"Hindi ko kayang walang gawin para sa kaniya.""Gusto ko siyang ilayo sa taong sinasaktan siya. She doesn't deserve that, no woman deserves that.""Leigh is a precious one."Sumandal si Yvo, at napatingala sa kisame. Para bang kinuha nito ang kalahati ng bigat na mayroon siya sa kalooban."Ang sabi niya, matutulungan ko siya. Kung lalayo ako, that's why I am doing this.""Pero mas lalo lang akong nag-aalala. Hindi ko alam kung ano'ng nangyayari sa kaniya," buong sakit na pahayag ni Leonardo bago sinaid ang alak sa baso.Palabas ng hospital si Leigh nang tumunog ang kaniyang cellphone. Rumehistro ang pangalan ng kaniyang ama."Hello, Papa?""Anak, busy ka ba?""Pauwi na po ako, katatapos lang ng duty ko.""Ganoon ba? Yayain sana kitang mag-dinner."Napangiti si Leigh dahil sa narinig sa ama. Sa maghapong trabaho ay bahagyang gumaan ang loob niya dahil sa pag-aya nito."Babe, let's go?" Sumulpot si Hunter sa kaniyang tagiliran."Sandali lang, Papa," Tinakpan niya ang speaker ng cellphon
Malalim ang iniisip ni Leigh nang bumaba ng kotse. In fact, wala nga siya sa sarili habang nagmamaneho. Ilang beses siyang binusinhan dahil sa hindi paggalaw.Masyadong inokupohan ni Hunter, at ng misteryosong babae na iyon ang utak niya. Dumagdag pa ang damit nito, dati-dati naman ay sinasabay ng asawa ang damit na lalabhan sa kaniyang mga damit.Bakit naman no'n pinauna ang sinuot kahapon?Iyong babae, ano'ng tinutukoy na part 4?"Doktora!"Bumalik lamang si Leigh sa hintatao nang marinig ang pagtawag ng maliit na boses. At nang magbaling ay nagulat pa siya dahil wala na siya sa sa sasakyan, at nasa entrada na ng hospital."Doktora Guanez," nahihiyang anang ni Elmer."Summer, Mang Elmer!" ganting bati niya rito, at lumapit."Wow! Ang ganda mo ngayon Summer ha?" masayang puna niya sa bata, at hinawakan pa ang buhok ng pasyente."Doktora, salamat po sa lahat. Dahil sa inyo makalalabas na ang anak ko," seryosong pahayag ng ama ng ni Summer.Tinapunan ni Leigh ng tingin ang matandang la
"Anyway, going back to your question."Umayos sa kinauupuan si Amber habang tila hindi nga nito nararamdaman ang tunay niyang pakay."I can say, she has a heart of gold.""She's good to all patients, and hospital employees. She's a caring doctor, iyong tipong alam mong hindi niya lang tinitingan na trabaho 'yong pagiging doktor.""Nasa puso niya rin. What I like her the most, is 'yong pagiging generous. Lagi akong nagpapapalit sa kaniya, at nagpapasalo ng ilang operations.""No second thought niyang tatanggapin iyon."Napangiti si Leonardo.Naku, kawawa na talaga ang puso niya. Hindi na niya na mahabol ang mas labis pa nitong pagkahulog."Leigh is a very outstanding doctor. She has a lot of free medical missions. Dahil d'on, she even got an award. Sa operation naman, all praises to her, sa mga crucial heart transplant.""Her relationship with Hunter?""Matagal na ba sila?" dagdag pa niya."What's weird, alam ko hindi type ni Leigh ang brother mo-"Napatingin sila sa isa't-isa. Tila na
Mabilis na pinunasan ni Leigh ang mga luha nang marinig ang pagtunog ng pinto. Bahagya lamang siya umangat, at nakita niya si Hunter.Nakapikit itong naghubad ng sapatos. Hinagis ang bag na dala kung saan, at pahigang hinubad ang polo. Umalog ang kama nang pabagsak itong humiga.Tahimik na pinakikiramdam ni Leigh ang susunod na gagawin ni Hunter. Limitado ang bawat niyang paghinga. Hanggang sa marinig na niya ang paghihilik nito.Napakunotnoo siya, at bahagyang sinilip ang nakatalikod na asawa. Tulog na nga ito. Agad-agad?Nahihiwagaan na siya sa ikinikilos ng asawa. Lagi itong pagod, wala rin lagi sa hospital. At ang ikinatutuwa niya ay hindi na nito pangungulit pagdating sa kanilang s*x life.Buti, at nababawasan ang isipin niya. Pero hindi rin siya mapalagay dahil sa napapansin kay Hunter."Sige na, tanggapin ninyo na ang anak ko!"Nasa hallway pa lang si Leigh ay naririnig na ang pagpalahaw ng isang matandang lalake. Patakbo siyang lumapit doon, naabutan niya ang kaguluhan sa entr
"G-Grace.""Leigh!" bago pa bumagsak siya nang tuluyan ay nasalo siya ng kaibigan."Leigh! Are you okay?" Pilit siyang itinatayo ni Grace habang alalay sa magkabilang braso.Mahina, at namamanhid na ang mga binti ni Leigh. Masakit din ang buo niyang katawan dahil sa pananakit ni Hunter kanina. Nang batuhin siya ng gamit nito, nang basta na lamang pwersahang buhatin hawak sa magkabilang braso. Lalo na ang pagtulak sa kaniya ng asawa pabalik sa silyang kinauupuan."Leigh," hirap si Grace na buhatin siya.Hilahod na ang magkabilang binti niya sa sahig. Buti na lamang, at walang mga kasamahan ang dumadaan. Walang makakakita sa kaniya sa ganitong kalagayan."Leigh!"Nang nagpaling siya ng mukha ay naroon na si Leonardo. Hindi niya alam kung saan nanggaling ito.Nagkatitigan sila, nasa mga mata nito ang pangamba."Come, are you okay?" Hinawakan ng binata ang bewang ni Leigh. Ganoon na rin ang magkabilang braso nito.Nagpaubaya naman si Grace. Marahan niyang tinulungan itong makatayo. Agad n
Ito na yata ang pinakamagandang umaga na nagising si Leigh. Bumaling siya sa kabilang banda ng kama.Wala si Hunter doon, kaninang madaling araw ang naging flight nito para sa World Health Assembly. Gusto niyang lumundag sa sobrang saya.Pakiramdam niya ay para siyang isang ibon na nakawala sa hawla.Sabagay, ilang araw din silang hindi nagkita ng asawa matapos ang nangyaring pananakit sa kaniya.Sa hotel na kasi natutulog si Hunter para easy na makapunta sa hospital dahil nga sa pag-aasikaso nito sa pag-alis.Iyong tungkol sa mag-amang pasiyente ay tinulungan siya ni Grace, at ng iba pang doktora na mailipat sa mas maayos na hospital.Nanghihinayang siya, at hindi niya na paninidigan ang pangako rito.Suot ni Leigh ay trouser na itim at puting blouse, bumaba siyang sakbit ang isang malaking bag."Leigh, ngayon ba 'yong free medical mission niyo sa Barangay Teresita?" Salubong sa kaniya ni Maricel."Opo, Ma. Kasama ko po 'yong ilang volunteer doctors at nurses na rin.""Don't worry, m
Napatingin si Leonardo sa isang pamilyar na matandang lalake. Palapit ito sa court, at animo'y may hinahanap. Nagpaalam siya sandali sa kalarong bata."Sir Benjamin?" pagkilala niya rito."Iho!" may bakas ng gulat ang matanda."Kayo nga ho. Ano'ng ginawa niyo rito?" takang tanong niya.Hindi niya inaasahang makikita niya ang matanda rito matapos ang kanilang huling pagkikita."May anak ako rito.""Anak?" ulit niya.Posible kayang nurse o baka doktor ang anak nito?"Ikaw?"'"May sinamahan lang ho ako," tugon niya sabay kamot sa ulo."Oh, no," tanging takot na bulalas ni Leigh nang matanaw ang ama na kausap si Leonardo.Nag-message nga pala ang Papa niya na dadaan dito. Hindi naman kasi niya alam na pupunta rin ang binata. Nagmamadali siyang tumayo."Anyway, Sir, nurse po ba ang anak ninyo?""No. She's a lovely doctor," proud, at nakangiting tugon ni Benjamin.Tumnaw pa ito sa pwesto ng mga doktor.Napatango naman si Leonardo. Doktor?Lovely doctor?Isa lang naman ang kilala niyang puwe
"Doktora!"Awtomatikong tumayo si Leigh nang lumbas, at tawagin siya ni Grace."Ba-bakit?" takang tanong niya, at pilit na hinarangan si Leonardo na nakaupo pa rin."May gulo po sa labas!""What?"Matuling naglakad si Leigh. Nasundan na lang ng tingin ng binata ang doktora."Tulungan ninyo ang anak ko!"Lumapit sila ni Grace sa matandang lalake na buhat-buhat ang isang batang babae. Hindi naman makalapit ang ilang doktora dahl siguro sa bigla, at pagsulpot ng mga ito."Kuya, ilagay ninyo po siya rito," Hinawi ni Leigh ang ilang gamot sa ibabaw ng mesa.Ninenerbiyos na inihiga ng humahagulgol na estranghero ang bata. Nagmamadaling nagtungo siya roon.Kulay ube na ang balat nito sa katawan, mukha, ganoon na rin ang labi nito. Itinapat niya ang isang tainga sa bibig ng pasyente."Doktor, iligtas ninyo ang anak ko. Nalunod siya sa ilog."Makadurog ng puso ang palahaw ng lalake. Halos humilahod na ito sa baba ng lamesa.Nagsimula na rin lumapit kay Leigh ang kapwa doktora. Ibinaba niya ang
"P-Papa," sambit ni Lewis."Yes, son. I'm your Papa," doon na tuluyang bumigay ang kaniyang mabigat na emosyon.Dinutdut ng anak niya ang luha sa kaniyang pisngi. Tiningnan niya si Leigh bago sila sabay na tumawa.Kung may makakita man sa kanila ngayon ay aakalaing mga baliw sila.Natawa sila kasabay ng mga luha."Narinig mo? He called me Papa?" anang ni Leonardo sa kaniya.Tumango si Leigh.Tila hinaplos ang puso niya nang makita kung paano yakapin nito ang kanilang anak. Walang kasing-higpit iyon. Ang mga braso nito ay pilit na kinukulong si Lewis.At nang mag-angat ang binata, at nasilayang pinanonood lamang sila ni Leigh ay awtomatikong iginaya rin ito ng braso niya palapit.Saglit na nilayo ni Leonardo ang mukha sa anak para halikan ang babaeng nagbigay nito sa kaniya. Isang matagal na halik sa pisngi ang ginawa niya. Pagkaraan muling niyapos nang ubod nang higpit ang dalawang pinakamahalaga sa buhay niya.Napatingala siya sa langit.Hindi niya inasahang ganito ang mararamdaman n
"Naku, Mare!"Sandaling napapikt siya nang marinig ang malakas na boses ni Grace. Kasalukuyan siyang nagmamaneho pauwi sa kanilang bahay."Buti napatawag ka," dagdag pa nito sa masayang himig."Oo nga, medyo busy lang dito. I-invite sana kita, as well as Amber. Tommorow, magbiyahe na kayo para matulungan ninyo ako sa preparation ng birthday," anang niya."Oo naman! G, kami riyan!"Napangiti si Leigh sa sigla ng boses ni Grace. Kahit may isang taon nang magkahiwalay ay hindi pa rin nagbabago ang closeness nilang dalawa.May pagkakataon na ito ang bumibisita sa kanila, at sobrang na-a-appreciate niya ang butihing kaibigan."What about Amber?" tanong niya nang lumiko ang kaniyang sinasakyan."Excited na excited na nga, e!""After this, puntahan ko na siya sa opisina niya.""Thank you, girls. Ingat kayo sa biyahe.""A, wait, Leigh!"Hindi niya tuluyang hinubad ang earphone na nakalagay sa isang tainga, at pinakinggan ang sasabihin pa ni Grace."Narinig mo na ba, napatawan na ng gulity si
Marahang iminulat ni Leonardo ang mga mata. Puting kisame ang bumungad sa mga nanlalabong paningin niya.Ramdam pa niya ang kirot sa likod ng kaliwang balikat. Iginala ng binata ang mga mata, siguradong wala pa siya sa langit."Leonardo!"Awtomatikong yumakap si Maricel sa anak."M-ma," hirap niyang aniya."Kumusta na ang pakiramdam mo?" Umiiyak na tanong ng kaniyang ina.Pinilit niyang bumangon paupo habang yapos-yapos ni Maricel. Nang kumalas ito ay nakangiwing tiningnan niya ito."Ayos na ako, Ma.""Huwag na kayong umiyak," saad niya, at pinunasan ang mga luha nito.Saglit na sumilip si Leonardo sa likod ng ginang. Tila may hinahanap, napansin naman iyon ni Maricel."Si, si Leigh, Mama?"Nagkatitigan silang mag-ina.Lumunok siya, bago pilit na inayos ang pagkakaupo kahit na masakit pa ang buong katawan."Where is she?""Is she okay?" sunod-sunod na usisa ni Leonardo."Hey, kumalma ka," Hinawakan nito ang kaniyang mga kamay.Bago sinalubong ang kaniyang tingin."Ayos lang siya."Nap
Humahangos si Leigh at Maricel habang tulak-tulak ang rolling bed kung saan sakay, at nakahiga ang walang malay na si Leonardo.Hindi niya na-imagine sa buong buhay niya na puwedeng matakot siya nang ganito. Ni hindi humihinto ang mga luha niya sa pagtulo. Hawak-hawak niya ang kamay ng binata."Dr. Guanez!" gulat na sambit ni Dr. San Juan.Agad niyang hinawakan ito sa magkabilang kamay. Tensyonadong tinitigan niya sa mga mata ang kapwa doktora."Amber, please. Save him," Iyak niya.Takang sinulyapan nito ang nakahigang si Leonardo."Take him to the operating room," mando nito sa mga nurse bago siya binalingan.Hinigpitan ni Amber ang kapit sa mga kamay niya. Kabado ito pero pinanatili ang pagiging pormal."I will do everything, Leigh for Leonardo."Tumango siya, binitiwan ng kasamahan ang kamay niya, at nagmamadaling sumunod sa loob."Leigh," tawag ni Maricel."Mama," mas lalo lamang siyang napaiyak nang mapaharap sa biyenan.Nagyakap sila nito habang parehong umaagos ang mga luha. Ra
"Hu-hunter," hirap hiningang aniya ni Leigh.Nakabalibid sa leeg niya ang wire ng telepono. Nakasampa sa kaniya si Hunter habang nagdidilim ang mukha nito, at determinadong malagutan na siya ng hininga. Gamit ang pananakal ng kable ng kanilang telepono.Namumula siya habang nagkakaroon ng paninikip ng dibdib. Labas na rin ang mga ugat niya, at unti-unting lumalabas ang dila.Naroon ang kanyang mga nangingimay na mga kamay sa kamao nito na pilit sinisikipan ang pagkakatali ng kable sa leeg niya.Sinusubukang niya iyong pigilan pero walang lakas ang kaniyang mga kamay.Tumulo ang mga luha ni Leigh.Ito ba ang kabayaran ng nagawa niyang kasalanan?Ito na ba ang katapusan ng masalimuot niyang buhay?Sa kamay talaga ng asawang napilitan lamang siyang pakasalan?Sa kamay ng lalakeng kahit kailan hindi niya minahal dahil wala siyang makitang kamahal-mahal sa bawat pagkakataon na ibinibigay rito?Paano kung may buhay nga sa tiyan niya?Kakayanin ba niyang madamay ito?Bunga pa naman iyon ng t
"Hunter!"Naroon na agad si Leonardo. Pilit na inaalis ang matatag na mga kamay ng asawa sa leeg niya. At nang nagtagumpay ito ay ang binata naman ang binalingan.Isang suntok ang natamo nito dahilan para bumagsak."Leonardo!" tili niya.Awtomatikong hinawakan ni Hunter ang magkabilang kwelyo ng binata, at walang habas na itinaas.Magkaharap ang mukha ng mga ito."Hanggang kailan mo ba ako aagawan?""Una, sa pamilya ko.""Tapos ngayon, sa asawa ko?""You are such a worthless bitch, Leonardo!""It's better for you to die kaysa mabuhay nang sinisira ang buhay ko!""Hunter!" sigaw ni Leigh nang bigyan na naman sa sikmura si Leonardo na nakapagpayuko ng katawan nito.Kahit walang lakas ay nagtungo siya sa nagwawalang asawa. Nagbabakasakaling mapapakalma ito.Hinawakan niya sa braso si Hunter nang akmang lalapitan ang binatang nakayuko, at iniinda pa ang suntok.Hingal na hingal, at poot na poot ang anyo nito nang maharap sa kaniya."Hunter, please. Tama na," humagulgol na pakiusap ni Leig
"A-anong ba'ng araw ngayon?" bigla na lamang ng tanong ni Leigh.Ibinaba ni Leonardo ang kamay, at ipinatong sa kaniyang hita bago kinuha ang cellphone sa bulsa. Pinagmasdan niya lamang ito habang nakatitig sa screen."We are on the eight of the month.""Oh my God," mahinang bulalas, at bawat kataga ay may takot nang may mapagtanto siya."Why?" mas dumoble ang pag-aalala ni Leonardo dahil sa pagtakas ng kulay sa mukha ni Leigh."What's wrong?""Hey, what's bothering you?" hindi niya humihingang usisa matapos hindi sumagot ito.Napalunok siya habang pinag-aaralan ang mukha ni Leigh. Nanginginig ang labi nito, ganoon na rin ang mga kamay na hinawakan niya.Marahan, at may namumuong mga luha sa mga mata ni Leigh nang magbaling kay Leonardo. Hindi na ito makagpaghintay sa sasabihin niya."I, I should have my monthly period-""What?!" mas naguluhan ang binata sa pahayag niya.Tulo nang tulo ang mga luha niya habang nagtitigan sila nito. Ramdam niya ang mahigpit na pagkakapit nito sa mga ka
Muling nagdugtong ang mga kilay ni Leonardo. Malaya niyang pinagmamasdan ang mukha ni Leigh na kaharap niya ngayon sa lamesa.Nakayuko man ito, at halata niya ang laging pag-iwas ay may naaninag siyang parang mali."Leigh, ano'ng nangyari rito?"Matuling napatingin si Leigh sa kamay ni Maricel na nasa braso niyang may pasa. Nakalimutan niyang patungan ito ng foundation.Natatarantang iniwas niya ang braso, at alangang sinalubong ang mga mata ng biyenan. May pag-aalala sa mukha nito habang hinihintay siyang magsalita.Bumaling siya kay Leonardo, mabilis ang pagtahip ng dibdib nito habang nakatitig sa kaniya."Leigh, ano'ng nangyari rito?" mas seryosong tanong ni Maricel."Wa-wala po, Mama," Hinawakan ni Leigh ang braso, at kaswal na itinuloy ang pagkain.Naging tahimik ang kanilang lamesa. Tila ba natakot ang bawat isa na magsalita.Hindi naman na kasi kailangan itanong kung nagsisinungaling ba siya o hindi.At kung sino ang may dahilan ng mga pasang ito."E-excuse me," hindi na nakati
"I am sorry, Hunter.""I can't do this," Umiiyak na aniya ni Leigh.Nagsumiksik siya sa headboard ng kama. Nilagyan ang sarili ng kumot, at takot na takot na binato ng tingin si Hunter.Hati sa pagkadismaya, at gulat ang imahe nito."I-i'm really sorry.""Hindi ko kaya," patuloy niya habang humihikbi."Then," kalmadong sagot nito.Kaswal na bumaba ito sa kama. Hinablot ang unan, at napayuko si Leigh nang ibato ito sa kaniyang ulo."Fuck! Leigh!""Really? Until now?!" nakabibingi ang sigaw ni Hunter."I'm so sorry," paulit-ulit niyang hagulgol habang sabog ang buhok dahil sa pagkakatama ng unan sa kaniya."Can you just tell me, why?"Napatingin si Leigh sa naging mapait na tono ni Hunter. Naroon ang mukha ng kaniyang asawa, galit, at punong-puno ng sakit."I am your husband, Leigh.""But I don't love you, Hunter," seryoson niyang tugon habang nakatitig sa mga mata nito."I have never loved you.""You shouldn't be asking that, Hunter. You already know the answer right from the start."T