Si Angeline ay nalito.Tumingin si Jay sa seryosong mga mata ni Angeline, at naramdaman niya ang pagsikip ng kaniyang dibdib.Hindi naman mukhang nagsisinungaling ang babaeng ito.Nagpadala siya ng mensahe kay Finn. ‘Papuntahin mo rito ang obstetrician-gynecologist.’Patuloy na nasusuka si Angeline. Ngayon, siya ay nakahiga na lamang sa kama. Ang kaniyang mukha ay payat at maputla.“May cancer ba ako?“Intestine cancer?“Stomach cancer?”Nagsimula siyang mag-overthink.“Hindi, bakit parang parehas ‘to ng nararamdaman ko noong pinagbubuntis ko sina Jenson?”…Napakunot ang kilay ni Jay bago siya tumalikod at umalis.Pagkatapos ng ilang sandali, pu
Si Jay ay nagalit. “Angeline, walang hiya ka talaga.”Nabaliw na si Jay. Kinuha niya ang braso ni Angeline at hinila siya patungo sa kabilang kwarto.Si Angeline ay nalilito. Si Jay ay nasa isang wheelchair. Paano niya nagawang magkaroon ng ganoon katinding aura?“Bitawan mo ako.” Nagpumiglas si Angeline sa hawak ni Jay. Sa sumunod na segundo, ang kaniyang mga kamay ay naipit sa dulo ng kama.Pagalit na tumingin sa kaniya si Jay. “Kaninong anak ‘yan?”Nakita ni Angeline ang pagkabaliw sa mga mata ni Jay. Bigla siyang natawa. “Ginoong Ares, ‘wag mong sabihin sa ‘kin na nag-aalala ka pa rin sa ‘kin. Ano’ng dapat kong gawin? Ang dami-daming pwedeng maging ama ng batang ‘to.”Ninais siyang sakalin ni Jay hanggang kamatayan. Gayunpaman, naalala niya na ang leeg ni Angeline ay sensitibo. Noong naisip niya kung paanong nagsusuka kanina si Angeline, lumambot ang kaniyang puso.Hindi niya kayang gawin iyon kay Angeline.Binawi niya ang kaniyang kamay. “Angeline, parang gusto mo atang maparusaha
Sinabi ni Angeline, “Ginoong Ares, maikli lang ang buhay at kailangan mong maging mabuti sa anumang oras. Ayaw ko nang magpanggap pa para sa mga bata.”Kapag mas bumibitaw si Angeline, mas nababaliw si Jay.Bigla niyang nilapitan si Angeline nang may agresibong itsura sa kaniyang mukha. Ang malaki niyang kamay ay humawak sa lalamunan ni Angeline. “Kung gusto mo talagang maging malaya, magpakamatay ka na lang.”Ang kamay ni Jay ay nasa leeg ni Angeline, nagsasanhi sa babae na makaramdam ng pagkahilo. Pagkatapos no’n, hindi na niya ito matiis pa. Nasuka siya sa puting damit ni Jay.Tumingin si Angeline sa dumi sa kwelyo ni Jay at napagtanto na siya ay nasa isang malaking gulo.Siya lang ang nakakaalam kung gaano ka-obsessed si Jay sa kalinisan.“Angeline Severe, ang kapal ng mukha mo?” Sigaw ni Jay.Noong nakita ni Angeline ang gulo, muli siyang nahilo.“Umalis ka sa harap ko!”Bago pa man makaalis si Jay, napasuka muli sa kaniya si Angeline.Ang itsura ni Jay ay para bang sumuko na siya
Tumingin si Angeline kay Jay na nasa sulok ng kwarto mula sa sulok ng kaniyang mga mata. Nakita niya ang walang emosyon na mga mata ni Jay at nagsimulang magrebelyo.Kung siya ay nakikisama sa ibang mga lalaki at wala pa ring pakialam si Jay, dapat na niyang tigilan ang lahat ng pantasya niya tungkol kay Jay.Mahinang tinanong ni Angeline si Gordon, “Alam mo ba kung paano humalik?”Tumingin si Gordon sa mapulang mga labi ni Angeline at nagkaroon ng pandidiri sa kaniyang mukha. “Binibini, hinihiling ko lang naman sa ‘yo na magpanggap na kasintahan ko. Hindi mo naman kailangang gawin ang lahat.”Sinabi ni Angeline. “Pekeng halik. Alam mo ba kung paano?”Napatingin si Gordon kung saan nakatingin si Angeline. “Para ba sa kaniya?”Tumango si Angeline.Napabuntong-hininga si Gordon sa ginhawa. “Sige.”Pagkatapos no’n, hinawakan nila ang isa’t isa. Ginamit ni Gordon ang kaniyang kamay upang takpan ang kaniyang mga labi, ngunit mula sa direksyon ni Jay, silang dalawa ay mukhang naghahalikan.B
Malamig na sinabi ni Jay, “Hindi mo kailangang mag-alala sa Grand Asia.”Walang maisagot na pambai si Sean kay Jay. Nababalisa niyang sinabi, “Sige, Master Ares, magsaya ka muna d’yan.” Pagkatapos no’n, naglakad siya palayo nang nalulugmok.Tumingin si Angeline kay Jay. Ang lalaking ito ay isang bisita, ngunit pinahiya niya ang host ng party. Nagawa pa rin niyang manatili at samsamin nang walang inaalala ang kaniyang wine.Hindi na ito matiis pa ni Angeline. Pinaalalahanan niya si Jay at sinabi, “Ginoong Ares, ‘wag mong kalimutan. Kailangan mong magtira ng dignidad para sa ibang tao para hindi nakakailang kapag nagkita ulit kayo sa susunod.”Tumingala si Jay upang tumingin kay Angeline. Mayroong bakas ng lungkot sa mga mata ni Angeline na hindi niya nagawang matago. Alam ni Jay na nag-aalala sa kaniya si Angeline.Sinabi ni Jay, “Hindi naman na kami magkikita sa susunod. Kaya, syempre, hindi ko kailangang magtira ng dignidad para sa kaniya.”Alam ni Angeline na hindi makatwiran si Jay.
Iyon ay isang party upang i-celebrate ang isang buwan ng pagkabuhay ng anak ni Sean.Naalala ni Angeline na si Sean ay isang dating kaibigan na nakipagtulungan sa kaniya dati. Walang dahilan para sa kaniya na hindi magbigay kay Sean ng regalo.Marahil ay pwede siyang makipagtulungan ulit kay Sean.Tulad ng kadalasan, pagkatapos magbihis ni Angeline, nagmaneho siya patungong Imperial Capital mula sa Swallow City.Ang party ng mga Bell ay nangyari sa isang five-star hotel.Noong pumasok si Angeline sa hall, agad niyang inakit ang atensyon ng lahat.Siya ay isang magandang babae, at nagpaganda pa siya para sa okasyon na ito.Siya ay may suot na backless lace dress na pinapakita ang perpekto niyang katawan. Mayroong dugo sa pula niyang “Ginoo.”Sa isang sulok, si Jay ay nakikipag-usap kay Sean noong biglan silang inistorbo ni Finn.Tumingin nang masama si Jay kay Finn. “Tumahimik ka nga.”Sinenyasan siya ni Finn gamit ang kaniyang mga mata upang sabihin sa kaniya na tumingin sa pintuan.T
Gumapang siya papalapit kay Jay at tinulungan ang lalaki sa kaniyang mga damit.Nakita ni Jay na ang mga kamay ni Angeline ay lubos na nanginginig. Halata naman na siya ay kinakabahan at natatakot.Agad na naglaho ang masamang binabalak niya kay Angeline. “Angeline, sa tingin mo ba ay dapat lang na ibenta ang katawan mo para sa kumpanya mo?”Si Angeline ay natuliro. Sinabi niya, “Wala nang pera ang kumpanya at higit pa sa isang daang mga empleyado ng Severe Enterprises ang mawawalan ng trabaho. At saka, wala akong pera para bayaran ang mga utang namain. Kapag nangyari ‘yon, kamatayan ko na lang ang makakapagbayad sa mga pagkakamali ko.”Biglang kinuha ni Jay ang braso ni Angeline. “Ano’ng sinabi mo?”Bayaran ang kaniyang mga pagkakamali gamit ang kaniyang kamatayan? Hindi siya nagpakahirap para kay Angeline para lang patayin niya ang kaniyang sarili.Matapang na tumingin si Angeline sa galit na mga mata ni Jay. “Ginoong Ares, ambisyoso ka at ayaw bigyan ang ibang mga kumpanya ng pagkak
Hindi siya nakakuha ng anumang resulta pagkatapos humingi ng tulong sa labas, kaya narito siya ngayon at bumalik kay Jay. Wala siyang ibang magagawa.Tulirong tumingin si Angeline kay Jay. Marahil ay mas nangingibabaw na ang itsura niya ngayon dahil siya ay lasing na.“Jay Ares, sabihin mo sa ‘kin. Ano ang dapat kong gawin para pagbigyan mo na ang Severe Enterprises?”“Ganito ka ba magmakaawa?” Haha, ang lakas naman ng loob ng babaeng ito na tawagin siya sa buo niyang pangalan? Sino ang nagbigay sa kaniya ng lakas ng loob na gawin ito?Umayos ng tindig si Angeline. Tumayo siya sa harap ni Jay na parang isang estudyante na may nagawang mali.Ganito siya tumayo sa tuwing may nagagawa siyang mali noong siya ay bata pa. Ngayon, siya ay nakatayo sa ganitong posisyon dahil lang sa nakasanayan.“Kung papayag ka na pakawalan ang Severe Enterprises, pwede mong kuhain ang buhay ko kung gusto mo.” Matigas na sabi ni Angeline.Nanigas ang mukha ni Jay. “Bakit ko kakailanganin ang buhay mo?”Gusto