Rhia
PUMASOK ako sa pintuan ng kwarto, kahit pa kinakabahan ako at parang lalabas na ang puso ko sa lakas ng dagundung nito. Kailangan ko siyang harapin, kailangan kong sabihin ang mga bagay na gusto ko dahil baka hindi na ako magkaroon pa ulit ng pagkakataon na sabihin ito sa kanya.
"Jay please mag-usap tayo." tumingin siya sa akin ng matalim, magulo ang kanyang suot at buhok, kanina pa niya ako itinataboy pero nandito pa rin ako.
Yumuko siya at ginulo rin ang buhok niya, umupo sa siya sa ibabaw ng lamesa na naroroon, "Ano pa bang gusto mong pagusapan Rhia?"
"Pakinggan mo lang ako please, Jay." bumuntong hininga siya sabay hinilot ang sintido niya.
"Putangina Rhia!" nagulat ako ng ihagis niya ang isang baso na may lamang alak sa pader. "Ilang taon ba Rhia? Halos 5 years di ba?"
Ang taas na ng boses niya, parang gustong gusto niya akong saktan pero pinipigilan lang niya ang sarili. "Fucking five long years!”
Tumalikod siya saglit at sinuntok ang lamesa na para bang ako yun, alam kong para sa akin yun, nasasaktan ako na nakikita siyang ganito ngayon pero ako rin naman ang may kasalanan ng lahat, hindi madali na patawarin ang isang kagaya ko pero ginugusto ko pa ring humingi ng tawad sa kanya.
"Five long years Rhia pero ni minsan ba tinext mo ako? Kinumusta man lang ba? Ni tumawag ka ba kahit isang beses sa loob ng limang taon na yun? Hindi di ba? Sa limang taon na yun naisip mo man lang ba ako?"
"Naisip kita Jay, lagi kitang iniisip kahit nung nandun ako sa Paris, maniwala ka naman sa a-"
"Fuck you and your lies Ria!" idinuro niya ang mukha ko, hindi ko na mapigilan ang mapaluha sa sakit ng mga salitang ibinabato niya sa akin pero alam ko walang mas sasakit sa nagawa ko sa kanya noon.
"Wala na tayong dapat pag-usapan pa, umalis ka na dahil baka masaktan pa kita," nakita ko ang pagkagat niya sa labi niya na parang nagpipigil ng galit.
Muli niya akong tinalikuran pero yumakap ako. "Jay please forgive me, please, makinig ka naman sa akin Jay, minahal kita noon, mahal pa rin kita ngayon kaya nandito ako."
Pilit niyang tinatanggal yung mga kamay ko pero gusto ko pa ring yumakap sa kanya, wala akong pakialam kung saktan o ipagtabuyan niya ako, alam kong mahal pa rin niya ako pero galit siya, galit lang siya.
Tumawa siya ng mapakla. "Minahal Rhia? Sa tingin mo bakit ko paniniwalaan yan? Sino ba ang nang-iwan? Ako ba? Sino bang halos gumulong sa kalye sa pangungulila at pagkalungkot? Ikaw ba?"
Nanghihina na ako, siguro dahil sa pag-iyak kaya nagawa na niyang kalasin ang kamay ko na kanina lang ay nakayakap sa kanya, itinulak niya ako kaya tumama ang likod ko sa pinto, nasaktan ako pero hindi nun matutumbasan ang sakit na nararamdaman ko sa kaloooban ko.
Humarap siya at muli akong dinuro. "Ikaw ba Ria ha?"
Gusto ko siyang lapitan at yakapin pero nanatili lang akong nakatingin sa kanya, hahayaan ko muna siyang ibuhos lahat ng galit niya sa akin dahil baka mamaya lang ay humupa na yun, baka maya-maya lang ay huminahon na siya.
Isinalya niya akong muli sa pinto at hinawakan sa magkabilang balikat, madiin ang pagkakahawak niya na parang pinipiga ang balikat ko sa sakit pero tinitiis ko lang ito.
I deserve this, I deserve to be treated this way.
"Jay..." mahinahong tawag ko sa pangalan niya, inabot ng kanang kamay ko ang mukha niyang nakayuko, doon ko narealized na umiiyak siya, tahimik siyang umiiyak.
"Bakit mo ginawa sakin yun Rhia? Sa'yo umikot ang mundo ko, minahal naman kita ng buong-buo, minahal kita higit pa sa kahit anong bagay na kayo kong ibigay, kulang pa rin ba yun sa'yo?" umiling-iling ako bilang pagsagot, parang may kung anong bumabara sa lalamunan ko nang mga oras na ito at hindi ko magawang makapagsalita.
"Hindi madaling ibigay ang hinihingi mo, hindi ikaw ang iniwan, hindi ikaw ang naghintay, umasa at itinaboy, hindi ikaw Rhia, sa loob ng limang taon hindi ikaw ang nagdusa sa sakit." humihinga na siyang malalim habang sunod-sunod ang pagtulo ng kanyang mga luha. "Hindi ikaw Rhia, kaya huwag kang umasa na agad-agad mapapatawad kita, hindi ganun kadaling burahin yung limang taon na sakit na ibinigay mo sakin."
Tumango-tango ako sa kanya, lumalambot na rin ang pagkakahawak niya sa dalawang balikat ko kaya agad ko siyang niyakap.
"Sorry Jay, sorry," iyak lang ako ng iyak habang siya ay nakatayo lang at ang mukha ay nakasiksik sa kaliwang bahagi ng aking leeg. Tahimik pa rin siyang umiiyak.
"Alam ko kasalanan ko, alam ko nasaktan kita ng sobra, alam ko ayaw mo ng maniwala sa lahat ng sasabihin ko kasi tingin mo kasinungalingan lang lahat." Tuloy-tuloy lang ako sa pagluha, "Pero Jay sa maniwala ka man o sa hindi, totoong minahal kita at hanggang ngayon ikaw pa rin ang mahal ko."
"Umalis ka na Rhia," sabi niya habang kinakalas ang pagkakayakap ko sa kanya.
"No! Pakinggan mo muna ako Jay! Hindi lang ikaw ang nagdusa, namimiss kita pero ayokong tawagan ka dahil iniisip kong baka hindi mo lang tanggapin yun, baka babaan mo lang ako ng phone pag nalaman mong ako yun, Jay napakabata ko pa noon, hindi pa ako handang maging asawa mo, may mga pangarap pa ako nun, naguguluhan at nalilito ako sa buhay kaya nagawa ko yun but please Jay gagawin ko ang lahat tanggapin mo lang ako ulit."
Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at tumitig sa kanyang mga mata, ayaw niyang tumingin sa akin at pilit tinatanggal ang mga kamay ko.
"Go away Rhia, you are five years too late para magpaliwanag pa, I'm over you, hindi na kita mahal."
"No! Alam ko, nararamdaman ko mahal mo pa ako, Jay parang awa mo na, ayusin natin ito, please."
"No! Get out!" tinatapik niya ang kamay ko paalis sa mukha niya. "Rhia ano ba? hindi ka ba makaintindi? Ayoko na! Wala na tayong dapat pang pag-usapan."
"Hindi! Hindi pwede!" niyakap ko siyang muli. "Alam ko maaayos pa ito, alam kong magiging okay tayo basta kasama kita, basta ayusin natin ito."
"You're pathetic," humarap ako sa kanyang mukha at pilit na pinapaharap siya sa akin, I can lose everything but not him, hindi ko na kayang siya ang mawala ulit, siguro nga gaga ako dahil noon hindi siya ang pinili ko pero ngayon handa na ako. Nang sa wakas ay humarap na siya sa akin ay bigla kong siniil ng halik ang kanyang labi. "Jay, I love you."
"Stop this Rhia," bulong niya pero patuloy lang ako sa paghalik at maya-maya lang ay tumugon na siya. Naramdaman ko na lang ang pag-angat ng katawan ko at ang pagbuhat niya sa akin kaya't ipinulupot ko ang aking mga paa sa kanyang beywang.
Rhia10 years ago...FIFTEENpa lang ako ngayon pero engage na ako sa isang lalaking kilala ko pa lang sa pangalan, his name is Jared Yael Simonne.I looked at my sister who is two years younger than me, naiingit ako sa kanya dahil siya ang bunso, lahat siguro ng bagay ay umaayon sa kanya, she doesn't have to be engage with someone she doesn't know."Rain are you happy with this kind of life?" wala sa sariling tanong ko, kahit pa ba minsan naiinggit ako sa kanya ay kapatid ko pa rin siya, kasangga at siya lang maituturing kong bestfriend ko."What do you mean retard?" pang-aasar niya sabay tawa binato ko siya ng unan."I'm serious Rainielle," inirapan ko siya habang siya ay tinaasan naman ako ng isang kilay. "Siguro hindi mo ako maiintindihan kasi bunso ka."Sume
RhiaSIMULAnung araw na yun ay lagi na siyang dumadalaw sa bahay namin.Isang araw pagkalabas ko ng gate ng school ay nandun siya, akala ko sundo ko yung makikita ko dun pero siya pala, wala si Rain dahil sophomore pa lang siya at ang klase nila ay pang-umaga."Hi." sabi niya, umirap lang ako pero siya preskong nakangiti lang."What are you doing here?" tanong ko.Lumapit siya. "Akong maghahatid sayo pauwi, wala akong klase kasi ngayon kaya sabi nila Papa na sunduin na kita.""You don't have to do this you know.""But I want to.""Why?" tinaasan ko siya ng kilay."Gusto kita Rhia." kumunot ang noo ko sa narinig ko sa kanya."Gusto? Agad-agad? Saka sinong nagbigay sayo ng ka
Rhia"RHIA!"katok lang ng katok si Mommy sa pinto habang ako hindi magkamayaw sa pag-iri, grabe na ang sakin ng tiyan ko talaga, kinakalampag niya na ang pinto, kahit pa sumigaw ako ay hindi niya rin naman ako maririnig kaya mas pinipili ko ng manahimik. "Rhia open the door!"Sobrang lakas na sigaw na yun ni Mommy para marinig ko pa, narinig ko ang pag-click na tunog ng pinto tanda ng pagbukas nito. "Mommy no!"Bago pa ako makatayo at pigilan sila ay nakapasok na siya at yung isa sa mga katulong namin, kitang-kita ko na napatakip sila ng ilong. "Anong amoy 'yon Rhia?""Mom I told you masakit tiyan ko, bakit pati ba naman dito? Wala na ba akong privacy?""Sorry anak, sorry," bigla nilang sinarado yung pinto, napapa-iling na lang ako sa pagkapahiya, quotang-quota na ako sa kahihiyan simula nung nakilala ko yung Jared Yael Si
RhiaILANGbeses na nag-sorry sa akin si Jay pero hindi ko na siya masyadong pinapansin, hindi na rin ako pumayag pa na siya ang maghahatid sundo sa akin lalo na pag wala siyang pasok. Hindi nalaman nila Mommy ang nangyari pero alam ni Rain at dahil doon ay hindi na rin nito hinahayaan si Jay na kausapin ako, pinagtatakpan ako ni Rain na wala sa bahay kahit pa nandoon lang ako sa kwarto at hindi lumalabas.Kaya rin ako nasusundo ng driver dahil sinasabihan na rin ito ni Rain na sunduin ako agad pagkahatid sa kanya pauwi, ilang linggo ang lumipas pero ganoon pa rin ako kay Jay, malamig ang pakikitungo kahit pa nga nandyan sila Mommy.Kahit nung pinakilala nila ako sa mga magulang ni Jay ay tahimik lang ako, kinakausap ko si Jay sa harap ng mga magulang niya o magulang ko pero pag kaming dalawa na lang ay iwas ako, siguro na-trauma ako sa ginawa niya, pakiramdam ko kasi ay u
RhiaNATUTOakong mag-drive dahil kay Jay. Dahil nga hindi pa ako eighteen kaya student's license muna ang kinuha ko, mas nakilala ko si Jay, mabait din naman siya at maalaga, ramdam ko yung habang tinuturuan niya ako, tinutukan niya talaga ako hanggang sa matuto. Ngayong graduate na siya ay tine-train na siya na para pag pinamana na sa kanya yung business nila ay handa na siya.Minsang nag-usap kami ay sinabi niyang may mga gusto rin siya para sa sarili niya, gaya ng pagtatayo ng sariling business pero hindi raw niya tatalikuran ang tungkulin niya sa pamilya nila bilang isang Simonne, sa mga ganung pag-uusap namin kaya napansin ko na sobrang mayaman sila dahil lagi ngang laman ng mga magazine ang hotel na ipapamana naman daw sa pinsan niyang si Gael, ang Hotel Simonne, meron pa nga silang sariling island na Isla Simonne ang pangalan, isang sikat na designer naman ng mga male clothings ang pinsan niyang si Caleb, l
Rhia "IKAKASALka na Ate. Maiiwan na akong mag-isa rito sa kwarto," malungkot na sabi ni Rain, ilang araw na ang lumipas mula nung debut ko pero parang pareho pa rin kaming gulat at hindi matanggap ang nangyayari. "Ganun ba sila kaatat na ikasal ka?""Ewan ko. Hindi ko naman sila tatakbuhan eh, wala naman akong ibang sinasabi. Payag na nga ako eh pero hindi ko inisip na ganun kabilis Rain," napahawak ako sa buhok ko at ginulo. "Mababaliw na yata ako Rain, apat na araw na akong hindi pumapasok kasi ayokong kulitin din ako nila Archie at sigurado akong yung ibang kaibigan namin alam na rin yun. Hindi ko alam kung ano rin bang isasagot ko sa kanila."Yumakap sa akin yung kapatid ko. "Sorry Ate wala akong maitulong sayo."Tinignan ko siya at ngumiti ako ng tipid. "Wala ka namang kasalanan rito eh."ANG mahirap pag gali
RhiaKAMIna ni Jay? Ang saya-saya kanina, nalito kasi ako sa tanong niya, pakiramdam ko mababaliw na ako. Kung kailan pa isang linggo na lang bago kami ikasal doon pa naging kami officialy.Ang weird talaga at yung kanina. Hinayaan ko siyang halikan ako at hindi lang basta halik kundi pinayagan ko rin siyang hawakan yung dibdib ko. Geez! Ano na bang nangyayari sa akin? Napahawak ako dun sa labi ko at naisip ko na naman yung nangyari kanina.Tama ba yun? Nagpahalik ako sa kanya, ok lang naman yata kasi magiging asawa ko na siya. Gumulong ako sa kabilang dulo ng kama at napakagat-labi, kanina kung hindi lang nag-ring yung phone ko kasi tumawag si Mang Leo, bakit daw may missed call ako sa kanya? Sa tingin ko hindi pa dapat eh, una kasi yung batang kumatok tapos si Mang Leo tapos hahalik pa sana ulit siya sa akin eh kaso si Rain naman yung tumawag na na umuwi na daw ako kasi dumating na
RhiaTODAY is the big day. I am really getting married. Hindi ito isang panaginip lang at ilusyon, nasa isang kwarto ako at katatapos lang ayusan. May kumatok sa pinto at binuksan ito ng ibang kasali sa pag-aayos sa akin.Sila Rain at Zyrene, "Ang ganda mo namang bride." Napangiti ako sa papuri ni Zyrene. Kita ko naman sa mga mata ni Rain ang pagkalungkot."Rain?" Nagbigay siya ng tipid na ngiti sa akin. Lumapit ako sa kanya at yumakap, narinig ko ang bahagyang paghikbi niya, "Ssshhh tigil na mamaya mabura pa make up mo, ayokong mag-iyakan tayo dito, kasal ko hindi lamay ah." Pagbibiro ko."Sorry Ate ah, kasi kahit ako hindi pa handa na ibigay ka." Natawa ako sa sinabi niya."Little sister hindi naman ako mawawala eh." Nagpout siya kaya tinampal ko ang noo niya."Basta 'wag ka munang magbe-baby ah.""Sira ka talaga!" Ngumiti na siya sa akin, "Sige na baka hinahantay na tayo ng Kuya Gwapo mo o baka gusto mo lang isabotahe kasa
Jay Ican see Rhia crying right now. Tinititigan ko lang siya habang nakatitig sa malaking monitor sa kasal namin ngayon. Yung laman ng USB na tinago ko sa kanya ang nagpi-play ngayon. Lumapit ako sa kanya pero tinampal niya ang balikat ko, "Bakit ngayon lang?" Niyakap ko na siya. "Bakit ngayon pa sa kasal natin?" Umiiyak siya sa bisig ko, "Nakakainis ka naman eh, baka ang pangit ko na eh." Natawa ako sa sinabi niya, maging ang Mommy niya na karga-karga si Janelle at si Rain ay umiiyak din, may iilang bisita kaming galing ng Pilipinas ang naiiyak din. Yung kasal namin ay ginanap pa rin sa Alsace gaya ng naunang plano na namin at ang mga naimbitahan lang ay yung mga taong malalapit sa amin gaya ng mga pinsan ko at asawa nila. Sa mismong Vauclain castle ito ginanap at para kaming mga prinsesa at prinsepe sa mga suot namin dahil ito na rin ang napili naming theme na babagay para sa lugar na i
RhiaWELLI guess hindi ko na kailangang malaman pa ang sasabihin ni Jay dahil sa paraan pa lang ng pagkakahalik niya sa akin ngayon ay alam ko na, "I miss you wife." He said in between kisses.Hindi ko namalayan na nakalapat na pala ang likod ko sa wall art na kanina lang ay tinitignan namin, "Jay." Napatingin ako sa paligid, kokonti na lang ang tao pero ayoko naman na makaagaw ng pansin, "Huwag dito." Hinila niya ako papunta sa isang kwarto at tumigil sabay tingin sa akin."May tao nga pala sa loob." Nangunot ang noo ko."Tao?" Lumayo ako sa kanya,"Huwag mo sabihing may dinala kang iba?""What?" Napasigaw na siya, "Hindi! Si Caleb kasama niya si Tracy.""Tapos?""Alam mo na yun." Sabi niya na parang natatawa pa at doon ko lang na-gets ang ibig sabihin."Hindi ba?" Sabay na rin kaming tumawa.~~~~~Isinama niya na ako pauwi sa bahay niya, sandali lang, kung iisipin bahay na rin nami
JayANGtagal na simula nung magkita kami at hanggang ngayon hinihintay ko pa rin siya.I'm giving Rhia the time to heal. Hindi ko kasi alam kung makakabuti ba sa kanya na nandun ako pero sinisiguro ko naman na maayos siya, sila ng anak ko.Kinausap ako nung Daddy niya, nalaman ko nun na siya na ang magdo-donate para kay Rhia at nalaman ko rin nun na may malala siyang sakit.Ang hirap-hirap lang sa kalooban ko na wala akong makagawa para sa mga taong importante sa akin, una kay Caleb na naka-coma, pangalawa kay Rhia at sa kundisyon niya noon, pangatlo kay Daddy na tumayo ng pangalawang ama ko at unti-unting pinapatay ng cancer.Nung makita ko siya sa hospital bed awang-awa ako sa itsura niya na parang gusto ko na lang ipikit yung mga mata ko para hindi ko makita, malaki yung pinayat niya at alam kong pagod na rin siya sa pakikipaglaban sa sakit niya."Jay alam ko naman kaya mong gawin ito pero sasabihin ko
RhiaHINDIko mapigilan ang sunod-sunod na pagdaloy ng luha ko.Just when I thought I am in the worst situation now hindi pala."Dad, we can't let you go." Sabi ko sa kanya habang hawak ko ang kamay niya.Isa din sa inilihim nila Rain at Mommy sa akin ay ang kundisyon ni Daddy. Sabi nila nasa business trip siya pero ang totoo matagal na siyang nandito sa ospital.Nung araw na umalis kami papuntang France, yun din daw yung araw na dinala ni Mommy si Daddy sa ospital, matagal na siyang nandito pero hindi nila sinabi sa akin dahil ayaw nilang mag-alala ako.Nung una si Mommy lang ang nakaalam pero dahil sa napansin na rin ni Rain na hindi na pumapasok si Daddy ay naghinala na siya. Ayaw pa sana nilang sabihin sa akin ang kalagayan ni Daddy dahil alam nila na mas lalo akong malulungkot at alam din nila na buntis ako.Kung pa siguro hiniling ni Daddy na makausap ako ay itatago nila talaga ito sa akin. Isa din
JayKAILANGANmalaman ng pamilya ni Rhia ang tungkol sa kalagayan niya dahil mas mahihirapan akong sabihin sa kanila yung kung mas patatagalin ko pa pero bago ko magawa yun kailangan ko munang sabihin na kay Rhia na matagal na rin niya akong kasama para maiuwi ko na siya sa Pilipinas.Tungkol naman sa resulta ng test sa akin, kung sakali man na magkamatch kami ng cornea ni Rhia ay mabuti ng kasama niya ang pamilya niya at sa Pilipinas gagawin ang surgery dahil may mga magagaling na doctor naman na kayang gawing successful yung magiging operasyon.Nakatayo lang siya ngayon sa terrace. Kung iisipin para siyang nakatingin sa kawalan pero alam ko na may malalim siyang iniisip. May dala siyang tasa, umupo siya at inilapag iyon sa tabi niya.Nakita ko ang pangungunot ng noo niya ng lumuhod ako sa tapat niya para pagmasdan siya. Natabig ng kaliwang kamay niya yung tasa kaya sa pagkagulat ay nasalo ko yun, nagulat ako ng hawakan niy
JaySOBRAna ang pag-aalala ko para kay Rhia. Alam kong may mga itinatago siya sa akin."Grig please tell me!" Ilang beses ko ng nasisigawan ang pinsan niya sa telepono dahil alam kong maging siya ay marami ding itinatago sa akin."I'm sorry Jay but I promised Rhia--""What the hell!" Ibinaba ko na ang tawag. Ilang araw ko na ulit siyang hindi nakakausap, alam kong may mali dahil maayos naman kami nung nasa Alsace kami at nung unang mga araw na umuwi ako dito sa Pilipinas.Bigla na lang siyang nanlamig sa akin at sa madalas na pagtawag ko ay isang beses lang niya sinagot yun.Hindi kaya nagtampo siya dahil ang gusto naman talaga niya ay sumama na sa akin pauwi o di kaya ay dahil hindi pa ako nakakabalik dun.Mababaliw na ako sa kaiisip. Ang dami kong tinapos na trabaho dito dahil natambak yun nung umalis kami, pati nga yung pagbubukas ng restaurant ko ay namove na rin ang araw.Masyado ding nag-al
Rhia"SIGURADOka na ayaw mong sumama ako sayo pauwi?" Tanong ko kay Jay habang nage-empake siya ng mga damit.Nagkaroon ng emergency sa Pilipinas. Naaksidente yung pinsan niyang si Caleb at hanggang ngayon at hindi pa raw nagigising ito, nang mabalitaan niya yun ay agad siyang nagpasya na umuwi ng Pilipinas para bisitahin ito."Saglit lang ako dun. Pag maayos na naman si Caleb babalik din ako dito agad." Lumapit siya sa akin at niyakap ako, "Mine, don't worry okay. Alam ko naman na gusto ka ring makasama ng pamilya mo dito hindi ba?"Ngumiti ako sa kanya. Alam ko rin kasing mamimiss ko siya ng sobra, halos dalawang linggo pa lang naman kami dito at isa pa sa nagpasaya sa akin ay ang pagpayag at pagtanggap ng pamilya ko dito sa kanya bilang asawa ko. Kasama na nga dun ang pagtulog na rin namin sa iisang kwarto.Maayos naman sana ang lahat kung hindi lang sa insidente ngayon. Nag-aalala din naman ako para sa pinsan niy
Rhia"WHATthe hell!" Nagulat ako at napabalikwas ng bangon. Nahihilo pa ako dahil sa biglang pagbangon ko. Nakita ko si Grig sa pintuan ng kwarto ko, mabuti na lang at nakakumot ako ng tumayo, "Lianne, what is he doing here?" Tanong ni Grig at itinuro si Jay."He slept here, isn't it obvious?" Sagot ko.Pinanlakihan niya ako ng mga mata, "That is not what I'm talking about!"Napakunot ang noo ko at umiling naman siya, "Get dress then we'll talk outside okay?"Tumango na lang ako sa kanya.Matapos magbihis ay lumabas na ako ng kwarto at nandun si Grig na tumitig sa akin na parang batang may nagawang pagkakamali na alam ko namang hindi mali dahil asawa ko ang nasa kama kong nahuli niyang kasama ko."You know the rules." Umirap ako sa kanya."I'm not a princess Grig nor a slave." Bumuntong-hininga ako, "There's nothing wrong with what you saw, we two are married.""Yes in the Philippines but
RhiaITOna naman. Madilim na naman ang paligid ko kaya ilang minuto akong pumikit ulit. Minasahe ko ang sintido ko.Agad akong nagmulat ng mata at nasilaw ako sa liwanag na nanggagaling sa bintana, tinignan ko si Jay sa tabi ko at hinaplos ko ang mukha niya. Payapa siyang natutulog ngayon. Naalala ko yung kagabi. He was rough, he gave it to me hard and fast pero hindi ko maitatangging nagustuhan ko yun.Naalala ko noon kahit isang halik man lang ay naiinis na ako pero iba na ngayon. Minsan ako na talaga ang nauunang mag-initiate sa kanya, wala namang masama dun dahil asawa ko siya.Sinuklay-suklay ko ang magulong buhok niya sa pagitan ng mga daliri ko. Nagsisimula na ulit humaba yun gaya ng dati. hindi ko napigilan ang sarili ko kaya't hinalik-halikan ko siya sa mukha.Naramdaman kong gumalaw siya at narinig ko rin ang mahinang boses ng pagdaing niya. Alam k