Rhia
NATUTO
akong mag-drive dahil kay Jay. Dahil nga hindi pa ako eighteen kaya student's license muna ang kinuha ko, mas nakilala ko si Jay, mabait din naman siya at maalaga, ramdam ko yung habang tinuturuan niya ako, tinutukan niya talaga ako hanggang sa matuto. Ngayong graduate na siya ay tine-train na siya na para pag pinamana na sa kanya yung business nila ay handa na siya.Minsang nag-usap kami ay sinabi niyang may mga gusto rin siya para sa sarili niya, gaya ng pagtatayo ng sariling business pero hindi raw niya tatalikuran ang tungkulin niya sa pamilya nila bilang isang Simonne, sa mga ganung pag-uusap namin kaya napansin ko na sobrang mayaman sila dahil lagi ngang laman ng mga magazine ang hotel na ipapamana naman daw sa pinsan niyang si Gael, ang Hotel Simonne, meron pa nga silang sariling island na Isla Simonne ang pangalan, isang sikat na designer naman ng mga male clothings ang pinsan niyang si Caleb, laman daw ito lagi ng mga fashion magazines pero may isa silang pinsan na tahimik lang daw, isa na daw itong ulila na nakatira sa parents nung pinsan niyang si Caleb, Shivan Simonne ang pangalan nito o mas kilala sa palayaw na Ivan.
"Susunduin ka ba nung gwapong fafa mo?" tanong sakin ni Archie, isang baklang kaibigan namin, crush ba naman si Jay, minsan kasi ay si Jay na ang nagsusundo sa akin pag coding ang kotse ko. Katulad nga ngayon.
"Iiihhh!" tili niya ng tumango ako sa kanya. "Ang gwafo telege ni fafa Jay," nagpaypay pa siya ng kamay sa sarili na kala mo init na init.
Binatukan siya ni Zyrene kaya napatawa ako. "Tumigil ka ngang talanding bakla ka."
Tumawa ako. "Rhia hindi ba pwedeng ipa-share?"
Umiling ako kaya naman lumungkot ang mukha ng loka. "Kahit isang gabi lang?"
Sinabunutan ko na nga. "Gaga ka talaga sabi ng hindi 'di ba?"
"Aray ko naman! Leche ka yung hairdo ko paano pa ako makakahakot ng lalaki niyan?" tinanggal ko na yung kamay ko sa buhok niya kaya't inaayos niya yung buhok niya. "Wala ba siyang kapatid o ibang gwapong kamag-anak?"
Hindi ako nagulat na hindi nila gaanong kilala sila dahil sabi ni Jay, public lang ang mga business nila pero hindi sila masyadong nagpapakita sa publiko kahit sa mga pictures man lang, for safety purposes daw, natuto na daw sila sa nangyari sa parents ni Ivan, nung bata din daw kasi ito ay ilang beses ng muntik ma-kidnap.
Dahil doon ay mas naging private na sila, laging laman ng mga magazine lang ngayon ang mga business nila at si Caleb nga na pinsan nila pero maging ito ay maingat at laging may mga bodyguards na kasama.
"Meron."
"Sinong pinakagwapo?"
Nagkibit-balikat ako. "Hindi ko pa nakikita yung dalawa. Yung isa pa lang at masasabi ko, lahi sila ng mga gwapo."
"Oh my gosh! Pwede ba akin na lang?" sabay kaming napairap ni Zyrene.
"Asa!" sabi ko, may inilabas ako mula sa aking bag, dalawang envelope sa invitation para sa aking 18th birthday na gaganapin sa Hotel Simonne.
"Ui ang sosy mo bakla!" napatingin samin ang mga tao sa ingay ni Archie kaya sumenyas ako na tumahimik siya. "Sorry, ang sosy naman kasi talaga eh, for sure pupunta ako."
"Ako rin," sagot ni Zyrene.
"Asahan ko yan ah."
"Sino escort mo dun si Fafa Jay?" tanong ni Achie kaya tumango ako.
"Ang gwapo talaga ng boyfriend mo," sambit naman ni Zyrene habang nakatingin sa labas kaya napalingon din ako.
Boyfriend? Yun ba ang tawag sa amin? Boyfriend ko ba siya?
Sa pagkakaalam ko kasi ay fiancé na, pakakasalan, ni hindi man lang nga ako niligawan tapos ang iniisip na agad ng iba boyfriend ko siya?
Kinuha niya yung bag ko at nagpaalam na ako sa mga kaibigan ko, halata pa ang pagkakilig ni Archie kaya hindi rin nakaligtas sa mata ko ng batukan ito ni Zyrene at inambahan naman niya ang isa ng sampal kaso umamba naman si Zyrene ng sapak kaya ang kamay niya ay nag-peace sign na lang sabay ngiti, napatawa ako sa kanila.
"Bakit?" tanong ni Jay nung nasa sasakyan na kami kasi medyo natatawa pa rin ako. Imbes na sagutin ay inirapan ko lang siya.
"Bakit na naman? Ano bang nagawa ko?" nagtatakang tanong niya.
"Wala," nag-cross arms lang ako. "Ihatid mo na lang ako."
Nakita kong umiling-iling siya sabay ngumiti kaya hinampas ko siya. "Aray! Ano bang ginawa ko sayo?"
"Ngumingiti ka na naman!" inirapan ko uilt siya.
"Ano masama bang ngumiti?" yung kaninang ngiti niya ay naging pagtawa na naging halakhak.
"Nakakainis ka talaga!" ang talim na ng tingin ko sa kanya pero parang wala lang para sa kanya.
"Meron ka ba ngayon at ganyan ka?" pinaghahampas ko na siya, ewan ko bakit naiinis na naman ako sa kanya. "Teka sandali, ano ka ba masakit na talaga yan!"
Bago pa man ako huminto ay nahawakan na niya ang mgakabilang kamay ko at doon ko lang nahalata na ang lapit na pala namin sa isa't isa.
Kinabahan ako ulit, yung kaba na matagal ko ng hindi naramdaman sa kanya, ngayon lang ulit, itinulak ko siya kaagad. "Hatid mo na ako please."
"Okay," gaya dati buong byahe namin ay tahimik kami.
"Jay," sambit ko sa pangalan niya pagkabukas niya ng pinto para sa akin. "Sorry."
Nagbigay siya ng tipid na ngiti sa akin. "I want you to be my escort," ibinigay ko yung invitation sa kanya at dun na lumaki yung ngiti niya.
"I thought you wouldn't ask me."
"Bakit may iba pa ba akong ii-invite maliban sayo?" doon parang lumungkot ang mukha niya, "Why?"
"Wala ka naman kasing choice 'di ba?" tumingin siya sa akin na may lungkot sa mukha.
Hinawakan ko yung pisngi niya. "Ikaw ang gusto kong maging escort ko kaya aasahan kita," Humalik ako sa pisngi niya sabay takbo papasok ng bahay, pagkasara ko ng pinto ay sumandal lang ako dun, ang bilis ng tibok ng puso ko, siguro sa pagtakbo o baka sa ginawa ko. Napangiti na lang ako sa sarili ko.
"ILANG taon na kayong magjowa?" tanong sa akin ni Archie habang kumakain kami sa student's lounge. Napaisip ako, ni hindi ko nga talaga alam kung ano kami, hindi naman kami sweet sa isa't isa, hindi namin ginagawa ang mga ginagawa ng magboyfriend.
Binato ako sa mukha ni Zyrene ng isang piraso ng Cheetos, oo nga pala dala nila ito kaya nakakakain ako, mabuti na lang at college na ako. "Uy! Tinatanong ka namin, gaano na ba katagal at parang hindi mo tanda? Siguro hindi mo rin tanda yung monthsary o anniversary niyo ano?"
"Ay girl mahirap yan!" umiling-iling pa si Archie. "Bakit hindi ba kayo nagce-celebrate parang ang boring naman nun! Ang gwapo gwapo ng jowawers mo dapat 'di na pinapakawalan. Ano na gaano na kayo katagal?"
"Almost three years," sagot ko kahit pa ang ibig kong sabihin ay kung ilang taon na simula nung makilala ko siya at nalaman kong fiancé ko nga siya.
"Oh pa eighteen ka pa lang ibig sabihin mga 15 o 16 ka pa lang noon?" tumango ako.
"Ay ang landi! Alam ba ng parents mo nun na may bf ka na kasi di ba sabi mo and I quote I came from a very conservative family,"
natawa ako dahil ilang beses kong nasabi sa kanila yun noon."Oo alam na nila at gusto nga nila si Jay."
"Loka! Sinong hindi magkakagusto dun? I'm sure botong-boto ang parents mo sa kanya."
Umiling-iling ako. "Sinabi mo pa," dinampot ko yung lemonade na nasa harap ko at akmang iinumin ng magtanong ulit si Archie.
"Sa three years na yun nag-sex na ba kayo?" muntik ko ng maibuga sa kanya yung iniinom ko at si Zyrene naman ay napatigil sa pagkain at napatulala lang sa akin na parang naghihintay ng sagot.
Ito na nga ba ang sinasabi ko, as much as possible iniiwasan ko yung mga ganitong usapin pero kung ang kausap mo naman ay ang baklang kagaya ni Archie hindi ko alam kung makakaiwas ka ba talaga.
"Hindi pa," bumalik na ako sa pagkain.
"Kung ako magkaboyfriend ng ganoon ay go buka kung buka!" biglang bumukaka si Archie sa harap namin, yung iba tuloy na estudyanteng dumadaan sa may banda sa amin ay parang naasiwa, pati din naman kami ni Zyrene eh.
"Baliw na ito!" hinampas ko siya.
"Oo nga itong bakla na ito grabe, kung babae ka siguro bata ka pa lang buntis ka na," sabi naman ni Zyrene.
"Kaya nga girl eh buti na lang bakla ako, makakatikim na ako ng lalaki wala pang buntis buntis!" humalakhak naman ito kaya shinootan ko sa bunganga nung papel. "Gaga ito!" pinanlakihan niya ako ng mata at sabay lang kaming tumawa ni Zyrene.
NAHANDA na ang lahat sa birthday ko dahil ang nag-asikaso na para doon ay si Mommy.
Sinundo ako ni Jay, nauna na sila Mommy at ako na lang ang nandito sa bahay ng dumating siya. "Happy birthday Rhia."
Ngumiti ako sa kanya. "Salamat," iniabot niya sa akin ang isang kahon.
Binuksan ko iyon at isa iyong kwintas, kinuha niya iyon at isinuot sa akin. "Beautiful."
Tiningnan ko yun at tumango, isa iyong kwintas na white gold, bumagay sa suot kong red gown, may nakalagay dun na love.
"Salamat ulit Jay," nagulat ako ng yakapin niya ako mula sa likod. Kung may makakakita sa amin ay iisipin talaga nilang boyfriend ko siya, ito ang unang beses na naging ganito kami, sweet kung iisipin.
"Sabi ko sayo noon gusto kita hindi ba?" hindi ako sumagot ni tumango man lang dahil parang ang bilis ng tibok ng puso ko, yung bibig niya malapit sa tenga ko at yung ulo niya na nasa may balikat kong exposed dahil nga sa suot kong gown. "Rhia, mas nagugustuhan pa kita."
Huminga akong malalim at lihim na napangiti. "Ahmm Jay baka naghihintay na sila."
Kinalas na niya yung kamay niya sa akin at inilalayan na ako, ang gwapo ng escort ko, yung suot niyang dark red tuxedo na partner sa suot ko, yung mahaba niyang buhok na naka slicked back na naman.
Nung nandun na kami sa venue which is ang Hotel nila ay binati ako ng mga crew and staff ng hotel, sinabi nila na pagbinuksan na ang pinto ay magsisimula na ako sa paglalakad kasama si Jay na ihahatid ako sa stage.
Pagpasok pa lang ay nagsipagbati na sila ng Happy birthday sa akin, nandun ang ibang kamag-anak namin pati ang pinsan ni Jay na si Gael ay naroroon.
Ang saya ng birthday ko, siguro nga ito ang masasabi kong best birthday celebration so far, ang host ng gabing iyon ay walang iba si Zyrene at si Archie pala, isa pala ito sa surprise nila, akala ko kasi nung binigyan ko sila ng invitation ay wala silang kaalam-alam yun pala ay inilihim nila sa akin ito.
In-announce na nila na kailangan na naming magsayaw para sa cotillion kaya naman inakay na ako ni Jay at sa gitna ng dance floor kasama pa ang iba ay isinayaw niya ako, nakangiti lang kami sa isa't isa habang sumasabay sa musika.
Matapos iyon ay nagsipagkainan muna ang mga bisita. Ikinuha ako ng pagkain ni Jay at magkatabi kaming kumain habang nagtitinginan lang. "May sasabihin ka ba sa akin?"
Umiling lang siya sa akin at ngumiti. Halos isang oras din ang lumipas ng mag-announce si Archie na may little game daw, magtatanong sila ng mga bagay tungkol sa akin at kung sino ang makasagot ay may prize daw. Nagtawanan naman ang mga tao dahil walang masyadong umaakyat ng stage kundi puros si Rain lang.
"Ay girl paanong hindi mo masasagot yan eh kapatid mo, give chance to others ang yaman mo na hinahakot mo pang prize rito," pagbibiro ni Archie sa kapatid ko.
"Ganoon talaga ang maganda," sagot ni Rain.
"Anong kinalaman ng mukha aber?"
"Wala maganda ako yun lang yun," tawanan ulit ang guest at maging ako, si Jay naman ay minsan nahuhuli kong nakatitig sa akin tapos paglilingon ako sa kanya ay bigla siyang titingin sa stage pagkatapos ay pakunwaring nanonood o sasabay sa palakpakan.
Sinundo ako ni Archie sa baba ng stage at pinapunta ulit sa gitna ng stage sa harap ng maraming bisita, sinabi niya sa mga coordinator na i-gather na ang mga kasali sa 18 candles at treasures ko.
Isa-isang nagbigay ng message, wishes at meaning of gifts ang mga kasali, sa iba nga ay naluluha pa ako lalo na nung si Mommy na ang nagsalita pero bawing-bawi lahat ng luha nung si Rain na.
"Ate ahmm alam mo naman na mas maganda ako kaysa sayo kaya ito ang gift ko mga pampaganda para naman medyo pumantay ka kahit man lang kalahati ng kagandahan ko kasi napag-iiwanan ka na eh," nagtawanan ang mga tao.
Nagsalita ako sa pamamagitan ng mic. "Kaninong debut ba ito ah? Birthday na birthday ko ipahiya ba?"
"De joke lang naman ate, ikaw naman can't accept the truth?" tawanan ulit ang mga tao, "Pero seriously alam mo naman na ikaw ang best friend ko kaya ito."
May nag-abot sa kanya ng isang paper bag, laman nun ang isang box, iniabot niya sa akin yun, "Hindi ito cellphone ah," binuksan niya yun at may pinindot. "This is a sony digital voice recorder with mp3 player, I know that you like music and you also love talking to yourself."
Namula ako sa sinabi niya, kilalang kilala talaga ako ng kapatid ko, mas kilala pa yata namin ang isa't isa kumpara kay Mommy. "Yes, I've heard you talked to me many times especially when you thought I'm already asleep, I've also seen and heard you talking to the car keys that Kuya Gwapo gave you so para hindi ka na magmukhang tanga pa, you can at least record stuff right here."
Tinuro-turo ko siya habang nakangiti na naniningkit ang mga mata, ibuking ba daw ako sa harapan ng maraming tao. "Pero ate I just want you to know that I will always be here for you, I love you at walang makakapagbago noon, I will always be your kakampi and whenever you need me I am just a call away, you can count on me the same way that I know I can count on you. I love you Ate!"
Lahat ng tao ay na-touch sa kanyang message, yumakap siya sa akin at iniabot ang gift niya, meron ng nakarecord dun at yun nga ay ang mga sinabi niya kani-kanina lang. Sumunod na ay ang 18 roses at ang tugtog ay life of the party, ang unang nagsayaw sa akin ay si Papa, sumunod ang iba kong pinsan at tito, kasali din dun si Archie at si Gael na pinsan ni Jay at ang pinakahuli ay si Jay mismo.
Kitang-kita ko na parang kinikilig ang mga tao sa aming dalawa. Nang matapos iyon ay sumunod ang number na ipe-perform ko sa harap ng mga bisita ko, I started playing The Script's "Never Seen Anything Quite Like You" yung kanta nung sinayaw ako ni Jay sa prom night, I was surprised to hear a male voice singing with me, si Jay at ngumiti lang ako sa kanya.
"This was the song that played when we first met and danced but before anything else, itong pagkakataon na ito ay para sa alam kong pinakamahalagang lalaki para sayo," ngumiti siya at bumaba ng stage, nagtaka ako ng saglit nang may kasabay na ulit akong kumanta, it was my father at agad na tumulo ang luha sa mga mata ko.
Nang matapos ang kanta ay yumakap ako sa kanya. "I love you Dad."
"I love you too anak," humawak siya sa kamay ko. "Hindi naman kasi ako nakabigay ng message sayo kanina so let me take this chance to tell you that I'm so proud of you," mas lalo tuloy akong naiyak sa sinabi ni Dad. "I remember when you were still a little girl playing with your younger sister, I would often chase the two of you at marinig ko lang yung tawa niyo noon masaya na ako."
Pinunasan ni Daddy yung mga luha ko at parang nagka-crack na rin ang boses niya. "You are so beautiful tonight at pasensya na kung naging sobrang higpit namin sa inyo dahil sobrang mahal lang namin kayo, we wanted to make sure that you marry the right guy, andami naming gustong ibigay sa inyo at hindi ko na napansin na dalaga na pala kayo. Sorry sa mga oras na wala kami sa tabi niyo but we made sure that you get to have things that you need, hindi namin kayo pinalaki sa luho at ngayon nga lang college ka nagkaroon ng medyo kalayaan at masaya kami para sayo Rhia."
Tumulo na rin yung luha ni Daddy. "Kahit na malaki ka na, don't forget that you are still Daddy's little girl, kayo ni Rain, sa amin ng mommy niyo you two will forever remain our babies, kahit na magkaroon na kayo ng sariling buhay at pamilya lagi niyong tandaan na mahal namin kayo."
Tumango-tango ako at yumakap kay Daddy, nagpalakpakan naman ang mga guests, akala ko ay ako na ang magi-speech pero sabi ni Mommy na magpaparty muna kaya tumugtog ang DJ ng kanta, sabi nila thirty minutes lang daw at magpahinga muna kami.
Inakay ako ni Jay sa labas ng Hotel, sa may poolside garden, ang ganda ng night light ng pool kaya naupo muna kami sa isa sa mga bench sa malapit.
"Nag-enjoy ka ba?" tanong niya kaya tumingin ako sa kanya sabay ngiti.
"Best birthday celebration so far."
"Kaya nga eh, kanina ko pa napapansin na sobrang saya mo."
"That's 'cause I really am so happy right now."
"Rhia," tawag niya sa pangalan ko kaya lumingon ako sa direksyon niya. "Happy birthday ulit."
"Salamat," tinignan ko ang oras it's 11:59 pm, isang minuto na lang ay tapos na ang birthday ko, "Ah Jay kailan nga pala ang birthday mo? Alam mo kahit kailan kasi hindi mo nasabi yun at kahit kailan wala pa akong nabigay na gift sayo sa birthday mo."
Tumingin siya saglit sa akin at tumingin sa wrist watch niya, 12:00 am.
"It's already my birthday," sabi niya sabay ngiti sa akin. Nanlaki ang mga mata ko.
"Magkasunod lang ang birthday natin?" tumango siya. "Ilang taon ka na?"
"Twenty-one."
"Debut mo rin pala," biro ko sa kanya. "Happy birthday. Yan akong unang bumati sayo para naman makabawi ako sa iyo."
"Thank you," tipid na sabi niya pero maya-maya ay ngumiti sa akin ng mapagbiro. "Gift ko nga pala?"
Inirapan ko siya. "Gusto mo balik ko sayo yung necklace na ito?" sabi ko sabay hawak dun sa niregalo niyang kwintas.
Tumawa siya. "Hindi pwede yan, yan ng regalo ko sayo eh."
Natawa rin ako. "Ano yun?" tanong ko sabay turo sa malayo at napalingon naman siya.
"Saan?" hahalik na sana ako sa pisngi niya kaso bigla siyang humarap kaya napaatras ako.
"S-sorry," sabi niya pero ngumiti lang ako, and right there I kissed him on the lips.
It was just a chaste kiss. "Happy Birthday," tumawa na ako at iniwan siyang parang naengkanto lang dun. Nang nasa malayo na ako ay sumigaw ako sa kanya. "Bumalik na tayo sa loob!" doon siya parang natauhan at sumunod sa akin.
Pagbalik namin ay sakto lang, hinila na ako ni Zyrene para daw sa blowing of candles at thank you speech ko. Pagkatapos kong magwish at i-blow ang candles ay nagpasalamat na ako sa lahat ng pumunta, sa mga kaibigan ko, sa mga relatives, kayla Archie at Zyrene, kay Jay, sa mga kapamilya niya at sa pamilya ko, sa mga staff, crew, coordinator at sa iba pang tumulong na i-organize ko ang birthday party na ito.
Akala ko ay tapos na pero maya-maya ay umakyat ng stage si Mommy at hiniram ang microphone sa akin, nagtataka man ay ibinigay ko na lang, iniisip ko baka magpapasalamat lang siya sa mga guest.
"Salamat po sa inyong lahat na pumunta sa 18th birthday ng aming anak na si Rhianelle Angeles. Salamat sa time niyo and let me take this opportunity to announce the forthcoming wedding of our daughter Rhianelle Angeles to Jared Yael Simonne, invitations will follow, once again thank you," napatulala ako habang bumababa ng stage si Mommy.
Yung iba kong mga kaibigan ay nagulat at kahit si Rain, lumapit sa akin si Archie. "Ui friend ikakasal ka na pala kaka 18 mo pa lang, kailan?"
Umiling-iling ako kasi maging ako hindi ko rin alam, tumingin ako kay Jay at nagbigay siya sa akin ng tipid na ngiti.
Maging ako kay naguguluhan sa mga nangyayari, lumapit sa akin si Rain at sinabi ko na gusto ko ng umuwi, ang ibang tao ay nagkakasiyahan pa rin at sumasayaw pero umalis na ako, nasa labas na kami at pasakay na ako ng kotse ay pinigilan ako ni Jay. "Rhia."
Tumingin sa amin si Rain. "Sige na kaya ko na ito," pumasok siya ng kotse at isinara ang pinto.
"Jay, may alam ka ba rito?" tanong ko, tumango siya. "Kailan ang kasal?"
"A month from now," halos mapamura ako sa sagot niya. Ganun kabilis?
"Kailan mo pa alam?"
"Dati pa, nung pagkatapos ng graduation ko, ilang araw matapos yun sinabi na ni Papa sa akin," hindi ko na napigilan ang inis ko kaya nasampal ko siya.
"Jay lagi tayong magkasama ni isang beses wala ka namang binanggit sa akin," ikinuyom ko ang kamao ko. "Ano ito ginawa mo akong tanga? Na ako mismo sarili kong kasal hindi ko alam na isang buwan lang pala matapos ang debut ko? Jay andaming pagkakataon na pwede mong sabihin sakin."
"Rhia..." nakita ko yung lungkot sa mata niya at parang nagmamakaawa.
"Saka na tayo mag-usap, happy birthday na lang," sabi ko at pumasok na ng kotse, kagabi lang ay napaka-magical pero ilang minuto pa lang matapos ang birthday ko ay ito na agad ang nangyari, umiyak ako ng umiyak sa kotse habang si Rain ay nakayakap sa akin.
Kaya pala ganun na lang yung message ni Daddy sa akin na parang malalayo ako sa kanila, kaya pala.
Rhia "IKAKASALka na Ate. Maiiwan na akong mag-isa rito sa kwarto," malungkot na sabi ni Rain, ilang araw na ang lumipas mula nung debut ko pero parang pareho pa rin kaming gulat at hindi matanggap ang nangyayari. "Ganun ba sila kaatat na ikasal ka?""Ewan ko. Hindi ko naman sila tatakbuhan eh, wala naman akong ibang sinasabi. Payag na nga ako eh pero hindi ko inisip na ganun kabilis Rain," napahawak ako sa buhok ko at ginulo. "Mababaliw na yata ako Rain, apat na araw na akong hindi pumapasok kasi ayokong kulitin din ako nila Archie at sigurado akong yung ibang kaibigan namin alam na rin yun. Hindi ko alam kung ano rin bang isasagot ko sa kanila."Yumakap sa akin yung kapatid ko. "Sorry Ate wala akong maitulong sayo."Tinignan ko siya at ngumiti ako ng tipid. "Wala ka namang kasalanan rito eh."ANG mahirap pag gali
RhiaKAMIna ni Jay? Ang saya-saya kanina, nalito kasi ako sa tanong niya, pakiramdam ko mababaliw na ako. Kung kailan pa isang linggo na lang bago kami ikasal doon pa naging kami officialy.Ang weird talaga at yung kanina. Hinayaan ko siyang halikan ako at hindi lang basta halik kundi pinayagan ko rin siyang hawakan yung dibdib ko. Geez! Ano na bang nangyayari sa akin? Napahawak ako dun sa labi ko at naisip ko na naman yung nangyari kanina.Tama ba yun? Nagpahalik ako sa kanya, ok lang naman yata kasi magiging asawa ko na siya. Gumulong ako sa kabilang dulo ng kama at napakagat-labi, kanina kung hindi lang nag-ring yung phone ko kasi tumawag si Mang Leo, bakit daw may missed call ako sa kanya? Sa tingin ko hindi pa dapat eh, una kasi yung batang kumatok tapos si Mang Leo tapos hahalik pa sana ulit siya sa akin eh kaso si Rain naman yung tumawag na na umuwi na daw ako kasi dumating na
RhiaTODAY is the big day. I am really getting married. Hindi ito isang panaginip lang at ilusyon, nasa isang kwarto ako at katatapos lang ayusan. May kumatok sa pinto at binuksan ito ng ibang kasali sa pag-aayos sa akin.Sila Rain at Zyrene, "Ang ganda mo namang bride." Napangiti ako sa papuri ni Zyrene. Kita ko naman sa mga mata ni Rain ang pagkalungkot."Rain?" Nagbigay siya ng tipid na ngiti sa akin. Lumapit ako sa kanya at yumakap, narinig ko ang bahagyang paghikbi niya, "Ssshhh tigil na mamaya mabura pa make up mo, ayokong mag-iyakan tayo dito, kasal ko hindi lamay ah." Pagbibiro ko."Sorry Ate ah, kasi kahit ako hindi pa handa na ibigay ka." Natawa ako sa sinabi niya."Little sister hindi naman ako mawawala eh." Nagpout siya kaya tinampal ko ang noo niya."Basta 'wag ka munang magbe-baby ah.""Sira ka talaga!" Ngumiti na siya sa akin, "Sige na baka hinahantay na tayo ng Kuya Gwapo mo o baka gusto mo lang isabotahe kasa
RhiaISANGlinggo na rin kaming kasal ni Jay at kahit papano ay maayos naman ang pagsasama namin, wala pa ring nangyayari sa akin at hindi naman niya ako kinukulit sa bagay na yun."Kamustang bagong kasal?" Narinig kong sabi ni Zyrene na kasama si Archie, siguro kasi ay magbabayad na rin sila ng tuition fee for next sem dahil next week lang ay balik school na naman. "Kamustang honeymoon?""Ui girl malaki ba?" Hinampas ko nga sa noo si Archie sa lakas ng boses."Pinagsasabi mo diyan? Ikaw ah may atraso ka pa na yung ginawa mong wedding gift ay PT kit tapos ganyan ka pa." Inis na sabi ko, tumawa lang sila parehas. Sinundan sundan pa ako ng dalawa para kulitin pero nung huli wala din naman silang napigang impormasyon sa akin.~~~~"Busy?" Tanong ko Jay habang nakatutok siya sa laptop niya, lumingon siya sa akin ang ngumiti."Medyo." Ibinaba ko ang kape sa tapat niya, "Thank you Misis ko." Kumindat pa siya s
Rhia"HOYblooming siya!" Bati sa akin ni Archie pagpasok ko sa school matapos ang halos dalawang araw na di ko pagpasok dahil sa sakit ng katawan at ng ano ko. Basta alam kong alam niyo na yun eh. "Girl huwag mo sabihing nadiligan ka na kaya di ka pumasok kasi bitin." Tumili-tili pa siya kaya tinakpan ko na yung bibig, ang ingay-ingay niya kasi nakakahiya."Huwag mong sabihin na may pinoproblema ka na naman kaya ganun?" Tanong naman ni Zyrene.Tinanggal na ni Archie yung kamay ko sabay harap kay Zyrene, "Ateng kung may problema yan kanina pa busangot o parang nilamukos ang mukha niyan, eh kita ng nasa malayo pa lang pang close up commercial na ang smile, napaka nega nitong chaka na ito.""Chaka ganun?" Sinabunutan nito si Archie kaya natawa ako."Aray ateng mas maganda pa ang hair ko kaysa sa fes mo kaya wag mo sirain yan naku!""Ang arte mong bakla ka." Sabi ko dito."At aba si Ateng absenera makama ar
RhiaTINIGNANko si Jay habang mahimbing pa rin siyang natutulog, humalik ako sa pisngi niya bago nagbihis at lumabas ng hotel room namin.Pumunta ako dun sa poolside garden kung saan kami nag-usap noon ni Jay, yung debut ko at kinabukasan ay birthday niya, napapangiti ako pag naiisip yun, yung gift ko pa kasi sa kanya noon ay kiss. Wala pang katao-tao dahil siguro maaga pa."Alam mo ba nandito yung isa sa mga Simonne, yung si Jay Simonne daw, yung ano poging model nung Simonne Clothings. Ang gwapo niya grabe." Rinig kong boses nung isang babae sa di kalayuan, napalingon ako at nakita ko siya at dun ko nalaman na isa siya sa mga hotel staff, may kasama siyang isang lalaki na alam kong katrabaho niya base sa uniform na suot nito."Eh di ba may asawa na yun? Balita ko kasama rin niya yung asawa niya kaya magtigil ka nga, kinikilig ka pa diyan." Sagot naman nung lalaking kausap nito, tama nga naman, pagnanasahan niya pa yung as
RhiaIBINABAniya ako at itinulak palayo, "Shit! Why did I even kiss you?" Sabi niya sabay tinampal ang noo. Nasaktan ako sa sinabi niya."Jay." Lalapit pa sana ako pero lumayo lang siya, ibang Jay na ang nasa harap ko ngayon, hindi lang ang itsura niya ang nag-iba, ang dating mahabang buhok ay maikli na lang ngayon pati ang paguugali at paraan ng pagtrato niya sa akin, hindi na siya yung Jay na sweet, maalaga, malalahanin at higit sa lahat yung Jay na mahal na mahal ako, ang nakikita ko na lang ngayon ay yung lalaking galit sa akin."Shut up Rhia! Sinabi ko na di ba, umalis ka na!""Jay, hindi ka man lang ba makikinig sa akin?""Anong dapat kong pakinggan? Kung paano ka nabuhay sa ibang bansa nung iniwan mo ako? Save it for yourself Rhia, dapat noon pa sinabi mo na yang mga sinabi mo nung gusto ko pang marinig, hindi na ngayon.""Jay please, patawarin mo ako, I will make it up to you.""Rhia
Jay"HINDImo kasi ako naiintindihan." Hindi ko siya naiintindihan? Yan ang sasabihin niya sa akin matapos niyang mawala ng limang taon. Ibig sabihin ako pa palang may kasalanan nito? Kung bakit niya ako iniwan?"Hindi kita naiintindihan Rhia? Hindi ba ilang beses kitang inintindi, pilit kitang inintindi kahit p*t*ngin*ng gulong-gulo na ako!" Hinampas ko ang noo ko ng palad ko, "Ikaw Rhia? Ginawa mo bang intindihin ako? Hindi di ba kasi selfish ka! Puros na lang ikaw, ikaw at ikaw ang iniisip mo! Iniwan mo ako hindi para sa akin kundi para sa sarili mo, sa mga pangarap mo na sa tingin mo hindi mo matutupad kung kasama ako di ba? Kaya dinispatsa mo ako di ba? Sumama ka sa ibang lalaki!""Hindi mo alam ang buong kwento Jay! Hindi mo naiintindihan ang nararamdaman ko!"Lumapit na ako sa kanya at tinuro ang sarili ko, "Eh ako? Alam mo ba kung anong naramdaman ko nung iniwan mo ako?
Jay Ican see Rhia crying right now. Tinititigan ko lang siya habang nakatitig sa malaking monitor sa kasal namin ngayon. Yung laman ng USB na tinago ko sa kanya ang nagpi-play ngayon. Lumapit ako sa kanya pero tinampal niya ang balikat ko, "Bakit ngayon lang?" Niyakap ko na siya. "Bakit ngayon pa sa kasal natin?" Umiiyak siya sa bisig ko, "Nakakainis ka naman eh, baka ang pangit ko na eh." Natawa ako sa sinabi niya, maging ang Mommy niya na karga-karga si Janelle at si Rain ay umiiyak din, may iilang bisita kaming galing ng Pilipinas ang naiiyak din. Yung kasal namin ay ginanap pa rin sa Alsace gaya ng naunang plano na namin at ang mga naimbitahan lang ay yung mga taong malalapit sa amin gaya ng mga pinsan ko at asawa nila. Sa mismong Vauclain castle ito ginanap at para kaming mga prinsesa at prinsepe sa mga suot namin dahil ito na rin ang napili naming theme na babagay para sa lugar na i
RhiaWELLI guess hindi ko na kailangang malaman pa ang sasabihin ni Jay dahil sa paraan pa lang ng pagkakahalik niya sa akin ngayon ay alam ko na, "I miss you wife." He said in between kisses.Hindi ko namalayan na nakalapat na pala ang likod ko sa wall art na kanina lang ay tinitignan namin, "Jay." Napatingin ako sa paligid, kokonti na lang ang tao pero ayoko naman na makaagaw ng pansin, "Huwag dito." Hinila niya ako papunta sa isang kwarto at tumigil sabay tingin sa akin."May tao nga pala sa loob." Nangunot ang noo ko."Tao?" Lumayo ako sa kanya,"Huwag mo sabihing may dinala kang iba?""What?" Napasigaw na siya, "Hindi! Si Caleb kasama niya si Tracy.""Tapos?""Alam mo na yun." Sabi niya na parang natatawa pa at doon ko lang na-gets ang ibig sabihin."Hindi ba?" Sabay na rin kaming tumawa.~~~~~Isinama niya na ako pauwi sa bahay niya, sandali lang, kung iisipin bahay na rin nami
JayANGtagal na simula nung magkita kami at hanggang ngayon hinihintay ko pa rin siya.I'm giving Rhia the time to heal. Hindi ko kasi alam kung makakabuti ba sa kanya na nandun ako pero sinisiguro ko naman na maayos siya, sila ng anak ko.Kinausap ako nung Daddy niya, nalaman ko nun na siya na ang magdo-donate para kay Rhia at nalaman ko rin nun na may malala siyang sakit.Ang hirap-hirap lang sa kalooban ko na wala akong makagawa para sa mga taong importante sa akin, una kay Caleb na naka-coma, pangalawa kay Rhia at sa kundisyon niya noon, pangatlo kay Daddy na tumayo ng pangalawang ama ko at unti-unting pinapatay ng cancer.Nung makita ko siya sa hospital bed awang-awa ako sa itsura niya na parang gusto ko na lang ipikit yung mga mata ko para hindi ko makita, malaki yung pinayat niya at alam kong pagod na rin siya sa pakikipaglaban sa sakit niya."Jay alam ko naman kaya mong gawin ito pero sasabihin ko
RhiaHINDIko mapigilan ang sunod-sunod na pagdaloy ng luha ko.Just when I thought I am in the worst situation now hindi pala."Dad, we can't let you go." Sabi ko sa kanya habang hawak ko ang kamay niya.Isa din sa inilihim nila Rain at Mommy sa akin ay ang kundisyon ni Daddy. Sabi nila nasa business trip siya pero ang totoo matagal na siyang nandito sa ospital.Nung araw na umalis kami papuntang France, yun din daw yung araw na dinala ni Mommy si Daddy sa ospital, matagal na siyang nandito pero hindi nila sinabi sa akin dahil ayaw nilang mag-alala ako.Nung una si Mommy lang ang nakaalam pero dahil sa napansin na rin ni Rain na hindi na pumapasok si Daddy ay naghinala na siya. Ayaw pa sana nilang sabihin sa akin ang kalagayan ni Daddy dahil alam nila na mas lalo akong malulungkot at alam din nila na buntis ako.Kung pa siguro hiniling ni Daddy na makausap ako ay itatago nila talaga ito sa akin. Isa din
JayKAILANGANmalaman ng pamilya ni Rhia ang tungkol sa kalagayan niya dahil mas mahihirapan akong sabihin sa kanila yung kung mas patatagalin ko pa pero bago ko magawa yun kailangan ko munang sabihin na kay Rhia na matagal na rin niya akong kasama para maiuwi ko na siya sa Pilipinas.Tungkol naman sa resulta ng test sa akin, kung sakali man na magkamatch kami ng cornea ni Rhia ay mabuti ng kasama niya ang pamilya niya at sa Pilipinas gagawin ang surgery dahil may mga magagaling na doctor naman na kayang gawing successful yung magiging operasyon.Nakatayo lang siya ngayon sa terrace. Kung iisipin para siyang nakatingin sa kawalan pero alam ko na may malalim siyang iniisip. May dala siyang tasa, umupo siya at inilapag iyon sa tabi niya.Nakita ko ang pangungunot ng noo niya ng lumuhod ako sa tapat niya para pagmasdan siya. Natabig ng kaliwang kamay niya yung tasa kaya sa pagkagulat ay nasalo ko yun, nagulat ako ng hawakan niy
JaySOBRAna ang pag-aalala ko para kay Rhia. Alam kong may mga itinatago siya sa akin."Grig please tell me!" Ilang beses ko ng nasisigawan ang pinsan niya sa telepono dahil alam kong maging siya ay marami ding itinatago sa akin."I'm sorry Jay but I promised Rhia--""What the hell!" Ibinaba ko na ang tawag. Ilang araw ko na ulit siyang hindi nakakausap, alam kong may mali dahil maayos naman kami nung nasa Alsace kami at nung unang mga araw na umuwi ako dito sa Pilipinas.Bigla na lang siyang nanlamig sa akin at sa madalas na pagtawag ko ay isang beses lang niya sinagot yun.Hindi kaya nagtampo siya dahil ang gusto naman talaga niya ay sumama na sa akin pauwi o di kaya ay dahil hindi pa ako nakakabalik dun.Mababaliw na ako sa kaiisip. Ang dami kong tinapos na trabaho dito dahil natambak yun nung umalis kami, pati nga yung pagbubukas ng restaurant ko ay namove na rin ang araw.Masyado ding nag-al
Rhia"SIGURADOka na ayaw mong sumama ako sayo pauwi?" Tanong ko kay Jay habang nage-empake siya ng mga damit.Nagkaroon ng emergency sa Pilipinas. Naaksidente yung pinsan niyang si Caleb at hanggang ngayon at hindi pa raw nagigising ito, nang mabalitaan niya yun ay agad siyang nagpasya na umuwi ng Pilipinas para bisitahin ito."Saglit lang ako dun. Pag maayos na naman si Caleb babalik din ako dito agad." Lumapit siya sa akin at niyakap ako, "Mine, don't worry okay. Alam ko naman na gusto ka ring makasama ng pamilya mo dito hindi ba?"Ngumiti ako sa kanya. Alam ko rin kasing mamimiss ko siya ng sobra, halos dalawang linggo pa lang naman kami dito at isa pa sa nagpasaya sa akin ay ang pagpayag at pagtanggap ng pamilya ko dito sa kanya bilang asawa ko. Kasama na nga dun ang pagtulog na rin namin sa iisang kwarto.Maayos naman sana ang lahat kung hindi lang sa insidente ngayon. Nag-aalala din naman ako para sa pinsan niy
Rhia"WHATthe hell!" Nagulat ako at napabalikwas ng bangon. Nahihilo pa ako dahil sa biglang pagbangon ko. Nakita ko si Grig sa pintuan ng kwarto ko, mabuti na lang at nakakumot ako ng tumayo, "Lianne, what is he doing here?" Tanong ni Grig at itinuro si Jay."He slept here, isn't it obvious?" Sagot ko.Pinanlakihan niya ako ng mga mata, "That is not what I'm talking about!"Napakunot ang noo ko at umiling naman siya, "Get dress then we'll talk outside okay?"Tumango na lang ako sa kanya.Matapos magbihis ay lumabas na ako ng kwarto at nandun si Grig na tumitig sa akin na parang batang may nagawang pagkakamali na alam ko namang hindi mali dahil asawa ko ang nasa kama kong nahuli niyang kasama ko."You know the rules." Umirap ako sa kanya."I'm not a princess Grig nor a slave." Bumuntong-hininga ako, "There's nothing wrong with what you saw, we two are married.""Yes in the Philippines but
RhiaITOna naman. Madilim na naman ang paligid ko kaya ilang minuto akong pumikit ulit. Minasahe ko ang sintido ko.Agad akong nagmulat ng mata at nasilaw ako sa liwanag na nanggagaling sa bintana, tinignan ko si Jay sa tabi ko at hinaplos ko ang mukha niya. Payapa siyang natutulog ngayon. Naalala ko yung kagabi. He was rough, he gave it to me hard and fast pero hindi ko maitatangging nagustuhan ko yun.Naalala ko noon kahit isang halik man lang ay naiinis na ako pero iba na ngayon. Minsan ako na talaga ang nauunang mag-initiate sa kanya, wala namang masama dun dahil asawa ko siya.Sinuklay-suklay ko ang magulong buhok niya sa pagitan ng mga daliri ko. Nagsisimula na ulit humaba yun gaya ng dati. hindi ko napigilan ang sarili ko kaya't hinalik-halikan ko siya sa mukha.Naramdaman kong gumalaw siya at narinig ko rin ang mahinang boses ng pagdaing niya. Alam k