Rhia
ILANG beses na nag-sorry sa akin si Jay pero hindi ko na siya masyadong pinapansin, hindi na rin ako pumayag pa na siya ang maghahatid sundo sa akin lalo na pag wala siyang pasok. Hindi nalaman nila Mommy ang nangyari pero alam ni Rain at dahil doon ay hindi na rin nito hinahayaan si Jay na kausapin ako, pinagtatakpan ako ni Rain na wala sa bahay kahit pa nandoon lang ako sa kwarto at hindi lumalabas.
Kaya rin ako nasusundo ng driver dahil sinasabihan na rin ito ni Rain na sunduin ako agad pagkahatid sa kanya pauwi, ilang linggo ang lumipas pero ganoon pa rin ako kay Jay, malamig ang pakikitungo kahit pa nga nandyan sila Mommy.
Kahit nung pinakilala nila ako sa mga magulang ni Jay ay tahimik lang ako, kinakausap ko si Jay sa harap ng mga magulang niya o magulang ko pero pag kaming dalawa na lang ay iwas ako, siguro na-trauma ako sa ginawa niya, pakiramdam ko kasi ay uulitin niya yun, natatakot na rin tuloy ako para sa sarili ko lalo na pag kinasal na kami, hindi namin ganoon ka kilala ang isa't-isa, malay ko bang mas higit pa roon ang pwedeng maging pagseselos niya, naiisip ko baka maging battered wife ako.
Hanggang sa isang araw hindi na siya nagpakita sakin, siguro napagod na rin sa kasusuyo at kaso-sorry na hindi ko naman tinatanggap. Narealize siguro niya na nagmumukha na siyang tanga.
Dumating yung araw ng birthday ko, I am already 16 at isang buwan na lang ay ga-graduate na ako, nakita ko si Dan sa labas ng bahay kaya lumabas ako para kausapin siya. "Dan, bakit hindi ka pumasok sa loob? Merong pagkain dun saka-"
"Rhia, hindi na rin naman ako magtatagal eh, gusto ko lang sanang ibigay sayo ito," iniabot niya sa akin ang isang paper bag at sa loob noon ay mayroong pahabang kahon, binuksan ko iyon at isang ballpen ang naroroon, hindi lang iyon basta-basta ballpen dahil Mont Blanc ang tatak noon, napangiti ako. "Pasensya ka na sa nagawa ko nung birthday ko ah, lasing na kasi ako noon eh," kumamot ulit siya sa batok niya at ngumiti sa akin.
"Ano ka ba wala na yun sa akin," ibinalik ko sa paper bag yung regalo niya. "Nag-abala ka pa talaga saka alam kong mahal itong regalo mo ah."
"Graduation gift ko na rin kasi yan sayo, magta-transfer na kasi ako sa Cebu, 'di ba nasabi ko sa'yong lagi ng nandoon yung parents ko, inaayos kasi nila yung paglipat namin dun at doon na rin nila gustong tumira kaya dun ko na rin tatapusin ang pag-aaral ko," napatitig lang ako sa kanya, bahagya akong nakaramdam ng lungkot dahil siya na lang nga ang kaibigan ko rito sa village namin eh aalis pa siya.
"Kailan ang alis niyo?"
"Five days from now, ayos na rin naman ang lahat eh pati yung school na lilipatan ko roon at mga requirements ko, nagpunta lang talaga ako rito para magpaalam at iabot sayo yan, pakisabi na lang kayla Tita at Tito, at salamat din sa pagkakaibigan," lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa noo. "Pakisabi rin kay Jay sorry, nahihiya na rin ako sa kanya eh, sana maging masaya kayo."
Tumango na lang ako at muling ngumiti. "Mag-iingat ka ah, have a safe trip."
Hinawakan niya yung kamay ko. "I hope he takes care of you," sabi niya bago ako binitiwan at naglakad na palayo, nalulungkot ako na may mawawalang taong importante sa buhay ko pero sabi ng iba ganito raw talaga ang buhay, maybe some people leave because they are not meant to stay forever with you.
Wala naman akong engrandeng party dahil yun na rin ang request ko, kaya nga sa bahay lang may simpleng handaan, mga kapamilya lang namin at ibang kaibigan at classmates ko galing sa school ang imbitado. Nagsiuwian na sila ng dumating ang gabi pero may isang tao na hindi pumunta, nakatingin lang ako sa labas habang nakaupo sa tapat ng salamin ng kwarto namin. "May hinihintay Ate?"
Napalingon ako kay Rain at umiling, tumango naman siya at hindi na nangulit pa, marahil pagod na rin siya dahil maya-maya lang ay nakatulog na siya, lilipat na rin sana ako sa kama nang may narinig ako, nagring yung telepono sa kwarto namin, agad kong dinampot yun para sagutin baka kasi magising si Rain. "Hello."
Napaisip ako, it's almost one in the morning pero may tumawag pa rin sa telepono namin, hindi pa kami nagkakacellphone dahil hindi pa kami pinapayagan nila Mommy at Daddy, monitored kasi talaga bawat galaw namin kaya kahit anong century na ay telepono pa rin ang gamit namin, sabi kasi nila Mommy hindi naman namin pa kailangan ng cellphone kasi may driver naman kami at hindi nga kami pinapayagan pag mga kaibigan lang ang kasama, kailangan pa talaga may kasamang yaya, buti pa yung yaya may cellphone para ma-contact daw nila Mommy. Ang problema nga lang ilang taon na ako kaya nakakahiya ng may kasama laging yaya lalo na kung kasama ang mga classmate ko kaya tuloy hindi rin ako nakakasama.
"Hello," ulit ko ng hindi sumagot ang nasa kabilang linya. Parang pinakikiramdaman ako, "Hello? Kung hindi ka sasagot ibababa ko na ito, pwede ba anong oras na huwag nga ho kayong nanti-trip."
"Wait Rhia," mahina pero malinaw kong nadinig ang pagsasalita niya, hindi ako nagkakamali, boses ni Jay yun, ngayon ko lang narealize na namiss ko pala siya, ngayon lang na narinig ko ang boses niya. "Rhia, tumawag lang ako para sabihin na happy birthday."
Napaupo lang ako sa kama habang nasa tapat pa rin ng tenga ko ang telepono, gusto kong itanong kung bakit hindi siya pumunta sa birthday ko, kung bakit tumawag lang siya, kung bakit ngayon lang ulit siya nagparamdam pero nahiya na akong sabihin pa yun matapos yung ilang beses na pagbabalewala ko sa kanya.
"Salamat," tipid na sagot ko, narinig ko ang pagbuntong-hininga niya sa kabilang linya.
"Gusto ko rin na mag-sorry ulit, na-realize ko na mali yung ginawa ko at sobrang mataas lang yung emosyon ko nung panahon na iyon, but that wasn't enough to justify what I did, maling-mali ako at sana mapatawad mo pa ako, sorry din para sa abala, pasensya ka na kung tumawag ako kung kailan madaling-araw na, gusto ko lang talagang batiin ka kahit medyo nahuli na," gusto kong sabihin na hindi siya abala, gusto kong kausapin pa siya at kamustahin, hindi ko alam bakit ganito ang nararamdaman ko, hindi ko maipaliwanag. "S-sige bye."
Magsasalita na sana ako kaso narinig ko ang tunog sa kabilang linya na senyales na binaba na ng kausap ko ang tawag. Ibinaba ko na rin ang telepono pero ilang minuto akong nakatitig dun. Andami kong iniisip gaya ng ano bang nangyayari sa akin? Ano bang mangyayari sa akin after high school, sabi nila Mommy at Daddy na digital arts daw ang kunin ko, hindi ko pa pala nasasabi na ang business namin ay about photography, meron kaming mga professional photographer sa kumpanya, minsan ay hina-hire kami ng isang magazine company na mag-assign ng isang professional photographer para sa gusto nilang pakuhanan, minsan artista, minsan lugar, minsan building structures at kung ano-ano pa.
Doon ko nalaman na kaya pala nagkakilala ang parents ko at ni Jay dahil may-ari ang pamilya nito ng Simonne Clothings at kami ang naka-assign sa pagpicture sa mga models nila, sa mga items nila at iba pa, sa kung paanong siya ang naging fiancé ko ay hindi ko alam.
Hindi ko napansin halos isang oras na pala ang lumipas pero nakaupo pa rin ako sa gilid ng kama. Nahiga na ako at pinilit makatulog.
Stop thinking about him Rhia, pilit kong pangungumbinsi sa sarili ko, walanghiyang lalaking yun, si Dan nga na aalis hindi ko masyadong iniisip pero siya itong ni hindi nagpakita sa birthday ko, siya pa itong mas iniisip ko samantalang tumawag lang naman siya.
Nagising ako kinabukasan ng may iabot sa akin si Mommy, isa iyong bouquet ng red and white roses, may note din na nakalagay, napairap ako ng mabasa iyon.
Happy Birthday. -Jay
Parang gusto kong itapon yung mga bulaklak kung wala lang sa harap ko si Mommy. "Anak ang ganda nila hindi ba?"
Napatango at ngiti na lang ako, sumalo na ako sa kanila ni Daddy sa breakfast at naghanda na sa pagpasok, iniisip ko pa rin siya, nakakabwisit na talaga, bakit ba mas iniisip ko pa siya? Late na nga siyang nagpadala ng gift sa birthday ko tapos hindi pa siya pumunta at binati ako sa card at telopono lang tapos iniisip ko pa siya.
Habang papasok ay nakita ko yung fast food kung saan kami nag drive-thru dati, I can't help but feel sad. "Mang Leo ano ba yung pakiramdam na lagi mo siyang iniisip, pag naiisip mo siya medyo may lungkot kang nararamdaman?"
"Bakit niloko ho ba kayo Ma'am?" napalingon ako sa sinabi niya at napakunot-noo sabay iling, tumitig siya sakin sa rear view mirror. "Eh ano ho ba Ma'am?" bumalik na ang tingin niya sa daan.
"Yung taong matagal ng 'di nagpapakita sayo."
Ngumiti si Mang Leo. "Eh namimiss niyo ho, sino ho ba iyan Ma'am?" tanong niya sa nang-aasar na tono.
Umiling ako. "Wala po, kaibigan ko lang na matagal ko ng 'di nakikita."
Miss? Yun ba ang nararamdaman ko para kay Jay, yung bastos na mayabang na antipatiko na yun nami-miss ko ba? Parang mas nakakalungkot isipin yun, bakit ba kasi ito ang nararamdaman ko para sa kanya?
SUMAPIT na nga ang graduation ko, alam ko na rin kung saang school ako mag-aaral pero parang may kulang sa buhay ko, ngayong graduate na ako narealize ko na buti pa yung mga kaibigan ko, may kalayaan silang pumili at mag-desisyon para sa sarili nila, may kalayaang pumili ng course na gusto nila sa gusto nilang school, unlike me na planado na ang buhay pati ang papakasalan.
Nasasakal. Yan ang tamang sabihin, nasasakal na ako sa buhay na ito, ni hindi ko man lang na-enjoy high school ko, masaya ako dahil may mga kaibigan ako pero hindi talagang na-enjoy dahil nga sa mga events na hindi ako pinapayagan nila Daddy at Mommy kung walang chaperone pero kahit papaano okay naman ako at naka-graduate na ako, isa sa benefits nun ay magkaka-cellphone na ako at medyo, take note medyo magiging maluwag na ang parents ko sa akin, siguro nga ay dahil college na ako.
Luminga-linga ako sa paligid nang matapos na ang ceremony, nagpapa-picture kaming buong pamilya sa isa sa mga photographer namin.
Iniabot ni Mommy sa akin ang brand new phone, si Rain naman ay isang klase ng magandang camera, sabi niya pinag-ipunan niya raw yun kaya naman na-touch ako at 'di napigilan na yakapin siya. "Ate mag-isa na lang ako sa school."
Tinawanan ko siya. "Ok lang yan ano ka ba? Kaya mo yan, ako rin naman mag-isa sa bago kong school ah pero kaya natin di ba?" tumango na siya.
Sabi ni Daddy na yung gift niya ay mga kakailanganin ko sa pag-aaral ng digital arts at nasa bahay na daw yun, may lumapit sa aking guwapong lalaki at nakatulala ako ng may iabot siyang susi.
"Ahmm ako nga pala yung pinsan ni Jay, Gabriel Simonne, Gael na lang," kung sinabi ko dati na hindi ako magugulat kung si Angel Gabriel si Jay ay ganun din ang naisip ko dito sa lalaking nasa harap ko, mas gwapo si Jay pero mas maamo ang mukha niya, nagulat ako ng nasa harap ko na si Rain.
"Kuya ilang taon ka na po?"
"Sixteen," sagot niya, ka-edad ko lang pala siya, ngumiti siya na parang naiilang pa.
"Ahh baka may fiancé ka na rin ah, pwedeng ako na lang?" tanong ni Rain na agad kong sinabunutan. "Aray!"
"Hindi ka pa nakakagraduate tandaan mo., bulong ko kaya naman medyo pumormal siya. Humarap na ako kay Gael. "Pasensya ka na sa kapatid ko ah, si Jay?"
Luminga ito sa paligid. "Nandito lang siya kanina eh, simula pa lang ng ceremony nandito na kaso wala siya ngayon," inilagay na nito sa kamay ko yung susi.
"Para saan ito?" tanong ko at tinitigan ang susi.
"Yung talagang regalo nasa labas, yan lang yung susi, graduation gift daw sayo ni Insan, pinaabot niya," hinila na ako ni Rain para lumabas ng at tignan kung ano yung regalo, maging sila Mommy ay na-excite.
Paglabas ay nakita ko ang isang maliit na sasakyan na kulay puti, sabi ni Daddy isa raw yung Mini Coooper S, namangha ako at agad kong sinakyan kaso naalala ko na wala pala akong driver's license at hindi ko pa alam kung paano mag-drive.
"Tuturuan ka daw ni Jay kung gusto mo," napalingon ako sa labas, si Gael yung nagsalita, ngumiti ako sa kanya.
"Bakit wala siya? Bakit umalis siya kaagad?" nagkibit-balikat ito at nagpaalam na, sabi ni Daddy siya na lang daw ang magda-drive muna nun dahil isang sasakyan lang naman ang dala namin at ang nag-drive papunta sa venue ng graduation ay si Mang Leo.
Nang makauwi ay napapangiti ako habang hawak ang susi ng kotse, wala akong pakialam sa mga digital arts equipment na regalo ni Daddy, agad kong kinuha ang cellphone ko sa box, sabi ni Mommy may sim card na daw iyon at nandun na ang number nila, iniisip ko na baka nilagay na rin nila dun ang number ni Jay kaso nadismaya ako ng sa mga katulong, driver at sa kanila lang ang nandun. Hindi ko rin matatawagan si Jay gamit ang telepono dahil cellphone ang pinantatawag niya at hindi ko nga memorize ang number niya.
Gusto ko sanang magpasalamat sa kanya kaso hindi ko alam kung paano, Bakit ba kasi hindi nagpapakita yung mokong na yun sa akin?
Hindi naman ganun kahirap ang first day ko sa college kagaya ng iniisip ko, sa college kasi wala ng masyadong maaarte, yun bang parang matagal na kayong magkakakilala, siguro kasi yung iba nga sa amin ay mas mature na o yun bang nasa proseso na ng pagmamature, minsan lang talaga namimiss ko yung mga classmate ko nung high school.
Ibang-iba ang school ko ngayon sa konserbatibong school ko dati, dito kasi ayos lang magpakulay ng buhok, suotin ang kahit anong gusto mo at dahil nga nasa isang art school ako, isa sa itinuturing na art ay ang katawan ng tao kaya merong mga estatwa ng lalaki o babaeng hubad pati na sa mga paintings. Malayo sa nakasanayan kong all girls catholic school na meron pang 10 commandments na nakalagay sa stone tablets, parang isang replica tapos may mga bible verse sa wall sa bawat floor. Bawal din dun ang maingay at nagtatakbuhan sa hallway pero dito mas masaya dahil rinig na rinig kong nagkakatuwaan ang ibang estudyante.
Nung una naninibago talaga ako pero natutunan ko ng mag-adjust, nagkaroon ako ng isang kaibigang babae, may mga kaibigan din naman kami kaso ibang course at nakakasama lang namin pag sabay-sabay ang oras ng break pero si Zyrene ang palaging kasa-kasama ko.
May mga oras na pakiramdam ko naa-out of place ako sa kanila, lalo na sa mga usaping napaka-inosente ko yata, isa sa example ay ang katawan ng tao. Dahil nga digital arts student ako ay hindi naman namin masyadong ini-intindi ang ganung bagay pero yung iba kasi sa mga kaibigan namin ni Zyrene sa ibang course ay tinatalakay ang mga ganung bagay. Hindi ko alam kung bakit naiilang akong pag-usapan yung mga ganun samantalang si Zyrene open lang sa mga ganung bagay. Siguro kasi nahihiya ako, wala kasing masyadong nakapagpaliwanag samin ni Rain ng mga ganung bagay habang lumalaki kami, kumbaga kami na lang ang nakakatuklas ng mga ganun.
Isa na rin sa nalaman ko rito ay yung mga bagay na patungkol sa sex. Minsan may mga tsismis pa kasi na may milagro daw na nangyari sa ganitong lugar, nakita daw sa CCTV yung mga estudyante. Hindi ko pa nga alam ang ibig sabihin ng milagro nun kaya tinawanan ako ni Zyrene.
Natapos ang halos dalawang sem at nasasanay na rin ako pero may isang bagay pa rin na gumugulo sa isip ko, hindi ko pa kasi nagagamit yung sasakyan ko. Napabuntong hininga ako habang tinititigan yung susi ng kotse ko na kahit kailan ay hindi ko pa na-drive, pakiramdam ko mabubulok na lang yun eh, parang dinisplay ko lang. Ang totoo kasi niyan gusto ko na siyang makita, si Jay.
Sinabi na ni Papa na kapag may free time siya ay siya mismo ang magtuturo sa akin at sasamahan akong kumuha ng driver's license pero sabi ko ayoko. Siguro kasi umaasa ako dun sa pangako niya na siyang magtuturo sa akin.
"Bakit kasi hindi magpakita eh," inis kong ibinato yung susi sa dulo ng kama. "Kailan pa ako matututo pag asawa mo na ako?" para akong tangang kinakausap yun susi ng kotse.
Siguro sobrang naiinis lang ako dahil hanggang ngayon ay si Mang Leo pa rin ang naghahatid sundo sa akin imbes na nakasasakyan na sana ako.
Hindi ko alam bakit ganito ako. Pwede ko namang hingin yung number niya sa parents ko pero nahihiya ako, hindi ko rin naman alam kung saan siya nakatira at ayoko ring itanong sa parents ko.
Ang dami kong hindi alam tungkol kay Jay, ni hindi ko nga alam yung course o birthday niya, nalulungkot akong isipin yun.
Kinaya ko naman ang college ang bakasyon na ngayon, sabi ni Mommy pwede akong mag-advance pero sabi ko pahinga ang gusto ko dahil kahit sabihing masaya sa school ay nakakapagod pa rin. Lagi na rin kasi akong nagpupuyat simula nung nag-college ako.
"Graduation pala ni Jared ngayon hindi ba?" narinig kong sabi ni Daddy kay Mommy. Lihim kasi akong nakikinig sa usapan nila.
"Oo nga pala, pumunta kaya tayo mamaya ng hapon iyon hindi ba?"
"Sasama ba si Rhia?" nakita ako ni Daddy na lumabas ng kitchen namin, nagkunwari akong wala akong narinig at kumuha lang ng juice at sandwich. "Rhia anak, gusto mo bang sumama sa amin sa graduation ni Jay."
Lumingon ako kay Daddy at tumango. "Sige po."
NAHALATA ni Rain na kinakabahan at excited ako kaya inasar na naman ako habang nandito kami sa kotse, mabuti na lang at si Mang Leo lang ang nandito, nauna na kasi sila Mommy sa amin. "Ate ikaw ba ang ga-graduate? OA nito."
Tumitig ako sa kanya. "Pinagsasabi mo diyan?"
"Ilang oras ka bang nagpaganda kaya tayo nahuli? Gaano katagal ka rin bang pumili ng damit samantalang andami-dami mong damit na maganda. Ate manonood lang tayo pero bakit todo paganda ka diyan?" nakita kong napangiti si Mang Leo sa pamamagitan ng rear view.
Sinabutan ko si Rain. "Ang gaga mo, syempre dalaga na ako, eighteen na nga ako next year 'di ba? Natural lang sa aking mag-ayos at magpaganda."
"Aray Ate! Hindi ka na takot mag-bad word ah, iba ka na talaga nag-college ka lang," tatawa-tawang tinanggal niya yung kamay ko sa buhok niya at binatukan ko naman siya.
"Tumigil ka nga diyan."
"Nandito na po tayo mga Ma'am," sabi ni Mang Leo.
Bumaba na kami ng kotse at parang ako talaga ang ga-graduate, mas iba pa nga ang pakiramdam ko ngayon kumpara nung ako yung grumaduate nung high school.
Sa dami ng tao ay hindi na namin nahanap sila Mommy, ang laki din kasi ng lugar kaya umupo na lang kami ni Rain dun sa magkatabing upuan na bakante. Nagsisimula na pala yung ceremony, nagtext si Mommy sa akin na nagtatanong kung nasaan na kami, nagreply ako na nasa venue na kami at hindi lang namin sila mahanap.
Nakaupo kami sa malapit sa gilid, malapit sa mga estudyanteng nagmamartsa sa papunta sa taas ng stage. Napangiti ako ng makita ko si Jay sa stage na nagsasalita, siniko ako ni Rain at sinabing. "Mas gumwapo yung fiancé mo Ate."
Oo nga, mas gumwapo siya, mas tumangkad, mahaba pa rin ang buhok niya pero nakaayos naman ito, tuwang-tuwa ako na makita siya, nakatitig lang ako sa kanya kahit nung nasa inuupuan na niya siya, nasa mataas na bahagi kami kaya siguro hindi niya ako napapansin pero sa kanya lang talaga ako nakatingin.
Cum laude pala siya at mas ikinatuwa ko pa yun, natapos yung seremonyas ng graduation, nagkita kami nila Mommy sa labas at sinabing may celebration daw sa bahay nila Jay, sa wakas malalaman ko na rin kung saan siya nakatira.
Nauna na sila sa bahay niya, nandun yung pinsan niyang si Gael at iilan sa mga kaibigan niya, hawak-hawak ko lang yung graduation gift na dinaanan namin kanina habang papunta dito sa bahay nila, hindi naman ito kasing gara nung grad gift niya nung grumaduate ako ng high school, isa lang iyong piraso ng neck tie na kulay blue.
Naghihintay lang ako sa isang tabi habang siya ay nakikipag-usap lang sa iba. "Rhia paturo ako sa pag-picture, balita ko kasi digital arts student ka."
Napalingon ako sa nagsalita, si Gael, ngumiti ako at tumango."Ano bang gusto mong matutunan?"
Kumamot siya sa batok niya. "May babae kasi akong gustong-gusto."
"Hoy! Invasion of privacy yan ah," tinuro ko yung mukha niya, sabay naman niyang itinaas ang parehong kamay.
"Hindi! Mali yung iniisip mo, bestfriend ko siya, gusto ko kasing makakuha kahit konting tips lang," ngumiti na ako at nag-explain sa kanya ng mga basics na alam ko. Madali lang naman talaga ang mag-picture but to bring art out of a picture is another story at iyon ang gusto niya kasing matutunan. Mas nakilala ko ang pinsan ni Jay, si Gael yung klase ng lalaki na harmless, yung masiyahin, di mapang-asar, hindi kagaya ni Jay.
"Sige Rhia ah, kailangan ko na ring umuwi eh," sabi niya sakin matapos ang halos isang oras na pag-uusap namin, pumunta siya kay Jay at nagpaalam, nakita kong tumango si Jay. Hindi pa rin siya tapos makipagkasiyahan dun sa ibang mga kaibigan niya. Napayuko ako at nalulungkot na hindi man lamang niya ako pinapansin, ni pinapakilala dun sa mga kaibigan niya.
Teka Rhia, ipakilala? Hindi ba dati ikaw nga itong ayaw na nagbabanggit siya ng fianceé ka niya o ipakilala man lang siya na fiancé mo sa mga kaibigan mo tapos ikaw gusto mong ganun ang gawin niya. Baliw ka ba? napapailing ako sa naiisip ko, pati sarili ko kinakastigo ko na.
Napatingala ako ng may mag-abot sa akin ng baso ng juice, si Jay nakatayo sa harapan ko. "Kanina ka pa hindi kumakain o umiinom man lang. Hindi ka ba nauuhaw?"
Ngumiti siya sa akin at napatulala lang ako, nilapitan na niya ako? Natataranta ako kaya bigla akong napatayo at dahilan para masanggi ko yung juice na iniaalok niya kanina sa akin, pareho kaming natapunan sa nagawa ko.
"S-sorry!" sabi ko, buti na lang hindi niya nabitawan yung baso, kinuha ko yun sa kamay niya at gamit yung panyo ko ay pinunasan ko yung suot niyang damit. "Sorry talaga hindi ko sinasadya."
Hinawakan niya yung kamay kaya napahinto ako at napatingin na lang ulit sa kanya. "Okay lang marami naman akong damit sa kwarto kaso basa ka rin eh."
Napatingin ako sa sarili ko, oo nga basa rin ang damit ko. Hinila niya ang kamay ko paakyat sa taas ng kwarto nila. "T-teka, anong gagawin natin?"
Ngumiti siya. "Magpapalit ng damit, merong cr sa taas, pwede ka magpalit doon."
Hinila ko yung kamay ko. "Ha? Eh ikaw na lang, wala namang magkakasya sakin."
"Meron halika na," hinila niya ulit ako kaya sumunod na lang ako, pumasok kami sa isang kwarto at tingin ko ay sa kanya yun dahil nga sa disenyo, malaki ang kwarto niya pero mas malaki yung sa amin ni Rain dahil nga dalawa naman kami, tama na ang laki ng kwarto niya para sa kanya.
Pumasok siya sa isa pang kwarto, tingin ko ay yun ang closet niya, lumabas siya dun na nakahubad na ng pang-itaas at may dalang dalawang paper bag, iniabot niya yun sa akin pero imbes na dun ako tumingin ay sa kanya, specifically dun sa abs niyang nakalantad sa aking inosenteng mga mata.
Gusto kong umiwas ng tingin pero hindi ko maiwasang hangaan ang katawan niya, pwede na nga siyang maging modelo ng mga fine arts o animation student sa school na kung saan ay ido-drawing nila ang katawan niya. "Rhia," natauhan ako sa pagtawag niya ng pangalan ko.
"Ha?" napatingin na ako sa paper bag sa harap ko, kinuha ko iyon. "Ano ito?"
"Para sayo, magbihis ka na," tumango ako at tiningnan ang laman ng paperbag, parehas dress, yung isa ay kulay puti, yung isa naman ay parang carnation pink. "Gift ko sana sayo nung nakaraang dalawang birthday mo, hindi ko lang naiabot."
Tinignan ko parehas yung damit, ang galing pati sukat ko alam niya, sukat na sukat para sa akin yung damit. "Salamat, bakit nga ba hindi ka pumunta nung birthday ko tapos pinaabot mo lang dun sa pinsan mo yung gift mo nung graduation ko?"
Nagbihis na siya. Sayang hindi ko na kita yung mala adonis na katawan niya pero ayos lang nandyan pa naman yung gwapong mukha niya. Ang landi ko lang!
"Nandun ako, kahit sa birthday mo."
"Talaga?" nag-isip ako, wala naman akong maalala na nakita ko siya. "Bakit hindi ka nagpakita sa akin?"
"Natakot ako, baka kasi galit ka pa sakin saka nung birthday mo nakita ko kayo ni Dan," tumingin siya sa akin na parang may lungkot sa mga mata.
"Ahh yun ba, nagpaalam lang siya sa akin," saglit na katahimikan ang namagitan sa amin. "Sabi niya pala sorry daw, nag-sorry din siya sa akin," hindi pa rin siya nagsasalita kaya nailang na ako. "S-sige magbibihis na ako, saan dito yung cr mo?"
May itinuro siyang pinto kaya agad akong pumasok dun at nagbihis, tiningnan ko yung mga gamit na naroon, maayos, halatang maayos siya sa sarili at inaalagaan niya rin ang pangangatawan, napangiti ako.
Akala ko sa paglabas ko ay wala na siya pero hinihintay niya lang pala ako, nakatayo siya sa tapat ko. "Rhia, sorry ulit, napatawad mo na ba ako?"
Natawa ako sa sinabi niya. "Ang tagal na nun ano ka ba, wala na sa akin yun."
Parang nagliwanag naman yung mukha niya sa sinabi ko. "Salamat."
"Masyado lang siguro talaga akong nag-OA nun, pagpasensyahan mo na medyo isip bata pa ako nun," bahagya siyang tumawa, yung tawa niya na tingin ko ay namiss ko ring marinig.
"Eh ngayon ba, hindi kaya isip bata pa rin," sinuntok ko siya ng mahina sa balikat.
"Hindi ah!" tumawa na rin ako, ngayon mas kumportable na ako sa kanya.
"Anong graduation gift mo sa akin?" tanong niya.
"Kapal mo ah!"
"Bakit wala?" sumimangot siya at iniabot ko yung regalo ko.
"Pasensya ka na ah, hindi kasing gara nung grad gift mo sa akin kasi hindi ko alam yung dapat na iregalo sayo eh."
"Ok lang ito, masaya ako ngayon, ang saya-saya ko, salamat," yumakap siya sa akin kaya nagulat ako,."Salamat sa gift mo, Rhia."
Yumakap din ako sa kanya at napangiti. "Eh ikaw kahit kailan 'di ko pa nagamit yung grad gift mo, paano nangako ka sa akin na ikaw magtuturo sa akin."
"Sorry ah, akala ko kasi galit ka pa rin saka naging busy na rin ako sa school."
May narinig kaming tumikhim, doon lang namin narealize na magkayakap pa pala kami kaya bigla kaming naglayo, si Rain pala nakatayo sa labas ng kwarto habang hawak ang pintong nakabukas. "Ate, hinahanap na nila kayo."
"Ah s-sige Jay," ngumiti siya sa akin at ako rin, lumabas na ako ng kwarto kasabay si Rain.
"Ikaw ate ah, napatawad mo na?" ngumiti lang ako sa kanya at bumaba na.
RhiaNATUTOakong mag-drive dahil kay Jay. Dahil nga hindi pa ako eighteen kaya student's license muna ang kinuha ko, mas nakilala ko si Jay, mabait din naman siya at maalaga, ramdam ko yung habang tinuturuan niya ako, tinutukan niya talaga ako hanggang sa matuto. Ngayong graduate na siya ay tine-train na siya na para pag pinamana na sa kanya yung business nila ay handa na siya.Minsang nag-usap kami ay sinabi niyang may mga gusto rin siya para sa sarili niya, gaya ng pagtatayo ng sariling business pero hindi raw niya tatalikuran ang tungkulin niya sa pamilya nila bilang isang Simonne, sa mga ganung pag-uusap namin kaya napansin ko na sobrang mayaman sila dahil lagi ngang laman ng mga magazine ang hotel na ipapamana naman daw sa pinsan niyang si Gael, ang Hotel Simonne, meron pa nga silang sariling island na Isla Simonne ang pangalan, isang sikat na designer naman ng mga male clothings ang pinsan niyang si Caleb, l
Rhia "IKAKASALka na Ate. Maiiwan na akong mag-isa rito sa kwarto," malungkot na sabi ni Rain, ilang araw na ang lumipas mula nung debut ko pero parang pareho pa rin kaming gulat at hindi matanggap ang nangyayari. "Ganun ba sila kaatat na ikasal ka?""Ewan ko. Hindi ko naman sila tatakbuhan eh, wala naman akong ibang sinasabi. Payag na nga ako eh pero hindi ko inisip na ganun kabilis Rain," napahawak ako sa buhok ko at ginulo. "Mababaliw na yata ako Rain, apat na araw na akong hindi pumapasok kasi ayokong kulitin din ako nila Archie at sigurado akong yung ibang kaibigan namin alam na rin yun. Hindi ko alam kung ano rin bang isasagot ko sa kanila."Yumakap sa akin yung kapatid ko. "Sorry Ate wala akong maitulong sayo."Tinignan ko siya at ngumiti ako ng tipid. "Wala ka namang kasalanan rito eh."ANG mahirap pag gali
RhiaKAMIna ni Jay? Ang saya-saya kanina, nalito kasi ako sa tanong niya, pakiramdam ko mababaliw na ako. Kung kailan pa isang linggo na lang bago kami ikasal doon pa naging kami officialy.Ang weird talaga at yung kanina. Hinayaan ko siyang halikan ako at hindi lang basta halik kundi pinayagan ko rin siyang hawakan yung dibdib ko. Geez! Ano na bang nangyayari sa akin? Napahawak ako dun sa labi ko at naisip ko na naman yung nangyari kanina.Tama ba yun? Nagpahalik ako sa kanya, ok lang naman yata kasi magiging asawa ko na siya. Gumulong ako sa kabilang dulo ng kama at napakagat-labi, kanina kung hindi lang nag-ring yung phone ko kasi tumawag si Mang Leo, bakit daw may missed call ako sa kanya? Sa tingin ko hindi pa dapat eh, una kasi yung batang kumatok tapos si Mang Leo tapos hahalik pa sana ulit siya sa akin eh kaso si Rain naman yung tumawag na na umuwi na daw ako kasi dumating na
RhiaTODAY is the big day. I am really getting married. Hindi ito isang panaginip lang at ilusyon, nasa isang kwarto ako at katatapos lang ayusan. May kumatok sa pinto at binuksan ito ng ibang kasali sa pag-aayos sa akin.Sila Rain at Zyrene, "Ang ganda mo namang bride." Napangiti ako sa papuri ni Zyrene. Kita ko naman sa mga mata ni Rain ang pagkalungkot."Rain?" Nagbigay siya ng tipid na ngiti sa akin. Lumapit ako sa kanya at yumakap, narinig ko ang bahagyang paghikbi niya, "Ssshhh tigil na mamaya mabura pa make up mo, ayokong mag-iyakan tayo dito, kasal ko hindi lamay ah." Pagbibiro ko."Sorry Ate ah, kasi kahit ako hindi pa handa na ibigay ka." Natawa ako sa sinabi niya."Little sister hindi naman ako mawawala eh." Nagpout siya kaya tinampal ko ang noo niya."Basta 'wag ka munang magbe-baby ah.""Sira ka talaga!" Ngumiti na siya sa akin, "Sige na baka hinahantay na tayo ng Kuya Gwapo mo o baka gusto mo lang isabotahe kasa
RhiaISANGlinggo na rin kaming kasal ni Jay at kahit papano ay maayos naman ang pagsasama namin, wala pa ring nangyayari sa akin at hindi naman niya ako kinukulit sa bagay na yun."Kamustang bagong kasal?" Narinig kong sabi ni Zyrene na kasama si Archie, siguro kasi ay magbabayad na rin sila ng tuition fee for next sem dahil next week lang ay balik school na naman. "Kamustang honeymoon?""Ui girl malaki ba?" Hinampas ko nga sa noo si Archie sa lakas ng boses."Pinagsasabi mo diyan? Ikaw ah may atraso ka pa na yung ginawa mong wedding gift ay PT kit tapos ganyan ka pa." Inis na sabi ko, tumawa lang sila parehas. Sinundan sundan pa ako ng dalawa para kulitin pero nung huli wala din naman silang napigang impormasyon sa akin.~~~~"Busy?" Tanong ko Jay habang nakatutok siya sa laptop niya, lumingon siya sa akin ang ngumiti."Medyo." Ibinaba ko ang kape sa tapat niya, "Thank you Misis ko." Kumindat pa siya s
Rhia"HOYblooming siya!" Bati sa akin ni Archie pagpasok ko sa school matapos ang halos dalawang araw na di ko pagpasok dahil sa sakit ng katawan at ng ano ko. Basta alam kong alam niyo na yun eh. "Girl huwag mo sabihing nadiligan ka na kaya di ka pumasok kasi bitin." Tumili-tili pa siya kaya tinakpan ko na yung bibig, ang ingay-ingay niya kasi nakakahiya."Huwag mong sabihin na may pinoproblema ka na naman kaya ganun?" Tanong naman ni Zyrene.Tinanggal na ni Archie yung kamay ko sabay harap kay Zyrene, "Ateng kung may problema yan kanina pa busangot o parang nilamukos ang mukha niyan, eh kita ng nasa malayo pa lang pang close up commercial na ang smile, napaka nega nitong chaka na ito.""Chaka ganun?" Sinabunutan nito si Archie kaya natawa ako."Aray ateng mas maganda pa ang hair ko kaysa sa fes mo kaya wag mo sirain yan naku!""Ang arte mong bakla ka." Sabi ko dito."At aba si Ateng absenera makama ar
RhiaTINIGNANko si Jay habang mahimbing pa rin siyang natutulog, humalik ako sa pisngi niya bago nagbihis at lumabas ng hotel room namin.Pumunta ako dun sa poolside garden kung saan kami nag-usap noon ni Jay, yung debut ko at kinabukasan ay birthday niya, napapangiti ako pag naiisip yun, yung gift ko pa kasi sa kanya noon ay kiss. Wala pang katao-tao dahil siguro maaga pa."Alam mo ba nandito yung isa sa mga Simonne, yung si Jay Simonne daw, yung ano poging model nung Simonne Clothings. Ang gwapo niya grabe." Rinig kong boses nung isang babae sa di kalayuan, napalingon ako at nakita ko siya at dun ko nalaman na isa siya sa mga hotel staff, may kasama siyang isang lalaki na alam kong katrabaho niya base sa uniform na suot nito."Eh di ba may asawa na yun? Balita ko kasama rin niya yung asawa niya kaya magtigil ka nga, kinikilig ka pa diyan." Sagot naman nung lalaking kausap nito, tama nga naman, pagnanasahan niya pa yung as
RhiaIBINABAniya ako at itinulak palayo, "Shit! Why did I even kiss you?" Sabi niya sabay tinampal ang noo. Nasaktan ako sa sinabi niya."Jay." Lalapit pa sana ako pero lumayo lang siya, ibang Jay na ang nasa harap ko ngayon, hindi lang ang itsura niya ang nag-iba, ang dating mahabang buhok ay maikli na lang ngayon pati ang paguugali at paraan ng pagtrato niya sa akin, hindi na siya yung Jay na sweet, maalaga, malalahanin at higit sa lahat yung Jay na mahal na mahal ako, ang nakikita ko na lang ngayon ay yung lalaking galit sa akin."Shut up Rhia! Sinabi ko na di ba, umalis ka na!""Jay, hindi ka man lang ba makikinig sa akin?""Anong dapat kong pakinggan? Kung paano ka nabuhay sa ibang bansa nung iniwan mo ako? Save it for yourself Rhia, dapat noon pa sinabi mo na yang mga sinabi mo nung gusto ko pang marinig, hindi na ngayon.""Jay please, patawarin mo ako, I will make it up to you.""Rhia
Jay Ican see Rhia crying right now. Tinititigan ko lang siya habang nakatitig sa malaking monitor sa kasal namin ngayon. Yung laman ng USB na tinago ko sa kanya ang nagpi-play ngayon. Lumapit ako sa kanya pero tinampal niya ang balikat ko, "Bakit ngayon lang?" Niyakap ko na siya. "Bakit ngayon pa sa kasal natin?" Umiiyak siya sa bisig ko, "Nakakainis ka naman eh, baka ang pangit ko na eh." Natawa ako sa sinabi niya, maging ang Mommy niya na karga-karga si Janelle at si Rain ay umiiyak din, may iilang bisita kaming galing ng Pilipinas ang naiiyak din. Yung kasal namin ay ginanap pa rin sa Alsace gaya ng naunang plano na namin at ang mga naimbitahan lang ay yung mga taong malalapit sa amin gaya ng mga pinsan ko at asawa nila. Sa mismong Vauclain castle ito ginanap at para kaming mga prinsesa at prinsepe sa mga suot namin dahil ito na rin ang napili naming theme na babagay para sa lugar na i
RhiaWELLI guess hindi ko na kailangang malaman pa ang sasabihin ni Jay dahil sa paraan pa lang ng pagkakahalik niya sa akin ngayon ay alam ko na, "I miss you wife." He said in between kisses.Hindi ko namalayan na nakalapat na pala ang likod ko sa wall art na kanina lang ay tinitignan namin, "Jay." Napatingin ako sa paligid, kokonti na lang ang tao pero ayoko naman na makaagaw ng pansin, "Huwag dito." Hinila niya ako papunta sa isang kwarto at tumigil sabay tingin sa akin."May tao nga pala sa loob." Nangunot ang noo ko."Tao?" Lumayo ako sa kanya,"Huwag mo sabihing may dinala kang iba?""What?" Napasigaw na siya, "Hindi! Si Caleb kasama niya si Tracy.""Tapos?""Alam mo na yun." Sabi niya na parang natatawa pa at doon ko lang na-gets ang ibig sabihin."Hindi ba?" Sabay na rin kaming tumawa.~~~~~Isinama niya na ako pauwi sa bahay niya, sandali lang, kung iisipin bahay na rin nami
JayANGtagal na simula nung magkita kami at hanggang ngayon hinihintay ko pa rin siya.I'm giving Rhia the time to heal. Hindi ko kasi alam kung makakabuti ba sa kanya na nandun ako pero sinisiguro ko naman na maayos siya, sila ng anak ko.Kinausap ako nung Daddy niya, nalaman ko nun na siya na ang magdo-donate para kay Rhia at nalaman ko rin nun na may malala siyang sakit.Ang hirap-hirap lang sa kalooban ko na wala akong makagawa para sa mga taong importante sa akin, una kay Caleb na naka-coma, pangalawa kay Rhia at sa kundisyon niya noon, pangatlo kay Daddy na tumayo ng pangalawang ama ko at unti-unting pinapatay ng cancer.Nung makita ko siya sa hospital bed awang-awa ako sa itsura niya na parang gusto ko na lang ipikit yung mga mata ko para hindi ko makita, malaki yung pinayat niya at alam kong pagod na rin siya sa pakikipaglaban sa sakit niya."Jay alam ko naman kaya mong gawin ito pero sasabihin ko
RhiaHINDIko mapigilan ang sunod-sunod na pagdaloy ng luha ko.Just when I thought I am in the worst situation now hindi pala."Dad, we can't let you go." Sabi ko sa kanya habang hawak ko ang kamay niya.Isa din sa inilihim nila Rain at Mommy sa akin ay ang kundisyon ni Daddy. Sabi nila nasa business trip siya pero ang totoo matagal na siyang nandito sa ospital.Nung araw na umalis kami papuntang France, yun din daw yung araw na dinala ni Mommy si Daddy sa ospital, matagal na siyang nandito pero hindi nila sinabi sa akin dahil ayaw nilang mag-alala ako.Nung una si Mommy lang ang nakaalam pero dahil sa napansin na rin ni Rain na hindi na pumapasok si Daddy ay naghinala na siya. Ayaw pa sana nilang sabihin sa akin ang kalagayan ni Daddy dahil alam nila na mas lalo akong malulungkot at alam din nila na buntis ako.Kung pa siguro hiniling ni Daddy na makausap ako ay itatago nila talaga ito sa akin. Isa din
JayKAILANGANmalaman ng pamilya ni Rhia ang tungkol sa kalagayan niya dahil mas mahihirapan akong sabihin sa kanila yung kung mas patatagalin ko pa pero bago ko magawa yun kailangan ko munang sabihin na kay Rhia na matagal na rin niya akong kasama para maiuwi ko na siya sa Pilipinas.Tungkol naman sa resulta ng test sa akin, kung sakali man na magkamatch kami ng cornea ni Rhia ay mabuti ng kasama niya ang pamilya niya at sa Pilipinas gagawin ang surgery dahil may mga magagaling na doctor naman na kayang gawing successful yung magiging operasyon.Nakatayo lang siya ngayon sa terrace. Kung iisipin para siyang nakatingin sa kawalan pero alam ko na may malalim siyang iniisip. May dala siyang tasa, umupo siya at inilapag iyon sa tabi niya.Nakita ko ang pangungunot ng noo niya ng lumuhod ako sa tapat niya para pagmasdan siya. Natabig ng kaliwang kamay niya yung tasa kaya sa pagkagulat ay nasalo ko yun, nagulat ako ng hawakan niy
JaySOBRAna ang pag-aalala ko para kay Rhia. Alam kong may mga itinatago siya sa akin."Grig please tell me!" Ilang beses ko ng nasisigawan ang pinsan niya sa telepono dahil alam kong maging siya ay marami ding itinatago sa akin."I'm sorry Jay but I promised Rhia--""What the hell!" Ibinaba ko na ang tawag. Ilang araw ko na ulit siyang hindi nakakausap, alam kong may mali dahil maayos naman kami nung nasa Alsace kami at nung unang mga araw na umuwi ako dito sa Pilipinas.Bigla na lang siyang nanlamig sa akin at sa madalas na pagtawag ko ay isang beses lang niya sinagot yun.Hindi kaya nagtampo siya dahil ang gusto naman talaga niya ay sumama na sa akin pauwi o di kaya ay dahil hindi pa ako nakakabalik dun.Mababaliw na ako sa kaiisip. Ang dami kong tinapos na trabaho dito dahil natambak yun nung umalis kami, pati nga yung pagbubukas ng restaurant ko ay namove na rin ang araw.Masyado ding nag-al
Rhia"SIGURADOka na ayaw mong sumama ako sayo pauwi?" Tanong ko kay Jay habang nage-empake siya ng mga damit.Nagkaroon ng emergency sa Pilipinas. Naaksidente yung pinsan niyang si Caleb at hanggang ngayon at hindi pa raw nagigising ito, nang mabalitaan niya yun ay agad siyang nagpasya na umuwi ng Pilipinas para bisitahin ito."Saglit lang ako dun. Pag maayos na naman si Caleb babalik din ako dito agad." Lumapit siya sa akin at niyakap ako, "Mine, don't worry okay. Alam ko naman na gusto ka ring makasama ng pamilya mo dito hindi ba?"Ngumiti ako sa kanya. Alam ko rin kasing mamimiss ko siya ng sobra, halos dalawang linggo pa lang naman kami dito at isa pa sa nagpasaya sa akin ay ang pagpayag at pagtanggap ng pamilya ko dito sa kanya bilang asawa ko. Kasama na nga dun ang pagtulog na rin namin sa iisang kwarto.Maayos naman sana ang lahat kung hindi lang sa insidente ngayon. Nag-aalala din naman ako para sa pinsan niy
Rhia"WHATthe hell!" Nagulat ako at napabalikwas ng bangon. Nahihilo pa ako dahil sa biglang pagbangon ko. Nakita ko si Grig sa pintuan ng kwarto ko, mabuti na lang at nakakumot ako ng tumayo, "Lianne, what is he doing here?" Tanong ni Grig at itinuro si Jay."He slept here, isn't it obvious?" Sagot ko.Pinanlakihan niya ako ng mga mata, "That is not what I'm talking about!"Napakunot ang noo ko at umiling naman siya, "Get dress then we'll talk outside okay?"Tumango na lang ako sa kanya.Matapos magbihis ay lumabas na ako ng kwarto at nandun si Grig na tumitig sa akin na parang batang may nagawang pagkakamali na alam ko namang hindi mali dahil asawa ko ang nasa kama kong nahuli niyang kasama ko."You know the rules." Umirap ako sa kanya."I'm not a princess Grig nor a slave." Bumuntong-hininga ako, "There's nothing wrong with what you saw, we two are married.""Yes in the Philippines but
RhiaITOna naman. Madilim na naman ang paligid ko kaya ilang minuto akong pumikit ulit. Minasahe ko ang sintido ko.Agad akong nagmulat ng mata at nasilaw ako sa liwanag na nanggagaling sa bintana, tinignan ko si Jay sa tabi ko at hinaplos ko ang mukha niya. Payapa siyang natutulog ngayon. Naalala ko yung kagabi. He was rough, he gave it to me hard and fast pero hindi ko maitatangging nagustuhan ko yun.Naalala ko noon kahit isang halik man lang ay naiinis na ako pero iba na ngayon. Minsan ako na talaga ang nauunang mag-initiate sa kanya, wala namang masama dun dahil asawa ko siya.Sinuklay-suklay ko ang magulong buhok niya sa pagitan ng mga daliri ko. Nagsisimula na ulit humaba yun gaya ng dati. hindi ko napigilan ang sarili ko kaya't hinalik-halikan ko siya sa mukha.Naramdaman kong gumalaw siya at narinig ko rin ang mahinang boses ng pagdaing niya. Alam k