Rhia
SIMULA nung araw na yun ay lagi na siyang dumadalaw sa bahay namin.
Isang araw pagkalabas ko ng gate ng school ay nandun siya, akala ko sundo ko yung makikita ko dun pero siya pala, wala si Rain dahil sophomore pa lang siya at ang klase nila ay pang-umaga.
"Hi." sabi niya, umirap lang ako pero siya preskong nakangiti lang.
"What are you doing here?" tanong ko.
Lumapit siya. "Akong maghahatid sayo pauwi, wala akong klase kasi ngayon kaya sabi nila Papa na sunduin na kita."
"You don't have to do this you know."
"But I want to."
"Why?" tinaasan ko siya ng kilay.
"Gusto kita Rhia." kumunot ang noo ko sa narinig ko sa kanya.
"Gusto? Agad-agad? Saka sinong nagbigay sayo ng karapatan na tawagin akong Rhia? Sinabi ko na sayo di ba, hindi tayo close," ngumiti lang siya lalo sa akin, nakita ko yung ibang mga babae na lumalabas mula sa gate ay kinikilig pag nakikita siya.
"Ang gwapo," bulungan na sabi nila, ang mokong naman parang mas nagugustuhan at mas lumalaki ang ngiti.
"Halika na nga!" ibinato ko sa kanya yung bag ko na nasalo naman niya kaagad, bubuksan niya sana yung pinto sa tabi ng driver's seat ng pigilan ko."Kaya ko, may kamay ako oh!" itinaas ko pa yung dalawa kong kamay.
Ngumiti lang ulit siya, inilagay niya yung mga gamit ko dun sa likod ng kotse, hindi ako pumasok dun sa tabi ng driver's seat kundi sa likuran, pangiti-ngiti ako habang siya ay napapakamot sa ulo.
Nang makabalik na siya sa loob ng sasakyan ay lumingon siya sakin. "Sigurado kang diyan ka?"
Tumango ako. "Pag sinusundo ako ni Manong Leo dito rin ako umuupo."
"Pero hindi mo ako driver," sagot niya, umirap lang ako.
"Edi sige, lalabas na lang ako at magta-taxi," narinig ko yung automatic na pag-lock ng mga pinto sa kotse niya ng akmang lalabas na ako, inistart na rin niya yung engine ng kotse. "Yun naman pala eh, dami pang arte."
Nakikita ko siyang patingin-tingin sakin sa rearview mirror.
"What?" iritableng tanong ko kasi habang tumatagal ay naco-conscious na ako. "May dumi ba ako sa mukha?"
Umiling siya at ngumiti lang, may nakita akong sign ng isang fast-food kaya napatili ako. "Ano yun?"
"Dumaan tayo roon!" tinuro ko yung fast-food.
"Saan?" natatarantang tanong niya.
Lumapit ako at mas itinuro pa yung sign, lumuhod na rin ako palapit sa kanya. "Ayun oh, yung fast food!"
"Akala ko naman ano na," Dali-dali na siyang kumambyo para makapasok doon sa drive-thru.
"Bilisan mo, bilis!" inuga-uga ko pa yung balikat niya.
"Oo na, nandito na tayo, parang first time eh," tumawa-tawa siya.
First time ko lang makakatikim ng fast food, how I wish kasama ko si Rain ngayon, hindi kasi kami pinapayagan kumain simula pagkabata sa kahit anong fast food, mas gusto kasi ni Mommy na siya ang magluluto o kung kakain man kami sa labas ay yung klase ng restaurant na gusto nila, na minsan ay di talaga namin type ni Rain, naiinggit kami dun sa mga bata na laging may dalang ice cream o fries, sabi ni Mommy hindi daw healthy yun.
"Ano pang ginagawa mo?" sigaw ko sa kanya ng tumigil siya at ibinaba yung front door glass. "Hoy! Anong ginagawa natin dito?"
"Ano ka ba oorder muna tayo," may nagsalita dun sa parang speaker.
"Sir may I take your order?" Nanlaki yung mga mata ko. Wow!
"Anong order mo?" bigla siyang humarap sa akin kaya ang lapit ng mukha namin sa isa't isa, parang bigla akong nahirapan huminga, parang biglang sumikip yung kotse niya para sa aming dalawa.
"Sir?" napaatras ako nung marinig kong muling nagsalita yung nasa drive-thru.
Tumikhim siya. "A-anong o-order mo?"
"Ahh, gusto ko ng...ng..." napaisip ako, ano nga bang oorderin ko? Hindi pa naman kasi ako naka-order ditto. "Ano bang meron dito?"
Narinig ko yung bahagya niyang pagtawa. "Meron fries, burger, fried chicken, softdrinks, ice cream, salad."
"Eew," sabi ko dun sa huling suggestion niya. "Kahit pala fast food meron nun, kasawa."
Kumunot yung noo niya, siguro iniisip na niya na parang first time kong kumain sa ganito kaya di ko alam, well totoo naman eh.
"Sir? Oorder po ba sila?" muling narinig ko yung tanong na yun.
"Ah oo saglit lang," sagot niya.
"Ah alam ko na!" sagot ko, "Gusto ko yung pinakamahal na klase ng fries, burger, fried chicken, ice cream, everything except salad. Make that two!"
"Halimaw ba yang bituka mo!" tatawa-tawang sabi niya.
"Paki mo?" pagtataray ko. "Bilis sabihin mo na!"
"Ok," umiling-iling siya sabay nagsalita na. "Two orders of Large crisscut fries, Triple Cheeseburger, A bucket of fried chicken and extra gravy, two orders of sans rival ice cream and chicken salad."
"Para kanino yung salad?"
"Sa akin," napa-eww ulit ako, maya maya pa ay pumunta kami dun sa pangalawang window, iniabot sa amin yung mga orders ko.
Ang saya-saya lang, umorder ako ng dalawa para ibigay kay Rain yung iba, hindi ko man siya kasama at least makakakain pa rin siya, iniabot ko yung card ko pero bayad na pala.
"Babayaran ko yun," sabi ko.
"Hindi na kailangan," sabi niya habang nagi-start na ulit mag-drive, nagbilang ako ng pera sa wallet.
"Hindi nga, magkano ba?" tanong kong ulit.
"3,078 kasama na yung tax, minus na yung chicken salad na in-order ko."
Nagbilang ako sa wallet ko, three thousand pesos lang ang meron ako, iniabot ko yun sa kanya, saglit na lumingon siya sa akin, "Kulang yan ah, 3k lang."
"Utang muna," hindi niya inabot yun kaya inilagay ko yun sa may bulsa sa dibdib niya sabay tapik. "Yan! Now let me eat and don't you dare bother me."
Nagsimula na akong kainin yung mga in-order ko, grabe ang sarap ng fast food! Worth it talaga lahat ng itataba ko sa pagkain nito. Alam kong magugustuhan din ito ni Rain.
"May bukas pa," narinig kong sabi nung driver ko este ni Mr. Yabang sa harap ng sasakyan.
"I told you don't bother me right?" punong-puno ang bibig ko kaya kandahirap akong sabihin yun, kakainis kumakain ako dito, nananahimik tapos mang-aasar siya, palibhasa di niya alam feeling ng first time kumain sa fast food kasi malamang sa malamang bata pa lang siya todo lamon na siya dun at malaya siyang pumili nung gusto niyang kainin kaya naman di niya maintindihan pinagdadaanan ko.
Tumawa lang siya, maya-maya pa ay nasa tapat na kami ng bahay, hindi ko pa ubos yung ice cream pero sobrang busog na ako, parang di ako natunawan.
Nakita ko si Rain na palabas ng bahay, siguro kasi nakita niyang huminto itong sasakyan sa tapat ng bahay at alam niyang nandito ako.
Ibinaba ko yung salamin ng sasakyan. "Rain, sakay dali!"
"Bakit naman? Bakit ‘di ikaw ang bumaba dito?" sagot niya.
"Dali na! May take out kami galing sa fast food, bilis!" nanlaki yung mga mata niya sabay dali-daling pumasok nung kotse.
"Penge!" Nagsimula na rin siyang kumain, nakita kong napapangiting tumitingin samin si Jared Yael, ang haba naman ng pangalan niya kakainis banggitin.
"Tinitingin-tingin mo?" tanong ko, umiling siya.
Nakaramdam ako ng sakit sa balikat, ang walangya kong kapatid nilibre ko na at lahat-lahat nagawa pa rin akong hampasin. "Ate maging mabait ka naman sa fiancé mo, binilhan ka na nga niya ng mga ito."
"Aba't nagtanong ka ho ba? Ako kaya ang bumili niyan!"
"Ganun ba? Edi thank you," ang patay gutom kong kapatid todo kain lang, nagsasalita pa habang puno ang bibig. "Grabe Ate bakit ngayon lang tayo kumain nito, ang sarap pala."
"Alam mo namang ‘di pwede, bantay sarado tayo kahit kay Mang Leo, kaunting maling gawin report agad kay Mommy at Daddy."
"Kung gusto niyo ulit kumain sa fast food, sabihin niyo lang sa akin ah," narinig kong sabi nung epal na lalaki sa harap namin.
"Kausap ka?" sabi ko.
Kinurot naman ako ngayon nung lecheng kapatid ko. "Aray ano ba! Sumosobra ka na ah, babawiin ko yan!"
"Ang sama mo kasi kay Kuya Gwapo," lumingon ito kay Jared Yael sabay ngiti, kala naman niya kinaganda niya yun eh mukha siyang baboy na hindi mapairi, puno ba naman ang bibig tapos ganun,."Pasensya ka na Kuya ah, ganyan talaga si Ate kasi po pa menopause na."
Binatukan ko nga ang gaga. "Anong pinagsasabi mo?"
"Si Ate napakasama talaga ng ugali, kumakain ako eh," todo kain pa rin siya. "Nagmamagandang loob na nga yung tao sinasamaan mo pa."
Lumingon ulit siya dun sa Kuya Gwapo kuno niya. "Pag naging asawa mo siya pagpasensyahan mo ah, mangkukulam kasi siya."
Sinabunutan ko na, ang daldal kasi, ito namang isa humalakhak lang kaya inirapan ko. "Kumain ka lang ng kumain malay mo mamaya bitayin na kita, una kong ibibigti yang matabil mong dila."
Inirapan ako ni Rain, natawa lang ako, saglit na nagkatinginan kami ni Jared Yael pero binawi ko din ang tingin ko.
Unang lumabas nung sasakyan si Rain na masakit din ang tiyan, kaya naiwan ako at siya.
"Ahm Jared Yael," tawag ko sa pangalan niya. Lumingon siya sa akin
"Jay, Jay na lang," ngumiti siya. "Ano yun?"
"Salamat ah, kung pwede sana ikaw na rin magtapon nito kasi baka mahuli kami nila Daddy at Mommy, pasensya ka na rin kung nasusungitan kita, salamat ulit," pagkasabi ko noon ay bumaba na ako ng kotse niya, narinig ko pa ng tinawag niya ang pangalan ko.
"Rhia," napalingon ako. "Yung sinabi ko kanina, totoo yun!"
Kumunot yung noo ko. "Alin doon?"
"Yung gusto kita," kumindat siya sakin. "I like you a lot Rhianelle Angeles."
Itinaas na niya yung salamin ng sasakyan at agad na pinaandar na.
Matagal akong nakatulala dun at nakatayo, napakagat-labi ako na parang gusto kong tumili na ewan, parang gusto kong sumigaw, napapikit ako at napasipa-sipa sa sahig. "Iiihhh!"
Nagulat ako pagmulat ko ng mata, nasa harap ko si Rain at nanlalaki ang mata habang may ngiti ng pang-aasar. "Kunwari nagsusungit pero kinikilig, si Ate lumalandi na!"
"Hoy!" tumakbo ako palapit sa kanya, tumakbo din siya at naghabulan kami, maya-maya may parehas kaming naamoy na mabaho.
"Ano yun?" sabay naming tanong at sabay din kaming nagtakip ng ilong, naramdaman ko ang pagkulo ng tiyan ko, sabay din kaming napatingin sa mga tiyan namin at nagtitigan ilang saglit bago nag-unahan sa CR.
Nung nasa pinto na ay humarang siya nung ipipihit ko na pabukas. "Rain ano ba ako nauna panganay ako!"
"Ate ‘di ko na kaya at saka bunso ako dapat pagbigyan mo ako!"
"Hindi sa lahat ng bagay lalo na pagtae ang sakit na ng tiyan ko! Taeng-tae na ako Rain!" sumisigaw ako pero hindi pa rin siya pumapayag.
"Ako rin naman ah! Puputok na yung pwet ko Ate maawa ka naman!" parehas kaming tumitili kaya nagulat kami ng makita si Mama na papunta sa amin.
"Girls ano ito?" tanong niya.
"Mommy nasi-CR ako si Rain oh ‘di ako pinapapasok!"
"Rain?" lumipat ang tingin niya rito.
"Mommy ako rin eh!"
"Bakit ba kayo nagkaka-ganyan? Ano bang nakain niyo?"
“Yung pagkain po na tinake out ni--" tinakpan ko yung bibig niya.
"Nagtake-out po ako galing sa resto Mommy, kasama ko po si Jay."
"Sino si Jay?" nagtatakang tanong ni Mommy, pigil na pigil na ako pero ‘di pa rin ako nagpaparaya kay Rain.
"Si Jared Yael Simonne po, Jay mo nickname niya."
"Ahh, eh baka hindi maganda yung pagkain dun."
"Mom mamaya ka na magsermon! Rain paunahin mo naman ako!" hinihila ko pa rin yung pinto.
"Bakit ba kayo nag-aagawan diyan eh lima ang CR natin sa bahay?" napaisip kami, oo nga, napailing ako at tumakbo paakyat ng kwarto namin, hinayaan ko na si Rain dun sa CR sa baba.
Ah! Heaven! Yan yung pakiramdam ko ng ma-withdraw ko na sa banko de inodoro yung kailangang mai-withdraw, nang matapos ako ay naghugas ako ng kamay at nilinis ang ano mang-trace ng pag-withdraw ng dumi ng aking tiyan.
Paglabas ko ng banyo ay nakita ko si Mommy na kinukuha yung uniform namin, kanina kasi ay hinubad ko na lahat iyon, tinitigan niya yung damit ko, meron doong malapot na puti, nakita ko rin yung panlalaki ng mata ni Mommy.
Lagot, malalaman na niyang kumain ako ng ice cream, patay!
"Rhia!" tumitig siya sa akin ng matalim.
"Mom," bumilis yung tibok ng puso ko sa kaba, yung paraan kasi ng pagtitig ni Mommy parang kakainin ng buhay na tao.
Ganun ba kabigat ang kasalanan ko dahil kumain ako ng ice cream, dati nga nung nakipagsabunutan ako sa school kalmado lang siya at pinagsabihan lang ako pero bakit ngayon ganito?
"Ano ito?" tanong niya sabay pakita nung marka nung ice cream dun sa damit ko.
"A-ano, M-mommy a-ano p-po." literal na nanginginig na ako sa takot.
"What? Explain to me!" tinaasan niya ako ng boses kasabay ng pagtaas ng kilay niya, ngayon ko lang nakita na ganito kagalit si Mommy.
Mapapalo ba ako sa pwet dahil kumain ako ng Ice cream?
Patay talaga. Parang pakiramdam ko matatae ulit ako ng wala sa oras, wait oo nga natatae pala ulit ako.
Rhia"RHIA!"katok lang ng katok si Mommy sa pinto habang ako hindi magkamayaw sa pag-iri, grabe na ang sakin ng tiyan ko talaga, kinakalampag niya na ang pinto, kahit pa sumigaw ako ay hindi niya rin naman ako maririnig kaya mas pinipili ko ng manahimik. "Rhia open the door!"Sobrang lakas na sigaw na yun ni Mommy para marinig ko pa, narinig ko ang pag-click na tunog ng pinto tanda ng pagbukas nito. "Mommy no!"Bago pa ako makatayo at pigilan sila ay nakapasok na siya at yung isa sa mga katulong namin, kitang-kita ko na napatakip sila ng ilong. "Anong amoy 'yon Rhia?""Mom I told you masakit tiyan ko, bakit pati ba naman dito? Wala na ba akong privacy?""Sorry anak, sorry," bigla nilang sinarado yung pinto, napapa-iling na lang ako sa pagkapahiya, quotang-quota na ako sa kahihiyan simula nung nakilala ko yung Jared Yael Si
RhiaILANGbeses na nag-sorry sa akin si Jay pero hindi ko na siya masyadong pinapansin, hindi na rin ako pumayag pa na siya ang maghahatid sundo sa akin lalo na pag wala siyang pasok. Hindi nalaman nila Mommy ang nangyari pero alam ni Rain at dahil doon ay hindi na rin nito hinahayaan si Jay na kausapin ako, pinagtatakpan ako ni Rain na wala sa bahay kahit pa nandoon lang ako sa kwarto at hindi lumalabas.Kaya rin ako nasusundo ng driver dahil sinasabihan na rin ito ni Rain na sunduin ako agad pagkahatid sa kanya pauwi, ilang linggo ang lumipas pero ganoon pa rin ako kay Jay, malamig ang pakikitungo kahit pa nga nandyan sila Mommy.Kahit nung pinakilala nila ako sa mga magulang ni Jay ay tahimik lang ako, kinakausap ko si Jay sa harap ng mga magulang niya o magulang ko pero pag kaming dalawa na lang ay iwas ako, siguro na-trauma ako sa ginawa niya, pakiramdam ko kasi ay u
RhiaNATUTOakong mag-drive dahil kay Jay. Dahil nga hindi pa ako eighteen kaya student's license muna ang kinuha ko, mas nakilala ko si Jay, mabait din naman siya at maalaga, ramdam ko yung habang tinuturuan niya ako, tinutukan niya talaga ako hanggang sa matuto. Ngayong graduate na siya ay tine-train na siya na para pag pinamana na sa kanya yung business nila ay handa na siya.Minsang nag-usap kami ay sinabi niyang may mga gusto rin siya para sa sarili niya, gaya ng pagtatayo ng sariling business pero hindi raw niya tatalikuran ang tungkulin niya sa pamilya nila bilang isang Simonne, sa mga ganung pag-uusap namin kaya napansin ko na sobrang mayaman sila dahil lagi ngang laman ng mga magazine ang hotel na ipapamana naman daw sa pinsan niyang si Gael, ang Hotel Simonne, meron pa nga silang sariling island na Isla Simonne ang pangalan, isang sikat na designer naman ng mga male clothings ang pinsan niyang si Caleb, l
Rhia "IKAKASALka na Ate. Maiiwan na akong mag-isa rito sa kwarto," malungkot na sabi ni Rain, ilang araw na ang lumipas mula nung debut ko pero parang pareho pa rin kaming gulat at hindi matanggap ang nangyayari. "Ganun ba sila kaatat na ikasal ka?""Ewan ko. Hindi ko naman sila tatakbuhan eh, wala naman akong ibang sinasabi. Payag na nga ako eh pero hindi ko inisip na ganun kabilis Rain," napahawak ako sa buhok ko at ginulo. "Mababaliw na yata ako Rain, apat na araw na akong hindi pumapasok kasi ayokong kulitin din ako nila Archie at sigurado akong yung ibang kaibigan namin alam na rin yun. Hindi ko alam kung ano rin bang isasagot ko sa kanila."Yumakap sa akin yung kapatid ko. "Sorry Ate wala akong maitulong sayo."Tinignan ko siya at ngumiti ako ng tipid. "Wala ka namang kasalanan rito eh."ANG mahirap pag gali
RhiaKAMIna ni Jay? Ang saya-saya kanina, nalito kasi ako sa tanong niya, pakiramdam ko mababaliw na ako. Kung kailan pa isang linggo na lang bago kami ikasal doon pa naging kami officialy.Ang weird talaga at yung kanina. Hinayaan ko siyang halikan ako at hindi lang basta halik kundi pinayagan ko rin siyang hawakan yung dibdib ko. Geez! Ano na bang nangyayari sa akin? Napahawak ako dun sa labi ko at naisip ko na naman yung nangyari kanina.Tama ba yun? Nagpahalik ako sa kanya, ok lang naman yata kasi magiging asawa ko na siya. Gumulong ako sa kabilang dulo ng kama at napakagat-labi, kanina kung hindi lang nag-ring yung phone ko kasi tumawag si Mang Leo, bakit daw may missed call ako sa kanya? Sa tingin ko hindi pa dapat eh, una kasi yung batang kumatok tapos si Mang Leo tapos hahalik pa sana ulit siya sa akin eh kaso si Rain naman yung tumawag na na umuwi na daw ako kasi dumating na
RhiaTODAY is the big day. I am really getting married. Hindi ito isang panaginip lang at ilusyon, nasa isang kwarto ako at katatapos lang ayusan. May kumatok sa pinto at binuksan ito ng ibang kasali sa pag-aayos sa akin.Sila Rain at Zyrene, "Ang ganda mo namang bride." Napangiti ako sa papuri ni Zyrene. Kita ko naman sa mga mata ni Rain ang pagkalungkot."Rain?" Nagbigay siya ng tipid na ngiti sa akin. Lumapit ako sa kanya at yumakap, narinig ko ang bahagyang paghikbi niya, "Ssshhh tigil na mamaya mabura pa make up mo, ayokong mag-iyakan tayo dito, kasal ko hindi lamay ah." Pagbibiro ko."Sorry Ate ah, kasi kahit ako hindi pa handa na ibigay ka." Natawa ako sa sinabi niya."Little sister hindi naman ako mawawala eh." Nagpout siya kaya tinampal ko ang noo niya."Basta 'wag ka munang magbe-baby ah.""Sira ka talaga!" Ngumiti na siya sa akin, "Sige na baka hinahantay na tayo ng Kuya Gwapo mo o baka gusto mo lang isabotahe kasa
RhiaISANGlinggo na rin kaming kasal ni Jay at kahit papano ay maayos naman ang pagsasama namin, wala pa ring nangyayari sa akin at hindi naman niya ako kinukulit sa bagay na yun."Kamustang bagong kasal?" Narinig kong sabi ni Zyrene na kasama si Archie, siguro kasi ay magbabayad na rin sila ng tuition fee for next sem dahil next week lang ay balik school na naman. "Kamustang honeymoon?""Ui girl malaki ba?" Hinampas ko nga sa noo si Archie sa lakas ng boses."Pinagsasabi mo diyan? Ikaw ah may atraso ka pa na yung ginawa mong wedding gift ay PT kit tapos ganyan ka pa." Inis na sabi ko, tumawa lang sila parehas. Sinundan sundan pa ako ng dalawa para kulitin pero nung huli wala din naman silang napigang impormasyon sa akin.~~~~"Busy?" Tanong ko Jay habang nakatutok siya sa laptop niya, lumingon siya sa akin ang ngumiti."Medyo." Ibinaba ko ang kape sa tapat niya, "Thank you Misis ko." Kumindat pa siya s
Rhia"HOYblooming siya!" Bati sa akin ni Archie pagpasok ko sa school matapos ang halos dalawang araw na di ko pagpasok dahil sa sakit ng katawan at ng ano ko. Basta alam kong alam niyo na yun eh. "Girl huwag mo sabihing nadiligan ka na kaya di ka pumasok kasi bitin." Tumili-tili pa siya kaya tinakpan ko na yung bibig, ang ingay-ingay niya kasi nakakahiya."Huwag mong sabihin na may pinoproblema ka na naman kaya ganun?" Tanong naman ni Zyrene.Tinanggal na ni Archie yung kamay ko sabay harap kay Zyrene, "Ateng kung may problema yan kanina pa busangot o parang nilamukos ang mukha niyan, eh kita ng nasa malayo pa lang pang close up commercial na ang smile, napaka nega nitong chaka na ito.""Chaka ganun?" Sinabunutan nito si Archie kaya natawa ako."Aray ateng mas maganda pa ang hair ko kaysa sa fes mo kaya wag mo sirain yan naku!""Ang arte mong bakla ka." Sabi ko dito."At aba si Ateng absenera makama ar
Jay Ican see Rhia crying right now. Tinititigan ko lang siya habang nakatitig sa malaking monitor sa kasal namin ngayon. Yung laman ng USB na tinago ko sa kanya ang nagpi-play ngayon. Lumapit ako sa kanya pero tinampal niya ang balikat ko, "Bakit ngayon lang?" Niyakap ko na siya. "Bakit ngayon pa sa kasal natin?" Umiiyak siya sa bisig ko, "Nakakainis ka naman eh, baka ang pangit ko na eh." Natawa ako sa sinabi niya, maging ang Mommy niya na karga-karga si Janelle at si Rain ay umiiyak din, may iilang bisita kaming galing ng Pilipinas ang naiiyak din. Yung kasal namin ay ginanap pa rin sa Alsace gaya ng naunang plano na namin at ang mga naimbitahan lang ay yung mga taong malalapit sa amin gaya ng mga pinsan ko at asawa nila. Sa mismong Vauclain castle ito ginanap at para kaming mga prinsesa at prinsepe sa mga suot namin dahil ito na rin ang napili naming theme na babagay para sa lugar na i
RhiaWELLI guess hindi ko na kailangang malaman pa ang sasabihin ni Jay dahil sa paraan pa lang ng pagkakahalik niya sa akin ngayon ay alam ko na, "I miss you wife." He said in between kisses.Hindi ko namalayan na nakalapat na pala ang likod ko sa wall art na kanina lang ay tinitignan namin, "Jay." Napatingin ako sa paligid, kokonti na lang ang tao pero ayoko naman na makaagaw ng pansin, "Huwag dito." Hinila niya ako papunta sa isang kwarto at tumigil sabay tingin sa akin."May tao nga pala sa loob." Nangunot ang noo ko."Tao?" Lumayo ako sa kanya,"Huwag mo sabihing may dinala kang iba?""What?" Napasigaw na siya, "Hindi! Si Caleb kasama niya si Tracy.""Tapos?""Alam mo na yun." Sabi niya na parang natatawa pa at doon ko lang na-gets ang ibig sabihin."Hindi ba?" Sabay na rin kaming tumawa.~~~~~Isinama niya na ako pauwi sa bahay niya, sandali lang, kung iisipin bahay na rin nami
JayANGtagal na simula nung magkita kami at hanggang ngayon hinihintay ko pa rin siya.I'm giving Rhia the time to heal. Hindi ko kasi alam kung makakabuti ba sa kanya na nandun ako pero sinisiguro ko naman na maayos siya, sila ng anak ko.Kinausap ako nung Daddy niya, nalaman ko nun na siya na ang magdo-donate para kay Rhia at nalaman ko rin nun na may malala siyang sakit.Ang hirap-hirap lang sa kalooban ko na wala akong makagawa para sa mga taong importante sa akin, una kay Caleb na naka-coma, pangalawa kay Rhia at sa kundisyon niya noon, pangatlo kay Daddy na tumayo ng pangalawang ama ko at unti-unting pinapatay ng cancer.Nung makita ko siya sa hospital bed awang-awa ako sa itsura niya na parang gusto ko na lang ipikit yung mga mata ko para hindi ko makita, malaki yung pinayat niya at alam kong pagod na rin siya sa pakikipaglaban sa sakit niya."Jay alam ko naman kaya mong gawin ito pero sasabihin ko
RhiaHINDIko mapigilan ang sunod-sunod na pagdaloy ng luha ko.Just when I thought I am in the worst situation now hindi pala."Dad, we can't let you go." Sabi ko sa kanya habang hawak ko ang kamay niya.Isa din sa inilihim nila Rain at Mommy sa akin ay ang kundisyon ni Daddy. Sabi nila nasa business trip siya pero ang totoo matagal na siyang nandito sa ospital.Nung araw na umalis kami papuntang France, yun din daw yung araw na dinala ni Mommy si Daddy sa ospital, matagal na siyang nandito pero hindi nila sinabi sa akin dahil ayaw nilang mag-alala ako.Nung una si Mommy lang ang nakaalam pero dahil sa napansin na rin ni Rain na hindi na pumapasok si Daddy ay naghinala na siya. Ayaw pa sana nilang sabihin sa akin ang kalagayan ni Daddy dahil alam nila na mas lalo akong malulungkot at alam din nila na buntis ako.Kung pa siguro hiniling ni Daddy na makausap ako ay itatago nila talaga ito sa akin. Isa din
JayKAILANGANmalaman ng pamilya ni Rhia ang tungkol sa kalagayan niya dahil mas mahihirapan akong sabihin sa kanila yung kung mas patatagalin ko pa pero bago ko magawa yun kailangan ko munang sabihin na kay Rhia na matagal na rin niya akong kasama para maiuwi ko na siya sa Pilipinas.Tungkol naman sa resulta ng test sa akin, kung sakali man na magkamatch kami ng cornea ni Rhia ay mabuti ng kasama niya ang pamilya niya at sa Pilipinas gagawin ang surgery dahil may mga magagaling na doctor naman na kayang gawing successful yung magiging operasyon.Nakatayo lang siya ngayon sa terrace. Kung iisipin para siyang nakatingin sa kawalan pero alam ko na may malalim siyang iniisip. May dala siyang tasa, umupo siya at inilapag iyon sa tabi niya.Nakita ko ang pangungunot ng noo niya ng lumuhod ako sa tapat niya para pagmasdan siya. Natabig ng kaliwang kamay niya yung tasa kaya sa pagkagulat ay nasalo ko yun, nagulat ako ng hawakan niy
JaySOBRAna ang pag-aalala ko para kay Rhia. Alam kong may mga itinatago siya sa akin."Grig please tell me!" Ilang beses ko ng nasisigawan ang pinsan niya sa telepono dahil alam kong maging siya ay marami ding itinatago sa akin."I'm sorry Jay but I promised Rhia--""What the hell!" Ibinaba ko na ang tawag. Ilang araw ko na ulit siyang hindi nakakausap, alam kong may mali dahil maayos naman kami nung nasa Alsace kami at nung unang mga araw na umuwi ako dito sa Pilipinas.Bigla na lang siyang nanlamig sa akin at sa madalas na pagtawag ko ay isang beses lang niya sinagot yun.Hindi kaya nagtampo siya dahil ang gusto naman talaga niya ay sumama na sa akin pauwi o di kaya ay dahil hindi pa ako nakakabalik dun.Mababaliw na ako sa kaiisip. Ang dami kong tinapos na trabaho dito dahil natambak yun nung umalis kami, pati nga yung pagbubukas ng restaurant ko ay namove na rin ang araw.Masyado ding nag-al
Rhia"SIGURADOka na ayaw mong sumama ako sayo pauwi?" Tanong ko kay Jay habang nage-empake siya ng mga damit.Nagkaroon ng emergency sa Pilipinas. Naaksidente yung pinsan niyang si Caleb at hanggang ngayon at hindi pa raw nagigising ito, nang mabalitaan niya yun ay agad siyang nagpasya na umuwi ng Pilipinas para bisitahin ito."Saglit lang ako dun. Pag maayos na naman si Caleb babalik din ako dito agad." Lumapit siya sa akin at niyakap ako, "Mine, don't worry okay. Alam ko naman na gusto ka ring makasama ng pamilya mo dito hindi ba?"Ngumiti ako sa kanya. Alam ko rin kasing mamimiss ko siya ng sobra, halos dalawang linggo pa lang naman kami dito at isa pa sa nagpasaya sa akin ay ang pagpayag at pagtanggap ng pamilya ko dito sa kanya bilang asawa ko. Kasama na nga dun ang pagtulog na rin namin sa iisang kwarto.Maayos naman sana ang lahat kung hindi lang sa insidente ngayon. Nag-aalala din naman ako para sa pinsan niy
Rhia"WHATthe hell!" Nagulat ako at napabalikwas ng bangon. Nahihilo pa ako dahil sa biglang pagbangon ko. Nakita ko si Grig sa pintuan ng kwarto ko, mabuti na lang at nakakumot ako ng tumayo, "Lianne, what is he doing here?" Tanong ni Grig at itinuro si Jay."He slept here, isn't it obvious?" Sagot ko.Pinanlakihan niya ako ng mga mata, "That is not what I'm talking about!"Napakunot ang noo ko at umiling naman siya, "Get dress then we'll talk outside okay?"Tumango na lang ako sa kanya.Matapos magbihis ay lumabas na ako ng kwarto at nandun si Grig na tumitig sa akin na parang batang may nagawang pagkakamali na alam ko namang hindi mali dahil asawa ko ang nasa kama kong nahuli niyang kasama ko."You know the rules." Umirap ako sa kanya."I'm not a princess Grig nor a slave." Bumuntong-hininga ako, "There's nothing wrong with what you saw, we two are married.""Yes in the Philippines but
RhiaITOna naman. Madilim na naman ang paligid ko kaya ilang minuto akong pumikit ulit. Minasahe ko ang sintido ko.Agad akong nagmulat ng mata at nasilaw ako sa liwanag na nanggagaling sa bintana, tinignan ko si Jay sa tabi ko at hinaplos ko ang mukha niya. Payapa siyang natutulog ngayon. Naalala ko yung kagabi. He was rough, he gave it to me hard and fast pero hindi ko maitatangging nagustuhan ko yun.Naalala ko noon kahit isang halik man lang ay naiinis na ako pero iba na ngayon. Minsan ako na talaga ang nauunang mag-initiate sa kanya, wala namang masama dun dahil asawa ko siya.Sinuklay-suklay ko ang magulong buhok niya sa pagitan ng mga daliri ko. Nagsisimula na ulit humaba yun gaya ng dati. hindi ko napigilan ang sarili ko kaya't hinalik-halikan ko siya sa mukha.Naramdaman kong gumalaw siya at narinig ko rin ang mahinang boses ng pagdaing niya. Alam k